Malalim siyang napabuntong hininga at huminto sa paglalakad. Nakita niya si Esteban na nakatingin lang sa kaniya. Walang mababasang ekspresyon sa mukha nito. Bigla siya kinabahan, hindi niya gustong isipin ng asawa na nagpapaligaw siya sa kahit na sinong lalaki. Humarap siya kay Ralph.
“Tigilan mo na ‘to dahil kahit anong gawin mo hinding-hindi ko hihiwalayan ang asawa ko!” mariin niyang sambit.
“Alam kong natatakot ka lang dahil hindi papayag ang lola mo, pero huwag kang mag-alala. Maipapangako ko sa iyo na basta pumayag kang magpakasal sa akin, kukumbinsihin ko ang lola mo. My family ill surely invest too.” sabi ni Ralph.
“Excuse me. Dumating ang asawa ko para sunduin ako,” malamig na sabi
Sampung araw ang nakalipas, dapit hapon ng araw ng Biyernes at maraming mga taong dumadaan malapit sa Hemisphere restaurant at panay tingin sa lugar. Nagtataka kung bakit ang galante ng lugar at kung anong magiging meron. Sa tatlong taong lumipas, hindi na ulit naulit ang ganitong pagkakataon, ngayon lamang at hindi nila alam kung sino ang umupa sa buong restaurant. Alam ng lahat kung ano ang nangari, tatlong taon. “Balita ko ay may magaganap sa araw ng trise. Kawawang Anna, matagala nang nabura sa alala natin ngunit dahil sa isang misteryosong taong gumawa ulit nito ay baka may mangyaring masama sa kanya,” mahabang lintana ng isang ginang. “Wala naman tayong pakealam sa nangyari at kay Anna,” sagot naman ng isa at naunang maglakad, hindi na muli lumingon sa restaurant. Habang
“Saan ba kasi tayo?” inis na tanong ni Anna kay Corinne, kanina niya pa pinipilit si Anna na mayaos ang susuotin. “Well, we’re just gonna have fun at sayang naman itong mga pinabili ni Esteban kung hindi mo susuotin sa mga fun ‘d iba?” Hindi pinahalata ni Corinne na kinakabahan ito para kumbinsihin si Anna. “I have work and baka mamaya ay susurprisahin ko si Esteban sa anniversary namin.” “Baka nga ikaw masurprisa,” bulong ni Corinne na agad din naman umiwas ng tingin kay Anna. “May sinasabi ka?” Umiling si Corinne sa biglaang tanong ni Anna. Minamadali niya nang bihisan at ayusan si Anna, siya na rin ang nagmaneho patungko sa lugar na
Lumabas si Esteban sa kotse at tumayo ng ilang minuto habang nakatingin sa mga lalaking nakatayo sa labas ng gate na nakassot ng itim na damit, may suot na shot gun at may maliliit din na baril sa magkabilang gilid ng mga ito. Mataas ang sikat ng araw at walang dumadaan na mga tao dahil ang lugar na ito ay tago mula sa karamihan, tanging si Esteban at iilang tao lang ang nakakaalam. “Dito ka lang muna, babalik din agad ako.” Tumango ang driver at saka siya naglakad patungo sa mga lalaki. Hindi siya kilala ng mga ito kaya nang akmang papasok siya sa gate ay hinarangan siya ng mga armadong lalaki. “Sino ka? Anong kailangan mo?” matigas na tanong ng isa. “Sabihin mo kay Apollo na nandito ako. Esteban ang aking pangalan,” seryosong utos ni Esteban,
Sa kabilang dako, sa madilim na club. Nakatayo si Frederick habang umiinom ng alak at may tatlong babaeng nakapaligid sa kanya. "Kapatid!" Lumingon si Frederick sa boses na pamilyar sa kanya at nakita niya ang taong sadya niya. "Zeus!" sigaw niya at nagpaalam sa mga babae, isa-isa niya itong hinalikan sa pisngi. "Babalikan ko kayo." Kumindat siya at tila ba binuhusan ng asin ang mga babae sa ginawa niya. Lumapit siya sa kaibigan at nakipag kamayan. "Long time no see, my friend!" masayang bati niya. Tumawa naman si Zeus at pinagmasdan si Frederick, hindi magpapakita si Frederick sa kanya kung walang malaking kailangan. "Ano ang maipaglilingko ko sa aking munting kaibigan?" Tumawa si Frederick sa sinabi ni Zeus, alam niya na talaga kung bakit siya nagpakita rito. "Well.." Inaya niya si Zeus umupo. "Remember Anna?" "Anna? Hadrianna, your cousin?" Tumango si Frederick. "Yes and your love." Napailing si Zeus. Unang
Nang matapos ang trabaho ni Anna, bumaba siya ng building at natigil sa paglalakad nang makita niya ang kanyang mga kamag-anak sa lobby. Sigurado siyang siya na naman ang pinag-uusapan."Anna!" Umiwas siya ng tingin at palihim na umirap nang tawagin siya ng Nanay ni Frederick. Bumuntonghininga muna siya bago maglakad patungo sa kanila."Yes po?" mahinahong tanong niya sa tiyahin."Nakahanap ka na ba kung paano mo masosolusyonan ang problemang dinala mo sa kompanya, Anna?" Masama siyang tumingin kay Anna na para bang sigurado siyang hindi magagawa ni Anna."Tita, ginagawan ko na po ng paraan." Taas noong na sagot ni Anna sa kanya at tiningnan pa ang iba. Napalingon naman sila kay Frederick na nasa tabi lang ng kanyang Ina. Tumawa ito na para bang nang-aasar kay Anna."If you need help, my dear cousin. I got your back." Nakangising sabi niya, umiling naman si Anna at ngumiti sa kanya. Napaatras siya nang hawakan ni Anna ang kanyang kanang balik
Dumating ang gabi ng pakikipagkita ni Esteban at Zeus. Bago ang araw na ito, sinabihan ni Frederick si Anna na mayroong isang taong makikipag-negotiate sa kanya para sa proyekto ng Desmond Real Estate Corporation. Noong una nagdadalwang isip pa kung tatanggapin niya ba ang tulong na alok ni Frederick ngunit nalason nga ito sa mga salita at pangako ng pinsan. Kulang pa ang kakayahan ni Anna sa ganitong bagay, totoo ang sinasabi ng ibang tao na mas maraming alam si Frederick kaya hindi niya rin naman maiwasan isipin na makakatulong ito sa kanya. Siguro, bahala na ang mangyayari. Ang mahalaga sa kanya, hindi magagalit ang Lola niya at hindi sila mawalan ng tahanan at posisyon sa pamilya.Sa kabilang dako, nakatayo si Zeus kaharap ang buong syudad. Nakatira ito sa malaki at kilalang building na pagmamay-ari rin ng Montecillo Empire. Umiinom ng alak habang ang babaeng kasama niya kagabi ay nasa likod niya na nakayakap. Nakangiti siya, iniisip na magkikita sila muli ni Anna.
Habang papasok si Anna sa loob ng isang tagong restarant na napag-usapan nila ni Zeus ay nakita niyang bumulong ang payat na lalaki nitong kasama kaya nagtama ang kanilang paningin. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. “Is that Zeus?” malamig na tanong ni Esteban sa asawa na nanlalamig ang kamay. Tumango lang sa Anna. Naglandas ang matatalim na mata ni Zeus na puno nang pagnanasa sa buong katawan ni Anna. Hindi niya maipagkakaila ang taglay na alindog ng babae. Malamlam ang mga mata, matangos ang ilong at mapula ang manipis nitong labi. Maputi at makinis ang balat na nagpatingkad dahil sa suot nitong dress na kulay royal blue. Pinagmamasdan niya pa lang si Anna ay nakakaramdam na siya ng excitement sa katawan. Sumasagi sa isip niya ang imahe nitong nakahiga sa kaniyang kama habang nagpupumiglas. Tumayo si Zeus upang salubungin si Anna. Tumingin suya sa kasama nitong lalaki at n
Ilang segundong tumahimik ang paligid saka tumawa ang mga nakarinig sa sigaw ni Esteban.“Since your husband resist so highly,” may panunuya nitong sinabi. “Hayaan mo akong patayin siya.”“Huwag, please. Please!” She was actually begging. Pisil-pisil nito ang kamay niya. “We will pay you, Zeus.”Zeus is a difficult guy to persuade, so she prays to God to change his mind and save them. Please, God, help us!Nakangiting tumingin si Zeus kay Anna. Nakatitig lang siya sa babae na nagmamakaawa sa kaniya. And then a sick idea entered his mind."You have to learn to enjoy yourself, Anna. After three years of marriage, para kang balo. Hindi mo pa natikman ang tunay na sarap ng isang may asawa. I will let you feel comfortable today, and I will make you satisfied." He licked his lips lustfully.Esteban was a
Paano pa makakatakas si Liston sa mata ni Esteban? Mula pa lang sa pagkakita ni Esteban sa pangalan ng tumatawag, nahulaan na niya ang pakay nito.Pero ang ipinakitang interes ni Liston sa usaping ito ay tila may kakaiba para kay Esteban. May alitan ba ito sa Black Sheep Organization?“Wala naman kayong personal na galit ng Black Sheep Organization, ‘di ba?” tanong ni Esteban.Alam ni Liston na nabasa na ni Esteban ang iniisip niya. Hindi na siya nag-atubiling umamin, “Ang Black Sheep ang pinakamalaking kalaban ko sa buong mundo. Kaya noong nalaman kong ikaw ang binangga nila, natuwa ako. Kasi alam kong wawasakin mo rin sila balang araw.”Noon pa lang ay pinapaimbestiga na ni Esteban sa kanya ang Black Sheep Organization, pero kakaunti lang ang nakuhang impormasyon. Doon pa lang, alam na ni Esteban na mabigat na ang ugat ng problema — dahil kung sa kalibre ni Liston ay hirap siyang kumuha ng detalye, ibig sabihin may malalim itong koneksyon sa grupo.Mula noon, alam na niyang gustong
Matapos ang mahabang katahimikan, unti-unting bumalik ang ulirat ni Galeno. Ramdam niyang may malaking pagbabagong nangyari sa kanyang katawan, pero hindi niya maipaliwanag kung ano iyon.“Esteban, ano’ng nangyari sa ’kin?” tanong niya, litong-lito.“Ang dahilan kung bakit sobrang lakas ng mga gold medal killers ay dahil sa kapangyarihang nasa katawan mo ngayon. Kapag nasanay ka na at natutunan mong gamitin ito, magiging kasing lakas mo na rin sila,” paliwanag ni Esteban.Parang may dumaloy na kuryente sa katawan ni Galeno—isang uri ng pag-asa at pananabik. Pero hindi pa rin niya lubos maintindihan kung anong klaseng lakas ang tinutukoy.“Anong klaseng kapangyarihan ba ‘yan?” tanong ni Galeno.Sandaling nag-isip si Esteban bago sumagot, “Hindi ganon kasimple ang mundong ‘to gaya ng iniisip mo. Maraming bagay ang hindi mo pa nakikita—mga misteryong hindi madaling ipaliwanag. Sa paglipas ng panahon, kapag mas marami ka nang nalaman, maiintindihan mo rin.”Tumango si Galeno. Sa ngayon, s
Hindi pa kailanman nakakita si Galeno ng isang gold medal killer, pero sa imahinasyon niya, dapat ay isa itong taong may tindig ng isang tunay na maestro—kalma, may dating, at parang hindi nababahala sa kahit anong sitwasyon. Pero ang nakita niya ngayon ay kabaligtaran. Ang gold medal killer ay halatang takot at litong-lito.Muling tumingin si Galeno kay Esteban. Si Esteban ang tunay na may tindig ng isang maestro. Relax lang siya, may ngiti sa labi, at kontrolado ang buong sitwasyon. Malayo sa kinikilos ng gold medal killer.Doon lang tuluyang naunawaan ni Galeno—mula pa sa simula, ni hindi talaga binigyang pansin ni Esteban ang gold medal, at higit pa roon, ni hindi niya sineryoso ang buong Black Sheep Organization.Ano nga ba ang isang tunay na maestro?Tumingin ka lang kay Esteban ngayon—makikita mo agad ang sagot."Huwag mong akalain na ikaw na ang pinakamalakas. Yung nagbigay sa'yo ng lakas? Baka may laban siya sa akin. Pero ikaw? Wala ka sa kalibre ko," malamig na sabi ni Esteb
Nadismaya si Esteban. Akala niya'y makakakuha siya ng mahalagang impormasyon, pero sa totoo lang, wala rin palang silbi.Mukhang isa pa ring ilusyon ang matunton ang punong himpilan ng Black Sheep Organization at tuluyang lipulin ang mga miyembro nito."Hay naku, ikaw pa man ding tinatawag na ‘core’ member, wala ka rin palang kwenta. Ni hindi mo alam kung nasaan ang headquarters ng Black Sheep," napabuntong-hiningang sabi ni Esteban.Hindi alam ng lalaki kung ano ang ginawa ni Esteban sa kanya, pero ramdam niya na parang may pumasok sa isipan niya kanina. Kinabahan siya at tinanong si Esteban, "Anong ginawa mo sa akin?"Tiningnan ni Esteban ang iba at tinanong, "May nakakaalam ba sa inyo kung nasaan ang headquarters ng Black Sheep? Kapag may nagsabi, palalampasin ko ang buhay niya. Pero kung wala, magiging pataba lang kayo sa hardin ko."Walang nagsalita.Wala ring may karapatang magsalita.Kahit na sila'y mga silver killer, gamit lang sila ng Black Sheep Organization. Paano nila mala
Kung hindi niya papatayin, mawawala na lang ba lahat ng nangyari?“Sa totoo lang, mukhang hindi talaga kayo matatalino,” ani Esteban habang umiiling.Napahiya si Galeno, gustong depensahan ang sarili pero wala siyang maisagot. Kasi totoo—napakabobo ng sinabi ng lalaki.Lumapit si Esteban sa lalaki. Alam niyang hindi rin naman ito magsasabi ng totoo kahit kausapin pa niya. Kaya’t hindi na siya nag-aksaya ng panahon at desidido na siyang gamitin ang kakayahan niyang mag-“divine invasion”—isang mas mabilis, mas diretsong paraan para malaman ang mga sikreto ng Black Sheep.“Anong ginagawa mo?!” takot na tanong ng lalaki. Halos mawalan na siya ng lakas sa mga braso’t binti, pero ni hindi siya makagalaw kahit kaunti. Hindi niya maunawaan kung bakit.“Gusto kong malaman ang lahat tungkol sa Black Sheep. At alam kong hindi mo iyon kusang ibibigay,” sagot ni Esteban.“Hmmph,” singhal ng lalaki. “Syempre hindi ko sasabihin sa’yo.”“Eh di ako na ang gagawa ng paraan. Baka mabaliw ka sa prosesong
Hindi maintindihan ni Galeno ang mga sinasabi ni Esteban, pero nagsisimula na siyang mangarap—paano kaya kung gano'n din siya kagaling? Kung ganito ang kakayahan niya, kahit pa siya ang gold medal killer ng Black Sheep, baka hindi na niya kailangang matakot pa kahit kanino. Sa puntong iyon, unti-unting nauunawaan ni Galeno kung bakit hindi natitinag si Esteban sa harap ng Black Sheep. Marahil para kay Esteban, ang tinatawag na mga eksperto ng organisasyong iyon ay wala lang—isang simpleng abala.Pero may isang bagay na hindi pa rin niya maipaliwanag. Ang martial arts, ‘di ba, hinuhubog ng panahon? Kaya kung ganito na kalakas si Esteban ngayon, ibig sabihin ba nito ay matagal na siyang nag-ensayo? Pero napakabata pa niya. Paano naging posible iyon? O baka naman... sadyang likas ang kanyang talento?“Esteban, grabe ka sa galing sa edad mong ‘to. Paano pa kung mas tumanda ka? Baka hindi na namin kaya abutin ang lakas mo!” ani Galeno na punô ng paghanga.Totoo ngang bata pa si Esteban—per
Para kay Jane, masaya siya na hindi dumating si Esteban sa gate ng paaralan. Ibig sabihin kasi nito, hindi siya sasama kay Anna ngayong araw.At higit sa lahat, pag-uwi niya sa bahay, nandoon pa rin si Esteban. Kaya may pagkakataon si Jane na makasama siya kahit sandali. Kahit hindi sila talagang magkausap o magka-bonding, sapat na kay Jane ang presensya ni Esteban."Ang weird, hindi ka pumasok ngayon," sambit ni Jane kay Esteban na nanonood ng TV sa sala.Walang interes si Esteban sa palabas sa TV, kaya sagot niya nang walang gana, "Hindi naman maganda yung araw-araw kayong magkasama."Napakunot ang ilong ni Jane, halatang hindi siya sang-ayon sa sinabi nito.Pagbalik niya sa kuwarto, agad niyang tinignan kung nandoon pa ang cake. Pero pagkakita niyang wala na ito, parang napako siya sa kinatatayuan.Maya-maya, narinig ni Esteban ang malakas na sigaw mula sa kuwarto.Hindi pa lumilipas ang tatlong segundo, biglang bumalik si Jane sa sala, takot at gulat ang mukha."Asan yung cake ko?
Alam ni Galeno na maraming alam si Esteban tungkol sa "magic". Pero gaya ng sinabi ni Esteban, ang mahika ay isa lamang pantabing.Hindi naman siya gano'n ka-bored para paghandaan pa ang isang palabas ng mahika at magpasikat sa harap ni Galeno.Pero hindi nga ito mahika. Paano niya nagawa 'yon?Habang naguguluhan pa si Galeno, nakapasok na si Esteban sa kwarto at agad nakita ang pinanggagalingan ng mabahong amoy—ang birthday cake na ibinigay niya kay Jane kamakailan.Hindi pa ito nabubuksan, ibig sabihin, hindi man lang ito tinikman ni Jane. Kaya naman umabot ito sa punto na bumaho na lang sa loob ng kwarto.Pero bakit?Hindi ba niya ito gusto?Pero noong tinanggap niya ang cake, mukhang tuwang-tuwa siya. Nagkukunwari lang ba siya noon?Pero kung hindi niya gusto, bakit hindi na lang niya itinapon? Bakit niya hinayaang mabulok ito sa loob ng kwarto?Dumating si Galeno habang iniisip pa ni Esteban ang mga tanong na ito. Sanay man si Galeno sa amoy ng dugo, hindi niya nakayanan ang baho
“Alberto! Huminto ka nga diyan!” sigaw ni Francisco pagkakalabas niya ng villa.Dati-rati, si Alberto ang laging tahimik, hindi makapalag sa kanya. Siya ang may huling salita sa kompanya, at tinitingala ng lahat. Pero ngayon? Si Alberto na ang may hawak ng lahat. Naalis na si Francisco, at si Alberto na ang bagong pinuno.Dahil hindi siya pinansin ni Alberto, nilapitan siya ni Francisco at hinarangan ang daan nito.“Hindi mo ba alam ang kasabihang ‘ang matinong aso, marunong lumayo sa daraanan’?” malamig na sagot ni Alberto.Napuno ng galit si Francisco. Ang dating duwag sa kanya, ngayon ay nagmamagaling na. Hindi niya matanggap.“Alberto, talunan ka lang. Anong karapatan mong magyabang sa harap ko?” galit na galit niyang sabi.“Talunan? Baka masuwerte lang ako. Pero ikaw? Ang lakas mong magyabang, pero ngayon wala ka na sa poder. Para kang asong kalye. Huwag mong isipin na ikaw pa rin ang dating Francisco. Alam nating pareho na ang dahilan lang kung bakit ka umangat dati ay dahil sa