Eros' POVKANINA pa ako nakaupo sa tabi ng puntod ni Strawberry. After I went to my parent's house, I tried calling Dianne's phone but I can't reach her. Wala siya sa bahay, wala rin siya sa mga bar na madalas niyang puntahan. Hindi ko siya mahanap, kaya dito ako dinala ng mga paa ko."Natatakot ako. Paano kung akin ka? Paano kung ako nga ang ama mo?"Mabilis kong pinahid ang isang luhang tumakas sa pisngi ko. Hindi ko kaya. Mas gugustuhin ko pang malaman na anak ni Dianne sa ibang lalaki ang batang ito... kaysa maging akin."Please, don't be mine. Hindi ko kayang harapin ang totoo... na baka ako nga ang pumatay sa iyo. Please."Sumikat na ang araw pero hindi pa rin ako umaalis sa tabi ng puntod niya. Bago pumunta rito, ipinadala ko ang video sa kakilala kong eksperto sa ganoong bagay. Inaalisa pa nito kung totoo ang bidyo ni Dianne o hindi. Whatever the result is, tanggap ko na ang mga pagkakamali ko.Ako ang rason kung bakit nawalan ng anak si Dianne. Ako rin ang rason kung bakit ni
Eros' POV"Kumusta ka na, anak? It's been a week since the last time I came here. Sorry kung ngayon lang dumalaw si Papa."Nilapag ko ang isang plastic tupperware ng fresh strawberries na galing pa sa Baguio, kasama ang red wine bottle, wine glass at isang bilaong order ng gisadong bihon."I brought your mama's favorite gisadong bihon with a lot of atay ng manok, carrots and cabbage."Ngumiti pa ako habang binubuksan ang paper bag kung nasaan ang strawberry stuffed toy na gustong makuha noon ni Dianne sa isang claw machine."Kalahating taon ko itong trinabaho, anak." I placed the strawberry stuffed toy next to her grave.Nagsimula akong kumain ng bihon at uminom ng red wine. Araw-araw akong dumadalaw rito mula noong umalis si Dianne. Ngayon ko lang hindi nagawa dahil sa sobrang dami ng trabaho sa opisina.Alam kong wala akong karapatan na pumunta rito at dalawin ang anak namin. Ako mismo ang dahilan kung bakit nawala sa amin si Strawberry. Pero kung hindi ko gagawin ito, pakiramdam ko
Eros' POVABALA na sa pagkain sina Matthias at Dianne, pero ako, tulala pa rin sa babaeng nakangiti at malambing na nakikipag-usap sa matandang lalaking kasosyo ko sa negosyo.Hindi ko mapigilang hindi titigan ang maamong mukha ni Dianne. Ang laki na nang ipinagbago nito, maging ang paraan nang pagngiti niya ay ibang-iba na rin. But I can't help not to stare at her. God, she's gorgeous. Breathtakingly beautiful.And I missed her. I missed her so much."Is my fiancée too beautiful, Mr. Lacsamana? I can't help but notice that you keep staring at her."Nakuha ni Mr. de Dios ang attention ko sa sinabi nito, pero nang lingunin ako ni Dianne ay mabilis na natuon muli sa kaniya ang paningin ko.Ibang-iba na rin kung tumingin ang mga mata niya. Wala na ang galit at pagkasuklam sa mga iyon na nakikita ko noon bago siya umalis. Maging ang pagmamahal na unang sumisilip sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ay naglaho na rin. I am now like a stranger in her eyes."Yeah, she's beautiful."Natigil
Dianne's POVPUMASOK ako sa malawak na dining room ng mansion ni Matthias. Naabutan ko siyang kumakain ng breakfast sa harap ng mahabang mesa.Humalik ako sa pisngi niya bago naupo sa katabi niyang silya. "Good morning, darling.""Bakit hindi ka umuwi kagabi? Where have you been?""I'm at the bar. Kasama ko si Pia. Nalasing kami pareho kaya doon na kami natulog."Pinitik nito ang dalawang daliri kaya mabilis na pumasok sa loob at lumapit sa amin ang isang katulong."Ipaghanda mo ng hangover soup ang darling ko. Ihanda n'yo rin ang paborito niyang pagkain."Napangiti ako sa narinig. "Thank you, darling. You're so sweet.""Anything for you."Nag-usap kami tungkol sa plano kong pagpapatayo nang ilan pang bar at sa binabalak ko na gawin si Pia bilang tagapamahala."Mas mabuti ngang siya ang pagkatiwalaan mo pagdating sa mga bar mo dito sa Pilipinas. Ang gusto ko, pagkatapos ng kasal natin, mananatili ka lang sa Greece."Natigilan ako sa pagkain dahil sa narinig. Napatingin ako kay Matthia
Dianne's POVNAKAUPO pa rin ako sa deck chair at nagpapabilad sa araw nang lapitan ako ni Matthias. Hindi na ako nag-abalang bumangon nang umupo siya sa gilid ng silya at marahang kinuha ang isa kong paa.He looked at me with pure lust in his eyes. Like he saw something na matagal na niyang gustong makuha. Napangiti ako nang marahan niyang hinimas ang paa ko at sinimulan itong halikan patungo sa aking hita."Napakaganda mo, Dianne.""I know, darling."Natawa siya sa sagot ko. Maya-maya ay naglabas siya ng kahon mula sa likuran niya. Katamtaman ang laki no'n at mukhang mamahalin na naman ang laman.Pamilyar na ako sa ganitong eksena. Ito ang laging ginagawa ni Matthias kahit noon pa. He's been showering me with expensive gifts and flowers. Noong first monthsarry namin, he even bought me a white horse for a gift. Pinangalanan ko itong Bucket at iniwan sa Greece.Binuksan niya ang kahon at bumungad sa akin ang necklace na may malaking blue diamond heart pendant.Napangiti ako. "For me? O
Eros' POVNAGNGINGITNGIT ang kalooban ko habang nakatingin sa pinto ng private office ni Matthias kung nasaan silang dalawa ngayon ni Dianne.God knows kung ano ang ginagawa nilang dalawa sa loob. Gusto kong katukin ang pinto para lang istorbohin ang mga ito at mapigilan sa kung ano man ang ginagawa nila, pero hindi ako makaalis dahil sa pangungulit ni Pia.Damn it! Kanina ko pa gustong lapitan si Dianne pero hindi ko magawa dahil sa babaeng ito."Wala ka bang balak mag-asawa ulit, Eros? If you're hiring a new wife, I'm always available. Kahit walang suweldo, basta sa gabi ang trabaho."Napatingin ako kay Pia sa sinabi niya. Nakangiti siya sa akin—ngiting nang-aakit.Hindi ko alam kung bakit sa halip na ma-turn on ako, gusto ko pang kilabutan sa mga pinagsasabi niya.Biglang bumukas ang pinto ng private office ni Matthias. Napatayo ako nang makitang lumabas silang dalawa."Kailangan kong umalis sandali. I have an emergency meeting at the office. I'll be back before nightfall."Natuwa
Dianne's POVABALANG nagtatrabaho ang mga tao sa garden dahil dumating na ang mga magpaplano at mag-aayos ng party na gaganapin bukas ng gabi.Nakatayo kami ni Pia sa isang tabi habang pinapanood ang mga ito. Panay kuwento si Pia habang ako ay tahimik lang. Iniisip ko ang nangyari kagabi—kung ano ba ang ginawa nila o saan humantong ang paghuhubad niya sa harap ni Eros.After I saw her getting naked last night, gusto ko na silang sugurin at pigilan. Pero sarili ko ang pinigilan ko. Nagkulong ako sa kuwarto at pinilit ang sarili na matulog kahit na hindi matahimik ang puso ko."Oh, girl, bakit ang tahimik mo?" bumuntonghininga ako nang itanong iyon ni Pia."Wala," tanging nasabi ko. Ni hindi ko ito magawang sulyapan dahil ayaw kong makita niya ang inis sa pagmumukha ko.I've been avoiding her since this morning, pero pinagpipilitan talaga niyang makipag-usap sa akin kahit ang lamig na ng pakikitungo ko sa kaniya."Hindi mo yata narinig ang mga sinabi ko, e?"Sa wakas ay nilingon ko na s
Dianne's POVI STAYED inside my room the whole afternoon. Kahit ngayon na gabi na ay nandito pa rin ako at nagkukulong sa loob. Dinalhan lang ako kanina ni Aling Lusing ng hapunan.Hindi ako sinubukang kausapin o suyuin ni Matthias katulad ng lagi niyang ginagawa noon. Wala rin naman akong masyadong pakialam. Ayaw kasing mawala sa isip ko ang mukha ni Eros nang makita niya akong lumabas ng private office ni Matthias kanina.I saw how he was hurt when he saw my dress. Ang sakit sa mga mata niyang iyon ang nagpapangiti sa akin ngayon. Masaya akong makitang nasasaktan siya, pero kulang pa.They say the best revenge is to make him love you hard... and then leave him. Iyon ang binabalak kong gawin. At mukhang hindi ako mahihirapan dahil si Eros mismo ang gumagawa ng paraan para masaktan siya.Tumayo ako at lumabas ng kuwarto. Balak ko sanang bumaba para pumunta sa swimming pool, pero natigilan ako sa narinig na ingay.The small noise was coming from one of the bedrooms. Parang lumalangitng