NAGPASYA si Karrie na maglakad na lamang patungo sa isang ministop na malapit sa kanilang kompanya. Hindi niya naman magawang utusan ang sekretarya niyang si Daisy, sapagkat kaniyang nakita na halos hindi na ito magkanda- ugaga sa pag-aasikasong kaniyang ginagawa patungkol sa paperworks na kinakailangang ayusin at isa pa, alam niyang magagalit ang kaniyang ama, kapag hindi ito inuna
Tinanggihan niya din ang alok sa kanya ng driver niyang si mang Berting. Ang katwiran niya ay pumasok siya sa kompanya nila para magtrabaho at matutong mag manage ng company nila, hindi para magreyna-reyna-han at magpa- baby sa mga tauhan doon.
Mga isang tawiran lang din naman at
madali na lang makapunta saministop, bibili lamang siya ng kape, at nagpasya siyang doon nalang saglit na manatili. Habang naglalakad patungo sa ministop, bigla nalang may sumulpot na isang matangkad na lalaki sa kaniyang harapan.May tangan itong sako at karton na maaaring ginagawa nitong tulugan. Naka bukas palad ang kamay nito habang nakatuon sa kaniya.
" Puwede bang makahingi ng pagkain, ma'am?"
Untad ng lalaki sa kaniya. Laking
awa naman ng dalaga dito kaya nilapitan niya ang lalaki at kaniyang napansin rin na ito ay may sugat sa mukha.Kinuha ni Karrie ang bulak sa kaniyang bag at binasa ito ng alcohol. Hinawi niya ang buhok na nagkukubli sa sugat ng binata, saka marahang pinunasan ang bakas ng natuyong dugo sa pagitan ng mataat pisngi ng lalake."Napaaway kaba?".
Bahagyang sumulyap ng tingin ang binata
"Hindi, bumangga lang ako sa poste kanina habang nakikipaghabulan ako sa mga magnanakaw na nanguha ng wallet ng matanda"
Panandalian itong hindi umimik.
Parang gumaan ang loob niya sa lalake, dahil sa mga sinabi nito. Kahit nung naisipan niyang lapitan ito kanina, hindi manlang siya nakaramdam ng takot, o kahit pagiisip manlang na masamang tao ito. Likas naman na sa pag uugali niya ang hindi pagiging mapanghusga ng kapwa dahil napalaki siya ng tama ng kanyang mga magulang. Ang tanging nais niya lamang gawin sa lalake ay ang matulungan ito"Halika!, sumama ka sa akin"
Pag-aaya niya. Maingat na hinila niya ang lalake papasok ng ministop,saka siya umorder ng rice meal na may kasama ng ulam na friedchicken."Kumain ka"
Iniabot niya ang inorder sa
lalake at sinunod naman nito ang inutos niya. Tahimik itong kumakain na parang wala nang pakialam sa kanya. Patuloy lang ang pagsubay-bay niya sa lalake, namamangha si Karrie dahil kahit isa itong pulubi. May taglay itong kagwapuhan na hinihiling ng bawat babae sa mundo. Para ngang isa rin siyang pulubing nag wowork out dahil sa katikasan ng pangangatawan nito na tambad na tambad ngayon sa harapan ng dalaga.Hindi naman porket namamangha siya sa mga taglay nitong katikasan at kagwapuhan ay pinagnanasaan na niya. Pwede namang tawagin na, paghanga lang sa isang pulubi ang nararamdaman niya.
"Are you done?!".
Tanong niya sa lalaking
kasalukuyan ngayong huminto sa pagsuboat bumalin ng tingin sa kanya."Ah este!, Tapos kana?".
Bumuka ang mga labi nito at nagsalita.
"yes!"
Mangha siyang napatingin sa lalake,dahil sa gulat. Nakakaintindi ba ito ng English?.Hindi baka siguro dahil sa pag translate niya din kanina ng tagalog. At kaya niyang sumagot ng 'yes'.
"Ah sige sandali lang at may ibibigay ako sayo!".
Kinuha niya sa loob ng plastic ang wipes, bulak, betadine, na kasama sa kanyang mga pinamili at perang nagkakahalaga ng 1,000 pesos na galing naman sa wallet niya
Iniabot niya sa lalake ang mga iyon,ngunit tinanggihan naman ng lalake ang mga bagay na pilit niyang ibinibigay.
"ayos na ako, hindi ko na kailanganyan. Sobra-sobra na ang ibinibigay mo".
Para Kay Karrie ay napaka liit na bagay lang naman ang binibigay niya sa lalake. At kailangan niya rin tulugan ang mga nangangailangan
"Maliit na bagay lang ito, kaya tanggapin mo na!". Pagpipilit niya sa lalake.
"Hindi ko talaga matatanggap yan ma'am!, pasensya kana!"
Inurong pabalik ng lalake ang mga bagay na iyon at akmang tatayo na sana ito,nang bigla itong hinawakan sa kamay ng dalaga at saka siya pinabalik sa pagkakaupo
"Sandali lang pala,kung ayaw mong tanggapin ang maliit na tulong na yan, gagamutin ko muna yang sugat diyan sa pisnge mo!"
Tumango ng mahinahon sa kanya ang
lalake at nagpaubaya na ito."Kung yan ang gusto mo, maraming
salamat!".Wika ng lalake sa kanya na
parang hindi komportable sa paglapit niya. Humugot si Karrie ng wipes at pinunasan ang kabuuan ng mukha ng lalake. Sa bawat pagpahid niya dito,nakikita niya ng paunti-unti ang taglay na kagwapuhan nito, na nabalutan ng alikabok at uling na galing sa polusyong sanhi ng mga sasakyan.Dahil magkalapit ang mukha nila sa isat- isa at buo niyang nakikita ang napaka gandang mata ng lalake na nakatitig sa kanya, hindi niya magawang pigilan ang kaonting awkward na nararamdaman sa pagitan nilang dalawa. Pero tiniis niya ito at tinuloy ang pagpunas patungo napakatangos nitong ilong at ang jaw line nitong perpekto sa pagkakahulma.
Nang matapos niya itong malinis,nanlaki ang mga mata niya dahil sa kaputian ng mukha nito mas dumagdag sa kagwapuhan ng lalake. Hindi niya akalain na may ganitong kulay ang lalake at sobrang kinis na mukha.
Pulube ba talaga ang lalaking to?, o parang napagtripan lang siya ng isang tarantadong gwapong lalake.Pero Hindi e, edi sana hindi ito humingi ng pagkain sa kanya?
Kumuha naman siya ng kapiraso ng bulak at nilagyan niya ito ng kaonting amount ng betadine, saka ipinahid niya ito sa mukha ng gwapong lalake.
Hindi niya na kailangang takpan ang sugat nito, upang madaling matuyo at hindi makulob.Kahit hindi siya isang nurse, Alam niya ang tamang gagawin pagdating sa mga gantong klase ng paggagamot sa isang sugat. Hindi rin naman kase lingid sa kaalaman ng ibang tao na, mas gusto niyang maging isang nurse, kaysa manahin ang kompanya nila.Wala naman siyang magagawa sa gusto ng ama niya para sa kanya. Mas mabuti nang sumunod sa mga magulang, dahil isa narin yun sa matatawag sa pagtanaw niya ng utang na loob sa mga ito. Dahil napalaki siya ng mga ito ng tama at hindi kulang sa pagmamahal.
"Ayan, ayos na!". Sabi niya sa lalake habang nakangiti.
Napansin naman niya ang pagmamadali nitong pagtayo,nang bumalin ito sa isang orasan na nakalagay sa harapan ng cashier."Mauuna na ako, maraming salamat sa tulong mo!".
Pinagmasdan niya lang na umalis ang
lalake, hanggang sa tuluyan na itongnawala sa paningin niya.Siya ay masaya dahil sa pag tulong na
nagawa niya para sa lalakeng iyon, nahindi pasado para sa pagiging isangpulube. Nagpasya narin siyang bumalik sa kompanya nila upang maasikaso pa ang mga papeles na kailangan niya pang pirmahan.Kakabalik lamang ni karrie sa kanilang kompanya matapos tumungo sa ministop at pagtulong sa pulubing lalake. Naglakad ang dalaga papunta sa kanyang opisina nang biglang bumungad sa kanya ang titigng isang lalaking matagal niya nang kinamumuhian.Mukhang bagong ligo itoat kakagaling lamang ng salon.Almost 1 hour din ang tinagal niya bago siya nakabalik, dahil matapos makaalis ng pulubi, nakasalubong niya ang batchmate niya nuong nasa highschool pa lamang siya.Napakadaldal parin nitong si heart Malonzo, na inaya pa siya uminom ng dalgona coffee na katabi lamang ngministop kanina. Patuloy parin nakapukaw ang atensyon niya sa lalake." yeah, he's cute. Pero hindi parin mawawala pagiging masama ng ugali niya". Pabulong na sambit ng dalaga, umiwas ang dalaga sa titig ng lalaking ito at marahan naglakad diretsyo sa kanyang patutunguhan.Habang patu
Magkasabay na lumabas ng opisina si dyke at karrie matapos pirmahan ng dalaga ang mga papeles na pinapaayos sa kaniya ng dad niya. Halatang buhay ang intriga sa mga pagmumukha ng mga taong nasasalubong nila sa daan at maging sa elevator hanggang sa pagbaba ng palapag ng Villegas Company.Bakas sa mga itsura ng mga impleyado duon ang pagtataka sa pagitan ng dalawa, halo- halong reaksyon at bulong bulungan ang nag- uumapaw sa mga impleyado, hindi rin naman maikakailang nakaka- intriga talaga ang pagsasama ng dalawang tagapag mana ng big phone companies sa pilipinas, pareho din namang may matitibay na personalidad ang dalaga at binatang kanilang pinag- uusapan.Isa pang dahilan diyan ay, likas talaga sa mga pilipino ang pagiging chismoso, na mahihilig sa issue.Habang papalabas pa lamang ng kompanya, ang pilyong binata ay may naisipan na naman kakaiba na tiyak makakapag pa- wala na naman ng amor ng dalaga sa kaniya.
Naglakad ang dalawa patungo sa loob ng napaka sosyal na restaurant, ngunit pumasok sa isip ni karrie kung gaano siya ka- swerte sa binatang ito kung hindi niya lang siguro alam ang mga pinag- gagagawa ng matipunong lalaking ito ay tiyak na agad siyang mahuhulog dito.Sabay silang naglakad papuntang restaurant hanggang makapasok na ang mga ito, hindi akalain ni karrie na sila lang pala ang customer sa restorant na ito, bumungad sa kaniya ang napaka romantic na dekorasyon ng buong restaurant. Puno ito ng mga pulang lobong nakalutang na may magandang arrangement, kasabay ng mga rosas na nagkalat sa daan patungo sa table nila at mga piling staff na pasadya din ang pulang t- shirt na suot.Nakapinta sa mukha ng dalaga ang pagka mangha, she didn't expect this special venue. Ang alam niya lang naman kase ay inaya lang siya ng binata para sa isang dinner, hindi sa ganitong napaka romantic na restaurant.Lumapit ang dalawang waiter sa kanila at silay inalalay
Nakarating na sila dyke sa kotse at maingat namang pinagbuksan si karrie saka ito inalalayan papasok. Sumunod siyang pumasok at umupo sa driver's seat.Sinimulang paandarin ni dyke ang kotse at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Kasalukuyan silang nasa biyahe habang ang dalaga ay nakatuon lamang sa mga punong nagsasayawan sa hangin na kanilang nadadaanan, biglang nagising sa reyalidad ang dalaga nang mapansin nitong iniliko ng binata pakanan ang direksyon nila na alam niyang hindi patungo sa lokasyon ng kanilang tinitirahanKunot nuong bumalin si karrie sa binata na seryosong nagmamaneho at tuloy lang na nakatuon ang atensyon sa daan."What- the!" sigaw ng dalaga, napabalikwas ang binata sa inakto nito. Sandali niyang hininto ang sasakyan saka bumalin kay karrie."What's your problem?" takang tanong ng binata"Iuuwi mo ba talaga ako?!"Napaangat ang magkabilang gilid ng labi ni dyke, at nagpakawala ng pilyong ngiti.
Chapter 5Ramdam ng dalaga ang lamig ng simoy ng hangin na kasalukuyang yumayakap sa kaniyang buong katawan, hindi siya makapagsalita sa binata dahil nahihiya siyang magsabi dito. Upang maibsan ang lamig ay minabuti niya na lamang na yakapin ang kaniyang sarili at bigyan ng kaonting init ang kaniyang balat gamit ang pagpahid ng mga palad sa sarili.Ngayon ay nakaupo ang binata habang pinagmamasdan ang hampas ng mga alon sa dalampasigan, aliw na aliw ito sa panonood sa mga kumikinang na algae sa ibabaw ng dagat kaya’t hindi niya napansin ang lamig na dama ni karrie. Mistulang magiging isang estatwa na ang dalaga sa kaniyang tabi ngunit hindi niya parin ito namalayan.“ I want this kind of presence, you and I together are the happiest date I&rsqu
KASALUKUYANG sinusuklay ni dyke ang mga hibla ng buhok ng dalaga habang ito'y tulog sa kaniyang mga bisig. Patuloy pa rin silang ginagabayan ng liwanag ng buwan na nagsisilbing ilaw ng binata upang mapagmasdan ang dalaga. Hindi na kinaya ni karrie ang antok dahil sa presensya ng dagat at hangin mula pa kanina. Hindi naman ito magawang gisingin ng binata kaya hinayaan niya na lamang na dito na sila datnan ng bukang liwayway. Nakabalin ang tingin ng binata sa maamong mukha ni karrie, napakaganda parin nito habang tulog, natutuwa si dyke dahil sa taglay na katangusan ng ilong ng dalagang ito. Dumako ang kaniyang palad sa tungkil nito saka sinundan ng kaniyang hintuturo ang perpektong guhit na kumukonekta sa mga labi ng dalaga. Banayad niyang dinama iyon hanggang sa dumampi na ito sa hugis puso nitong labi.Kahit pa maraming babae ang nagkukumahog sa kaniya, sa babaeng ito lang talaga siya nahulog ng ganito katindi. Siguro nga ay marami din siyang pagkakamalin
“Matagal na kaming namumuhay sa lugar na ito, anak” Sambit ni tatatang kay dyke. Umayos sa pagkaka- upo ang binata. “Ganun po ba, tang?” “Oo, tawagin mo na lamang akong tatay alpring, anak” “Ah sige po, tatay alpring” Ngumiti si dyke sa matanda at nagpatuloy naman ito sa pagsasalita “Mas pinili namin ng aking asawa ang manirahan sa ganito ka- simpleng lugar” “Bakit po?” Kunot nuo na tanong ni dyke “Dahil mas gusto namin ng tahimik na buhay, anak. Wala na rin ang aming nag- iisang anak. Bumukod na sa amin at mas pinili niyang manirahan sa amerika kasama ang kaniyang pamilya. May tatlo na kaming apo sa kaniya, pero dalawang beses sa isang taon lamang namin sila nakakasama, tuwing pasko at bagong taon lamang” Halata ang lungkot sa pananalita ni tatang. Bigla namang sumulpot sa kalagitnaan ng kanilang pag ku
Makalipas ang mahabang minuto ng pag ku- kwentuhan nila dyke ay hindi na nila namalayan ang kapeng inihanda ng ginang. Masyado kasing seryoso ang naging usapan ng dalawa lalo pa’t ngayon lang nakatagpo si dyke ng ganitong klase ng tao na katulad ni tatay alpring. Alam niyang mapagkakatiwalaan ito kaya ganun na lang ka- gaan ang loob niya sa matanda. Isa pa ay parang isang regalo na rin ito na makatagpo niya ang matalik na kaibigan ng kaniyang lolo nuon, sa pamamagitan nun ay nalaman niya ang pinagdaanang hirap ng kaniyang lolo at tunay na nakapagbigay motibasyon para sa mga gagawin niyang mabubuting bagay sa hinaharap “Hindi na natin nainom ang ating kape, anak. Higupin mo na yan, mukhang lumamig na rin, hahaha!” “Kaya nga po, tay” Napatawa na lang din si dyke at nag- ayos sa pagkaka- upo Kasabay naman ng mga lumipas na oras na iyon sa kuwentuhan ng matanda at ni dyke ay tapos na ring magluto ang ginang. Mukhang mataas ang ko
Kakadating lamang ni dyke sa parking lot ng kanilang company, saglit nitong pinatay ang makina ng kaniyang sasakyan, saka tumingin sa orasang pambisig... medyo maaga pa para sa kinahapunang oras. Marahang nag hintay ang binata matapos kumpirmahin ang oras. Sumandal siya sa gilid ng kotse habang naka- krus ang kaniyang mag kabilang kamay. Mga ilang sandali pa ay bigla na lamang may dumating na sasakyan, biglang natanaw ng binata ang napaka- gandang kotse na mercedes benz, mukhang alam niya na kung kanino ang sasakyang iyon kaya nagmadali siyang pumasok sa loob ng kaniyang kotse upang hindi siya makita ni eran at mag taka pa ito kung bakit siya naroon. Huminto ang kotse at saka nagmamadaling bumaba ng sasakyan ang binatang si eran. Kita ng dalawang mata ni dyke sa kaniyang tinted na bintana na pinag buksan ni eran si daisy ng pintuan, napataas ang magkabilang bahagi ng labi ni dyke dahil duon. Mukhang may kakaiba sa dalawa ah, mabuti iyon upang hindi na umaligid kay karrie ang kaniyang
Naka- upo lamang ang dalawa habang pinagmamasdan ang napaka- preskong paligid. Maganda talangang mag pahinga sa mga ganitong lugar na maraming puno dahil talagang ma- re- relax nito ang katawan ng kung sino mang pipili ng ganitong pahingahan. Hindi lingid sa kaalaman ni dyke na makikita niya si eran at daisy na sekretarya ni karrie sa park na pinagbibigyan niya ng mga pagkain para sa mga bata, medyo kinabahan ang binata sa pagkakataong iyon dahil ayaw niyang malaman ng mga ito ang kaniyang ginagawang pag tulong, gusto niya lamang kumilos ng payapa at tago sa mga taong malalapit man o malayo sa kaniya. Sa pagkilos dapat lang na tahimik talaga. Hindi naman na kailagan ipagmalaki ang mga nai- aambag o nagagawa sa lipunan.Kasalukuyang nag mamaneho ng mabilis ang binata kasabay ng pag- iisip sa nangyari kanina, paano na lamang kung nakilala ako ng mga yun, siguro baka iba na naman ang masasabi nila sa akin, napaka- gago talaga. Bulong ni dyke sa kaniyang isipan habang nakahawak ang isan
"Mukhang na- eenjoy mo ata itong walking natin? haha" Nakangiting sita ni eran kay daisy na sobrang aliw na aliw sa paglalakad" Ngayon na lang kase ako nakapaglakad ng ganito ka- payapa, pero i've been here before kasama ang dad ko when I was a kid, we used to hangout here everyday, but now when i grew up it didn't happen again" Malungkot na pag ku- kuwento ng dalaga. Gumuhit ang saglit na pagkalungkot sa mukha ng binata at nagpasiyang mag kuwento na rin."Ganun talaga kapag bata no, mas na- eenjoy mo yung life. Walang iniisip na problema or mga stress dahil sa trabaho. Habang tumatanda kase tayo nadadagdagan ang mga responsibilities na nai- aatang sa atin. But we can't ignore it as we go through our lives, kakambal na iyon ng pagmumuhay natin sa mundo, kaya nga God created us because we have a good purpose here"" That's a good one huh, you have a good mind set. That's why i live my life happily even though there are lots of difficulties or challenges that God had given to us, al
Tila'y isang istranghero ang turing ng bawat isa sa pagitan nila daisy, hindi naman magawa ng dalagang mag simula ng pag- uusapan dahil hiyang- hiya siya sa kaniyang magiging boss na ngayon ay parang lalamunin siya sa hiya dahil sa tigitg nito ngayon at kasalukuyang naka-kalumbaba. Napalunok na lamang si daisy sa ginagawang iyon ni eran at marahang nginitian ang dalaga. " Ngayon ko lang napansin na napaka- ganda mo rin pala daisy, parang si karrie. normal lang ba na maraming magagandang babaing impleyado ang villegas company?" Napatawa ng konti si daisy sa sinabing iyon ni eran, nagtakip na lamang ang dalaga ng bibig dahil sa hiyang nararamdaman. Bakit hindi ko mapigilang hindi kiligin?.Tanong ng dalaga sa kaniyang isipan. Sabagay kahit sino namang poging lalaki ang mag bigay ng ganuong compliment sa isang babae ay tiyak na kikiligin din." Hindi ko naman po masisigurado sa aking sarili na maganda ako, sir. Sa totoo nga po ay ngayon lang ako nakarinig ng ganiyang kagandang papuri sa
Free time ngayon ni daisy dahil binigyan siya ng special treatment ng boss niya na si karrie, natuwa kase ito sa ginawa niya kanina kaya nag kusa ang dalagang iyon na bigyan siya ng pahinga, hindi na sana papayag si daisy sa gustong mangyari ng boss niya pero ipinilit pa rin nito ang bagay na iyon kaya hindi na siya nakipagmatigasan pa. Baka isipin ni karrie na hindi agad siya susunod sa gusto nito. Thankful talaga si daisy ngayon dahil sa sobrang buti ng boss niya at naisipan pa ang pahingang iyon na kailangan niya talaga, napakarami na rin kasing stress ang dumarating sa kaniya. Nagpasya si daisy na magtungo sa isang cafe malapit sa kompanya na pinagtratrabahuhan niya para duon na lang muna magpahinga habang sumisimsim ng kape. Kasalukuyang papasok ang dalaga sa cafe habang patuloy lamang ang paningin sa pagmamasid sa paligid na sakto lamang sa nais niyang ambiance. Naghahanap siya ng maayos na mapag pu- puwestuhan at saka pumili na ng table, sabay namang lumapit ang isang wa
Saktong 9 am ng umaga nang makapasok si karrie sa kanilang kompanya, madaling madali siya dahil ngayon ang appointment niya with Mr. Cuangco. Sa sobrang dami ng iniisip kagabi ay mangani- ngani nang makalimutan ng dalaga ang kanyang meeting sa poging investor na iyonKasalukuyan siyang naglalakad ng mabilis papasok sa kaniyang opisina upang makapag handa ng proposal para kay Mr. Eran Cuangco, napansin naman ni daisy ang pagmamadaling iyon ng boss niya kaya sinundan niya ito " Ma'am, karrie. Bakit po kayo nagmamadali?" Saglit na nakuha ng sekretarya ang atensyon ni karrie na labis ang pag a- atubili sa pag- aayos ng sarili at kagamitan"I have an appointment with Mr. Cuangco, I need to set up my presentation to our meeting room! "Napangisi na lamang si daisy sa kaniya at nanatiling kalmado dahil naayos niya nang i- set up ang mga gamit na iyon"Okay na po yun, ma'am. Naayos ko na po"Napanganga si Karrie sa sinabing iyon ng kaniyang sekretarya at bakas ang gulat sa kaniyang itsurain
Damang-dama ni dyke ang lamig na yumakap sa kaniyang katawan, tila'y gusto na siyang gisingin at pabangunin nito sa pagkakatulog. Kaya nagpasya ang binata na ibukas na ang kaniyang mga mata, isa pa'y gising narin naman ang kaniyang diwa kaya't maari lamang na mag-asikaso na siya upang maabutan pa ang lakad nila ng kaniyang kaibigan na si eran. Medyo maaga pa ng tatlong minuto si dyke para sa alarm na sinet niya kanina sa eksaktong pag gising niya ng gabi.Iginala ng binata ang kaniyang paningin sa paligid ng kaniyang kwarto at ibinalin ang atensyon sa puting kisame sa taas, marahan niyang pinagmasdan ito at tumingin lamang sa kawalan, saglit siyang nagmuni- muni para tuluyang mawala ang kaniyang antok. Laman ng kaniyang isip ang mga batang nasa lansangan na nasaksihan niya ang mga paghihirap na dinadanas sa isang masalimuot na sitwasyon. Inisip niya kung paano mapapapayag ang mga itong lumipat na lamang sa ipinagawa niyang pabahay upang sana'y makaahon ang mga ito mula sa pagkakalu
"Okay dick, let's meet. but where? "Sinend ni dyke ang message na iyon kay Eran, saka bumalin kay Cynthia na ina ni Karrie upang magpaalam" Uhm, tita Cyn, I have to go now" " Huh?, where are you going, dyke? " Takang tanong ng ginang " To my friend po, tita. Hangout lang po""Ah, sige anak. Ingat ka!" Pag sang- ayon ng ginang saka naman nag pop up muli ang message mula kay eran" At FAQ club, dick exact 10 pm. I'll wait you there, and also my treat kase alam kong mahirap kana : ) : )" Kumulo ang dugo ni dyke sa nabasang iyon kaya't nag reply siya ng mas matinding tagos sa buto at magiging Bars para sa kaibigan"Oh the CEO of De Luna's Phone company who's one of the richest billionaire bachelor in Asia is poor? okay your treat lil dicky. xoxo" Mapang- asar na tugon ng binata. Nagpasya na lamang siya na umuwi ngayon upang makatulog pa sa kanilang bahay at maramdaman ang napakalambot niyang kama sa maaliwalas at napaka- supistikado niyang kwarto sa kanilang mansion, isa pa ay ka
KASALUKUYAN nang nasa byahe sila dyke matapos silang sunduin ng driver niyang si julyo, kalahating araw lamang silang nanatili sa bahay nila tatay alpring ay tila’y parang napakalaki na ng pinagbago sa pagitan nilang dalawa ni karrie, kakaiba ang pakiramdam na ito kumpara sa dating normal na enerhiyang namamayani sa kanila. “Mukhang natagalan po ata kayo ni ma’am duon, sir!” Untad ni julyo“Actually, uuwi na sana kami ng midnight by that time, but nagkaroon ng problema sa connection ng phone ko, hindi ka man lang sumasagot nun, then nawalan ng signal malapit sa dagat kaya may kasalanan ka din sa akin sa hindi mo pagsagot sa tawag ko” Napangisi na lamang si julyo sa sinabi ni dyke, nasanay na rin naman siya sa boss niya na ganito ang ugali, ngunit alam niyang maayos makisama ito at sinisindak lamang siya.“Ok lang iyon, sir. Nakasama niyo naman ho ng matagal si ma’am karrie eh, hahaha” “Hmp!” Hindi na nagsalita pa si dyke dahil baka mahalata ng dalaga ang pagkatuwa niya sa nangy