Friends
Ganoon pala talaga kapag masaya ka? Ang bilis lumipas ng araw. Parang noong isang araw lang may sakit ako at inalagaan ni Joe tapos ngayon sobrang busy ko na ulit sa school. Buti na lang magaling na magaling na ako. Iba pala talaga ang alaga ng isang Joe GDL.
Hindi ko mapigilan na mapangiti kapag naaalala ko yung nangyari noong sabado.
"Luh, nangiti mag-isa." Puna sa akin ni Mikai, nasa SA office ulit kami.
"Nababaliw na iyan." asar sa akin ni Eli.
"Feeling ko lalaki ang dahilan niyan. Hindi ka na single Jules? Goodbye NBSB days na ba?!" excited na sabi ni Mikai
"Sige isigaw mo pa Mikai." ang lakas kasi ng boses niya.
Makikichicka pa sana si Mikai sa akin kaso may inutos sa kanya so naiwan kami ni Eli dito sa isang table.
"Miyerkules na insan hindi ka pa din nakakamove on." sabi sa akin ni Eli.
"Hindi ah. Paano mo naman nasabi na hindi pa ako nakakamove on?" tutol ko sa sinabi ni Eli
"Ah kasi bigla ka na lang ngingiti dyan, tapos may pagsubsob ka pa sa table sabay padyak at tili. Alam ko din na laging nasa bag mo yung jacket na pinahiram sayo ni Joe. Sige, ganyan pala ang hindi pa nakakamove on." sarcastic na sabi ni Eli
"Bakit ba? Ang kontrabida mo talaga. Makapunta na nga sa klase. Bye!" sagot ko kay Eli, rinig ko pa ang tawa niya bago ako makalabas sa office namin.
Naglakad ako ng mabilis papuntang room ko. Maaga laging dumating yung prof namin. Laging 5 minutes before time. Ilang beses na akong nalate at napagalitan na ako noong huling pasok ko so bawal na ang babagal-bagal
Hinihingal ako ng makarating ako sa room. Nagtaka ako dahil malapit ng mag time pero wala pa din ang prof namin pati mga kaklase ko. Umupo ako at naghintay. Natuwa ako ng may nakita akong kaklase kong papunta dito sa room.
"Miggy!" bati ko sa kanya, nagulat pa siya sa akin.
"Oh Asuncion, anong ginagawa mo dito?" sagot sa akin ni Miggy.
"May klase tayo kay Prof. De Guzman ah?"
"Wala tayong klase ngayong araw. Nasa seminar si Sir. Usapan iyon sa gc ah." paliwanag niya
"Naku! Hindi kasi ako nag-online." napahiya kong sabi
"Hindi ka naman talaga nag-oonline. Hindi mo tuloy nababasa mga chat ko- este mga chat sa gc natin. Hindi mo tuloy alam kapag may mga announcement, katulad nito." saway ni Miggy
Hindi talaga ako masyadong nag-oonline gamit ang account ko na alam ng lahat kasi ang laging online ay iyong fb ko na ginagamit ko pang chat kay Joe kaso, matagal na akong naghihintay pero hindi na niya sinasagot ang mga messages ko.
"Pasensya na. Ang sungit naman nito, busy lang kasi ako. Teka bakit ka nga pala pumunta dito sa room?" tanong ko
"Naiwan ko kasi iyong puso ko- este yung binder ko dito. Kukunin ko lang." sagot nito
"Ganoon ba, sige mauna na ako sayo, wala naman palang klase. Salamat Miggy!"
"Ganyan ka naman Jules, pagkatapos mo akong gamitin, iiwan mo na lang ako basta. Ano ako, CR?"
"Baliw! Alis na ako bye!"
Natatawa akong lumabas sa room. Para talagang sira si Miggy. Isa siya sa mga una kong nakaclose sa klase noong nagtransfer ako dito. Naalala ko noong nagchat siya sa akin at nagtanong kung pwede akong ligawan tapos sinagot ko siya ng hindi pwede. Akala ko kasi trip-trip lang. Pagpasok ko kinabukasan, hugot ng hugot. Hindi ko alam, ako pala ang pinatatamaan.
Tawa ako ng tawa sa kanya, pati din mga kaklase namin. Na kahit 2nd year na kami ngayon hindi pa din namin makalimutan. Naging isa tuloy siya sa clown ng klase.
Pumunta na lang ako sa library. Dito na lang muna ako habang naghihintay ng sunod na klase. Kinuha ko ang laptop ko sa bag ko at binuksan.
Pumunta ako sa Facebook at binuksan ko ang first account ko. Chineck ko agad ito at bumungad sa akin ang madaming messages na hindi ko nareplyan. Nag-back read pa ako sa gc ng klase namin para makibalita. Nakita ko din ang mga chat sa akin ni Miggy na puro hugot.
Pagkatapos ay nanood na lang ako ng mga post sa news feed ko ng biglang may sunod-sunod akong natanggap na notifications. Friend requests pala. Tinignan ko ito kung sino at halos mapanganga ako ng makilala kung sinu-sino ang mga ito.
Juan Gomez de Liaño sent you a friend request.
CONFIRM | IGNORE
Javi Gomez de Liaño sent you a friend request.
CONFIRM | IGNORE
Jordi Gomez de Liaño sent you a friend request.
CONFIRM | IGNORE
Jaime Gomez de Liaño sent you a friend request.
CONFIRM | IGNORE
Mara Gomez de Liaño sent you a friend request.
CONFIRM | IGNORE
Ano ito? Sabay-sabay silang nag-add sa akin? Totoo ba ito? Baka naman mga poser ito. Tinignan ko isa-isa ang mga account at nalaman na kanila nga. Hindi ako makapaniwala! Pati si Jaime may fb na?
Biglang may nag-chat pero pumasok ito sa message requests ko. Napanganga ako ng mabasa ang message at kung kanino ito galing.
Juan Gomez de Liaño
You and Juan aren't connected on Facebook
3:35 PM
Jules, please accept our
friend requests.-GDLsNapatulala pa ako ng ilang oras bago mag-sink in na gusto akong maging friend ng mga GDL sa Facebook.
I clicked 'confirm' at inaccept ang mga friend requests nila. Jusko totoo ba ito?
May nagchat ulit sa akin at nakitang lahat sila ay nag-wave sa akin. Natawa ako pero hindi pa din ako makapaniwala. Sila ang nag-add sa akin. Samantalang dati isang buwan ko hinintay bago iaccept ni Joe yung friend request ko.
Speaking of Joe, hindi siya kasali sa mga kapatid niya na nag-add sa akin. Nahihiya naman ako mag-add sa kanya kasi baka hindi niya iconfirm. Suplado pa naman iyon in real life.
Akala ko ay magchachat pa ang mga GDL pagkatapos kong mag-wave back sa kanila. Bumalik na lang ako sa panonood ng mga post sa news feed ko nang marealize ko na kailangan ko ng palitan yung profile pic ko. Ilang buwan na ito, ang tagal na masayado.
Nagkalkal ako sa gallery ko ng pwede ipampalit. Nakahanap naman ako buti na lang!
Jules Asuncion updated her profile picture.
Nagbabalik 💖
Like | Comment | Share
Siguro nga dapat ito na lang account na ito ang gamitin ko palagi. Tutal naman hindi na nirereplyan ni Joe si Jm. Para saan pa yung isa kong account? Siya lang naman ang dahilan kaya ginagamit ko iyon.
Nag-log out na ako. 5 minutes before time 4 ay umalis na ako sa library at pumunta na sa room namin. Nadatnan ko na ang mga classmate ko doon na nagkakasiyahan, napangiti ako.
Dumating na din agad ang teacher namin. Natahimik kami ng magsimula na ang klase. Last class na namin ito. Creative Writing ang subject kaya aliw na aliw ako sa pakikinig sa prof namin. Sa lahat ng mga subject ko ngayong sem ay ito ang pinakapaborito ko dahil laging buhay ang klase. Lalo na kapag usapang pag-ibig gaya ngayon.
"Sabi nga ni Lang Leav 'I don't think you need to be in love to write. But you had to have been once.' So iyang mga hugot niyo dahil sa mga past experiences niyo sa pag-ibig, no matter how tragic or heartbreaking it is, it will help you to write the most beautiful masterpiece you could ever make." paliwanag sa amin ni Sir.
"Gumawa ka na ng libro Miggy, dami mong hugot di ba?" pang-aasar ng isa kong kaklase kay Miggy kaya natawa kaming lahat.
Nabitin kami sa discussion dahil time na. Pinaawas na kami ni Sir kahit hindi pa din makamove on ang mga kaklase ko sa naging takbo ng klase namin kanina. Basta usapang Love talaga...
Bago kami lumabas ng room ay pinuri ng mga kaklase ko yung bago kong profile pic. Inasar pa ulit ako kay Miggy. Kasabay kong lumabas sina Kristy, Meghan at Venice, mga kaibigan ko sa klase.
"Pero Jules blooming ka nga. May jowa ka na ba? Kawawa naman si Miggy the lover boy." tanong sa akin ni Kristy
"Wala akong boyfriend be." sagot ko
"Wala na kaming balita sayo, masyado ka kasing busy." reklamo naman ni Ven
"Ito naman tampo na agad. Sorry na. Sama ako sa inyo ngayon. Saan ba kayo pupunta?" sagot ko
"Mall. Titingin akong libro." sagot ni Ven, tumango ako
"Commute tayo?" tanong ko
"Nope dala ko car ko, doon na kayo sumakay sa akin." sabi naman ni Meg
Wala naman na akong gagawin sa SA dahil natapos ko na kaya sumama na ako sa mga kaibigan ko. Pagkadating namin sa mall ay sinamahan ko si Ven bumili ng libro sa NBS, napabili din tuloy ako ng refill para sa G-tech ko at mga highlighters. Sina Kristy at Meg naman ay panay damit at cosmetics ang binili.
Rich kid ang mga kaibigan ko. Hindi ko.nga alam kung bakit ako napasali sa barkadahan nila. Ang tanda ko lang, sila ang unang kumausap sa akin noong nagtransfer ako sa UST.
Pagkatapos namin mamili ay kumain kami sa isang korean restaurant.
"Huwag tayo magpagabi may pasok pa bukas." sabi ni Kristy
"Ang good girl naman po." pangaasar ni Ven
"Don't worry girls ihahatid ko kayo." sabat naman ni Meg
"Edi ikaw ng may car." sagot ko
Nagtawanan kami. Panay ang picture ng mga ito sa kinakain namin, isa-isa din silang nakipagselfie sa akin dahil para sa IG stories nila.
"Gurl kumain ka muna mamaya na 'yang IG." saway ni Meg kay Kristy
"Wait lang gurl. Pati hindi ito IG. Jules ang dami ng likes ng profile pic mo. Omg! Ang famous mo na talaga."
"Ha?" busy ako sa pagkain ng samgyupsal ko kaya hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi ni Kristy.
"Wait! Close ka sa mga GDL? Omg... Nag-comment sila oh, look!" excited na sabi ni Kristy sa akin at pinakita ang phone niya. Binasa ko ang mga comments.
😍😮👍 1k
Miguel Reyes
Magandang binibini 💖Like | Reply
Eli Marquez
Photoshoot pa more!!! 😂Creditsnaman po 😅Like | Reply
Mara Gomez de Liano
Pretty mo Ate Jules 😍Like | Reply
Juan Gomez de Liano
Javi Jordi Someone needs to see this 😍Like | Reply
Javi Gomez de Liano
Joe Gomez de Liano Add mo na kasi 😂Nasamid ako sa mga nabasang comments ng magkakapatid na GDL. Jusko! Ano bang trip ng mga ito. Inabutan ako ng tubig ni Meg.
"Anyare sayo with the GDLs, kakilala mo talaga sila?" tanong ni Kristy sa akin. Tumango ako.
"Tutor ako ng mga kapatid nila. Part ng work namin as Student Assistant. Every saturday napunta ako sa kanila." Paliwanag ko, at parang gulat na gulat sila.
"Ang swerte mo girl!!!" Kinikilig na sabi ni Kristy.
"Crush ko kaya si Javi omg, ireto mo ako besh." biro naman ni Meg
"Ibig sabihin nagkita na kayo ni Joe in real life!" naliwanagan na sabi ni Ven.
Bukod kasi kay Eli, alam din ng mga kaibigan ko. Naikwento ko sa mga ito ang story ni JM na nakakachat si Joe. At first hindi sila naniniwala, sila nga daw na nakasama si Joe sa UST ni hindi nila nakausap kahit isang beses tapos ako daw, nakachat ko kahit dummy account ang gamit ko. Pero kalaunan naniwala din sila.
"Hala oo nga! So you will make amin na?" tanong sa akin ni Kristy, nagkibit balikat ako.
"Besh pinaglalapit na kayo ng tadhana. I can't believe this!" komento naman ni Meg
"Jules walang lihim na hindi nabubunyag. Tell him already. If Joe is really a friend of JM, he will understand." kumbinsi sa akin ni Ven
"Kumain na nga lang tayo." pagiiba ko ng usapan.
Nagpatuloy na lang kami sa pagkain habang kinikwento ko yung mga encounters ko with the GDLs. Hindi sila makapaniwala na nakakapunta ako sa mansyon ng mga ito. Si Meg nga nagoffer na gawin ko siyang service every saturday para makita niya ang crush niyang si Javi.
Pagkatapos namin kumain ay naglibot-libot pa kami ng mga kaibigan ko sa mall. Pumasok sina Meg at Kristy sa isang shoe shop pero kami ni Ven ay nandito lang sa labas ng store dahil medyo madaming tao.
Habang naghihintay kami ay biglang may lumabas na magandang babae mula sa store na may kasunod na lalaki na pamilyar. Huminto sila sa may side namin dahil parang may hinahanap pa yung babaeng kasama ni Joe sa bag nito.
"Is that Joe GDL?" bulong sa akin ni Ven, tumango ako.
Hindi nila kami napansin dahil busy silang mag-usap. Pinanonood ko lang sila ng biglang nagulantang kami ni Ven dahil biglang hinalikan noong girl si Joe sa labi!
"Ay PDA!" sabi ni Ven, siniko ko siya.
Napatingin sa amin yung girl at inirapan kami. Si Joe naman ay hindi kami nilingon kaya hindi niya ako nakita. Ang suplado talaga.
Hinila na ni ate girl si Joe paalis sa shoe shop. Kami naman ni Ven ay naiwan dito at pinanonood pa rin sila kahit nakalayo na.
"May girlfriend na pala si Sir Joe eh." sabi ko.
"Duh Jules! Feeling ko ka-L lang yun ni baby loves mo." sagot naman ni Ven
"Huh? ka-L?"
"Kalandian."
Hinampas ko si Ven pero tumawa lang siya. Saktong labas naman nina Meg at Kristy at tinanong kami kung anong nangyari pero binaliwala ko na lanh at hindi na kwinento. Nagkayayaan na din kami umuwi. Ako ang kaunaunahang hinatid ni Meg sa bahay dahil panay na ang text sa akin ni Mama.
Pagkarating ko sa bahay ay diretso agad ako sa kwarto sabay higa sa kama. Napagod ako sa gala namin.
Binuksan ko ulit ang Facebook app ko sa phone. Totoo nga ang sinabi ni Kristy na ang daming naglike ng profile picture ko. Natawa ulit ako sa mga comment ng magkakapatid na GDL.
Biglang may notification na dumating sa akin.
Joe Gomez de Liano liked your photo.
Joe Gomez de Liano sent you a friend request.
ACCEPT | DECLINE
Hmp! Like lang? Ang ganda-ganda ko doon. Samantalang yung mga kapatid niya pinusuan yung picture ko.
Kainis ka Joe! Suplado ka na nga, ang damot mo pang mag-puso ng dp. Tapos nakita pa kitang may kasamang babae kanina at hinalikan ka, hindi muna kita iaaccept. Bahala ka dyan! Pero...
Bakit ba ako nagagalit kay Joe? Nagseselos ba ako? Oh no...
***
Hey Joe!
Written by: CurlyQueen
BoringSAT AT 1:36 PMMaraR u coming today ate?JulesYes MaraI'm actually omwMaraOkay po ingatSee youJulesYeah see you Sabado na naman at papunta na ako sa mansyon ng mga GDL. Medyo nalate ako ngayon dahil sumama ako sa check up ni Lola. Dapat sina Eli at Tita ang magkasama pagpapacheckup kay Lola kaso hindi sila pwede dahil may biglaang lakad kaya kami ni Mama ang sumama sa hospital para sa general check up nito.
Fan Girl "Ano ka-chat mo pa?" Napasimangot ako sa tanong ng pinsan ko, pero tinawanan niya lang ako. Tinignan ko ulit ang Messenger App sa phone ko para tignan kung baka nag-reply or kahit nang seen man lang si Joe ng mga messages ko pero wala pa din."Naghihintay ka lang sa wala.""Magrereply yon sakin, lalo na ngayon lagi na siyang active sa mga social media accounts niya." Hindi ko alam kung sa pinsan ko ba sinabi iyon o kinukumbinsi ko ang sarili ko."Ewan ko sayo! Para ka nang ewan diyan kakahintay ng chat niya!" Napasimangot ako."Insan naman eh
MataAUG 26 AT 10:51 AMJOEHindi pa tayo tapos. Sa tagal kong nakikipagchat kay Joe, ngayon lang yata ako naubusan ng isasagot sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. What did he meant by that? Bakit ganoon yung birthday wish niya? Posible bang may naging epekto din ako sa kanya? I was really happy when I found out that he replied. Atleast, kahit last minute na ng birthday niya, he was able to read my chat. Ayun nga lang, talagang gumugulo sa isip ko yung reply niya. We have the same wish actually. I want to see him also, yung mata sa mata, walang h
Kapangalan6:01 PMJoe sent you a messageJOEI thought it was you.JMHa?JOEHer name is also Juliana but wecall her Jules.Seen 6:03 PM***"Hey Juliana."Bati niya. Sa mga tingin niya para niya akong kinikilatis. Bigla akong nag-panic. Baka makilala niya ako."Naku
Ulan"Gumising ka na Juliana!" Rinig kong sigaw ni Mama pero hindi pa rin ako namulat. Ang aga naman manggising ni Mama, mamayang hapon pa naman ang pasok ko."Bumangon ka na ngang bata ka! Sabado ngayon, may tutor ka di ba?" Biglang napadilat ang mga mata ko at napabalikwas ng bangon. Tinignan ko ang kalendaryo ko at omg! Sabado nga ngayon.It means...Makikita ko na naman si Joe! Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo. Dapat mga 10am nasa bahay na nila ako. Nakakahiya naman kung malate ako
Visitor12:54 PMJOEr u busy?Seen Paano ako makakareply sa kanya? Nasa pamamahay pa rin nila ako. Ayaw na nga yata ako paalisin. Wala pa naman akong ginagawa tapos hindi ko pa matiis si Joe, so nireplyan ko pa din siya.JMMedyoooWhy?JOENothing...I just want to talk to you.JMIs there smthing wrong?JOENot reallyI am just annoyed
Sick Sabado na naman. Nandito ulit ako sa bahay ng mga GDL pero nakakapanibago dahil sina Mara at Jaime lang ang nasa bahay. Nasanay kasi ako na buhay ang mansyon at madaming tao. Nasa training daw ang kanilang mga kuya at sina Tita Anna at Tito Bert naman ay may pinuntahang event."Ate Jules are you okay?" Tanong sa akin ni Mara"Oo naman Mara." Ningitian ko siya ng tipid."Are you sure?" Tumango lang ako Sa totoo lang ay masama talaga ang pakiramdam ko. Nilalagnat ako kagabi pero umayos naman ang pakiramdam ko kanina kaya nakapunta ako dito sa mansyon ng GDL.

FriendsGanoon pala talaga kapag masaya ka? Ang bilis lumipas ng araw. Parang noong isang araw lang may sakit ako at inalagaan ni Joe tapos ngayon sobrang busy ko na ulit sa school. Buti na lang magaling na magaling na ako. Iba pala talaga ang alaga ng isang Joe GDL.Hindi ko mapigilan na mapangiti kapag naaalala ko yung nangyari noong sabado."Luh, nangiti mag-isa." Puna sa akin ni Mikai, nasa SA office ulit kami."Nababaliw na iyan." asar sa akin ni Eli."Feeling ko lalaki ang dahilan niyan. Hindi ka na single Jules? Goodbye NBSB days na ba?!" excited na sabi ni Mikai"Sige isigaw mo pa Mikai." ang lakas