Share

08

Author: CurlyQueen
last update Last Updated: 2021-03-15 20:32:19

Boring

SAT AT 1:36 PM

Mara

R u coming today ate?

Jules

Yes Mara

I'm actually omw

Mara

Okay po ingat

See you

Jules

Yeah see you

     Sabado na naman at papunta na ako sa mansyon ng mga GDL. Medyo nalate ako ngayon dahil sumama ako sa check up ni Lola. Dapat sina Eli at Tita ang magkasama pagpapacheckup kay Lola kaso hindi sila pwede dahil may biglaang lakad kaya kami ni Mama ang sumama sa hospital para sa general check up nito.

     Late na ako nakapagpaalam kay Tita Anna dahil biglaan ang nangyari. Buti na lang mabait si Tita Anna at pinayagan niya ako agad.

     Kaso nakalimutan yata sabihin ni Tita Anna sa mga anak niya na malilate ako kaya abot-abot ang chat ng mga ito sa akin.

     Mula ng iaccept ko ang mga friend requests ng mga GDL sa Facebook ay hindi na nila ako nilubayan. Sina Mara at Jaime ay lagi kong kachat. Si Sir Juan naman kung saan-saan ako minemention na post tapos si Sir Javi at Sir Jordi naman ang taga-like at tagacomment.

      Hindi lang sila sa FB nangungulit, pati sa Instagram at Twitter ay follower ko sila. Halos sumabog na nga yung phone ko dahil sa dami ng notifications na dumarating sa akin.

     Nakakapanibago dahil ganito sila sa akin pero natatawa na lang ako dahil sa kakulitan nila sa social media.

     2pm na ng hapon nang makarating ako sa mansyon ng GDL. Sinalubong agad ako ni Mara.

"Si Jaime?" Tanong ko

"Nakatulog na Ate. He is waiting for you kanina pa." Mara said

"Sorry late ako."

"Akala namin may sakit ka pa rin kaya di ka agad nakapunta Ate Jules."

"Hindi ah. Magaling na magaling na ako." nakangiti kong sagot kay Mara.

     Mara smiled. Napatingin naman ako sa paper bag na dala ko. Ibabalik ko na kasi yung jacket na pinahiram sa akin ni Joe noong hinatid niya ako pauwi nung may sakit ako.

     Sabay na kaming pumasok sa bahay nila. Binati sina Tita Anna at Tito Bert na nandoon sa salas nila.

"How's your grandmother Jules?" Pangangamusta ni Tita Anna.

"Okay lang po, napacheck-up na po namin siya kanina. Sorry po kung nalate ako."

"It's alright hija." sabi naman ni Tito Bert sa akin

"Salamat po." Ang bait talaga nila

"Magmeryenda ka muna Jules. Mara go with your Ate Jules in the garden, your brothers are already there. I prepared some snacks for all of you." Utos ni Tita Anna, tumango naman si Mara.

"Thank you po." Nahihiya kong sabi. Ngumiti lang sa akin si Tita Anna at tinapik ako sa likod.

"Tara na Ate sa garden." sabi sa akin ni Mara

     Magkasama kaming pumunta ni Mara sa garden. Kita ko na agad ang mga kuya nito. Kumaway sa akin si Sir Juan kaya ningitian ko ito. Binati ko agad sila ng makalapit ako.

"Good afternoon po mga Sir. Sorry po nalate ako." bati ko sa kanila

"It's okay. Atleast nakapunta ka pa rin dito." sagot ni Juan

"And Jo- I mean Jaime is waiting for you." nakangising sagot ni Sir Javi, natawa naman si Sir Jordi

      Naguilty tuloy ako dahil parang pinaghintay ko si Jaime. Pinaupo na nila ako. Katabi ko si Mara na nasa kanan ko at si Sir Juan naman sa kaliwa ko. Napatingin ako sa paligid at hindi ko nakita si Joe.

"Where is Kuya Joe?" Ayan din ang gusto ko malaman Mara.

"Pool. Nagpapalamig yata ng ulo." sagot ni Sir Jordi kay Mara

"Kanina pa badtrip 'yon." sabi naman ni Juan

"May hinihintay yata kasi." sagot naman ni Javi

"Speaking of, he's coming." sabi ni Jordi na tinuturo ang kuya niya.

     Napalingon naman ako at nakita ko si Joe na naglalakad na para bang isang model. Papunta ito sa pwesto namin. 

     Muntik na akong mapanganga dahil sa nakikita ko ngayon. Joe is topless, wearing his black board shorts at may hawak itong towel, basang-basa siya. Halatang galing sa paglalangoy.

     Nasisinagan ng araw ang maganda niyang katawan. Napalunok ako. Bakit ba ang sexy ng supladong ito?

      Nagtagpo ang mga paningin namin. Kinilabutan ako. Jusko! Umiwas ako ng tingin dito at napainom na lang ng orange juice na binigay sa akin ni Sir Juan.

"Bro! Kain na." Sabi ni Sir Juan kay Joe noong makalapit na siya sa amin.

      Hindi ako makatingin kay Joe. Dinapuan na naman ako ng hiya. Kaso parang nananadya ang tadhana kasi sa tapat ko pa talaga ito umupo kaya magkaharap kami.

"Kuya, Ate Jules is here!" masayang sabi ni Mara sa Kuya Joe niya.

"Magaling ka na ba?" Tanong nito. Tumango naman ako.

"Maayos na po ang pakiramdam ko. Salamat nga po pala sa pagaalaga sa akin." nakangiti kong sabi habang nakatingin kay Joe. Tumango ito at kumuha ng favorite niyang chocolate chip cookies.

     Nakikinig lang ako sa kwentuhan ng magkakapatid. Namili ako ng makakain sa mga pagkain na nakahain dito sa table.Madaming pagkain, may fruits, may cookies din na for sure baked ni Tita Anna at marami pang iba. Napasarap ang kain ko dahil bukod sa masarap ang miryenda, ang ganda pa ng garden nila. Nakakarelax.

"Ate Jules you look really pretty in your profile photo." Puri ni Mara sa akin.

"Thank you." nahihiya kong sagot

"Jules do you still remember, I mentioned you on a post last night?" tanong sa akin ni Juan.

"Ha? Alin doon? Ang dami kasi eh." sagot ko sa kanya

"Yung about sa book cafe malapit dito sa subdivision, gusto mo puntahan?"

     Medyo nagulat ako. Niyayaya ba siya lumabas ng isang Juan GDL? Omg. Hindi agad ako nakaimik.

"Is that a date Juan?" nangaasar na tanong ni Javi sa kapatid. Juan just smiled tapos tumingin ulit sa akin.

"Mara told me that you love books. Naisip ko na magugustuhan mo iyong place so I invited you. We could just read and chill there."

"Sige puntahan natin. Salamat Sir Juan." I smiled at him.

"I told you not to call me 'Sir'. Magkasing edad lang tayo." sabi nito na parang nagtatampo. Ang cute lang.

"Nasanay na ako eh." sagot ko

     Nahinto ang paguusap namin ni Sir Juan dahil sa narinig namin na malakas na pagtikhim ni Joe. Doon ko napansin na sa amin na lang pala sila nakatingin.

"Pasama." Matipid na sabi ni Joe. Halos mapanganga ako sa sinabi nito.

"Bakit ka sasama kuya?!" tanong ni Juan

"I want to see that book cafe you are talking about. I love books too."

"Wow. Kailan pa?" Bulong ni Sir Javi pero rinig naman namin lahat. Kita ko ang pagsama ng tingin ni Joe sa kapatid.

"Si Jules lang naman niyaya ko hindi ka kasali." sabi pa ni Juan

"I'll be the one to drive you there." seryosong sabi ni Joe

"I can also drive." seryosong sagot ni Juan

     Palipat-lipat ang tingin ko kay Juan at Joe. Nagtatalo ba ang mga ito? Dahil lang sa book cafe na iyon?

"Kuya Juan ako din. I want to visit that book cafe too." Mara said excitedly.

"Syempre sasama kami ni Jords." Javi said

     Juan looks frustrated pero hindi niya natiis ang mga kapatid kaya pumayag na ito. Gusto kong matawa sa kanila pero pinigilan ko ang sarili ko.

     May lumapit na maid sa pwesto namin. Sinabi nito na gising na daw si Jaime, nasa study room na ito at hinihintay na ako. Buti na lang tapos na ako kumain kaya tumayo na ako.

"Puntahan ko po muna si Jaime." paalam ko sa mga ito.

     Umalis na ako sa garden para pumunta sa study room. Kumatok ako at pinagbuksan naman ako ni Jaime. He is smiling widely.

"I thought you were not coming Teacher Jules."

"Sorry. Hindi na ako malilate sa susunod okay?"

     Nagsimula na kami ni Jaime. Tinuruan at nireview ko si Jaime sa mga lessons niya dahil nalaman ko na malapit na ang exams nito.

     Natapos kami ng mga 5pm. Inaayos ko ang mga gamit ni Jaime ng pumasok si Mara sa study room.

"Tapos na kayo Ate?" Tumango ako

"Pupunta na ba tayo sa book cafe?" Tanong ko dito.

"Yup. Let's go."

     Inayos ko muna ang mga gamit ko bago lumabas sa study room. Nang makababa kami ay nakita namin sila lahat sa salas. Parang may pinaguusapan ang mga ito.

"Jules!" Tawag sa akin ni Sir Juan.

"I'm sorry hija. The kids can't go to the book cafe today. We have this important family meeting and we need to be present. I hope you understand." Sabi sa akin ni Tita Anna.

"Okay lang po Tita, naiintindihan ko po. We can just reschedule it once na available na po ang lahat."

"Thank you for your understanding Jules. Maiwan ka na namin kasi we need to prepare pa."

"Sure po Tita. Uuwi na din naman po ako. Salamat po."

     Umalis na si Tita Anna kasama si Jaime. Kinakausap naman ni Tito Bert sina Joe, Javi, Juan at Jordi kaya kay Mara na lang ako nagpaalam na aalis na ako.

"Ingat Ate. I'll just chat you." Tumango na lang ako at nagsimula ng maglakad papalabas ng mansyon ng mga GDL.

     Napabuntong hininga ako. Sayang! Gusto ko pa naman sana puntahan yung book cafe.  Napatingin ako sa dala kong paper bag. Nakalimutan ko pang ibalik itong jacket ni Joe.

      Patuloy akong naglakad hanggang sa nakalabas na ako ng subdivision at naaninag ang book cafe na sinasabi ni Juan. Mukhang bagong bukas lang ito. Siguro mga 5 minutes akong nakatitig sa shop bago ko napagdesisyunan na pumunta rito.

      Pagkapasok ko pa lang, nalanghap ko na ang amoy ng kape at ng mga libro. Umorder ako ng Iced Coffee at kumuha ng isang random na libro sa shelf. Umupo ako sa isa sa mga seats na malapit sa glass window at nagsimulang magbasa.

      Masyado akong focused sa binabasa ko kaya 'di ko namalayan na may nakaupo na pala sa bakanteng upuan sa harap ko.

"I knew you would go here."

     Napatingin ako sa nagsalita at nagulat ng makita si Joe na may hawak na libro habang humihigop ng kape nito.

"Si-sir Joe..." Nabulol pa ako dahil sa gulat

     Pinatong nito ang hawak na libro sa mesa at tumingin sa akin ng seryoso.

"Sir di ba po may family meeting kayo? Bakit kayo nandito?"

"It's for the oldies. I'll be bored for sure." sagot nito sa akin.

    The cafe is too silent kasi halos lahat ay busy sa pagbabasa. Just by looking at Joe alam ko na, na hindi ito palabasa. Hindi kaya mas lalo siya mabored?

     Inihinto ko muna ang pagbabasa at kinuha ang paper bag na kanina ko pa dala. Ibinigay ko ito kay Joe.

"Thank you pala sa pagpapahiram ng jacket. Ibinabalik ko na." Tumango si Joe at tinanggap ito.

     Ipinagpatuloy ko na ang pagbabasa. Ang libro palang nakuha ko sa shelf ay The Series of Unfortunate Events Book 8 ni Lemony Snicket. Maganda yung story kaya hindi ko matigil ang pagbabasa.

    Napapatingin pa din ako minsan kay Joe at nahuhuli ko siyang humihikab. Halatang bored na ito pero hindi pa rin ito umaalis. Napangiti ako ng palihim.

    Nawala ang atensyon ko sa binabasa ng magsalita si Joe.

"Give me your phone." utos nito

"Bakit?" Hindi ito umimik pero kinuha niya ang phone ko na nakapatong din sa mesa.

     Walang password ang phone ko kaya nabuksan nito agad. Nagtype ito pagkatapos ay tinapat sa tenga ang telepono ko. Narinig ko na may nagring at phone pala ito ni Joe. Nang matapos siya ay ibinalik na din nito ang phone ko.

"Anong ginawa mo?" tanong ko

"I just got your number. Can you accept my friend request too?" sagot nito

     Napanganga ako sa inutos nito. Naalala ko na naman tuloy kung bakit hindi ko siya inaccept sa FB. Yung may ka-PDA siya sa mall.

"Sige mamaya." Tipid kong sagot at muling nagbasa.

"Bakit hindi pa ngayon?"

"Sir obvious naman di ba? Nagbabasa po ako."

    At sa isang iglap nawala ang librong binabasa ko. Kinuha ito ni Joe at itinago sa likuran niya. Ganito ba ito mabored, nangungulit?

"Accept me first and I'll let you read this book again." He said to me, smirking.

     Dahil alam kong hindi ito titigil, ginawa ko na ang gusto niya. I confirmed his friend request. Pinakita ko pa ito sa kanya. Ang seryoso niyang mukha ay nagbago at napalitan ng ngiti. Napangiti din tuloy ako.

"Mas pogi ka kapag hindi ka suplado." Bulong iyon eh kaso narinig niya. Ramdam ko yung pag-init ng pisngi ko.

"Suplado ba ako?" Tanong nito

"Sobra." Sagot ko

"Hindi kaya. Magbasa ka na lang ulit." Pikon na sabi nito

     Natatawa ako habang nagbabasa. Tinapos ko yung book at halos 3 hours ko din iyon binasa. Alas otso na ng gabi at kailangan ko na umuwi. Napatingin ako kay Joe na nagiiinat.

"Uwi na ako." Paalam ko sa kanya.

"I'll take you home. Huwag ka na tumanggi." Pigil nito sa akin. Natawa na naman ako.

"Hinintay mo talaga ako matapos?" Tanong ko habang palabas kami ng book cafe. Napailing na lang ito pero nakangisi.

    Sumunod ako sa kanya at sumakay sa sasakyan nito. Agad siyang nagdrive papunta sa amin.

    Tahimik lang kami sa byahe. Kahit tahimik naman talaga kami kanina pa, pero hindi na yung awkward. Sa totoo lang ang kumportable nga eh. Kaya nakakakilig, pero dapat hindi mahalata ni Joe.

     Ang bilis ng oras. Nakita ko na lang na nasa tapat na ng bahay namin ang sasakyan ni Joe. Tinanggal ko na ang seat belt ko.

"Bye na Sir Joe. Ingat sa pagdadrive." Nakangiti kong paalam sa kanya.

"Bye. See you on saturday."

"See you."

      Bumaba na ako sa sasakyan. Pumasok na ako sa bahay saka siya umalis. Hindi ko mapigilan yung ngiti ko. Para daw akong baliw sabi ni Mama at Eli noong sinalubong nila ako.

      Binuksan ko ang FB ko at tinignan ang profile ni Joe. Friends na kami at ito pa ang namilit na iaccept ko siya. Yung kilig ko katulad noong inaccept ni Joe si JM dati.

     May nagmessage sa akin. Si Joe!

SAT AT 9:12 PM

Joe change your name to Boring 😴

Joe

Good night @ Boring 😴

Seen

Boring 😴 changed Joe's name

to Suplado 😑

Jules

Good night @ Suplado 😑

   

     At bago ako matulog, tumili muna ako sa unan ko.

     Sana sabado na ulit...

***

Hey Joe!

Written by: CurlyQueen

Related chapters

  • Hey Joe!   01

    Fan Girl "Ano ka-chat mo pa?" Napasimangot ako sa tanong ng pinsan ko, pero tinawanan niya lang ako. Tinignan ko ulit ang Messenger App sa phone ko para tignan kung baka nag-reply or kahit nang seen man lang si Joe ng mga messages ko pero wala pa din."Naghihintay ka lang sa wala.""Magrereply yon sakin, lalo na ngayon lagi na siyang active sa mga social media accounts niya." Hindi ko alam kung sa pinsan ko ba sinabi iyon o kinukumbinsi ko ang sarili ko."Ewan ko sayo! Para ka nang ewan diyan kakahintay ng chat niya!" Napasimangot ako."Insan naman eh

    Last Updated : 2021-03-15
  • Hey Joe!   02

    MataAUG 26 AT 10:51 AMJOEHindi pa tayo tapos. Sa tagal kong nakikipagchat kay Joe, ngayon lang yata ako naubusan ng isasagot sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. What did he meant by that? Bakit ganoon yung birthday wish niya? Posible bang may naging epekto din ako sa kanya? I was really happy when I found out that he replied. Atleast, kahit last minute na ng birthday niya, he was able to read my chat. Ayun nga lang, talagang gumugulo sa isip ko yung reply niya. We have the same wish actually. I want to see him also, yung mata sa mata, walang h

    Last Updated : 2021-03-15
  • Hey Joe!   03

    Kapangalan6:01 PMJoe sent you a messageJOEI thought it was you.JMHa?JOEHer name is also Juliana but wecall her Jules.Seen 6:03 PM***"Hey Juliana."Bati niya. Sa mga tingin niya para niya akong kinikilatis. Bigla akong nag-panic. Baka makilala niya ako."Naku

    Last Updated : 2021-03-15
  • Hey Joe!   04

    Ulan"Gumising ka na Juliana!" Rinig kong sigaw ni Mama pero hindi pa rin ako namulat. Ang aga naman manggising ni Mama, mamayang hapon pa naman ang pasok ko."Bumangon ka na ngang bata ka! Sabado ngayon, may tutor ka di ba?" Biglang napadilat ang mga mata ko at napabalikwas ng bangon. Tinignan ko ang kalendaryo ko at omg! Sabado nga ngayon.It means...Makikita ko na naman si Joe! Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo. Dapat mga 10am nasa bahay na nila ako. Nakakahiya naman kung malate ako

    Last Updated : 2021-03-15
  • Hey Joe!   05

    Visitor12:54 PMJOEr u busy?Seen Paano ako makakareply sa kanya? Nasa pamamahay pa rin nila ako. Ayaw na nga yata ako paalisin. Wala pa naman akong ginagawa tapos hindi ko pa matiis si Joe, so nireplyan ko pa din siya.JMMedyoooWhy?JOENothing...I just want to talk to you.JMIs there smthing wrong?JOENot reallyI am just annoyed

    Last Updated : 2021-03-15
  • Hey Joe!   06

    Sick Sabado na naman. Nandito ulit ako sa bahay ng mga GDL pero nakakapanibago dahil sina Mara at Jaime lang ang nasa bahay. Nasanay kasi ako na buhay ang mansyon at madaming tao. Nasa training daw ang kanilang mga kuya at sina Tita Anna at Tito Bert naman ay may pinuntahang event."Ate Jules are you okay?" Tanong sa akin ni Mara"Oo naman Mara." Ningitian ko siya ng tipid."Are you sure?" Tumango lang ako Sa totoo lang ay masama talaga ang pakiramdam ko. Nilalagnat ako kagabi pero umayos naman ang pakiramdam ko kanina kaya nakapunta ako dito sa mansyon ng GDL.

    Last Updated : 2021-03-15
  • Hey Joe!   07

    FriendsGanoon pala talaga kapag masaya ka? Ang bilis lumipas ng araw. Parang noong isang araw lang may sakit ako at inalagaan ni Joe tapos ngayon sobrang busy ko na ulit sa school. Buti na lang magaling na magaling na ako. Iba pala talaga ang alaga ng isang Joe GDL.Hindi ko mapigilan na mapangiti kapag naaalala ko yung nangyari noong sabado."Luh, nangiti mag-isa." Puna sa akin ni Mikai, nasa SA office ulit kami."Nababaliw na iyan." asar sa akin ni Eli."Feeling ko lalaki ang dahilan niyan. Hindi ka na single Jules? Goodbye NBSB days na ba?!" excited na sabi ni Mikai"Sige isigaw mo pa Mikai." ang lakas

    Last Updated : 2021-03-15

Latest chapter

  • Hey Joe!   08

    BoringSAT AT 1:36 PMMaraR u coming today ate?JulesYes MaraI'm actually omwMaraOkay po ingatSee youJulesYeah see you Sabado na naman at papunta na ako sa mansyon ng mga GDL. Medyo nalate ako ngayon dahil sumama ako sa check up ni Lola. Dapat sina Eli at Tita ang magkasama pagpapacheckup kay Lola kaso hindi sila pwede dahil may biglaang lakad kaya kami ni Mama ang sumama sa hospital para sa general check up nito.

  • Hey Joe!   07

    FriendsGanoon pala talaga kapag masaya ka? Ang bilis lumipas ng araw. Parang noong isang araw lang may sakit ako at inalagaan ni Joe tapos ngayon sobrang busy ko na ulit sa school. Buti na lang magaling na magaling na ako. Iba pala talaga ang alaga ng isang Joe GDL.Hindi ko mapigilan na mapangiti kapag naaalala ko yung nangyari noong sabado."Luh, nangiti mag-isa." Puna sa akin ni Mikai, nasa SA office ulit kami."Nababaliw na iyan." asar sa akin ni Eli."Feeling ko lalaki ang dahilan niyan. Hindi ka na single Jules? Goodbye NBSB days na ba?!" excited na sabi ni Mikai"Sige isigaw mo pa Mikai." ang lakas

  • Hey Joe!   06

    Sick Sabado na naman. Nandito ulit ako sa bahay ng mga GDL pero nakakapanibago dahil sina Mara at Jaime lang ang nasa bahay. Nasanay kasi ako na buhay ang mansyon at madaming tao. Nasa training daw ang kanilang mga kuya at sina Tita Anna at Tito Bert naman ay may pinuntahang event."Ate Jules are you okay?" Tanong sa akin ni Mara"Oo naman Mara." Ningitian ko siya ng tipid."Are you sure?" Tumango lang ako Sa totoo lang ay masama talaga ang pakiramdam ko. Nilalagnat ako kagabi pero umayos naman ang pakiramdam ko kanina kaya nakapunta ako dito sa mansyon ng GDL.

  • Hey Joe!   05

    Visitor12:54 PMJOEr u busy?Seen Paano ako makakareply sa kanya? Nasa pamamahay pa rin nila ako. Ayaw na nga yata ako paalisin. Wala pa naman akong ginagawa tapos hindi ko pa matiis si Joe, so nireplyan ko pa din siya.JMMedyoooWhy?JOENothing...I just want to talk to you.JMIs there smthing wrong?JOENot reallyI am just annoyed

  • Hey Joe!   04

    Ulan"Gumising ka na Juliana!" Rinig kong sigaw ni Mama pero hindi pa rin ako namulat. Ang aga naman manggising ni Mama, mamayang hapon pa naman ang pasok ko."Bumangon ka na ngang bata ka! Sabado ngayon, may tutor ka di ba?" Biglang napadilat ang mga mata ko at napabalikwas ng bangon. Tinignan ko ang kalendaryo ko at omg! Sabado nga ngayon.It means...Makikita ko na naman si Joe! Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo. Dapat mga 10am nasa bahay na nila ako. Nakakahiya naman kung malate ako

  • Hey Joe!   03

    Kapangalan6:01 PMJoe sent you a messageJOEI thought it was you.JMHa?JOEHer name is also Juliana but wecall her Jules.Seen 6:03 PM***"Hey Juliana."Bati niya. Sa mga tingin niya para niya akong kinikilatis. Bigla akong nag-panic. Baka makilala niya ako."Naku

  • Hey Joe!   02

    MataAUG 26 AT 10:51 AMJOEHindi pa tayo tapos. Sa tagal kong nakikipagchat kay Joe, ngayon lang yata ako naubusan ng isasagot sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. What did he meant by that? Bakit ganoon yung birthday wish niya? Posible bang may naging epekto din ako sa kanya? I was really happy when I found out that he replied. Atleast, kahit last minute na ng birthday niya, he was able to read my chat. Ayun nga lang, talagang gumugulo sa isip ko yung reply niya. We have the same wish actually. I want to see him also, yung mata sa mata, walang h

  • Hey Joe!   01

    Fan Girl "Ano ka-chat mo pa?" Napasimangot ako sa tanong ng pinsan ko, pero tinawanan niya lang ako. Tinignan ko ulit ang Messenger App sa phone ko para tignan kung baka nag-reply or kahit nang seen man lang si Joe ng mga messages ko pero wala pa din."Naghihintay ka lang sa wala.""Magrereply yon sakin, lalo na ngayon lagi na siyang active sa mga social media accounts niya." Hindi ko alam kung sa pinsan ko ba sinabi iyon o kinukumbinsi ko ang sarili ko."Ewan ko sayo! Para ka nang ewan diyan kakahintay ng chat niya!" Napasimangot ako."Insan naman eh

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status