Ulan
"Gumising ka na Juliana!"
Rinig kong sigaw ni Mama pero hindi pa rin ako namulat. Ang aga naman manggising ni Mama, mamayang hapon pa naman ang pasok ko.
"Bumangon ka na ngang bata ka! Sabado ngayon, may tutor ka di ba?"
Biglang napadilat ang mga mata ko at napabalikwas ng bangon. Tinignan ko ang kalendaryo ko at omg! Sabado nga ngayon.
It means...
Makikita ko na naman si Joe!
Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo. Dapat mga 10am nasa bahay na nila ako. Nakakahiya naman kung malate ako sa unang araw ko bilang tutor.
Pagkatapos ko maligo ay nag-ayos lang ako ng konti at ready to go na, pero kakain pala muna ako. Baka sabihin kasi ni Tita Anna hindi ako pinapakain ng mga magulang ko kaya pagkain nila ang inuupakan ko.
"Ay may pacheek tint, nasampal lang ang peg?" react ni Eli pagkababa ko
"Bwisit ka talaga kahit kailan." sagot ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako
"Di ba magtututor ka, bakit para kang makikipagdate? Ano yon, feeling mo magdedate kayo ni Joe ganern?" sabi ni Eli
Napatingin ako sa sarili. Napasobra ba ako? Nagdress lang naman ako tapos puting sneakers. Pamasko ko nga 'to eh sinuot ko lang ulit ngayon.
"Pakielam mo ba? Edi gumaya ka!"
"Asus, nagpapaganda ang Jules, akala mo.naman kilala nung crush niya." sabay tawa ni Eli ng nakakaasar muntik na akong mapikon. Dapat talaga hindi ko na kwinento sa kanya hmp!
Kumain na lang ako at hindi na siya pinansin. Nagcheck muna ako ng phone ko at nakitang my chat sa akin si Joe.
7:01 AM
JOE
Good Morning JM! πDon't 4get to eat ur breakfastSeen 8:07am
---
Napangiti naman ako sa chat niya.Ang sweet niya talaga! Sana ganun din siya in real life.JM
Good morning din πHaving my breakfast rn ikaw ba?8:10 AMJOE
already doneeat firstJM
Okiessssee you laterrrSeen
Typing...
---
Napalaki yung mata ko. Omg! Bakit ko sinabi iyon? Hala! Anong gagawin ko?JOE
What Jm?What do u mean?JM
*chat*chat you laterayon ibig kong sabihin πAh! Ang tanga mo sa part na 'yon Jm. Muntik na akong atakihin sa puso sa mga pinaggagagawa ko.
JOE
Ahh...Akala ko gusto mo na makipagkita ehLolJM
HAHAHAJOE
got to do somethingChat you later?JM
SureSinabayan ko si Joe magoffline. Hay! Muntik na ako doon ah. Baka maghinala yun, paano na ako kapag nagkita kami mamaya sa bahay nila?
Chill lang Jules! Don't overthink, kalma lang.
"Para kang sira dyan! Kumain ka na nga, kung anu-ano inuuna mo!" saway sa akin ni Eli
"Bitter!" sigaw ko sa kanya
***
Papunta na ako sa bahay ng mga GDL. Nakasakay ako sa jeep nang biglang umulan. Buti na lang may dala akong payong.
Nang makababa ako ay binuksan ko ang payong ko at tumawid papunta sa subdivision ng mga GDL. Balak ko lang lakadin papasok, for sure kasi hindi naman nagpapapasok ng tricycle dito.
"Miss where are you going?" sabi sa akin ng guard na nasa may gate ng subdivision. Infairness, english speaking!
"I am going to the Gomez De Liano's residence Sir. I am the tutor they hired." Ayan, napaenglish din tuloy ako.
"Sige po Miss, pasok na po kayo." Ngumiti ako at nagpasalamat saka pumasok. Nagtatagalog naman pala si Manong Guard pinahirapan pa ako.
Madali namang hanapin ang mansyon ng GDL dahil ito ang pinakamalaki dito sa village. Ang palatandaan ko ay may madadaanan muna na isang basketball court bago ang mansyon ng mga ito.
Ng mapadaan na ako sa court ay parang may nakita akong naglalaro doon. Napahinto ako para tignan, pamilyar kasi eh.
"Jules!" sabay kaway ng tumawag sa akin. Teka, sina Sir Juan ba iyon?
Sumenyas siya na lumapit ako. Dali-dali naman akong naglakad papunta sa court. Nandoon din pala sina Sir Javi at Sir Jordi.
"Good morning po mga Sir." bati ko sa kanila
"She has an umbrella!" natutuwang sabi ni Sir Jordi, nagtataka akong tumingin sa kanila.
"We can't go home inabot kasi kami ng ulan." Tipid na sagot ni Sir Javi
"Pasukob Jules! Please gusto ko na umuwi eh..." Cute na sabi ni Sir Juan
Natawa naman ako sa kanila. Siguro kanina pa sila dito at hindi makaalis.
"Sige po kaso kasya ba tayo, maliit lang po yung payong ko eh." Tapos ang tatangkad pa nila
May nakita kaming tumatakbo papalapit sa amin,may dala itong payong at naka...topless?!
Si Joe?!
"Sa wakas!" sabi ni Sir Juan nang makalapit na sa kanila ang kuya nila
"Oh payong, umuwi na kayo" utos sa kanila ni Joe
"Ang tagal mo." kinuha ni Sir Javi yung isang payong at umalis na.
"Ang damot hindi nagsheshare! Pasukob na nga lang Jules" sasagot na sana ako kaso...
"Juan go with Jordi." utos ulit ni Joe
"Fine. See you later Jules" at kinindatan niya ako bago sila umalis ni Sir Jordi na mukhang napipikon na ata sa kakulitan ng kuya niya.
Napatingin ako kay Joe at napatulala. Parang nagslow motion ang paligid ng makita siyang pinupunasan ang sarili dahil sa pagkabasa sa ulan. Ang gwapo at ang ganda naman ng katawan niya.
Napatingin din ito sa akin. Agad akong umiwas. Nakakahiya ka Jules, nahuli ka ata. Tsk!
Nang tumingin ako ulit sa kanya ay nakaT-shirt na siya at bitbit na ang gym bag niya para sa pag-alis. Dali-dali akong lumapit at pinasukob siya sa payong ko.
"Sir Joe, mababasa po kayo, papasukubin ko na lang po kayo." offer ko
"No, I'm okay." Hmp! Ang suplado naman...
"Sir baka magkasakit kayo, share na lang po tayo dito sa payong ko." kumbinsi ko sa kanya
"Ang liit ng payong mo." Aba! Pinapashare na nga, ang reklamo pa! Tumahimik na lang ako kasi baka hindi na ako makapagpigil na sigawan siya kasi ang sungit niya sa akin!
Lalong lumakas ang ulan. Tinaas ko pa lalo yung pagkakahawak ko sa payong para magkasya kami. Ang tangkad kasi ni Joe. Medyo nababasa na din ako pero okay lang, kasama ko naman siya.
Sinasamantala mo Jules ha!
Napangisi na lang ako sa naisip ko pero agad din iyon nawala ng tumigil sa paglalakad si Joe at tumingin sa akin.
"Bakit Sir?"
Hindi siya umimik pero kinuha niya sa akin ang payong at siya na ang naghawak. Nagulat ako dahil bigla na lang siyang umakbay sa akin. Ang lapit namin, baka marinig niya yung puso kong mas malakas pa ang tibok kaysa sa tunog ng ulan.
"At the count of 3 we'll run okay? 1...2...3 go!"
At gaya ng napapanood ko sa mga romantic movies, tumakbo kami na parang mga bida habang umuulan.
"Jules, hija are you alright?"
Ha?
Napatingin ako sa nagsalita, si Tita Anna pala iyon at nasa harap na kami ng mansion nila.
"Opo ayos lang po ako Tita." sagot ko
"Ako hindi. Siguro naman pwede ka ng bumitaw?"
Nanlaki ang mga mata. Dibdib ba ito? Napatingala ako at mukha ni Joe ang nakita ko, nakakunot ang noo habang hawak ang payong kong kulay pink. Saka lang nagsink-in sa akin na...
NAKAYAKAP AKO SA KANYA!!!
Dali-dali akong bumitaw at lumayo. Nabasa ako dahil naulan pa pala kaya hinila din ako pabalik ni Joe at napadikit na naman sa kanya. Yung puso ko parang lalabas na sa dibdib ko. Nakakahiya!
"Get inside lovebirds." Natatawang sabi ni Tita Anna at nauna ng pumasok.
"Mom!" Sigaw ni Joe
"Sir Joe sorry po." sabi ko
"Tss...crazy girl." bulong niya.
Binalik niya sa akin ang payong at pumasok na sa bahay nila. Naiwan naman ako doon na hiyang-hiya at namumula. Ano bang nangyari sayo Jules? Lagi ka na lang kasing nagdedaydream!
"Ma'am pasok na po kayo." Sabi sa akin ng isa sa mga maid nila. Kinuha din nito ang payong ko at may binigay na towel sa akin. Nagpasalamat ako at pumasok na.
Dumiretso na lamang ako sa study room ng mga GDL. Nandoon na pala sina Mara at Jaime.
"Hello!" bati ko sa kanila
Ngumiti lang ng tipid sa akin si Mara pero nagtaka ako ng nakasimangot sa akin si Jaime. Nilapitan ko agad siya.
"Jaime is there something wrong?" tanong ko sa bata
"Why are you hugging my Kuya Joe?"
Nagulat ako sa tanong ni Jaime. Tapos mukha pa siyang galit na galit. Napatingin ako kay Mara at nakitang natawa na siya sa kapatid. Pinipigilan ko ding mapatawa kasi baka lalong magalit sa akin itong cute na batang ito.
"I didn't hug him." Tanggi ko
"I saw you and Kuya Joe." Nagtatampo pa din
"Hug din kita gusto mo?" Alok ko kay Jaime, napatingin siya sa Ate Mara niya and she smiled saka tumango sa akin.
So I hugged Jaime. Kinindatan ko si Mara at sabay na kaming natawa. Bumitaw na sa akin si Jaime at hinila ako sa study table niya.
"Let's study na po Teacher Jules." sabi ni Jaime, pero good mood na.
I started reviewing him. Si Mara naman ay nakikinig lang sa amin at sinasaway ang kapatid kapag nangungulit.
While Jaime is doing his activity I talked to Mara.
"Do you need help in your assignments?"
"I'm already done with it Ms. Jules." I smiled at her. Nakikipagusap na siya sa akin and she called me Ms. Jules.
"Nice. Your Mom told me that you love to paint, can I see your works?" I asked
"Sure, it is in my room. I'll show you po."
"Thank you Mara." she just smiled
"I'll just get some snacks Ms. Jules."
Tumango lang ako sa kanya at tinuruan na ulit si Jaime. He is a fast learner sadyang makulit lang at madaldal. Hindi naman ako nahirapan na turuan siya.
Mara came back with a bowl of cookie. I told Jaime that I would only let him eat it if he finishes his home work. Mara on the other hand is holding her phone at parang may kachat. She smiles as she looks in her phone. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya and she blushed. Hmmm...
"Teacher I'm done, can I eat now?" Cute na sabi ni Jaime
"Very good Jaime, you can have your cookies now."
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng study room at pumasok si Joe. Napatingin siya sa akin pero ako ang unang umiwas.
"Jaime can I have some?" Tanong ni Joe sa kapatid na kalong-kalong ang bowl na may lamang cookies.
Napangiti naman ako. Favorite niya nga pala ang cookies. Pinanood ko lang silang dalawa. Lumapit si Joe kay Jaime at binuhat ito. Sinubuan naman ni Jaime ang Kuya niya ng cookie at pinagsaluhan nila ito.
"Are you done tutoring them?" Tanong sa akin ni Joe, tumango ako.
"Titignan ko lang ang mga art works ni Mara tapos pwede na ako umalis." Sagot ko
"Mom said dito ka na mag-lunch." tumango lang ulit ako
"Thank you po." Tipid kong sagot
Nakakunot pa rin ang noo ni Joe habang nakatingin sa akin. Ang suplado talaga nito at ang sungit sa akin pero sa iba hindi naman. Ang lambing niya nga dun sa kausap niya nung hinatid niya ako last week.
"Kuya why are you grumpy? Para kang si Lolo." Pangaasar ni Mara
"So funny Mara." Sagot nito
"Bakit ka ba kasi nakasimangot? Natatakot tuloy sayo si Ms. Jules." nagulat naman ako sa sinabi ni Mara.
"I'm like this because I know that you are chatting someone. Is it a guy huh Mara? Tell me who is he?"
Natahimik si Mara at nagblush ulit. Parang lalo namang naasar si Joe. Mukhang magkakainitan pa iyong magkapatid buti na lang dumating si Tita Anna at tinawag na kami para magtanghalian.
Nauna ng bumaba si Mara at iniwasan ang Kuya niya. Sumunod naman si Jaime. Naiwan kami ni Joe sa study room.
"Baba na daw po tayo Sir." tawag ko sa kanya
"Dalaga na talaga siya." rinig kong sabi ni Joe, napangiti ako. Halata kasi na nagaalala siya.
Bumaba na din kami at nagpunta sa dining area nila. Bigla naman akong hinila ni Tita Anna pagkakita niya sa akin papunta sa kitchen dahil may ipapakilala daw siya sa akin.
"Hon, this is Jules. The tutor I got for Jaime and Mara." pagpapakilala ni Tita sa akin.
"Good afternoon po Sir." Bati ko sa kanya
"She's pretty. Baka nililigawan ka na ng mga binata ko?" Biro nito
"Naku hindi po Sir." Malabo po Sir sa isip isip ko
"Call me Tito Bert hija. I'll just bring this foods to the table. Excuse me ladies." Tumango lang ako.
Ang bait din ng tatay nina Joe. Mukhang masayahin, bakit kaya hindi nakamana si Joe? Pinaupo na ako ni tita at katabi ko si Mara at ang nasa tapat ko naman ay si Juan.
Nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain. Ang daming pagkain gusto ko tuloy lahat tikman kaso nakakahiya kung dadalhin ko pa dito ang katakawan ko.
"Rice Jules?" Alok sa akin ni Sir Juan, tumango ako at binigyan niya ako.
"Ulam Jules?" Alok naman ni Sir Javi
"Water Jules?" Alok naman ni Sir Jordi
"Dessert po Teacher Jules?" Alok naman ni Jaime
Rinig ko naman ang tawa ni Tita Anna at Tito Bert.
"So Jules, sino ba sa mga anak ko ang pipiliin mo?" Biro ni Tito Bert
Hindi ko alam ang isasagot ko. Ang alam ko lang, napatingin ako kay Joe na tahimik na kumakain. Napatingin din siya sa akin, nakakunot ang noo at salubong ang kilay. Ako ulit ang nag-iwas ng tingin.
"Nakapili na siya." Sabi ni Mara sabay kindat sa akin bago bumaling sa Kuya Joe niya nginitian ito.
Ang puso ko! Hindi ko na yata kayang magtagal sa pamamahay na ito.
***
Hey Joe!
Written by: CurlyQueen
Visitor12:54 PMJOEr u busy?Seen Paano ako makakareply sa kanya? Nasa pamamahay pa rin nila ako. Ayaw na nga yata ako paalisin. Wala pa naman akong ginagawa tapos hindi ko pa matiis si Joe, so nireplyan ko pa din siya.JMMedyoooWhy?JOENothing...I just want to talk to you.JMIs there smthing wrong?JOENot reallyI am just annoyed
Sick Sabado na naman. Nandito ulit ako sa bahay ng mga GDL pero nakakapanibago dahil sina Mara at Jaime lang ang nasa bahay. Nasanay kasi ako na buhay ang mansyon at madaming tao. Nasa training daw ang kanilang mga kuya at sina Tita Anna at Tito Bert naman ay may pinuntahang event."Ate Jules are you okay?" Tanong sa akin ni Mara"Oo naman Mara." Ningitian ko siya ng tipid."Are you sure?" Tumango lang ako Sa totoo lang ay masama talaga ang pakiramdam ko. Nilalagnat ako kagabi pero umayos naman ang pakiramdam ko kanina kaya nakapunta ako dito sa mansyon ng GDL.
FriendsGanoon pala talaga kapag masaya ka? Ang bilis lumipas ng araw. Parang noong isang araw lang may sakit ako at inalagaan ni Joe tapos ngayon sobrang busy ko na ulit sa school. Buti na lang magaling na magaling na ako. Iba pala talaga ang alaga ng isang Joe GDL.Hindi ko mapigilan na mapangiti kapag naaalala ko yung nangyari noong sabado."Luh, nangiti mag-isa." Puna sa akin ni Mikai, nasa SA office ulit kami."Nababaliw na iyan." asar sa akin ni Eli."Feeling ko lalaki ang dahilan niyan. Hindi ka na single Jules? Goodbye NBSB days na ba?!" excited na sabi ni Mikai"Sige isigaw mo pa Mikai." ang lakas
BoringSAT AT 1:36 PMMaraR u coming today ate?JulesYes MaraI'm actually omwMaraOkay po ingatSee youJulesYeah see you Sabado na naman at papunta na ako sa mansyon ng mga GDL. Medyo nalate ako ngayon dahil sumama ako sa check up ni Lola. Dapat sina Eli at Tita ang magkasama pagpapacheckup kay Lola kaso hindi sila pwede dahil may biglaang lakad kaya kami ni Mama ang sumama sa hospital para sa general check up nito.
Fan Girl "Ano ka-chat mo pa?" Napasimangot ako sa tanong ng pinsan ko, pero tinawanan niya lang ako. Tinignan ko ulit ang Messenger App sa phone ko para tignan kung baka nag-reply or kahit nang seen man lang si Joe ng mga messages ko pero wala pa din."Naghihintay ka lang sa wala.""Magrereply yon sakin, lalo na ngayon lagi na siyang active sa mga social media accounts niya." Hindi ko alam kung sa pinsan ko ba sinabi iyon o kinukumbinsi ko ang sarili ko."Ewan ko sayo! Para ka nang ewan diyan kakahintay ng chat niya!" Napasimangot ako."Insan naman eh
MataAUG 26 AT 10:51 AMJOEHindi pa tayo tapos. Sa tagal kong nakikipagchat kay Joe, ngayon lang yata ako naubusan ng isasagot sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. What did he meant by that? Bakit ganoon yung birthday wish niya? Posible bang may naging epekto din ako sa kanya? I was really happy when I found out that he replied. Atleast, kahit last minute na ng birthday niya, he was able to read my chat. Ayun nga lang, talagang gumugulo sa isip ko yung reply niya. We have the same wish actually. I want to see him also, yung mata sa mata, walang h
Kapangalan6:01 PMJoe sent you a messageJOEI thought it was you.JMHa?JOEHer name is also Juliana but wecall her Jules.Seen 6:03 PM***"Hey Juliana."Bati niya. Sa mga tingin niya para niya akong kinikilatis. Bigla akong nag-panic. Baka makilala niya ako."Naku

Ulan"Gumising ka na Juliana!" Rinig kong sigaw ni Mama pero hindi pa rin ako namulat. Ang aga naman manggising ni Mama, mamayang hapon pa naman ang pasok ko."Bumangon ka na ngang bata ka! Sabado ngayon, may tutor ka di ba?" Biglang napadilat ang mga mata ko at napabalikwas ng bangon. Tinignan ko ang kalendaryo ko at omg! Sabado nga ngayon.It means...Makikita ko na naman si Joe! Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo. Dapat mga 10am nasa bahay na nila ako. Nakakahiya naman kung malate ako