Share

06

Author: CurlyQueen
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Sick

     Sabado na naman. Nandito ulit ako sa bahay ng mga GDL pero nakakapanibago dahil sina Mara at Jaime lang ang nasa bahay. Nasanay kasi ako na buhay ang mansyon at madaming tao. Nasa training daw ang kanilang mga kuya at sina Tita Anna at Tito Bert naman ay may pinuntahang event.

"Ate Jules are you okay?" Tanong sa akin ni Mara

"Oo naman Mara." Ningitian ko siya ng tipid.

"Are you sure?" Tumango lang ako

     Sa totoo lang ay masama talaga ang pakiramdam ko. Nilalagnat ako kagabi pero umayos naman ang pakiramdam ko kanina kaya nakapunta ako dito sa mansyon ng GDL.

     Tinuruan ko si Jaime sa kanyang assignment habang si Mara naman ay nagpipinta. Masakit ang ulo ko at nilalamig pero kaya ko namang tiisin. Konting oras na lang naman ay pwede na ako umuwi para makapagpahinga.

"You're hot po Teacher Jules!" Sabi ni Jaime ng mapahawak siya sa aking braso. Nilipat naman niya ito sa aking leeg at sunod ay sa noo.

"I'm fine Jaime. Finish mo na homework mo. Isang problem na lang oh." Ningitian ko siya

"Ate you have lagnat. Baba lang po ako I'll ask manang for medicine." Hindi ko na napigilan si Mara at bumaba na ito.

     Habang nagsasagot pa si Jaime ng kanyang homework ay sumubsob muna ako sa table. Dapat pala sumunod na lang ako kay Eli na huwag muna pumunta dito at magpahinga na lang. Nagaalala pa tuloy yung dalawang bata sa akin.

    Pinikit ko ang mga mata ko. Konting oras na lang Jules, kaya mo pa naman 'di ba?

    Naramdaman ko na lang ang sarili ko na parang nakalutang. Minulat ko ang mga mata ko ng kaunti at nagulat dahil may nagbubuhat sa akin.

"Mara open the door." utos ng nagbubuhat sa akin

"Kuya take care of Teacher Jules!" nadinig kong sabi ni Jaime

     Ibinaba niya ako sa malambot na kama at inayos ang higa ko.

"Ang taas ng lagnat mo. Why did you still went here?" Suplado nitong sabi, hindi ko siya sinagot

"Tapos na ba yung homework ni Jaime? Hindi ko na nacheck, nakatulog ako." mahina kong sabi

"Yeah he's already done. He is so worried about you."

"Jaime is so sweet." I said

"We are all sweet." Sagot ni Joe bago ako kumutan ng maayos. Napangiti ako

   Alam kong si Joe ang may buhat sa akin. Nakilala ko ang boses niya ng marining kong inutusan niya si Mara na buksan ang pinto ng isa sa kanilang mga guest room.

   Pumasok pa si Mara sa kwarto na may dalang gamot at pinainom nila ako. Pagkatapos ay hindi ko na alam ang nangyari dahil nakatulog na ako.

    Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may nagpupunas sa akin. Minulat ko ang mga mata ko at nakita si Joe na seryoso sa kanyang ginagawa.

"Sir Joe salamat po." sabi ko

"Just rest Jules." sabi naman nito at tinigil na ang pagpupunas sa akin. Nilagay na lang niya ang towel na basa sa aking noo.

     Ningitian ko siya ng tipid. Pinikit ko ulit ang mga mata ko kaso hindi na ako makatulog. Napansin siguro ni Sir Joe na gising ako kaya napatingin siya sa akin.

"Are you alright? May masakit ba sayo?" Umiling lang ako. Hindi ko maiwasang kiligin dahil sa kanya.

"Uhm...pwede po ba makahingi ng tubig? Nauuhaw po kasi ako." nahihiya kong sabi

     Agad siyang tumayo at pumunta sa bed side table. Umupo naman ako at sumandal sa head board ng kama saka niya binigay ang isang basong tubig at uminom ako.

"Sir anong oras na po?" tanong ko

"5 minutes past 2." sagot nito tumango lang ako.

"Your pale." komento niya

"Kahit naman po wala akong sakit maputla ako." biro ko, napailing naman siya.

"Are you hungry?" tanong nito

     Sakto naman at bumukas ang pinto at nakita namin sina Mara at Jaime na may dalang tray ng pagkain. Lumapit ang mga ito sa akin at kinamusta ako.

"Okay na ako, magaling nag-alaga sa akin eh." biro ko

"Good job Kuya!" Jaime said

     Kita ko naman ang pagngiti ni Mara sa Kuya Joe niya pero umiwas ito at kinuha  ang tray na dala ng mga kapatid.

"The porridge is still hot, you should eat this now." Joe told me, tumango ako at kinuha ang sulyaw.

"I'll feed you po Teacher Jules." offer ni Jaime at hindi na ako tumanggi.

     Habang pinapakain ako ni Jaime ay nandoon pa rin si Joe at Mara. Talagang nakabantay sila sa akin at feeling ko daig ko pa ang nakaconfine.

"Busog na ako Jaime. Thank you for feeding me." He smiled tapos binigay na sa kuya niya ang sulyaw.

"You should eat more Jules." utos ni Joe

"Pero wala kasi akong panlasa. Nakakain na naman ako ayos na iyon."

"No konti pa." seryosong sabi niya

     Halos lumuwa ang mata ko ng makita ko sa harap ko yung kutsara. Napatingin ako kay Joe na sinusubuan ako. Nilapit niya ulit ang kutsara sa bibig ko at wala ng nagawa kundi kainin iyon.

"Last one Jules."

     Dahil last one na ay kinain ko na ang ibinigay niya sa akin. Kaso nakailang sabi na siya ng last one, hindi pa din siya tumigil subuan ako hanggang sa maubos ko na yung porridge.

"Ubos." pinakita niya yung sulyaw sa akin at ngumisi

"Akala ko last one, ang dami eh." dinig ko ang tawa ng magkakapatid dahil sa sinabi ko.

    Bumukas ang pinto at nakita ko si Tita Anna. Pumasok siya at lumapit sa akin.

"I heard that you are sick hija, are you okay now? Sana nagpahinga ka na lang sa inyo kung may sakit ka pala." Sabi nito

"Okay na po ako Tita. Inalagaan naman po nila ako." proud na sabi ko kay Tita Anna.Tumingin naman siya sa mga anak niya.

"Jaime and I didn't know what to do, buti na lang umuwi si Kuya Joe." Mara said

"All thanks to Joe huh?" sabi ni Tita Anna

"I'll go now. Get well Jules." seryosong sabi ni Joe sa akin, napatango na lang ako dahil dali-dali itong umalis.

     Si Mara naman at Tita Anna ay hindi maalis ang ngiti. Malakas ang pakiramdam ko na aasarin nila ako kaya inunahan ko na sila.

"Okay lang po ba kung magpapahinga na po ulit ako?" tanong ko sa kanila.

"Sure hija."

     Iniwan na muna nila ako para makapagpahinga. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ulit ako.

     Nagising ako at nakita sa bintana ng kwarto na madilim na. Maayos na ang pakiramdam ko pero medyo mainitbpa din ako. Bumangon ako at ang cellphone ko na nakapatong sa bed side table.

     Alas sais na pala. Nakita ko na madami ang nagtext sa akin. Mayroon ilang text si  Eli pero mas madami ang kay Mama. Tinawagan ko na lang si Mama.

"Ma..." Sabi ko noong sinagot niya ang tawag

"Juliana Maria nasaan ka na ba? Alam mong may sakit ka magpapagabi ka pa ng uwi?!"

"Ma sorry po, okay lang po ako. Nandito pa rin po ako sa bahay ng pinagtutoran ko at pinagpahinga po nila dito."

     Biglang bumukas ang pinto ng guest room kung nasaan ako at nakita kong pumasok si Sir Juan na may dalang tray ng pagkain kasama si Sir Javi at si Joe.

"Kaya mo ba umuwi o ipapasundo kita sa Papa mo dyan?" tanong ni Mama

"'Wag niyo na po ako ipasundo Ma, alam kong pagod na kayo ni Papa. Kaya ko na po umuwi mag-isa."

    Habang sinasabi ko iyon kay Mama ay napatingin ako kay Joe na nakaupo na sa gilid ng kama ko. Nakatingin din siya sa akin.

"Sigurado ka ba anak? Gabi na tapos masama pa ang pakiramdam mo." nagaalalang sabi ni Mama

     Sasagutin ko na sana si Mama ng kinuha ni Joe yung phone ko at siyang nakipagusap kay Mama.

"Good eve po Mam." bati ni Joe kay Mama pero sa akin pa rin nakatingin

"Brother po ako ng tinuturuan ng anak niyo." nagtataka akong napabaling kay Sir Juan at Sir Javi pero nagkibit balikat lang sila at ngumisi sa akin

"Opo. Is it alright po kung ihahatid ko na lang po siya pauwi? We'll just feed her dinner po then I will take her home." Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang pagpapaalam ni Joe kay Mama na ihahatid niya na lang ako.

"Promise po. Thank you din po Ma'am.

See you later din po." I saw Joe smiled before giving back my phone.

     Gulat pa rin ako ng binalik ko sa tenga ko ang phone para makausap ulit si Mama.

"Ma..."

"Napakabait na binata naman iyong nakausap ko anak, hindi mo ba boyfriend iyon?"

"Ma!" sigaw ko, nagulat ko iyong magkakapatid pero hindi ko muna sila pinansin. Dinig ko ang tawa ni Mama.

"Siya sige pakakainin ka pa daw niya ng dinner bago ka iuwi dito sa bahay. Huwag ka na kaya muna umuwi at dyan ka na magpalipas ng gabi." biro ni Mama

"Di ba pinapauwi niyo ako Ma? Ano bang sinasabi niyo?" Tumawa ulit siya bago ako sagutin

"Hihintayin ka na lang namin dito anak. Ako na bahala magpaliwanag sa tatay mo. Papanagutan ka naman daw ni Pogi nagpromise siya sa akin."

"Mama naman eh!" Hindi ko maiwasang mamula sa pangaasar ni Mama.

"Naku excited na akong makita kayo. Sigurado ako gwapo iyang maghahatid sayo. Ibaba ko na ito para makakain ka na, magtext ka na lang kapag pauwi ka na. Bye anak!"

     Sasagot pa sana ako kaso binaba ni Mama yung tawag. Napatingin naman ako doon sa tatlo at parang kanina pa ako pinapanood.

"Pasensya na po mga Sir." napahawak ako sa batok ko dahil sa hiya

     Inilapit naman ni Sir Juan yung tray na may pagkain sa akin.

"You should eat this Jules so you can go home already." Nakangiting sabi nito.

"Salamat po Sir Juan." Ningitian ko siya, nawala ang tingin ko kay Sir Juan ng may marinig ako na umubo. Napalipat ang tingin ko kay Sir Javi na nakangisi at nakatingin kay Sir Joe. Nagkatinginan naman kami ni Joe at ningitian ko siya ng tipid kahit balik na naman siya sa pagiging suplado.

"Sir Joe salamat po pala sa pagooffer na ihatid ko." tumango lang siya, ni hindi man lang ako sinagot

"Basta daw ikaw Jules, basta ikaw." biglang sagot ni Sir Javi habang tinatapik ang likod ng Kuya Joe niya.

     Hindi ko na nanguya ang kinakain ko at napalunok na lang sa sinabi ni Sir Javi. Anong ibig niyang sabihin?

"Just eat Jules." utos sa akin ni Joe

    Ang weird kumain ng mag-isa tapos may tatlo kang lalaking kasama. Medyo naiilang na ako ayan tuloy nilulunok ko na lang yung kinakain ko.

"Walang tubig si Jules." napansin ni Sir Javi

"I forgot to get you water. Bababa ako wait lang." sabi sa akin ni Sir Juan

"Sama na ako."

     Magkasunod na lumabas si Sir Juan at Sir Javi. Naiwan na naman kami ni Joe dito kaso unlike kanina, seryoso siya at suplado na naman.

     Tahimik lang kami, hanggang sa naubos ko na ang pagkain na dala nila. Wala pa ring nagsasalita sa amin. Tatayo na sana ako mula sa kama pero pinigilan ako ni Joe.

     Nakatingin lang siya sa akin. Nakatayo na siya sa harap ko. Inayos ko ang buhok ko dahil baka gulo kaya niya ako tinititigan ng ganyan. Pero naramdaman ko ang mga kamay niya sa noo ko at sunod naman ay sa leeg ko.

"May sinat ka pa. You should rest more Jules." seryoso niyang sabi

"Sa-salamat po Sir Joe." nabulol pa ako sa pagsagot sa kanya

     Lumayo na siya at tumayo na din ako sa kama. Napansin kong hinuhubad ni Sir Joe ang jacket niya. Nagulat ako dahil binigay niya iyon sa akin.

"Wear this then I'll take you home." kinuha ko ang jacket sa kanya at tumango. Lumabas na si Joe sa guest room.

     Napaupo ulit ako sa kama. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Iba na itong nararamdaman ko.

     Sinuot ko ang jacket ni Joe at bumaba na. Nakasulubong ko si Sir Juan na may dalang tubig at pinainom ako. Sabay kamimg bumaba at sunod ko naman nakita ay si Tita Anna. Nagpaalam lang ako sa kanya at sinabi niya na magpahinga akong mabuti.

     Hanggang nakita ko na si Joe, dala ang bag ko at naghihintay sa may pintuan ng bahay nila.

"Bye po, salamat po sa pagaalaga niyo sa akin. Sa saturday ulit ha Jaime at Mara?" paalam ko sa kanila

"Let's get you home. Kanina ka pa hinihintay ng Mama mo." sabi sa akin ni Sir Joe

     Dinala niya ako sa kanyang kotse at pinasakay. Gusto pang sumama ni Sir Juan pero hindi pumayag ang kuya niya. Nagsimula ng magdrive si Joe at tinuro ang daan papunta sa amin.

     Hawak ko ang phone ko dahil nagtext ako kay Mama na pauwi na ako. Nagvibrate ang phone ko. Akala ko ay nagreply si Mama sa akin pero nagtext pala si Eli

From: daldalELIta

pauwi na yows?

     Nagreply naman ako...

To: daldalELIta

Yup.

Hatid ako ni Joe

      Nagreply naman siya agad

From: daldalELIta

Edi wow. Taas pa rin ng lagnat?

     Napangisi ako sa text ni Eli. Hindi na ako nagreply. Edi wag siyang maniwala.

     Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa bahay. Nakita ko si Mama na naghihintay na sa may gate ng bahay namin. Bumaba kami ni Joe sa sasakyan.

"Ma!" tawag ko sa kanya ng makalapit ako

"Good evening po." Bati ni Joe

"Ma, si Sir Joe po, siya po yung kausap niyo kanina." pakilala ko kay Mama

"Magandang gabi din pogi- este hijo. Salamat sa paghahatid kay Jules ha?" sagot ni Mama kay Joe, napailing na lang ako.

"Wala po iyon." magalang na sagot ni Joe

"Pasok ka muna Joe." pagyaya ni Mama kay Joe pero tumanggi ito.

"Sa susunod na lang po. Kailangan na din po kasi ni Jules magpahinga. Hindi na po ako magtatagal. Bye po Tita." paalam ni Joe sabay ngiti

    Tita?! Close na agad sila? Tuwang-tuwa naman si Mama.

"Salamat po ng marami Sir Joe." tumango lang siya

"Get well Jules. See you on saturday."

    Tumalikod na siya at naglakad papunta sa sasakyan niya. Kumaway pa siya sa amin at bumusina bago niya paandarin ang kotse.

     Nang makalayo na si Joe ay inasar na naman ako ni Mama. Pumasok na kami sa bahay at nakita ko si Eli sa may pintuan.

"Si Joe GDL ba yung nakita kong naghatid sayo?!" tanong niya

"Ayaw mo maniwala di ba?" sagot ko

"Kagwapong bata noong si Joe, Eli. Sana magkagusto kay Juliana."

    Umakyat na ako sa kwarto at iniwan na sina Mama at Eli na pinagkwekwentuhan si Joe. Nagpalit na ako ng maaliwalas na damit pero suot ko po din ang jacket ni Joe saka humiga na sa kama.

    Nakatingin lang ako sa kisame hanggang sa hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Tinakip ko pa sa mukha ko ang unan at saka doon tumili. Dumapa pa ako at hinampas-hampas ang kutson.

     Hindi rin naman pala masama ang magkasakit...

***

Hey Joe!

Written by: CurlyQueen

Related chapters

  • Hey Joe!ย ย ย 07

    FriendsGanoon pala talaga kapag masaya ka? Ang bilis lumipas ng araw. Parang noong isang araw lang may sakit ako at inalagaan ni Joe tapos ngayon sobrang busy ko na ulit sa school. Buti na lang magaling na magaling na ako. Iba pala talaga ang alaga ng isang Joe GDL.Hindi ko mapigilan na mapangiti kapag naaalala ko yung nangyari noong sabado."Luh, nangiti mag-isa." Puna sa akin ni Mikai, nasa SA office ulit kami."Nababaliw na iyan." asar sa akin ni Eli."Feeling ko lalaki ang dahilan niyan. Hindi ka na single Jules? Goodbye NBSB days na ba?!" excited na sabi ni Mikai"Sige isigaw mo pa Mikai." ang lakas

  • Hey Joe!ย ย ย 08

    BoringSAT AT 1:36 PMMaraR u coming today ate?JulesYes MaraI'm actually omwMaraOkay po ingatSee youJulesYeah see you Sabado na naman at papunta na ako sa mansyon ng mga GDL. Medyo nalate ako ngayon dahil sumama ako sa check up ni Lola. Dapat sina Eli at Tita ang magkasama pagpapacheckup kay Lola kaso hindi sila pwede dahil may biglaang lakad kaya kami ni Mama ang sumama sa hospital para sa general check up nito.

  • Hey Joe!ย ย ย 01

    Fan Girl "Ano ka-chat mo pa?" Napasimangot ako sa tanong ng pinsan ko, pero tinawanan niya lang ako. Tinignan ko ulit ang Messenger App sa phone ko para tignan kung baka nag-reply or kahit nang seen man lang si Joe ng mga messages ko pero wala pa din."Naghihintay ka lang sa wala.""Magrereply yon sakin, lalo na ngayon lagi na siyang active sa mga social media accounts niya." Hindi ko alam kung sa pinsan ko ba sinabi iyon o kinukumbinsi ko ang sarili ko."Ewan ko sayo! Para ka nang ewan diyan kakahintay ng chat niya!" Napasimangot ako."Insan naman eh

  • Hey Joe!ย ย ย 02

    MataAUG 26 AT 10:51 AMJOEHindi pa tayo tapos. Sa tagal kong nakikipagchat kay Joe, ngayon lang yata ako naubusan ng isasagot sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. What did he meant by that? Bakit ganoon yung birthday wish niya? Posible bang may naging epekto din ako sa kanya? I was really happy when I found out that he replied. Atleast, kahit last minute na ng birthday niya, he was able to read my chat. Ayun nga lang, talagang gumugulo sa isip ko yung reply niya. We have the same wish actually. I want to see him also, yung mata sa mata, walang h

  • Hey Joe!ย ย ย 03

    Kapangalan6:01 PMJoe sent you a messageJOEI thought it was you.JMHa?JOEHer name is also Juliana but wecall her Jules.Seen 6:03 PM***"Hey Juliana."Bati niya. Sa mga tingin niya para niya akong kinikilatis. Bigla akong nag-panic. Baka makilala niya ako."Naku

  • Hey Joe!ย ย ย 04

    Ulan"Gumising ka na Juliana!" Rinig kong sigaw ni Mama pero hindi pa rin ako namulat. Ang aga naman manggising ni Mama, mamayang hapon pa naman ang pasok ko."Bumangon ka na ngang bata ka! Sabado ngayon, may tutor ka di ba?" Biglang napadilat ang mga mata ko at napabalikwas ng bangon. Tinignan ko ang kalendaryo ko at omg! Sabado nga ngayon.It means...Makikita ko na naman si Joe! Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo. Dapat mga 10am nasa bahay na nila ako. Nakakahiya naman kung malate ako

  • Hey Joe!ย ย ย 05

    Visitor12:54 PMJOEr u busy?Seen Paano ako makakareply sa kanya? Nasa pamamahay pa rin nila ako. Ayaw na nga yata ako paalisin. Wala pa naman akong ginagawa tapos hindi ko pa matiis si Joe, so nireplyan ko pa din siya.JMMedyoooWhy?JOENothing...I just want to talk to you.JMIs there smthing wrong?JOENot reallyI am just annoyed

Latest chapter

  • Hey Joe!ย ย ย 06

    Sick Sabado na naman. Nandito ulit ako sa bahay ng mga GDL pero nakakapanibago dahil sina Mara at Jaime lang ang nasa bahay. Nasanay kasi ako na buhay ang mansyon at madaming tao. Nasa training daw ang kanilang mga kuya at sina Tita Anna at Tito Bert naman ay may pinuntahang event."Ate Jules are you okay?" Tanong sa akin ni Mara"Oo naman Mara." Ningitian ko siya ng tipid."Are you sure?" Tumango lang ako Sa totoo lang ay masama talaga ang pakiramdam ko. Nilalagnat ako kagabi pero umayos naman ang pakiramdam ko kanina kaya nakapunta ako dito sa mansyon ng GDL.

  • Hey Joe!ย ย ย 05

    Visitor12:54 PMJOEr u busy?Seen Paano ako makakareply sa kanya? Nasa pamamahay pa rin nila ako. Ayaw na nga yata ako paalisin. Wala pa naman akong ginagawa tapos hindi ko pa matiis si Joe, so nireplyan ko pa din siya.JMMedyoooWhy?JOENothing...I just want to talk to you.JMIs there smthing wrong?JOENot reallyI am just annoyed

  • Hey Joe!ย ย ย 04

    Ulan"Gumising ka na Juliana!" Rinig kong sigaw ni Mama pero hindi pa rin ako namulat. Ang aga naman manggising ni Mama, mamayang hapon pa naman ang pasok ko."Bumangon ka na ngang bata ka! Sabado ngayon, may tutor ka di ba?" Biglang napadilat ang mga mata ko at napabalikwas ng bangon. Tinignan ko ang kalendaryo ko at omg! Sabado nga ngayon.It means...Makikita ko na naman si Joe! Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo. Dapat mga 10am nasa bahay na nila ako. Nakakahiya naman kung malate ako

  • Hey Joe!ย ย ย 03

    Kapangalan6:01 PMJoe sent you a messageJOEI thought it was you.JMHa?JOEHer name is also Juliana but wecall her Jules.Seen 6:03 PM***"Hey Juliana."Bati niya. Sa mga tingin niya para niya akong kinikilatis. Bigla akong nag-panic. Baka makilala niya ako."Naku

  • Hey Joe!ย ย ย 02

    MataAUG 26 AT 10:51 AMJOEHindi pa tayo tapos. Sa tagal kong nakikipagchat kay Joe, ngayon lang yata ako naubusan ng isasagot sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. What did he meant by that? Bakit ganoon yung birthday wish niya? Posible bang may naging epekto din ako sa kanya? I was really happy when I found out that he replied. Atleast, kahit last minute na ng birthday niya, he was able to read my chat. Ayun nga lang, talagang gumugulo sa isip ko yung reply niya. We have the same wish actually. I want to see him also, yung mata sa mata, walang h

  • Hey Joe!ย ย ย 01

    Fan Girl "Ano ka-chat mo pa?" Napasimangot ako sa tanong ng pinsan ko, pero tinawanan niya lang ako. Tinignan ko ulit ang Messenger App sa phone ko para tignan kung baka nag-reply or kahit nang seen man lang si Joe ng mga messages ko pero wala pa din."Naghihintay ka lang sa wala.""Magrereply yon sakin, lalo na ngayon lagi na siyang active sa mga social media accounts niya." Hindi ko alam kung sa pinsan ko ba sinabi iyon o kinukumbinsi ko ang sarili ko."Ewan ko sayo! Para ka nang ewan diyan kakahintay ng chat niya!" Napasimangot ako."Insan naman eh

DMCA.com Protection Status