Share

Chapter 2

Author: fairysvn
last update Last Updated: 2023-10-04 13:27:05

NAMAMANGHANG nakatingin si Rizel sa harap ng building ng mga Aragon. Binibilang pa nga niya kung ilang palapag pero naduduling na lang siya hindi pa niya nabilang. Gano'n kataas ang building.

Naglakad siya patungong entrance at kinausap ang guard na naroon.

"Good morning." Bati niya rito.

"Good morning ma'am. Ano pong kailangan nila?" Pormal namang sagot nito.

"Pwede ko po bang malaman kung nandito ngayon si Mr. Kade Von Aragon?"

"Ayun po siya ma'am." Sagot naman nito at itinuro ang isang itim na sasakyan na papaalis na.

Agad na nanlaki ang mga mata niya. Kailangan niya itong maabutan.

Agad siyang nagpasalamat sa guard at nagmadaling umalis para mag-abang ng taxi na agad namang dumating.

"Pakisundan po 'yong itim na sasakyan." Turo niya pagkasakay sa taxi. Nakakunot-noong tinignan siya no'ng driver.

Pinandilatan niya ito. "Ano kuya? Magdrive ka na. Baka makalayo pa 'yon." Napailing naman 'yong driver pero pinatakbo na rin ang sasakyan.

"Boyfriend mo ba 'yon?" Usisa sa kanya no'ng driver habang tinitignan siya nito sa salamin.

Umismid siya. Napachismosa naman kasi nito. "Asawa ko po 'yon at mukhang magkikipagkita na naman sa babae niya. Kaya baka pwedeng pakibilisan." Sarcastic na sagot niya at bahagyang pinaikot ang mga mata.

"Wag ka kasing mag-asawa ng mayaman. Mga babaero 'yang mga 'yan. Mabuti pa kaming mga driver, stick to one." Anito na mukhang hindi napansin ang tuno ng pananalita niya.

"Oo na kuya ikaw na ang mabait." Walang-ganang tugon niya. Naiinip na siya. Kailangan na niyang makakuha ng impormasyon sa lalong madaling panahon.

"Kaya kung sakaling ipagpapalit mo 'yang asawa mo. Sa driver na lang na katulad ko." Nakangiting anito at bahagya pa siyang liningon saka kinindatan.

Umismid siya at hindi na lang nagsalita. Halata naman kasing nagpapacute lang ito sa kanya.

Makalipas ang ilang sandali ay pumasok ang sasakyan ng sinusundan nila sa isang paaralan.

Pinatigil naman niya ang taxi sa isang banda malapit sa paaralan at doon planong hintayin ang paglabas nito para masundan nilang muli.

Hindi siya sigurado pero may hinala siyang pinuntahan nito ang kapatid. Bago kasi siya pumunta sa building ng mga Aragon kanina ay nagresearch siya ng kunti tungkol dito at nalamang may nakababata itong kapatid na babae.

Hindi naman nagtagal ang paghihintay nila at agad din itong lumabas kaya nagmamadaling pinasundan niya ito.

Huminto ang sasakyan nito sa isang Mall kaya agad na kumunot ang noo niya. Pumapasok din pala ito sa mall? Akala niya kasi puro trabaho lang ang inaatupag ng mga mayayamang kagaya nito.

Nagbayad na siya sa driver at agad na lumabas nang makita niyang lumabas rin si Kade sa sasakyan. Pero nagulat siya nang makitang kasama nito ang kapatid. Kaya naman pala nasa mall.

Pasimple siyang sumunod nang pumasok ang mga ito sa gusali.

Sa bookstore ang mga ito nagtungo kaya gano'n din ang ginawa niya.

Pinagmasdan niya ang mga ito na pumipili ng mga librong bibilhin. Tinignan niya si Kade na walang emosyon ang mukha habang hinihintay na makapili ang kapatid. Mukha itong suplado pero sobrang gwapo, lalo na sa malapitan. Kaya hindi na siya nagdududa kung bakit nagkakandarapa ang mga babae rito.

Hindi niya namalayang titig na titig na pala siya rito at laking gulat niya nang bigla itong lumingon sa gawi niya at nahuli siya nitong nakatingin. Agad siyang umiwas at nagkunwaring naghahanap ng bibilhin.

Makalipas ang ilang segundo, sumilip siyang muli at nakitang lumipat ang mga ito kaya agad naman niyang sinundan.

Maya't maya ang pagsulyap niya sa mga ito at nang titignan niya sanang muli sa ika-apat na pagkakataon, sabay silang napalingon kaya nagkatitigan na naman sila.

Kagaya kanina, mabilis niyang iniwas ang tingin dito at nagkunwaring binabasa ang librong hawak.

Tinakip niya ang libro hanggang sa ilong at pasimpleng tinignan ang kinaroroonan ng magkapatid.

Napakunot ang noo niya nang hindi niya nakita ang mga ito. "Nasaan na sila?" Nagtatakang bulong niya habang sinusuri ang buong store.

Panay ang silip niya sa iba't ibang parte do'n pero wala siyang makitang magkapatid na Aragon. "Nasaan na ba 'yong mga 'yon? Hindi sila pwedeng mawala sa paningin ko."

"At bakit?"

"Ay gwapo!" Muntikan na siyang mapatalon sa gulat nang may biglang magsalita sa likuran niya.

Sapo-sapo ang dibdid na agad niyang hinarap ang walang-modong nanggulat sa kanya pero pagharap niya, mas lalo siyang nagulat nang malaman kung sino ito.

"Why are you following us?" Tanong nito habang nakataas ang kilay at titig na titig sa kanya.

Agad siyang nag-isip ng palusot.

Pinakunot niya kunwari ang noo at tinignan ito. "Are you referring to me?" Turo niya sa sarili habang palinga-linga sa paligid at tinitignan kung siya nga ang kausap.

Hindi nawala ang taas ng kilay nito. "Stop playing pretend."

Tumataas din ang kilay niya at tumawa ng nakakainsulto. "Sorry mister but I don't even know you. Kaya bakit naman kita susundan aber?"

Naglakad ito papalapit sa kanya kaya bahagya siyang napaatras.

Hinagod siya nito ng tingin kaya mas lalong tumaas ang kilay niya. "Alam mo kung isa ka sa mga naging babae ko, pasensya na, wala sa bokabularyo ko ang imemorize mga pangalan at mukha niyo. Lalong-lalo naman ang makipagrelasyon sa inyo. Kaya kung ako sa'yo, tigilan mo na ang kakasunod mo sa akin dahil wala ka rin lang mapapala." Anito at nagsmirk pa.

Umismid siya rito. Sobrang yabang naman pala ng isang 'to. Siya naman ang naglakad palapit dito at sa sobrang gulat, ito naman ang napaatras. "Don't flatter yourself dahil hindi ka naman gwapo para sundan ko. At isa pa, hindi ikaw ang tipo ko kaya 'wag kang feeling." Tugon niya rito at tinalikuran na ito saka taas noong naglakad palabas ng bookstore.

Pumasok siya sa isang shop na katapat ng store at doon pasimpleng hinintay ang paglabas ng magkapatid.

Ilang minuto pa ang lumipas nang lumabas at mga ito dala ang mga pinamili. Hinintay niyang makalayo ng kunti ang mga ito bago niya sinundan.

Pumasok ang magkapatid sa isang mamahaling restaurant. Napalunok siya ng bongga. Hindi siya makapasok dahil hindi niya afford ang mga pagkain do'n. Masyadong mamahalin.

Tinignan niya ang relong nasa bisig. Mag-aalas dose na ng tanghali at nagugutom na rin siya.

Agad siyang naghanap ng mas murang makakainan na hindi malayo sa mga ito.

Nang makakita ay agad siyang naupo at umorder habang pinagmamasdan pa rin ang pwesto nina Kade.

Panay lang ang kwentuhan ng mga ito. Nakikita niyang maya't maya ang pagtawa ni Kade samantalang halata naman ang pagkairita sa kapatid nito. Mukhang tinutukso yata nito ang kasama.

Higit isang oras kumain ang mga ito kaya nakain na lang niya lahat pati kutsara, tinidor at tissue, hindi pa rin tapos ang dalawa.

Ganyan ba talaga katagal kumain ang mga mayayaman? Parang hindi naman kasi sa mga napapanuod niya. Ang dali nga ng mga itong mawalan ng gana.

Pagkatapos kumain ay naglibot-libot pa ang dalawa at bumili ng kung ano-ano. Panay lang naman ang sunod niya. Buti na lang hindi na siya napansing muli ni Kade. Kapag kasi sumusulyap ito sa gawi niya, agad siyang nakakapagtago. Pero napagod na lang siya at lahat-lahat, wala pa ring napapala.

Nakasakay siya ngayon sa taxi at kasalukuyang pinapasundan ang kotse ni Kade.

Pumasok ang sasakyan nito sa isang subdivision.

"Ma'am sino po ba 'yong sinusundan natin at ano ang gagawin ninyo sa loob?" Tanong ng driver matapos ihinto ang sasakyan sa di kalayuan at tinignan pa siya nito.

Tumaas ang kilay niya. "Bakit ba kailangan mo pang malaman kuya. Hindi ba pwedeng sundan na lang natin? Kaya pwede bang magdrive ka na at baka makalayo pa ang mga 'yon." Aniya at pinandilatan pa ito.

"Hindi po tayo basta-basta na lang makakapasok diyan ma'am. Mahigpit po ang security nila at hindi nagpapapasok ng kung sino-sino lang. Maliban na lang kung may kakilala po kayo na nakatira diyan at maipapaliwanag ng mabuti ang pakay ninyo. Ihahatid ko na po kayo ngayon din."

Akmang magdadrive na ito nang pigilan niya. "Wait lang kuya." Naglabas siya ng pera sa wallet. "Dito na lang po kayo." Binigay niya ang bayad sa driver at lumabas na.

Tinigan niya ang mga securities na nasa guard house na maiging nagmamasid sa paligid.

Nag-iisip siya ng paraan kung paano makakapasok nang may biglang dumating na guard din at may bibit na maraming box ng pizza kaya nagkagulo silang lahat at nagtungo do'n para magmeryenda.

Napasuntok siya sa hangin sa sobrang tuwa. Mukhang sang-ayon sa kanya ang panahon ngayon.

Inilabas niya ang jacket na nasa bag niya at agad itong isinuot. At habang busy ang mga ito sa pagkain ay pasimple siyang pumasok habang dahan-dahan ang bawat galaw para hindi siya mahalata. Na napagtagumpayan naman niya.

Nakahinga siya ng maluwag nang malayo na siya sa guard house. Grabe lang! Dinaig pa niya ang mga sasaeng fans ng mga k-idols sa ginagawa niya.

Naglakad-lakad siya habang pinagmamasdan ang bawat bahay na nadadaan niya. Iba-iba ang mga disenyo at lahat puro magaganda.

"Nasaan kaya ang bahay nila?" Bulong niya. Limang bahay na ang nalampasan at hindi niya alam kung alin do'n ang bahay ng mga Aragon.

Akmang ilalabas na niya ang cellphone para magresearch ng mapatingin siya sa isang bahay na hugis eroplano. Mukhang ito na nga ang bahay ng mga Aragon dahil nakita rin niya sa gate ang napakalaking letter A.

Tumingin siya sa paligid at nang makitang walang tao, agad siyang lumapit sa gate.

"Wow gano'n sila kaadik sa eroplano na pati bahay nila eroplano din?" Bulong niya habang pinagmamasdan ang napakalaki at napakagandang bahay na nasa harapan.

Nagpalakad-lakad siya habang nag-iisip ng susunod na gagawin. Hindi niya kasi alam kung lalabas pa ba ito mamaya o hindi na.

Napatigil siya sa paglakad at agad na nagtago sa isang malaking halaman na nasa gilid ng gate nang bigla itong bumukas.

Grabe ang pagdarasal na ginawa niya na sana ay 'wag siyang mahuli ng kung sino mang lumabas.

Bahagya siyang sumilip para matignan kung sino ang naroon dahil wala naman siyang narinig na tunog ng sasakyan.

Napakunot ang noo niya ng walang makitang tao sa labas. "Nadetect lang ba ako no'ng gate nila kaya bumukas?" Naguguluhang tanong niya sa sarili.

"What are you doing here?"

"Ay!" Napatalon siya sa gulat nang may biglang nagsalita sa likuran niya.

At dahil nakaupo siya, tiningala niya ito at napatakip ng bibig habang nanlalaki ang mga mata at agad na iniwas ang tingin rito. OMG! Of all people, bakit siya pa ang nakakita sa'kin? Mariin niyang ipinikit ang mga mata habang nag-iisip ng pwedeng maging palusot.

Kinuha niya ang sintas ng sapatos at nagkunwaring inaayos ito bago tumayo at hinarap si Kade.

"Inayos ko lang ang sintas ko." Napatigil siya at kunwaring kumunot ang noo. "You look familiar." Nagkunwari siyang nag-iisip. "Ah I knew it! You're that jerk from the bookstore." Nakita niyang tumaas ang kilay nito.

"Stop fooling around." Madiin sabi nito.

Tumaas ang kilay niya. "Alam mo, hindi ka siguro marunong lumabas kaya hindi mo kilala ang mga nakatira dito. So para sa kaalaman mo, nakatira ako rito kaya kung inaakala mong sinusundan na naman kita, well nagkakamali ka."

Nakita niya ang pagsmirk nito. "You live here huh?" Lumapit ito sa kanya dahilan para mapaatras siya. Ba't ba kasi ang hilig nitong lumapit? At bakit ba siya umaatras? Humakbang muli ito kaya napaatras din siya. Pero sa kasamaang palad, hindi niya namalayan ang halaman na nasa likuran at muntikan ng matumba mabuti na lamang at nahawakan ni Kade ang kamay niya.

Tinignan niya ang mukha nito at nakitang nakangisi ito sa kanya. Agad niyang kinuha ang kamay mula rito at umayos ng tayo.

"For your information Miss Stalker, I know all my neighbors. Because they are my friends' families. So If I were you, I will leave before I call the police to drag you out." May diing sabi nito. Agad siyang napalunok sa narinig.

"Hehehe ikaw naman di mo sinabing bingi ka pala. May sinabi ba naman kasi akong dito ako nakatira? Ang sabi ko nagjajogging lang ako dito." Kinakabahang aniya at nagkunwaring nagjajogging.

Narinig niya ang pagtikhim nito at nakitang mariin nitong kinagat ang labi na parang nagpipigil ng tawa kaya napakunot-noo siya.

"That's not what you wear when you go jogging." Anito at hinagod pa siya ng tingin.

Tinignan niya ang suot at gustong tampalin ang noo dahil sa kahihiyan. Sa lahat kasi ng pwedeng irason, ang pagjajogging talaga ang naisip niya habang nakasuot ng jeans at jacket at may dala pang backpack. Ang tanga lang.

Pero siyempre hindi niya pinahalatang nabuko siya at napahiya. Taas noo niya itong tinignan. "Hindi mo ba alam ang salitang 'sense of fashion'? Ganito na kaya ang uso ngayon." Sabi niya at sinimulan ng tumakbo paalis sa harapan nito.

No'ng medyo makalayo na siya ay nilingon niya ito at nakitang nakatingin din ito sa kanya.

Kumaway siya rito. "Bye! See you when I see you." Aniya at mas binilisan pa ang takbo.

Hinarang naman siya ng mga guards no'ng papalabas na sana.

"Sino ka? At saan ka galing?" Tanong no'ng isa.

"Siguro magnanakaw ka noh?" Sabi naman no'ng isang mataba.

Agad siyang umiling.

"Kung gano'n ba't ka tumatakbo?" Usisa naman no'ng isa pa.

Hinihingal na humarap siya sa mga ito. "May kakilala akong nakatira diyan. At kaya ako tumatakbo dahil ayokong magpahatid."

Nagkatinginan ang mga ito at halatang hindi naniniwala sa sinabi niya.

"Anong pangalan mo? Para matignan namin sa guests list." Agad siyang napalunok at pinagpawisan.

Ilang segundo na ang lumipas pero hindi pa rin siya nagsasalita kaya halata na ang pagkainip sa mukha ng mga guards.

"Ano sagot!?" Sabi no'ng mataba kaya agad niyang tinignan ng masama. Kailangan ba kasi talagang tumaas ang boses nito? At hindi lang 'yon. Ginaya pa nito si Daniel Padilla.

Akmang magsasalita na sana siya nang may biglang tumawag sa teleponong nasa harapan nila.

Sinagot naman 'to no'ng matabang guard na sa tingin niya ay ang head of security.

"Yes sir? Opo sir...opo nandito po." Napatingin ito sa kanya kaya tinaasan niya ito ng kilay. "Okay po sir." Binaba nito ang telepono at tumingin muli sa kanya.

"Makakaalis ka na." Anito kaya agad na nagliwanag ang mukha niya sa narinig.

"Seryoso ba yan?" Gusto niyang kumpirmahin ang sinabi nito. Baka paasa lang din 'to kagaya ng mga kauri.

"Bakit? Ayaw mo ba?" Agad siyang umiling sa tanong nito.

"Siyempre gusto. Naninigurado lang." Nginitian niya ang mga ito. "Pwedeng pakitaas ang mga kanang kamay niyo?"

Nagkatinginan muna ang mga ito at kahit nagtataka ay tinaas pa rin ang mga kanang kamay.

Isa-isa niyang inapir ang kamay ng mga ito. No'ng nasa panghuli na siya at naapir na niya, tinignan niya ang mga ito. "Alis na ako mga bossing. Salamat." Aniya at sumaludo pa bago tumalikod at sinimulan ng maglakad.

No'ng makalayo na, napabuntong-hininga na lang siya.

Day 1: Failed

Related chapters

  • Hate That I Love You   Chapter 3

    KASALUKUYANG nakaupo sa waiting area ng opisina ni Adrian Lagdameo si Rizel habang hinihintay itong tawagin para sa interview niya. Dahil nga sa nabigo siya kahapon sa pagkuha ng impormasyon, kinausap niya ang kaibigan na tulungan siyang makapasok bilang server sa bar ni Mr. Lagdameo. Naisip niyang mas marami siyang makukuhang impormasyon tungkol dito kapag nakapasok siya do'n. At dahil close naman si Adrian at ang kaibigan niya agad naman itong pumayag nang irekomenda siya nito.Busy siya sa pagmumuni-muni nang tumunog ang intercom kaya bahagya pa siyang nagulat. Tumayo na ang sekretarya ni Mr. Lagdameo at nakita niyang pumasok ito sa loob ng opisina. Hindi pa siya nakakapagbilang ng sampo nang lumabas ito at pinuntahan siya. "Pwede na kayong pumasok ma'am." Tumayo siya at iginaya naman siya nito papasok. Agad siyang nagpasalamat nang pagsarhan siya nito ng pinto. Namamanghang inilibot niya ang tingin sa loob ng opisina pagkapasok niya. "Baka gusto mong umupo."Agad na napabal

    Last Updated : 2023-10-09
  • Hate That I Love You   Chapter 4

    RIZEL was busy making a draft of her report when Miss Gaspangin went to her and asked."How's the report with Mr. Aragon going?"She wanted to roll her eyes so bad but didn't do it. Instead, she turned her back and look at her with a fake smile. "I can't seem to find any information about him as of now ma'am because he's been acting normal for the past two weeks. But I assure you that I can get it before the deadline."Tumaas ang kilay nito. "I hope so. Because if not, goodbye work." Anito at iminuwestra pa ang kamay na parang nagbababye. "So if I were you, I'll move quickly before its too late." Pagkatapos nitong sabihin 'yon sa kanya ay bigla na lang itong tumalikod at umalis na.She gritted her teeth. Kunting-kunti na lang talaga masasabunutan na niya ito.Tinignan niya ang mga kasamahan na pare-parehong busy sa pag-aayos ng kanya-kanyang gamit. Napatingin siya sa relong nasa bisig at nakitang oras na pala ng uwian. Hindi na niya napansin dahil sobrang busy siya sa paggawa ng mga

    Last Updated : 2023-10-11
  • Hate That I Love You   Chapter 5

    NAGISING si Rizel sa isang di pamilyar na kwarto. Hindi niya matandaang ganito kaganda ang bahay ng auntie niya kaya nagtataka siya kung bakit siya narito at kung kaninong bahay ito. Sinubukan niyang bumangon pero bigla siyang nahilo kaya agad ding humiga."Shit! Papatayin ko talaga ang bruha na 'yon."Ipinikit niya ang mga mata pero agad ding napamulat nang may maramdaman siyang kakaiba. Tinignan niya ang comforter at halos lumuwa ang mga mata sa sobrang gulat dahil sa nakita. Kulang na lang din ay pasukan na ng langaw ang nakaawang niyang bibig.SHE'S WEARING NOTHING FOR HEAVEN'S SAKE!!Nagmadali siyang tumayo kahit nahihilo, at hila-hila ang comforter na naglakad patungo sa closet at binuksan ito para kumuha ng maisusuot. Tumambad sa kanya ang napakaraming damit panlalake kaya mas lalong nanlaki ang mga mata niya.So this is a man's house? But who? She can't remember anything.Nangalaiti siya sa galit. Mapapatay na niya talaga ang kaibigan. Ito ang pasimuno kung bakit siya narir

    Last Updated : 2023-10-16
  • Hate That I Love You   Chapter 6

    RIZEL was drinking wine when her friend showed up out of nowhere."Ang ganda natin ngayon ah." Tukso nito sa kanya kaya napairap siya ng sobra. Paano ba naman kasi, pinupuri na naman nito ang sariling gawa. Ito kasi ang nag-ayos sa kanya para sa party ngayong gabi.She's at Albert Reynolds' Party tonight and the reason why? It's so simple..Flashback"I want you to be my date on the party later." Ani Kade pagkatapos siya nitong walang habas na halikan. Tinaasan niya ito ng kilay. "And why would I agree with you?"Ngumiti ito saka siya hinila paupo sa sofa kasama nito. Pero 'yong nga lang, hindi siya sa sofa mismo umupo kundi sa mga hita nito. "What the.." Pinanlakihan niya ito ng mga mata pero ngumisi lang ang kumag at niyakap siya sa bewang. Pinukol niya ito ng masama tingin. "Bitiwan mo nga ako!" Pagpupumiglas niya. "Stay still." Pagpapakalma naman nito at gano'n lamang ang gulat niya ng halikan siya nito sa baba. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Wait! Is this guy trying to

    Last Updated : 2023-10-18
  • Hate That I Love You   Chapter 7

    HINDI pinansin ni Rizel ang mga matang nakatingin sa kanya at mga nagbubulungan habang naglalakad siya papunta sa department nila. Alam na niya kung bakit ganito umasta ang mga ito. Kaya panay ang ngitngit niya at gusto na lang ilibing ng buhay si Kade Aragon. Pagdating niya sa table ay agad siyang pinalibutan ng mga kasama kaya napairap siya ng sobra. "Vaklang two! Bakit hindi mo sinabing jowabels mo pala si fafa Kade." Eksaheradang sabi ni Rubi at sinabunutan pa siya ng mahina kaya pinukol niya ito ng masamang tingin."Oo nga. Bakit hindi mo sinabi sa'min?" Sabi naman ni Melody pero hindi niya pinansin at binuksan ang laptop. "Pero di ba ikaw 'yong nakaassign sa report tungkol sa kanya? So ano na ngayon? Kayo na ang nasa headlines. 'Yon nga lang sa E'scoop na naman ang report." Sabat naman ni Cykie kaya napahilamos na lang siya ng mukha at napapikit ng mga mata. Umagang-umaga inistress na naman siya ng mga ito and it's all because of that damn Kade Aragon and his crazy stunt las

    Last Updated : 2023-11-11
  • Hate That I Love You   Chapter 8

    IT'S BEEN ONE WEEK since her cousin's accident. Okay na ito ngayon pero nasa ospital pa rin at nagpapagaling. Ngayon na lamang siya ulit makakapasok dahil nagfile siya ng leave for a week para mabantayan ang pinsan."Good morning vakla!" Bati sa kanya ni Rubi pagdating sa lamesa niya. Lumapit ito sa kanya. "Kumusta si fafa Ian?" Tanong nito. "Okay na siya sa awa ng Diyos." Nakangiting tugon niya. "Mabuti kung gano'n." Nagagalak namang anito. "Pero alam mo ba na bibisita ngayon si Mr. Castro.""Talaga? Bakit daw?" Ilang buwan na rin kasi simula ng hindi ito bumisita. Three months kasi itong nasa ibang bansa at halos dalawang buwan naman na ang nakalipas simula ng makauwi ito pero hindi man lang ito pumunta sa office nila. Kaya nagtataka siya kung anong meron ngayon. "Hindi ko alam. Siguro na miss ka lang." Pang-aasar nito kaya napaikot na lang siya ng mga mata. "Sa tingin mo, ano ang reaksiyon niya ng malaman niyang may fiancee ka na? Nasaktan kaya siya?" Pang-iintriga nito kaya t

    Last Updated : 2023-11-12
  • Hate That I Love You   Chapter 9

    DUMIRETSO agad si Kade sa bar ni Adrian pagkatapos niyang ihatid si Rizel sa ospital. "Akala namin hindi ka na makakapunta." Bungad ni Lander pagbukas niya ng pintuan. Hindi siya nagsalita at nagtuloy-tuloy lang papunta sa sofa at naupo. "Anong problema mo?" Tanong ni Ranz sa kanya pero hindi niya rin pinansin at binuksan lang ang beer saka tinungga. "Tangina! Hindi ka siguro nakascore kagabi kaya ganyan ka." Pang-aasar ni Jesther kaya agad niyang sinamaan ng tingin. "Shut up!" Natawa naman ito pagkatapos uminom ng beer. "Ano ba kasing problema? May nangyari ba sa dinner niyo? Ba't nandito ka na agad?" Dire-diretsong tanong ni Rhino kaya ito naman ang sinamaan niya ng tingin. Agad naman nitong tinaas ang dalawang kamay. "Chill! I'm just asking."Hindi na lang niya ito pinansin at agad na inubos ang beer na hawak saka nagbukas ulit ng bago. "Woah brad! Teka lang naman!" Pag-awat sa kanya ni Jesther kaya tinignan niya ito at tinaasan ng kilay. "Kunti lang ang inorder namin dahil

    Last Updated : 2023-11-12
  • Hate That I Love You   Chapter 10

    NAPABALIKWAS ng bangon si Rizel kinaumagahan nang makita niya kung nasaan siya. Tinignan niya ang katabing si Kade na mahimbing na natutulog. At habang pinagmamasdan niya ito ay biglang sumagi sa isip niya ang nangyari kagabi.Wala sa sariling napahawak siy sa labi. Nakipaghalikan ba talaga siya sa lalakeng ito kagabi? At bakit ba niya ginawa ang bagay na 'yon? Napatampal na lang siya sa noo. Hindi na rin niya maintindihan ang sarili.Nataranta siya ng bigla itong gumalaw kaya nagkunwari siyang natutulog. "Fuck!" Rinig niyang mura nito.Nag-inat siya para kunwari kakagising lang niya. Tinignan niya ito at nakitang nagtatakang nakatitig lang ito sa kanya. "Why are we here?"Tumitig siya rito. "You don't remember anything?" Takhang tanong niya. "Fuck!" Mura nitong muli sabay hawak sa sentido. Mukhang sumasakit ang ulo. "Would I ask if I remember what happened?" Medyo iritableng sagot nito. Hindi niya alam pero parang may kung anong kirot siyang naramdaman sa puso niya. Di ba dapat

    Last Updated : 2023-11-12

Latest chapter

  • Hate That I Love You   Epilogue

    "PICTURE TIME!" Natawa si Rizel ng biglang sumigaw si Adrian at papunta na sa kinaroroonan nila pero biglang hinila ni Melanie. "Wag kang epal. Families muna." Saway ni Melanie rito. "What? We're families." Reklamo naman ni Adrian at maglalakad na naman sana pero piningot na ni Melanie ang tainga. "Ba't ba ang kulit mo ha Lagdameo?" Gigil na sabi nito. "Ouch!" Tinignan ni Adrian ng masama ang katabi. "Masakit 'yon ah. Halikan kita diyan eh."Pinakita naman ni Melanie ang kamao rito. "Subukan mo at sasapakin ko 'yang labi mo.""Aba't!" Pana'y ang tinginan ng matalim no'ng dalawa kaya inawat na ni Lander. "Tama na nga 'yan. Magmahalan na lang kaya kayong muli para mas masayang tignan." Kindat nito sa dalawa na agad namang nalukot ang mukha. "E kung sa'yo ko kaya patamain 'tong kamao ko? Ano sa tingin mo?" Inis na sabi ni Melanie. Natawa siya saka tinignan si Kade na nasa tabi at nakitang tumatawa rin. "Pumuwesto na po kayo para makapagpicture na." Anang photographer kaya nabaling

  • Hate That I Love You   Chapter 22

    "LOVE!" Galit na nilungon ni Rizel si Kade ng marinig niya sa ikasampong beses ang boses nitong tinawag na naman siya habang sinusundan sa dalampasigan. "Isa na lang Kade. Malilintikan ka na talaga sa'kin." Banta niya rito at pinandilatan pa ito. Tumalikod siyang muli saka naglakad pero agad ding napatigil ng harangan siya nito. Tinaasan niya ito ng kilay. "Hindi mo talaga ako titigilan?" Umiling lang naman ito bilang sagot."Ah gano'n? Okay!" Tumango-tango siya sabay sipa sa binti nito. "Fuck!" Mura nito habang hawak ang binting nasaktan.Nginitian niya ito ng peke bago ito nilampasan at naglakad na paalis. Maya-maya pa'y naramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa likuran kaya agad siyang napatigil. Handa na sana siyang harapin at sapakin ang kung sino mang walang habas na yumakap sa kanya ng bigla itong magsalita. "Patawarin mo na ako mahal ko. Please." Pagsusumano nito at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya. Umismid siya. "Kakapatawad ko pa lang sa'yo sa isa mong kasala

  • Hate That I Love You   Chapter 21

    KALALABAS lang ni Rizel sa opisina nila. Siya na lang ang narito kasi nag-overtime siya dahil sa report na tinapos. Hinihintay niya ang ama dahil sabi nitong susunduin siya at magdidinner daw sila. Sa totoo lang hindi pa sila gano'n kaclose pero ginagawa naman nito ang lahat para mapalapit sila sa isa't isa. Tinanggap naman na niya ito sa buhay niya bilang ama pero naiilang pa rin talaga siya dahil ilang taon din niya itong hindi nakasama.Makalipas ang ilang minutong paghihintay ay may itim na sasakyang huminto sa harapan niya. Kumunot ang noo niya dahil hindi naman ganito ang sasakyan ng ama. Agad siyang nakaramdam ng takot kasi parang pamilyar sa kanya ang tagpong ito. At mas nadagdagan pa ang kaba niya ng may apat na lalakeng lumabas mula roon na nakasuot ng bonnet. Tatakbo na sana siya pero mabilis siya nitong nahawakan no'ng isa. "Ano bitiwan niyo ako!" Pagpupumiglas niya. Pero mas malakas ang mga ito. Dalawa na ang humihila sa kanya habang ang dalawa naman ay nasa likuran n

  • Hate That I Love You   Chapter 20

    IT'S BEEN WEEKS since Kade last saw Rizel. "What you told Xander inside was really meant for you right?" Ani Rhino pagkalabas nila ng opisina ni Xander. Hindi siya nagsalita at nagdire-diretso lang palakad papuntang elevator. "Di marunong maghintay?" Tinignan siya ng masama ni Jesther. "Kaya kong maghintay. Ang di ko lang sigurado ay kung may hinihintay pa ba ako." Walang emosyong aniya habang nakatingin ng diretso sa papasarang pintuan ng elevator. Nagkatinginan naman sina Rhino at Jesther."Tangina brad! Hugot ba 'yon?" Natatawang tanong ni Jesther kay Rhino. "Anong malay ko sa hugot na sinasabi mo." Sagot naman no'ng isa habang halatang nagpipigil din ng tawa. Napailing na lang siya. Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na rin sila sa basement saka nagkanya-kanyang sakay sa mga sasakyan nila at pinaharurot papuntang bar ni Adrian. "Ano? Wala pa rin?" Tanong ni Lander pagpasok nila. Umiling naman silang tatlo. "Masyadong emotero ang gagong 'yon." Sagot ni Rhino. "Oo n

  • Hate That I Love You   Chapter 19

    "M...MR. IGNACIO?" Gulat na bulalas ni Rizel ng mapagtanto kung sino ang lalakeng katabi. She's familiar with this man because she had already seen his name on news and tabloids many times before."A..ano pong kailangan niyo sa'kin?" Kinakabahang tanong niya. Hindi naman niya maalalang may sinulat siyang mali tungkol rito. Ngumiti ito sa kanya. "I just want to formally introduce myself to you." Makahulugang anito kaya mas lalo siyang nagtaka. Nakita niyang may kinuha ito sa loob ng suit at inilabas saka pinakita sa kanya. "Do you know this woman?" Tanong nito. Agad niyang kinuha ang picture at tinignan. Nagulat siya ng makita ang mukha ng babaeng kasama ni Mr. Aragon sa Dubai ayon sa lumabas na report ng E'scoop noon na agad din nitong pinabura. Umiling siya at binalik kay Mr. Ignacio ang picture. "Pasensya na. Hindi ko po siya kilala.""So Amara really hide it from you." Nagtatakang napatingin siya rito. "Kilala niyo po si Aunti?"Tumango ito. "Yes. And this woman.." Pinakita nito

  • Hate That I Love You   Chapter 18

    PANAY ang sulyap ni Rizel kay Kade habang pasipol-sipol ito at hindi mawala-wala ang mga ngiti sa labi. "Kanina ka pa. Are you that happy?" Puna niya rito. "Of course. Who wouldn't? If the one you love, loves you too." Tinignan siya nito saglit at nagtanong. "Why? Aren't you?" Parang may pagtatampo sa boses nito. Nginitian niya ito, kahit hindi siya nakikita dahil nakatuon na muli ang mga mata sa daan. "Of course I am." Aniya at dumukwang ng kunti para halikan ito sa pisngi.Nakita niyang agad itong napangiti. "Fuck! Stop it! You're making my heart beats so damn fast." Anito habang kunwari seryoso ang tingin sa daan pero halata namang pinipigilan lang ang mga ngiti. Natawa siya at pinanggigilan ang pisngi nito. "Who would have thought that Mr. Kade Von Aragon can be this cute." Natatawang aniya."Well, what can I say. I was born with many charms." Pagmamayabang nito.She rolled her eyes. "Oo na lang."Natawa naman si Kade. "But seriously, I love you." "That was so sudden." Natata

  • Hate That I Love You   Chapter 17

    NAGISING si Rizel na may nakayakap sa kanya. Hinarap niya si Kade at tinitigan habang mahimbing pa rin na natutulog. Napakaamo ng mukha nito. Malayong-malayo sa itsura nito no'ng nakaraang linggo at sa mga nakalipas na araw. Ang tagal niyang nakatitig dito na hindi niya namalayang hinahaplos na pala niya ang mukha nito kung hindi pa ito bahagyang kumilos. Akala niya magigising na ito pero hindi naman kaya pinagpatuloy niya itong pagmasdan."Bakit ba ang gwapo mo?" Wala sa sariling tanong niya habang pinaglalandas ang mga daliri sa ilong pababa sa mga labi nito. "I was born this way Love. No need to question it." Nanlaki ang mga mata niya at agad na tinanggal ang kamay sa mukha nito ng bigla itong magsalita habang nakapikit pa rin.Dali-dali siyang bumangon para umalis na sana pero pinigilan siya nito at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry." He whispered.Nagtatakang tinignan niya ito at nakitang titig na titig ito sa kanya. "Sorry about what?" Tanong niya. "About what happened last w

  • Hate That I Love You   Chapter 16

    HALOS isang linggo na ang nakakalipas simula ng magkasagutan sila ni Kade.Hindi umalis si Rizel sa condo nito dahil sa takot na baka totohanin nga nito ang sinabi. Although hindi niya ipagkakailang naroon pa rin ang takot niya sa pwedeng gawin din ng ama nito pero iba kasi ang kay Kade. Parang ibang tao na ito sa mga nakalipas na araw kaya mas nagiging nakakatakot ito sa paningin niya. Ito na ba 'yong sinasabi nitong hindi niya gugustuhing makita itong galit? Kasi sa totoo lang, kinikilabutan pa rin siya kapag naaalala niya ang itsura nito habang pinagbabantaan siya sa pwedeng mangyari kapag ginawa niya ang gusto ng ama nito. Umiling siya. Hindi pa nga niya lubusang kilala si Kade.Sa mga nakalipas din na araw ay hinihintay niya ang gagawin ng ama nito pero sa awa ng Diyos wala pa naman. Ayaw man niyang isipin pero parang pinoprotektahan ni Kade ang pamilya niya. Dahil narinig niya ito isang gabi. Flashback Papasok na sana si Rizel sa kwarto nila ng marinig niya ang boses ni Kade

  • Hate That I Love You   Chapter 15

    TULAD nga ng sinabi ni Rizel ay maaga itong umuwi para kay Kade. Pero pagbukas niya ng pintuan ay agad siyang napaatras at wala na sanang balak pumasok dahil sa nakita pero huli na ang lahat dahil napansin na siya ng dalawang taong naglalandian."Love." Nanlalaki ang mga mata ni Kade at agad na tinulak paalis ang kalandian nitong si Katrina Vidal saka tumayo at lumapit sa kanya pero agad siyang umatras. "Wag mo akong lapitan." Matigas niyang sabi at tinignan ito ng masama."Look, let me explain first." Mahinahong anito. "Hindi mo kailangang mag-explain. Aalis na ako." Ngumiti siya ng tipid. Kanina lang ay hirap siyang mag-isip ng dahilan kung paano niya ito iiwan. At ngayon eto na nga, may dumating ng rason pero bakit ang bigat ng pakiramdam niya? Para siyang sinasakal sa sakit lalo pa't napagtanto niyang kaya siya nito sinabihan ng 'I love you' kanina dahil narito pala ang babaeng ito. Kahit hindi na ito mag-explain, alam naman niyang wala talagang nangyari dahil halata namang ayaw

DMCA.com Protection Status