"LOOK AT THE MESS YOU'VE CAUSED!" Napapitlag ang Mommy at kapatid ni Kade na kumakain nang ibalibag ng ama niya ang newspaper sa harapan nila. Siya naman ay parang walang narinig at tinuloy lang ang pagkain.
"Wag kang magbingi-bingihan at gawan mo 'to ng solusyon ngayon din!" Anang ama at ihinampas sa dibdib niya ang dyaryo pagkatapos naupo ito sa dulong bahagi ng mesa kaharap ang Mommy niya. Umismid siya at agad itong binuklat.Unang tumambad sa kanya ang picture nila sa party kagabi at nasa katabi naman nito ang picture niya kasama ang isang babae habang naghahalikan sila. Umiling siya. Kuha yata ito kagabi rin sa bar ni Adrian. Those press were really desperate.Binasa niya ang nakalagay dito.'AN ENGAGEMENT PARTY THAT TURNS INTO A MESS''Yan ang title nito. Binasa niya ang unang bahaging nilalaman ng ulat.'Kade Von Aragon, a well-known businessman and the son of Leandro Aragon of the Aragon Airline, cancelled his engagement with Katrina Vidal, a model and daughter of Rolando Vidal of RVV Hotels, and found kissing a random girl at the bar.'Hindi na niya tinuloy ang pagbabasa at tiniklop na ang dyaryo saka tinignan ang amang galit na galit."It's been months since the last time I saw your name on the headlines. Aren't you happy dad?" Aniya habang nakangiti ng nakakainsulto sa ama, na nagtatagis na ang bagang sa galit."You!" Agad na tumayo ang ama niya at akmang susugurin siya nang umawat ang Mommy niya. "Leandro!" Agad namang naupo ang ama niya kaya napangisi siya."I wouldn't do anything to solve this mess. I don't even care what they write about me. But I bet you do. So why not solve it again?" Lihim siyang napangiti nang makita niyang kumuyom ang kamao ng ama. "Di ba diyan ka naman magaling? Ang pagtakpan ang pangalan mo sa kahihiyan?" Hindi siya natinag nang biglang tumayo ang ama at lumapit sa kanya para kwelyuhan siya."Leandro!" Sigaw ng Mommy niya pero hindi ito pinakinggan ng ama."Don't you dare say those words to me. I'm still your father, so I suggest you give some respect." Mariing sabi nito habang nag-aapoy ang mga mata sa galit."Wow really?! Coming from the man who didn't respect this family at all. Can I clap my hands now?" Sarcastic niyang sagot habang nakangisi.Mas lalo namang nagalit ang ama niya at agad siyang sinuntok.Napasinghap ang Mommy niya sa gulat at agad siyang dinamayan. "Oh my God! Are you okay son?" Nag-aalalang tanong nito. Hindi siya sumagot kaya tinignan nito ng masama ang ama niya. "Why did you do that?!" Galit na tanong nito."Go ahead. Kampihan mo 'yang anak mong tarantado at walang-modo. Kaya lumaking ganyan 'yan dahil sa pagiging kunsintidor mo!" Anang ama at galit na galit na umalis.Pinunasan niya ang gilid ng labing dumugo dahil sa suntok ng ama saka tumayo. "Are you okay?" Hinawakan ng Mommy niya ang mukha. "Wait I'll call Gina to get me the first aid kit." Pinigilan niya ang kamay ng ina nang akmang aalis na ito para tawagin ang kasambahay."I'm okay Mom. Malayo 'to sa bituka." Ngumiti siya rito. "Sundan mo na lang si Dad at baka magtampo pa 'yon sa'yo kapag hindi mo sinuyo agad. Sige ka, baka pati yakap at halik mo hindi na uubra sa kanya." Kinindatan pa niya ang ina na agad namang natawa."Napakakulit mo talagang bata ka." Anito at pinanggigilan pa ang ilong niya na agad naman niyang ikinais."Mom! I'm not a kid anymore!" Reklamo niya habang sapo ang ilong na namumula.Natawa naman ang Mommy niya. "Yes you are to me. In fact, you're still my baby boy." Anito at hinalikan pa siya sa pisngi bago umalis."Tsk!" Napapailing na naupo siyang muli sa upuan niya kanina at tinignan ang kapatid na si Glaizel habang busy pa rin sa pagkain na parang walang nangyari."You didn't even save me." Aniya kaya napaangat ito ng tingin sa kanya. Masyado itong tutok sa pagkain na hindi niya mawari kung masarap ba ang kinakain nito o bored lang at walang mapagdiskitahan kaya sa mga pagkain na lang binunton.Tumaas ang kilay nito. "What can I do to save you? Ako ang sasalag sa suntok ni Dad? Duh! Hindi ako pabida kaya 'wag kang feeling." Natawa siya sa sagot ng kapatid. "And besides, you deserved it anyway."Kumunot ang noo niya sa narinig. "So you're on his side now?""No." Agad nitong sagot. "But you deserved it for kissing that girl.""How did you know that I kissed a girl? Did you read the newspaper too?" Takhang tanong niya rito.Napaikot ito ng mga mata. "Do I look like I read that thing?"Umismid siya. "That's why I'm asking."Inirapan naman siya ng kapatid. "Your face is all over the internet. How can I not know?"Ngumisi siya. "Now I feel famous."Agad namang nalukot ang mukha ng kapatid. "Yeah! You really are famous now kuya. Congratulations for kissing the queen of sluts. I'm so proud of you!" Sarcastic na sagot nito habang pumapalakpak."Is she?" Tanong niya. To be honest, he doesn't even know the name of that girl. Basta na lang siya nitong nilapitan at hinalikan. Sino ba naman siya para umayaw sa grasyang kusang lumapit sa kanya? Lalo pa't iyon ang kailangan niya sa mga sandaling 'yon."Yes she is. She had been seen with different guys almost every night. She even stole boyfriends.""Well, I don't blame those guys, she's a great kisser and I bet she's wild in bed too." Kinindatan niya ang kapatid na hindi na maipinta ang mukha at halata ang pagkadisgusto dito."You're so gross! Pumatol ka sa cheap na babae." Agad itong huminto at nagkunwaring nag-iisip. "But on the second thought, cheap ka rin naman pala kaya bagay lang kayo."Natawa siya sa sinabi ng kapatid. "Why do you hate her so much?" Hindi niya maisip kung bakit gano'n na lang ang inis nito do'n sa babae. He's sure na hindi naman ito inagawan ng boyfriend no'ng babae because as far as he can remember wala pa naman itong naging kasintahan or 'yong lang ang alam niya."Don't tell me, she stole your boyfriend too?" Kunot-noong tanong niya sa kapatid na agad namang umasim ang mukha."Ako nagkaboyfriend?" Tinuro niya ang sarili at natawa. "Ano? Adik lang kuya?" Nakahinga siya ng maluwag sa naging sagot nito. Ayaw pa niyang magkaboyfriend ang kapatid. Masyado pa itong bata. She's just seventeen for fuck sake."Then if that's not the case, why do you hate her so much?""I hate her because even Zeke Ramirez fall in her trap." Naiinis na sagot nito.Tinignan niya ito at nginitian ng nakakaloko. "Oh? Zeke Ramirez?" Mas lalong lumawak ang ngisi niya. "Isn't he your ultimate crush?"Mas lalong sumama ang timpla ng mukha nito. "Correction kuya, he's not my ultimate crush, just crush. But that was before. No'ng hindi pa siya nadungisan ni Beatrix Williams.""Really? So anong tawag do'n sa mga pictures niyang nagkalat sa kwarto mo?" Pang-iinis niya rito na halatang umepekto dahil tumayo ito at kumuha ng mansanas na nasa harapan saka binato sa kanya na agad naman niyang nasalo habang tumatawa."Arrghhh!!" Naiinis na naglakad ito paalis. "Magsama kayong parehong cheap ng Beatrix Williams na 'yon!" Sigaw nito at tuluyan ng umalis habang siya naman ay naiwang tawang-tawa sa itsura ng kapatid."MGA BOBO!" Napayuko sila Rizel habang kaharap nila ang Editor in Chief ng publishing company kung saan siya nagtatrabaho."Anong katangahan ang ginawa niyo at hindi niyo nagawa ng maayos ang trabaho niyo ha?!" Bulyaw nito at binagsak ang newspaper sa harapan nila. "Nakikita niyo ba 'to?!" Sigaw muli nito. "Nangunguna na ngayon ang E'scoop dahil sa report nilang ito na hindi niyo nagawa dahil sa katangahan!"E'scoop is their biggest rival on this field kaya galit na galit sa kanila ang Editor in chief dahil nakuha ng mga ito ang isa sa pinakapinag-uusapang balita ngayon."We need a counterattack for this. Hindi pwedeng sila lang ang sikat." Palihim siyang napaismid sa narinig. Bakit ba lahat na lang ng bagay para rito ay isang kumpetensya?"That's why I'm sending you Ms. Rodriguez to monitor Mr. Kade Von Aragon." Agad siyang napatingin rito nang marinig niya ang pangalan."A..ako?" Nagtatakang tanong niya at tinuro pa ang sarili para makasiguro na hindi lang siya nabibingi.Kumunot ang noo ng Editor in Chief. "Yes. May iba pa bang Ms. Rodriguez dito?" Nakataas ang kilay na tanong nito. Agad naman siyang umiling. "Then it's you.""P..pero bakit ako Ma'am?" Kinakabahan siya. Alam niya kung ano ang kayang gawin ng pamilyang 'yon sa kanya kapag nalaman ng mga itong nagi-spy siya para makakuha ng impormasyon. Rinig niyang may binayaran na rin si Mr. Leandro Aragon na isang publishing company para burahin ang news tungkol rito at gumawa ng panibagong kwento para mabura ang naunang pahayag at malinis ang pangalan nito. No'ng hindi daw pumayag ang writer ng news na 'yon ay pinagbantaan nitong mawawalan ito ng trabaho at maghihirap habang-buhay. Walang naglakas-loob na ilabas ang balitang ito dahil natatakot ang lahat sa pwedeng mangyari. Kaya nga nagtataka siya kung bakit gustong ifeature ng Editor in Chief nila ang pamilyang 'yon. Hindi ba ito natatakot? O pera lang ang habol nito? Dahil paniguradong kapag nangyari 'yon magbabayad na naman si Mr. Aragon ng malaking halaga para sa pangalan ng pamilya nito. Kaya walang pagdududa, 'yong huling nasa isip niya ang plano nito."Why? You don't like to do it? Sabihin mo lang, I can fire you anytime." Anito at nagmartsa na paalis.Umismid siya. Porke't malakas ito sa CEO akala mo na kung sinong boss kung makapagsalita."Okay ka lang?" Agad na lumapit sa kanya ang mga kasama sa trabaho nang maupo siya sa desk niya.Ngumiti lang naman siya at tumango. "Oo okay lang ako.""Alam mo, ang sarap talagang sabunutan ng babaeng 'yon. Akala mo kung sinong magaling at maganda eh puro utos lang naman ang alam. Ba't di na lang kaya siya ang mag-spy kay Kade Aragon at nang makita natin kung hanggang saan ang galing niya. Kung makabobo wagas! Parang hindi rin tanga eh!" Nagtawanan sila sa sinabing iyon ni Melody."Oo nga! Napakafeeling talaga. Hindi naman kagandahan. Mukhang bruha." Gatong naman ni Cykie. Muli silang nagtawanan."At eto pa..." Magsasalita pa lang sana si Rubi nang may biglang nagsalita na nagpatahimik sa kanila. "What's the commotion all about?" Nakataas kilay na tanong ng Editor in Chief na hindi nila namalayang dumating.Agad namang nagkanya-kanyang balik ang mga kasamahan niya sa desk ng mga ito.Lumapit sa kanya ang Editor in Chief nila na si Janice Gaspangin. Pangalan pa lang ang gaspang na pakinggan. Walang duda, kaya magaspang din ang pagmumukha."I'm giving you two months to have a good report regarding on Mr. Kade Von Aragon. And if you can't submit it within that time, better submit your resignation instead." Pagkatapos nitong sabihin ang 'yon sa kanya ay basta na lang itong umalis sa harapan niya at taas noong naglakad patungo sa opisina nito.Kinuha niya ang folder na nasa lamesa at nangangalaiting gustong ibato ito kay Ms. Gaspangin pero pinigilan niya ang sarili.Tinignan niya ang mga kasamahan at nasa gano'ng posisyon din pala ang mga ito. Lahat ay nakahawak ng folder at nakataas sa ere ang mga kamay. Pare-pareho talaga sila ng iniisip pagdating kay Ms. Gaspangin.Nang tuluyan na itong makapasok ay saka lang nila ibinaba ang mga hawak na folders.Kinuha niya ang cellphone sa bag at tinawagan ang kaibigan niyang paniguradong makakatulong sa kanya.Nakadalawang ring lang siya nang sagutin nito ang tawag."Anong maipaglilingkod ko sa'yong bruha ka?" Tanong ng nasa kabilang linya.Napaikot siya ng mga mata. "Wala man lang hello?""Masyado akong busy para maghello. Maraming papeles na pinapaayos si boss kaya kung ako sa'yo, sabihin mo na ang gusto mong sabihin dahil limitado lang na oras ang maibibigay sa'yo ng maganda mong kaibigan.""Eh kung hindi ka sana dumada, kanina pa natapos ang sasabihin kong bruha ka."Narinig niya ang pagtawa nito. "Sorry naman. So ano nga palang kailangan mo?""Alam mo ba kung may lakad ngayon ang boss mo at mga kaibigan niya?" Tanong niya rito."Kung ngayon, wala siguro kasi sobrang busy ni boss. Bukas sure ako na nasa bar sila ni Adrian kasi every Thursday night sila nag-iinuman do'n. Pero depende na lang kung tumawag ang mga kaibigan niya ngayon baka icancel na naman nito ang mga meetings niya. Pero maganda na rin 'yon para maaga akong makauwi hahaha." Parang baliw itong natatawa sa mga pinagsasabi. Pero no'ng may naalala yata ay agad itong tumahimik at nagtanong. "Teka nga muna, bakit mo pala tinatanong?" Halata sa boses na naguguluhan ito. Sino bang hindi eh bigla-bigla na lang siyang magtatanong ng tungkol sa mga magkakaibigan na never naman nilang napag-usapan.Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "Ikukuwento ko na lang sa'yo kapag nagkita na tayo." Hindi siya makakapagkuwento ng maayos kapag sa cellphone lang, mas maganda kung sa personal mismo.Narinig niya ang mahinang pagsinghap ng kaibigan sa kabilang linya. "OMG! don't tell me obsess ka sa isa sa kanila at plano mong iistalk at kapag nagkaroon ka ng chance gagahasain mo kaya ayaw mong sabihin because that's too personal at baka may makarinig sa'yo diyan. OMG! I can't even! My God! I never knew na ganyan ka pala." Dire-diretsong sabi nito. Napasapo na lang siya sa noo. Umiral na naman ang pagiging baliw ng kaibigan niya."Pwede bang tumahimik ka. Kung ano-anong pinagsasabi mo. I have an assignment okay? And it has something to do with one of them. Kaya 'wag kang praning." Pagpapaliwanag niya. Stress na nga siya kay Ms. Gaspangin, pati ba naman sa kaibigan niyang akala niyang makakatulong sa kanya istressin din siya? Napailing na lamang siya."Sorry naman. Di ba pwedeng advance lang talaga akong mag-isip kasi matalino talaga ako kaya gano'n?" Pangangatuwiran nito. "So sino 'yan? Si boss?""No. It's Mr. Aragon." Aniya."Ah si Kade.""Yeah."'Manang nandiyan ba 'yong boss mong gago?' Napakunot ang noo niya nang may marinig siyang nagsalita kasama nito."Who was that?" Curious na tanong niya."Wala. Isang malignong napadpad lang dito. Sige na, may gagawin pa ako. Basta tandaan mo bukas o di kaya itetext na lang kita kapag lumabas sila ngayon. Good luck sa assignment mo bruha. Ingat ka!"Napailing na napapangiti na lang siya. "Salamat bruha. Ingat ka rin. Babye!" Aniya at pinatay na ang tawag.Nilagay na niya sa bag ang cellphone at inayos ang mga gamit.Hindi pwedeng bukas pa siya kumilos, kailangan ngayon na para mas madali siyang matapos.Tumayo na siya at binitbit ang bag.Hindi niya alam kung nasaan ito ngayon. Pero kung kinakailangang puntahan niya ang bahay nito at doon mag-abang, gagawin niya, alang-alang sa trabaho niya.NAMAMANGHANG nakatingin si Rizel sa harap ng building ng mga Aragon. Binibilang pa nga niya kung ilang palapag pero naduduling na lang siya hindi pa niya nabilang. Gano'n kataas ang building.Naglakad siya patungong entrance at kinausap ang guard na naroon. "Good morning." Bati niya rito. "Good morning ma'am. Ano pong kailangan nila?" Pormal namang sagot nito. "Pwede ko po bang malaman kung nandito ngayon si Mr. Kade Von Aragon?""Ayun po siya ma'am." Sagot naman nito at itinuro ang isang itim na sasakyan na papaalis na. Agad na nanlaki ang mga mata niya. Kailangan niya itong maabutan. Agad siyang nagpasalamat sa guard at nagmadaling umalis para mag-abang ng taxi na agad namang dumating. "Pakisundan po 'yong itim na sasakyan." Turo niya pagkasakay sa taxi. Nakakunot-noong tinignan siya no'ng driver. Pinandilatan niya ito. "Ano kuya? Magdrive ka na. Baka makalayo pa 'yon." Napailing naman 'yong driver pero pinatakbo na rin ang sasakyan. "Boyfriend mo ba 'yon?" Usisa sa kanya no
KASALUKUYANG nakaupo sa waiting area ng opisina ni Adrian Lagdameo si Rizel habang hinihintay itong tawagin para sa interview niya. Dahil nga sa nabigo siya kahapon sa pagkuha ng impormasyon, kinausap niya ang kaibigan na tulungan siyang makapasok bilang server sa bar ni Mr. Lagdameo. Naisip niyang mas marami siyang makukuhang impormasyon tungkol dito kapag nakapasok siya do'n. At dahil close naman si Adrian at ang kaibigan niya agad naman itong pumayag nang irekomenda siya nito.Busy siya sa pagmumuni-muni nang tumunog ang intercom kaya bahagya pa siyang nagulat. Tumayo na ang sekretarya ni Mr. Lagdameo at nakita niyang pumasok ito sa loob ng opisina. Hindi pa siya nakakapagbilang ng sampo nang lumabas ito at pinuntahan siya. "Pwede na kayong pumasok ma'am." Tumayo siya at iginaya naman siya nito papasok. Agad siyang nagpasalamat nang pagsarhan siya nito ng pinto. Namamanghang inilibot niya ang tingin sa loob ng opisina pagkapasok niya. "Baka gusto mong umupo."Agad na napabal
RIZEL was busy making a draft of her report when Miss Gaspangin went to her and asked."How's the report with Mr. Aragon going?"She wanted to roll her eyes so bad but didn't do it. Instead, she turned her back and look at her with a fake smile. "I can't seem to find any information about him as of now ma'am because he's been acting normal for the past two weeks. But I assure you that I can get it before the deadline."Tumaas ang kilay nito. "I hope so. Because if not, goodbye work." Anito at iminuwestra pa ang kamay na parang nagbababye. "So if I were you, I'll move quickly before its too late." Pagkatapos nitong sabihin 'yon sa kanya ay bigla na lang itong tumalikod at umalis na.She gritted her teeth. Kunting-kunti na lang talaga masasabunutan na niya ito.Tinignan niya ang mga kasamahan na pare-parehong busy sa pag-aayos ng kanya-kanyang gamit. Napatingin siya sa relong nasa bisig at nakitang oras na pala ng uwian. Hindi na niya napansin dahil sobrang busy siya sa paggawa ng mga
NAGISING si Rizel sa isang di pamilyar na kwarto. Hindi niya matandaang ganito kaganda ang bahay ng auntie niya kaya nagtataka siya kung bakit siya narito at kung kaninong bahay ito. Sinubukan niyang bumangon pero bigla siyang nahilo kaya agad ding humiga."Shit! Papatayin ko talaga ang bruha na 'yon."Ipinikit niya ang mga mata pero agad ding napamulat nang may maramdaman siyang kakaiba. Tinignan niya ang comforter at halos lumuwa ang mga mata sa sobrang gulat dahil sa nakita. Kulang na lang din ay pasukan na ng langaw ang nakaawang niyang bibig.SHE'S WEARING NOTHING FOR HEAVEN'S SAKE!!Nagmadali siyang tumayo kahit nahihilo, at hila-hila ang comforter na naglakad patungo sa closet at binuksan ito para kumuha ng maisusuot. Tumambad sa kanya ang napakaraming damit panlalake kaya mas lalong nanlaki ang mga mata niya.So this is a man's house? But who? She can't remember anything.Nangalaiti siya sa galit. Mapapatay na niya talaga ang kaibigan. Ito ang pasimuno kung bakit siya narir
RIZEL was drinking wine when her friend showed up out of nowhere."Ang ganda natin ngayon ah." Tukso nito sa kanya kaya napairap siya ng sobra. Paano ba naman kasi, pinupuri na naman nito ang sariling gawa. Ito kasi ang nag-ayos sa kanya para sa party ngayong gabi.She's at Albert Reynolds' Party tonight and the reason why? It's so simple..Flashback"I want you to be my date on the party later." Ani Kade pagkatapos siya nitong walang habas na halikan. Tinaasan niya ito ng kilay. "And why would I agree with you?"Ngumiti ito saka siya hinila paupo sa sofa kasama nito. Pero 'yong nga lang, hindi siya sa sofa mismo umupo kundi sa mga hita nito. "What the.." Pinanlakihan niya ito ng mga mata pero ngumisi lang ang kumag at niyakap siya sa bewang. Pinukol niya ito ng masama tingin. "Bitiwan mo nga ako!" Pagpupumiglas niya. "Stay still." Pagpapakalma naman nito at gano'n lamang ang gulat niya ng halikan siya nito sa baba. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Wait! Is this guy trying to
HINDI pinansin ni Rizel ang mga matang nakatingin sa kanya at mga nagbubulungan habang naglalakad siya papunta sa department nila. Alam na niya kung bakit ganito umasta ang mga ito. Kaya panay ang ngitngit niya at gusto na lang ilibing ng buhay si Kade Aragon. Pagdating niya sa table ay agad siyang pinalibutan ng mga kasama kaya napairap siya ng sobra. "Vaklang two! Bakit hindi mo sinabing jowabels mo pala si fafa Kade." Eksaheradang sabi ni Rubi at sinabunutan pa siya ng mahina kaya pinukol niya ito ng masamang tingin."Oo nga. Bakit hindi mo sinabi sa'min?" Sabi naman ni Melody pero hindi niya pinansin at binuksan ang laptop. "Pero di ba ikaw 'yong nakaassign sa report tungkol sa kanya? So ano na ngayon? Kayo na ang nasa headlines. 'Yon nga lang sa E'scoop na naman ang report." Sabat naman ni Cykie kaya napahilamos na lang siya ng mukha at napapikit ng mga mata. Umagang-umaga inistress na naman siya ng mga ito and it's all because of that damn Kade Aragon and his crazy stunt las
IT'S BEEN ONE WEEK since her cousin's accident. Okay na ito ngayon pero nasa ospital pa rin at nagpapagaling. Ngayon na lamang siya ulit makakapasok dahil nagfile siya ng leave for a week para mabantayan ang pinsan."Good morning vakla!" Bati sa kanya ni Rubi pagdating sa lamesa niya. Lumapit ito sa kanya. "Kumusta si fafa Ian?" Tanong nito. "Okay na siya sa awa ng Diyos." Nakangiting tugon niya. "Mabuti kung gano'n." Nagagalak namang anito. "Pero alam mo ba na bibisita ngayon si Mr. Castro.""Talaga? Bakit daw?" Ilang buwan na rin kasi simula ng hindi ito bumisita. Three months kasi itong nasa ibang bansa at halos dalawang buwan naman na ang nakalipas simula ng makauwi ito pero hindi man lang ito pumunta sa office nila. Kaya nagtataka siya kung anong meron ngayon. "Hindi ko alam. Siguro na miss ka lang." Pang-aasar nito kaya napaikot na lang siya ng mga mata. "Sa tingin mo, ano ang reaksiyon niya ng malaman niyang may fiancee ka na? Nasaktan kaya siya?" Pang-iintriga nito kaya t
DUMIRETSO agad si Kade sa bar ni Adrian pagkatapos niyang ihatid si Rizel sa ospital. "Akala namin hindi ka na makakapunta." Bungad ni Lander pagbukas niya ng pintuan. Hindi siya nagsalita at nagtuloy-tuloy lang papunta sa sofa at naupo. "Anong problema mo?" Tanong ni Ranz sa kanya pero hindi niya rin pinansin at binuksan lang ang beer saka tinungga. "Tangina! Hindi ka siguro nakascore kagabi kaya ganyan ka." Pang-aasar ni Jesther kaya agad niyang sinamaan ng tingin. "Shut up!" Natawa naman ito pagkatapos uminom ng beer. "Ano ba kasing problema? May nangyari ba sa dinner niyo? Ba't nandito ka na agad?" Dire-diretsong tanong ni Rhino kaya ito naman ang sinamaan niya ng tingin. Agad naman nitong tinaas ang dalawang kamay. "Chill! I'm just asking."Hindi na lang niya ito pinansin at agad na inubos ang beer na hawak saka nagbukas ulit ng bago. "Woah brad! Teka lang naman!" Pag-awat sa kanya ni Jesther kaya tinignan niya ito at tinaasan ng kilay. "Kunti lang ang inorder namin dahil
"PICTURE TIME!" Natawa si Rizel ng biglang sumigaw si Adrian at papunta na sa kinaroroonan nila pero biglang hinila ni Melanie. "Wag kang epal. Families muna." Saway ni Melanie rito. "What? We're families." Reklamo naman ni Adrian at maglalakad na naman sana pero piningot na ni Melanie ang tainga. "Ba't ba ang kulit mo ha Lagdameo?" Gigil na sabi nito. "Ouch!" Tinignan ni Adrian ng masama ang katabi. "Masakit 'yon ah. Halikan kita diyan eh."Pinakita naman ni Melanie ang kamao rito. "Subukan mo at sasapakin ko 'yang labi mo.""Aba't!" Pana'y ang tinginan ng matalim no'ng dalawa kaya inawat na ni Lander. "Tama na nga 'yan. Magmahalan na lang kaya kayong muli para mas masayang tignan." Kindat nito sa dalawa na agad namang nalukot ang mukha. "E kung sa'yo ko kaya patamain 'tong kamao ko? Ano sa tingin mo?" Inis na sabi ni Melanie. Natawa siya saka tinignan si Kade na nasa tabi at nakitang tumatawa rin. "Pumuwesto na po kayo para makapagpicture na." Anang photographer kaya nabaling
"LOVE!" Galit na nilungon ni Rizel si Kade ng marinig niya sa ikasampong beses ang boses nitong tinawag na naman siya habang sinusundan sa dalampasigan. "Isa na lang Kade. Malilintikan ka na talaga sa'kin." Banta niya rito at pinandilatan pa ito. Tumalikod siyang muli saka naglakad pero agad ding napatigil ng harangan siya nito. Tinaasan niya ito ng kilay. "Hindi mo talaga ako titigilan?" Umiling lang naman ito bilang sagot."Ah gano'n? Okay!" Tumango-tango siya sabay sipa sa binti nito. "Fuck!" Mura nito habang hawak ang binting nasaktan.Nginitian niya ito ng peke bago ito nilampasan at naglakad na paalis. Maya-maya pa'y naramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa likuran kaya agad siyang napatigil. Handa na sana siyang harapin at sapakin ang kung sino mang walang habas na yumakap sa kanya ng bigla itong magsalita. "Patawarin mo na ako mahal ko. Please." Pagsusumano nito at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya. Umismid siya. "Kakapatawad ko pa lang sa'yo sa isa mong kasala
KALALABAS lang ni Rizel sa opisina nila. Siya na lang ang narito kasi nag-overtime siya dahil sa report na tinapos. Hinihintay niya ang ama dahil sabi nitong susunduin siya at magdidinner daw sila. Sa totoo lang hindi pa sila gano'n kaclose pero ginagawa naman nito ang lahat para mapalapit sila sa isa't isa. Tinanggap naman na niya ito sa buhay niya bilang ama pero naiilang pa rin talaga siya dahil ilang taon din niya itong hindi nakasama.Makalipas ang ilang minutong paghihintay ay may itim na sasakyang huminto sa harapan niya. Kumunot ang noo niya dahil hindi naman ganito ang sasakyan ng ama. Agad siyang nakaramdam ng takot kasi parang pamilyar sa kanya ang tagpong ito. At mas nadagdagan pa ang kaba niya ng may apat na lalakeng lumabas mula roon na nakasuot ng bonnet. Tatakbo na sana siya pero mabilis siya nitong nahawakan no'ng isa. "Ano bitiwan niyo ako!" Pagpupumiglas niya. Pero mas malakas ang mga ito. Dalawa na ang humihila sa kanya habang ang dalawa naman ay nasa likuran n
IT'S BEEN WEEKS since Kade last saw Rizel. "What you told Xander inside was really meant for you right?" Ani Rhino pagkalabas nila ng opisina ni Xander. Hindi siya nagsalita at nagdire-diretso lang palakad papuntang elevator. "Di marunong maghintay?" Tinignan siya ng masama ni Jesther. "Kaya kong maghintay. Ang di ko lang sigurado ay kung may hinihintay pa ba ako." Walang emosyong aniya habang nakatingin ng diretso sa papasarang pintuan ng elevator. Nagkatinginan naman sina Rhino at Jesther."Tangina brad! Hugot ba 'yon?" Natatawang tanong ni Jesther kay Rhino. "Anong malay ko sa hugot na sinasabi mo." Sagot naman no'ng isa habang halatang nagpipigil din ng tawa. Napailing na lang siya. Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na rin sila sa basement saka nagkanya-kanyang sakay sa mga sasakyan nila at pinaharurot papuntang bar ni Adrian. "Ano? Wala pa rin?" Tanong ni Lander pagpasok nila. Umiling naman silang tatlo. "Masyadong emotero ang gagong 'yon." Sagot ni Rhino. "Oo n
"M...MR. IGNACIO?" Gulat na bulalas ni Rizel ng mapagtanto kung sino ang lalakeng katabi. She's familiar with this man because she had already seen his name on news and tabloids many times before."A..ano pong kailangan niyo sa'kin?" Kinakabahang tanong niya. Hindi naman niya maalalang may sinulat siyang mali tungkol rito. Ngumiti ito sa kanya. "I just want to formally introduce myself to you." Makahulugang anito kaya mas lalo siyang nagtaka. Nakita niyang may kinuha ito sa loob ng suit at inilabas saka pinakita sa kanya. "Do you know this woman?" Tanong nito. Agad niyang kinuha ang picture at tinignan. Nagulat siya ng makita ang mukha ng babaeng kasama ni Mr. Aragon sa Dubai ayon sa lumabas na report ng E'scoop noon na agad din nitong pinabura. Umiling siya at binalik kay Mr. Ignacio ang picture. "Pasensya na. Hindi ko po siya kilala.""So Amara really hide it from you." Nagtatakang napatingin siya rito. "Kilala niyo po si Aunti?"Tumango ito. "Yes. And this woman.." Pinakita nito
PANAY ang sulyap ni Rizel kay Kade habang pasipol-sipol ito at hindi mawala-wala ang mga ngiti sa labi. "Kanina ka pa. Are you that happy?" Puna niya rito. "Of course. Who wouldn't? If the one you love, loves you too." Tinignan siya nito saglit at nagtanong. "Why? Aren't you?" Parang may pagtatampo sa boses nito. Nginitian niya ito, kahit hindi siya nakikita dahil nakatuon na muli ang mga mata sa daan. "Of course I am." Aniya at dumukwang ng kunti para halikan ito sa pisngi.Nakita niyang agad itong napangiti. "Fuck! Stop it! You're making my heart beats so damn fast." Anito habang kunwari seryoso ang tingin sa daan pero halata namang pinipigilan lang ang mga ngiti. Natawa siya at pinanggigilan ang pisngi nito. "Who would have thought that Mr. Kade Von Aragon can be this cute." Natatawang aniya."Well, what can I say. I was born with many charms." Pagmamayabang nito.She rolled her eyes. "Oo na lang."Natawa naman si Kade. "But seriously, I love you." "That was so sudden." Natata
NAGISING si Rizel na may nakayakap sa kanya. Hinarap niya si Kade at tinitigan habang mahimbing pa rin na natutulog. Napakaamo ng mukha nito. Malayong-malayo sa itsura nito no'ng nakaraang linggo at sa mga nakalipas na araw. Ang tagal niyang nakatitig dito na hindi niya namalayang hinahaplos na pala niya ang mukha nito kung hindi pa ito bahagyang kumilos. Akala niya magigising na ito pero hindi naman kaya pinagpatuloy niya itong pagmasdan."Bakit ba ang gwapo mo?" Wala sa sariling tanong niya habang pinaglalandas ang mga daliri sa ilong pababa sa mga labi nito. "I was born this way Love. No need to question it." Nanlaki ang mga mata niya at agad na tinanggal ang kamay sa mukha nito ng bigla itong magsalita habang nakapikit pa rin.Dali-dali siyang bumangon para umalis na sana pero pinigilan siya nito at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry." He whispered.Nagtatakang tinignan niya ito at nakitang titig na titig ito sa kanya. "Sorry about what?" Tanong niya. "About what happened last w
HALOS isang linggo na ang nakakalipas simula ng magkasagutan sila ni Kade.Hindi umalis si Rizel sa condo nito dahil sa takot na baka totohanin nga nito ang sinabi. Although hindi niya ipagkakailang naroon pa rin ang takot niya sa pwedeng gawin din ng ama nito pero iba kasi ang kay Kade. Parang ibang tao na ito sa mga nakalipas na araw kaya mas nagiging nakakatakot ito sa paningin niya. Ito na ba 'yong sinasabi nitong hindi niya gugustuhing makita itong galit? Kasi sa totoo lang, kinikilabutan pa rin siya kapag naaalala niya ang itsura nito habang pinagbabantaan siya sa pwedeng mangyari kapag ginawa niya ang gusto ng ama nito. Umiling siya. Hindi pa nga niya lubusang kilala si Kade.Sa mga nakalipas din na araw ay hinihintay niya ang gagawin ng ama nito pero sa awa ng Diyos wala pa naman. Ayaw man niyang isipin pero parang pinoprotektahan ni Kade ang pamilya niya. Dahil narinig niya ito isang gabi. Flashback Papasok na sana si Rizel sa kwarto nila ng marinig niya ang boses ni Kade
TULAD nga ng sinabi ni Rizel ay maaga itong umuwi para kay Kade. Pero pagbukas niya ng pintuan ay agad siyang napaatras at wala na sanang balak pumasok dahil sa nakita pero huli na ang lahat dahil napansin na siya ng dalawang taong naglalandian."Love." Nanlalaki ang mga mata ni Kade at agad na tinulak paalis ang kalandian nitong si Katrina Vidal saka tumayo at lumapit sa kanya pero agad siyang umatras. "Wag mo akong lapitan." Matigas niyang sabi at tinignan ito ng masama."Look, let me explain first." Mahinahong anito. "Hindi mo kailangang mag-explain. Aalis na ako." Ngumiti siya ng tipid. Kanina lang ay hirap siyang mag-isip ng dahilan kung paano niya ito iiwan. At ngayon eto na nga, may dumating ng rason pero bakit ang bigat ng pakiramdam niya? Para siyang sinasakal sa sakit lalo pa't napagtanto niyang kaya siya nito sinabihan ng 'I love you' kanina dahil narito pala ang babaeng ito. Kahit hindi na ito mag-explain, alam naman niyang wala talagang nangyari dahil halata namang ayaw