"Habang tumatagal hindi ko na talaga makuha ang ugali ni Briana. Ibang-iba na siya sa Briana na nakilala ko noon. Hindi naman siya ganoon dati eh,"Saglit napasulyap sa akin si Marcus habang naglalakad kami sa hallway. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin siya maka-move on kay Briana dahil sa nangyari."Dati-rati ang bait niya noon. Habang lumalaki siya ay nag-iiba ang panglabas niyang anyo. Nagiging mapanghusga siya sa tao. Nagiging masama ang ugali niya. Hindi naman dapat niya yon ginagawa," "Sa tingin ko may mga dahilan kung bakit nagbago si Briana? Kung bakit napakalayo na niya sa dating Briana na nakilala mo Marcus. Isa pa doon ay yong hindi mo siya piliin bilang kaibigan mo. Nagigi siyang insecure sa sarili niya. Pakiramdam niya nilalaglag siya ng mundo." Saglit na sinulyapan ako si Marcus habang naglalakad kami. Tila naniniwala siya sa mga sinabi ko. "Kasalanan niya yon Abby. If I broke our friendship. Hindi ko yon sisadyang gawin. Naaawa ako sa kaniya pero wala akong magagawa
Alyana's POV"Ano ang kailangan mo Juliana? Bakit nagpagod ka pa para pumunta rito? Gusto mo ba akong makita?" seryosong tanong ni Alex. Ang lamig ng kaniyang mga likos at galaw.Kung iniisp niyang pinuntahan ko siya para lang makita ko siya? Ang kapal naman ng mukha niya? Hindi ko gustong makita ang tulad niyang isangg hudas.Sa palagay niya ay ikinatutuwa ko iyon. Iyon ang iniisip niya. Pero ang hindi niya alam ay kinasusuklaman kong makita ang pagmumukha niya. Nagsisilbi siyang tinik sa buhay ko."Pwede ba Alex. Itigil mo na ang kalokohang ito. Tapusin na natin ang lahat. Huwag ka ng mag-aksaya pa ng oras para sa akin. Alam ko naman kung ano ang gusto mo. Mababaliw ka lang sa ginagawa mo." Maawtoridad kong paghamon sa kaniya. Hindi ko na siya papalampasin sa mga sandaling ito. Gusto ko nang tapusin ang lahat. Ayaw ko ng manatili pa sa lugar niya.Alam kong pinaglalaruan niya lang ang lahat. Kinukontrol niya ang lahat dahil sa kaniyang kapangyarihan. Palibhasa maimpluwensiya siyang
"Anong sinisigaw mo? Gusto mong saktan kita Juliana. Iyon ba ang hinihingi mo? Pwes! Ibibigay ko yon sayo." matigas na pagbigkas ni Alex nang mapalingon siya sa akin.Dumidilim ang kaniyang paningin sa direksyon ko. Nakita kong kumilos ang mga paa niya para sugurin ako.I shook my head. Lumakas ang pagtibok ng puso ko. Gusto itong kumawala sa loob ng dibdib ko. Tumaas ang mga balahibo ko sa pagkatakot. Natuyo rin ang mga labi ko nang gumapang ang takot rito. I swallowed hard. Pumapatak ang mga luha ko. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Napako ang mga paa ko sa sahig. Para akong isang rebulto nang gumapang ang takot sa buo kong katawan. "Ahhhh! Alex!" napasigaw ako nang marahas na pigilan ni Alex ang braso ko. He gritted his teeth in anger. Nasusugatan ako ng mga titig niya. "Alex! Alex pakawalan mo ako. Ahhhh..!" nagpupumiglas lamang ako sa kamay niya. Ayaw niya akong pakawalan."Ito yong gusto mo diba? Ang saktan kita Juliana. Huwag mo akong pinipilit. Huwag mo ng dagdaga
"Ahhh!" napasigaw na lamang ako nang biglaang tumilapon ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Umiiyak lamang ako."Eduard!" sambit ko nang lapitan ako ni Eduardo. Pag-aalala ang nakikita sa kaniyang mga mata. Hindi ko inaasahan ang agarang pagpunta niya rito para iligtas ako.Humihikbi lamang ako sa dibdib niya habang yakap ko siya. Maingat niyang hinaplos ang buhok ko. I feel safe with him."Bitiwan mo siya. Hindi mo siya asawa Eduard. Ako ang tunay niyang asawa. Ginagamit ka lang ni Juliana pero ang totoo hindi ka niya mahal."Napahiwalay kami ni Eduard. Pareho kaming napaharap kay Alex. Nanginginig lamang ako sa takot. Hindi ko maikalma ang sarili ko."Hayop ka Alex. Pinagkatiwalaan kita. Wala kang utang na loob. Isa kang manloloko. Hindi ka dapat pagkatiwalaan. Sinira mo ang tiwala kong ibinigay sayo. Hindi ko inaakalang magagawa mo ito sa akin pero nagawa mo."Dumagundong na lamang ang boses ni Eduard dahil sa galit niya kay Alex. Nakakuyom ang mga kamao nito. Handa siyang
Alex's POV "Ahhh! Shit!" Napahawak ako sa aking sintido nang magising ako. Masakit lamang ang aking ulo. Pumipintig ito sa kirot. Nanlalaki ang mga mata ko. "Alex! Sobra akong nag-alala sayo, mabuti nagising ka na. May masakit pa ba sayo? Nasaktan ka ba?" Napalingon ako sa asawa ko kay Amelia. Sobra ang pag-aalala ang makikita sa kaniyang mga mata. Hindi siya mapakali sa harapan ko. Marahan niyang hinaplos ang mukha ko. Napalunok na lamang ako habang nakaupo. Para akong mahilo dahil sa sitwasyon ko. Masakit ang lalamunan ko. "Anong nangyari? Nag-away raw kayo ni Alex sa kompanya. Tinawagan nila ako para puntahan ka rito. Hindi ako mapalagay Alex. Akala ko hindi ka na magigising." Dama ko ang tinding pag-aalala ni Amelia sa akin. Kahit nasasaktan ko siya kung minsan wala lang iyon sa kaniya. Masgugustuhin niya pangkausapin ako at damayan. Hindi niya ako matiis. I hate her as my wife. Hindi ko siya magawang mahalin. Pero sa kabila ng lahat ay nandiyan pa rin siya para sa
Alyana's POV"Eduard natatakot ako. Paano kung may mangyari kay Alex? Paano kung napatay mo siya? Sa tingin mo hindi ka babalikan ng pamilyang Villioner? Masama silang kaaway noon pa."Hindi ako mapakali. Nahihilo na ako kakalakad at kakaisip ko rito sa mansion. Nag-aalala ako dahil sa ginawa ni Eduard. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko?"Handa akong makipagpatayan Alyana para sa pamilya ko. Hindi ako papayag na saktan nila at apihin ang mga mahal ko sa buhay. Hinding-hindi ko sila mapapatawad."Seryosong pagbigkas ni Eduardo. Buo ang kaniyang loob sa kaniyang desisyon na handa niyang ipaglaban ang kaniyang pamilya hanggang sa dulo ng kamatayan.Napakuyom siya ng kaniyang mga kamao. Seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko. Wala siyang takot na nararamdaman kahit kapiraso.I shook my head. Hindi ako makapaniwala. Ibang Eduard ang nakikita ko ngayon. Walang takot sa kamatayan. Handa siyang bumuhis ng buhay para sa kaniyang pamilya.Pumatak na lamang ang mga luha ko sa hindi ko nama
"Ano po ang nangyari? Bakit po hinuli nila si Daddy? Mommy sagutin niyo po kami."I cupped my face. Hindi ko alam kung sasabihin ko ang totoo. Hindi ko alam kung matatanggap ni Abby at Avery ang nangyari?Alam kong masasaktan siya. Alam kong hindi nila ito kayang tanggapin sa puso nila. I shook my head. Nakatingin lamang sila sa akin at naghihintay ng kasagutan. Hindi nila ako maintindihan kung bakit umiiyak ako kanina pa?"Anak! Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat? Sana matanggap niyo. Nag-away kasi ang Daddy niyo at si Alex sa Empire company. Nag-away sila dahil sa akin."Napayakap na lamang ako kay Abby. Niyakap ko na lamang silang dalawa. Doon na ako napahagulgol sa kanilang balikat. Pakiramdam ko pinagtaksilan ko si Eduard. Ang sama-sama ko."Anak I'm sorry! Hindi ko sinasadya! Hindi ko alam na mag-aaway sila dahil sa akin."Nanlamig na lamang ang puso ko sa kirot. Pinipiga ang puso ko sa sakit. Sinasaksak ang puso ko. Dinudurog ang damdamin ko. Hindi ko matanggap. A
Alex's POV"Malinis na ang lahat. Hindi ka na makakagat ng aso na iyon. Hindi na rin siya makakatahol pa. Kahit anong gawin niya pa. Hindi na siya makakalabas sa bilangguan. Doon na siya mabubulok habang buhay."Napasulyap ako kay Mr. Lim. Nakipagkita ako sa kaniya matapos akong makalabas mula sa hospital kahapon. Tanging band aid na lang ang nagsisilbing bakas sa pisngi ko dahil sa ginawa ni Eduardo. Masakit pa ito at makirot.Pinaglalaruan ko lamang ang wine na hawak ko kanina pa. I let out a heavy breath. Sa wakas nakaganti na rin ako kay Eduardo. Nagkakamali siya na ako ang binangga niya.Napaiwas ako ng tingin kay Mr. Lim at napatalikod mula sa kaniya. May ngiting tagumpay lamang sa mga labi ko. Naisahan ko na siya. Ang buong akala niya ay hindi ako papalag sa ginawa niya."Good to hear Mr. Lim, kahit kailan hindi mo ako binigo. Sobra kang maaasahan sa lahat ng mga kaso. Dapat hindi na siya makahanap pa ng butas para hindi na makalabas ang hayop na yon. Make sure na doon na siya