Home / All / Her Dark Side / Chapter 1

Share

Her Dark Side
Her Dark Side
Author: AJ Almonte

Chapter 1

Author: AJ Almonte
last update Last Updated: 2021-09-05 09:14:43

Blaaaaag!

Malakas na pagbalya ng isang bagay ang pumukaw sa akin sa sala mula sa kusina, kung saan ako'y nagsusulat. Naguguluhang nakita kong abot ang paghinga na pumasok si mama sa loob ng bahay. 

"Maruh?! Anak?!" tawag sakin ni Mama habang palinga-linga sa kabuuan ng sala. "Maruh?!" 

"Ma?" simpleng tawag ko sa kanya habang naglalakad patungo sa sala. "Ayos lang po ba kayo?" inosente kong tanong dito. 

"Nak, ahm... gusto mong maglaro tayo?" naguguluhan ma'y pagtungo lang ang isinagot ko. "Si Mama at si Maruh.. ahm.. ah... maglalaro ng taguan. Gusto mo ba 'yon ha?" dugtong nyang sabi habang habol ang hiningang kinakapa ang mukha ko. 

''Opo Ma. Pero,'di ba ayaw mo po kong naglalaro?'' taka kong tanong ko kaniya. "At saka, saan po kayo galing? Bakit pawisan po kayo?" sunod-sunod kong tanong habang pinapasadahan ko ang kabuuan ng  mukha niya.

"Ah, ano.. m-malayo kasi ang nilakad ni Mama e." ngiting sagot nya pero alam kong may dahilan siya. "Papayag na si mama na maglaro ka, basta makikinig ka sakin ng mabuti, naiintindihan mo ba ko?" wala akong ginawa kundi ang tumango dahil iyon naman ang hilig ng mga bata hindi ba? Ang makapaglaro. 

"Magtatago ka ng mabuti, kung saan hindi ka makikita ni Mama o kahit na sino. Hahanapin ka ni mama, okay?'' titig na titig nyang sabi. 

''Sige po!'' may galak sa tinig kong sabi. 

''Wag kang lalabas at 'wag kang mag-iingay hanggat hindi pa kita nahahanap, okay?'' bilin nya sakin habang tumutulo ang luha. Para sa isang anak,Ang pagluha ng jna ang ounakamasakit na tanawin sa lahat.  At sa nakikita kong luha sa mikha niya ay parang espadang paulit-ulit na tumutusok sa dibdib ko.

''Ma, bakit kayo umiiyak? May.. may masakit ba sa'yo?'' naiiyak na rin kong tanong. 

''Wala anak." Pinahid niya ang luhang kumawala sa kaniyang mata."Masaya lang si mama kasi ikaw ang ibinigay sakin ni papa God. Masaya ako dahil... may isang ikaw sa buhay ni Mama. May isang ikaw... na nagbibigay sa akin ng pag-asa. Kaya lagi mong tatandaan, na ang lahat ng ginagawa ko ay para sayo. Para sa ikabubuti mo. Mahal kita dahil ikaw ang anak ko. Ikaw si Maruh na anak ko. " pilit syang ngumiti kasabay ng pahpapakawala nito ng isang hagulhol. Masakit. Sobrang sakit na makita si Mama sa ganitong sitwasyon.   

''Ako din po Ma. Mahal na mahal po kita! Ikaw ang the best Mama in the whole wild world for me! Kaya... tahan na Ma. Kasi masakit ito oh.'' turo ko sa dibdib ko. "Parang may tumutusok dito...kapag nakikita kitang umiiyak. Kaya tahan na. Smile ka na. Nandito lang ako lagi." ngiting sabi ko kahit pa man hindi rin maawat Ang pagluha ko. Niyakap nya 'ko ng mahigpit. 

''Sige na 'nak. Maglaro na tayo, magbibilang na si Mama ha?" muli akong tumango para sumang-ayon. Bakit pakiramdam ko, 'yon na ang huling pagkakataon na mayayakap ko siya ng gano'n kahigpit? O masyado lang akong nasaktan sa eksena namin ni Mama kanina.

Nagsimula si Mama sa pagbilang. Kasabay niyon ay ang pagkilos ko para maghanap ng pagtataguan. Naghanap ako ng lugar kung saan  maari akong magtago. Pinili Kong magtago sa isang cabinet sa sala. Pilit kong pinagkasya ang sarili ko sa maliit na espasyong iyon. Mula sa loob ng cabinet, kita kong umalis si Mama sa pagkakaupo at umakyat patungo sa kwarto. 

Ilang minuto na 'kong nagtatago.  Hanggang naging kalhating oras at medyo nahihirapan na 'ko sa pwesto ko. Ganun pa man, hindi ko ininda ang ngalay na bumabalot sa katawan ko. Lumipas ang ilang oras pero nanatili pa rin ako sa maliit at masikip na kwadradong kahoy na pinaglalagyan ko. Maya-maya pa'y may mga sasakyang dumating. May mga kalalakihan na walang pakundangang pumasok sa loob ng bahay namin at pawang mga may mga mahahabang bagay na bitbit ang mga ito. 

Sumilip ako sa maliit na siwang ng kabinet para makita ang mga lalaking estranghero para sa akin.

''Halughugin nyo ang buong bahay!  Nasisiguro kong walang ibang pupuntahan Ang ksang iyon. Dito lang nagtatago lang ang traydor na 'yon! 'Wag kayong titigil hanggat hindi nyo nakikita at naihaharap sa akin. Naiintindihan niyo ba?!'' pasigaw na utos ng isang matipunong lalaki sa mga kasama nito. 

"Yes Boss!"

'Sino ang mga taong 'to?' tanong ko sa sarili na para bang agaran akong makakakuha ng sagot sa sariling tanong. Ilang saglit pa ang nagdaan nang biglang sumigaw ang isa sa kasamahan ng lalaki. 

''Boss!! Nandito!'' sigaw niya mula sa taas ng kwarto. 

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Mama na hawak-hawak nito sa buhok at pwersahang kinakalakadkad patungo paibaba ng hagdan. Pagkatapos ay pabalibag na inilagak sa harapan ng kinikilala nilang boss, dahilan para mapasubsob ang mukha ni Mama sa sahig. 

'Mama!!' tanging sigaw ng utak ko. 

"Aaahh!" daing ni mama. 

Kung kanina ay sakit lang ang maramdaman ko sa pagluha niya, ngayon ay kalakip nv sakit na iyon ang awa na nararamdaman kompara sa akong ina. Tila wala lang sa mga taong ito kung nakakasakit sila ng iba. Bakit ba nila ginagawa to sa Mama ko? Mga sino ba sila?

Hindi pa nasiyahan ang lalaki.. Nanlaki ang aking mata sa pagkagulat nang sampalin nito si Mama ng pagkalakas-lakas. Nanginig ako sa takot nang muling sampalin ng lalaki sa pangalawang pagkakataon ang aking ina at muling sumubsob sa sahig. Sa laki ng pangangatawan niyo, sigurado akong dudugo ang parte ng pisngi ng aking ina dulot nang pagkakasampal ng malapad nitong palad. 

'Mama' naiiyak kong usal ko. Mas doble Ang sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib kumpara kanina. Sa nasisilayan ko ay hindi sapat ang salitang walang puso Ang mga taong ito para makagawa ng isang kahindik-hindik katulad ng ginagawa nila sa Mama ko.

Lalabas sana ako sa pinagtataguan.. nang hawakan nito ng sapilitan ang buhok ni Mama dahilan para mapatingala ito at dumaing ng sakit. 'Tama na'. Nais kong magmakaawa sa lalaki nang sa gayon ah huwag nang nasaktan ang ina ko. Pero tanging satili ko lang ang nakakarinig ng pagmamakaawang iyon. Ni hindi nga ako makahinga ng ayos. Paano pa kaya ang magmakaawa sa mganito ng hindi umiiyak at nangingjnig ang buong katawan?

Muli ay pumasok sa isip kong lumabas sa pinagtataguan upang pigilan ang lalaki sa ginagawang panannakit sa mama ko. Subalit sa huli'y pinangunahan ako ng takot. Takot na siyang nagiging sanhi ng kahinaan ng karamihan. Ngunit muli kong naalala ang sinabi ni Mama sa akin kanina bago kami magsimula sa paglaro. 

'Wag kang lalabas at 'wag kang mag-iingay hanggat hindi pa kita nahahanap' 

'Wag kang lalabas at 'wag kang mag-iingay hanggat hindi pa kita nahahanap' paulit ulit sa utak ko ang sinabi ni mama. 

"Akala mo makakatakas ka sakin huh? Pinagod mo pa 'ko kakahahanap sayo e dito ka lang pala naglulungga. Tang ina ka! Dito ka lang pala nagtatago!" galit na sabi ng lalaki habang mahigpit ang pagkakapisil niyang hawak ang mukha ni Mama. 

"Sayang ka Meredith! Maganda ka. Matalino at pwedeng-pwede pang pakinabangan!" nakakakilabot ang bawat mga salitang isinasatinig nya. "Kung tutuusin malaki talaga at mapapakinabangan kita ng sobra. Kaya lang... hindi ko ugaling mamulot ng b****a at traydor na katulad mo. Ang nararapat sa katulad mo ay dinedespatsya para hindi na makasagabal pa. Kaya kung ako sayo... Sasabihin ko na kung nasaan siya. Sa-an mo siya itinatago!? Saan!?" namumula ang makha ng lalaki sa galit.

''Huh! Magkakalintikan tayo rito ngayon,pero hindi  mo siya makukuha. Dahil isa kang duwag at mahina Demetri. Ang katulad mong umaasa lang sa kilos ng tauhan ay mas masahol pa sa inutil. Bakit? Hindi mo ba kayang kumilos na sariling utak mo ang ginagamit? O baka wala ka nun? Akala ko ba matalino ka, pero mukhang nagkamali ako. Dahil ang totoo... isa kang inutil! Isang inutil na demonyo na nagtatapang-tapangan.. pero ang totoo, naghihintay lang na susubuan. Pweeh!!'' dinuran ni Mama ang mukha lalaki na tinawag niyang Demetri."Magkakamatayan tayo, pero hindi mo 'sya' makikita!" Sanay ako sa pagiging istrikto ng aking ina. Sa bawat pagdidisiplina niya na para raw sa ikabubuti ko. Pero anv makita anv isang pagkatao nito ngayon,iuon anv hindi ko kilala. Sa bawat lumalabas na salita sa bibig niya ay tila ibang tao. Malayong-malayo sa inang kilala ko. Kung may ganito pala siyang katauhan. Nagkakaroon sa aking isipang ng tanong na... Sino ba talaga ang ina ko? Sino ang tinutukoy nilang 'sya'? Ang aking ama ba? Pero bakit?

''Hahahaha!!! Inutil, ako? At sino ka sa tingin mo para paniwalaan ko? Ikaw na isang trayfor sa grupo?" ani nya habang pinupunasan ang mukha. Ang bawat pagdagundong ng halakhak nito ay parang isang banta. Nakakatakot at nakakapangilabot. Alam mong Ang ganitong tao ay walang idudulot na maganda kundi.... panganib at takot.

"Makikita ko sya kahit hindi mo sabihin. Dahil kahit sa kasuluksulukan pa ng impyerno mo sya itago, hahanapin ko sya. At kapag nahanap ko na siya.. pahihirapan ko siya na kahit ang kaluluwa mong nasa impyerno ay walang magagawa!" nanlilisik ang mata nya at saka humarap sa mga kasamahan niyang kalalakihan. "Kahit isangla ko pa ang kaluluwa mo kay Satanas, hahanapin ko sya! Sige! Gapusin yan sa mesa at hub'dan!" Nagkukumawala si Mama sa mga lalaking sapilitan siyang iginagapos.

"'Wag! Maawa ka Demetri! 'Wag!! Parang awa niyo na!" pagmamakaawa ni Mama ngunit tila binging masiyahan pa sila sa nangyayari. 

'Ma'

"'Wag kang mag-alala. Bago ko sya hanapin sa impyerno, ihahatid muna kita sa langit! Hahaha!!!'' 

''Demonyo ka! Bitiwan nyo ko! Bitiwan nyo ko sabi! Parang awa niyo na! Bitiwan nyo ko!'' 

Related chapters

  • Her Dark Side    Chapter 2

    Alam kong ang lahat ng nangyayari ay panaginip lang. O mas nararapat yatang sabihin kong... bangungot! Bangungot ng nakaraan na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinatagahimik. Nanatiling pumapaloob sa aking isipan ang bawat makapanindig-balahibong halakhak ng mga estranghero... pumatay sa aking ina! Ang bawat daing dulot ng karahasan at pighati ng aking ina ang nagpabalik malay sa akin mula sa pagkakatulog. "Maaaaaa!!!" pabalikwas akong napabangon nang maisatinig ko ang pagtawag sa aking ina. Briiizz!! Napahawak ako sa sariling ulo at pinasadahan ito ng hagod pababa hanggang batok dahil pakiwari ko'y sasakit ito dahil sa nanangyari. Tumingin ako sa orasan.. 8:10 am pa lang! Briiizz!! Pinapahupa ko pa ang nararamdaman ko. Nang paulit-ulit na tumutunog ang buzzer na nakanonekta sa gate ng inuupahan kong bahay. 'Sino ba 'tong walang magawa sa bu

    Last Updated : 2021-09-05
  • Her Dark Side    Chapter 3

    Lunes. Ngayong araw ang simula ng pasukan kaya mas minainam kong gumising nang maaga. Agad akong nagtungo sa banyo para maligo. Matapos ang halos isang oras na pagliligo ay nagbihis 'ko. Nagtungo ako sa kusina saka nagtimpla ng tsaa at nagluto ng umagahan. Tanging hotdog at omelette lang ang niluto ko. Nang matapos akong kumain, hinugasan ko ang mga gamit na pinagkainan ko saka nag-toothbrush. Nang maisaayos ko na ang lahat at wala na akong nakalimutan, isinukbit ko ang bag sa balikat ko at saka isinuot ang aking eyeglass. Lumabas na 'ko ng bahay saka binuksan ang gate para ilabas ang motor ko. Nang masigurado kong ayos na ang lahat, saka ako sumakay at pinaharurot ang motor paalis. Brooooom!!! Ilang minuto ang itinagal ng pagbyahe ko at narating ko ang parking lot ng school. Agaran kong inayos ang pagkakagarahe ng motor ko

    Last Updated : 2021-09-05
  • Her Dark Side    Chapter 4

    "I am talking to you!" may pang-gigigil sa boses nito. Ano pa bang aasahan ko? Sa bungad pa nga lang, may umentrada na ang bibig, hindi na 'ko magtataka kung hanggang dito may mga asungot, tulad nitong nasa harap ko. "Bingi ka ba? Tinatawag kita 'di ba?" medyo pikon na niyang sabi. Tiningnan ko lang sya. "Pabida ka din eh 'no? Hindi dahil nilapitan kita ay magpapa-trying hard ka pa?" mahihimigan ang kayabangan sa sinabi nya. Ano bang problema nito? "Pre mukhang may katapat ka na ah?" natatawang sabi ng nasa likuran nya. "Hah! Eto? Magiging katapat ko? Nagpapatawa ka ba Constantino?" mayabang niyang sabi. Saka muli akong hinarap. "Eh pagsalita nga hindi magawa, ang maging katapat ko pa kaya?" ngumisi sya ng nakakaluko at saka tumayo ng ayos sa harap ng mesa ko. "Baka pipi? Kaya hindi nagsasalita. Hahahaha!" tawang komento nung isang at nakitawa ang karamihan.

    Last Updated : 2021-09-05
  • Her Dark Side    Chapter 5

    "Grabe pre! Akalain mong may naglalakas loob ng banggain ang 'sang tulad mo? Hahaha!!" pang-aasar na komento ni Kevin. "Isang Drix Tharn Sebastian, hindi kilala? Bago 'yon pre sa kasaysayan mo! Hahahaha!! Ang astig niya lang." tatawang dagdag pa nya. "Anong astig dun? Eh ikaw na nga ang nagsabi. BAGO lang sya. Kaya hindi PA.. nya ako kilala. Pero 'wag syang mag-alala, dahil magpapakilala ako sa kanya ng maayos!" ngisi kong tugon. At sisiguraduhin kong hindi mo makakalimutan kung pa'no ako magpakilala. "'Yan! 'Yang ganyang ngisi mo pre, alam na alam ko 'yan! Ngisi ng taong nagbabalak ng masama!" si Kevin . "Baka trip mo 'yon? Hahaha!!" si Steve. "Gusto mong sapak? Trip pinagsasabi mo dyan? 'Wag ka ngang patawa!" inis kong sabi kay Steve. "Easy! Makareact oa ah?" si Steve. Nagtawanan naman silang dalawa. Tsk! Kahi

    Last Updated : 2021-09-05
  • Her Dark Side    Chapter 6

    Sa hallway oa lang, rinig naming tatlo ang hindi magkamayaw na ingay na nagmumula sa 'di kalayuan. Nagkatinginan kaming tatlo saka agarang tumakbo para makalapit sa pinagmumulan ng ingay. Sa room 4A!Pagkapasok na pagkapasok namin, naratnan namin ang nagkakagulong mga estudyante habang ang dalawang kasamahan ni Roy ay hawak si Hambog sa magkabilang braso. Bago na ang suot nitong damit.'Anong nangyayari dito?'Mas lumapit pa ako sa mga ito. Magsasalita na sana ako para awatin sila nang akmang ihahampas ni Roy ang libro sa mukha ni Hambog. Subalit t hindi iyon tumama rito nang paikot na tumalon patalikod si Hambog kasabay sa pag-ikot nito ay isang sipa sa dibdib ni Roy, dahilan para mapaatras ito at matumba. Ang lahat ay nabigla sa ginawa niyang iyon. Na kahit ako ay napatanga sa ikinilos nito.Nang makawala sa pagkakahawak sa mga lalaking pumipigil sa kanya, buong pwersa niyang hinigit ang isang braso nang b

    Last Updated : 2021-10-28
  • Her Dark Side    Chapter 7

    MARUH's POVPagkalabas ko ng room, nagdaresto ako ng Dean's Office. Ang hindi ko maintindihan, ano bang problema sa sinabi ko? Anong mali sa sagot ko? Masyadong nakakagago lang. Kapag sila ang magtatanong ng pabalang ay ayos lang, pero kapag ang nakakababa sa kanila ay hindi? Masyadong hindi patas na pakikitungo. Pagkarating sa front door ng D.O, kumatok ako ng tatlong beses. Sapat na upang iparating ang aking presensya. Nang wala akong makuhang sagot ay kusa kong binuksan ang pinto. Pagkabukas ko, bumungad sa'kin ang sanggano...este nakasimangot na mukha ni Mr. Lazo. Si Dean nama'y magkasiklop ang kamay na nakaupo sa magarang upuan sa kabila rin ng magara nitong mesa. "Good morning Dean." bati ko. "Good morning. Take a seat." paanyaya nito. "Mr. Lazo told to me everything Ms. Velarde. But I want to hear your side." mahinahong sabi ng Dean. Hindi ako nagsalita. 'Everything?'Hanggang saan naman kaya umabot ang katotohanan sa everything na sinasabi ni Dean? Hindi ko malaman kun

    Last Updated : 2022-07-12
  • Her Dark Side    Chapter 8

    "Why are you late, miss?" tanong nya. Nagulat man ay hindi ko pinahalata at agad akong nagbawi ng tingin mula rito. Matagal bago ako nakasagot dahil sa pagkabigla sa biglaang presensya niya. "I'm sorry, I've been at Dean's office.. Sir." sagot ko. Tinignan niya ang kabuoan ko na tila sinisigrado kung nagsasabi ako ng totoo. "Okay, you may take your sit." tungo lang ang isinagot ko saka pumasok. Nang makarating ako sa tapat ng mesa ko ay muli niya akong tinanong. "Could you please tell me what's your name?" hinila ko muna ang upuan ko at saka sya sinagot. "Maruh Velarde.. Sir." sagot ko at mataman syang tinitigan. Ngayon pa lang ay may kutob akong nadarama sa biglaang pagsulpot niya. "Okay. You may seat Miss Velarde." may diin niyang pagbigkas sa apelyido ko. "Thank you Sir." saka ako naupo. Nagpatuloy sa pagdiscuss si Shin. Anong plano mo at pati dito ay nakuha mo 'kong sundan?Titig pa rin ako kay Shin. Iniisip ang mga posibleng dahilan kung 'bakit' siya nandito. Habang is

    Last Updated : 2022-07-12
  • Her Dark Side    Chapter 9

    Drix's POVRing... Ring... Ring....Kinapa ko ang cellphone ko na nakalagay sa table ko at pikit matang sinagot ito. "Hello?""Where are you?" Steve. "Kung hindi ka istorbo, mahimbing pa din akong natutulog" late na 'kong natulog kagabi dahil sa mga assignments. First day of school sandamakmak na agad ang assignment ang bumungad. Kainis!"You're still on your bed? Ipapaalala ko lang sayo Sebastian.. may meeting tayo ngayon at kung hindi talaga kita tinawagan eh paniguradong sermon ang matatanggap mo kay couch" pagpapaalala nya. Napabalikwas ako ng bangon at bigalang nawala ang antok. "Shit! Nalimutan ko!" pinatay ko agad ang tawag ni Steve at nagmamadaling nagtungo sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay hindi ko na nakuhang magsuklay ng buhok. Mabilis akong bumaba sa hagdan. "Nay Rosie, aalis na po ako!" pagpapaalam ko ng makita si nay Rosie na papasok ng bahay. Sya ang mayordoma namin. At itinuturing kong pangalawang magulang si nanay Rosie. "Aba'y napakaa

    Last Updated : 2022-07-12

Latest chapter

  • Her Dark Side    Chapter 10

    Matapos ang meeting patungkol sa pang paalala, nagsagawa rin ang team ng madaliang practise. Ilan sa mga ito ay basic moves.Hindi nagtagal ay napagdesisyon nang ihinto ang practise upang um-attend ng bawat klase.Nagderetso kaming magkakaibigan sa room para sa unang klase. "Siraulo ka pre! Nakakakilabot 'yong sinabi mo kanina!" hindi pa rin makaget over si Kevin sa jome ko kanina. Natatawa pa rin ako sa reaksyon ni Kevin. Pati si Steve ay hindi mapigilang mangiti at umiling sa mga reaksyon ni Alejo. Pagkapasok namin ay bumungad agad ang tili ng kababaihan. Well, sino ba naman ang hindi sisigaw kapag kami na ang nakita? Naglalakad pa lang, yumayanig na ang mundo ng mga girls, what more kapag pinaglaanan pa namin ng atensyon ang bawat tili nila 'di ba? However ,one thing I am sure about.. Iyn ay ang pagiging taken ng puso. Oo na! Mayabang na kung mayabang, at least...may ipagyayabang. Hahahaha!! Habang papalapit ako sa pwesto ko nahagip ng tingin ko si Hambog. Nakahalukipkip at m

  • Her Dark Side    Chapter 9

    Drix's POVRing... Ring... Ring....Kinapa ko ang cellphone ko na nakalagay sa table ko at pikit matang sinagot ito. "Hello?""Where are you?" Steve. "Kung hindi ka istorbo, mahimbing pa din akong natutulog" late na 'kong natulog kagabi dahil sa mga assignments. First day of school sandamakmak na agad ang assignment ang bumungad. Kainis!"You're still on your bed? Ipapaalala ko lang sayo Sebastian.. may meeting tayo ngayon at kung hindi talaga kita tinawagan eh paniguradong sermon ang matatanggap mo kay couch" pagpapaalala nya. Napabalikwas ako ng bangon at bigalang nawala ang antok. "Shit! Nalimutan ko!" pinatay ko agad ang tawag ni Steve at nagmamadaling nagtungo sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay hindi ko na nakuhang magsuklay ng buhok. Mabilis akong bumaba sa hagdan. "Nay Rosie, aalis na po ako!" pagpapaalam ko ng makita si nay Rosie na papasok ng bahay. Sya ang mayordoma namin. At itinuturing kong pangalawang magulang si nanay Rosie. "Aba'y napakaa

  • Her Dark Side    Chapter 8

    "Why are you late, miss?" tanong nya. Nagulat man ay hindi ko pinahalata at agad akong nagbawi ng tingin mula rito. Matagal bago ako nakasagot dahil sa pagkabigla sa biglaang presensya niya. "I'm sorry, I've been at Dean's office.. Sir." sagot ko. Tinignan niya ang kabuoan ko na tila sinisigrado kung nagsasabi ako ng totoo. "Okay, you may take your sit." tungo lang ang isinagot ko saka pumasok. Nang makarating ako sa tapat ng mesa ko ay muli niya akong tinanong. "Could you please tell me what's your name?" hinila ko muna ang upuan ko at saka sya sinagot. "Maruh Velarde.. Sir." sagot ko at mataman syang tinitigan. Ngayon pa lang ay may kutob akong nadarama sa biglaang pagsulpot niya. "Okay. You may seat Miss Velarde." may diin niyang pagbigkas sa apelyido ko. "Thank you Sir." saka ako naupo. Nagpatuloy sa pagdiscuss si Shin. Anong plano mo at pati dito ay nakuha mo 'kong sundan?Titig pa rin ako kay Shin. Iniisip ang mga posibleng dahilan kung 'bakit' siya nandito. Habang is

  • Her Dark Side    Chapter 7

    MARUH's POVPagkalabas ko ng room, nagdaresto ako ng Dean's Office. Ang hindi ko maintindihan, ano bang problema sa sinabi ko? Anong mali sa sagot ko? Masyadong nakakagago lang. Kapag sila ang magtatanong ng pabalang ay ayos lang, pero kapag ang nakakababa sa kanila ay hindi? Masyadong hindi patas na pakikitungo. Pagkarating sa front door ng D.O, kumatok ako ng tatlong beses. Sapat na upang iparating ang aking presensya. Nang wala akong makuhang sagot ay kusa kong binuksan ang pinto. Pagkabukas ko, bumungad sa'kin ang sanggano...este nakasimangot na mukha ni Mr. Lazo. Si Dean nama'y magkasiklop ang kamay na nakaupo sa magarang upuan sa kabila rin ng magara nitong mesa. "Good morning Dean." bati ko. "Good morning. Take a seat." paanyaya nito. "Mr. Lazo told to me everything Ms. Velarde. But I want to hear your side." mahinahong sabi ng Dean. Hindi ako nagsalita. 'Everything?'Hanggang saan naman kaya umabot ang katotohanan sa everything na sinasabi ni Dean? Hindi ko malaman kun

  • Her Dark Side    Chapter 6

    Sa hallway oa lang, rinig naming tatlo ang hindi magkamayaw na ingay na nagmumula sa 'di kalayuan. Nagkatinginan kaming tatlo saka agarang tumakbo para makalapit sa pinagmumulan ng ingay. Sa room 4A!Pagkapasok na pagkapasok namin, naratnan namin ang nagkakagulong mga estudyante habang ang dalawang kasamahan ni Roy ay hawak si Hambog sa magkabilang braso. Bago na ang suot nitong damit.'Anong nangyayari dito?'Mas lumapit pa ako sa mga ito. Magsasalita na sana ako para awatin sila nang akmang ihahampas ni Roy ang libro sa mukha ni Hambog. Subalit t hindi iyon tumama rito nang paikot na tumalon patalikod si Hambog kasabay sa pag-ikot nito ay isang sipa sa dibdib ni Roy, dahilan para mapaatras ito at matumba. Ang lahat ay nabigla sa ginawa niyang iyon. Na kahit ako ay napatanga sa ikinilos nito.Nang makawala sa pagkakahawak sa mga lalaking pumipigil sa kanya, buong pwersa niyang hinigit ang isang braso nang b

  • Her Dark Side    Chapter 5

    "Grabe pre! Akalain mong may naglalakas loob ng banggain ang 'sang tulad mo? Hahaha!!" pang-aasar na komento ni Kevin. "Isang Drix Tharn Sebastian, hindi kilala? Bago 'yon pre sa kasaysayan mo! Hahahaha!! Ang astig niya lang." tatawang dagdag pa nya. "Anong astig dun? Eh ikaw na nga ang nagsabi. BAGO lang sya. Kaya hindi PA.. nya ako kilala. Pero 'wag syang mag-alala, dahil magpapakilala ako sa kanya ng maayos!" ngisi kong tugon. At sisiguraduhin kong hindi mo makakalimutan kung pa'no ako magpakilala. "'Yan! 'Yang ganyang ngisi mo pre, alam na alam ko 'yan! Ngisi ng taong nagbabalak ng masama!" si Kevin . "Baka trip mo 'yon? Hahaha!!" si Steve. "Gusto mong sapak? Trip pinagsasabi mo dyan? 'Wag ka ngang patawa!" inis kong sabi kay Steve. "Easy! Makareact oa ah?" si Steve. Nagtawanan naman silang dalawa. Tsk! Kahi

  • Her Dark Side    Chapter 4

    "I am talking to you!" may pang-gigigil sa boses nito. Ano pa bang aasahan ko? Sa bungad pa nga lang, may umentrada na ang bibig, hindi na 'ko magtataka kung hanggang dito may mga asungot, tulad nitong nasa harap ko. "Bingi ka ba? Tinatawag kita 'di ba?" medyo pikon na niyang sabi. Tiningnan ko lang sya. "Pabida ka din eh 'no? Hindi dahil nilapitan kita ay magpapa-trying hard ka pa?" mahihimigan ang kayabangan sa sinabi nya. Ano bang problema nito? "Pre mukhang may katapat ka na ah?" natatawang sabi ng nasa likuran nya. "Hah! Eto? Magiging katapat ko? Nagpapatawa ka ba Constantino?" mayabang niyang sabi. Saka muli akong hinarap. "Eh pagsalita nga hindi magawa, ang maging katapat ko pa kaya?" ngumisi sya ng nakakaluko at saka tumayo ng ayos sa harap ng mesa ko. "Baka pipi? Kaya hindi nagsasalita. Hahahaha!" tawang komento nung isang at nakitawa ang karamihan.

  • Her Dark Side    Chapter 3

    Lunes. Ngayong araw ang simula ng pasukan kaya mas minainam kong gumising nang maaga. Agad akong nagtungo sa banyo para maligo. Matapos ang halos isang oras na pagliligo ay nagbihis 'ko. Nagtungo ako sa kusina saka nagtimpla ng tsaa at nagluto ng umagahan. Tanging hotdog at omelette lang ang niluto ko. Nang matapos akong kumain, hinugasan ko ang mga gamit na pinagkainan ko saka nag-toothbrush. Nang maisaayos ko na ang lahat at wala na akong nakalimutan, isinukbit ko ang bag sa balikat ko at saka isinuot ang aking eyeglass. Lumabas na 'ko ng bahay saka binuksan ang gate para ilabas ang motor ko. Nang masigurado kong ayos na ang lahat, saka ako sumakay at pinaharurot ang motor paalis. Brooooom!!! Ilang minuto ang itinagal ng pagbyahe ko at narating ko ang parking lot ng school. Agaran kong inayos ang pagkakagarahe ng motor ko

  • Her Dark Side    Chapter 2

    Alam kong ang lahat ng nangyayari ay panaginip lang. O mas nararapat yatang sabihin kong... bangungot! Bangungot ng nakaraan na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinatagahimik. Nanatiling pumapaloob sa aking isipan ang bawat makapanindig-balahibong halakhak ng mga estranghero... pumatay sa aking ina! Ang bawat daing dulot ng karahasan at pighati ng aking ina ang nagpabalik malay sa akin mula sa pagkakatulog. "Maaaaaa!!!" pabalikwas akong napabangon nang maisatinig ko ang pagtawag sa aking ina. Briiizz!! Napahawak ako sa sariling ulo at pinasadahan ito ng hagod pababa hanggang batok dahil pakiwari ko'y sasakit ito dahil sa nanangyari. Tumingin ako sa orasan.. 8:10 am pa lang! Briiizz!! Pinapahupa ko pa ang nararamdaman ko. Nang paulit-ulit na tumutunog ang buzzer na nakanonekta sa gate ng inuupahan kong bahay. 'Sino ba 'tong walang magawa sa bu

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status