Napangiwi si Patrisha nang maramdaman niya ang pagguhit sa kanyang lalamunan ng init ng likidong kanyang tinungga. Kasulukuyan siyang nasa loob ng isang exclusive bar, kasama ng kanyang kaibigang aktres na si Maxine at nagkakatuwaan doon.
Pagkagaling sa airport kanina ay dinala si Patrisha ng kanyang kaibigang si Maxine sa isang exclusive restaurant para doon sila sabay na mananghalian. At pagkatapos no’n ay nagtungo na sila sa condo unit na uuwian niya, na pagmamay-ari ni Maxine upang makapagpahinga na muna siya sa mahabang oras na naging biyahe niya magmula sa New York. Hindi naman kasi siya pwedeng umuwi sa sariling condo niya dito sa Manila dahil lihim lamang sa kanyang mga magulang ang maaga niyang pag-uwi ng bansa. Kahit na kasi nasa tamang edad na siya at may sarili ng anak ay hindi pa rin nagkukulang ang kanyang mga magulang sa pagmo-monitor sa kanya, bagay na palagi niyang iniinda. Na para ba kasing may gagawin siyang hindi maganda kaya walang tiwala hanggang ngayon sa kanya ang kanyang mga magulang. Kahit na malayo siya sa mga ito ay nababantayan pa din ng mga ito ang bawat kilos niya. Kaya kung uuwi siya sa condo niya ay tiyak niyang makakarating lang din iyon sa kanyang mga magulang.
Kaya ito at wala siyang ibang choice kung ‘di ang ilihim sa kanyang mga magulang ang maaga niyang pag-uwi ng bansa. Ginagawa niya din ito para makasama ni Eros ang ama nito. Gusto niyang pagbigyan ang kanyang anak na makasama naman nito ang ama nito.
Iniangat ni Patrisha ang cocktail glass na hawak niya habang masaya siyang sumasabay sa indayog ng masayang musika. Ngayon niya na lamang ulit kasi naranasan ang ganito, bagama’t sa ibang bansa ay nagpupunta din naman siya sa mga ganitong klaseng lugar ngunit sumasaglit lamang siya dahil palagi siyang nagmamadali sa pag-uwi para sa kanyang anak. Palibhasa’y nasa ama nito ngayon ang kanyang anak na si Eros kaya naman wala siyang iisipin ngayong gabi na batang naghihintay sa kanyang pag-uwi.
Patrisha is a party girl person. Likas na sa kanya ang pagiging outgoing sa lahat ng bagay ngunit mula nang magkaanak siya, ay napakalaking adjustment ang ginawa niya. Nahirapan siya noong una dahil wala naman talaga sa plano niya ang pagkakaroon kaagad ng anak. Nasa punto pa lamang siya ng buhay niya noon na kung saan ay ine-enjoy niya pa ng husto ang pagiging malaya niya at ang kabataan niya. Pero sadyang may sariling plano para sa kanya ang tadhana kaya bagama’t hindi man siya handa sa biglaang pagdating ni Eros sa buhay niya, ay wala naman siyang pinagsisisihan dahil para sa kanya, si Eros ang pinakamasayang nangyari sa buong buhay niya.
Kahit na bunga lamang si Eros ng kapusukan at pakikipaglaro niya sa lalaking hindi naman niya nobyo, ay mahal na mahal niya ang kanyang anak. Pakiramdam niya kasi ay mas nagkaroon ng kulay at halaga ang buhay niya sa mundong ibabaw dahil batang isinilang niya. Na para bang mas nagkaroon ng direksyon ngayon ang kanyang buhay.
Matapos ang masayang pakikipagsayawan ni Patrisha at Maxine sa gitna ng dance floor, ay bumalik ang dalawa sa bar counter saka nila inubos ang laman ng kani-kanilang inumin. Muling napangiwi si Patrisha sa pagguhit ng mainit at matapang na likido sa kanyang lalamunan. Sa ibang bansa kasi ay bihira na lang din siyang makainom ng iba’t ibang alcohol drinks doon. Trabaho at pag-aalaga kay Eros kasi ang palagi niyang inuuna, kasama ni Nanay Lucy na siyang napag-iiwanan niya sa anak kapag nasa oras siya ng trabaho.
Sa kabila ng ingay sa naturang bar ay nag-ingay din ang cellphone ni Maxine na ikinalingon ni Patrisha. Agad na sinagot ni Maxine ang tawag at pagkuwan ay may pag-aalalang binalingan siya ng tingin nito.
“What’s wrong?” tanong niya kay Maxine.
“Summer called me. She's outside. Hindi niya nagawan ng paraan ang shooting ko ngayon,” nababahalang tugon ni Maxine sa kanya.
“What? So, paano na iyan? Kailangan mong magpunta doon.” Maxine nodded at her.
"I'm sorry, Trish—”
"No, Max. You don't need to say sorry," mabilis na putol niya sa kaibigan. "It's okay, of course. Trabaho iyan at kailangan na mas unahin."
"Babawi ako sa iyo sa susunod. I promise!"
Matamis na ngumiti si Patrisha sa kaibigan kasabay ng pagtango. "Sige na, go and you might be late."
"Papabalikan kita kay Summer dito para may kasama ka at may maghatid sa iyo pauwi sa condo," saad ni Maxine sa kanya.
"No need na, Max. I can handle myself," natatawang tugon naman ni Patrisha dito.
"But, Trish—”
"Sige na, Max. Kaya ko ang sarili ko. Isa pa ay hindi ako mapapaano dito. Maya-maya lang ay uuwi na din ako."
Sa huli ay wala na ngang nagawa pa si Maxine kung 'di ang hayaan na lamang siya doon ng mag-isa, dahil kulang na din ito sa oras at kinakailangan nang umalis.
Nakailang order pa ng cocktail drinks si Patrisha at kahit na mag-isa lamang siya sa naturang bar ay enjoy na enjoy lamang siya. Hanggang sa nakaramdam na siya ng matinding pagkahilo dahil naabot na niya ang kanyang limitasyon sa pag-inom ng alak. Hindi na niya nagawang ubusin pa ang kasulukuyang iniinom at sa halip ay nahihilong nagbayad na sa bartender saka siya nagsimulang tumayo at humakbang papaalis ng bar counter.
Nakakailang hakbang pa lamang siya nang maramdaman niya ang pangangailangan sa toilet room, kaya naman dali-dali siyang nahihilong pumihit para magtungo doon. Nang matapos siya sa paggamit ay muli niyang nilabanan ang pagkahilo na kanyang nararamdaman.
Pagkalabas niya ng toilet room ay bigla naman niyang naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone niya sa pouch na hawak niya. Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya doon para sana sagutin ang incoming call, pero hindi siya nagtagumpay sapagkat may nakabangga sa kanya dahilan upang mahulog sa sahig ang cellphone niya.
"I'm sorry, Miss!" mabilis na sabi ng hindi pamilyar na boses ng lalaki sa kanya. Hindi na siya nag-abala pang tingnan ang tao na iyon at sa halip ay mabilis niya na lamang na pinulot ang cellphone niyang nahulog sa sahig.
Pero dahil sa matinding pagkahilo niya, ang akala niyang mabilis na pagkilos na ginawa niya ay mabagal lamang pala dahil naunahan siya ng estrangherong lalaki sa pagdampot ng cellphone niya.
"Oops. Thanks!" saad niya sa lalaki pagkaabot nito sa kanya ng cellphone niya.
"Sorry ulit. Hindi ko ho sinasadyang mabunggo ka," paghingi muli ng paumanhin ng lalaki sa kanya.
"It's okay. No worries," simpleng tugon naman niya na hindi pa rin tinitingnan ang lalaki saka siya humakbang palayo. At sa pangalawang paghakbang niya ay muntikan na siyang mapatid dahil sa labis na pagkahilo niya, mabuti na lamang at mabilis siyang nahawakan ng estrangherong lalaki.
"Okay ka lang ba, Miss?" Dahil doon ay tuluyan nang napaangat ng tingin si Patrisha sa estrangherong lalaki at hindi niya maunawaan kung bakit tila ang nakakahilong paggalaw ng paligid niya kanina ay biglang huminto. Na para bang wala siyang ibang malinaw na nakikita kung 'di ang magagandang mga mata at ang malalim na pagtitig ng lalaki sa kanya.
Kanina ay sigurado siyang tinamaan siya ng alak, pero ngayon, nang dahil sa mga mata ng lalaki na nakatitig sa kanya ay para bang bumalik siya sa kanyang katinuan. Kumabog ang dibdib niya. Hindi niya maunawaan ang sarili dahil sa kakaibang nararamdaman niya kaya naman pinili na lamang niyang wakasan ang kanyang kahibangan sa pamamagitan ng pagkilos. Marahang napabitiw naman sa kanya ang lalaki nang umayos siya ng tayo at bahagyang dumistansya dito.
She cleared her throat, then managed to utter a word, "Thanks!"
Nakita niya ang akmang pagbuka ng mga labi ng lalaking nasa kanyang harapan pero hindi na niya hinintay pa na muling makapagsalita ito, at sa halip ay mabilis na niya itong tinalikuran saka siya nagsimulang maglakad palayo. Kung bakit niya iyon ginawa ay hindi din niya alam sa sarili niya. Hindi niya kasi maunawaan ang biglaang naramdaman niya sa pagtitig lamang ng gwapong lalaki na iyon sa kanya.
"Mukhang naparami yata talaga ang nainom ko," pagkausap ni Patrisha sa kanyang sarili habang mabagal siyang naglalakad palabas nang tuluyan sa bar. Muli niyang naramdaman ang mabilis na paggalaw ng paligid niya, nahihilo na naman siya.
Dahil doon ay sandali siyang huminto sa paglalakad saka niya tiningnan ang cellphone niya. Balak sana niyang tawagan ang kaibigang si Maxine o 'di kaya'y mag-book ng private hire car, pero mukhang nagkadeperensya ang cellphone niya nang bumagsak ito kanina. Ayaw kasi nitong bumukas.
Napahigit ng malalim na paghinga si Patrisha saka siya napatingala at napatingin sa maganda at madilim na kalangitan, na tanging ang mga maliliit na bituin lamang ang nagbibigay ng liwanag. "Welcome to the Philippines, Patrisha!" pagkausap niya sa kanyang sarili.
Mukhang wala na talaga siyang magagawa kung 'di ang mag-taxi na lamang at umuwi mag-isa sa condo ng kaibigan niya. Kaya kailangan niyang tiisin ang pagkahilo at pagkalasing na nararamdaman niya kung gusto niyang makauwi ng maayos.
Kumirot ang ulo niya at para bang unti-unti na ring bumibigat ang talukap ng mga mata niya. Gusto na niyang pumikit. Kaya naman naglakad siya palapit sa posteng nakita niya saka siya marahan na sumandal doon habang naghihintay ng taxi.
Pero ilang sandali lang ang lumipas nang biglang may lumapit sa kanya na tatlong lalaki. "Hey, gorgeous! Are you alone?" nakangising tanong sa kanya ng isang lalaki. Mukha naman itong Pilipino pero may british accent ito.
"Do you want to join us?" tanong naman ng isa pang lalaki sa kanya.
Ngumisi siya sa mga ito na bahagyang ikinatigil ng tatlong lalaki. Mukhang hindi napaghandaan ng mga ito ang naging reaksyon niya. "Sorry, Boys, but I'm done having fun," deretsyahang sabi niya sa mga ito saka siya pilit na tumalikod sa mga ito.
Narinig niya ang maliliit na pagtawa ng tatlong lalaki sa kanya at nagulat na lamang siya nang bigla siyang hawakan sa palapulsuhan ng isa sa mga ito. "But you haven't had fun with us yet."
Matapang niyang binawi ang sarili sa lalaki. "I am not interested."
"Oh come on, Bitch. I'm pretty sure you will enjoy it," banat naman no'ng isa sa kanya sabay lapit sa kanya.
Napapikit siya ng mariin na tila nagtitimpi ng kanyang sarili. Sa bawat paghakbang ng tatlo palapit sa kanya ay siya namang pag-atras niya. Pero dahil sa naroroon pa rin ang labis na pagkahilo niya at ang bigat ng talukap ng mga mata niya ay mabilis siyang nadikitan at nahawakan ng tatlo.
"Just... leave me alone," naiinis ng sabi niya sa mga ito. Pero ang tatlo ay tila mas natutuwa at nagkakainteres lamang sa kanya. Sa huli ay naramdaman na niya na pilit na siyang inaakay ng mga ito sa kung saan. "Bitiwan niyo sabi ako!"
"No, Babe. And later, we will hold you even more," sabi ng isang lalaki sa kanya saka niya narinig ang malalakas na tawanan ng mga ito.
Inipon ni Patrisha ang natitirang lakas niya para kumawala sa tatlong lalaki. At dahil sa biglaang pagpiglas na ginawa niya ay mabilis siyang nabitiwan ng mga ito. Saka niya pinilit na makatakbo palayo sa mga ito kahit na hilong-hilo na talaga siya na para bang sumasayaw na ang buong paligid niya.
Naramdaman niya ang pagsunod sa kanya ng tatlong lalaki hanggang sa muli siyang bumangga sa isang tao na mabilis siyang inalalayan upang hindi siya tuluyang matumba. Naramdaman niya ang pag-ikot ng kamay nito sa kanyang likuran upang maalalayan siya. At ganoon na lamang ang labis na pagkagulat niya nang masulyapan niya ito.
"Okay ka lang ba, Miss?" tanong nito sa kanya.
"I-Ikaw?" tanging naging usal niya habang titig na titig sa mga mata ng lalaking nagpahinto na naman sa mabilis na paggalaw ng paligid niya.
"She is with us, Bro!"Kumabog sa kaba at takot ang dibdib ni Patrisha nang maabutan siya ng tatlong lalaking nangungulit sa kanya. At dahil doon ay wala sa sariling napahigpit ang hawak niya sa damit ng lalaking muli niyang nakabunggo at umalalay sa kanya. Na tila mabilis naman siyang nabasa nito kaya mahina siyang tinanong nito, "Kilala mo ba sila, Miss?"Walang kahit na anong salita ang lumabas sa mga labi ni Patrisha nang mga sandaling iyon dahil sa kaba at takot na kanyang nararamdaman. Kaya naman tanging pag-iling lamang ang kanyang nagawa at naitugon sa estrangherong kadikit niya. Kumpara naman kasi sa tatlong lalaking nangungulit sa kanya ay mas katiwa-tiwala ang itsura ng lalaking nakabunggo niya. Dahil ito din ang lalaking nakaengkwentro niya sa loob ng bar kanina."Okay. Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa iyo," mahinang sabi ng lalaki sa kanya saka siya nito marahang hinila patago sa likuran nito at hinarap ang tatlong lalaki. "Sa tingin ko ay nagkakamali kayo, dahil a
Matinding kaba at takot ang naramdaman ni Patrisha nang mga sandaling iyon lalo pa at kasama niya ang kanyang anak. Gusto sana niyang tumakbo ng mabilis habang karga niya ang anak pero hindi niya alam kung paano niya pakikilusin ng mabilis ang kanyang mga paa, hanggang sa…“Ikaw ang masasaktan kung hindi mo siya bibitiwan.”Mabilis na napalingon si Patrisha mula sa kanyang likuran sa nagmamay-ari ng tinig na iyon. At doon ay nakita niya ang isang pamilyar na bulto. Agad na bumitaw naman mula sa pagkakahawak ang lalaki sa kanya dahil sa biglaang pagdating at pagsasalita ng tao na iyon. Nakita niya din ang sunod-sunod na paglunok nito na para bang labis itong natatakot ngayon sa pagdating ng kung sino.“H-Hindi ko alam na kakilala mo pala siya. Pasensya na!” saad ng lalaki bago ito mabilis na kumilos paalis sa kanilang harapan at sumakay sa loob ng sasakyan kasama ang kasamahan nito.“Okay lang ba kayo, Miss?” tanong ng lalaking nagpaalis sa dalawang lalaking nanggugulo kay Patrisha.“I
“Good morning, Lolo Two!” masiglang bati ng batang si Eros kay Don Carlo nang dumating ito sa hapag-kainan kasama si Patrisha.“Good morning, too, Hijo,” ganting bati naman ng matanda saka lumapit si Eros dito upang magbigay galang sa pamamagitan ng pagmamano. Agad na kinatuwaan ng matanda ang bata dahil doon. “Mukhang maganda ang gising ng bata,” anito sabay balin kay Patrisha.“Ganyan po siya tuwing umaga. Palaging maganda ang gising,” nakangiti at proud na tugon naman ni Patrisha kay Don Carlo saka ito naupo sa bakanteng silya sa tabi ng anak.“Eh ikaw? Kumusta ang tulog mo, Hija? Nakapagpahinga ka ba ng maayos sa unang gabi mo dito?” tanong naman ni Don Carlo kay Patrisha.“Opo. Nakapagpahinga naman po ako ng maayos,” magalang at nakangiting tugon ni Patrisha kay Don Carlo saka sila nag-umpisa sa pag-aagahan.“Mabuti naman kung ganoon.”“Kayo po? Mukhang ginabi na po kayo ng uwi dahil sa trabaho.” Marahang tumango si Don Carlo sa tanong ni Patrisha habang ngumunguya ito ng pagkain
Katahimikan ang patuloy na bumabalot sa pagitan nina Patrisha at Archer sa loob ng sasakyan, habang tinatahak nila ang daan patungo sa pinakamalapit na bayan ng naturang baryong kanilang pinanggalingan. Mas gusto sana ni Patrisha ang umalis ng mag-isa, ngunit hindi naman niya mahindian ang kagustuhan ng kanyang Lolo kaya sa huli ay wala na siyang ibang nagawa kung ‘di ang sundin na lamang ito. At magmula nang sumakay siya sa loob ng sasakyan kasama ang driver ng kanyang Lolo, ay hindi na niya naibuka pa ang kanyang mga labi dahil sa pagkailang at katahimikan nilang dalawa. Para na nga siyang mapapanisan ng laway sa halos isang oras na pagtahimik niya. Hindi siya sanay na tumahimik lamang ng ganoon katagal sa tuwing may kasama siya. Pero ano nga ba ang magagawa niya kung wala rin namang balak na makipag-usap sa kanya ang lalaki.Kaya naman upang libangin ang sarili ay kinalikot na lamang niya ang cellphone niya. Paulit-ulit ang pag-scroll niya sa social media account niyang hindi naman
Malakas ang bawat pagkabog ng dibdib ni Patrisha habang papalapit siya nang papalapit sa isang private room sa isang hospital. Mula nang mabalitaan niya ang masamang nangyari kay Ethan ay hindi siya nagdalawang isip na lumipad mula sa ibang bansa pabalik ng Pilipinas, kasama ang kanyang bagong silang na anak. Hindi iyon maaaring malaman ng kanyang mga magulang kaya inilihim niya lamang ang kanyang biglaang pag-uwi kasama ng anak at ng tagapangalaga nito.Nang makarating na si Patrisha sa harapan ng kwarto na kanyang sadya ay sumilip muna siya sa salamin ng pintuan nito. At mula doon ay nakita niya ang isang nurse at ang isang babaeng nasa tabi ng nakahigang si Ethan. Bahagyang kumunot ang noo niya sa babaeng iyon na ngayon niya lamang nakita. Ngunit base sa kilos nito ay para bang may malalim itong ugnayan at relasyon kay Ethan na siyang bahagyang nagbigay ng kaunting kirot sa puso niya.Maya-maya pa ay lumabas na ang nurse at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita siya ng babaeng
Masaya at malayang tumatakbo ang batang babae sa puting buhanginan malapit sa dalampasigan. At habang ginagawa niya iyon ay nangingibabaw din ang malakas na hagikgik nito na tila ba labis itong natutuwa at nag-eenjoy sa kanyang ginagawa. Ilang sandali pa nang hindi ito makuntento at maisipan naman nitong magpahabol sa tila banayad na paghampas ng alon ng tubig-dagat sa dalampasigan.“Patrisha Mae! Please be careful!” malakas na sigaw ng isang matandang babae sa batang babae, habang nakatayo ito sa may hindi kalayuan at tila binabantayan at pinagmamasdan ang paglalaro ng batang babae. May kasama itong isang babae na nakaalalay at nagpapayong sa kanya. Bukod sa kanila ay may dalawang lalaki din ang naroroon at nakabantay din sa batang tuwang-tuwang naglalaro doon.“Don’t worry, Lola! I can handle myself here!” ganting sigaw ng batang babae sa lola nito.“Mahal, bakit pinababayaan mo na naman ang apo mo na maglaro doon? Kapag nalaman ito ni Pablo at ni Sharon ay tiyak akong mag-aalala an
“Promise me, Baby, that you will behave in your Papa’s house, okay?” mabuting bilin ni Patrisha sa anak.“Yes, Mommy.”“You should obey your Papa Ethan and Mama Sydney there, okay?”“Yes, Mommy.”“And lastly, don’t fight with your brother and sister there, okay?”“Yes, Mommy,” magalang at paulit-ulit na tugon ni Eros sa kanya kasabay ng pagtango pa nito.Ngumiti siya ng matamis sa anak. “Very good, Son. I love you! Always call me huh,” bilin niya pang muli sa anak.“I love you too, Mommy. Of course, I will!”Ilang sandali pa ang nakakalipas nang magsimula nang lumapag ang eroplanong sinasakyan nila. Finally, after 5 years ay nakabalik na siyang muli sa bansa.Maayos naman ang naging pamamalagi nila ng limang taon sa New York. May maayos at stable siyang naging trabaho doon sa isa sa mga sikat at malaking kompanya. Kaya lang, iba pa rin ang saya kung nasa Pilipinas siya kasama ng kanyang mga kaibigan at ng kanyang mga magulang, kahit pa parang balewala siya sa mga ito.Nang sa wakas ay