"She is with us, Bro!"
Kumabog sa kaba at takot ang dibdib ni Patrisha nang maabutan siya ng tatlong lalaking nangungulit sa kanya. At dahil doon ay wala sa sariling napahigpit ang hawak niya sa damit ng lalaking muli niyang nakabunggo at umalalay sa kanya. Na tila mabilis naman siyang nabasa nito kaya mahina siyang tinanong nito, "Kilala mo ba sila, Miss?"
Walang kahit na anong salita ang lumabas sa mga labi ni Patrisha nang mga sandaling iyon dahil sa kaba at takot na kanyang nararamdaman. Kaya naman tanging pag-iling lamang ang kanyang nagawa at naitugon sa estrangherong kadikit niya. Kumpara naman kasi sa tatlong lalaking nangungulit sa kanya ay mas katiwa-tiwala ang itsura ng lalaking nakabunggo niya. Dahil ito din ang lalaking nakaengkwentro niya sa loob ng bar kanina.
"Okay. Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa iyo," mahinang sabi ng lalaki sa kanya saka siya nito marahang hinila patago sa likuran nito at hinarap ang tatlong lalaki. "Sa tingin ko ay nagkakamali kayo, dahil ako ang kasama niya—” Hindi na nagawang maituloy pa ng lalaki ang sinasabi nito dahil hindi sinasadyang masuka ni Patrisha sa likuran nito. Muli na naman kasing naramdaman ni Patrisha ang labis na pagkahilo kasabay ng kung anong pag-ikot sa tiyan niya.
Napangiwi ang mukha ng tatlong lalaki at bahagyang napaatras nang makita ang madumi at ang maamoy na pagsuka ni Patrisha sa likuran ng lalaki. Napapikit naman ng mariin ang estrangherong lalaki na siyang nagtatanggol kay Patrisha at sa huli ay napahigit na lamang ng malalim na paghinga. Sa isang iglap ay tuluyan na nga ding nawala ang tatlong lalaki sa kanilang harapan.
"I'm sorry!" nahihiya at nahihilong sambit ni Patrisha pagkatapos niyang masukahan ang likuran ng estrangherong lalaki.
Hinarap siya ng lalaki na wala man lang kabakas-bakas ng inis o galit sa mukha nito dahil sa nagawa niya dito. At sa halip ay kalmado lamang na hinubad nito ang suot nitong leather jacket na nasukahan niya.
"It's okay, Miss. Ayos ka lang ba? Nahihilo ka pa ba? Sinong bang kasama mo dito?" Literal na natulala at napanganga si Patrisha sa lalaking nasa harapan niya na sa halip na magalit ay nagawa pa nitong mag-alala para sa kanya. "Miss?"
"Huh?"
"Okay, ganito na lang. Sabihin mo na lang sa akin kung saan ka nakatira, para maisakay kita at maipahatid sa taxi driver."
Sa halip na sumagot ay bigla na lamang siyang sininok habang nakatitig pa rin sa estrangherong lalaking nasa harapan niya. Kasabay din no'n ang kakaibang pagkabog ng kanyang dibdib sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Hindi tuloy niya alam kung dala pa rin ba ito ng kanyang labis na kalasingan.
Aaminin niyang gwapo ang estrangherong lalaki na nasa harapan niya. Malaki ang pangangatawan nito na bumabagay sa kayumangging kulay ng balat nito. His chest and shoulders are broad, and he has a perfectly pointed nose. Marami naman na siyang nakita at nakilalang gwapong lalaki sa buong buhay niya, ngunit hindi niya alam kung bakit tila may kakaiba sa lalaking ito na nasa kanyang harapan ngayon, na siyang nakakapagpa bighani sa kanya.
"Miss?"
"Huh?" Hindi naman niya maiwasang hindi mapatitig sa maganda at malalim na pagtitig ng mga kulay tsokolateng mga mata nito sa kanya.
"Saan ka nakatira?" muling tanong ng estranghero sa kanya.
"Sa'yo."
"Huh?" kunot-noong tanong ng lalaki sa kanya.
"A-Ang ibig kong sabihin... sa malayo," palusot na lamang niya sa kanyang pagkapahiya. "Hindi mo na ako kailangang isakay pa. Kaya ko naman na ang sarili ko. Salamat at pasensya ka na."
"Sigurado ka ba, Miss?"
Mabilis na tumango si Patrisha dito kasabay ng mabilis din niyang pagsagot, "Oo naman!" At pagkuwan ay napatingin siya sa hawak nitong leather jacket na nasukahan niya. Hindi man niya magawang magsalita ay bumalatay naman sa kanyang mukha ang labis na pagkapahiya at paghingi ng patawad sa abalang naidulot niya na mabilis namang nabasa ng lalaki.
Maliit na ngumiti sa kanya ang lalaki saka nito itinago ang hawak na leather jacket sa likuran nito. "Ayos lang, huwag mo nang isipin pa ito," mabait na sabi nito sa kanya.
"P-Pasensya na talaga—" Hindi na niya nagawang maituloy pa ang kanyang sinasabi sapagkat nagulat na lamang siya nang biglang pumara ng taxi ang lalaki para sa kanya.
Nang huminto sa tapat nila ang taxi ay maingat siyang hinawakan ng lalaki sa kanyang kamay upang maigiya at maalalayan pasakay sa loob no'n. At ang kaninang kakaibang pagkabog ng dibdib niya ay mas lalong lumakas dahil doon, na siyang hindi na nga din niya magawang makapagsalita pa dahil din doon.
Bago isara ng estrangherong lalaki ang pintuan ng taxi ay nakita niyang naglabas ito ng cellphone nito saka kinuhaan ng litrato ang plate number ng taxi na kinaroroonan niya. At nang matapos ito ay agad itong nagsalita sa taxi driver, "Pakihatid po siya sa..." Nilingon siya ng lalaki, na may mga matang nagtatanong kung saan nga ba siya dapat ihatid ng taxi driver.
"Sa City Terra Condo," mabilis na sabi naman niya habang nakatitig sa estrangherong lalaki na siyang nagpapakabog ng kakaiba sa dibdib niya. Matamis na ngumiti ang lalaki sa kanya na para bang natuwa ito sapagkat sa wakas ay nalaman din nito kung saan siya nauwi. Ganoon ang dating ng matamis na ngiti nito sa kanya.
"Okay po," tugon ng taxi driver sa kanila.
"Ingat ka, Miss," saad pa ng lalaki sa kanya saka ito nag-abot ng kapirasong papel sa kanya. May pagtatanong at pagtataka niya naman itong tiningnan na agad ding sinagot ng lalaki, “Gusto ko lang malaman kung safe kang makakauwi sa tinutuluyan mo.” Muling ngumiti ang lalaki sa kanya saka tuluyang isinara ang pintuan ng taxi at tuluyan na nga ding umandar ito palayo dito.
Marahan niyang tiningnan ang kapirasong papel na iniabot ng lalaki sa kanya at nakita niya nga ang isang cellphone number dito. Sa lalaking iyon ba ang cellphone number na ito? Gusto ba nitong mag-message siya dito kapag nakauwi na siya mamaya?
Naramdaman ni Patrisha ang pag-init ng magkabilang pisngi niya. Nang dahil sa lalaking iyon ay nawala ang kalasingan niya at tuluyan siyang bumalik sa kanyang katinuan.
***
SARIWA at malamig ang simoy ng hangin na siyang dumadapo at yumayakap ngayon kay Patrisha, habang malaya niyang pinagmamasdan ang buong kapaligiran. Matagal na panahon na din ang nakalipas mula nang huli siyang makatungtong sa lugar na ito na paborito niyang pagbakasyunan noong siya ay bata pa lamang. Maraming masasayang alaala niya kasama ang kanyang lola ang nabubuhay sa lugar na ito. Na siya ding dahilan kung bakit pagkatapos mawala nito ay hindi na siya nagbalik pa ulit sa lugar na ito. Kahit na ilang taon na kasi ang nakakalipas mula nang mamatay ang kanyang Lola Prima, ay masakit pa rin para sa kanya ang pangyayari na iyon. Ayaw niya na sanang maalala ang masakit na pangyayaring iyon para sa kanya ngunit, wala naman siyang ibang magagawa ngayon dahil kailangan niyang sundin ang kanyang mga magulang sa kagustuhan ng mga ito na dito siya manirahan kasama ng kanyang anak.
Mapait na ngumiti si Patrisha habang mahigpit niyang hawak ang kamay ng kanyang limang taong gulang na anak.
“Are we going to live here, Mommy?” pagkuwan ay inosenteng tanong ng kanyang anak sa kanya.
“Yes, Baby! This is where we will live from now on.”
“Great! I think I will like it here, Mommy!”
“That’s good then, Baby,” nakangiting tugon niya sa anak bago nag-ingay ang kanyang cellphone dahil sa isang incoming call.
Habang hindi niya binibitiwan ang kamay ng anak ay kinuha niya ang cellphone niya mula sa sling bag niya gamit ang isang kamay. Marahan siyang napabuga ng mabigat na paghinga nang makita niya ang pangalan ng kanyang ama sa screen ng cellphone niya. At pagkaraan ng dalawa pang segundo ay saka niya lamang tuluyan iyong sinagot.
“Are you both there already?” bungad na tanong ng kanyang ama pagkasagot niya sa tawag nito.
“Yea.”
“Your grandfather will have his driver pick you both up there.”
“Okay.”
“Let me know kapag nasa isla na kayo.”
“Alright.”
“Ngayon ay makakampante na talaga ako dahil alam kong mas makabubuti ang paninigilan ninyo diyang mag-ina,” saad pa ng ama niya na siyang bahagyang nagpatigil sa kanya.
Batid ni Patrisha na mula noon ay isang pasaway na anak lamang ang tingin sa kanya ng kanyang mga magulang dahil sa pagrerebeldeng naging pamumuhay niya. Ngunit hanggang ngayon, hindi niya maitatangging nasasaktan pa rin siya sa paraan ng pagtrato ng mga ito sa kanya kahit na isa na siyang ina. Tila hanggang ngayon ay wala pa din talagang tiwala ang mga ito sa kanya. Na para bang anomang oras ay gagawa pa rin siya ng kalokohan na ikasasakit ng ulo ng mga ito.
Sa huli ay tuluyan na ngang natapos ang tawag na iyon na hindi na siya nakapagsalita o nakasagot pa sa kanyang ama. Ayaw niyang sumama pa nang sumama ang loob niya sa kanyang mga magulang, pero hindi niya maiwasang hindi magdamdam sa mga ito. Lalo pa at hindi man lang sila kinita ng mga ito, lalo na ang kanyang anak na nasasabik pa man din na makita ang mga ito.
“Who is on the phone with you, Mommy?” Nilingon ni Patrisha ang kanyang anak. “Is it Lola? Or Lolo?”
Mapait siyang ngumiti dito. “It’s your Lolo.”
“What did he say? Is he going to meet us here?” Sa tanong na iyon ng kanyang anak ay hindi maiwasang hindi magkaroon ng kirot ang puso niya. Sapagkat alam naman niya ang katotohanan na hindi kinagigiliwan ng kanyang mga magulang ang kanyang anak dahil para sa mga ito, ay resulta lamang ito ng katigasan ng kanyang ulo at pagrerebelde sa mga ito.
“Yes, Baby. Kapag hindi na siya busy ay dadalawin niya tayo dito,” nakangiting pagsisinungaling niya sa kanyang anak.
“Yehey!” tuwang-tuwa naman na pagtugon ng kanyang anak sa sinabi niya.
Nakagat niya ang ibabang labi niya habang unti-unting tumitindi ang kirot sa puso niya. Nahahabag siya para sa kanyang anak. Kung tutuusin ay napakahirap para dito na unawain ang buhay nilang dalawang mag-ina sa murang edad nito. Ngunit sa kabila no’n ay palaging pinakikinggan at pinaniniwalaan lamang nito ang lahat ng sinasabi niya dito. Katulad na lamang na kung bakit ang Papa Ethan niya ay may ibang kinakasama at ibang mga anak.
Naputol ang kahabagan ni Patrisha para sa anak nang may lumapit na dalawang lalaki sa kanila.
“Magandang araw po, Miss. Pasensya na kung ngayon lang kami nakarating.”
“Kayo ba ang susundo sa amin?” tanong niya sa mga ito na bago siya sagutin ay nagtinginan muna ang dalawa.
“Kami nga po. Halika na po at mahaba pa ang magiging biyahe natin papunta sa Isla.” Agad na kinuha ng isang lalaki ang mga dala nilang maleta habang ang isa namang lalaki ay iginiya sila papalapit sa isang kulay pulang sasakyan.
Ngunit bago pa man din sila tuluyang sumakay ng kanyang anak sa sasakyan na iyon ay tila nakaramdam na siya ng kakaibang pagdududa sa dalawang lalaki. Dahil tila hindi mapakali ang mga ito at panay ang paglinga-linga sa paligid nila.
Akmang bubuksan na ng lalaki ang pintuan ng sasakyan nang bigla niya itong awatin, “Sandali!”
“Bakit po, Miss?”
“Saang Isla nga tayo pupunta?” Nakita niya ang paglunok ng lalaki sa naging tanong niya na para bang hindi malaman nito ang isasagot sa kanya. Kaya naman mabilis siyang umatras sa mga ito habang mahigpit na hawak ang anak. “Sino kayo?”
Unti-unting sumeryoso ang mukha ng dalawang lalaki habang nakatingin sa kanya. “Sumama ka na lang, Miss. Ihahatid ka naman naming kung saan kayo pupunta.”
“Hindi kayo ang ipinadala ng Lolo ko kaya bakit kami sasama sa inyo?” matapang niyang tanong sa mga ito saka niya mabilis na kinarga ang anak at mabilis na hinila ang mga gamit nila.
Pero natigilan siya nang mahigpit siyang hinawakan ng isa sa mga lalaki. “Sumama na lang kayo sa amin kung ayaw ninyong masaktan.”
Matinding kaba at takot ang naramdaman ni Patrisha nang mga sandaling iyon lalo pa at kasama niya ang kanyang anak. Gusto sana niyang tumakbo ng mabilis habang karga niya ang anak pero hindi niya alam kung paano niya pakikilusin ng mabilis ang kanyang mga paa, hanggang sa…“Ikaw ang masasaktan kung hindi mo siya bibitiwan.”Mabilis na napalingon si Patrisha mula sa kanyang likuran sa nagmamay-ari ng tinig na iyon. At doon ay nakita niya ang isang pamilyar na bulto. Agad na bumitaw naman mula sa pagkakahawak ang lalaki sa kanya dahil sa biglaang pagdating at pagsasalita ng tao na iyon. Nakita niya din ang sunod-sunod na paglunok nito na para bang labis itong natatakot ngayon sa pagdating ng kung sino.“H-Hindi ko alam na kakilala mo pala siya. Pasensya na!” saad ng lalaki bago ito mabilis na kumilos paalis sa kanilang harapan at sumakay sa loob ng sasakyan kasama ang kasamahan nito.“Okay lang ba kayo, Miss?” tanong ng lalaking nagpaalis sa dalawang lalaking nanggugulo kay Patrisha.“I
“Good morning, Lolo Two!” masiglang bati ng batang si Eros kay Don Carlo nang dumating ito sa hapag-kainan kasama si Patrisha.“Good morning, too, Hijo,” ganting bati naman ng matanda saka lumapit si Eros dito upang magbigay galang sa pamamagitan ng pagmamano. Agad na kinatuwaan ng matanda ang bata dahil doon. “Mukhang maganda ang gising ng bata,” anito sabay balin kay Patrisha.“Ganyan po siya tuwing umaga. Palaging maganda ang gising,” nakangiti at proud na tugon naman ni Patrisha kay Don Carlo saka ito naupo sa bakanteng silya sa tabi ng anak.“Eh ikaw? Kumusta ang tulog mo, Hija? Nakapagpahinga ka ba ng maayos sa unang gabi mo dito?” tanong naman ni Don Carlo kay Patrisha.“Opo. Nakapagpahinga naman po ako ng maayos,” magalang at nakangiting tugon ni Patrisha kay Don Carlo saka sila nag-umpisa sa pag-aagahan.“Mabuti naman kung ganoon.”“Kayo po? Mukhang ginabi na po kayo ng uwi dahil sa trabaho.” Marahang tumango si Don Carlo sa tanong ni Patrisha habang ngumunguya ito ng pagkain
Katahimikan ang patuloy na bumabalot sa pagitan nina Patrisha at Archer sa loob ng sasakyan, habang tinatahak nila ang daan patungo sa pinakamalapit na bayan ng naturang baryong kanilang pinanggalingan. Mas gusto sana ni Patrisha ang umalis ng mag-isa, ngunit hindi naman niya mahindian ang kagustuhan ng kanyang Lolo kaya sa huli ay wala na siyang ibang nagawa kung ‘di ang sundin na lamang ito. At magmula nang sumakay siya sa loob ng sasakyan kasama ang driver ng kanyang Lolo, ay hindi na niya naibuka pa ang kanyang mga labi dahil sa pagkailang at katahimikan nilang dalawa. Para na nga siyang mapapanisan ng laway sa halos isang oras na pagtahimik niya. Hindi siya sanay na tumahimik lamang ng ganoon katagal sa tuwing may kasama siya. Pero ano nga ba ang magagawa niya kung wala rin namang balak na makipag-usap sa kanya ang lalaki.Kaya naman upang libangin ang sarili ay kinalikot na lamang niya ang cellphone niya. Paulit-ulit ang pag-scroll niya sa social media account niyang hindi naman
Malakas ang bawat pagkabog ng dibdib ni Patrisha habang papalapit siya nang papalapit sa isang private room sa isang hospital. Mula nang mabalitaan niya ang masamang nangyari kay Ethan ay hindi siya nagdalawang isip na lumipad mula sa ibang bansa pabalik ng Pilipinas, kasama ang kanyang bagong silang na anak. Hindi iyon maaaring malaman ng kanyang mga magulang kaya inilihim niya lamang ang kanyang biglaang pag-uwi kasama ng anak at ng tagapangalaga nito.Nang makarating na si Patrisha sa harapan ng kwarto na kanyang sadya ay sumilip muna siya sa salamin ng pintuan nito. At mula doon ay nakita niya ang isang nurse at ang isang babaeng nasa tabi ng nakahigang si Ethan. Bahagyang kumunot ang noo niya sa babaeng iyon na ngayon niya lamang nakita. Ngunit base sa kilos nito ay para bang may malalim itong ugnayan at relasyon kay Ethan na siyang bahagyang nagbigay ng kaunting kirot sa puso niya.Maya-maya pa ay lumabas na ang nurse at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita siya ng babaeng
Masaya at malayang tumatakbo ang batang babae sa puting buhanginan malapit sa dalampasigan. At habang ginagawa niya iyon ay nangingibabaw din ang malakas na hagikgik nito na tila ba labis itong natutuwa at nag-eenjoy sa kanyang ginagawa. Ilang sandali pa nang hindi ito makuntento at maisipan naman nitong magpahabol sa tila banayad na paghampas ng alon ng tubig-dagat sa dalampasigan.“Patrisha Mae! Please be careful!” malakas na sigaw ng isang matandang babae sa batang babae, habang nakatayo ito sa may hindi kalayuan at tila binabantayan at pinagmamasdan ang paglalaro ng batang babae. May kasama itong isang babae na nakaalalay at nagpapayong sa kanya. Bukod sa kanila ay may dalawang lalaki din ang naroroon at nakabantay din sa batang tuwang-tuwang naglalaro doon.“Don’t worry, Lola! I can handle myself here!” ganting sigaw ng batang babae sa lola nito.“Mahal, bakit pinababayaan mo na naman ang apo mo na maglaro doon? Kapag nalaman ito ni Pablo at ni Sharon ay tiyak akong mag-aalala an
“Promise me, Baby, that you will behave in your Papa’s house, okay?” mabuting bilin ni Patrisha sa anak.“Yes, Mommy.”“You should obey your Papa Ethan and Mama Sydney there, okay?”“Yes, Mommy.”“And lastly, don’t fight with your brother and sister there, okay?”“Yes, Mommy,” magalang at paulit-ulit na tugon ni Eros sa kanya kasabay ng pagtango pa nito.Ngumiti siya ng matamis sa anak. “Very good, Son. I love you! Always call me huh,” bilin niya pang muli sa anak.“I love you too, Mommy. Of course, I will!”Ilang sandali pa ang nakakalipas nang magsimula nang lumapag ang eroplanong sinasakyan nila. Finally, after 5 years ay nakabalik na siyang muli sa bansa.Maayos naman ang naging pamamalagi nila ng limang taon sa New York. May maayos at stable siyang naging trabaho doon sa isa sa mga sikat at malaking kompanya. Kaya lang, iba pa rin ang saya kung nasa Pilipinas siya kasama ng kanyang mga kaibigan at ng kanyang mga magulang, kahit pa parang balewala siya sa mga ito.Nang sa wakas ay
Napangiwi si Patrisha nang maramdaman niya ang pagguhit sa kanyang lalamunan ng init ng likidong kanyang tinungga. Kasulukuyan siyang nasa loob ng isang exclusive bar, kasama ng kanyang kaibigang aktres na si Maxine at nagkakatuwaan doon.Pagkagaling sa airport kanina ay dinala si Patrisha ng kanyang kaibigang si Maxine sa isang exclusive restaurant para doon sila sabay na mananghalian. At pagkatapos no’n ay nagtungo na sila sa condo unit na uuwian niya, na pagmamay-ari ni Maxine upang makapagpahinga na muna siya sa mahabang oras na naging biyahe niya magmula sa New York. Hindi naman kasi siya pwedeng umuwi sa sariling condo niya dito sa Manila dahil lihim lamang sa kanyang mga magulang ang maaga niyang pag-uwi ng bansa. Kahit na kasi nasa tamang edad na siya at may sarili ng anak ay hindi pa rin nagkukulang ang kanyang mga magulang sa pagmo-monitor sa kanya, bagay na palagi niyang iniinda. Na para ba kasing may gagawin siyang hindi maganda kaya walang tiwala hanggang ngayon sa kanya