Share

Chapter 2

“Promise me, Baby, that you will behave in your Papa’s house, okay?” mabuting bilin ni Patrisha sa anak.

“Yes, Mommy.”

“You should obey your Papa Ethan and Mama Sydney there, okay?”

“Yes, Mommy.”

“And lastly, don’t fight with your brother and sister there, okay?”

“Yes, Mommy,” magalang at paulit-ulit na tugon ni Eros sa kanya kasabay ng pagtango pa nito.

Ngumiti siya ng matamis sa anak. “Very good, Son. I love you! Always call me huh,” bilin niya pang muli sa anak.

“I love you too, Mommy. Of course, I will!”

Ilang sandali pa ang nakakalipas nang magsimula nang lumapag ang eroplanong sinasakyan nila. Finally, after 5 years ay nakabalik na siyang muli sa bansa.

Maayos naman ang naging pamamalagi nila ng limang taon sa New York. May maayos at stable siyang naging trabaho doon sa isa sa mga sikat at malaking kompanya. Kaya lang, iba pa rin ang saya kung nasa Pilipinas siya kasama ng kanyang mga kaibigan at ng kanyang mga magulang, kahit pa parang balewala siya sa mga ito.

Nang sa wakas ay nakababa na sila ng eroplano ay agad din naman nilang natanaw si Ethan kasama ang asawa nitong si Sydney, na matiyagang naghihintay sa kanila doon. Masayang kumaway ang mag-asawa sa kanila na agad naman nilang nilapitan.

“Papa!” masayang sigaw ng kanyang anak habang tumatakbo ito papalapit kay Ethan.

“Son!” Mahigpit na yakap ang iginawad ni Ethan sa kanilang anak dahil sa labis na pagkasabik nito sa bata.

Hindi ito ang unang beses na nagkita ang dalawa sa personal, dahil may mga pagkakataon na dinadalaw mismo ni Ethan at ni Sydney si Eros sa New York.

Mula nang ipagtapat ni Patrisha kay Ethan ang tungkol sa pagdadalang-tao niya ay nagtuloy-tuloy na ang communication nila para sa bata. Hindi niya ipinagkait ang kanyang anak kay Ethan at bukod doon ay palagi niyang ipinapaunawa sa kanyang anak ang tungkol sa relasyon at set up nilang dalawa. Nagkasundo din kasi sila ni Ethan na parehong magiging mabuting magulang para kay Eros. At bukod doon ay naging kasundo at kaibigan niya din si Sydney na siyang asawa na ngayon ni Ethan at ina ng dalawang anak pa nito. Walang bitter sa kanilang dalawa ni Sydney, lalo na siya dahil hindi naman naging sila ni Ethan. At sa halip ay naging magkaibigan pa silang dalawa.

Pagkatapos yumakap ni Eros kay Ethan ay yumakap din naman ito kay Sydney. Mama Sydney pa nga ang tawag ng kanyang anak kay Sydney, na siyang labis na ikinatutuwa ng babae.

“Welcome back, Trisha!” nakangiting bati ni Ethan sa kanya saka ito nakipagbeso sa kanya.

“Thanks!” tugon niya saka naman siya yumakap at bumati din kay Sydney. “Kayo na munang bahala kay Eros.”

“Sure, Trisha! Ikaw? Paano ka?” tanong ni Sydney sa kanya.

“I’ll stay with my friends. Si Nanay Lucy naman ay uuwi muna sa kanila,” tugon niya.

“I see.”

“Eros, Hijo, magpakabait ka sa Papa Ethan at Mama Sydney mo huh. Huwag kang pasaway doon,” bilin ni Nanay Lucy sa kanyang anak.

“Don’t worry, Nanay. I’ll behave there. I promise!” tugon ni Eros saka ito mabilis na bumalin ng tingin sa kanya. “Right, Mommy?”

“Yes, Nanay Lucy! I already talk to him na and he promise that he will behave there,” nakangiting pagsang-ayon niya sa kanyang anak.

“Mabuti naman kung gano’n. Very good ang baby namin,” nakangiting sabi ni Nanay Lucy kay Eros saka nito ito h******n. Pagkatapos no’n ay bumalin ang matanda kay Patrisha. “O siya paano? Uuwi na muna po ako huh. Mag-iingat po kayo,” bilin ng matanda.

“Mag-iingat din po kayo,” tugon ni Patrisha.

“Saan po ba ang way ninyo? Sumabay na po kayo sa amin,” alok ni Ethan sa matanda.

“Pwede po ba?”

“Opo naman po!”

“Salamat po, Sir!” masayang sabi ng matanda saka ito bumalin muli ng tingin kay Patrisha.

Agad namang ngumiti si Patrisha kay Nanay Lucy at kahit na hindi pa ito nagsasalita ay tila nabasa na niya ang sasabihin nito sa kanya, kaya naman agad na niya itong sinagot, “Papunta na si Maxine dito kaya huwag na po kayong mag-alala at mauna na po kayo.”

“Sigurado po ba kayo?” tanong ni Nanay Lucy sa kanya na kanya namang nakangiting tinanguan.

Sa huli ay tuluyan na ngang nagpaalam sina Ethan at Sydney kasama si Nanay Lucy at Eros kay Patrisha saka tuluyang umalis. At ilang sandali lang ang nakakalipas ay agad na nag-ingay ang cellphone ni Patrisha dahil sa isang tawag.

“Hello, Trish?”

“Max!”

“I’m here na.” Mabilis na kumilos ang mga paa ni Patrisha patungo sa kinaroroonan ng kaibigang si Maxine hanggang sa magkita nga ang dalawa sa loob ng isang magarang kulay itim na sasakyan.

Isang mainit na yakap at pagtanggap ang iginawad ni Maxine kay Patrisha. Ilang taon din kasi nang huli silang magkita na dalawa.

“Welcome back, Trish!” masayang sambit ni Maxine kay Patrisha.

“Thank you, Max!” nakangiting tugon naman ni Patrisha kay Maxine saka nito iginala ang paningin sa loob ng sasakyan. “You alone? Where is Summer?”

“Si Summer? Nasa kanila.”

“Why? Akala ko may schedule ka today ng shooting mo?”

“Nope. Ipina-cancel ko ang lahat ng schedule ko ngayong araw para makasama kita,” nakangiting sabi ni Maxine kay Patrisha.

“Really?!” tuwang-tuwa at hindi makapaniwalang tanong naman ni Patrisha sa kaibigan.

“Yea! Syempre kailangan nating i-celebrate ang pag-uwi mo.”

Matamis na ngumiti si Patrisha kay Maxine. “Thanks, Max! You’re so sweet talaga.”

“I know, right?” tugon ni Maxine kay Patrisha saka nito sinimulang paandarin na ang kotse na sinasakyan nila.

Walang humpay na kwentuhan at tawanan ang namagitan sa magkaibigang si Patrisha at Maxine. Tila na-miss talaga nila ang isa’t isa dahil sa ilang taon na matagal na hindi pagkikita ng personal.

Maxine Willow is one of Patrisha’s showbiz friend. Una silang nagkakilala nang pareho silang mag-audition sa isang sikat na magazine para magmodelo. Pareho silang natanggap doon at mula noon ay naging magkasundo at magkaibigan na silang dalawa. Hindi lang pagiging modelo ang tinahak na landas ni Maxine, dahil sumubok din ito sa pag-aartista, hindi tulad niya na nahinto sa pagmomodelo dahil sa biglaang pagbubuntis niya. At ngayon nga ay isang ganap at sikat ng artista ngayon si Maxine Willow sa Pilipinas.

“Saan mo gustong dumeretsyo ngayon? May gusto ka bang puntahan?” excited na tanong ni Maxine kay Patrisha habang nagmamaneho ito.

“Actually, marami akong gustong puntahan ngayon. Kaya lang unahin muna siguro natin ang pagkain. Na-miss ko din kasi ng sobra ang masasarap na pagkain dito sa bansa,” tugon ni Patrisha.

“Oh, sure!”

“Pasensya ka na, Max, at ginawa pa kitang driver ko ngayon.”

“Ano ka ba? Ayos lang iyon! Isa pa, na-miss ko ding magmaneho. Alam mo na, bihira na lang akong makaalis ngayon ng walang kasama,” tugon ni Maxine kay Patrisha.

“Kung sa bagay. Iba ka na kasi talaga ngayon dahil isa ka ng superstar! But, by the way… kumusta pala? I mean… kumusta ang Lucas Thompson mo?”

“Lucas is doing fine. At ito, sa bawat araw ay mas lalo ko yata siyang minamahal,” masayang sagot ni Maxine kay Patrisha.

Kung may isang bagay mang hindi malilimutan si Patrisha tungkol sa kaibigan niyang si Maxine, iyon ay ang pagiging patay na patay nito kay Lucas Thompson, na isa ding sikat at batikan na aktor ng bansa. Sa pagkakatanda pa nga niya ay minsang nabanggit sa kanya ni Maxine na si Lucas talaga ang rason nito kung bakit ito sumubok sa pag-aartista. Ganoon kalala ang kanyang kaibigan. Ganoon katindi ang pagtingin nito para kay Lucas. Na siyang hindi naman niya lubos na maunawaan. 

Lahat na kasi yata ng sakripisyo at pagtitiis ay ginawa na ng kanyang kaibigan para lamang kay Lucas. Hindi na nga niya matandaan kung ilang beses lumuha sa kanya si Maxine at kung ilang beses nawasak ang puso nito dahil sa matinding pagmamahal nito para sa lalaki. Pero kung sa bagay, ganoon talaga siguro ang nagagawa ng pag-ibig. Nabubulag ka nito hanggang sa mawalan ka na ng pakialam kahit pa masaktan ng sobra ang sarili mo alang-alang sa taong mahal mo. Bagay na minsan na din niyang nagawa sa kanyang buhay.

Dahil tulad ng kaibigan niyang si Maxine ay minsan na din niyang ginawa ang lahat para sa lalaking piniling ibigin ng kanyang puso. Pero iyon nga lang at magkaiba ang naging ending nila ng kanyang kaibigan. Dahil kung si Maxine ay nagtagumpay na makamtan ang inaasam nitong pag-ibig para sa taong mahal nito at nagkaroon ng magandang bunga ang lahat ng sakit at sakripisyo nito, ay kabaligtaran iyon ng sinapit at nangyari sa kanya. Sadyang naging mapait sa kanya ang kapalaran at dahil doon ay hindi na muling umibig ang puso niya para sa iba. Nang dahil sa masakit na ending na natamo niya sa pagmamahal niya sa unang lalaking minahal at pinagkatiwalaan niya, ay tila tuluyan nang naging bato ang puso niya at hindi na ito bumukas para sa iba.

Ilang sandali lang nang inihinto ni Maxine ang sasakyan dahil sa stop light. Agad namang nagsimulang maglakad patawid ang mga tao sa harapan nila. Mabibilis ang hakbang ng bawat taong nakikita niya na tumatawid doon, na tila ba abala ang lahat sa kani-kanilang mga lakad. Hanggang sa may makita siyang isang matandang babae na mabagal na naglalakad patawid. May tungkod ito at halatang nahihirapan sa paglalakad.

May isang babae ang lumapit sa matandang babae para tulungan ito sa pagtawid pero tinanggihan lamang ng matandang babae na iyon ang nag-aalok ng tulong dito. Hanggang sa nakita niyang papaubos na ang segundo para sa matandang babae at kaunti na lang ay magsisimula nang umandar ang mga sasakyan na tumigil dahil sa stop light. Nakaramdam siya ng pagkabahala para sa matandang babae pero natigilan siya nang may isang lalaki ang sumulpot sa tawiran mula sa kawalan.

Mabagal na naglalakad ang lalaki na tila sinasadya nitong sabayan sa pagtawid ang mabagal na matandang babae. At hindi alam ni Patrisha kung paano napukaw ng lalaki na iyon ang kanyang buong atensyon nang mga sandaling iyon.

Hanggang sa nagkulay berde na ang ilaw, senyales na oras na para umandar nang muli ang mga sasakyan. Pero dahil sa mabagal na pagtawid ng matandang babae kasama ng lalaki na iyon ay matiyagang naghintay ang mga sasakyan din doon hanggang sa tuluyan silang makatawid na dalawa.

“May mga gentleman pa rin talagang nag-eexist sa mundo, ‘no?” komento ni Maxine sa kanya na nakatingin din pala sa lalaking kanina niya pa pinagmamasdan.

Nagkibit-balikat siya. “Siguro?” tanging naging tugon niya lamang hanggang sa pinaandar na nga ni Maxine ang sasakyan at tuluyan nang nawala sa paningin niya ang lalaki na iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status