Share

Chapter 1: Sebastian

Author: Hope
last update Last Updated: 2021-09-10 18:51:57

Iris

"Papa, parang awa mo na po! Ibaba niyo po ang baril na hawak mo!" Sigaw ko habang nagmamakaawa.

Kitang-kita ko rin sa harap ko na ang Nanay ko ay nakaluhod at nagmamakaawa rin sa Tatay kong ibaba ang baril na hawak niya.

Nanginig ang dalawa kong kamay at ginamit ko itong pantakip sa tainga ko. Pinilit kong lumanghap ng hangin dahil ang sikip ng dibdib ko gawa sa pag-iyak.

Napasigaw na lamang ako nang paputukin niya ang baril. Dahil sa sobrang takot ay mas lalong lumakas ang pag-iyak ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay hindi ako ang natamaan kundi ang pader ng bahay namin.

Nang tingnan kong muling ang Tatay ko ay mas lalong umusbong ang takot sa puso ko. Tuluyan nag nandilim ang paningin ko ng ilagay niya sa noo ko ang baril na hawak niya.

Napabalikwas ako ng bangon. Habol-habol ko ang hininga ko na akala mo ay hinabol ako ng sampung demonyo.

Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Nanginginig na rin ang buong katawan ko.

Pinalibot ko ang mata ko at nakahinga na rin ako nang maluwag ng malaman kong nasa kwarto ako. Sinapok ko na lamang ang sarili ko dahil sa takot na nararamdaman ko.

Takteng panaginip 'yan!

Sinabunutan ko ang sarili ko at natawa na lamang sa naggawa ko. Mukha akong tanga. Dahan-dahan kong tinapak ang paa ko sa sahig at dumiretso sa C.R.

Dumiretso na ako sa paghilamos at naligo. Nang matapos na ako ay lumabas na ako. Habang kinukusot ko ang buhok ko ng tuwalya ay biglang tumunog ang cellphone ko.

Baby is calling

Napairap na lamang ako dahil sa katarantaduhan ng kuya ko. Kinuha ko ang cellphone at pinatay ang tawag niya. Bahala siya sa buhay niya.

Alam kong guguluhin na naman niya ako. Ang suot ko ngayon ay t shirt na puti at pantalon. Wala akong pakialam kung mainit ang suot ko. Sarili ko ito, walang pakialamang magaganap.

Lumabas na ako at gumala na kung saan-saan. Napasimangot na lamang ako ng muling mag-vibrate ang cellphone ko. Nang tingnan ko ang caller ay muli ko itong pinatay.

Habang naglalakad ako sa gitna na ng mga tao ay napatigil ako sa tapat ng simbahan. Kitang-kita ng mga mata ko ang mga taong tapos nang magdasal at nagsisilabasan na.

Napailing na lamang ako at natawa. Hindi ko alam kung bakit pa nagdadasal ang mga tao, eh hindi naman natutupad ang mga kahilingan nila.

Bago pa ako tuluyang maglakad palayo ay nagtama ang mata namin ng isang lalaking isang kilometro ang layo sa akin. Napangisi na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

Tumigil ako sa isang karinderya ng makita kong nanonood sila Mang Nato ng basketball. Tahimik lang akong umupo sa hindi kalayuan sa kanila.

Nagdi-drible ang kalaban ng kabilang panig kaya tutok na tutok kaming lahat. Napasigaw na lamang kami nang biglang sumablay ang bola.

"Ang tangang tumira!" Sigaw ko kaya napatingin sila sa akin sila Mang Nato.

"Iris, naandiyan ka pala. Bakit hindi ka man lamang nagsasalita," sabi niya kaya natawa ako at lumapit sa kanila. Umupo ako sa isang bakanteng upuan at nagtaka ako ng may mga perang nakalatag.

"Eh, mga busy kayo sa panonood at saka bakit may mga pera diyan?"

"Ah, ayan. Nagpupustahan kasi kami kung sino ang mananalo, gusto mo bang makisali sa amin? Singkwenta pesos lang," alok sa akin ni Mang Nato kaya tumango ako at naglabas ng pera.

"Singkwenta lang naman pala," sabi ko at nilagay ang pera sa ibabaw ng mesa.

"Basta ang pusta ko sa Team Cobra," dugtong ko at nagpatuloy kami sa panonood.

Makalipas ang ilang minuto naming panonood ay napangisi at napasuntok pa ako sa hangin sa naging resulta ng laro.

"Wala! wala! Ako ang panalo!" Pagsigaw ko habang kinukuha ang pera sa ibabaw ng mesa.

Ang iba ay napakamot pa ang ulo at napasuntok sa hangin samantalang ako naman ay tawa nang tawa dahil nasa akin lahat ng pusta nila.

"Dapat pala kay Iris na lamang ako kumampi," sabi ni Mang Nato sabay akbay sa akin kaya mahina ko itong sinuntok sa braso.

"Sabi ko sa inyo, mananalo ang Team Cobra tapos magsisisi kayo ngayon." Kaya binulsa ko na ang pera at inayos ang sarili ko.

Mas lalo ko pa silang inasar ng ipakita ko ang mga perang ipinangpusta nila.

Patay kayo sa mga asawa niyo pag-uwi, mas inuna niyo pa ang magsugal kaysa bumili ng gatas ng mga anak niyo.

"Sige na, aalis na ako. Salamat sa pera ninyo!" Sigaw ko at lumabas na sa karinderya. Sumisipol-sipol pa ako habang naglalakad at nakapamulsa ang dalawa kong kamay.

Pumasok ako sa isang fast food chain at umorder. Umupo ako sa tabi at nagsimula nang kumain

Habang kumakain ako ay napatigil ako saglit dahil nararamdaman kong may nakatingin sa akin, tahimik ko lamang na nilibot ang mata ko at tama nga ako.

Sa tapat kong mesa ay nakatingin sa akin ang isang lalaki, gwapo ito at maputi. Nagulat na lamang ako nang bigla itong ngumiti sa akin kaya bigla kong sineryoso ang mukha ko.

Binilisan ko na lamang ang pagkain ko dahil naiirita ako sa lalaking katapat ko at ng matapos na ako tumayo ako bigla at nagmadaling lumabas.

Binilisan ko ang paglalakad at dumaan sa isang eskinita para mapabilis ang pag-uwi sa amin.

Habang naglalakad ako ay iniisip ko ang lalaking kaharap ko kanina, natawa na lamang ako bigla dahil naisip ko.

Mukha siyang ewan habang nakatingin sa akin.

Pagliko ko sa isang eskinita ay may bigla na lamang humarang sa akin na tatlong lalaki at namukhaan ko silang lahat.

"Aba, Ashong! Nakalaya pa kayo?" Pagbibiro ko at sumandal sa pader. Napangisi naman si Ashong at lumapit sa akin ng kaunti.

"Gago ka talaga, Iris!" Sigaw ni Ashong at inambahan na ako ng suntok. Kaya bigla akong yumuko at nasuntok niya ang pader.

Nakita ko pa sa gilid ng mata ko ng biglang gumalaw ang dalawa niyang kasama kaya umikot ako paharap sa kanila at sinuntok sa mukha.

Nabigla na lamang ako ng sinakal ako ni Ashong patalikod kaya siniko ko ito sa mukha nang pagkalakas-lakas, dahilan para mapabitaw siya sa akin.

Napamura na lamang ako ng biglang may sumuntok sa mukha ko dahilan para umikot ang paningin ko, napahawak ako sa pader at pinilig ang ulo ko para bumalik sa huwisyo.

Gumanti ako nang suntok sa tatlo at pinagsisipa sila. Yinuko ko ang ulo ko ng susuntukin ako ni Ashong, bigla ko itong tinulak sa pader at sinuntok sa mukha.

Hinawakan ako ng dalawa niyang kasama sa magkabilang braso kaya nagpupumiglas ako.

"Anong akala mo Iris tapos na tayo? Hindi pa!" Sigaw niya sa akin sabay suntok sa mukha ko kaya nalasahan ko ang sarili kong dugo.

"Tangina ka, Ashong," galit kong saad habang tumatawa at dinura ang dugo na nalasahan ko. Nang ambang susuntukin niya ako ay may biglang humigit sa kaniya at sinuntok.

Pagtingin ko sa taong sumuntok kay Ashong ay siya ang lalaking nakita kong nakatingin sa akin kanina.

Biglang tumayo si Ashong at ng akmang gaganti ito sa lalaki ay biglang naglabas ng baril ang lalaki kaya napataas si Ashong ng kamay.

"Pakawalan ninyo ang babae," seryosong utos ng lalaki sabay tutok ng baril sa dalawa.

Binitawan ako nang dalawa at tumakbo palayo, bago pa umalis si Ashong ay pinagbantaan pa kami.

"Babalikan ko kayong dalawa!"

Napasandal ako sa pader at pinunasan ang dugo sa may labi ko, napatingin ako sa lalaking tumulong sa akin ng hawakan ako nito sa mukha.

Sinamaan ko siya nang tingin at hinawi ang kaniyang kamay. "Tsk!" Inayos ko na ang suot ko at tinalikuran na ang lalaki.

"Salamat," malamig kong saad at umalis na.

Akala ko ay wala na siya pero sinundan niya ako at nagpakilala pa. "Ako nga pala si Santino De dios Buenavista, ikaw anong pangalan mo?"

"Hindi ko tinatanong ang pangalan mo," pambabara ko at nagpatuloy pa rin sa paglalakad hanggang sa nakalabas ako nang eskinita ay nakasunod pa rin siya sa akin kaya humarap ako sa kaniya at sinamaan ng tingin.

"Bakit ka ba sunod ng sunod sa akin, may kailangan ka ba?" Pagtatanong ko sa lalaki kaya ngumiti ito sa akin.

"Gagamutin ko sana ang mga sugat mo." Kaya napangisi ako sa narinig at napameywang ako.

"Kaya kong gamutin ang sarili ko," ganti ko at tumalikod na, pero makulit ang lalaking ito, nakasunod pa rin siya kaya hinayaan ko na lamang.

Habang naglalakad ako ay naririnig ko ang mga bunganga ng mahadera kong kapitbahay.

"Hala, Santino! Bakit kasama mo ang babaeng iyan? Baka mahawaan ka nang kasamaan niya!" Naptigil ako sa narinig at hinarap ang nagsalita.

"Hala! Bakit ikaw? Ang mahadera at ang tsismosa mo," sabi ko at umalis na. Kita ko pa ang gulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko.

Nang malapit na ako sa apartment ko ay nakita ko si Mang Tabo na nagmamadaling pumunta sa akin.

"Anak ng tinapa! Iris, nakipagbasag ulo ka na naman!" Sigaw sa akin ni Mang Tabo.

"Atleast, Mang Tabo nakauwi pa ako ng buhay," ani ko kasabay ng pagsasalita ng taong nasa likod ko.

"Tinulungan ko po siya." Napatingin si Mang Tabo dito at kita ko ang pagkagulat sa mukha niya.

"Santino, nako! Pasensiya ka na at maraming salamat sa pagtulong sa batang ito. Malapit talaga sa gulo ito..." Habang naguusap ang dalawa ay pumasok na ako sa apartment at hinayaan na sila.

Bago ko pa man isara ang pinto ay tinignan ko muna ang lalaking tumulong sa akin.

Sebastian Craixon Buenavista.

Related chapters

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Chapter 2: Muling Pagkikita

    Sebastian Napangisi na lang ako ng makita kong palingon-lingon ang mga bodyguard ko 'di kalayuan sa pwesto ko. Akala mo naman ay may babaril sa akin kapag nawala ako sa paningin. Dahil sa naiinip ako ay kinuha ko muna ang sigarilyo ko at sinindihan ito. Habang binubuga ko ang usok ng sigarilyo ay napahawak naman ako sa earpiece ko ng marinig kong nagsalita ang isa sa mga bodyguard na inutusan ko para hanapin ang isang taong matagal ko ng hinahanap. "Boss, nakita na namin siya. Nakatingin siya sa'yo." Aniya kaya saktong pagharap ko ay nagtagpo ang mata ng babaeng matagal ko ng hinahanap. Tiningnan ko maigi ang mukha niya at natulala ako ng ngumisi lang siya at tuluyan ng umalis. Dahil sa pagkabigla ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong sinusundan siya. Pinigilan pa ako ng mga nagbabantay sa akin pero tumalim ang titig ko sa kanila kaya wala na silang nagawa kundi ang hayaan ako sa susunod kong gawin. Napatigil ako sa pagsunod sa kaniya ng makita ko siyang pumasok sa isang karin

    Last Updated : 2021-09-10
  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Chapter 3: Devron

    IrisNapaasik na lamang ako nang maramdaman ko ang bigat sa katawan ko. Kaya dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay isang kamay na nakayakap sa bewang ko.Pagharap ko kung sino ang lintek na ito ay mas lalong sumama ang umaga ko. Tulog na tulog siya sa tabi ko at halata ang pagod sa mukha niya.Kaya hinayaan ko na lang siya at tahimik na inalis ang pagkakayakap niya sa akin. Nang maalala kong magpapalit ako ng damit ay napatingin ako sa suot ko. Halos umusok ang ilong ko nang makita kong iba na ang damit ko ngayon kumpara kahapon.Dahil doon ay nanggagalaiti kong hinarap si Devron na ngayon ay sobrang sarap ng tulog. Malakas ko siyang sinabunutan dahilan para mapabangon siya at galit na tumingin sa akin."Langya naman, Iris! Agang-aga nanabunot ka! Ano bang problema mo?!" Inis niyang sigaw kaya aambaan ko siya ng suntok na agad naman niyang sinalag."Ikaw ang nagpalit ng damit ko, 'no?""Ano namang masama kung ako ang nagpalit ng damit mo? Magkapatid

    Last Updated : 2021-09-10
  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Chapter 4: Buknoy

    IrisPaglabas ko ng banyo ay naririnig kong nag-ring ang cellphone ko. Kaya dinampot ko ito sa lamesa habang kinukusot ang buhok ko.Kumunot ang noo ko ng makita kong si Devron ang tumatawag. Agad ko'tong sinagot dahil baka importante ang sasabihin."Baby, finally sinagot mo na ang tawag ko. Alam mo bang nakaka-sampu na akong tawag sa' yo pero 'di mo pa rin sinasagot. Ano bang pinagkakaabalahan mo?""Naligo ako. Bakit ka na naman ba tumawag. Ibaba ko talaga 'to kung mambi-bwisit ka na naman sa akin," banta ko pero tawa lang niya ang narinig ko sa kabilang linya."Easy, may ipapakuha lang ako sa cabinet mo. Kaya pumunta ka na at buksan mo 'yon." Pag-utos niya na agad ko namang sinunod. Pagbukas ko ng cabinet ay napasimangot naman ako dahil wala naman akong makitang kakaiba."Tatamaan ka talaga sa akin, Devron. Walang nakalagay dito sa cabinet ko.""Meron, diyan sa ilalim ng damit mo. Iangat mo lang tapos may makikita kang envelope na puti may nakalagay na card diyan."Sinunod ko naman a

    Last Updated : 2021-09-10
  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Chapter 5: Alfred De Vega

    Iris"Tarantado ka! Sino ang nagturo sa'yo na magnakaw?" Galit kong saad habang siya naman ay umiiyak na sa harapan ko."Ate Iris, 'wag mo po muna akong saktan. Hindi ko naman po ginusto ang ganitong gawain. Napag-utusan lang po ako." Mahabang paliwanag niya kaya dahan-dahan kong binitawan ang braso niya at hinablot ang wallet ko."Huwag mo akong iyakan diyan, baka mamaya ay mabigwasan pa kita. Sinong nag-utos sa'yo?!"Hanggang ngayon ay mas lalong lumala ang galit ko. Ang ayoko sa lahat ay may mga inosenteng bata na nadadamay. Hindi ba nila alam na maaaring masira ng maaga ang kinabukasan ng mga batang katulad ni Buknoy."Sino sabing nag-utos sa'yo ng gan'tong bagay?!" Hindi ko na muli napigilan ang sarili kong sumigaw dahil sa galit na nararamdaman ko.Pagharap ko ay nasa harapan ko na si Santino na hinahapo at napansin kong nawala ang mga pinamili kong pagkain sa 7/11."Nasaan 'yung mga pagkaing binili ko? At saka bakit sumunod ka pa dito?" Malamig kong saad at tuloy-tuloy na lumaba

    Last Updated : 2021-10-02
  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Chapter 6: Imbitasyon

    Iris"Kumusta Iris? Nagulat ka ba dahil nagkita muli tayong dalawa?" Nakangisi niyang saad habang ako naman ay nakatayo lamang sa harapan niya at blankong tumitig sa kaniya."Anong ginagawa mo dito?" Malamig at walang galang na saad ko. Kaya natawa naman siya at tumingin sa tatlong bodyguard na nasa likuran niya na may bitbit na mga plastic bags.At doon ay napangisi ako nang malaman kong kung ano ang laman ng mga ito. Mga pagkain na pinamili niya at alam ko na kung bakit merong ganito, dahil may gagawin na naman siyang kailangan kong sundin."Hindi mo man lamang ba papapasukin ang Ama mo?"Gusto kong masuka dahil sa pinagdiinan niyang Ama. Gusto ko siyang paalisin at 'wag ng pumunta dito, pero kailangan kong makipagplastikan sa kaniya, dahil kailangan.Gago, wala akong Ama at kahit kailan hindi kitang kinilalang Ama.Gusto ko sanang sabihin sa kaniya ng harapan pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka may magandang 'di mangyari at may bata pa akong kasama.Kaya niluwagan ko ang pagk

    Last Updated : 2021-10-03
  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Chapter 7: Imbitasyon

    Iris"Kumusta Iris? Nagulat ka ba dahil nagkita muli tayong dalawa?" Nakangisi niyang saad habang ako naman ay nakatayo lamang sa harapan niya at blankong tumitig sa kaniya."Anong ginagawa mo dito?" Malamig at walang galang na saad ko. Kaya natawa naman siya at tumingin sa tatlong bodyguard na nasa likuran niya na may bitbit na mga plastic bags.At doon ay napangisi ako nang malaman kong kung ano ang laman ng mga ito. Mga pagkain na pinamili niya at alam ko na kung bakit merong ganito, dahil may gagawin na naman siyang kailangan kong sundin."Hindi mo man lamang ba papapasukin ang Ama mo?"Gusto kong masuka dahil sa pinagdiinan niyang Ama. Gusto ko siyang paalisin at 'wag ng pumunta dito, pero kailangan kong makipagplastikan sa kaniya, dahil kailangan.Gago, wala akong Ama at kahit kailan hindi kitang kinilalang Ama.Gusto ko sanang sabihin sa kaniya ng harapan pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka may magandang 'di mangyari at may bata pa akong kasama.Kaya niluwagan ko ang pagk

    Last Updated : 2022-01-05
  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Chapter 8: Pagkikita

    Iris"Dev, tingnan mo'tong isusuot ko mamaya sa party. Bagay ba sa akin?" Pagtatanong ko kaya napalingon siya sa akin habang nililinis ang mga baril niya.Hindi na bago sa akin ang mga gawain niya. Sa isang taon ko ba namang kasama siya dito sa bahay ay sanay na sanay na akong nakikitaan siya ng mga baril.Kaya nga sa loob ng isang taon na 'yon ay tinuruan niya ako ng martial arts at kung paano humawak ng mga baril. Tumitig siya sa damit ko at bago naman sa akin.Ngumiti muna siya bago sumagot sa akin, "Oo naman, sa ganda mong 'yan, lahat ay babagay sa'yo. Siguro kung ako ang tatanungin ay ikaw na ang pinaka-maganda sa party mamaya."Dahil sa sinabi niyang 'yon ay napangiwi ako at itinaas ko ang gitnang daliri ko dahil sa pambobolang ginawa niya."Hindi mo'ko madadaan sa ganiyan. Saka balck ang suot ko. Malay mo naman mamaya na natin paglamayin si Alfred De Vega, 'diba?" pagbibiro ko sabay apir sa kaniya.Nagtawanan pa kami dahil sa naging biro ko, kalaunan ay sumeryoso na dahil may si

    Last Updated : 2022-01-06
  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Chapter 9: Snipper

    Iris"Baby, tara doon tayo kila Mama," bulong sa akin ni Devron kaya tinanguan ko siya. Muli akong tumingin kay Sebastian na ngayon ay naglalakad na palapit sa aming dalawa."Naandito sila Mr and Mrs Montecillo?" Muli kong pagtatanong kaya tumingin siya sa akin at sa dinadaanan namin para alalayan ako."Oo, sinabi ko ngang kasama ka." Nakangiting saad niya kaya nanlaki ang mata ko at mahina siyang kinurot sa tagiliran. Narinig ko pa ang pagtawa niya pero ako naman ay mas lalong kinabahan ng tumigil kami sa dalawang tao ngayon ay nakikipag-usap sa isang Mayor ng Cavite."Thank you for accepting my invitation that time, Mr Avellana. It was nice seeing you again." Nakangiting saad ng matandang lalaki na sa tingin ko ay nasa 36 anyos. Napatingin naman ako sa babaeng katabi niya na sa tingin ko ay nasa 33 anyos naman.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa oras na makaharap ko ang mga tunay na magulang ni Devron. Nang tumingin ako kay Devron ay nakangiti lang siya sa akin at kinindatan

    Last Updated : 2022-01-07

Latest chapter

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Hiding his Son: The Alternative Ending

    Author's Note: Please play "Sa susunod na Habang Buhay by Ben&Ben" para ramdam po ang sakit. The truth is, ito dapat talaga ang real ending ng HHS kaso nagbago isip ko. Kaya ginawa ko ng happy ending. Enjoy reading, hopies!SebastianMy world stop for a while when I hold my wife lifeless hand. Pilit ko siyang ginigising. Pilit kong tinatapik ang pisngi niya pero hindi na siya gumagalaw. Nanlamig ako, binalot ng takot buong pagkatao ko. Parang gripo na rin ang luha ko dahil hind ito mapigil sa pag-agos."No. No, wake up. Wake up, wife. Damn, wake up please. Don't do this to me. Hindi ka puwedeng mamatay. Paano na kami ni Draixon? Iris, gumising ka. Gumising ka!" Pagwawala ko at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa asawa ko. Miski si Devron ay nagsimula na ring mataranta at magwala ng hindi pa dumadating ang ambulansya. Wala na akong pakialam kung puno na ng dugo ang damit at kamay ko."Iris. Iris, nakikiusap ako sa'yo, gumising ka. Misis ko, gumising ka na. Huwag mo'kong iwan,

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Epilogue

    Hello Hopies! This is the final chapter of Hiding his Son. Thank you for appreciating Iris and Sebastian story. May we never forget the feels and the lessons that they gave to us. This is just the beginning of Hiding Series, see you on Hiding Series #2 which is the "Maid for You." Thank you and enjoy reading! Mahaba-habang chapters ito! Don't forget to comment your thoughts or reaction about this story, stay safe and healthy always. -HopeSebastianWhen I first saw her, I knew to myself that she is the one. She's the one that I want to spend my lifetime. She's my first love."IRIS DE VEGA!"Awtomatikong umangat ang ulo ko ng marinig ko ang pangalan niya. Mabilisang hinanap ng mata ko ang presensya niya. Nang makita ko siya 'di kalayuan sa pwesto ko ay palihim akong suminghap.Ang ganda niya talaga.Nakalugay ang mahaba niyang buhok na talagang dinadala ng hangin. Ang mukha niyang inosente na hindi nakakasawang tignan. At mga mata niyang kapag titignan mo ay daig pa ang yelo sa lamig n

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Kabanata 45: Death

    Iris"KAYA PALA ang tahimik mo! Naunahan mo na kami. Ilang araw mong ginawa 'to?" Tukoy ni Devron sa envelope na hawak niya at sinimulan na itong basahin. "Simula ng makapagpahinga ako ng dalawang araw. Sinulit ko na, eh." Sagot ko naman at napatingin ako kay Sebastian ng tawagin niya ang pangalan ko."Wife, bakit hindi ka nagsabi sa akin?" Ramdam ko ang tampo sa boses niya kaya tumayo ako at lumipat ng pwesto para tabihan siya.Hinawakan ko ang kamay niya at nakangiting tumitig sa kaniya. "Ang dami mo pang iniintindi ng mga oras na 'yon, Seb. Ayoko namang pati kay Alfred ay mamroblema ka. Kaya ako na ang gumawa ng hakbang na gawin ang plano. Ang dami mo ng iniisip dadagdag pa ba ako kung kaya ko namang gawin." Dahilan ko kaya tumagal ang pagkakatitig niya sa akin at hinalikan niya naman ang noo ko."Puwede ko na ba kayong kausapin tungkol sa plano? Puwede ko na kayong abalahin na dalawa?" Pagsingit ni Devron kaya mabilisan akong umalis sa pagkakayakap sa asawa ko at hinarap na rin s

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Kabanata 44: Final Plan

    Iris"HAPPY BIRTHDAY DRAIXON!" Masayang sigaw namin at nagpalakpakan. Kitang-kita ko naman ang saya sa mukha ng anak ko dahil kumpleto kami ngayong birthday niya."Blow your candle baby and make a wish," malambing saad ko kaya napatingin siya sa akin at mahinang tumango. Mariing pumikit si Draixon at may ibinulong na hindi ko naman narinig. Pagkatapos niyon ay hinipan niya na ang kandila kaya muli kaming nagsigawan lahat. Nangunguna pa nga ang boses ni Devron."Kainan na!" Sigaw niya dahilan para magtawanan ang kasamahan namin habang ako naman ay napailing."Mommy, daddy. Thank you po kasi tinupad niyo po ang wish ko po na kompleto tayo sa birthday ko po. You're the best gift that I have." Malambing wika niya sa amin kaya hindi ko maiwasang umiyak.Naramdaman ko naman ang pagyakap sa amin ni Sebastian at ng tingnan ko siya ay nakatingin na siya sa mga mata ko. Kitang-kita ko ang pagmamahal na bumabakas sa mga titig niya.Mahal na mahal din kita, Sebastian. "Thank you baby for making

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Kabanata 43: Encounter

    Iris"Ganiyan mo ba itrato ang isang Alfred De Vega, Iris? Nakakatuwa naman." Saad niya kaya buong tapang kong itinutok sa noo niya ang baril na hawak ko.Ramdam na ramdam ko na rin ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa galit na lumulukob. Bumalik lahat ng sakit at poot ng makita kong muli sa harapan ko ang demonyong sumira ng buhay ko lalong-lalo na ni Sebastian."Ang kapal rin ng mukha mong magpakita pa sa amin. Anong kailangan mo?" Matapang na saad ko at binaba ang baril. Lumapit ako sa kaniya at mariing tumitig sa mga mata niya habang siya naman ay mahinang natawa."Mas lalo kang naging matapang ngayon, Iris. Nakakatuwa naman kahit ni katiting na respeto ay wala ka ng maipakita sa akin. Wala na ba talagang mababago sa naging pinagsamahan nating dalawa?" Natatawang tanong niya kaya 'di ko na mapigilang hawakan ang kwelyo niya."Kailangan pa ba ng respeto ang isang taong katulad mo? Para sa'kin kasi hindi na, tutal mamamatay ka rin naman." Saad ko kaya nakita ko ang matinding

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Kabanata 42: Muling Pagbabalik

    Iris"ALAM MO PWEDE KA NG MAGING ARTISTA. Ang galing mong magpanggap, eh." Saad ko kay Devron ng magkaharap kami ngayong umaga. Naandito kami ngayon sa isang cafeteria malapit sa building ng headquarters namin. Tinawagan ko siya para sabihin sa kaniya na alam ko na ang nangyari sa limang taon na lumipas.Nginisian niya langa ako at pinag-krus niya ang dalawang braso niya dahilan para pagtaasan ko siya ng kilay sa ipinapakita niya sa akin ngayon."Pasensya na, napag-utusan lang." Nakangiting saad niya kaya tumawa ako at muli siyang sinamaan ng tingin."Napag-utusan. Ang sabihin mo ayaw mo lang malaman ko. Pero kuya..." Pinutol ko ang sasabihin ko ng tumayo ako at lumipat sa tabi niya. Nakita ko pang parang iiwas pa siya kaya hindi ko mapigilang ngumiti ng palihim.Bigla ko na lamang siyang niyakap ng sobrang higpit at hinalikan ang pisngi niya. Kitang-kita ko pa ang gulat sa mga mata niya dahil sa ginawa ko. Taranta siyang humiwalay sa akin at nabigla na lamang ako ng pagtaasan niya a

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Kabanata 41: Paliwanag

    IrisGUSTO KONG MAGWALA sa mga oras na'to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mag-sink in sa utak ko ang mga nabasa kong impormasyon limang taon na ang lumipas. Muli kong pinulot ang mga pictures na nakita ko at napansin kong may mga sulat ito sa likod. Sulat kamay ni Devron. Nang basahin ko ito ay mas lalong lumakas ang paghagulgol ko.Ang unang litrato ay noong mga panahong buntis ako. Malapit na akong manganak kay Draixon sa litratong 'to. Binasa ko ang sulat at 'di ko maiwasang mapangiti."Sebastian, ganda ng kapatid ko, 'no? Malapit ng manganak 'yan kaya bilisan mong lumabas diyan sa kulungan. Bahala ka 'di mo makikita ang mag-ina mo."-DAng pangalawang litrato naman ay hawak-hawak ko na si Draixon sa mga bisig ko at kitang-kita ko ang saya sa mga mata ko."Pare, isang taon ka na diyan sa kulungan. Baka puwede namang ipakiusap sa kanila na saglit mo lang sisilipin ang mag-ina mo. Kailangan ka rin ng kapatid ko."-DAng pangatlong litrato naman ay noong nag-isang taon na si Draixon

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Kabanata 40: Katotohanan

    IrisINILIBOT ko ang mata ko sa kabuuan ng bahay. Masasabi kong maaliwalas at maganda ang naging disenyo. Napangiti na lang ako dahil ito ang design na pinag-usapan namin ni Sebastian bago magkandaleche-leche ang lahat.Naaalala pa pala niya ang lahat. Miski ang mga maliliit na detalye na sinabi ko sa kaniya noon. Pero sa mga oras na'to nalilito pa rin ako sa nangyari limang taon na ang nakakalipas. Alin ba talaga ang totoo? Naging totoo ba talaga sa akin si Sebastian noong magkasama pa kaming dalawa? Kaya ko bang sumugal ngayon lalo na at may anak na kami? Kaya mo na ba, Iris? Handa ka na ba ulit? Pero nawala ang lahat ng katanungan ko sa sarili ko ng maramdaman ko ng may yumakap sa bewang ko at hinalikan ako sa pisngi dahilan para magulat ako."Good morning, Wife." Bulong sa akin ni Sebastian kaya nakaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko at muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Akmang aalis na sana ako sa pagkakayakap pero bigla naman akong pumasok si Draixon at tuwang-tuwa sa

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Kabanata 39: Home

    IrisNANLAMIG agad ako sa sinabi ng anak ko kaya marahan ko siyang binaba at hinawakan ang mukha niya."Dito ka lang, baby ha? Kakausapin lang ni Mommy ang naghahanap sa akin." Nakangiting sambit ko kaya kahit nakikitaan ko ng pagtataka sa mga mata ng anak ko ay sumunod na lang siya sa akin.Pero bago pa ako lumabas sa kusina ay muli kong tiningnan si Devron na ngayon ay nakamasid sa amin na tila inaabangan ang gagawin kong hakbang. Nang mapansin niya nakatingin ako sa kaniya ay ngumiti siya sa akin."Isama mo na si Draixon. Para sa anak mo gawin mo'to, Iris. Naghahanap na rin ng kalinga ng Ama si Draixon, sabihin mo na sa kaniya ang totoo," saad ni Devron kaya nanghina ako at napahawak sa gilid ng lamesa dahil napuno ng takot ang buong sistema ko.Hindi ko ito napaghandaan."Mommy, siya po ba talaga ang daddy ko? 'Yung man na naghihintay sa atin?" Napabalik na lang ako sa sarili ko ng marinig ko ang boses ni Draixon na ngayon ay nakatitig sa mga mata ko.Kaya umupo ako para pantayan

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status