Shayes’ POV Tirik na ang araw noong makagising ako. Inunat ko ang magkabilang braso at saka tinanggal ang nakabalot na kumot sa katawan. Tumatagos ang sinag ng araw sa bubog na bintana. Kinusot ko ang mga mata at tamad na tinahak ang daan patungo sa kusina. Maaga rin akong nakatulog kagabi dahil na rin siguro sa pagod. Napahinto ako nang makarating na sa kusina. Kalat-kalat ang mga kahon at lata.Maraming balat ng mga pagkain sa mesa at nakatumba ang walang laman na basurahan.Pinasadahan ko ng tingin ang hugasan. Ito ang resulta ng pagiging abala ko sa loob ng ilang araw. Napailing na lamang ako. Hindi ko alam na kasama sa responsibilidad ko ang paghuhugas ng pinggan at paglilinis ng bahay. Sinimulan ko na ang lahat ng gawain sa bahay. Siniguro kong maski karampot na dumi ay hindi makakatakas sa paningin ko. Noong nakaramdam ng kaunting pagod ay napaupo na lamang ako sa bakanteng bangko. Napaisip ako bigla tungkol sa mga kasalukuyang pangyayari. Alam ko na kapwa kami nagh
Prologue: “You have to go!” sigaw ni Yna sa kaniyang tagasilbi na si Clarissa.Bumabalot sa buong kastilyo ang kadilimin ng nagaganap na digmaan. Tanging ang ilaw lang ng aladdin ang nagbibigay liwanag sa silong ng palasyo. Nagkatinginan si Yna at si Clarissa. Bakas ang takot at pangamba sa mukha ni Clarissa ngunit hindi niya maaaring suwayin ang nais ng kaniyang amo.Kipkip niya sa maduming braso ang sanggol na mahimbing na natutulog sa kaniyang kanlungan.“Bilisan mo na,” pakiusap ni Yna sa tagasilbi.Napapikit na lamang si Clarissa at sinunod ang inuutos ni Yna. Tinalikuran niya na ito at nagtatakbo palayo, kipkip-kipkip ang batang naging dahilan ng kaguluhang ito.Ang tanging n
Shayes’ POV Nag-uunahan ang mga tao sa pagpila. Natatakot maubusan ng espasyo sa loob ng gallion. May ilang madadapa na sa pakikipag-unahan at may ibang nakamasid lang mula sa malayo—kagaya ko. Nagsisiksikan sila sa makipot na pier. Parang mga isdang nagpapabilisang tumalon sa dagat dahil natatakot na mahuli ng lambat. Luma at maliit ang pier dito sa Seria. The place is dusty and crowded. Ngayon na lamang ulit napuno ng ganito ang pier. Kung hindi pa yata dahil sa imperyalismong nagaganap ay hindi magiging ganito kaabala ang lugar na ‘to. We use to live in peacefulness. We are not familiar with this chaos. Gusto na naming kumawala sa kaguluhang bumabalot dito sa nayon namin. That is why we are all here, trying to escape our fate by leaving.Balot kami sa takot at gutom. Matapos salakayin
Nagising ako dahil sa mabangong amoy ng nilulutong almusal. Napatitig ako sa orasan na nakasabit sa dingding. It’s already 7:00 o’clock in the morning.Bumangon agad ako at naghilamos sa banyo. Kinuha ko ang makapal kong cloak at isinuot ito.Nasisiguro kong nasa gitna na kami ng karagatan. Mahaba na rin ang naging biyahe namin. Lumalamig na ang ihip ng hangin. Tiningnan ko si Janelle na mahimbing na natutulog.Inayos ko ang kumot na tumatakip sa maliit niyang katawan bago ko tuluyang lisanin ang kwarto. Pinagmasdan ko ang tahimik na paligid. Tanging ragasa lang ng alon ang naririnig ko. Mukhang tulog pa silang lahat.Muli akong pumunta sa pinakanglabas ng cruise. Tahimik ang karagatan at unti-unti nang nawawala ang hamog.Humawak ako sa railings. Nililipad ng hangin ang mahaba kong buhok. Ang sayang mapa
Shayes’ POVUmupo ako sa madumi at lumang upuan na gawa sa kahoy. May maduming banig at lumang unan din dito pati banyo banyo ngunit bukod do’n wala nang kahit na anong bagay na na rito.Inalis ko ang cloak at hinubad ang bota. Sumandal ako sa malamig na semento at nagpakawala ng malalim na buntonghininga. “Sana pala hindi na lang ako sumama sa kanila kung alam kong ganito lang din naman ang mangyayari sa akin.”.........Ziyu’s POVPatayo palang ako nang bumukas ang pinto. Agad ko itong nilingon.Nagulat ako nang makita si Zayra na hanggang tuhod ang suot na puting dress.“Handa ka na ba?” tanong nito. Tumango lang ako bilang sagot.“Mauna ka na,” saad ko sa kaniya.“Aantayin na kita
Shayes’ POVMalambot ang dayami na inuupuan ko.Patuloy pa rin sa pag-andar ang kalesang sinasakyan ko. Tinatabunan ng itim na balabal ang kabuoang mukha ko.Patungo ang kalesang itong sa Enchantre.Apat na araw na akong hinahanap ng buong Quatrian Knights. Nakapaskil ang mukha ko sa bawat poste at dingding na madaraanan.Mabagal ang takbo ng kalesa kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakarating.Kanina pa ako nangangati dahil sa mga dayami.Naisipan kong doon pumunta dahil malayo sa kabihasnan ang Enchantre, sigurado akong walang makakakilala sa akin doon. Mga puno na ang nadadaanan ng kalesa, senyales na nakapasok na kami sa bungad ng Enchantre.Madahan akong tumalon mula sa kalesa at sinigurong walang makakakita sa akin.Pinagmasdan ko ang papalayong kalesa bago magsimulang lakbayin nang mag-isa ang Enchantre.Naglakad a
Ziyu’s POV Nasilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana. Dahan-dahan kong ibinuka ang mga talukap ng mata at tinitigan ang kahoy na kisame. Biglang sumagi sa isip ko ang huling bagay na natatandaan ko. Ramdam ko ang mahigpit na mga benda na nakatali sa iba’t-ibang parte ng katawan ko. Hindi na ganoon kasakit ang mga sugat at hiwa na natamo ko, at mas magaan na rin ang pakiramdam ko kaysa noong araw na ‘yon. Pakiramdam ko may kung anong kumakain mg natitirang enerhiya sa katawan ko noong mga oras na kalaban ko amg mga estrangherong ‘yon. Pinilit kong maupo sa matigas na kama at pinagmasdan ang mga sugat sa katawan ko. May benda sa braso at binti ko. Kitang-kita rin ang mga pasa at maliliit na sugat. "Gising
Shayes’ POV Pasikat pa lang ang araw nang damputin ako ng mga knights mula sa piitan. Hindi ako gaanong nakatulog sa loob ng selda. Hindi komportableng matulog doon dahil sobrang tigas ng sahig, at wala man lang kahit na anong p’weding paghigaan, ngunit dahil pagod ako, wala na rin akong ibang pagpipiliian kung hindi ang katulugan ang lugar. Pinagmasdan ko ang mga madidilim na seldang nadadaanan namin. Lahat ‘ata ng mga nakakulong dito ay high profile dahil sa purong bakal ang bawat selda. Ramdam ko ang lamig ng semento dahil walang saplot ang aking mga paa. Marahas ang paghila ng mga knights sa magkabila kong mga braso, na tila ba tatakasan ko sila.Huminto kami noong marating ang isang huge metal door. Malaki ito at mukhang napakatibay. Awtomatik itong bumukas at isang malaking hall ang bumungad sa akin. The place was wide and well stabilized. It was sorrounde