RIZEL was drinking wine when her friend showed up out of nowhere.
"Ang ganda natin ngayon ah." Tukso nito sa kanya kaya napairap siya ng sobra. Paano ba naman kasi, pinupuri na naman nito ang sariling gawa. Ito kasi ang nag-ayos sa kanya para sa party ngayong gabi.She's at Albert Reynolds' Party tonight and the reason why? It's so simple..Flashback"I want you to be my date on the party later." Ani Kade pagkatapos siya nitong walang habas na halikan.Tinaasan niya ito ng kilay. "And why would I agree with you?"Ngumiti ito saka siya hinila paupo sa sofa kasama nito. Pero 'yong nga lang, hindi siya sa sofa mismo umupo kundi sa mga hita nito."What the.." Pinanlakihan niya ito ng mga mata pero ngumisi lang ang kumag at niyakap siya sa bewang.Pinukol niya ito ng masama tingin. "Bitiwan mo nga ako!" Pagpupumiglas niya."Stay still." Pagpapakalma naman nito at gano'n lamang ang gulat niya ng halikan siya nito sa baba.Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Wait! Is this guy trying to flirt with her? Tumaas ang kilay niya at tinignan ito. "You're not trying to flirt with me are you?""Yes I am." Nakangising anito. Hindi man lang nagdeny ang gago."Well sorry pero hindi 'yan uubra sa akin. At isa pa, hindi ako gano'ng klase ng babae. Na isang landian lang makukuha mo na." Aniya at sinubukang tumayo pero hindi magawa dahil masyadong mahigpit ang hawak nito sa kanya."Be my date and you'll be free." He wiggled his brows."In your dreams!" Sinubukan niya muling tumayo pero wala pa ring nangyari kaya sinamaan na niya ito ng tingin."You want a report on me right?"Huminto siya sa pagpupumiglas at tinignan ito ng nakataas ang kilay."Well, you can get a report there. It's your chance to see me kissing girls there. I know that's the only report you want." Anito at kinindatan pa siya.Kumunot ang noo niya sa narinig. This guy must be planning something. She's sure of that.Magsasalita pa lang sana siya pero hindi na natuloy ng may biglang nagdoorbell. Tinignan muna siya ni Kade bago pinakawalan. Sinundan naman niya ito ng tingin habang patungo sa may pintuan para pagbuksan kung sino mang dumating.Matapos nitong makausap 'yong dumating ay agad ding sinara ang pintuan at naglakad patungo sa pwesto niya na may dalang paperbag."Your clothes." Anito at tinaas ang dala.Tumayo siya at nagsalita. "I'm going to the party tonight." Nagpagisip-isip niyang tama naman ang sinabi nito. Mas madali siyang makakakuha ng reports niya do'n. Para matapos na rin 'tong assignment niya kasi sa totoo lang naiinis na siya sa pagmumukha nito.Nakita niyang lihim itong napangiti kaya inikot niya ang mga mata. "Good choice."Ngumiti siya ng peke sabay kuya no'ng invitation sa center table. "Oo pupunta ako pero hindi bilang date mo kundi isang journalist na kukuha ng impormasyon tungkol sa'yo." Lumapit siya dito at bumulong. "So if I were you, I'll be careful with my actions because one wrong move.." Hinaplos niya ang mukha nito. "..this face.." Mahina niya itong sinampal kaya ang sama na ng tingin sa kanya na gusto niyang matawa. "..will be all over the news." Pagtatapos niya sabay hablot sa paperbag at nagtungo sa kwarto para magbihis at ng makaalis na rin.End of flashbackKaya eto siya ngayon, na halos lumuwa na ang mga mata kakahanap kay Kade pero hindi pa rin niya makita.Iisipin na niya sanang hindi ito nakapasok dahil kinuha niya ang invitation pero ng mapag-alam party ito ng pamilya no'ng isa sa mga kaibigan niya ay agad din itong nawala."I thought my eyes were just playing with me but it turned out it's really you." Napalingon silang pareho ni Rose-Anne sa nagsalita sa likuran niya at nakita ang mga pamilyar na mukha ng dalawang lalake pero hindi niya matandaan kung saan niya nakita."Hi there ladies." Sabi no'ng isa na medyo singkit at matangkad. Well, pareho naman silang matangkad pero mas matangkad lang ito ng kunti.Nagtatakang tinignan niya ang kaibigan at nakitang nakangiti naman ito do'n sa dalawang lalake na parang kakilala niya."Oh it's nice to see you again." Ani Rose-Anne habang todo ngiti sa mga ito. Siya naman ay takhang-takha pa rin. Hindi niya maalalang may mga kaibigan itong ganito kagugwapo. Wala naman kasi itong pinapakilala sa kanya. "By the way, what are you doing here?" Tanong ng kaibigan."Well we're sorry that we didn't formally introduced ourselves last night. By the I'm Harvey Ignacio." Pakilala no'ng isa habang titig na titig sa kanya kaya kumunot ang noo niya."And I'm Lance Angelo Reynolds." Nakangiting sabi naman no'ng medyo singkit at nakipagkamay pa kay Rose-Anne na tinanggap naman nito."So how are you related with tonight's host?" Tanong ng kaibigan na ang tinutukoy ay si Mr. Albert Reynolds.Ngumiti naman 'yong lalakeng nagngangalang Lance. "He's my Dad.""Really?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rose-Anne. "But why..."Hindi matuloy-tuloy ng kaibigan ang gusto sabihin kaya mahinang natawa si Lance. "Why didn't you see my name on tabloids or news?" Ito na ang nagsabi sa gustong itanong ni Rose-Anne.Agad namang tumango ang kaibigan. "I don't want chaos in my life that's why I make it private. Unlike my...""Unlike who?" Hindi nito natapos ang sasabihin ng biglang may magsalita sa likuran nila kaya agad silang napatingin na apat dito.Nakita niya ang kaibigan ni Kade na kung hindi siya nagkakamali ay si Jesther Ivan Reynolds. Kasama nito ang asungot na kanina pa niya hinahanap, na nakangisi ngayon sa kanya."Jesther. My brother." Halatang parang may kakaiba sa tono ni Lance habang binabanggit nito ang mga salitang 'yon.Lumapit naman 'yong dalawa sa pwesto nila. Inakbayan pa siya ni Kade kaya pasimple niyang tinanggal at tinignan ito ng masama na sinagot lang naman no'ng asungot ng isang ngisi."You were saying something?" Napabaling siya sa pwesto nina Jesther ng bigla itong magsalita."No. I was just trying to say that you're cool just like me." Kumindat si Lance kay Jesther at ngumiti ng tipid. There's really something with these two."Great." Sagot naman ni Jesther at tinignan si Rose-Anne na kanina pa ang sama ng aura."Sorry to disturb you. But can I take this girl with me? We need to talk about something." Anito at bigla na lang hinila ang kaibigan na agad namang nagpumiglas pero wala ring nagawa."Oy teka lang!" Pigil niya pero hindi ito nakinig. Saan naman kaya nito dadalhin ang bruha niyang kaibigan?Tinignan niya ang mga kasama at nakitang tatlo na lang sila. Umalis na rin kasi si Lance.Palipat-lipat ang tingin niya sa dalawang kasama na kanina pa nagtititigan ng masama."Anong problema niyo?" Nagtatakang tanong niya.Binaling ni Harvey ang tingin sa kanya at ngumiti."Nothing." Umiling ito. "You don't remember me?" Tanong nito.Ngumiti siya ng pilit. "Sorry but no." Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Kade kaya tinignan niya ito ng masama na agad naman tumahimik pero halatang nagpipigil pa rin."We met at the bar last night." Anito habang titig na titig sa kanya.Pilit niyang inaalala ang nangyari sa bar kagabi hanggang sa pumasok sa isip niya ang dalawang lalakeng lumapit sa kanila at kakwentuhan nila.Ngumiti siya rito. "Oh right I remember you."Nakita niya ang pagliwanang ng mukha nito. "Sorry if I didn't recognize you at first. That's me when I drink too much. I can't seem to remember what happened." Natatawang aniya.Ngumiti lang naman si Harvey saka umiling. "It's okay.""Ehem!" Napatingin sila sa biglang tumikhim na si Kade at nakitang nakataas na ang kilay nito sa kanila.Umismid siya at tinaasan din ito ng kilay. Ano na naman ba kasing problema ng asungot na 'to?"Are you done flirting?" Walang emosyong tanong nito kaya mas lalong tumaas ang kilay niya. "If yes, then can I take my girl now?" Baling nito kay Harvey at basta na lang siya hinila paalis."Teka nga muna! Ano bang problema mo?!" Tanong niya habang hinihila siya nito. Gawain ba talaga nilang magkakaibigan ang basta na lang manghila ng mga babae at dalhin sa kung saan.Hindi ito nakinig kaya nagpumiglas siya dahilan para mahinto ito at tumingin sa kanya.Tinanggal niya ang kamay sa hawak nito. "Ano ba talagang problema mo ha?!" Inis niyang tanong. Bakit ba may mga taong ang sarap patayin? Pakiexplain sa kanya."What are you doing with that guy?" Tinignan siya nito ng seryoso. "Aren't you supposed to be looking after me?"Hindi siya nagsalita at tinignan lang ito."What?" Kunot-noong tanong nito sa kanya.She rolled her eyes. "Tapos ka na? Pwede na akong umalis?" Wala siya sa mood makipag-away dito."Not yet." Sagot naman nito at hinila na naman siya.Dinala siya nito sa gitna na sa tingin niya ay ang dance floor dahil masyadong malawak ang espasyo.Agaw atensyon na rin sila kasi silang dalawa lang naman ang naririto.Tinignan niya ang buong paligid at lahat nga ng mga tao ay nakatingin sa kanila. Nakita pa nga niya ang kapatid nito na agad siyang nginitian at kumaway. Pero ang mas nakaagaw talaga ng atensyon niya ay ang ama nito sa tabi na halos mag-isang linya na ang kilay sa pagkakakunot ng noo at titig na titig sa kanila.Napalunok siya sa sariling laway at tinignan si Kade na nakangisi lang sa kanya. Ano ba kasi talagang problema nito? Hindi na niya maintindihan ang trip nito sa buhay sa totoo lang.Kinindatan siya nito sabay labas ng isang singsing sa bulsa at lumuhod sa harapan niya.Narinig niya ang pagsinghap ng mga nasa paligid at agad na nagbulungan. Pero wala siyang pinansin ni isa. Nakatingin lang siya sa lalakeng nakaluhod sa harapan habang nanlalaki ang mga mata sa gulat at kalituhan. Okay! What the hell is happening??!!"Love, you know that I love you so much right? You're also aware that I can't live without you by my side. And I want you to stay with me forever. So please marry me and make me the happiest man alive." Seryosong sabi nito na mas lalong gumulantang sa kanya. At mukhang hindi lang siya dahil mas lumakas din ang bulung-bulungan ng mga nasa paligid nila.Nakatingin lang siya rito at hindi makapagsalita. She's just dreaming right? This is all just a dream. No, not a dream but it's a nightmare and she needs to wake up soon because this is not good. Mamamatay siya kapag hindi pa siya nagising sa bangungunot na ito.Sinampal niya ang sarili at ng maramdaman ang kunting sakit. Agad siyang napahinto at tinignan si Kade na nakaluhod pa rin at halatang nagpipigil ng tawa."Love." Tawag nito kaya agad siyang natauhan at tinignan ito."What--" Hindi niya natapos ang sasabihin ng biglang tumayo si Kade at sinuot sa kanya ang singsing saka siya siniil ng halik.Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Hindi siya nakapagreact agad at parang naging isang rebulto na hindi maikilos ang sarili at nanlalaki ang mga mata habang hinahalikan ni Kade.HINDI pinansin ni Rizel ang mga matang nakatingin sa kanya at mga nagbubulungan habang naglalakad siya papunta sa department nila. Alam na niya kung bakit ganito umasta ang mga ito. Kaya panay ang ngitngit niya at gusto na lang ilibing ng buhay si Kade Aragon. Pagdating niya sa table ay agad siyang pinalibutan ng mga kasama kaya napairap siya ng sobra. "Vaklang two! Bakit hindi mo sinabing jowabels mo pala si fafa Kade." Eksaheradang sabi ni Rubi at sinabunutan pa siya ng mahina kaya pinukol niya ito ng masamang tingin."Oo nga. Bakit hindi mo sinabi sa'min?" Sabi naman ni Melody pero hindi niya pinansin at binuksan ang laptop. "Pero di ba ikaw 'yong nakaassign sa report tungkol sa kanya? So ano na ngayon? Kayo na ang nasa headlines. 'Yon nga lang sa E'scoop na naman ang report." Sabat naman ni Cykie kaya napahilamos na lang siya ng mukha at napapikit ng mga mata. Umagang-umaga inistress na naman siya ng mga ito and it's all because of that damn Kade Aragon and his crazy stunt las
IT'S BEEN ONE WEEK since her cousin's accident. Okay na ito ngayon pero nasa ospital pa rin at nagpapagaling. Ngayon na lamang siya ulit makakapasok dahil nagfile siya ng leave for a week para mabantayan ang pinsan."Good morning vakla!" Bati sa kanya ni Rubi pagdating sa lamesa niya. Lumapit ito sa kanya. "Kumusta si fafa Ian?" Tanong nito. "Okay na siya sa awa ng Diyos." Nakangiting tugon niya. "Mabuti kung gano'n." Nagagalak namang anito. "Pero alam mo ba na bibisita ngayon si Mr. Castro.""Talaga? Bakit daw?" Ilang buwan na rin kasi simula ng hindi ito bumisita. Three months kasi itong nasa ibang bansa at halos dalawang buwan naman na ang nakalipas simula ng makauwi ito pero hindi man lang ito pumunta sa office nila. Kaya nagtataka siya kung anong meron ngayon. "Hindi ko alam. Siguro na miss ka lang." Pang-aasar nito kaya napaikot na lang siya ng mga mata. "Sa tingin mo, ano ang reaksiyon niya ng malaman niyang may fiancee ka na? Nasaktan kaya siya?" Pang-iintriga nito kaya t
DUMIRETSO agad si Kade sa bar ni Adrian pagkatapos niyang ihatid si Rizel sa ospital. "Akala namin hindi ka na makakapunta." Bungad ni Lander pagbukas niya ng pintuan. Hindi siya nagsalita at nagtuloy-tuloy lang papunta sa sofa at naupo. "Anong problema mo?" Tanong ni Ranz sa kanya pero hindi niya rin pinansin at binuksan lang ang beer saka tinungga. "Tangina! Hindi ka siguro nakascore kagabi kaya ganyan ka." Pang-aasar ni Jesther kaya agad niyang sinamaan ng tingin. "Shut up!" Natawa naman ito pagkatapos uminom ng beer. "Ano ba kasing problema? May nangyari ba sa dinner niyo? Ba't nandito ka na agad?" Dire-diretsong tanong ni Rhino kaya ito naman ang sinamaan niya ng tingin. Agad naman nitong tinaas ang dalawang kamay. "Chill! I'm just asking."Hindi na lang niya ito pinansin at agad na inubos ang beer na hawak saka nagbukas ulit ng bago. "Woah brad! Teka lang naman!" Pag-awat sa kanya ni Jesther kaya tinignan niya ito at tinaasan ng kilay. "Kunti lang ang inorder namin dahil
NAPABALIKWAS ng bangon si Rizel kinaumagahan nang makita niya kung nasaan siya. Tinignan niya ang katabing si Kade na mahimbing na natutulog. At habang pinagmamasdan niya ito ay biglang sumagi sa isip niya ang nangyari kagabi.Wala sa sariling napahawak siy sa labi. Nakipaghalikan ba talaga siya sa lalakeng ito kagabi? At bakit ba niya ginawa ang bagay na 'yon? Napatampal na lang siya sa noo. Hindi na rin niya maintindihan ang sarili.Nataranta siya ng bigla itong gumalaw kaya nagkunwari siyang natutulog. "Fuck!" Rinig niyang mura nito.Nag-inat siya para kunwari kakagising lang niya. Tinignan niya ito at nakitang nagtatakang nakatitig lang ito sa kanya. "Why are we here?"Tumitig siya rito. "You don't remember anything?" Takhang tanong niya. "Fuck!" Mura nitong muli sabay hawak sa sentido. Mukhang sumasakit ang ulo. "Would I ask if I remember what happened?" Medyo iritableng sagot nito. Hindi niya alam pero parang may kung anong kirot siyang naramdaman sa puso niya. Di ba dapat
PANAY ang sulyap ni Rizel kay Kade habang tahimik itong kumakain ng agahan. Nagtataka na siya sa inaasal nito. Sa tatlong araw na pamamalagi niya sa condo nito ay madalang lang silang mag-usap which she finds strange kasi hindi naman ganito ang pagkakakilala niya sa binata. "May problema ka ba?" Hindi na niya maiwasang 'wag itong tanungin dahil sa totoo lang, nababagot na rin siya na walang kausap. Napakaboring ng buhay kapag gano'n. At hindi siya sana'y. At least no'ng nasa bahay pa siya ng aunti niya, nakakausap niya ang pinsan at kahit palaging galit ang tiyahin, napapansin pa rin siya. E dito? Hindi niya alam pero parang daig pa niya ang multo na hindi nakikita at nararamdaman. Nakita niya ang pag-angat ng tingin nito mula sa kanin papunta sa kanya. "Nothing." Simpleng sagot lang nito at uminom na ng tubig saka tumayo para siguro umalis. Ngayon sigurado na siya. Iniiwasan talaga siya nito.Pero bago pa man ito makaalis ay agad na niyang ihinarang ang sarili sa daraan nito.Naki
HINDI makatingin si Rizel kay Glaizel at nakayuko lang dahil sa sobrang kahihiyan. "What are you doing here?" Rinig niyang tanong ni Kade sa kapatid na halatang iritado."Ate." Hindi ito sinagot ni Glaizel bagkus siya ang kinausap nito kaya nagtataka siyang napa-angat ng ulo at tinignan ito. "H..ha?"Sinimangutan siya nito. "Akala ko ba hindi mo papatulan 'tong si kuya?" Lumabi ito. "You disappointed me.""Hey!" Protesta ni Kade. "What are you talking about?" Pinandilatan nito ang kapatid. "Let me remind you that I'm your brother so you should be happy. I thought you like her? That's why you keep on calling her ate.""Yes I like her. But not for you." Deretsahan namang sagot nito. "I think she's better off if she's with kuya Ranz.""What?!" Nagulat siya sa biglang pagtaas ng boses ni Kade samantalang ang kapatid nito ay halatang pinipigilang mapangiti. "Are you insulting me?!" Nagpupuyos sa galit na tanong nito. "At saan namang anggulo mas lamang sa'kin 'yong gagong 'yon?" Hindi na
KASALUKUYANG nakahiga si Rizel sa kama at nagbabasa ng libro ng biglang lumabas si Kade na katatapos lang maligo. Tinignan niya ito at nakitang naglalakad ito papalapit sa kama habang tinutuyo ang buhok ng tuwalya."What are you reading?" Tanong nito ng makaupo na sa kama.Tiniklop niya ang librong binabasa at nilapag sa bedside table saka niya ito tinignan. "Nothing. Just a love story about a gay and lesbian. Nakakatawa kasi." Sagot niya saka kinuha ang tuwalya sa kamay nito at siya na ang nagtuyo sa buhok nito."Bakit nga pala hindi ka lumabas ngayon? It's Thursday. Aren't you supposed to be at Adrian's Bar?" Tanong niya. Nacucurious siya dahil 'yon naman palagi ang ginagawa ng mga ito. May nangyari ba?"Xander is broken. Hindi na makausap ng maayos at nilululong ang sarili sa trabaho." Umiling ito. "I don't know why he's being like that. E babae lang naman 'yon. Marami naman diyang iba."Umirap siya saka tinigil ang pagtuyo sa buhok nito at tinignan ng seryoso. "You don't understa
PAGKAGISING ni Rizel kinaumagahan ay agad niyang tinignan ang pwesto ni Kade.Mahimbing pa rin itong natutulog kaya napangiti siya saka ito sinalat sa noo para tignan kung nilalagnat pa at sa awa ng Diyos magaling naman na ito. Bumangon na siya at nagtungo sa banyo pagkatapos ay bumaba na para maghanda ng almusal nila. Binuksan niya ang ref at naghanap ng pwedeng lutuin. Hotdog at longganisa lang ang nakita niya kaya 'yon na lang ang kinuha. Kailangan na talaga nilang magrocery dahil wala ng laman ang ref. Gusto niya rin sana itong ipagluto ng soap pero wala naman siyang makitang ingredients na pwedeng gamitin kaya binuksan na lang niya ang cabinet at ng may makitang cup noodles ay agad rin siyang kumuha ng dalawa. "Pwede na 'to." Aniya at sinimulan na ang pagluluto.Habang hinihugasan niya ang bigas ay may biglang nagdoorbell kaya kunot-noong lumapit siya sa pintuan at binuksan ito sa pag-aakalang si Glaizel 'yon at baka nahiya ng pumasok na lang basta-basta. Hindi na rin niya tin
"PICTURE TIME!" Natawa si Rizel ng biglang sumigaw si Adrian at papunta na sa kinaroroonan nila pero biglang hinila ni Melanie. "Wag kang epal. Families muna." Saway ni Melanie rito. "What? We're families." Reklamo naman ni Adrian at maglalakad na naman sana pero piningot na ni Melanie ang tainga. "Ba't ba ang kulit mo ha Lagdameo?" Gigil na sabi nito. "Ouch!" Tinignan ni Adrian ng masama ang katabi. "Masakit 'yon ah. Halikan kita diyan eh."Pinakita naman ni Melanie ang kamao rito. "Subukan mo at sasapakin ko 'yang labi mo.""Aba't!" Pana'y ang tinginan ng matalim no'ng dalawa kaya inawat na ni Lander. "Tama na nga 'yan. Magmahalan na lang kaya kayong muli para mas masayang tignan." Kindat nito sa dalawa na agad namang nalukot ang mukha. "E kung sa'yo ko kaya patamain 'tong kamao ko? Ano sa tingin mo?" Inis na sabi ni Melanie. Natawa siya saka tinignan si Kade na nasa tabi at nakitang tumatawa rin. "Pumuwesto na po kayo para makapagpicture na." Anang photographer kaya nabaling
"LOVE!" Galit na nilungon ni Rizel si Kade ng marinig niya sa ikasampong beses ang boses nitong tinawag na naman siya habang sinusundan sa dalampasigan. "Isa na lang Kade. Malilintikan ka na talaga sa'kin." Banta niya rito at pinandilatan pa ito. Tumalikod siyang muli saka naglakad pero agad ding napatigil ng harangan siya nito. Tinaasan niya ito ng kilay. "Hindi mo talaga ako titigilan?" Umiling lang naman ito bilang sagot."Ah gano'n? Okay!" Tumango-tango siya sabay sipa sa binti nito. "Fuck!" Mura nito habang hawak ang binting nasaktan.Nginitian niya ito ng peke bago ito nilampasan at naglakad na paalis. Maya-maya pa'y naramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa likuran kaya agad siyang napatigil. Handa na sana siyang harapin at sapakin ang kung sino mang walang habas na yumakap sa kanya ng bigla itong magsalita. "Patawarin mo na ako mahal ko. Please." Pagsusumano nito at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya. Umismid siya. "Kakapatawad ko pa lang sa'yo sa isa mong kasala
KALALABAS lang ni Rizel sa opisina nila. Siya na lang ang narito kasi nag-overtime siya dahil sa report na tinapos. Hinihintay niya ang ama dahil sabi nitong susunduin siya at magdidinner daw sila. Sa totoo lang hindi pa sila gano'n kaclose pero ginagawa naman nito ang lahat para mapalapit sila sa isa't isa. Tinanggap naman na niya ito sa buhay niya bilang ama pero naiilang pa rin talaga siya dahil ilang taon din niya itong hindi nakasama.Makalipas ang ilang minutong paghihintay ay may itim na sasakyang huminto sa harapan niya. Kumunot ang noo niya dahil hindi naman ganito ang sasakyan ng ama. Agad siyang nakaramdam ng takot kasi parang pamilyar sa kanya ang tagpong ito. At mas nadagdagan pa ang kaba niya ng may apat na lalakeng lumabas mula roon na nakasuot ng bonnet. Tatakbo na sana siya pero mabilis siya nitong nahawakan no'ng isa. "Ano bitiwan niyo ako!" Pagpupumiglas niya. Pero mas malakas ang mga ito. Dalawa na ang humihila sa kanya habang ang dalawa naman ay nasa likuran n
IT'S BEEN WEEKS since Kade last saw Rizel. "What you told Xander inside was really meant for you right?" Ani Rhino pagkalabas nila ng opisina ni Xander. Hindi siya nagsalita at nagdire-diretso lang palakad papuntang elevator. "Di marunong maghintay?" Tinignan siya ng masama ni Jesther. "Kaya kong maghintay. Ang di ko lang sigurado ay kung may hinihintay pa ba ako." Walang emosyong aniya habang nakatingin ng diretso sa papasarang pintuan ng elevator. Nagkatinginan naman sina Rhino at Jesther."Tangina brad! Hugot ba 'yon?" Natatawang tanong ni Jesther kay Rhino. "Anong malay ko sa hugot na sinasabi mo." Sagot naman no'ng isa habang halatang nagpipigil din ng tawa. Napailing na lang siya. Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na rin sila sa basement saka nagkanya-kanyang sakay sa mga sasakyan nila at pinaharurot papuntang bar ni Adrian. "Ano? Wala pa rin?" Tanong ni Lander pagpasok nila. Umiling naman silang tatlo. "Masyadong emotero ang gagong 'yon." Sagot ni Rhino. "Oo n
"M...MR. IGNACIO?" Gulat na bulalas ni Rizel ng mapagtanto kung sino ang lalakeng katabi. She's familiar with this man because she had already seen his name on news and tabloids many times before."A..ano pong kailangan niyo sa'kin?" Kinakabahang tanong niya. Hindi naman niya maalalang may sinulat siyang mali tungkol rito. Ngumiti ito sa kanya. "I just want to formally introduce myself to you." Makahulugang anito kaya mas lalo siyang nagtaka. Nakita niyang may kinuha ito sa loob ng suit at inilabas saka pinakita sa kanya. "Do you know this woman?" Tanong nito. Agad niyang kinuha ang picture at tinignan. Nagulat siya ng makita ang mukha ng babaeng kasama ni Mr. Aragon sa Dubai ayon sa lumabas na report ng E'scoop noon na agad din nitong pinabura. Umiling siya at binalik kay Mr. Ignacio ang picture. "Pasensya na. Hindi ko po siya kilala.""So Amara really hide it from you." Nagtatakang napatingin siya rito. "Kilala niyo po si Aunti?"Tumango ito. "Yes. And this woman.." Pinakita nito
PANAY ang sulyap ni Rizel kay Kade habang pasipol-sipol ito at hindi mawala-wala ang mga ngiti sa labi. "Kanina ka pa. Are you that happy?" Puna niya rito. "Of course. Who wouldn't? If the one you love, loves you too." Tinignan siya nito saglit at nagtanong. "Why? Aren't you?" Parang may pagtatampo sa boses nito. Nginitian niya ito, kahit hindi siya nakikita dahil nakatuon na muli ang mga mata sa daan. "Of course I am." Aniya at dumukwang ng kunti para halikan ito sa pisngi.Nakita niyang agad itong napangiti. "Fuck! Stop it! You're making my heart beats so damn fast." Anito habang kunwari seryoso ang tingin sa daan pero halata namang pinipigilan lang ang mga ngiti. Natawa siya at pinanggigilan ang pisngi nito. "Who would have thought that Mr. Kade Von Aragon can be this cute." Natatawang aniya."Well, what can I say. I was born with many charms." Pagmamayabang nito.She rolled her eyes. "Oo na lang."Natawa naman si Kade. "But seriously, I love you." "That was so sudden." Natata
NAGISING si Rizel na may nakayakap sa kanya. Hinarap niya si Kade at tinitigan habang mahimbing pa rin na natutulog. Napakaamo ng mukha nito. Malayong-malayo sa itsura nito no'ng nakaraang linggo at sa mga nakalipas na araw. Ang tagal niyang nakatitig dito na hindi niya namalayang hinahaplos na pala niya ang mukha nito kung hindi pa ito bahagyang kumilos. Akala niya magigising na ito pero hindi naman kaya pinagpatuloy niya itong pagmasdan."Bakit ba ang gwapo mo?" Wala sa sariling tanong niya habang pinaglalandas ang mga daliri sa ilong pababa sa mga labi nito. "I was born this way Love. No need to question it." Nanlaki ang mga mata niya at agad na tinanggal ang kamay sa mukha nito ng bigla itong magsalita habang nakapikit pa rin.Dali-dali siyang bumangon para umalis na sana pero pinigilan siya nito at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry." He whispered.Nagtatakang tinignan niya ito at nakitang titig na titig ito sa kanya. "Sorry about what?" Tanong niya. "About what happened last w
HALOS isang linggo na ang nakakalipas simula ng magkasagutan sila ni Kade.Hindi umalis si Rizel sa condo nito dahil sa takot na baka totohanin nga nito ang sinabi. Although hindi niya ipagkakailang naroon pa rin ang takot niya sa pwedeng gawin din ng ama nito pero iba kasi ang kay Kade. Parang ibang tao na ito sa mga nakalipas na araw kaya mas nagiging nakakatakot ito sa paningin niya. Ito na ba 'yong sinasabi nitong hindi niya gugustuhing makita itong galit? Kasi sa totoo lang, kinikilabutan pa rin siya kapag naaalala niya ang itsura nito habang pinagbabantaan siya sa pwedeng mangyari kapag ginawa niya ang gusto ng ama nito. Umiling siya. Hindi pa nga niya lubusang kilala si Kade.Sa mga nakalipas din na araw ay hinihintay niya ang gagawin ng ama nito pero sa awa ng Diyos wala pa naman. Ayaw man niyang isipin pero parang pinoprotektahan ni Kade ang pamilya niya. Dahil narinig niya ito isang gabi. Flashback Papasok na sana si Rizel sa kwarto nila ng marinig niya ang boses ni Kade
TULAD nga ng sinabi ni Rizel ay maaga itong umuwi para kay Kade. Pero pagbukas niya ng pintuan ay agad siyang napaatras at wala na sanang balak pumasok dahil sa nakita pero huli na ang lahat dahil napansin na siya ng dalawang taong naglalandian."Love." Nanlalaki ang mga mata ni Kade at agad na tinulak paalis ang kalandian nitong si Katrina Vidal saka tumayo at lumapit sa kanya pero agad siyang umatras. "Wag mo akong lapitan." Matigas niyang sabi at tinignan ito ng masama."Look, let me explain first." Mahinahong anito. "Hindi mo kailangang mag-explain. Aalis na ako." Ngumiti siya ng tipid. Kanina lang ay hirap siyang mag-isip ng dahilan kung paano niya ito iiwan. At ngayon eto na nga, may dumating ng rason pero bakit ang bigat ng pakiramdam niya? Para siyang sinasakal sa sakit lalo pa't napagtanto niyang kaya siya nito sinabihan ng 'I love you' kanina dahil narito pala ang babaeng ito. Kahit hindi na ito mag-explain, alam naman niyang wala talagang nangyari dahil halata namang ayaw