Severe headache woke her up the next morning. As much as she doesn’t want to wake up, ramdam niya ang pananakit ng kanyang ulo. The first thing she wanted to do is to throw up everything she ate and drank last night.
Ngunit sa kanyang pag-ikot ay nakaramdam siya ng kung anong mabigat na nakapatong sa kanyang tiyan. She can also feel a breathing fanning against her neck. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at dahan-dahang dinilat ang mga mata. Saglit na umikot ang mundo sa kanyang pagdilat. Kinakailangan niya pang kumurap-kurap. Ngunit kahit anong kurap niya ay nakakaramdam pa rin siya ng hilo.
Dahan-dahan siyang bumaling sa kanyang tabi para tignan kung saan nanggagaling ang nararamdaman niyang paghinga. Ang inaantok niyang diwa ay tila nagising nang unti-unti niyang makilala ang lalaking kanyang katabi.
Aiden Ivanov?!
Her heart started pounding so fast and loud, loud enough that she can heart it. Agad niyang nilibot ang tingin upang tingnan kung na sa tamang silid ba siyang pinasukan kagabi. Sunod-sunod na mura ng kanyang pinakawalan sa isipan nang mapagtantong hindi ito ang silid na hiningi niya sa kanyang ina.
Bliss immediately started looking for ways how to escape this stupidity of hers. Dahan-dahan niyang inangat ang braso ni Aiden para makawala siya rito. Nawala lahat ng nararamdaman niyang hangover kanina nang masilayan ang mukha ng binata.
Mahina siyang napasinghap nang biglang humigpit ang pagkakayakap sa kanya ng binata. Halos pigilan na ni Bliss ang paghinga nang gawin ‘yon ni Aiden. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi at tumingin sa wall clock. It’s still past four in the morning. May natitira pa siyang oras para tumakas.
At ‘yon ang ginawa niya. She slowly and carefully unwrap Aiden’s arm around her waist. Pigil hininga siyia nang gawin ‘yon sa takot na magising ito. At nang sa wakas ay matanggal na niya ang kamay nito, dahan-dahan siyang bumangon sa kama. And as soon as she was finally able to unwrap his arms around her, she didn’t waste any seconds.
Hinanap niya ang kanyang suot na heels kagabi. Ramdam niya ang pangingirot ng kanyang pribadong parte na hindi niya masyadong binibigyang pansin. She picked up her pumps and hurriedly left the room. Ngunit bago siya tuluyang lumabas ng silid ay nilingon niya muna ang binatang tulog na tulog ngayon sa kama.
Sana lang ay hindi maalala ng binata ang nangyari kagabi.
Agad na siyang lumabas. Sinalubong naman siya ng madalim at puno ng katahimikang bahay. She started looking for some cameras around the place. Sunod-sunod siyang napamura nang makitang mayroon ngang tatlong camera na paniguradong kuha kung saan siya pumasok at lumabas.
“Ma’am Bliss?”
Halos mapugto ang kanyang hininga nang marinig niya ang pagtawag sa kanyang pangalan. Nilingon niya ang may-ari nito at bumungad sa kanya ang isa sa mga kasambahay ng kanyang ina. Nagtataka itong nakatingin sa kanya at mayroong bitbit na apron.
“Hi,” she awkwardly greeted the maid.
“Ang aga niyo pong magising,” sambit nito. “Ayos lang po ba kayo?”
Walang pagdadalawang-isip siyang tumango rito at hilaw na ngumiti. “Yeah, I’m good. Uhm, can I ask you something?”
“Po?”
Bahagyang napangiwi si Bliss nang mapagtantong hindi masyadong bihasa ang kasambahay sa pagsasalita ng Ingles. She took a very deep breath and forced a smile. “Uhm, p-pwede po bang magtanong?”
Sunod-sunod siyang napamura sa isipan nang mapansin ang pagkabulol niya sa mga salita. Agad namang ngumiti ang maid at tumango. “Ano po ‘yun?”
“Do you know where the CCTV room is?” she asked. “Uhm, nawawala kasi ang bag ko, and I can’t recall a thing about last night. Maybe I can see where I left it last night.”
Bihasa na siya sa pagsisinguling at paghahanap ng palusot kaya’t alam na niya kaagad kung ano ang dapat gawing alibi.
Gumihit ang masayang ngiti sa kanyang labi nang tumango ang maid. “Sige po. Sunod po kayo sa ‘kin.”
Wala siyang sinayang na pagkakataon. She immediately followed the maid. Dinala siya nito sa isang silid. At doon niya nakita ang monitor kung saan naka-flash lahat ng mga footages ng CCTV. She turned to the maid and smiled.
“Thank you so much! Titignan ko muna ito. And please, can you not tell my mom?” paghingi niya ng pabor dito.
“Po?”
Natampal niya ang noo. “I mean, pwede bang h’wag mong sabihin kay mommy? Ayokong mag-alala siya. Ako na ang bahalang magsabi sa kanya.”
The maid nodded and smiled. “Walang problema po. Maiiwan ko na po kayo.”
She nodded her head and smiled. Nang makaalis ang maid ay agad siyang umupo sa silyang nakaharap sa mesa kung saan nakapatong ang malaking screen. She started deleting the footages kung nasaan siya at ang mga footages kung saan papasok siya ng CCTV room. Then she decided to turn off all the CCTV camera.
Nang matapos ang lahat ay nagdesisyon siyang lumabas. She made her way to her room and locked the door. Kusang nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod at napadausdos siya ng upo habang nakasandal sa likod ng nakasarang pinto. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
Hindi siya tanga. Hindi rin siya bulag. She knew what exactly happened last night even if she couldn’t remember anything. The pain between her legs just explains it. Wala ng ibang pwedeng rason ang bagay na ‘yon.
“I’m so sorry, mommy,” she whispered as tears started flowing down her cheeks. “I didn’t mean it.”
Isang malaking pagkakamali ang nagawa niya. And hindi niya alam kung makakaya niya pa bang harapin ang kanyang ina sa kanyang nagawa kagabi. Sana lamang at hindi na maalala pa ni Aiden ang kung ano mang nangyari kagabi.
Inis niyang sinabunutan ang sarili at mahinang humikbi. Kakauwi niya pa lang ngunit nagkasala na agad siya. Wala na siyang mukhang maihaharap sa kanyang ina. The only thing that is left for her to do is to leave. Tapos na ang birthday ng kanyang ina. Maybe she can finally have the reason to leave this place.
Nanginginig ang mga tuhod niyang tumayo at naglakad patungo sa kama. Bliss picked up her luggage and placed it on the bed. Agad niyang inimpake ang mga damit na unpack niya lang kahapon. Nagkuha rin siya ng dress na susuotin niya pabalik.
She’s going home now. She’s leaving.
Kinuha niya ang phone at tinawagan ang kanyang butler.
“Yes, Ma’am?”
“Please book me a flight. I want to go home.”
Tahimik na nagmamasid si Bliss sa labas ng bintana. Sobrang liwanag ng city lights sa baba. For a moment, she felt at peace. O baka sadyang niloloko niya lamang ang sarili? It’s been five years now. Limang taon na ang nagdaan ngunit wala pa rin siyang mukhang ikapapakita sa kanyang ina dahil sa pangyayaring ‘yon. She wanted to tell her mother about what happened.“Mommy!”But how?She turned to the little baby who called her mother and smiled. Binaba niya ang hawak na baso ng champagne at sinalubong ang anak. Agad niya itong kinarga at hinalikan sa pisngi. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi nang halikan siya ng anak pabalik.“How was your day?” she asked softly.“I had a great day! Look!” Pinakita nito ang braso na punong-puno ng mga stars. “My teacher awarded me with a lot of stars!”“Wow!” she exclaimed, matching the excitement on her daughter’s face. “What a surprise! Very good!”Kanina pa nakauwi ang kanyang anak galing sa school. Mukhang hindi nito tinanggal ang mga stamps n
“Sige ka, magtatampo ako sa ‘yo kapag hindi ka nagpunta sa pinakaimportanteng araw ko,” saad nito mula sa kabilang linya.Mahina siyang natawa sa sinabi ng ina at humugot ng malalim na hininga. She bit her lower lip and stared at the house in front of her. “How about you go out and check if the package I ordered was already delivered?”“Huh?” Ramdam niya ang pagtataka ng kanyang ina. “What do you mean? Did you send me a package?”“I did. A congratulatory gift. Get out and get it.”“Okay, just a moment.”Agad na pinatay ni Bliss ang tawag at hinintay ang kanyang ina na makalabas. And yes, she wanted to surprise her mother. Noong nagdaang gabi pa siya lumipad at sobrang pagod ng kanyang katawan ngayon. She wanted to rest. And she misses her baby.Kamusta na kaya si Miracle ngayon? Mahigpit pa namang bilin nito na tumawag agad kapag nakarating na sa kanyang ‘business meeting’. Yes, she had to lie to her daughter about leaving. Alam niyang pupupugin siya nito ng tanong kung sakaling sabih
“We meet again, Bliss Luna.”Pakiramdam niya’y tumigil sa pag-inog ang kanyang mundo. Wala sa sarili niya itong nilingon at bumungad sa kanya ang binata. He has this displeased look on his face that made her feel like he doesn’t like her here. Wala sa sarili siyang napaiwas ng tingin at napalunok.“Good afternoon, Sir.” Hilaw siyang ngumiti.“Anong Sir?”Napatingin siya sa babaeng kakarating pa lamang ng kusina habang ang binata ay nanatili ang tingin sa kanya. Ramdam ni Bliss ang malapot na pawis sa kanyang sintido na ipinagsawalang bahala niya na lang.“Mom,” she called. “Are you done fixing the bed?”Tumango ang ina at lumapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa kamay at nilingon si Aiden. Yes, it was Aiden. Nakakunot ang natural na makapal nitong kilay habang nakatingin sa kanya. She’s intimidated, she must admit that. Habang ang kanyang ina ay parang hindi na ito bago.Well, maybe they knew each other long enough for him to propose her, right?“I know, you guys, didn’t have the time
“Kain ka nang marami, anak.” Nakangiting nagdagdag ng kanin si Marcella sa kanyang pinggan.Saglit siyang tumigil sa pagsubo at tinignan ito. “Mommy, I’m full. I could even barely finish this.”Tumingin din ang kanyang mommy sa kanya at sa ulam na niluto nito para sa kanya. Hilaw siyang ngumiti rito. “Dinamihan ko pa naman kasi gusto kong marami kang kainin.”“I’m already full, mommy.” Hilaw siyang ngumiti rito. “I love the dishes but my tummy’s capacity can’t cater more.”“I know,” sagot ng ina at matamis na ngumiti. “Akala ko ay heavy eater ka na ngayon. I forgot you’re on a diet.”Bliss bit her lower lip. Hindi niya maintindihan ang biglang lungkot na nararamdaman. It was like something came into her and it suddenly made her sad. She looked at her mother in confusion and realized… maybe it was because her mother doesn’t know her much.And the idea itself made her heart skip a beat… painfully. Agad siyang napaiwas ng tingin. Isa ito sa mga rason kung bakit medyo hindi siya komportab
Tahimik na tinatanaw ni Bliss ang buong hardin. Nandito ulit siya, nakatulala sa kawalan. Hindi siya makatulog. Hindi niya matanto kung tama ba ang desisyon niyang pagpayag sa hiling ng kanyang ina. She doesn’t intend to stay here longer. She wanted to leave right away. Hindi lang trabaho niya ang naghihintay sa kanyang pagbabalik doon kundi pati na rin ang kanyang anak.Mariin niyang pinikit ang mga mata at humugot ng malalim na hininga. She have to calm down so she can think properly. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya pa rin maiarok sa kanyang isipan kung bakit siya pumayag sa gusto ng kanyang ina. Alam niyang sobrang delikado kapag malapit sila ng magiging asawa nitong si Aiden.She opened her eyes and looked at her wristwatch. Humugot siya ng malalim na hininga at nagdesisyong tumayo. Marami pa siyang kailangang gawin at kailangan niyang magpahinga. And besides, kailangan niya ring kausapin ang kanyang lolo’t lola tungkol sa kanyang desisyon.Papasok na sana siya ng kanyan
“Where are we going?” takhang tanong niya sa kanyang ina nang makita niyang abala ito sa ginagawang pag-uutos sa mga tauhan nito para ilabas ang ilang mga bagahe.Bumaling sa kanya ang ina. “Did you pack your stuff?”She tilted her head. “I haven’t even took those ones out. Why?”Pumalakpak ito na mas lalo niyang ipinagtaka. “That’s great! Well, ilabas mo ‘yun at nang makuha na ng mga guards natin.”“Why? Where are we going?” Kung possible ang magkaroon ng question mark sa ulo ay paniguradong kanina pa ito visible sa kanyang noo. “I’m confused. What’s happening?”Tumigil ang kanyang ina sa ginawa nito at ngumiti sa kanya. “I have decided to take a little break. Kasi napagtanto kong kung ikaw nga ay nagpapahinga sa trabaho, then I should too.”Bliss nodded her head. Ngunit nalilito pa rin siya kung ano na ang nangyayari. “And then?”“And then we’re going to a Aiden’s hometown, in Pangasinan. We’re also taking this opportunity para naman ma-explore mo ang lugar na hindi lamang puro syud
“Coffee?”She looked at her mother and smiled. “Yes, please.”Maingat na nilapag ng kanyang ina ang isang tasa ng kape sa ibabaw ng mesang gawa sa babasaging salamin. Kasalukuyan silang na sa terrace ng bahay at tinatanaw ang bukirin at malawak na taniman ng palay sa kanilang harapan.This place is therapeutic indeed. Nakakakalma ang ihip ng hangin. Malayo ang kanyang natatanaw at nakakawala ‘yon ng kung ano mang pressure na kanyang nararamdaman dahil sa kanyang buhay at trabaho.And to be honest, she’s starting to love this place.“I never thought a day would come…” Napalingon siya sa kanyang ina nang magsalita ito. “… that I would sit here and watch the sunset with you, anak.”Tipid siyang ngumiti rito. She heaved a deep breath and nodded her head. “So do I. I thought I’m not going to share this kind of moment with you.”Ngumiti pabalik ang ina. “Day by day, I would always imagine myself that I am with you. Kung alam mo lang kung ilang beses kong pinagdasal sa maykapal na sana… sana
Kasalukuyang inaayos ni Bliss ang mga damit na kanyang dala mula sa Maynila. Hindi na kasi siya makatulog kaya’t nagdesisyon na lamang siyang ayusin ang kanyang mga damit para kahit papano ay malibang naman siya.Hindi sinasadyang mapatingin siya sa kanyang sariling repleksyon sa salamin at humugot ng malalim na hininga. Hindi niya mapigilan ang magkaramdam ng lungkot para sa kanyang ina at galit para sa kanyang sarili. Maybe… after all… may dahilan ang langit kung bakit siya napunta sa ganitong sitwasyon.And maybe it was to correct the mistakes she did in the past.Nang matapos siya sa pag-aayos ng kanyang damit ay kumuha muna siya ng isang satin dress na hanggang kalahati ng kanyang hita lamang ang haba. Ito ang paborito niyang pantulog, lalo na sa tuwing nahihirapan siyang makatulog. The satin fabric helps her sleep faster and better.Bliss took a warm shower and changed. Bago mag-skin care ay nagdesisyon muna siyang kumuha ng beer na kanyang nakita kanina sa fridge. Makakatulong
MABILIS PA SA alas kwatro niyang hinila ang kanyang kamay na hawak nito. He frowned at him and he saw how different emotions passed through her eyes. Ngunit agad din itong natakpan ng luha na nagsisimula nang manubig sa mga mata nito.“No,” he firmly replied.“Why?” Pinunasan nito ang luha sa mga mata. “You still love me, right? Mahal mo pa rin naman ako, ‘di ba? What you felt for my daughter is just infatuation. You’re just attracted to her because she’s younger than me and surely, my daughter reminds you of me. Yung puso mo ay na sa akin. Ako ang mahal mo at hindi ang anak ko.”Umiiling-iling ito. Aiden took a very deep breath.And with all the calmness in the whole world, hinugot niya rin ang envelope na nasa kanyang likuran at inabot ito kay Marcella. Kita niya ang pagkalito sa mukha nito habang nakatingin sa brown envelope na binigay niya.“What’s this?” tanong nito sa kanya.“Open it.”Kita ni Aiden ang pagdadalawang-isip sa mga mata nito. Ngunit wala itong ibang nagawa kundi bu
“Mommy, this is a nice place.”Nilapag niya ang kanyang tinimplang gatas sa mesa at umupo sa tabi ng kanyang anak. Hinaplos niya ang buhok nito at humugot ng malalim na hininga. Hindi niya alam kung ano ang tunay na estado nila ngayon.She kept asking Cydine ngunit alam niya sa kanyang sarili na wala siyang makukuhang matinong sagot dito. Halata naman sa binata na mayroon itong iniiwasan. Or more like, ayaw talaga nitong magsabi ng totoo. At hindi naman niya sigurog pwedeng pilitin itong magsalita ng totoo, ‘di ba?Cydine is not the type of person who lies. Mas pipiliin pa nga nito ang iiwas ang usapan kaysa ang magsinungaling.“Indeed,” she replied to her daughter and sighed. “This is such a pretty place.”“But why are we here?” biglang tanong ng kanyang anak at nag-angat ng tingin sa kanya. “Daddy didn’t tell me a thing. He just told me to go and be with that uncle and they brought me here. Riding that aircraft was cool, though. I love riding it again.”That made her smile. Ngumiti
Aiden was tapping his fingers on the table as he waited for the sun to rise. Nang makaalis si Cydine ay hindi na siya natulog pa. Basta na lamang siyang nagtungo rito sa maliit na opisina sa loob ng bahay at dito na naghintay kay Marcella.Panatag ang kanyang loob na nasa mabuting kalagayan ngayon si Bliss kahit na labag sa kanyang loob ang ipasama it okay Cydine. But he knows that man. Alam niyang hindi ito magiging interesado sa dalaga. That’s why she’s a little calm about it.“You waited.”Humugot siya ng malalim na hininga at nag-angat ng tingin sa nagsalita. Bumungad sa kanya si Marcella. Mayroon itong multo ng ngiti sa labi at hindi niya maintindihan ang namumuong inis na kanyang nararamdaman sa kanyang dibdib.But despite the confusing emotions he felt, pinilit niyang maging kalmado. Tipid siyang ngumiti rito at tumayo.“What brought you here?” he asked. “You didn’t even call me when you landed.”“What for?” Kumunot ang noo nito at pumasok sa loob ng silid. “I… I just want to s
BLISS ROAMED her eyes all over the place as she sat on the bench outside the house. Na sa countryside nga sila. There’s a huge lake in front of her and it makes her feel like she’s home. Masyadong green ang paligid at mayroong kabayo sa malayo.She’s confused. Hindi pa rin magrehistro sa kanyang isipan kung paano siya nakarating dito. The last time she can recall is she slept beside her daughter and Aiden. Ngunit bakit sa kanyang paggising ay si Cydine ang bumungad sa kanya?Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. She tried thinking of it in many ways. And she come with the idea that she was drugged. Pansin niya kasi ang pagkahilo pa rin niya at parang lutang siya. So the only thing she can assume is that she was drugged by someone. And that someone could be Cydine.Speaking of the evil, napansin niya itong lumabas ng bahay. Agad siyang nagkunwari na wala siyang nakikita. She busied herself looking at the scenery in front of her. Mayroong social distancing ang mga bahay rito. It’s lik
HINDI ALAM ni Bliss kung ilang oras na siyang natutulog. It feels like she’s been sleeping a long time. Naalimpungatan siya nang matamaan ng sinag ng liwanag ang kanyang mga mata. Umikot siya patalikod at muling natulog.But the unfamiliar scent of the room made her open her eyes. Wala sa sarili siyang napabangon at naglibot ng tingin. It wasn’t the same room where she slept beside her daughter. Nilingon niya ang kanyang tabi at nakitang wala itong laman.Wala sa sarili siyang nag-angat ng tingin at napansing wala na ang snow.Nasaan ba siya?“Awake?”Muntikan na siyang mapatalon nang marinig ang tinig na ‘yon. Nilingon niya kung saan nanggaling ang boses at ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makilala kung sino ito.“Cydine!”Hindi niya alintana ang kumot na nakatakip sa kanyang katawan. Basta na lamang siyang bumaba sa kama at patakbong yumakap sa binata. Rinig niya ang mahina nitong pagtawa nang mayakap niya na ito.Cydine didn’t hesitate to answer her hug. Hind
TAHIMIK NIYANG pinagmamasdan ang kanyang mag-ina na ngayon ay payapang natutulog sa kama. Kanina pa siya nakatayo at nakatitig sa mga ito. Hindi niya alam kung ano ang kanyang dapat gawin. He’s worried. Walang alam si Bliss na sobrang delikado ng pinaplano nitong pagsasabi kay Marcella tungkol sa bata.But what is there to hide? Alam naman na ni Marcella na mayroon siyang anak. Mas una pa nitong nalaman kaysa sa kanya na mismong ama ng bata. And right now, for sure, alam na ni Marcella na mayroong namamagitan sa kanila ni Bliss.Kung nagawa ni Marcella ang bagay na ‘yon sa sariling apo, paniguradong kaya rin nitong gawin ang bagay na ‘yon kay Bliss. And that’s what scared him the most. Paano kung hindi niya magawang protektahan si Bliss?Napatingin siya sa pinto nang mayroong kumatok dito. Agad niya itong nilapitan at binuksan ang pinto. Bumungad naman sa kanya si Bridgette na mukhang kakagising pa lang. Paano niya nasabi? Busy pa kasi ito sa pagkakapa sa mga mata kung mayroong ba ito
“Mommy.”“Hmm?”“Can you tuck me to sleep?”Napatingin siya kay Aiden. Kasalukuyan silang na sa living room ng bahay at abala si Miracle sa pagkukwento ng mga bagay-bagay. Pinaliwanag ni Aiden dito na mayroong iilan sa mga alaala niya ang nawala at hindi niya pa naaalala.And because she was able to raise a very intelligent child, mabilis itong nakaintindi. Tuluyan nang nawala ang pagtatampo ng bata sa kanya at ngayon ay abala na ito sa pagkukwento. She’s even showing pictures na kung saan ay naroroon siya at si Miracle.“Do you want me to?” malambing niyang tanong.Sunod-sunod na tumango ang bata at matamis na ngumiti. “And I want to sleep between you and daddy. Can I?”Nag-angat siya ng tingin kay Aiden at pansin niya ang mahinang pagtango nito. Hinaplos niya naman ang buhok ng kanyang anak. She has the same s-wave type of hair. Maitim ang buhok nito na sa tuwing natatamaan ng ilaw ay parang nagiging dark purple. Or maybe it was just from the light.“Are you sleepy now?”Sa kanyang
Nanatili roon si Bliss. Her phone kept on buzzing and messages from her grandmother and Kenji are left unread in her inbox. Wala siyang ganang sagutin ito. Ang mahalaga ay sinabihan na niya ng kanyang lola na okay lang siya at na sa maayos na kalagayan siya ngayon.“Hindi pa ba siya lalabas?” mahinang tanong niya habang nakatitig sa pinto ng silid ng kanyang anak.“Here. Eat something. Hayaan mo muna magtampo ang bata. She was just really sad to spend her Christmas alone and inside that hospital.”Nag-angat siya ng tingin dito. “Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin agad na mayroon akong anak? Kahit naman wala akong maalala, onel glance at my daughter and I already knew she’s mine. She just… looks exactly like me. From hair, nose, lips, and even eyes. Naghalo lang ang berde mong mga mata but she’s like a clone of me. You could’ve told me.”Umupo si Aiden sa couch at tumingin din sa pinto ng silid ng kanyang anak. “Well, to answer that question, your grandma didn’t let me. I also heard that yo
NAGLAPAG ng isang baso ng gatas si Aiden sa kanyang harapan. Tipid niya itong nginitian at mahinang nagpasalamat. Nandito pa rin syia sa bahay ni Aiden at hindi siya aalis hangga’t hindi niya nakakausap nang matino ang kanyang anak.She must admit, labis siyang nasaktan sa mga pang-aakusa nito kahit na wala pa siyang maalala tungkol sa mga bagay-bagay. Just by seeing her daughter cry is enough to make her heart ache.“Stop worrying about it,” anito. “That little kid was just emotional. But she misses you. Mawawala rin ang pagtatampo niyan mamaya.”“Sana.” She sighed. “This must be how you felt when you found out you have a daughter with me. Ngayon pa lang, humihingi na ako ng sorry.”Umupo ito sa kaharap niyang upuan at humugot ng malalim na hininga. “I was actually thankful you did that,” anito at tipid na ngumiti. “You raised our daughter alone. And I think it was the bravest thing you did. So don’t be sorry about what you did. Ginawa mo lang ang tama.”Mahina siyang natawa at nag-a