Dianne's POVSIMULA noong ikasal kami, madalas ay dinadalhan ko ng lunch si Eros sa opisina niya. Pero dahil nga sa galit siya sa akin, dedma palagi ang mga luto ko. Kung kinakain niya naman, magagalit muna sa akin bago tikman."Hi!"Bigla siyang napatayo nang makita ang nakasilip kong ulo sa maliit na awang ng pintuan ng office niya."May dala akong lunch, para hindi ka na umuwi. Wanna eat together?" Pumasok na ako."Ikaw ang nagluto?"Tumango ako habang lumalapit sa desk niya. Bumalik siya sa pagkakaupo at nakangiting tiningnan ang lunch box na inilabas ko."Hindi ka dapat nagpapagod. Kaya nga ako umuuwi tuwing lunch.""Hindi naman ako napagod. Isa pa, nag-enjoy akong lutuin ang mga paborito mo." Inilabas ko isa-isa ang mga niluto kong ulam.Napangiti si Eros nang makita ang lahat nang hinanda ko. Doon na kami kumain sa desk niya. Mukhang maganda rin ang mood ni Eros dahil pumayag siyang saluhan ko. In fairness, hindi na nagsusungit.Abala kami sa pagkain at nagkukuwento rin siya tu
Dianne's POV"Are you sure about this?"I have a big smile on my face while nodding my head to Eros. "Huwag ka nang mag-alala. I'll be okay.""You're just stressing yourself. I told you, hindi basta-bastang nagbabago ang isip ni Mom.""Ganoon din ako. I won't give up that easily. Ngayon pa na okay na tayo."Mula sa daan ay nabaling sa akin ang paningin niya. Nginitian niya ako bago bumuntonghininga na para bang tinatanggap na ang pagkatalo niya."She might hurt your feelings again."Napatango ako. Expected ko nang hindi ako basta-bastang matatanggap ni Tita Elena, but I'll keep trying until she have a change of heart."Bata pa lang ako, maraming beses na akong nasaktan. But I learned that you just have to turn those pain into motivation. Hindi naman habang-buhay, nagdurusa lang tayo. Bilog ang mundo." Nakangiti ko siyang nilingon.Nakikita kong nag-aalala si Eros at halatang tutol din siya sa gusto ko, pero matigas talaga ang ulo ko. Isa pa, I'm not only doing this for myself. It's fo
Dianne's POVNAPASIMANGOT ako sa sinabi ni Eros habang nasa loob kami ng private office niya sa bahay. Seryoso ang mukha niya na parang nagbabanta."Pero Eros, hindi ko yata kayang gawin iyan.""I'm not telling you to cut ties with my mom, but I don't want you to visit her until you give birth.""Kung mayroon man tayong dapat na dalawin nang madalas, it's my parents and yours. They're the grandparents of our Strawberry. I don't think we should do that, Eros.""Bata pa ako, ganoon na siya. Kung lalo mong susuyuin, mas lalayo ang loob sa iyo. Let her be until she realizes her mistakes."Napangiti ako sa lahat nang sinabi ni Eros. Napaka-matured niyang mag-isip ngayon. Malayong-malayo sa Eros na nakasama ko nang isang taon."Gusto ko pa rin subukan. Ayaw kong isipin ni Tita na sinusukuan natin siya."Mula sa akin ay bumaling siya sa malayo. Parang nauubusan ng pasensya na nagpakawala siya ng hangin."Paano kung hindi ka pa rin niya tanggapin pagkatapos no'n? Paano kung pati ang bata, hin
Dianne's POVNANG makaalis si Tita Elena, excited kong pinulupot ang mga kamay ko sa braso ni Eros."Thank you!""Thank you for what?""For convincing your mom. She told me about what you did.""I didn't convince her, you did.""Pero dahil pa rin iyon sa iyo." Bumitiw ako sa braso niya at hinawakan siya sa kamay. "Eros?""Hm?""Can I... hug you?"Natigilan ito nang matagal. Nakatingin lang sa mukha ko. Nasa labas pa rin kami ng bahay at nakatayo sa mismong harap ng pinto."Okay lang kung ayaw mo." Napakagat labi ako. Medyo nahiya ako sa sinabi ko. Bakit ko ba nasabi iyon? I should've just hug him without asking for permission. Binitiwan ko ang kamay niya at papasok na sana, but he pulled me closer to him and gave me a quick kiss on the lips."I'm not used to these things. The kissing and hugging. Ginagawa ko lang ito noon kay Thalia. Hindi ako sanay gawin ito sa ibang babae, but I'll try with you."Nakanguso ko siyang tiningnan. "Ang dami mo kayang babaeng niyayakap at hinahalikan. M
Dianne's POV"What is he doing here?" Hinila ako ni Mama papunta sa kusina habang nasa labas ng bahay si Eros. Ayaw kasi itong papasukin ni Mama."Eros wants to talk to daddy.""Hindi puwede," matigas niyang sabi sabay balik sa ginagawang pagluluto."Pero mama, payagan n'yo nang magkausap sina Eros at daddy. Para magkaayos na sila, please?""Sa tingin mo ba, ako ang may ayaw na mag-usap ang dalawa? Hindi. Ang daddy mo. Kung hindi ko nga napigilan kanina, baka nasugod na niya ang lalaking iyan."Yumakap ako sa kaniya mula sa likuran at naglambing. Pinilit ko siyang pakiusapan si Daddy na harapin si Eros, pero mariin niya akong inilingan."I still can't forgive him for what he did to you. Ikaw ba, mapapatawad mo nang ganoon lang ang lalaking mananakit sa anak mo?"Napakagat labi ako nang mabaling ang paningin ko sa sarili kong tiyan. I understand mama but Eros is also trying. Nakikita kong pinipilit talaga nito ang magbago."Mama, kung Diyos nga, nagpapatawad. Ako pa ba?""Hey, huwag mo
Dianne's POV"Mariedel?"Matalim ang mga mata nito habang nakatingala. Mula sa akin ay iginala niya ang paningin niya sa paligid bago umakyat sa hagdan."Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?""Iniwan mong bukas ang pinto n'yo. Tanga!""Kahit lagyan ko pa ng welcome sign sa labas, hindi ka pa rin dapat pumapasok sa bahay nang may bahay! Pero sabagay, ano bang aasahan ko mula sa kabit? Asawa ko nga, tinikman mo!"Tumawa ito. "Hindi lang tikim ang gagawin ko! Aangkinin ko pa siya!""Ang kapal talaga ng pagmumukha mo!""Kaysa naman sa iyo! Desperada! Ang nice naman! Ang lalaking matagal mo nang inaasam-asam, sa wakas, nakukuha mo na! Sulit na sulit ang pagpapabuntis mo, ano? Nabilog mo na ang utak ni Eros."Mariin akong pumikit at pilit na kinalma ang sarili ko. I can't engage in a catfight with her. Walang aawat sa amin at buntis pa ako."Umalis ka na.""Paano kung ayaw ko?" She raised an eyebrow."Pwes, tatawag ako ng pulis."Inilabas ko ang cellphone ko sa loob ng bulsa, pero bi
Dianne's POV"She's awake! Quick! Call Dra. Buenedez!"Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Unang bumungad sa akin ang puting kisame. Naririnig kong nagsasalita ang nurse sa tabi ko. May tinatanong ito na hindi ko maitindihan dahil sa pagkahilo."Mrs. Lacsamana, are you awake? Can you hear me?"Muli akong pumikit. Hindi ko alam kung nakatulog ako ulit o baka gising pa rin dahil sa muli kong pagmulat, naroon pa rin ang doctor sa tabi ko kasama ang dalawang nurse.Wala akong maramdaman. I don't know but, I have this feeling of emptiness. Parang walang ganang kumilos ang katawan ko o makipag-usap man lang kahit kanino.Nang makaramdam ako ng pangangalay, sinubukan ko nang bumangon. The nurse helped me until I was comfortable sitting on the bed."Check her vital signs again. I think we need to have CT—""Doc."Natigilan sa pag-uusap ang nurse at ang babaeng doctor nang magsalita ako. They both turned their heads to me. May mga tinanong ang doctor na hindi ko binigyan ng pansin dahil ib
Dianne's POV"Mrs. Lacsamana, are you sure you want to get discharge today? Hindi pa maayos ang lagay mo. You need to stay in the hospital, so that—""I'm okay," putol ko sa sinasabi ng doctor.Maglilimang araw na akong nandito. Nag-iisa. Hindi na bumalik si Eros, at ni isa kina Mama ay walang nakakaalam sa situation ko. I was left alone.Bumuntonghininga ang doctor bago tumango sa akin. Kumuha ito ng papel sa desk niya at may isinulat."You need to drink these medicines and vitamins, para mabilis na bumalik ang lakas mo. Makakatulong din iyan para mabawasan ang stress na pinagdadanaan mo."I just nodded my head at her. Marahan akong tumayo at walang paalam na lumabas ng office niya. Matapos kong magbihis, ako na rin ang nagbayad sa hospital bills ko.Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa bahay. Sinalubong ako ng nag-aalalang mukha ng katulong namin. Marami itong sinabi at tinanong pero hindi ko siya binigyan ng pansin.I went to my room and locked myself inside. Pinatay ko rin ang ila