Pabayaan niyo muna akong bigyan moment itong magkapatid sa ama at natutuwa ako sa bardagulan nila haha
CLARISSA “Mabuti at pinayagan ka ng seloso mong asawa na maagang pumunta sa amin?” napatingin ako kay Clark at palihim na ngumiti. Who would have thought that other than me, kapatid din pala niya sa ama itong si March? “Yeah cause maaga kami ni Clarissa aalis ngayon… Alangan namang gabi pa ako payagan ni Rod,” aniya at kumain ng manga habang hindi humihiwalay kay tiyang Ysabel na natutuwa sa kaniya. “Tita, you’re eating mango since morning. Hindi ba sasakit ang tummy mo?” Ngumuso siya habang humalakhak si tiyang at Clark sa sinabi ni Punn. “That’s what I’m telling to your tita, son. Ayaw niya makinig kay papa,” nakasimangot na sabi ni Clark. Napailing ako sa dalawa habang busy ako kakaprepara sa babaunin namin ni March sa byahe. “Bakit naman kasi ang dami mong sinasabi?” nakasimangot na ani ni March sa kuya niya. “Yeah because you’re eating too much since pagdating mo kanina. Tiyang, huwag mo na bigyan.” Naiiyak na tumingin si March kay tiyang Ysabel. “Papa! Huwag mo nga awayin
Sa Salay kami tumuloy, sa bahay ng mama Virgie ni March. Sabi niya sa akin gusto niya akong dalhin dito and I was thrilled by the idea that she wanted me to show where she grew up. “Are you tired? Saan mo gustong pumunta after this?” tanong ko. She’s pregnant so I must to watch her carefully. Pero nang lumingon ako sa kaniya, hindi ko siya nakita. “March?” pumunta ako ng kusina para lang mahanap siya at halos mawalan ako ng dugo nang makita na umakyat siya sa lababo para abutin ang drawer sa itaas. “Jusko kang babae ka!” Kinakabahang ani ko. “Bumaba ka nga!” Huli na nang marealize ko na sinisigawan ko siya. Bigla akong kinabahan. Shooot! Baka matakot siya ulit sa akin. Pero nang tignan ko ang mukha niya, nakangiti ito at halos hindi na makita ang mata. “I won’t fall cause I know sasaluhin mo ‘ko,” Natigilan ako sa sinabi niya. Ang kaba sa dibdib ko nawala. So this is what kuya Aru felt like kapag nilalagay ko ang sarili ko sa panganib. Palibhasa mga bunso, sobrang careless e.
“Si Punn?” bulong ko kay Clark habang nakahilig sa kaniya si March at mahimbing na natutulog. “Ibinilin ko siya kay Rod dahil si tiyang maagang aalis bukas,” “Edi sobrang saya ng anak mo at kasama ang mga pinsan?” natatawang tanong ko. Napakamot siya sa ulo niya. “Actually love, sumasakit ang ulo ko at anu-anong itinuturo ni Blakey sa anak natin,” natawa ako sa mukha ni Clark. Ewan ko ba kasi sa mga anak ni Rod at March, si EJ at CJ lang ang matitino. Kung mamalasin, nagkakasundo pa ang lima sa kalokohan. Dahil idol na idol ni Punn ang mga kuya niya lalo na ang ate AJ niya, minsan ginagaya niya ang mga ito kaya sumasakit ang ulo ni Clark. Ang puno talaga sa kalokohan, si BJ. Siya pang pinaka-close ni Punn sa lima. Umupo ako sa harapan habang nakatingin sa kanila. Napapangiti nalang ako na kahit walang alam si March na magkapatid rin sila ni Clark e gustong gusto niya ito. “I wish I knew sooner that she’s my sister,” mahinang sabi ni Clark. Pareho kami nang nararamdaman. “You w
MARCH “Umalis ka na nga! Umuwi ka na sa inyo,” sabi ko kay Clark kasi naiinis talaga ako sa kaniya. “Pinapunta mo ‘ko dito kagabi,” “Pwes pinapauwi na kita,” Nakikipagtagisan ako ng titigan sa kaniya. Palagi kasi siyang kontra sa gusto ko. Nakita kong may tinawagan siya sa phone niya. “Chavez, get me out of here. Naaabnormal na naman ‘tong asawa mo at gusto akong palayasin. Fvck! Don’t laugh at me.” Inis na ibinaba niya ang phone niya at nilayasan ako. Ang sama talaga ng ugali. Pumasok si Clarissa at tinignan ako. Lumabi ako kasi baka naiinis na siya sa akin at inaaway ko si Clark. Paano kung magalit sa akin ang ate ko? Thinking na hindi na niya ako papansin, naiiyak ako. “Oh, what happened?” tanong niya at lumapit pa sa akin. “Galit ka ba sa akin?” “What?” natatawa siyang tumabi sa akin sa couch. “Bakit mo naman nasabi iyan?” “Kasi inaaway ko si Clark,” Tumawa na naman siya at bumaling sa akin. “Kahit pa ilang ulit mo siyang awayin, hindi ako magagalit sa ‘yo.” Sabi niya
MARCH Hindi ko alam anong nangyari dahil iniwan kami ni Miss Tanya para sumama kay Elona. Si Clarissa ay hindi mapakali habang ako ay tahimik ngunit lihim na nag-aalala. Anong ibig sabihin niya sa sinabi niyang nandoon siya no’ng namatay si tito? Hindi ko alam kung totoo ang lahat ng sinabi niya o gumagawa lang siya ng kwento. Pero matapos ang halos kalahating araw, napatingin kami ni Clarissa sa kumatok sa bahay at nakita namin si Miss Tanya na nakangiti sa amin. Hindi ko alam bakit pero bigla akong nakahinga na nakauwi siya. Natigilan ako nang makita si Clarissa na tumakbo sa kaniya at yumakap saka umiyak. Napatitig lang ako sa kanilang dalawa. “Mama naman, iiwan niyo na naman ba ako ulit?” rinig kong sabi ni Clarissa. Naiyak nalang si Miss Tanya nang makita na nag-aalala sa kaniya ang anak niya. Ako kaya? Kung ganiyan kaya ang reaction ko sa ate ko, iiyak rin kaya siya sa kagalakan? Gusto kong malaman anong nangyari sa lakad niya pero hindi ko maibuka ang bibig ko para tanu
CLARK “Your last name has changed,” Aru said while carrying my son. Clarissa went to me and hugged me. “March is asking me what your last name is. Hindi ko siya masagot pati na si Rod,” bulong niya sa akin. “March didn’t know anything about Abeola,” sabi ko… “But her husband does.” Walang duda sa bagay na ito. “Still, hindi mo pwedeng sabihin sa kaniya Clark na isa kang Abeola,” ang sabi ni Aru, “That Chavez didn’t trust your grandpa at oras malaman niya Abeola ka rin, mahihirapan na kayo ni Clarissa malapitan si March,” “Kahit si mama,” bulong ni Clarissa sa akin. “Hindi niya pinagkakatiwalaan ang Abeola,” Napabuntong hininga ako at tumingin kay tiyang Ysabel na naglalagay ng kape sa harapan namin. “Tiyang, matulog na po kayo,” Aru “Ano ka ba? Ayos lang ako. Kamusta na kayo ng mommy mo?” “Ayos lang kami ni mommy tiyang. Kinukulit na nga ako na magka-apo,” natawa kami si Clarissa sa tabi. Ang dami kong iniisip lately, buti bumisita si Aru dito. “Tell mommy kuya na bibisita ka
CLARK “Clark, are you sure you’re going to do this?” Clarissa asked me worriedly. “I have nothing to be afraid of baby. Hindi naman gulo ang hinahanap natin, kun’di pagtanggap,” tumingin siya sa mga mata ko at bumuntong hininga. Tumingin kami sa labas ng kumpanya ni Rod at nakita namin siya kasama ni BJ. “Your best friend,” natatawang sabi ni Clarissa habang binubuksan ang pintuan ng sasakyan “Hello baby Blakey,” among them, si BJ ang malapit sa akin kahit na ito ang maraming kalokohang naiisip. “TITAAAA!” Tumakbo si Blake sa gawi namin habang si Rod naman ay nasa hulihan at kausap ang bagong sekretarya niya. “Hi tito dude,” aniya sa akin matapos yumakap kay Clarissa. Umingos ako at nakipag fist bump sa kaniya. “Why are you here? You skip classes?” “Nah! We went to dentist this morning kasi sumasakit ang ipin ko,” Kumunot ang noo ko. “Bungi ka na?” “Hindi pa,” sabi niya at tumawa. Tumawa na rin ako dahil nahahawa ako sa halakhak niya. “Oh naparito kayong dalawa? Namiss mo ‘
CLARK “Your son was a rapist,” ang sabi ni Rod kay lolo… “And do you think my wife would be happy about that news?” “My son died in Tanya’s hands. I have here the documents para ipakita sa ‘yo na may mental disorder ang anak ko. However I’m not here to defend him or discredit your feelings. I am here dahil gusto kong makilala ang mga apo ko,” Hindi nagsalita si Rod. Alam kong naiinis siya. “Before Tanya, ang unang naging biktima ng anak ko ay si Cecil, ang ina ni Clark. Just like what Tanya did, itinago rin niya si Clark para hindi ko makita.” Napatingin kami kay lolo. “Aaminin kong dati, sa labis na pagmamahal ko sa anak ko, tino-tolerate ko ang mga maling gawain niya. Iyon ang naging dahilan kung bakit si Tanya at Cecil, ginawa ang lahat hindi lang namin malaman ni Renan ang tungkol sa naging resulta ng ginawa ng anak ko sa kanila.” Nag-iwas ako nang tingin. “Bakit ngayon ka pa nagpakita?” mariing tanong ni Rod “Dahil sa tagal na pagmamanman ko kay Tanya, ngayon lang din niy