PARANG hindi makahinga si Devina dahil sa kaniyang narinig. Ang patuloy na pag-iyak ni Adeline ay patunay lang na totoo ang sinasabi ng kapatid. Ngunit ang tanong niya ay bakit? Paano? “A-adeline anong sinasabi mo?! Bakit naman itutulak nil ola ni Valentine?!” frustrated na tanong niya at hinawakan ang magkabilang balikat ng kaniyang kapatid. “S-sinabihan niya kasi si kuya Jeydon na umamin na sa’yo! Hindi ko alam kung anong aaminin basta ang sabi ni lola wala ‘daw aamin tapos bigla nalang niyang tinulak si kuya Valentine!” Nanghina si Devina dahil sa kaniyang narinig mabuti nalang at naalalayan siya ni Sophia upang hindi ito tuluyang matumba. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kaniya ni Kristin na ang lola niya ang may gawa ng pagkamatay ng daddy niya. “I-ibig sabihin totoo nga…” mahinang bulong ni Devin ana ikinarinig ni Sophia. “Anong totoo Devina?” tanong sa kaniya nito ngunit hindi iyon pinansin ni Devina at muling hinawakan ang magkabilang balikat ng kapatid. “S-saan…
MATAPOS mabalitaan ang malungkot na balitang iyon sa doctor ay sumunod sila sa kwarto nito at doon ay nakita nila si Valentine na natutulog. Rinig na rinig ang tunog ng makina na nasa kaniyang tabi, kahit na wala ng gaanong nakaturok dito na kahit na ano ay hindi maiwasan ni Devina na maiyak nanaman. Walang namutawing pag-uusap sa mga ito dahil doon hanggang sa lumipas na ang halos dalawang oras. Nag pasya ang mga ito na maghapunan na dahil inabot na sila ng gabi doon. “Sigurado ka bang hindi ka sasama apo?” Alalang tanong ng lola niya sa kaniya na ikinatango lamang ni Devina. Napabuntong hininga ito at napailing na humarap sa kanila. Lahat sila ay nag-aalala para sa dalaga ngunit alam ‘din nila na tanging ang lola lang nito ang hindi. Walang kamalay-malay ang matanda na alam na ng mga tao doon ang kaniyang tunay na kulay. “Dadalhan nalang kita Devina,” sabi ni Jeydon dito na ikinatango lang muli ng dalaga. Nang makaalis ang mga ito ay hinawakan ni Devina ang kamay ni Valenti
“PAANO nangyari ‘yun Sheila? Paano niyo nagawa kay Devina ang bagay na ‘yan? Ang tagal niyo silang nakasama tapos malalaman namin na parte ‘yun ng plano?” Hindi makapaniwalang tanong ni Vincent kay Sheila matapos marinig ang paliwanag nito. Ngunit bago pa man makakuha ng sagot si Vincent ay kinotongan na siya ng kaibigan na si Travis na ikinadaing nito. “Tinatakot mo naman si Sheila eh! Narinig mo siya may reason kung bakit tinago diba?” Taas kilay na sabi nito na ikinakamot lang ni Vincent sa ulo nito. Inakap ni Travis ang kaniyang nobya upang pakalmahin ito. Kilala niya kasi ang babae, kita niya na nag-aalala na ito at kinakabahan tapos gagatungan pa ni Vincent kaya lalo itong hindi makakapagsalita. “Kung ano man ang rason na ‘yun Sheila hindi pa ‘rin magbabago ang katotohanan na niloko niyo kami. Buong akala ko pa naman sa nakalipas na anim na pitong taon ay totoo lahat ng pinapakita niyo saamin,” napatingin sila kay Adeline ng nagsalita ito. Akap pa ‘rin ni Devina ang kapatid
“M-ma… kahit po ako hindi niya maalala,” iyak na sabi ni Devina sa mommy ni Valentine na ikinailing nito at niyakap siya. “Hush… siguradong babalik ‘din ang ala-ala ng anak ko. Hayaan mo at ipapa-alala natin lahat ng tungkol sa kaniya,” Pumasok na ‘din sa loob ang mga nakakatanda at nilapitan sila Travis. Ngunit napahinto lang sila ng makita ang lolo ni Devina lalong-lalo na si Adeline. “L-lolo?!” hindi makapaniwalang tawag ni Adeline dito na ikinangiti sa kaniya ng matanda. “Adeline hija, ang laki mo na at kamukang-kamuka mo ang iyong ate,” nang marinig iyon ni Adeline ay hindi na niya napigilan pa ang sarili na yakapin ang matanda. Kahit na hindi siya nito tunay na apo ay apo na ‘rin ang turing sa kaniya ni Carlos dahil kapatid ito ni Devina. Kitang-kita niya ang pagmamahalan ng dalawa noon pa man na nanamasukan ang mga ito sa kanila. “Mommy! Daddy!” napatigil silang lahat ng mayroong sumigaw na bata at doon ay nakita nila si Arabelle at David na pumasok sa loob. Kasama nito a
ISANG oras matapos umalis si Jeydon at ang ang lola nila ay nagpasya na si Devina na sabihin sa mga ito ang totoo. Kinailangan niya na maghintay ng isang oras dahil maaaring bumalik pa ang mga ito, kaya ng sigurado na siya sa timing ay tumayo siya at naramdaman niya ang marahang pagpisil ni Valentine sa kaniyang kamay. Nagpapanggap kasi ito na tulog para hindi siya kausapin ng kausapin ng kanilang mga kasama. “Guys may sasabihin ako,” napatigil ang mga ito sa kanilang pag-uusap at napatingin kay Devina. “Hindi totoo na nawala ang ala-ala ni Valentine, si Jeydon ang may gawa. Sinabihan niya ang doctor na ipalabas na nawala ang ala-ala niya para iyon ang isipin ni lola,” “Totoo po ba ‘yun mommy?!” tayong sabi ni Arabelle at agad na lumapit sa ina. “Totoo anak, sa totoo lang gising talaga si daddy mo kanina pa. Nagpanggap lang siya para makapaghintay kami ng isang oras bago sabihin sa inyo,” ngiting sabi ni Devina. Napatingin sila kay David ng agad itong tumakbo sa ama at niyakap ng
“ANONG gagawin ko?” Naguguluhan na tanong ni Kristin sa kaniyang sarili. Napatayo siya mula sa kaniyang kinauupuan at kinagat ang kaniyang kuko sa hinlalaki niya at nagsimulang magpabalik-balik mula sa kaniyang kinalalagyan. Simula ng makausap niya si Devina ay nagpasiya siyang kumilos mag-isa. Kung ayaw maniwala ni Devina ay siya nalang ang gagawa ng paraan para pigilan ang lola nito. Dahil sa pagmamasid niya mula sa malayo ay marami siyang nalaman. Hindi man niya inabutan ang nangyari sa bahay ni Devina ay nalaman niya na na-aksidente si Valentine at nasa ospital ito. Hindi naman siya pwedeng pumasok sa loob at baka may makakilala pa sa kaniya kaya matyaga siyang naghintay sa paglabas ng matanda. Nang makita niya itong lumabas kasama ang apo nitong si Jeydon ay hindi siya nagdalawang isip na sundan sila. Muli ay naghintay siya ng napakatagal sa labas at halos doon na nga siya kumakain, aalis lang sandali para bumili ng makakakain tapos tatamabay na sa may malapit kila Devina. Mab
“D-devina, may gusto akong sabihin sa’yo! Nahuli ako ng lola mo, w-wala akong magawa kundi aminin sa kaniya ang totoo!” napakunot ang noo ni Devina ng sabihin iyon ni Natasha. “Anong nahuli Natasha? At anong inamin mo?” “Ang lola mo ang nagpadala saakin para siraan ka ng time na ‘yun! Hindi talaga ako anak sa labas ng daddy mo! P-pero si Jeydon pinatakas niya ako para hindi na ‘daw ako madamay ang kaso nahuli niya ako ulit. Nakatakas lang ako dahil sa half-sister mo—” “Wait what? Half-sister?” putol na sabi ni Devina sa babae ngunit umiling ito sa kaniya ng sunod-sunod. “Hindi na mahalaga ‘yan sa ngayon. Ang mas mahalaga ay si Jeydon! Siguradong nasa panganib ang buhay niya dahil inamin ko na siya ang nagpalaya saakin at siya ang tumulong sa’yo!” HINDI nakapaniwala si Devina sa kaniyang nalaman mula kay Natasha. Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ba ito o hindi lalo na’t nalaman niya na niloko pala siya nito noong una. Ngunit si Jeydon na ang pinag-uusapan, kung totoo ang si
HINIHINGAL si Devina nang makarating siya sa silid ni Valentine. “Oh bakit parang nagmamadali ka?” tanong sa kaniya ni Sheila ngunit agad ‘ding napakunot ang noo nito ng makitang wala siyang dalang pagkain. “Nasaan ang pagkain natin?” umiling siya sa sinabi nito at lumapit sa mga ito. Wala doon ang ang magulang ni Valentine maging ang lolo nila at ang kambal na kapatid ni Valentine dahil mayroon itong ginawa na parte ng kanilang plano. “Kailangan nating iligtas si Jeydon! Sinabi saakin ni Natasha na naisumbong niya na tinutulungan ako ni Jeydon!” Napaseryoso ang mga ito dahil sa sinabi ni Devina. “Sino si Natasha?” tanong ni Valentine na ikinatingin niya dito. “Si Natasha ‘yung babaeng nagpanggap na anak sa labas ni daddy! Dumating siya noong time na namatay si daddy, pero dumating si grandpa kaya nasalba ko pa ‘rin ang kumpanya,” Napakunot ang noo ni Valentine dahil wala siyang naaalala na may nangyaring ganoon. Napatapik si Devina sa kaniyang noo at naalala na hindi nga pala ni