NAGSIPALAKPAKAN ang mga employees na nakatingin saakin ngayon at ang iba pa nga ay sumigaw at nagpapasalamat saakin. Hindi ko na napigilan ang malaking pagsilay ng aking ngiti sa labi dahil sa sayang nararamdaman. Biglang bumalik saakin lahat ng paghihirap ko, lahat ng pagpapahirap saakin ni Kristin at si daddy pati ng asawa niya. Kung nandito sina mama at papa siguradong nasa unahan sila ngayon ng mga employee na naririto at pumapalakpak saakin habang nakangiti. Mama, papa? Nakikita niyo po ba ako? Lahat po it ay para sa inyo. Ipinangalan ko sa’yo mama ang kumpanya, bilang kayo po ang naglabas saakin sa mundong ito at kayo ang dahilan kung bakit ako lumaban sa mga nakalipas na taon. Kayong dalawa ni papa, kayong dalawa ang dahilan kung bakit ako naririto ngayon. “Having a party without me half-sister?” Ngunit ang masayang palakpakan at pagdiriwang ay naudlot ng biglang mayroong nagsalita mula sa likuran. Sabay-sabay kaming napalingon doon at nakita namin ang isang babae na nak
Huminga siya ng malalim at bumaba na sa kaniyang kotse. Nakita niya ang hindi kalakihang bahay kung saan susunduin niya ang taong alam niyang makakatulong kay Devina. Ang huling bagay na alam niyang maitutulong niya sa pamangkin. “Jeydon? Ang tagal mong hindi dumalaw,” salubong na sabi sa kaniya ng iniwan niyang tanging katulong na naroroon upang samahan ang taong kailangan niya. “Nasaan po siya?” agad na sabi niya at hindi pinansin ang sinabi ng may katandaang babae. Ngumiti ito sa kaniya at itinuro ang kwarto nito. “Naroon siya Jeydon, may inaasikaso ata sa laptop,” laptop? Natanong niya sa kaniyang sarili ngunit tumango nalang siya dito at naglakad papunta doon. Wala siyang naaalala na mayroon siyang iniwan na laptop para sa matanda. Pagbukas niya ng pintuan ay nakita niya itong nakaupo habang may suot na salamin sa mata at nakaharap sa laptop. Tinignan niya ng mabuti ang laptop at nanlaki ang mata niya ng makilala niya iyon. Ang unang laptop na gamit niya ngunit nasira na k
“SABIHIN mo, sino ka talagang Natasha? Bakit mo ginawa iyon at bakit gusto mong kunin ang kumpanya?” Seryosong sabi ni Devina habang nasa harapan ni Natasha na nakaupo ngayon sa isang upuan. Nasa isang tabi si Jeydon at ang lolo niya na nanonood lang sa kaniya. Sa totoo lang kung hindi dumating ang lolo niya kanina ay hindi niya alam kung paano aayusin ang gusot na ginawa ng babaeng iyon. Hindi niya ‘din alam kung totoo ba o hindi ang sinabi nito lalo na at alam niya na mayroon pang ibang babae ang daddy niya bukod sa asawa nito. Problema nga naman ng mga babaero, mayroon nalang basta-bastang lilitaw at sasabihin na anak siya. “Sinabi ko na sa’yo. Anak nga ako ni Christopher Valderama!” “May patunay ka ba?” tanong ni Devina at iniangat ang papel na nasa loob ng envelope kanina na dala niya. “Ito ba ang patunay mo?” pinunit niya iyon mismo sa harapan ni Natasha na ikinalaki ng mat anito. “A-anong ginagawa mo?! ‘Yan ang DNA test namin ng daddy!” biglang natawa si Devina dahil s
“MR. Valderama, ano ang pag-uusapan natin?” Takang tanong ng daddy ni Valentine matapos nilang pumasok sa loob ng opisina nito. Matapos kasing makausap ni Carlos ang kaniyang mga apo ay nagpaalam muna ito upang kausapin sandali ang magulang ng daddy nila habang ang kambal naman ay pinatulog na niya. Sina Valerie ang umasikaso sa kambal at dinala sa kwarto nito. Nakaupo sila ngayon sa salas ng opisina nito habang magkatabi silang mag-asawa at nasa harapan ang lolo ni Devina. “Naalala niyo pitong taon na ang nakakaraan sinabi ko kay Valentine na kakausapin ko kayo?” Nagkatinginan ang mag-asawa dahil sa sinabi nito. “Nabanggit nga saakin ng anak ko Mr. Valderama, at ako naman ang nagsabi sa asawa ko. Doon ‘din nangyari ang aksidente—” naputol ang sasabihin ng mommy ni Valentine ng agad na sumingit ang matanda. “Aksidente na ang sariling apo ko ang may gawa,” natahimik ang dalawa dahil doon. “Tyaka gawagin niyo nalang akog tito Carlos tutal kilala ko ang daddy mo Levi,” ngiting
KAUUWI lang ni Jeydon at agad niyang hinanap ang kaniyang anak na si Jenjen. Naabutan niya itong nasa playroom kasama si Bettany at naglalaro ang mga ito. “Daddy!” nakangiti nitong sabi ng biglang makita ang ama ng bumukas ang pinto. Pumasok naman si Jeyon sa loob at sinalubong ang anak ng mahigpit na yakap. “Makikipaglaro ka po ba saakin daddy?” nakangiti nitong tanong sa kaniya. Simula kasi ng kila Valentine muna manuluyan sila Devina kasama ang kambal ay siya na at si Bettany ang lagi nitong kalaro. Kung minsan ay maging ang lola niya ay kalaro nito. “Hindi anak, binisita lang kita sandali. May kailangan pa kasing gawin si daddy, ayos lang ba ‘yun sa’yo?”“Oo naman po daddy!” sunod-sunod na tango ni Jenjen sa kaniya. “Pero kailan po kaya uuwi ang kambal daddy? Miss ko na po sila e!” dagdag nitong tanong. Sa totoo lang ay hindi ‘din alam ni Jeydon. Kung siya ang tatanungin ay ayos lang na doon muna manuluyan ang mga ito lalo na ngayon na natatakot siya na baka kung anong gawin
“JENJEN!” Sabay na sigaw ng kambal ng makita nila si Jenjen kasama si Jeydon. Agad na lumapit ang dalawa sa babae at niyakap ito. “Na-miss ka namin!” ngiting sabi ni David. “Ako ‘din! Kasama ko si nanny Bet!” dahil doon ay napatingin pa sila sa kasama ni Jeydon at natuwa ‘din ng makita ito. “Mabuti naman at isinama mo si Jenjen,” ngiting sabi ni Devina ng lumapit sa kanila si Jeydon. “Na-miss niya ang kambal, naisip ko ‘din ito para malibang siya lalo na ngayon magiging busy tayo,” biglang napaseryoso si Devina dahil doon. Inaya na niya si Jeydon sa silid kung nasaan ang iba pa nilang kasama. Naroroon ang pamilya ni Valentine at ang lolo ni Devina. Binati siya ng mga ito ng dumating sila at pinaupo ito sa sofa. “May idea na ba kayo kung sino ang may gawa nito?” tanong ni Jeydon kahit pa na may alam siya. “Wala pa nga. Ang sabi ng mga pulis ay burado ang CCTV. Mukang pinaghandaan ito ng gumawa kay daddy,” medyo malungkot na sabi ni Devina. “Totoo na galit ako sa kaniya pero ‘ni
MASAYANG natapos ang party na naganap sa ibaba ng Adelina Company sa panguguna ni Devina at Valentine. Karamihan sa naroroon ay tuwang-tuwa na makita ang couple, karamihan ‘din mas lalong naenganyo na mag-ivest sa bagong kumpanya na pamumunuan ni Devina. Mabilis na kumalat sa social media ang mga naging ganap sa party na iyon kaya marami ‘ding nakakilala sa Adelina Company. Nagpapahinga pa si Devina sa kwarto nito ng lumabas si Valentine at mayroong lakad. “Saan ka pupunta son?” ngunit natigil siya ng biglang mayroong magsalita at nakita sa kaniyang likuran ang ama. Wala siyang nagawa kundi ang samahan ang ama sa silid nito upang makapag-usap sila. “Alam kong pareho ang hinala natin pero hindi ka pwedeng pumunta doon ng basta-basta!” sermon sa kaniya ng ama matapos niyang sabihin ang pagpunta sana sa bahay nila Devina. “Pero daddy, nangako si Jeydon na aaminin na niya kay Devina ang lahat! Nagawa pa nilang patayin ang ama nito!” napahilot sa kaniyang sentido ang ama ni Valentine da
“LENARD,” Nakangiting bati ni Carlos ng sa wakas ay dumating na ang daddy ni Levi Montoya. Napangiti ‘din ang daddy ni Levi ng makita siya at naglakad ito papalapit dito nag bro hug sila. “Carlos! Akala ko ay hindi na tayo magkikita,” sabi nito sa kaniya at humiwalay sila sa kanilang yakapan. Naupo sila sa sofa na naroroon habang nasa harapan nila ang mag-asawa. “Kumusta ka na? Mukang lumalakas ka lalo ah?” ngiting tanong ni Carlos na ikinailing ni Lenard, ang ama ni Levi Montoya. “’Wag ka nga jan dahil ganoon ka ‘din,” nagtawanan ang dalawa dahil doon habang ang mag-asawa naman ay napatingin sa isa’t-isa na may ngiti sa kanilang mga labi.Kahit na matagal na hindi nagkita ang dalawa ay mukang mababakas pa ‘rin ang pagkakaibigan ng mga ito. Sino nga bang makakapag-akala na matagal na ang nakakalipas? Para sa kanilang dalawa ay kahapon lang iyon. “’Wag na tayong lumayo sa usapan, alam ko kung bakit mo ako gustong makausap Carlos,” dahil doon ay biglang napaseryoso ang mga ito at s
MATAPOS ang nakakabiglang balitang iyon mula kay Devina ay inaya muna ni Valentine ang asawa na lumabas para maglakad-lakad. Pumayag naman ang mga ito at nagkaroon ng mas malaking celebration dahil doon, hinayaan na muna nila ang mga ito na gumawa ng sinasabi nilang celebration. Nang makalabas sila ay napansin nila ang nakatayong bahay sa tabi ng bahay nila Jeydon. Mukang kagagawa lang niyon dahil ngayon lang ito nakita ni Devina. “May nagpatayo na pala ng bahay dito? Akala ko wala ng balak makipag kapitbahay saamin e,” natatawang sabi niya. Wala kasing gustong tumabi sa bahay ng mga Cullen dahil mala Mansion na ang bahay nito at nahihiya sila magtayo ng bahay sa kanikang tabi. “Maganda ba?” napatingin siya kay Valentine dahil sa tanong nito at nakatingin lang ‘din ito sa bungalow na bahay kaya muli niyang tinignan ang bahay at tumango. “Sobra! Naalala mo ganiyang-ganiyan ‘yung sinabi ko sayong gusto kong bahay? Gusto ko talaga katulad nu’ng bahay na tinithan natin sa Paris,” n
MATAPOS ang mahabang byahe ay nakarating sila sa paris na dinner na, halos isang araw ang lumipas dahil sa haba ng byahe. Kaya pagdating nila sa kanilang tutuluyan doon na bahay ‘din ni Valentine sa Paris ay deretsyo agad si Devina sa kwarto nila. Inaantok pa kasi ito kung kaya hinayaan nalang ito ni Valentine at siya nalang ang tumawag sa kambal. Natuwa ang mga ito ng tumawag ang daddy nila at nakipagkwentuhan muna sila dito. Nang malaman nilang tulog ang mommy nila ay hinayaan nalang muna nila ito hanggang sa nagpaalam na sila dahil oras na ng pagtulog nito. Sa ngayon ay su Bettany ang pinakang nag-aalala sa kanila habang nasa bahay nila Jeydon. Nasa iisang bahay pa sila Thomas at Jeydon dahil na ‘rin matagal silang nagkahiwalay at malaki ang bahay nila na iyon ay nagpasya sila na magsama-sama na muna. Dahil na ‘rin malapit ng matapos ang branch nila doon ay madalas na busy ‘din si Jeydon. Kay Thomas kasi napunta ang business nila sa ibang bansa. Yes, nag decide si Jeydon na namu
(AFTER THE WEDDING: Reception) HINDI mapagsidlan ang saya ni Valentine at Devina dahil sa wakas ay kasal na silang dalawa. Nang matapos ang kasal ay nilapitan agad sila ng kambal at binati. After nu’n ay nag picture taking na muna sila, with family, with friends, sila ng kambal at sama-sama silang lahat. “Congratulations ulit sa inyong dalawa! Wala na kaming mai-pang aasar ah?” Masayang bati ni Jeydon at natawa sa huli nitong dinugtong na ikinailing naman ni Adeline. “Hindi kaya kuya Jeydon! Wala pa silang baby, until now wala paring kasunod ang kambal!” Dahil sa sinabi ni Adeline ay nagtawanan ang mga ito at nagsimula nang mang-asar sa dalawa. Si Devina naman ay naiiling nalang ngunit hindi si Valentine. Noong nalaman niya na buntis si Adeline at Sheila ay sinubukan niya talagang humabol sa mga ito until nalaman niya nalang na nag pi-pills pala si Devina. Gulat talaga siya ng malaman iyon at halos itapon na niya ang pills na naroroon ngunit itinago ito ng mabuti ni Devina. “Uyy!
MABILIS na kumalat ang balitang magpapakasal na ‘rin sa wakas si Devina at Valentine. Ang mga kaibigan nila ay nabigla sa nalaman at agad na nagsipuntahan sa bahay nila Valentine upang batiin ito. Hindi pa ‘rin sila humihiwalay sa magulang nila Valentine at balak nila kapag nakasal na sila tyaka lang sila hihiwalay. Nagsagawa sila ng early celebration dahil doon at dineklara nial Valerie at Valeria na uuwi sila agad sa Pilipinas dahil after a week na ang kasal ng dalawa. Katulad noong unang naging kasal nilang hindi natuloy same set-up pa ‘rin ngunit ang pinagkaiba lang ay sa beach naman gaganapin ang kanilang kasal. Sa kanilang lahat, ang kambal ang pinakang tuwang-tuwa at halos hindi makatulog sa araw-araw dahil sa papalapit na araw na tinaktang kasal ng mommy at daddy nila. Nang dahil sa private island na hindi na ito private ngayon dahil si Jeydon at Aria na ang naghahandle doon at ginawa nalamang resort biglaang nagkaroon ng maraming bisita. Mabilis na lumipas ang araw at ngay
(ONE YEAR AFTER) ISANG taon na ang lumipass at sa isang taon na iyon ay marami na ang nangyari. Nabigyan nila ng maayos ang libing ang kanilang lolo Lenard at Carlos na siyang ikinagulat ng marami. Kasabay niyon ay ang balitang hindi talaga totoo na ikinasal sila, minapula nila ang balitang iyon para mailabas ang hindi totoong balita dahil na ‘rin hindi nila pwedeng ipaalam na may nangyaring gulo kaya hindi natuloy ang kasal. At dahil na ‘rin hindi natuloy ang kasal nila ni Valentine ay ikinasal si Adeline at Vincent, after two months sumunod ‘din sila Travis at Vincent. Ang mas ikinatutuwa ng mga ito ay ang pang-aasar kila Devina at Valentine dahil na ‘rin sumunod ikasal si Thomas at Sophia and then sumunod sina Jeydon at Jenjen. Masaya sila para sa kasal ng kanilang mga kaibigan pero ang hindi nila ikinasaya ay ang pang-aasar ng mga ito. Nanganak na ‘din si Adeline at Sheila at parehong lalaki ang mga ito. Ang pangalan ng anak ni Adeline at Travis ay si Andrew Ruiz, sinunod sa pa
Matapos ilagay nila Vincent, Travis, Thomas at Jeydon ang mga pamilya nila sa ligtas na lugar ay lumabas sila upang tulungan sila Devina na talunin ang hindi imbitadong bisita. Isa pa sa dahilan kung bakit hindi sila nag imbita ng mga press dahil expected na nila na mangyayari iyon, kaya ‘din tanong na tanong sila Adeline kung seryoso sila sa gusto nilang iyon dahil nag-aalala sila sa dalawa lalo na’t alam nilang inaabangan ng mga ito ang kanilang kasal. Hindi naman kasi nila sinabi ang tungkol sa hiling ni Carlos kung kaya walang alam ang mga ito at kahit anong mangyari ay tuloy ang kasal nila kahit na alam nilang lahat na hindi iyon matatapos dahil sa gulo. Lumipas ang halos isang oras ay biglang tumahimik ang paligid at wala ng nagliliparan na bala sa paligid. Kaya ‘din nila pinili ang hotel na iyon dahil alam nilang malayo iyon sa maraming tao at kahit na magpaputok pa ng baril ay walang matataranta lalo na’t inukupa nila iyon ng isang buong araw. Walang ibang guest kundi sila l
Garden wedding ang kasal nila na iyon kaya tinerno nila ang kulay ng damit ng mga abay sa motif nila which is fairy kaya kulay green ang gown ng mga abay nila. Nang lumabas sila ay nakita nila ang kanilang lolo na si Carlos na nakangiting nag-aabang kay Devina. Nang makita niya si Devina suot ang kaniyang wedding gown ay hindi na napigilan pa ni Carlos ang mapaiyak. Pababa palang ng hagdan ang dalawa ay maging sila’y nahawa sa pag-iyak nito. Nasa isang private hotel kasi sila kung kaya walang ibang tao doon kundi sila lamang habang ang sinabi nila kanina na walang iyakan ay hindi natupad dahil sa reaction ng kanilang lolo. “Ang mga apo ko, ang gaganda niyo. Masaya ako na masaksihan ang araw na ito,” Napangiti silang dalawa dahil doon at sabay na niyakap ang kanilang lolo. Gusto pa sanang hayaan ng wedding coordinator ang mga ito ang kaso turn na ni Devina para lumakad sa altar kaya naghiwalay na sila at pinahid ang kanilang mga luha. “Si grandpa naman, nasira ata make-up ko?” nata
NANG dahil sa masasyang balita na buntis si Adeline at Sheila ay nagkaroon sila nang salo-salo nang gabing iyon. At dahil na ‘rin tuwang-tuwa ang mga bata na magkakaroon nang baby sa kanila ay hindi lumayo ang mga ito sa dalawa at pilit na kinakausap ang tiyan ng mga ito na akala mo’y naririnig na sila nito kahit pa na isang buwan palang ang nasa tiyan nila. Natatawa nalang sila sa tatalo at hinahayaan habang sila naman ay nag-iinom at kumakanta sa karaoke na naroroon. Syempre pwera sa mga buntis, at dahil nga sa party na iyon ay late na silang nakatulog at kapwa mga puyat ngunit nagising sila ng bigla nalang mayroon sunod-sunod na kumatok sa pinto ni Devina at Valentine. “Husband may tao,” antok na sabi ni Devina habang niyuyogyog ito. Nagising naman si Valentine dahil doon at hinanap ang kaniyang damit at nagbihis. “What is it, Travis? Madaling araw palang oh,” kunot noong tanong ni Valentine. “May problema tayo Val!” Dahil doon ay napaseryoso si Valentine at tumayo ng maayos.
Bumwelo ang dalawa at sabay na hinagis ang USB sa gitna ng dagat. “Wow! Mas malayo ang kay daddy!” biglang sabi ni Jenjen habang nakatanaw sa pinagbatuhan ng mga ito. “No! Mas malayo ang kay tito Thomas!” sabat ‘din ni Arabelle at nagkatinginan ang dalawa dahil doon. “Hindi si daddy!” pangongontra ni Jenjen. “No! Si tito Thomas!” Natawa sila sa dalawa dahil sa kakulitan ng mga ito at sumingit nalang bigla si David na ikinahinto ng mga ito. “Nag-aayaw ba kayo?” taas kilay na tanong ni David at kita nila na seryoso ito na ikinatayo ng deretsyo ng dalawa at agad na niyakap ang isa’t-isa. “Hindi ah! Bati kaya kami ni belle!” “Tama si Jenejen, bati kami kuya!” Alanganin na sabi ng dalawa na ikinangiti ni David at tumango. Nagkatinginan nalang sila dahil sa mga bata at sabay-sabay na natawa. Inenjoy nalang nila ang byahe papunta sa private island hanggang sa makarating na sila doon. Tumuloy nalang sila sa isang rest house na naroroon para magkakasama na silang lahat. Pagkarating a