“MR. Valderama, ano ang pag-uusapan natin?” Takang tanong ng daddy ni Valentine matapos nilang pumasok sa loob ng opisina nito. Matapos kasing makausap ni Carlos ang kaniyang mga apo ay nagpaalam muna ito upang kausapin sandali ang magulang ng daddy nila habang ang kambal naman ay pinatulog na niya. Sina Valerie ang umasikaso sa kambal at dinala sa kwarto nito. Nakaupo sila ngayon sa salas ng opisina nito habang magkatabi silang mag-asawa at nasa harapan ang lolo ni Devina. “Naalala niyo pitong taon na ang nakakaraan sinabi ko kay Valentine na kakausapin ko kayo?” Nagkatinginan ang mag-asawa dahil sa sinabi nito. “Nabanggit nga saakin ng anak ko Mr. Valderama, at ako naman ang nagsabi sa asawa ko. Doon ‘din nangyari ang aksidente—” naputol ang sasabihin ng mommy ni Valentine ng agad na sumingit ang matanda. “Aksidente na ang sariling apo ko ang may gawa,” natahimik ang dalawa dahil doon. “Tyaka gawagin niyo nalang akog tito Carlos tutal kilala ko ang daddy mo Levi,” ngiting
KAUUWI lang ni Jeydon at agad niyang hinanap ang kaniyang anak na si Jenjen. Naabutan niya itong nasa playroom kasama si Bettany at naglalaro ang mga ito. “Daddy!” nakangiti nitong sabi ng biglang makita ang ama ng bumukas ang pinto. Pumasok naman si Jeyon sa loob at sinalubong ang anak ng mahigpit na yakap. “Makikipaglaro ka po ba saakin daddy?” nakangiti nitong tanong sa kaniya. Simula kasi ng kila Valentine muna manuluyan sila Devina kasama ang kambal ay siya na at si Bettany ang lagi nitong kalaro. Kung minsan ay maging ang lola niya ay kalaro nito. “Hindi anak, binisita lang kita sandali. May kailangan pa kasing gawin si daddy, ayos lang ba ‘yun sa’yo?”“Oo naman po daddy!” sunod-sunod na tango ni Jenjen sa kaniya. “Pero kailan po kaya uuwi ang kambal daddy? Miss ko na po sila e!” dagdag nitong tanong. Sa totoo lang ay hindi ‘din alam ni Jeydon. Kung siya ang tatanungin ay ayos lang na doon muna manuluyan ang mga ito lalo na ngayon na natatakot siya na baka kung anong gawin
“JENJEN!” Sabay na sigaw ng kambal ng makita nila si Jenjen kasama si Jeydon. Agad na lumapit ang dalawa sa babae at niyakap ito. “Na-miss ka namin!” ngiting sabi ni David. “Ako ‘din! Kasama ko si nanny Bet!” dahil doon ay napatingin pa sila sa kasama ni Jeydon at natuwa ‘din ng makita ito. “Mabuti naman at isinama mo si Jenjen,” ngiting sabi ni Devina ng lumapit sa kanila si Jeydon. “Na-miss niya ang kambal, naisip ko ‘din ito para malibang siya lalo na ngayon magiging busy tayo,” biglang napaseryoso si Devina dahil doon. Inaya na niya si Jeydon sa silid kung nasaan ang iba pa nilang kasama. Naroroon ang pamilya ni Valentine at ang lolo ni Devina. Binati siya ng mga ito ng dumating sila at pinaupo ito sa sofa. “May idea na ba kayo kung sino ang may gawa nito?” tanong ni Jeydon kahit pa na may alam siya. “Wala pa nga. Ang sabi ng mga pulis ay burado ang CCTV. Mukang pinaghandaan ito ng gumawa kay daddy,” medyo malungkot na sabi ni Devina. “Totoo na galit ako sa kaniya pero ‘ni
MASAYANG natapos ang party na naganap sa ibaba ng Adelina Company sa panguguna ni Devina at Valentine. Karamihan sa naroroon ay tuwang-tuwa na makita ang couple, karamihan ‘din mas lalong naenganyo na mag-ivest sa bagong kumpanya na pamumunuan ni Devina. Mabilis na kumalat sa social media ang mga naging ganap sa party na iyon kaya marami ‘ding nakakilala sa Adelina Company. Nagpapahinga pa si Devina sa kwarto nito ng lumabas si Valentine at mayroong lakad. “Saan ka pupunta son?” ngunit natigil siya ng biglang mayroong magsalita at nakita sa kaniyang likuran ang ama. Wala siyang nagawa kundi ang samahan ang ama sa silid nito upang makapag-usap sila. “Alam kong pareho ang hinala natin pero hindi ka pwedeng pumunta doon ng basta-basta!” sermon sa kaniya ng ama matapos niyang sabihin ang pagpunta sana sa bahay nila Devina. “Pero daddy, nangako si Jeydon na aaminin na niya kay Devina ang lahat! Nagawa pa nilang patayin ang ama nito!” napahilot sa kaniyang sentido ang ama ni Valentine da
“LENARD,” Nakangiting bati ni Carlos ng sa wakas ay dumating na ang daddy ni Levi Montoya. Napangiti ‘din ang daddy ni Levi ng makita siya at naglakad ito papalapit dito nag bro hug sila. “Carlos! Akala ko ay hindi na tayo magkikita,” sabi nito sa kaniya at humiwalay sila sa kanilang yakapan. Naupo sila sa sofa na naroroon habang nasa harapan nila ang mag-asawa. “Kumusta ka na? Mukang lumalakas ka lalo ah?” ngiting tanong ni Carlos na ikinailing ni Lenard, ang ama ni Levi Montoya. “’Wag ka nga jan dahil ganoon ka ‘din,” nagtawanan ang dalawa dahil doon habang ang mag-asawa naman ay napatingin sa isa’t-isa na may ngiti sa kanilang mga labi.Kahit na matagal na hindi nagkita ang dalawa ay mukang mababakas pa ‘rin ang pagkakaibigan ng mga ito. Sino nga bang makakapag-akala na matagal na ang nakakalipas? Para sa kanilang dalawa ay kahapon lang iyon. “’Wag na tayong lumayo sa usapan, alam ko kung bakit mo ako gustong makausap Carlos,” dahil doon ay biglang napaseryoso ang mga ito at s
PARANG hindi makahinga si Devina dahil sa kaniyang narinig. Ang patuloy na pag-iyak ni Adeline ay patunay lang na totoo ang sinasabi ng kapatid. Ngunit ang tanong niya ay bakit? Paano? “A-adeline anong sinasabi mo?! Bakit naman itutulak nil ola ni Valentine?!” frustrated na tanong niya at hinawakan ang magkabilang balikat ng kaniyang kapatid. “S-sinabihan niya kasi si kuya Jeydon na umamin na sa’yo! Hindi ko alam kung anong aaminin basta ang sabi ni lola wala ‘daw aamin tapos bigla nalang niyang tinulak si kuya Valentine!” Nanghina si Devina dahil sa kaniyang narinig mabuti nalang at naalalayan siya ni Sophia upang hindi ito tuluyang matumba. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kaniya ni Kristin na ang lola niya ang may gawa ng pagkamatay ng daddy niya. “I-ibig sabihin totoo nga…” mahinang bulong ni Devin ana ikinarinig ni Sophia. “Anong totoo Devina?” tanong sa kaniya nito ngunit hindi iyon pinansin ni Devina at muling hinawakan ang magkabilang balikat ng kapatid. “S-saan…
MATAPOS mabalitaan ang malungkot na balitang iyon sa doctor ay sumunod sila sa kwarto nito at doon ay nakita nila si Valentine na natutulog. Rinig na rinig ang tunog ng makina na nasa kaniyang tabi, kahit na wala ng gaanong nakaturok dito na kahit na ano ay hindi maiwasan ni Devina na maiyak nanaman. Walang namutawing pag-uusap sa mga ito dahil doon hanggang sa lumipas na ang halos dalawang oras. Nag pasya ang mga ito na maghapunan na dahil inabot na sila ng gabi doon. “Sigurado ka bang hindi ka sasama apo?” Alalang tanong ng lola niya sa kaniya na ikinatango lamang ni Devina. Napabuntong hininga ito at napailing na humarap sa kanila. Lahat sila ay nag-aalala para sa dalaga ngunit alam ‘din nila na tanging ang lola lang nito ang hindi. Walang kamalay-malay ang matanda na alam na ng mga tao doon ang kaniyang tunay na kulay. “Dadalhan nalang kita Devina,” sabi ni Jeydon dito na ikinatango lang muli ng dalaga. Nang makaalis ang mga ito ay hinawakan ni Devina ang kamay ni Valenti
“PAANO nangyari ‘yun Sheila? Paano niyo nagawa kay Devina ang bagay na ‘yan? Ang tagal niyo silang nakasama tapos malalaman namin na parte ‘yun ng plano?” Hindi makapaniwalang tanong ni Vincent kay Sheila matapos marinig ang paliwanag nito. Ngunit bago pa man makakuha ng sagot si Vincent ay kinotongan na siya ng kaibigan na si Travis na ikinadaing nito. “Tinatakot mo naman si Sheila eh! Narinig mo siya may reason kung bakit tinago diba?” Taas kilay na sabi nito na ikinakamot lang ni Vincent sa ulo nito. Inakap ni Travis ang kaniyang nobya upang pakalmahin ito. Kilala niya kasi ang babae, kita niya na nag-aalala na ito at kinakabahan tapos gagatungan pa ni Vincent kaya lalo itong hindi makakapagsalita. “Kung ano man ang rason na ‘yun Sheila hindi pa ‘rin magbabago ang katotohanan na niloko niyo kami. Buong akala ko pa naman sa nakalipas na anim na pitong taon ay totoo lahat ng pinapakita niyo saamin,” napatingin sila kay Adeline ng nagsalita ito. Akap pa ‘rin ni Devina ang kapatid