Iris
Paglabas ko ng banyo ay naririnig kong nag-ring ang cellphone ko. Kaya dinampot ko ito sa lamesa habang kinukusot ang buhok ko.
Kumunot ang noo ko ng makita kong si Devron ang tumatawag. Agad ko'tong sinagot dahil baka importante ang sasabihin.
"Baby, finally sinagot mo na ang tawag ko. Alam mo bang nakaka-sampu na akong tawag sa' yo pero 'di mo pa rin sinasagot. Ano bang pinagkakaabalahan mo?"
"Naligo ako. Bakit ka na naman ba tumawag. Ibaba ko talaga 'to kung mambi-bwisit ka na naman sa akin," banta ko pero tawa lang niya ang narinig ko sa kabilang linya.
"Easy, may ipapakuha lang ako sa cabinet mo. Kaya pumunta ka na at buksan mo 'yon." Pag-utos niya na agad ko namang sinunod. Pagbukas ko ng cabinet ay napasimangot naman ako dahil wala naman akong makitang kakaiba.
"Tatamaan ka talaga sa akin, Devron. Walang nakalagay dito sa cabinet ko."
"Meron, diyan sa ilalim ng damit mo. Iangat mo lang tapos may makikita kang envelope na puti may nakalagay na card diyan."
Sinunod ko naman ang pinapaggawa niya, pag-angat nga ng mga damit ko ay may envelope akong nakita at kinuha ito. Nang buksan ko ito ay may parang isang ATM na card at may nakaukit na pangalan dito.
Iris Montecillo
"Sino si Iris Montecillo. Baka nagkamali ka lang ng bigay sa akin. Hindi-" Pinutol niya agad ang sinabi ko at nang marinig ko ang paliwanag niya ay halos umusok ang ilong ko.
"'Yang card na 'yan para sa'yo talaga. Binigay ko 'yan sa'yo para makapangdagdag sa pangarap mong magtrabaho sa ibang bansa."
Kaya pumikit ako nang mariin at malakas na bumuntong hininga. Ramdam ko ang panggigigil ng ngipin ko dahil sa sinabi niya.
"Devron Montecillo, ilang beses kong sinabi sa'yo na tama na ang pagtulong sa akin?! Una, binilhan mo ako ng sobrang mahal na sasakyan, pangalawa itong black card ang binigay mo sa akin."
"Alam mo? Hindi ko tatanggapin 'tong card na'to, ka-" Pinutol niya ng mabilisan ang sinabi ko nang magsalita siya ng seryoso. Ayoko mang aminin pero nakaramdam ako ng takot sa sinabi niya.
"Iris De Vega, sa oras na hindi mo tanggapin 'yan... hindi ko itutuloy ang plano nating dalawa. Ikaw bahala kung tatanggapin mo 'yan o tatanggihan pero may isang mawawala sa'yo. Alam mo naman kung ano 'yon, 'diba?"
At doon ay napahigpit ang hawak ko sa cellphone. Mas lalong uminit ang ulo ko nang maalala ko kung ano ang pinangako ko sa kaniya noon. Hindi ko na namalayang wala na pala siya sa kabilang linya.
Kaya marahas kong binaba ang cellphone ko at kinuha ang black card na ibinigay niya. Kulang na lamang ay mapiyaot ito dahil sa higpit ng pagkakahawak ko.
Hindi ko aakalaing ito ang magiging daan para may maipangblack-mail siya sa akin. Matagal kong pinagkakatitigan ang hawak ko at napangisi na lamang.
Wala na akong choice kundi tanggapin ito. Dahil sa oras na hindi ko matanggap ay mawawala lahat ng ipinaplano ko. At tama nga si Devron, makakatulong 'to sa akin lalo na sa pangarap ko.
Pagkatapos ng mahabang pagde-desisyon ay naisipan ko munang lumabas para magpahangin. Hangga't maaari ay iiwasan ko muna ang stress sa katawan ko.
Kaya nagpunta na ako sa kwarto ko at nagsimula na ng mag-ayos sa sarili. Basta kinuha ko na lamang ang gray jogger ko at white t-shirt. Piniyuran ko na rin ang buhok ko hanggang bewang para hindi ako mainitan.
Nang makuntento na ako sa suot ko ay dere-deretso na akong lumabas sa bahay. Paglabas ko ay napangiti na lamang ako at napaunat ng braso.
"Hi, kumusta na ang pakiramdam mo? Maayos na ba? Magaling na ba ang mga sugat mo?" Napalingon ako sa gilid ko ng marinig ko ang boses ng lalaking 'yon.
Napataas na lamang ako ng kilay ng makita ko ang kabuuan ng mukha niya, I mean nakita ko naman kahapon. Pero mas naging malinaw dahil natatamaan ng sinag ng araw ang mukha niya.
Masasabi kong gwapo nga siya. Ang itim niyang mata na bumagay sa makapal niyang kilay. Napatingin naman ako sa matangos niyang ilong, at ang panghuli ay ang labi niyang naka-ngiti.
Nang mapagtanto ko kung anong ginagawa ko ay mabilisan kong iniwas ang paningin ko at nagkunwaring umubo. Gusto kong sapukin ang sarili ko dahil sa ginawa ko.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bakit pinagkatitigan ko pa ang lalaking tumulong sa akin. Ano nga ulit pangalan nitong lalaki na'to.
Kaya mariin kong kinuyom ang noo ko sabay pikit ng mata. Alam kong effective itong ginagawa ko dahil kapag nalilimutan ko ang isang bagay, ay ito ang paraan para maalala ko ito.
"Santino De Dios Buenavista ang pangalan ko."
At doon ay nagbalik sa isip ko ang pangalan niya. Binuka ko ang bibig ko kahit nakapikit pa ako, alam ko pa ring maririnig niya ako.
"Si Santino Buenavista ka 'diba?" Paninigurado ko pero nakalipas ang segundo ay wala akong nakuhang sagot sa kaniya. Kaya minulat ko ang mga mata ko.
Halos mapamura ako ng halos magdikit na ang ilong naming dalawa, halos maduling na rin ako dahil sa lapit ng mukha niya. Nagulat na lamang ako ng hapitin niya ako sa bewang kaya mas lalo pa akong napamura.
Matalim ko siyang tiningnan pero nginitian niya lamang ako ng sobrang lawak, kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at buong lakas ko siyang tinulak.
Matapos kong gawin 'yon ay ngayon ko lamang naramdaman ang malakas na tibok ng puso ko. Halos umusok ang ilong ko dahil sa ginawa niya.
"Loko, sino ka para hawakan na lang ako basta-basta? Porket tinulungan mo ako ay hahayaan na kitang hawakan na lang ako! " Sunod-sunod kong litanya pero inosente lang siyang ngumiti.
Ngayon ko lang naramdaman ang panginginig ng kamay ko at pamamawis nito. Miski ang pintig ng puso ko ay napakabilis, para bang tumakbo ako ng ilang kilometro.
"Chinecheck ko lang kung maayos na ba ang pakiramdam mo at kung galing na ba ang mga sugat sa mukha mo," mahinahon niyang paliwanag at nagpatuloy.
"At mukhang maayos ka na nga, wala na agad 'yung mga pasa mo sa mukha, eh. Mukhang magaling yata 'yung nanggamot sa'yo."
Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad. Hanggang ngayon ay nangagalaiti pa rin ako sa ginawa niya. Bukod kay Devron ay isa siya sa mga lalaking ang lakas ng loob na hawakan ako.
"Saan ka pupunta?"
"Sa tabi-tabi."
"Puwede ba akong sumama sa'yo? Promise behave lang ako," pangungulit niya kaya hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. Nakakabwisit na.
"Alam mo, may sarili akong buhay. Wala ka bang sariling buhay at ginugulo mo ako, Buenavista?!" Galit kong tanong pero tinawanan niya lang ako.
"Huwag mo akong tawanan, 'di ako nakikipagbiruan sa'yo."
Doon ay tuluyan na akong tumalikod bago ko pa siya masapak. Dere-deretso ang pagpasok ko sa 7/11. Habang nagtitingin-tingin ako ng maiinom ay nakita ko naman sa gilid ng mata ko na nakatayo lamang si Buenavista sa tabi ko.
Hindi niya talaga ako titigilan.
Nahagip ng mata ko ang isang pack ng Chuckie kaya agad ko itong kinuha at hindi pinansin ang presensiya niya. Ang sunod ko namang pinuntahan ay ang food stall. Basta kuha na lamang ako ng kahit ano. Napatigil ako sa panghuling kuha ng pagkain ng magsalita si Buenavista sa tabi ko.
"De Vega ka pala. Kilala mo ba si Alfred De Vega? Tito? Kaano-ano mo siya?" Ramdam ko ang kuryosidad sa boses niya.
Habang ako naman ay biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan ko nang marinig ko ang buong pangalan niya.
Napansin kong napiyaot na ang tinapay ng hawak ko kaya basta ko na lang itong hinagis sa basket ko at nagmamadaling pumila sa counter.
"Iris, hindi mo pa nasasagot ang tanong ko. Kaano-ano mo si Alfred De Vega?"
Kinontrol ko ang paghinga ko dahil bigla itong bumilis, miski ang panginginig ng kamay ko ay pinatigil ko. Humarap ako sa kaniya na may galit sa mukha. At doon ay kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya dahil sa akin.
"Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan ng gagong 'yon. Hindi ko siya kaano-ano. Kaya huwag na huwag mo ulit babanggitin ang pangalan na 'yon." Mariin kong saad at muling bumalik sa pila.
Pinakiramdaman ko lamang ang katabi ko. Parehas kaming tahimik. Siguro ay dahil sa sobrang gulat sa pangyayari kanina. At hindi ko napigilan ang sinabi ko.
Sino ba naman kasing hindi mag-iinit ang ulo kapag may isang tao na sobra ang galit sa kaniya ay maririnig mo ang buong pangalan. Paniguradong kukulo nga ang dugo mo.
Malakas akong napabuntong hininga at humarap kay Buenavista na ngayon ay nakatitig lamang sa akin at may gustong sabihin sa akin.
"Pasensya ka na sa sinabi ko kanina. Nabigla lang ako," malamig kong saad ng hindi tumitingin sa kaniya.
"Sorry din. Alam kong nabigla ka sa sinabi ko." Kaya tumango na lamang ako at napatingin ako sa matandang nagbabayad sa cashier.
Nakita kong humugot ito ng isang libong piso sabay bayad sa cashier. Kitang-kita ko kung gaano karami ang pinamili niya.
Habang naghihintay akong matapos ang matandang babae ay narinig ko ang sinabi ng cashier.
"Nay, peke po itong isang libo na binayad niyo po. Wala na po bang iba?" Mahinahon na saad ng cashier at narinig ko naman pagsagot ng matandang babae.
"Ano? Bakit naging peke iyan? Halos magkanda kuba na ako sa paglalaba pero ganiyan pala ang magiging kapalit. Paano na ang apo ko, paniguradong gutom na gutom na 'yon." Rinig ko ang nanginginig na boses ng matanda na tila naiiyak na.
Kaya dali-dali akong pumagitna at ako na mismo ang nagbayad. Napatingin ang lahat ng namimili sa akin ng magsalita ako.
"Ito na 'yung bayad. Ibigay mo na lang ang sobra kay Lola," saad ko sabay lahad ng pera. Masama kong tiningnan ang babae dahil hanggang ngayon ay nasa state of shock pa ito.
"S-sige po. Lola, okay na po lahat. Ito daw po 'yung sobra." Natatarantang saad ng babae, habang ang matanda naman ay nakatingin sa akin at kita sa mukha niya ang saya.
Tatalikod na sana ako para bumalik sa pila pero nanigas na lamang ako sa kinatatayuan ko ng bigla akong yakapin nito at nagpasalamat.
"Salamat, hulog ka ng langit sa akin. Isa kang Anghel," naiiyak na saad ng matanda sabay bitaw sa akin kaya ngumisi na lamang ako.
"Wala iyon," malamig kong saad at muling lumingon. "Demonyo ako, hindi ako Anghel." Pagkasabi ko no'n ay binigay ko kay Santino ang pinamili ko. Miski siya ay nagulat sa ginawa ko.
Ngayon lang ba sila nakakita ng demonyong tumulong? Grabe.
"Ikaw na magbayad, sa labas lang ako. Hihintayin na lang kita," aniya ko at dali-daling lumabas sa store.
Habang hinihintay ko si Buenavista ay napasandal na lamang ako sa salamin at natulala. Bakit kaya may ibang tao na mahilig manloko ng kapwa nila?
Hindi ba sila nako-konsensiya kapag may ginagawa silang hindi maganda sa kapwa nila? Hindi ba sila ginugulo ng konsensiya nila sa oras na ginawa nila ito? O isa rin sila sa mga walang puso pagdating sa kapwa.
Ewan, ang gulo nila. Pero iisa lang ang masasabi ko. Mga wala silang puso. Aaminin ko, barumbado ako pero kahit kailan ay hindi ako nanloko ng kapwa... dahil alam ko ang pakiramdam ng maloko.
"Ayos ka lang?"
Nawala ang iniisip ko nang biglang magsalita si Buenavista sa harapan ko. Napatingin ako sa dala-dala niyang mga plastic. Kukuhanin ko sana ito pero bigla niya itong inilayo sa akin.
"Ako na ang magdadala. Ito nga pa 'yung sukli mo. 'Wag kang magalala, kumpleto 'yan," nakangiti niyang saad niya kaya hindi na lang ako kumibo at kinuha ang wallet ko.
Ilalagay ko pa lang sana ang pera sa wallet ko pero nabigla na lamang ako ng may humablot ito at biglang tumakbo papalayo.
Napaasik na lamang ako at napatingin kay Santino na ngayon ay natulala sa nangyari. Tinapik ko siya sa balikat at nagpaalam.
"Diyan ka lang, hahabulin ko lang 'yung batang nagnakaw ng wallet ko."
At doon ay nagmamadali akong tumakbo at lumiko sa isang eskinita dahil doon ko nakita ang batang nagnakaw ng wallet ko. Natawa na lamang ako ng makita kong dead end pala ang napuntahan niya.
Nilagay ko sa bulsa ko ang kamay ko at sumandal sa pader. Natawa muna ako bago magsalita dahilan para mapatingin sa akin ang bata.
Nakasuot ito ng sumbrero kaya hindi ko masiyadong kita ang mukha niya. Unti-unti akong lumapit sa kaniya habang siya naman ay umaatras.
"Ibigay mo sa akin ang wallet ko. Hindi kita sasaktan, basta ibigay mo lang yan," banta ko pero mas nabigla ako ng kumuha siya ng patalim sa likod niya at tumakbo sa akin.
Napamura na lang ako nang maramdaman kong tumama ang talim ng kutsilyo sa pisngi ko. Nanggalaiti akong tumingin sa bata na ngayon ay nanginginig sa takot.
Bigla ko itong sinandal sa pader at inipit ang braso nito na kung saan ang kutsilyo ay hawak niya. Narinig ko ang pagdaing niya ng diniinan ko ang pagkakaipit sa braso dahilan para mabitawan ang kutsilyo na hawak.
Ramdam na ramdam ko ang panginginig niya pero hindi ko ito inintindi. Basta ko na lang tinanggal ang suot niyang sumbrero. At doon ay parehas nanlaki ang mata naming dalawa ng makilala namin ang isa't-isa.
"Buknoy."
Iris"Tarantado ka! Sino ang nagturo sa'yo na magnakaw?" Galit kong saad habang siya naman ay umiiyak na sa harapan ko."Ate Iris, 'wag mo po muna akong saktan. Hindi ko naman po ginusto ang ganitong gawain. Napag-utusan lang po ako." Mahabang paliwanag niya kaya dahan-dahan kong binitawan ang braso niya at hinablot ang wallet ko."Huwag mo akong iyakan diyan, baka mamaya ay mabigwasan pa kita. Sinong nag-utos sa'yo?!"Hanggang ngayon ay mas lalong lumala ang galit ko. Ang ayoko sa lahat ay may mga inosenteng bata na nadadamay. Hindi ba nila alam na maaaring masira ng maaga ang kinabukasan ng mga batang katulad ni Buknoy."Sino sabing nag-utos sa'yo ng gan'tong bagay?!" Hindi ko na muli napigilan ang sarili kong sumigaw dahil sa galit na nararamdaman ko.Pagharap ko ay nasa harapan ko na si Santino na hinahapo at napansin kong nawala ang mga pinamili kong pagkain sa 7/11."Nasaan 'yung mga pagkaing binili ko? At saka bakit sumunod ka pa dito?" Malamig kong saad at tuloy-tuloy na lumaba
Iris"Kumusta Iris? Nagulat ka ba dahil nagkita muli tayong dalawa?" Nakangisi niyang saad habang ako naman ay nakatayo lamang sa harapan niya at blankong tumitig sa kaniya."Anong ginagawa mo dito?" Malamig at walang galang na saad ko. Kaya natawa naman siya at tumingin sa tatlong bodyguard na nasa likuran niya na may bitbit na mga plastic bags.At doon ay napangisi ako nang malaman kong kung ano ang laman ng mga ito. Mga pagkain na pinamili niya at alam ko na kung bakit merong ganito, dahil may gagawin na naman siyang kailangan kong sundin."Hindi mo man lamang ba papapasukin ang Ama mo?"Gusto kong masuka dahil sa pinagdiinan niyang Ama. Gusto ko siyang paalisin at 'wag ng pumunta dito, pero kailangan kong makipagplastikan sa kaniya, dahil kailangan.Gago, wala akong Ama at kahit kailan hindi kitang kinilalang Ama.Gusto ko sanang sabihin sa kaniya ng harapan pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka may magandang 'di mangyari at may bata pa akong kasama.Kaya niluwagan ko ang pagk
Iris"Kumusta Iris? Nagulat ka ba dahil nagkita muli tayong dalawa?" Nakangisi niyang saad habang ako naman ay nakatayo lamang sa harapan niya at blankong tumitig sa kaniya."Anong ginagawa mo dito?" Malamig at walang galang na saad ko. Kaya natawa naman siya at tumingin sa tatlong bodyguard na nasa likuran niya na may bitbit na mga plastic bags.At doon ay napangisi ako nang malaman kong kung ano ang laman ng mga ito. Mga pagkain na pinamili niya at alam ko na kung bakit merong ganito, dahil may gagawin na naman siyang kailangan kong sundin."Hindi mo man lamang ba papapasukin ang Ama mo?"Gusto kong masuka dahil sa pinagdiinan niyang Ama. Gusto ko siyang paalisin at 'wag ng pumunta dito, pero kailangan kong makipagplastikan sa kaniya, dahil kailangan.Gago, wala akong Ama at kahit kailan hindi kitang kinilalang Ama.Gusto ko sanang sabihin sa kaniya ng harapan pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka may magandang 'di mangyari at may bata pa akong kasama.Kaya niluwagan ko ang pagk
Iris"Dev, tingnan mo'tong isusuot ko mamaya sa party. Bagay ba sa akin?" Pagtatanong ko kaya napalingon siya sa akin habang nililinis ang mga baril niya.Hindi na bago sa akin ang mga gawain niya. Sa isang taon ko ba namang kasama siya dito sa bahay ay sanay na sanay na akong nakikitaan siya ng mga baril.Kaya nga sa loob ng isang taon na 'yon ay tinuruan niya ako ng martial arts at kung paano humawak ng mga baril. Tumitig siya sa damit ko at bago naman sa akin.Ngumiti muna siya bago sumagot sa akin, "Oo naman, sa ganda mong 'yan, lahat ay babagay sa'yo. Siguro kung ako ang tatanungin ay ikaw na ang pinaka-maganda sa party mamaya."Dahil sa sinabi niyang 'yon ay napangiwi ako at itinaas ko ang gitnang daliri ko dahil sa pambobolang ginawa niya."Hindi mo'ko madadaan sa ganiyan. Saka balck ang suot ko. Malay mo naman mamaya na natin paglamayin si Alfred De Vega, 'diba?" pagbibiro ko sabay apir sa kaniya.Nagtawanan pa kami dahil sa naging biro ko, kalaunan ay sumeryoso na dahil may si
Iris"Baby, tara doon tayo kila Mama," bulong sa akin ni Devron kaya tinanguan ko siya. Muli akong tumingin kay Sebastian na ngayon ay naglalakad na palapit sa aming dalawa."Naandito sila Mr and Mrs Montecillo?" Muli kong pagtatanong kaya tumingin siya sa akin at sa dinadaanan namin para alalayan ako."Oo, sinabi ko ngang kasama ka." Nakangiting saad niya kaya nanlaki ang mata ko at mahina siyang kinurot sa tagiliran. Narinig ko pa ang pagtawa niya pero ako naman ay mas lalong kinabahan ng tumigil kami sa dalawang tao ngayon ay nakikipag-usap sa isang Mayor ng Cavite."Thank you for accepting my invitation that time, Mr Avellana. It was nice seeing you again." Nakangiting saad ng matandang lalaki na sa tingin ko ay nasa 36 anyos. Napatingin naman ako sa babaeng katabi niya na sa tingin ko ay nasa 33 anyos naman.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa oras na makaharap ko ang mga tunay na magulang ni Devron. Nang tumingin ako kay Devron ay nakangiti lang siya sa akin at kinindatan
Iris"Nahanap na ba ang gumawa niyan kay, Iris. Devron?""Yes po, Pa. Nasa headquarters na po natin 'yung Snipper. Hanggang ngayon ay 'di pa rin umaamin kung sino ang nag-utos sa kaniya na barilin si Mama.""Mukhang hindi naman Mama mo ang target, mukhang si Iris talaga. Kung Mama mo nga ang target noong araw na 'yon ay dapat bigla na lang nitong binaril ang Mama mo. Pero hindi, eh... hinintay niya pa talagang humarang si Iris bago niya gawin 'yon.""Ayan na nga po ang naisip ko matapos mabaril si Iris. Buti na nga lang at sa balikat lang siya natamaan. Kung sa pinaka-maselang siya natamaan paniguradong papatayin ko na talaga siya.""Ang importante Devron hindi naging malala ang tama ni Iris. Magpasalamat na lang tayo."Pagkabukas ko ng mga mata ko ay 'yun agad ang narinig ko. Nang luminaw na ang paningin ko ay nabungaran konsa tabi ko si Ma'am Lia na ngayon ay hinahaplos ang buhok ko. Ngumiti siya at nagsalita."Gising ka na pala. Kumusta na ang pakiramdam mo, 'nak? Pasensiya ka na ku
IrisMahigit isang linggo na rin nang makalabas ako sa hospital. Nakakahiya pa nga dahil ang mga magulang pa ni Devron ang nagbayad ng bill sa hospital.Hindi kasi ako sanay na may magbabayad sa akin ng malaki. Ako 'yung tipo ng ng tao na ayokong magkaroon ng utang na loob sa ibang tao. Paano kung sa oras na magkagulo ay baka isumbat niya lamang ang lahat ng naitulong niya sa akin.At sa loob ng isang linggo na 'yon ay si Santino ang nagbabantay sa akin. Hindi pa nga nahihiya at umaalis kahit nandoon na sila Devron. Daig niya pa ang bodyguard sa pagbabantay sa akin araw-araw.Kulang na lamang ay siya ang pumalit sa mga bodyguard na nakabantay sa akin noon. Si Devron naman ay kulang na lang ay ipa-banned na si Santino sa Hospital dahil palagi raw nandoon.At dahil wala kaming maggawa ay hinayaan na lang namin. Pinagsabihan pa nga kami ni Ma'am Lia na nagmamalasakit na nga raw 'yung tao, bakit pa raw namin paalisin.Dahil sa konsensiya at magaling mangonsensiya si Santino ay hinayaan ko
Iris"Umalis ka sa ibabaw ko, Santino," matapang na saad ko pero mas lalo niya akong dinaganan at mas lalo pang nilapit ang mukha sa akin."Kayang-kaya kong gawin ang sinabi ko kanina, Iris," nakangising saad niya. Dahil hindi na ako makapag-timpi ay buong lakas ko siyang tinulak at malakas na sinuntok sa mukha.Kitang-kita ko tuloy kung paano siya mapayuko dahil sa lakas ng suntok ko. Wala akong pakialam kung nasaktan ko ba siya o nagalit na sa akin ng tuluyan.Ang ayoko lang sa lahat ay binibiro ako at inaangkin na akala mo ay isa akong bagay na mabilis angkinin. Mabilis kong pinulot ang baril ko at muling itinutok sa kaniya."Buenavista, sa oras na hindi mo sinabi sa'kin ang dahilan kung bakit ako naandito ay hindi ako magdadalawang-isip na barilin ka," pagbabanta ko sa seryosong boses.Nag-angat siya nang tingin sa akin at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa. Sumandal siya sa upuan at muling nagsalita."Ang lakas mo talaga, siguro ay may nagtuturo sa'yo kung paano makipaglaban," n
Author's Note: Please play "Sa susunod na Habang Buhay by Ben&Ben" para ramdam po ang sakit. The truth is, ito dapat talaga ang real ending ng HHS kaso nagbago isip ko. Kaya ginawa ko ng happy ending. Enjoy reading, hopies!SebastianMy world stop for a while when I hold my wife lifeless hand. Pilit ko siyang ginigising. Pilit kong tinatapik ang pisngi niya pero hindi na siya gumagalaw. Nanlamig ako, binalot ng takot buong pagkatao ko. Parang gripo na rin ang luha ko dahil hind ito mapigil sa pag-agos."No. No, wake up. Wake up, wife. Damn, wake up please. Don't do this to me. Hindi ka puwedeng mamatay. Paano na kami ni Draixon? Iris, gumising ka. Gumising ka!" Pagwawala ko at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa asawa ko. Miski si Devron ay nagsimula na ring mataranta at magwala ng hindi pa dumadating ang ambulansya. Wala na akong pakialam kung puno na ng dugo ang damit at kamay ko."Iris. Iris, nakikiusap ako sa'yo, gumising ka. Misis ko, gumising ka na. Huwag mo'kong iwan,
Hello Hopies! This is the final chapter of Hiding his Son. Thank you for appreciating Iris and Sebastian story. May we never forget the feels and the lessons that they gave to us. This is just the beginning of Hiding Series, see you on Hiding Series #2 which is the "Maid for You." Thank you and enjoy reading! Mahaba-habang chapters ito! Don't forget to comment your thoughts or reaction about this story, stay safe and healthy always. -HopeSebastianWhen I first saw her, I knew to myself that she is the one. She's the one that I want to spend my lifetime. She's my first love."IRIS DE VEGA!"Awtomatikong umangat ang ulo ko ng marinig ko ang pangalan niya. Mabilisang hinanap ng mata ko ang presensya niya. Nang makita ko siya 'di kalayuan sa pwesto ko ay palihim akong suminghap.Ang ganda niya talaga.Nakalugay ang mahaba niyang buhok na talagang dinadala ng hangin. Ang mukha niyang inosente na hindi nakakasawang tignan. At mga mata niyang kapag titignan mo ay daig pa ang yelo sa lamig n
Iris"KAYA PALA ang tahimik mo! Naunahan mo na kami. Ilang araw mong ginawa 'to?" Tukoy ni Devron sa envelope na hawak niya at sinimulan na itong basahin. "Simula ng makapagpahinga ako ng dalawang araw. Sinulit ko na, eh." Sagot ko naman at napatingin ako kay Sebastian ng tawagin niya ang pangalan ko."Wife, bakit hindi ka nagsabi sa akin?" Ramdam ko ang tampo sa boses niya kaya tumayo ako at lumipat ng pwesto para tabihan siya.Hinawakan ko ang kamay niya at nakangiting tumitig sa kaniya. "Ang dami mo pang iniintindi ng mga oras na 'yon, Seb. Ayoko namang pati kay Alfred ay mamroblema ka. Kaya ako na ang gumawa ng hakbang na gawin ang plano. Ang dami mo ng iniisip dadagdag pa ba ako kung kaya ko namang gawin." Dahilan ko kaya tumagal ang pagkakatitig niya sa akin at hinalikan niya naman ang noo ko."Puwede ko na ba kayong kausapin tungkol sa plano? Puwede ko na kayong abalahin na dalawa?" Pagsingit ni Devron kaya mabilisan akong umalis sa pagkakayakap sa asawa ko at hinarap na rin s
Iris"HAPPY BIRTHDAY DRAIXON!" Masayang sigaw namin at nagpalakpakan. Kitang-kita ko naman ang saya sa mukha ng anak ko dahil kumpleto kami ngayong birthday niya."Blow your candle baby and make a wish," malambing saad ko kaya napatingin siya sa akin at mahinang tumango. Mariing pumikit si Draixon at may ibinulong na hindi ko naman narinig. Pagkatapos niyon ay hinipan niya na ang kandila kaya muli kaming nagsigawan lahat. Nangunguna pa nga ang boses ni Devron."Kainan na!" Sigaw niya dahilan para magtawanan ang kasamahan namin habang ako naman ay napailing."Mommy, daddy. Thank you po kasi tinupad niyo po ang wish ko po na kompleto tayo sa birthday ko po. You're the best gift that I have." Malambing wika niya sa amin kaya hindi ko maiwasang umiyak.Naramdaman ko naman ang pagyakap sa amin ni Sebastian at ng tingnan ko siya ay nakatingin na siya sa mga mata ko. Kitang-kita ko ang pagmamahal na bumabakas sa mga titig niya.Mahal na mahal din kita, Sebastian. "Thank you baby for making
Iris"Ganiyan mo ba itrato ang isang Alfred De Vega, Iris? Nakakatuwa naman." Saad niya kaya buong tapang kong itinutok sa noo niya ang baril na hawak ko.Ramdam na ramdam ko na rin ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa galit na lumulukob. Bumalik lahat ng sakit at poot ng makita kong muli sa harapan ko ang demonyong sumira ng buhay ko lalong-lalo na ni Sebastian."Ang kapal rin ng mukha mong magpakita pa sa amin. Anong kailangan mo?" Matapang na saad ko at binaba ang baril. Lumapit ako sa kaniya at mariing tumitig sa mga mata niya habang siya naman ay mahinang natawa."Mas lalo kang naging matapang ngayon, Iris. Nakakatuwa naman kahit ni katiting na respeto ay wala ka ng maipakita sa akin. Wala na ba talagang mababago sa naging pinagsamahan nating dalawa?" Natatawang tanong niya kaya 'di ko na mapigilang hawakan ang kwelyo niya."Kailangan pa ba ng respeto ang isang taong katulad mo? Para sa'kin kasi hindi na, tutal mamamatay ka rin naman." Saad ko kaya nakita ko ang matinding
Iris"ALAM MO PWEDE KA NG MAGING ARTISTA. Ang galing mong magpanggap, eh." Saad ko kay Devron ng magkaharap kami ngayong umaga. Naandito kami ngayon sa isang cafeteria malapit sa building ng headquarters namin. Tinawagan ko siya para sabihin sa kaniya na alam ko na ang nangyari sa limang taon na lumipas.Nginisian niya langa ako at pinag-krus niya ang dalawang braso niya dahilan para pagtaasan ko siya ng kilay sa ipinapakita niya sa akin ngayon."Pasensya na, napag-utusan lang." Nakangiting saad niya kaya tumawa ako at muli siyang sinamaan ng tingin."Napag-utusan. Ang sabihin mo ayaw mo lang malaman ko. Pero kuya..." Pinutol ko ang sasabihin ko ng tumayo ako at lumipat sa tabi niya. Nakita ko pang parang iiwas pa siya kaya hindi ko mapigilang ngumiti ng palihim.Bigla ko na lamang siyang niyakap ng sobrang higpit at hinalikan ang pisngi niya. Kitang-kita ko pa ang gulat sa mga mata niya dahil sa ginawa ko. Taranta siyang humiwalay sa akin at nabigla na lamang ako ng pagtaasan niya a
IrisGUSTO KONG MAGWALA sa mga oras na'to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mag-sink in sa utak ko ang mga nabasa kong impormasyon limang taon na ang lumipas. Muli kong pinulot ang mga pictures na nakita ko at napansin kong may mga sulat ito sa likod. Sulat kamay ni Devron. Nang basahin ko ito ay mas lalong lumakas ang paghagulgol ko.Ang unang litrato ay noong mga panahong buntis ako. Malapit na akong manganak kay Draixon sa litratong 'to. Binasa ko ang sulat at 'di ko maiwasang mapangiti."Sebastian, ganda ng kapatid ko, 'no? Malapit ng manganak 'yan kaya bilisan mong lumabas diyan sa kulungan. Bahala ka 'di mo makikita ang mag-ina mo."-DAng pangalawang litrato naman ay hawak-hawak ko na si Draixon sa mga bisig ko at kitang-kita ko ang saya sa mga mata ko."Pare, isang taon ka na diyan sa kulungan. Baka puwede namang ipakiusap sa kanila na saglit mo lang sisilipin ang mag-ina mo. Kailangan ka rin ng kapatid ko."-DAng pangatlong litrato naman ay noong nag-isang taon na si Draixon
IrisINILIBOT ko ang mata ko sa kabuuan ng bahay. Masasabi kong maaliwalas at maganda ang naging disenyo. Napangiti na lang ako dahil ito ang design na pinag-usapan namin ni Sebastian bago magkandaleche-leche ang lahat.Naaalala pa pala niya ang lahat. Miski ang mga maliliit na detalye na sinabi ko sa kaniya noon. Pero sa mga oras na'to nalilito pa rin ako sa nangyari limang taon na ang nakakalipas. Alin ba talaga ang totoo? Naging totoo ba talaga sa akin si Sebastian noong magkasama pa kaming dalawa? Kaya ko bang sumugal ngayon lalo na at may anak na kami? Kaya mo na ba, Iris? Handa ka na ba ulit? Pero nawala ang lahat ng katanungan ko sa sarili ko ng maramdaman ko ng may yumakap sa bewang ko at hinalikan ako sa pisngi dahilan para magulat ako."Good morning, Wife." Bulong sa akin ni Sebastian kaya nakaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko at muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Akmang aalis na sana ako sa pagkakayakap pero bigla naman akong pumasok si Draixon at tuwang-tuwa sa
IrisNANLAMIG agad ako sa sinabi ng anak ko kaya marahan ko siyang binaba at hinawakan ang mukha niya."Dito ka lang, baby ha? Kakausapin lang ni Mommy ang naghahanap sa akin." Nakangiting sambit ko kaya kahit nakikitaan ko ng pagtataka sa mga mata ng anak ko ay sumunod na lang siya sa akin.Pero bago pa ako lumabas sa kusina ay muli kong tiningnan si Devron na ngayon ay nakamasid sa amin na tila inaabangan ang gagawin kong hakbang. Nang mapansin niya nakatingin ako sa kaniya ay ngumiti siya sa akin."Isama mo na si Draixon. Para sa anak mo gawin mo'to, Iris. Naghahanap na rin ng kalinga ng Ama si Draixon, sabihin mo na sa kaniya ang totoo," saad ni Devron kaya nanghina ako at napahawak sa gilid ng lamesa dahil napuno ng takot ang buong sistema ko.Hindi ko ito napaghandaan."Mommy, siya po ba talaga ang daddy ko? 'Yung man na naghihintay sa atin?" Napabalik na lang ako sa sarili ko ng marinig ko ang boses ni Draixon na ngayon ay nakatitig sa mga mata ko.Kaya umupo ako para pantayan