Share

CHAPTER 1: LEAVE

Shayes’ POV

    Nag-uunahan ang mga tao sa pagpila. Natatakot maubusan ng espasyo sa loob ng gallion. May ilang madadapa na sa pakikipag-unahan at may ibang nakamasid lang mula sa malayo—kagaya ko. 

  Nagsisiksikan sila sa makipot na pier. Parang mga isdang nagpapabilisang tumalon sa dagat dahil natatakot na mahuli ng lambat. 

  Luma at maliit ang pier dito sa Seria. The place is dusty and crowded. Ngayon na lamang ulit napuno ng ganito ang pier. Kung hindi pa yata dahil sa imperyalismong nagaganap ay hindi magiging ganito kaabala ang lugar na ‘to. 

  We use to live in peacefulness. We are not familiar with this chaos. Gusto na naming kumawala sa kaguluhang bumabalot dito sa nayon namin. That is why we are all here, trying to escape our fate by leaving.

 Balot kami sa takot at gutom. Matapos salakayin ang Seria, the whole town scream for hunger and help. Ang gallion ng Seria ay may biyaheng tungo sa gitnang bayan— ang Quatria. 

That mid-town could help us. I’m not sure if they’ll accept refuges pero isa lang ang sigurado ko, they has the capability to protect Seria against the 21st century pirates. 

 Ito lamang ang natitirang paraan upang makaalis kami rito. Ito ay ang bumayahe sa gitnang bayan at takasan ang kaguluhan. I have to go to Mid-Quatria.

If I need to beg for their help then I will. If it’s the only way to save Seria then I will not hesitate to do it. 



Bumuntonghininga ako habang pinagmamasdan ang masalimuot na sinapit ng mga tao sa lugar na ito. Bakas sa mga mukha nila ang gutom, ang takot, trauma, at pangungulila. 



   Sampung araw nang hinahalughug ang bayan namin ng mga kawal ng Avonlea. Ang Avonlea ay ang nagsasariling bayan na bahagi ng Ymacria. Sabi nila mayroon daw kaming itinatago. Ipinagpipilitan nilang narito ang hinahanap nila. 




I know what they’re referring to. It’s the legendary story of the heiress of the Hallca,  but Seria don’t deserve this. 




This is too much. Nilason na ang utak nilang isang alamat. 




  Binihag nila ang dalawangpung sibilyan kasama ang aking matalik na kaibigan at ang isa pa nitong kapatid. 

Naiwan sa akin si Janelle ang bunso sa kanilang magkakapatid. Nagdesisyon akong lumisan upang humingi ng tulong sa Hari ng Quatria.



  Wala na akong babalikang tahanan o pamilya, dahil lahat ng ‘yon ay kinuha na nila. 




 We can’t survive without food and this crisis.




  Sinunog ng mga kawal ang mga kubo namin. Wala halos natirang gamit at pagkain. Pinatay nila ang mga pinuno ng bawat tribo kasama na ang nangalaga sa akin, si Master Shahin. Ang templo naming iniingat-ingatan ay giniba nila. Pinaulanan nila ng pana ang mga bahay at dinakip lahat ng makita nilang buhay. 




   The quiet and peaceful town of Seria become a haunted and a perished town inside Quatria. 




“Puno na ang barko magsialis na kayo, ” saad ng mamang may maputing buhok. Halos bulong nalang ang naririnig ko mula sa aking kinatatayuan. I can’t see him clearly behind those heads beyond us.




Napahawak si Janelle sa aking kamay. Marahil ay natatakot sa susunod na eksena. Apat na araw na kami ritong nakapila ngunit halos nasa dulo pa rin kami. I can feel the tension ranging again between the guards and the passenger.



 I sighed. 



Nakita ko ang dahan-dahang pagsara ng entrance ng gallion. Malakas na tumunog ang makina nito, hudyat na paalis na ang barko. Ang mga taong nananatili sa unahang pila ay gumagawa na ng ingay. Maya-maya pa ay nagsitakbuhan na ang mga tao. 




  Hinila ko si Janelle upang makahabol kami sa pagsasara ng pinto ng barko. Nagsisitakbuhan na rin ang mga tao na nakapila sa bandang likuran ko. Binuhat ko na si Janelle at nakipag-unahan sa iba pang tumatakbo. 




  Napahinto kami nang maglabas ng baril ang apat na nagbabantay. 




Natahimik ang lahat. 



Walang paang gumalaw. 




  Walang pagdadalwang isip na tumuloy pa rin ang iba. Agad kong ipinangtabon ang mga kamay ko sa mukha ni Janelle. Inaasahan ko na kung anong susunod na mangyayari. 




  Napakinggan ko ang ilang putok ng baril. Isa-isang tumumba ang mga katawan nila sa malamig na sahig. Bumalot ang takot sa mukha ng bawat isa. 





 Muling tumunog ang makina ng gallion at wala nang nagtangka pang humabol sa tuluyang pagsasara ng pinto ng barko. 




  Tumalikod ako at naglakad palayo kapit-kapit ang kamay ni Janelle. The people left dumbfounded just like us. They walk again back to their positions so do I. 





Isang araw na naman ang lilipas na walang pagkain at maayos na tutulugan. 





Sumilong kami sa isang maduming eskinita kasama ang apat na taong umaasang makakapunta sa kabilang isla. They are from the central part of Seria. Nakabalot ng balabal ang lahat ng babae. Sa mga edad na isa hanggang dalawapu’t lima naman ay nagsusuot ng mga cloak upang maitago ang mga mukha sa mga mapangmalabis na kawal. We heared rumors about Serian who were raped by knights. 





  Pinagmasdan ko ang mga tao. Balisa sila at natatakot, pare-parehong naghahangad na matakasan ang kaguluhang ito. 






Nakikita ko sa mga mata nila ang pagnanais na makaalis. Gano’n din ako at ng marami pang iba. 





  Napansin ko ang paghalukipkip ni Janelle sa maduming semento. Niyakap ko siya at pinilit pakalmahin. Ang maliit niyang katawan ay binalot ko sa luma at maduming kumot.




 Gusto kong sabihin sa kaniya na magiging maayos din ang lahat ngunit ayaw kong magsinungaling. 






  Ang pangsiyam na dimensyon ay isa sa pinakamalakas na nilikhang dimensyon. Ang Quatria ay isa sa pinakamalakas na kontinente na nag-e-exist sa buong kalawakan. Katulad ng mundo ng tao ang Quatria ay umunlad not only politically but technologically. Katulad din nila,  hindi lahat sumama sa pagtaas, may mga naiwan sa baba kagaya namin. 





We are still at the bottom—mahirap, mangmang at sunod-sunuran.







Maraming nagbago sa paglipas ng panahon. The castles becomes huge as building and everyone now use technology.







Hindi madali ang pagiging isang Quatrian. Oo, may kapangyarihan ka nga ang kaso wala namang kapayapaan. It’s okay to be powerless than dealing with everyday pain and threat.






Napasandal ako sa pader at napabungtonghininga. 




    Medyo malayo sa parteng ito ang kinaroroonan ng tribo namin. 




  Bumigat ang pakiramdam ko nang muli ko silang maalala. Ako, si Janelle at ang dalawa kong dinakip na kaibigan na lamang ang natitira sa tribo namin. Nakita ko kung paano pinatay ng mga kawal ng Avonlea ang mga nakatira sa tribo. Masakit isipin na wala akong nagawa kahit alam kung may magagawa naman ako— siguro, kahit papaano. 




Isa sila sa naging pamilya ko at isa sa mga taong kumupkop sa akin. 




Nawala ako sa aking seryosong pag-iisip nang makarinig ng mga yabag ng paa. 




Hindi ko na lamang ito pinansin.





 Naramdaman kong tumahimik ang paligid. Nakaramdam ako ng kaba sa sandaling pagbabago ng timpla ng paligid. Tanging ang yabag lang ng paang iyon ang maririnig. Pumikit ako at niyakap nang mahigpit si Janelle. Kailangan kong magkunyaring tulog. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa paparating na ito. 





 Isang malakas na pwersa ang humigit sa akin patayo. Nabitawan ko si Janelle sa pagkabigla. 





  Napatingin ako sa kamay ng isang lalaki na mahigpit na nakakapit sa braso ko. 




“Tatlong perlas kapalit ng impormasyon binibini,” saad ng matikas na boses. Tiningnan ko siya nang may pagtataka. Muli kong kinapitan ang maliliit na kamay  ni Janelle. Kunot noo ko silang tiningnan sa ilalim ng makapal kong balabal na nakatabon sa aking mukha. 





  Inalis niya ang hood at bumungad sa akin ang gwapo at makinis nitong mukha. Matalim akong tumitig sa kaniya. Itim ang kulay ng mga mata nito at gayundin ang buhok. The authority in his voice is much surprising. 





Nasisiguro kong isa siyang dayo. 




Hinigit ko ang braso ko pabalik.



“Tatlong perlas ay hindi sapat ginoo,” saad ko sa kaniya. Pinilit kong magmukhang matapang sa harap niya. I can sense that he’s not an ordinary villagers. 




Nagkaroon ako ng alinlangan sa inaalok niyang perlas. Walang perang umiikot sa nayon. Hindi katulad sa ibang lugar na namumuhay na sa karangyaan. Tradisyunal ang proseso ng kalakalan dito. Nagtataka ako kung bakit nag-o-offer siya ng perlas. Malaking halaga ang katumbas ng isang perlas. Mukhang napakahalaga ng impormasyong gusto niyang makuha. 




“Limang perlas, sapat na ba?” tanong nito.  Ngumiti ako. The boy have plenty of it. Bigla akong nagkainteres sa perlas. Kailangang-kailangan ko rin ng pera. Magagamit ko iyon sa pagtakas. 





  “Sa anim na perlas papayag ako,” I said giving the last deal. Sapat na siguro ‘yon. 




 Lumapit ang isa pang lalaki na kasama niya noong senyasan ito ng lalaking kaharap ko. Iniabot nito ang isa pang supot ng perlas sa kaniya. Ibinaba ng lalaki ang kaniyang hood at tulad nang nauna ay may kaakit-akit din itong mukha. I guess they are from mid-Quatria, base from their clothing and gestures. Kumikinang pa sa linis ang sapatos nila at walang gusot ang damit. Napaka-classy nila para sa isang ordinaryong taga-nayon lamang.





“Sige.”


 Iniabot nito sa akin ang supot ng perlas na hawak nito kanina. Kinuha ko ang supot na perlas at isinilid sa bulsa. 





 Natatabunan pa rin ng hood at balabal ang buo kong mukha. Kung magbigay man ako ng maling impormasyon ay hindi nila ako makikilala. 







  Inilibot niya muna ang tingin sa paligid bago yumuko at bumulong sa tainga ko na para bang may sasabihing mabigat na sikreto.




“Nais kong malaman kung anong hinahanap ng mga kawal ng Avonlea sa nayon niyo?”




Nagpintig ang tainga ko nang marinig ang katanungan niya.





 Hindi ko naisip na itatanong nila ‘yan dahil walang taong magtatangkang sagutin ang tanong na iyan, sapagkat kapag nalaman ng mga kawal kung sino ang nagbigay ng impormasyon sa iba, papaslangin sila ng mga ito. Pero dahil wala akong pakialam sa mga kawal na ‘yan at nakakuha ako nang malaking halaga ay ibibigay ko na sa kanila ang impormasyon. 





“Mayroon sila ritong hinahanap. Isang taong nagtataglay ng kapangyarihang kakaiba. Base sa mga naririnig ko ay Chanter ang tawag sa taong iyon.” 






His eyes widen. 





“Sa’n sila nagkukuta?” Napangiti ako sa tanong niya. 





“Anim na perlas ginoo sa isang sagot,” saad ko.



Agad niya akong kinuwelyuhan. Mukhang napupuno na siya sa ginagawa ko. Binitawan niya rin ako agad noong awatin siya ng kasama niyang lalaki. 







“Nasa Jurio pa rin sila,” saad ko. Mukhang hindi na siya natutuwa. Baka bawiin niya ang perlas kapag masiyado ko pa siyang ginalit. Mukhang salat sila sa impormasyon. 





“Natagpuan na ba nila ang kanilang hinahanap?” tanong ng kasama niyang lalaki. 






Why are they becoming so interested about the Chantress?





Inayos ko ang cloak ko na nagusot. Nawala ang ngiti ko sa labi. Sino ba talaga ang chanter na ‘yon at bakit gano’n siya kahalaga?





“Hindi. Dahil wala siya rito.” 






Natigilan sila dahil sa sinabi ko. 





“Paano mo nalaman na wala siya rito?” tanong ng lalaki kanina. Kung ganoon iyon din ang dahilan kung bakit sila nandito. Pinaghihinalaan pa rin nila na nandito ang hinahanap nila. 





“Dahil kilala ko kung sino siya,” matapang kong sagot. 





“Sinungaling ka,” saad nito na mukhang hindi na naniniwala sa akin. 






 Ngumisi ako at pinagmasdan ang namumula nitong mukha dahil sa galit. Nababatid ko na alam nila na nagsisinunungaling ako. Gusto talaga nilang makilala ang chantress. 






“We need to find her, and we have no time to play with you,” mariin nitong saad. 







“So ano naman ang kinalaman ko sa paghahanap niyo sa chanter? I already give the answers that you want. It’s up to you kung maniniwala kayo o hindi.” 







  Muli niyang hinila ang braso ko. 








“It’s just a yes or no. Are you saying the truth na kilala mo siya or not?”





Ngumiti ako nang marahan. They’re so desperate. 







“Ate...” 






Nabaling ang atensyon ko kay Janelle.




 “Umalis na tayo dito,” nagmamakaawa nitong sabi habang pilit na hinihila ang braso ko.






Hindi ko siya sinagot at muli kong ibinaling ang atensyon sa mga lalaki ngunit hinigit ulit ni Janelle ang laylayan ng aking palda. 






“Ate nagugutom na ako,” mariin nitong saad.







 Hindi pa kami kumakain mula pa kahapon. Nakaramdam ako ng awa sa bata.








“Saglit lang Janelle,” saad ko. Tumingin ako sa mga lalaking kausap ko. “Kung ayaw niyong maniwa-” 





Isang manipis na palaso ang tumagos sa gilid ng hood ko. Hinila ko paupo si Janelle sa labis na takot. 







Mukhang natunugan na agad kami ng mga kawal. I am not so impress. Mayroon talaga silang tainga sa lupa. 





“Aba ang mga Chosen ng Quatria. Anong dahilan at naparito kayo?” dinig kong sabi ng isang lalaki.





 Agad akong tumingin sa direksyon ng nagsalita. Nasa unahan ko ang dalawang lalaki na siyang kausap ko kanina at nasa harapan nila ang  batalyon ng mga kawal ng Avonlea. Malalakas din naman ang mga Avonleon knights kaya nga madali nila kaming nagapi but compared to these two, I’m not sure. I am so familiar with Mid-Quatrian’s capabilities, kung tama nga ang hinala ko na taga-gitnang bayan sila. 





“Kailangan namin ang babaeng ‘yan,” sigaw ng heneral. Inihaya nito ang matalim na espada upang balaan ang dalawa. 




“Bakit ninyo siya kailangan?” tanong ng lalaking kausap ko kanina. Hindi ko makita ang reaksyon nilang dalawa but base on their tone they can’t afford to lose. 





“Nagbigay siya ng impormasyon ukol sa amin at narinig kong may alam siya sa hinahanap namin.” 





 Napapikit ako sa kaba. Sa oras na matalo ang dalawang ‘to, sigurado akong kami naman ang isusunod nila. 



“Pasensya na pero hindi ko ‘yan magagawa.” 




Napaangat ang tingin ko sa kaniya nang marinig ang mga salitang iyon. Mukhang tama nga ang hinala ko na galing silang gitnang bayan. They are here to help us. 





Inilabas niya ang kaniyang matalim na katana. 




Nakikita ko ang talim ng sandata niya. A familar symbol was engraved in it’s handle.







Handa na silang dalawa. 





  “Madadaan natin ito sa mabuting usapan, Ginoo.” Ibinaba ng heneral ang espada niya.” Ibibigay ko ang mga bihag kapalit nilang dalawa.”




  “No thanks,” sagot ng lalaking una kong nakausap.” We can beat you in just one snap. In fact the Royal Knights is working now to save the people of Seria as well as those you abducted.”




  Ngumisi ang heneral. 




“Dalawa lang kayo at marami kami. Sigurado ka bang hindi na kayo aatras?”




 Kinamot ng Heneral ang kaniyang bigote at natatawang tiningnan ang makakalaban niya. 




 “Don’t underestimate us. Baka nakakalimutan mo, chosen ang kaharap mo.” 





  Ilang segundo lang silang nagkatitigan bago ko marinig ang pagsigaw ng heneral, na hudyat ng pakikidigma. 





 Sumugod ang batalyon ng kawal.




 Niyakap ko agad si Janelle at lumayo sa labanan. Ipinikit ko ang aking mga mata habang yakap si Janelle. Naririnig ko ang bawat pagtama ng mga metal sa isa’t-isa. Masakit sa tainga ang sigaw ng mga kawal. Ilang minuto ang itinagal ng laban. Noong tumahimik ang paligid ay saka lamang ako nagmulat ng mata. 






  My eyes widen when I saw the scenario. Wala ni isang nakatayong Avonleon Knights. Lahat sila ay nakahandusay sa sahig. Maski ang heneral ay napaluhod sa tinamong sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan. In just a couple of minutes natalo nila ang Avonlea. 








Napakurap ako at bigla nalang napaatras noong bumaling sa akin ang dalawang lalaki kanina. 






“Lets go,” saad nito. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Nakalahad ang kamay nito.”Dadalhin ka namin sa Quatria nang libre kapalit ng mas marami pang impormasyon.” 





Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. 






They are chosens so they are a royal servants. Engaging with people like us is very unusual. Kumapit ako sa kamay niya at tumayo.  







“Thank you sa pagliligtas.” Iyon lang ang tanging naisagot ko. 





Hindi ko inakala na pagkakatiwalaan niya ako nang ganoon kabilis. 





Tumingin ang lalaki kay Janelle. 





“She need to eat and rest,” he said with concern. I just nodded. 






“Halika, sumunod kayo.” Nagsimula na siyang maglakad. Wala kaming ibang nagawa ni Janelle kung hindi ang sundan siya. Nahuhuli kong nakatingin sa amin ang iba pang mga tao.”That gallion is too old. Ginagamit lang yan sa kalakalan. Hindi ligtas kung sasakyan niyo ‘yan. H’wag kayong mag-alala dahil nagpadala na kami ng tulong,” dagdag pa nito. 





Kunot noo ko silang pinagmasdan. Kung ganoon ay isasama niya talaga kami sa gitnang bayan. 





Naglakad kami sa medyo malayong parte ng pier. Natanaw ko ang puting cruise na nakatali sa  pangpang. 





Baka iyon ang sasakyan namin. 




Nakahinga ako nang maluwag. Sa wakas makakaalis na rin ako sa lugar na ito. 





Inalalayan ako ng kasama niyang lalaki paakyat ng cruise. Kulay puti ang buong paligid, maaliwas at malinis. 






Inilapag ko ang kakunting bagahe ko sa sahig ng sala. Medium size lamang ito pero napakalaki na at elegante pa. Ngayon nalang ulit ako nakapasok sa isang cruise. Ang sala nila ay kagaya ng isang sala set ng isang mansyon. Mayroong chandelier sa itaas at napakalawak ng paligid. 





  “Maupo kayo,” saad ng lalaki kanina. Tinanguan ko siya at inalalayan si Janelle paupo ng sofa. Nakakahiyang idikit ang madumi kong kasuotan sa malinis na cover ng sofa. 






Agad akong napabaling sa paparating na babae. Lumabas siya mula sa isang kwarto roon, marahil siguro dahil sa pagdating namin. May suot siyang apron na kulay puti. Nginitian niya ako habang nagpupunas ng kamay sa apron. 




 Umupo ang dalawang lalaki kanina sa katapat na bangko samantalang nanatiling nakatayo ang babaeng may suot na apron. Tumingin sila sa akin.  




  “Hindi pa pala ako nagpapakilala. I’m Ziyu Zave Mcklay, a royal chosen and the heir of the Evitrim.”





 Napaawang ang labi ko nang marinig ang sinabi niya. 




Heir of the Evitrim. 





 Evitrim is the third dungeon. Ang ibig sabihin lang ng bagay na iyon ay isa siyang maharlika. Anak siya ng Reyna ng Letdana. 





“This is Kyre Forrd Mayer.” Itinuro niya ang lalaki na matipid magsalita. Siya ang lalaking kasama niya kanina. 




“Hi!” tanging bati niya sa pinakamasayang tono. 




“And this is Mae Freas.” Itinuro naman niya ang babae na nakasuot ng apron. She has curly hair at kulay chestnut na buhok. 





“Nice to meet you,” she said, warmly. Nilingon niya ang dalawang kasamahan at binigyan ng nagtatakang tingin. She might be thinking kung bakit ako kasama ng mga kaibigan niya. 






 “Isinama namin siya dahil marami siyang nalalaman. I think she could help us on finding the Chanter,” the guy named Ziyu said while looking at Mae. 




“Hindi ba kayo mapapagalitan ni Headmistress sa pagdadala niyo ng sibilyan sa palasyo?” tanong ni Mae sa kaniya. 





 Ziyu shook his head.





“I don’t think so. She said she knows the chantress at ano bang pinunta natin dito ‘di ba ang mahanap ang chantress? Malay mo mapapakinabangan natin ‘yan,” pagtutukoy niya sa akin. 




 “Really? May alam ka sa kaniya?” tanong nito sa akin. She had a rosy cheeks and a pair of brown eyes. 




Tumango ako bilang tugon. 




 “Oh great—who is this little girl?” Biglang nabaling ang atensyon niya nang makita si Janelle. Umupo ito upang makapantay si Janelle. 



“Kapatid mo?” tanong niya sa akin. 




“Hindi. Kapatid siya ng kaibigan ko,” sagot ko sa kaniya. 



Nakangiti nitong pinagmasdan si Janelle na kanina pa tahimik. 




“Hindi ka ba magpapakilala?”




Napaangat ang tingin ko nang sabihin iyon ni Ziyu. Hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala. 




“Ako nga pala si Shayes Yka Dominguez. Matagal na ako ritong naninirahan sa Seria and this is Janelle Fuego my friend’s sister.”







  “May I ask kung bakit nakatabon ng balabal ang buong mukha mo? And you never took off your hood.” Bumalot ang kuryusidad sa mukha ni Mae. 





  Tinagtag ko ang mahabang balabal at inalis ang hood ko. I show them my bare face. 




 “We were not allowed to show our face in public. Maraming cases ng pang-aabuso sa Seria.” 





  “You look more like a Chantrian than a Serian.” Bumaling ako kay Ziyu nang sabihin niya iyon. 






Bigla siyang tumayo at hinubad ang suot niyang cloak. Kuminang ang pamilyar na logo mula rito. Hindi ko iyon napansin kanina. The tower like silver logo. He is a student of QMA. 





  “Mae ihatid mo na siya sa guest room. Magpapahinga lang kami,” bilin ni Ziyu bago siya tuluyang umalis.





 Hindi na siguro ako dapat magulat dahil maharlika siya. Barya lang para sa kaniya ang pagbabayad ng tuition sa paaralang iyon. 



Hinatid ako ni Mae sa kwarto. Maliit lamang ang kwarto ngunit maganda at kumportableng tulugan. 




Nagpasalamat ako bago siya umalis. Inilapag ko sa kama ang bag na may lamang iilang pirasong damit. 



Hinubad ko ang cloak at sinampay ito sa likod ng bangko. 




Napagod ako sa mahabang paghihintay sa pier. Hinubad ko ang lumang bota at tinanggal ang pagkaka-braid ng buhok ko. Medyo nagulo na ito kaya tinanggal ko na ito at pinuyod into a ponytail.




“Ate sa’n tayo pupunta?” tanong ni Janelle habang pinapalitan ko siya ng damit. 




“Sa Mid-Quatria. Maililigtas din natin ang Ate mo.” 





Ngumiti ako at siniguradong maniniwala siya bago ibaling sa ibang atensyon ang aking isip. 






Hinatiran kami ni Mae ng hapunan. Tuwang-tuwa si Janelle sa masasarap na pagkain na nakahain sa lamesa.





Matapos kumain ay hinintay ko munang makatulog si Janelle bago ihatid sa kusina ang mga pinagkainan namin. 





Hinalikan ko ang kaniyang noo bago umalis. Maingat kong binuhat ang mga pinggan palabas ng kwarto. Maliwanag at nakasindi lahat ng ilaw. Madilim na rin sa labas. 




Tinungo ko ang kusina. Ito ang kwartong pinaglabasan ni Mae kanina bago siya magpakilala sa akin. 



Inilapag ko sa lababo ang mga pinggan. 




Tahimik dito sa loob ng cruise. Siguro tulog na silang lahat. 





Lumabas ako at pinagmasdan ang madilim na laot. Hinawakan ko ang railings at dinama ang malakas na hangin. 





Malamig dito sa labas at masyadong tahimik. 





Pinagmasdan ko ang buwan. Maliwanag ito at bilog na bilog. 





Ilang buwan na lang at nalalapit na ang ikinatatakot naming araw. 






Ipinikit ko ang mga mata ko at sinariwa ang mga nakaraan ko sa mid-Quatria. 





Ang digmaan, ang pagpaparusa, at ang kasamaan. 





Isang ala-ala na muli ko na namang babalikan. 





Walang mga bituin sa langit tanging ang buwan lang ang nagbibigay ng liwanag. 





Naaayon lahat sa plano ko...

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mary Sinclair
As much as I enjoy trying to suss out Cebuano or Tagalog, the combination of the translations and original language are too hard on the eyes. Best wishes for this book's popularity and success. I'm sorry I can't handle slogging through the chapters.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status