Home / Romance / Hiding his Son (Hiding Series #1) / Chapter 2: Muling Pagkikita

Share

Chapter 2: Muling Pagkikita

Author: Hope
last update Last Updated: 2021-09-10 19:26:04

Sebastian

Napangisi na lang ako ng makita kong palingon-lingon ang mga bodyguard ko 'di kalayuan sa pwesto ko. Akala mo naman ay may babaril sa akin kapag nawala ako sa paningin. Dahil sa naiinip ako ay kinuha ko muna ang sigarilyo ko at sinindihan ito.

Habang binubuga ko ang usok ng sigarilyo ay napahawak naman ako sa earpiece ko ng marinig kong nagsalita ang isa sa mga bodyguard na inutusan ko para hanapin ang isang taong matagal ko ng hinahanap.

"Boss, nakita na namin siya. Nakatingin siya sa'yo." Aniya kaya saktong pagharap ko ay nagtagpo ang mata ng babaeng matagal ko ng hinahanap. Tiningnan ko maigi ang mukha niya at natulala ako ng ngumisi lang siya at tuluyan ng umalis.

Dahil sa pagkabigla ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong sinusundan siya. Pinigilan pa ako ng mga nagbabantay sa akin pero tumalim ang titig ko sa kanila kaya wala na silang nagawa kundi ang hayaan ako sa susunod kong gawin.

Napatigil ako sa pagsunod sa kaniya ng makita ko siyang pumasok sa isang karinderya, kaya ang ginawa ko ay pumasok ako sa isang cafeteria na katapat lang ng pinagpasukan niya.

Pinanood ko kung paano siya makihalubilo hanggang sa maglagay siya ng pera at alam kong may pinagpustahan silang lahat. Dahil kitang-kita naman sa mukha niya.

Mahina akong natawa dahil sa napanood ko ngayon. Ibang klase ang babaeng 'to. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit maraming ayaw at marami naman ang gusto siya. Siguro, depende siya makisama sa mga nasa paligid niya.

Lumipas ang oras ng panonood ko sa kanya ay naging alerto ako ng tumayo siya. Nakita ko ang paglabas niya kaya patago ko ulit siyang sinundan, hindi pwedeng mawala siya sa paningin ko.

Kailangan kong alamin ang pangalan niya.

"Nako, siguro nakipag-basag ulo na naman 'yang batang 'yan. Sabagay, ganyan naman talaga ang ginagawa ng mga wala ng direksyon sa buhay."

"Ay, oo Marites, ewan ko ba at bakit pinag-titiisan pa 'yan nila Tabo... at saka masama at matabil talaga ang bunganga ng batang 'yan, kaya siguro iniwan ng magulang."

Habang sinusundan ko siya ay ito ang naririnig ko sa iba. At doon ay nakita ko siyang napatigil at saglit na tinapunan ng tingin ang dalawang Ale na nagsasalita sa gilid niya. Habang ako naman ay hinihintay ang magiging kilos niya.

Kitang-kita ko ang paglapit niya sa dalawang Ale na ngayon ay nakatingin at nakataas na rin ang dalawang kilay na akala mo ay naghahamon ng away.

"Hoy! 'Diba katatapos niyo lang magsimba, ano 'yan? Pagsimba magiging makasalanan at chismosa ulit? Nako, kahit anong gawin niyong pagsimba kung sa huli ay ganiyan talaga ang gagawin niyo ay hindi na talaga kayo tatanggapin sa langit." Rinig kong saad niya at iniwan ang dalawang tulala na ngayon ay pinagtitinginan na ng mga tao.

Hindi ko namang mapigilang tumawa at mapangiti sa nasaksihan ko. Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko. Hindi naman matabil ang dila niya, talagang masakit at nagsasabi lang siya ng totoo. Hindi ko alam pero nilapitan ko ang dalawang Ale ngayon na tulala at nakatitig lang sa likod ng babaeng sinusundan ko.

"Mas mabuti hong magsimba ulit kayo para mabawasan ho ulit ang mga kasalanan ninyo," saad ko na kinatingin nila sa akin at nakita kong namutla sila. Napangisi na lamang ako sa kaloob-looban ko sabay ngiti sa kanila ng matamis at sinundan na ng tuluyan ang babae.

Nang makita kong pumasok siya sa isang fast food restaurant ay pumasok na rin ako. Lumayo ako ng kaunti dahil baka mahalata niya na ako. Nang makita kong umorder na siya ay umorder na rin ako.

Pumuwesto muna ako sa pinaka-malayong upuan at doon ay pinagmamasdan lamang siya. Sobrang tahimik niya na tila ay wala siyang pakialam sa mga tumititig sa kaniya. Siguro, dahil sa mga sugat niya.

Nang maayos-ayos na ay pumuwesto ako sa tapat niya na sa tingin ko ay napansin niya kaya napatitig siya sa akin. Nang magtama ang mata naming dalawa ay hindi ko mapigilang mapangiti, dahil sobrang ganda niya kapag malapitan.

Pero naputol na lamang ang pagtitig ko ng nararamdaman kong tumutunog ang cellphone ko. Kaya kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Kris calling..."

"Ano na naman 'yon?! May kailangan ka ba?!" Naiirita kong tanong kaya nawala ang atensyon ko sa babaeng sinusundan ko ngayon. Mas lalo pa akong napasimangot ng marinig ko siyang tumawa.

"Pautang nga muna, Seb."

"Magkano na naman?"

"Singkwenta lang, uuwi ako mamaya sa inyo," saad niya kaya pinatayan ko na lang siya. Napabuga na lamang ako ng hangin ng makita kong nawala na sa harapan ko ang babae.

Kaya mabilis akong tumayo at muling naglalakad-lakad. Kada nakasalubong ko ang mga nakakakilala sa akin ay nginingitian nila ako. Tumigil ako sa isang eskinita nang marinig kong may nagsisigawan. Kaya tumakbo ako para tingnan kung anong nangyayari doon. Nagdilim ang paningin ko ng makita kong susugurin ng mga kalalakihan ang babaeng sinusundan ko.

Kitang-kita ko kung paano siya umilag sa bawat sipa at suntok na ibinibigay sa kaniya, kitang-kita ko kung paano magalit mismo ang mukha niya kapag muntikan na siyang tamaan.

Natauhan na lamang ako ng makita kong nahuli siya at balak ng suntukin ng lalaking malaki. Kaya agad kong binunot ang baril ko at tinutok sa kanila. Kita ko ang panandaliang gulat sa mata ng babae pero bigla na lamang sumeryoso. Nakita kong nag-takbuhan ang dalawang kasama ng lalaki ng pagbantaan ko sila, napatingin ako sa lalaking naiwan at sinabihan pa ng masama ang babaeng sinusundan ko ngayon.

Ibinalik ko ang baril sa likuran ko at napatingin sa babaeng nakasandal ngayon sa pader at duguan ang gilid ng labi. Kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya at hinawakan ang mukha niya. Pero napatigil na lang ako ng bigla niyang hawiin ito ng malakas sabay tingin sa akin ng masama. Pinigilan ko ang pag-ngiti ko at tumalikod na siya sa akin.

Imbis na iwan siya ay mas lalo ko pa siyang sinundan. Nagpakilala pa ako pero binara niya lamang ako na lalo ko pang ikinatuwa. Napatigil ako sa paglalakad ng tumigil din siya. Kaya ngumiti ako lalo ng makita ko siyang seryoso na nakatingin sa akin.

"Bakit ka ba sunod ng sunod sa akin, may kailangan ka ba?" Pagtatanong niya habang nakasalubong ang dalawang kilay.

"Gusto ko sanang gamutin ang sugat mo."

"Kaya kong gamutin ang sarili ko," masungit niyang sagot at muling naglakad. Napailing na lamang ako sa kung paano siya sumagot sa mga taong kinakalaban at pinag-uusapan siya.

Kating-kati na akong malaman ang pangalan, pero talagang nag-susungit siya sa akin na tila'y hindi siya sanay na may sumusunod sa kanya. Napatigil kaming dalawa ng biglang sumulpot si Mang Tabo, ang taga-deliver minsan ng tubig sa amin. Rinig na rinig ko ang sagutan nilang dalawa na tinawag niyang Hiah.

Nagulat pa siya nang makita niya ako sa likod at nginitian ko naman. Habang nag-uusap kami ay bigla na namang nawala ang babae kaya napakamot na lamang sa ulo si Mang Tabo.

"Pasensya ka na kay, Iris... talagang matigas ang ulo ng batang 'yon. Oo nga pala salamat sa pagligtas sa kaniya, hayaan mo sasabihin ko na magpasalamat sa'yo."

"Ayos lang po, Mang Tabo. Iris lang po ba ang pangalan niya?" Pagtatanong ko.

"Iris De Vega ang buo niyang pangalan, bakit mo natanong, Iho?"

Kaya napatigil ako at mas lalong kumunot ang noo ko ng marinig ko ang buo niyang pangalan.

Kaano-ano niya si Alfred De Vega?

...

Kinabukasan ay muli akong bumalik kila Mang Tabo upang alamin ang kalagayan ni Iris. Hindi ko alam pero imbis na iba ang atupagin ko ay si Iris ang inuna ko ngayon. Nakailang katok pa ako bago pa nila ako pagbuksan. Kitang-kita ko ang gulat ni Mang Tabo ng ako ang bumungad sa kaniya. At doon ay nataranta siya at dali-dali akong pinapasok sa bahay nila.

Narinig ko pa itong sumigaw na maghanda ng kape at tinapay para sa'kin.

"Bakit ang aga mong naparito, Sebastian? May kailangan ka ba?"

"Kumustahin ko lang po sana si Iris. Ayos na ho ba siya?" Pagtatanong ko kaya napangiti naman siya.

"Siguro ay ayos na siya, 'di na siya muling lumabas kagabi, eh."

"Ngayon po? Lumabas na po ba siya?"

Kaya napatingin siya sa orasan at muling bumaling sa akin.

"Nako, Iho... mamaya pa siguro lalabas si Iris. Minsan kasi-" At doon ay napatigil siya sa pagsasalita ng mat itinuro siya sa labas kaya doon napabaling ang tingin ko.

"Ayan na pala si Iris!"

Kunot ang noo ko ng makita kong may kasama siyang lalaki paglabas.

Related chapters

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Chapter 3: Devron

    IrisNapaasik na lamang ako nang maramdaman ko ang bigat sa katawan ko. Kaya dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay isang kamay na nakayakap sa bewang ko.Pagharap ko kung sino ang lintek na ito ay mas lalong sumama ang umaga ko. Tulog na tulog siya sa tabi ko at halata ang pagod sa mukha niya.Kaya hinayaan ko na lang siya at tahimik na inalis ang pagkakayakap niya sa akin. Nang maalala kong magpapalit ako ng damit ay napatingin ako sa suot ko. Halos umusok ang ilong ko nang makita kong iba na ang damit ko ngayon kumpara kahapon.Dahil doon ay nanggagalaiti kong hinarap si Devron na ngayon ay sobrang sarap ng tulog. Malakas ko siyang sinabunutan dahilan para mapabangon siya at galit na tumingin sa akin."Langya naman, Iris! Agang-aga nanabunot ka! Ano bang problema mo?!" Inis niyang sigaw kaya aambaan ko siya ng suntok na agad naman niyang sinalag."Ikaw ang nagpalit ng damit ko, 'no?""Ano namang masama kung ako ang nagpalit ng damit mo? Magkapatid

    Last Updated : 2021-09-10
  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Chapter 4: Buknoy

    IrisPaglabas ko ng banyo ay naririnig kong nag-ring ang cellphone ko. Kaya dinampot ko ito sa lamesa habang kinukusot ang buhok ko.Kumunot ang noo ko ng makita kong si Devron ang tumatawag. Agad ko'tong sinagot dahil baka importante ang sasabihin."Baby, finally sinagot mo na ang tawag ko. Alam mo bang nakaka-sampu na akong tawag sa' yo pero 'di mo pa rin sinasagot. Ano bang pinagkakaabalahan mo?""Naligo ako. Bakit ka na naman ba tumawag. Ibaba ko talaga 'to kung mambi-bwisit ka na naman sa akin," banta ko pero tawa lang niya ang narinig ko sa kabilang linya."Easy, may ipapakuha lang ako sa cabinet mo. Kaya pumunta ka na at buksan mo 'yon." Pag-utos niya na agad ko namang sinunod. Pagbukas ko ng cabinet ay napasimangot naman ako dahil wala naman akong makitang kakaiba."Tatamaan ka talaga sa akin, Devron. Walang nakalagay dito sa cabinet ko.""Meron, diyan sa ilalim ng damit mo. Iangat mo lang tapos may makikita kang envelope na puti may nakalagay na card diyan."Sinunod ko naman a

    Last Updated : 2021-09-10
  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Chapter 5: Alfred De Vega

    Iris"Tarantado ka! Sino ang nagturo sa'yo na magnakaw?" Galit kong saad habang siya naman ay umiiyak na sa harapan ko."Ate Iris, 'wag mo po muna akong saktan. Hindi ko naman po ginusto ang ganitong gawain. Napag-utusan lang po ako." Mahabang paliwanag niya kaya dahan-dahan kong binitawan ang braso niya at hinablot ang wallet ko."Huwag mo akong iyakan diyan, baka mamaya ay mabigwasan pa kita. Sinong nag-utos sa'yo?!"Hanggang ngayon ay mas lalong lumala ang galit ko. Ang ayoko sa lahat ay may mga inosenteng bata na nadadamay. Hindi ba nila alam na maaaring masira ng maaga ang kinabukasan ng mga batang katulad ni Buknoy."Sino sabing nag-utos sa'yo ng gan'tong bagay?!" Hindi ko na muli napigilan ang sarili kong sumigaw dahil sa galit na nararamdaman ko.Pagharap ko ay nasa harapan ko na si Santino na hinahapo at napansin kong nawala ang mga pinamili kong pagkain sa 7/11."Nasaan 'yung mga pagkaing binili ko? At saka bakit sumunod ka pa dito?" Malamig kong saad at tuloy-tuloy na lumaba

    Last Updated : 2021-10-02
  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Chapter 6: Imbitasyon

    Iris"Kumusta Iris? Nagulat ka ba dahil nagkita muli tayong dalawa?" Nakangisi niyang saad habang ako naman ay nakatayo lamang sa harapan niya at blankong tumitig sa kaniya."Anong ginagawa mo dito?" Malamig at walang galang na saad ko. Kaya natawa naman siya at tumingin sa tatlong bodyguard na nasa likuran niya na may bitbit na mga plastic bags.At doon ay napangisi ako nang malaman kong kung ano ang laman ng mga ito. Mga pagkain na pinamili niya at alam ko na kung bakit merong ganito, dahil may gagawin na naman siyang kailangan kong sundin."Hindi mo man lamang ba papapasukin ang Ama mo?"Gusto kong masuka dahil sa pinagdiinan niyang Ama. Gusto ko siyang paalisin at 'wag ng pumunta dito, pero kailangan kong makipagplastikan sa kaniya, dahil kailangan.Gago, wala akong Ama at kahit kailan hindi kitang kinilalang Ama.Gusto ko sanang sabihin sa kaniya ng harapan pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka may magandang 'di mangyari at may bata pa akong kasama.Kaya niluwagan ko ang pagk

    Last Updated : 2021-10-03
  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Chapter 7: Imbitasyon

    Iris"Kumusta Iris? Nagulat ka ba dahil nagkita muli tayong dalawa?" Nakangisi niyang saad habang ako naman ay nakatayo lamang sa harapan niya at blankong tumitig sa kaniya."Anong ginagawa mo dito?" Malamig at walang galang na saad ko. Kaya natawa naman siya at tumingin sa tatlong bodyguard na nasa likuran niya na may bitbit na mga plastic bags.At doon ay napangisi ako nang malaman kong kung ano ang laman ng mga ito. Mga pagkain na pinamili niya at alam ko na kung bakit merong ganito, dahil may gagawin na naman siyang kailangan kong sundin."Hindi mo man lamang ba papapasukin ang Ama mo?"Gusto kong masuka dahil sa pinagdiinan niyang Ama. Gusto ko siyang paalisin at 'wag ng pumunta dito, pero kailangan kong makipagplastikan sa kaniya, dahil kailangan.Gago, wala akong Ama at kahit kailan hindi kitang kinilalang Ama.Gusto ko sanang sabihin sa kaniya ng harapan pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka may magandang 'di mangyari at may bata pa akong kasama.Kaya niluwagan ko ang pagk

    Last Updated : 2022-01-05
  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Chapter 8: Pagkikita

    Iris"Dev, tingnan mo'tong isusuot ko mamaya sa party. Bagay ba sa akin?" Pagtatanong ko kaya napalingon siya sa akin habang nililinis ang mga baril niya.Hindi na bago sa akin ang mga gawain niya. Sa isang taon ko ba namang kasama siya dito sa bahay ay sanay na sanay na akong nakikitaan siya ng mga baril.Kaya nga sa loob ng isang taon na 'yon ay tinuruan niya ako ng martial arts at kung paano humawak ng mga baril. Tumitig siya sa damit ko at bago naman sa akin.Ngumiti muna siya bago sumagot sa akin, "Oo naman, sa ganda mong 'yan, lahat ay babagay sa'yo. Siguro kung ako ang tatanungin ay ikaw na ang pinaka-maganda sa party mamaya."Dahil sa sinabi niyang 'yon ay napangiwi ako at itinaas ko ang gitnang daliri ko dahil sa pambobolang ginawa niya."Hindi mo'ko madadaan sa ganiyan. Saka balck ang suot ko. Malay mo naman mamaya na natin paglamayin si Alfred De Vega, 'diba?" pagbibiro ko sabay apir sa kaniya.Nagtawanan pa kami dahil sa naging biro ko, kalaunan ay sumeryoso na dahil may si

    Last Updated : 2022-01-06
  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Chapter 9: Snipper

    Iris"Baby, tara doon tayo kila Mama," bulong sa akin ni Devron kaya tinanguan ko siya. Muli akong tumingin kay Sebastian na ngayon ay naglalakad na palapit sa aming dalawa."Naandito sila Mr and Mrs Montecillo?" Muli kong pagtatanong kaya tumingin siya sa akin at sa dinadaanan namin para alalayan ako."Oo, sinabi ko ngang kasama ka." Nakangiting saad niya kaya nanlaki ang mata ko at mahina siyang kinurot sa tagiliran. Narinig ko pa ang pagtawa niya pero ako naman ay mas lalong kinabahan ng tumigil kami sa dalawang tao ngayon ay nakikipag-usap sa isang Mayor ng Cavite."Thank you for accepting my invitation that time, Mr Avellana. It was nice seeing you again." Nakangiting saad ng matandang lalaki na sa tingin ko ay nasa 36 anyos. Napatingin naman ako sa babaeng katabi niya na sa tingin ko ay nasa 33 anyos naman.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa oras na makaharap ko ang mga tunay na magulang ni Devron. Nang tumingin ako kay Devron ay nakangiti lang siya sa akin at kinindatan

    Last Updated : 2022-01-07
  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Kabanata 10: Bantay

    Iris"Nahanap na ba ang gumawa niyan kay, Iris. Devron?""Yes po, Pa. Nasa headquarters na po natin 'yung Snipper. Hanggang ngayon ay 'di pa rin umaamin kung sino ang nag-utos sa kaniya na barilin si Mama.""Mukhang hindi naman Mama mo ang target, mukhang si Iris talaga. Kung Mama mo nga ang target noong araw na 'yon ay dapat bigla na lang nitong binaril ang Mama mo. Pero hindi, eh... hinintay niya pa talagang humarang si Iris bago niya gawin 'yon.""Ayan na nga po ang naisip ko matapos mabaril si Iris. Buti na nga lang at sa balikat lang siya natamaan. Kung sa pinaka-maselang siya natamaan paniguradong papatayin ko na talaga siya.""Ang importante Devron hindi naging malala ang tama ni Iris. Magpasalamat na lang tayo."Pagkabukas ko ng mga mata ko ay 'yun agad ang narinig ko. Nang luminaw na ang paningin ko ay nabungaran konsa tabi ko si Ma'am Lia na ngayon ay hinahaplos ang buhok ko. Ngumiti siya at nagsalita."Gising ka na pala. Kumusta na ang pakiramdam mo, 'nak? Pasensiya ka na ku

    Last Updated : 2022-01-07

Latest chapter

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Hiding his Son: The Alternative Ending

    Author's Note: Please play "Sa susunod na Habang Buhay by Ben&Ben" para ramdam po ang sakit. The truth is, ito dapat talaga ang real ending ng HHS kaso nagbago isip ko. Kaya ginawa ko ng happy ending. Enjoy reading, hopies!SebastianMy world stop for a while when I hold my wife lifeless hand. Pilit ko siyang ginigising. Pilit kong tinatapik ang pisngi niya pero hindi na siya gumagalaw. Nanlamig ako, binalot ng takot buong pagkatao ko. Parang gripo na rin ang luha ko dahil hind ito mapigil sa pag-agos."No. No, wake up. Wake up, wife. Damn, wake up please. Don't do this to me. Hindi ka puwedeng mamatay. Paano na kami ni Draixon? Iris, gumising ka. Gumising ka!" Pagwawala ko at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa asawa ko. Miski si Devron ay nagsimula na ring mataranta at magwala ng hindi pa dumadating ang ambulansya. Wala na akong pakialam kung puno na ng dugo ang damit at kamay ko."Iris. Iris, nakikiusap ako sa'yo, gumising ka. Misis ko, gumising ka na. Huwag mo'kong iwan,

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Epilogue

    Hello Hopies! This is the final chapter of Hiding his Son. Thank you for appreciating Iris and Sebastian story. May we never forget the feels and the lessons that they gave to us. This is just the beginning of Hiding Series, see you on Hiding Series #2 which is the "Maid for You." Thank you and enjoy reading! Mahaba-habang chapters ito! Don't forget to comment your thoughts or reaction about this story, stay safe and healthy always. -HopeSebastianWhen I first saw her, I knew to myself that she is the one. She's the one that I want to spend my lifetime. She's my first love."IRIS DE VEGA!"Awtomatikong umangat ang ulo ko ng marinig ko ang pangalan niya. Mabilisang hinanap ng mata ko ang presensya niya. Nang makita ko siya 'di kalayuan sa pwesto ko ay palihim akong suminghap.Ang ganda niya talaga.Nakalugay ang mahaba niyang buhok na talagang dinadala ng hangin. Ang mukha niyang inosente na hindi nakakasawang tignan. At mga mata niyang kapag titignan mo ay daig pa ang yelo sa lamig n

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Kabanata 45: Death

    Iris"KAYA PALA ang tahimik mo! Naunahan mo na kami. Ilang araw mong ginawa 'to?" Tukoy ni Devron sa envelope na hawak niya at sinimulan na itong basahin. "Simula ng makapagpahinga ako ng dalawang araw. Sinulit ko na, eh." Sagot ko naman at napatingin ako kay Sebastian ng tawagin niya ang pangalan ko."Wife, bakit hindi ka nagsabi sa akin?" Ramdam ko ang tampo sa boses niya kaya tumayo ako at lumipat ng pwesto para tabihan siya.Hinawakan ko ang kamay niya at nakangiting tumitig sa kaniya. "Ang dami mo pang iniintindi ng mga oras na 'yon, Seb. Ayoko namang pati kay Alfred ay mamroblema ka. Kaya ako na ang gumawa ng hakbang na gawin ang plano. Ang dami mo ng iniisip dadagdag pa ba ako kung kaya ko namang gawin." Dahilan ko kaya tumagal ang pagkakatitig niya sa akin at hinalikan niya naman ang noo ko."Puwede ko na ba kayong kausapin tungkol sa plano? Puwede ko na kayong abalahin na dalawa?" Pagsingit ni Devron kaya mabilisan akong umalis sa pagkakayakap sa asawa ko at hinarap na rin s

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Kabanata 44: Final Plan

    Iris"HAPPY BIRTHDAY DRAIXON!" Masayang sigaw namin at nagpalakpakan. Kitang-kita ko naman ang saya sa mukha ng anak ko dahil kumpleto kami ngayong birthday niya."Blow your candle baby and make a wish," malambing saad ko kaya napatingin siya sa akin at mahinang tumango. Mariing pumikit si Draixon at may ibinulong na hindi ko naman narinig. Pagkatapos niyon ay hinipan niya na ang kandila kaya muli kaming nagsigawan lahat. Nangunguna pa nga ang boses ni Devron."Kainan na!" Sigaw niya dahilan para magtawanan ang kasamahan namin habang ako naman ay napailing."Mommy, daddy. Thank you po kasi tinupad niyo po ang wish ko po na kompleto tayo sa birthday ko po. You're the best gift that I have." Malambing wika niya sa amin kaya hindi ko maiwasang umiyak.Naramdaman ko naman ang pagyakap sa amin ni Sebastian at ng tingnan ko siya ay nakatingin na siya sa mga mata ko. Kitang-kita ko ang pagmamahal na bumabakas sa mga titig niya.Mahal na mahal din kita, Sebastian. "Thank you baby for making

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Kabanata 43: Encounter

    Iris"Ganiyan mo ba itrato ang isang Alfred De Vega, Iris? Nakakatuwa naman." Saad niya kaya buong tapang kong itinutok sa noo niya ang baril na hawak ko.Ramdam na ramdam ko na rin ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa galit na lumulukob. Bumalik lahat ng sakit at poot ng makita kong muli sa harapan ko ang demonyong sumira ng buhay ko lalong-lalo na ni Sebastian."Ang kapal rin ng mukha mong magpakita pa sa amin. Anong kailangan mo?" Matapang na saad ko at binaba ang baril. Lumapit ako sa kaniya at mariing tumitig sa mga mata niya habang siya naman ay mahinang natawa."Mas lalo kang naging matapang ngayon, Iris. Nakakatuwa naman kahit ni katiting na respeto ay wala ka ng maipakita sa akin. Wala na ba talagang mababago sa naging pinagsamahan nating dalawa?" Natatawang tanong niya kaya 'di ko na mapigilang hawakan ang kwelyo niya."Kailangan pa ba ng respeto ang isang taong katulad mo? Para sa'kin kasi hindi na, tutal mamamatay ka rin naman." Saad ko kaya nakita ko ang matinding

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Kabanata 42: Muling Pagbabalik

    Iris"ALAM MO PWEDE KA NG MAGING ARTISTA. Ang galing mong magpanggap, eh." Saad ko kay Devron ng magkaharap kami ngayong umaga. Naandito kami ngayon sa isang cafeteria malapit sa building ng headquarters namin. Tinawagan ko siya para sabihin sa kaniya na alam ko na ang nangyari sa limang taon na lumipas.Nginisian niya langa ako at pinag-krus niya ang dalawang braso niya dahilan para pagtaasan ko siya ng kilay sa ipinapakita niya sa akin ngayon."Pasensya na, napag-utusan lang." Nakangiting saad niya kaya tumawa ako at muli siyang sinamaan ng tingin."Napag-utusan. Ang sabihin mo ayaw mo lang malaman ko. Pero kuya..." Pinutol ko ang sasabihin ko ng tumayo ako at lumipat sa tabi niya. Nakita ko pang parang iiwas pa siya kaya hindi ko mapigilang ngumiti ng palihim.Bigla ko na lamang siyang niyakap ng sobrang higpit at hinalikan ang pisngi niya. Kitang-kita ko pa ang gulat sa mga mata niya dahil sa ginawa ko. Taranta siyang humiwalay sa akin at nabigla na lamang ako ng pagtaasan niya a

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Kabanata 41: Paliwanag

    IrisGUSTO KONG MAGWALA sa mga oras na'to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mag-sink in sa utak ko ang mga nabasa kong impormasyon limang taon na ang lumipas. Muli kong pinulot ang mga pictures na nakita ko at napansin kong may mga sulat ito sa likod. Sulat kamay ni Devron. Nang basahin ko ito ay mas lalong lumakas ang paghagulgol ko.Ang unang litrato ay noong mga panahong buntis ako. Malapit na akong manganak kay Draixon sa litratong 'to. Binasa ko ang sulat at 'di ko maiwasang mapangiti."Sebastian, ganda ng kapatid ko, 'no? Malapit ng manganak 'yan kaya bilisan mong lumabas diyan sa kulungan. Bahala ka 'di mo makikita ang mag-ina mo."-DAng pangalawang litrato naman ay hawak-hawak ko na si Draixon sa mga bisig ko at kitang-kita ko ang saya sa mga mata ko."Pare, isang taon ka na diyan sa kulungan. Baka puwede namang ipakiusap sa kanila na saglit mo lang sisilipin ang mag-ina mo. Kailangan ka rin ng kapatid ko."-DAng pangatlong litrato naman ay noong nag-isang taon na si Draixon

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Kabanata 40: Katotohanan

    IrisINILIBOT ko ang mata ko sa kabuuan ng bahay. Masasabi kong maaliwalas at maganda ang naging disenyo. Napangiti na lang ako dahil ito ang design na pinag-usapan namin ni Sebastian bago magkandaleche-leche ang lahat.Naaalala pa pala niya ang lahat. Miski ang mga maliliit na detalye na sinabi ko sa kaniya noon. Pero sa mga oras na'to nalilito pa rin ako sa nangyari limang taon na ang nakakalipas. Alin ba talaga ang totoo? Naging totoo ba talaga sa akin si Sebastian noong magkasama pa kaming dalawa? Kaya ko bang sumugal ngayon lalo na at may anak na kami? Kaya mo na ba, Iris? Handa ka na ba ulit? Pero nawala ang lahat ng katanungan ko sa sarili ko ng maramdaman ko ng may yumakap sa bewang ko at hinalikan ako sa pisngi dahilan para magulat ako."Good morning, Wife." Bulong sa akin ni Sebastian kaya nakaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko at muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Akmang aalis na sana ako sa pagkakayakap pero bigla naman akong pumasok si Draixon at tuwang-tuwa sa

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Kabanata 39: Home

    IrisNANLAMIG agad ako sa sinabi ng anak ko kaya marahan ko siyang binaba at hinawakan ang mukha niya."Dito ka lang, baby ha? Kakausapin lang ni Mommy ang naghahanap sa akin." Nakangiting sambit ko kaya kahit nakikitaan ko ng pagtataka sa mga mata ng anak ko ay sumunod na lang siya sa akin.Pero bago pa ako lumabas sa kusina ay muli kong tiningnan si Devron na ngayon ay nakamasid sa amin na tila inaabangan ang gagawin kong hakbang. Nang mapansin niya nakatingin ako sa kaniya ay ngumiti siya sa akin."Isama mo na si Draixon. Para sa anak mo gawin mo'to, Iris. Naghahanap na rin ng kalinga ng Ama si Draixon, sabihin mo na sa kaniya ang totoo," saad ni Devron kaya nanghina ako at napahawak sa gilid ng lamesa dahil napuno ng takot ang buong sistema ko.Hindi ko ito napaghandaan."Mommy, siya po ba talaga ang daddy ko? 'Yung man na naghihintay sa atin?" Napabalik na lang ako sa sarili ko ng marinig ko ang boses ni Draixon na ngayon ay nakatitig sa mga mata ko.Kaya umupo ako para pantayan

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status