Home / Fantasy / Hall Of The Last Chanter / CHAPTER 2:MID-QUATRIA

Share

CHAPTER 2:MID-QUATRIA

Nagising ako dahil sa mabangong amoy ng nilulutong almusal. Napatitig ako sa orasan na nakasabit sa dingding

   It’s already 7:00 o’clock in the morning.

 Bumangon agad ako at naghilamos sa banyo. Kinuha ko ang makapal kong cloak at isinuot ito. 

Nasisiguro kong nasa gitna na kami ng karagatan. Mahaba na rin ang naging biyahe namin. Lumalamig na ang ihip ng hangin. Tiningnan ko si Janelle na mahimbing na natutulog.

 Inayos ko ang kumot na tumatakip sa maliit niyang katawan bago ko tuluyang lisanin ang kwarto. 

  Pinagmasdan ko ang tahimik na paligid. Tanging ragasa lang ng alon ang naririnig ko. Mukhang tulog pa silang lahat. 

Muli akong pumunta sa pinakanglabas ng cruise. Tahimik ang karagatan at unti-unti nang nawawala ang hamog.

Humawak ako sa railings. Nililipad ng hangin ang mahaba kong buhok. Ang sayang mapag-isa kagabi. Matagal tagal na rin noong huli akong maglayag sa karagatan. I think it was 10 years ago. 

  I don’t remember so much memories of my childhood but I know this scent. This was a familiar scent of peace that you can only smell in this kind of place. The silence of the sea with the embracing shadows of the sky— together with the beams of light that strike transparently in the mid-ocean. It created a spark of sunlight that complete the paradise. 

Malapit na ang Blood eclipse kaya’t hinahanap na nila ang hieress ng ika-apat na dungeon. Madalas mabalita na nasa Seria ang Chantress dahil natagpuan sa abandunadong templo ng Seria ang amulet ni Lady Yna, ang ina ng nawawalang heiress. Ang Avonlea ay isa sa mga rebeldeng grupo na kumakalaban sa sentro. Matatapang sila ngunit mabababang uri ng wizard ang mga kasapi nila kaya’t madali silang nagagapi ng mga Central knights or what they known as the Chosen. At ang mga taong kasama ko ngayon ay kasapi nila. 

Marami akong alam tungkol sa sentro sapagkat iyon ay isa sa mga lugar na kinalakihan ko.   

“The breakfast is ready.”

 Nagulat ako nang may nagsalita sa aking likuran. Napatingin ako kay Mae. She was smiling widely. 

“Nakita kita kagabi rito. Mukhang gusto mo ang karagatan,” she said while looking at sea. I just nodded cause she’s right—I love the sight of a see.

“Napaka-peaceful kasing tingnan ng karagatan,” I said and looked at the ocean. 

“Thats true,” pagsang-ayon niya. Naglakad siya palayo at sinundan ko lang siya ng tingin.”Wake her up so we can eat together. We are in the dining room.” Muli niya akong nilingon at nginitian.

Pumunta na agad  ako sa kwarto. Ayaw ko silang paghintayin nang matagal. Tinapik ko ang pisngi ni Janelle . 

“Wake up,” bulong ko sa maliit niyang tainga. 

Minulat niya ang kaniyang mga mata at inosenteng tumitig sa akin. 

“Umaga na ba ate?” tanong nito. 

“Oo. Maghilamos ka na at kakain na tayo,” I said. Tumayo na siya mula sa pagkakahiga sa kama at nagmadali pumunta ng banyo. 

 Dumating kami sa dining room at napansing kompleto na sila pero hindi pa sila nagsisimulang kumain. 

Umupo ako sa bakanteng bangko at tumabi sakin si Janelle. 

The food looks delicious. Amoy palang nito ay nakakatakam na. Hindi ako pamilyar sa mga pagkaing nakahain pero nasisiguro kong lahat ng iyon ay pang-mayayaman. 

Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kami at ninamnam ang sarap ng almusal. 

“By the way Shayes, nakarating ka na ba ng gitnang bayan?” tanong ni Mae. Napatigil ako sa pagkain because of her unexpected question. 

“Yes, noong bata pa lang ako,” sagot ko at muling ipinagpatuloy ang pagkain. 

Now, they are becoming interested to me.

“Sa Seria ba talaga kayo nakatira or nag-migrate lang kayo ng pamilya mo?” tanong muli nito. 

Hindi ko alam kung bakit naku-curious sila tungkol sa buhay ko. 

“Hindi ako legal na residente sa Seria. Lumipat lang kami noong nagkaroon ng digmaan. I came from Enchantre,” matapat kong sabi. Wala namang patutunguhan kung magsisinungaling ako sa kanila. 

“You’re from Enchantre?”

Napalingon ako kay Ziyu nang itanong niya iyon. Mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. 

“Is that true?” tanong ni Mae. I nodded. 

 “Yes, hindi naman ‘yon mapapagkaila sa itsura ko. You’re friend already notice that kanina hindi ba?”

 

Tumingin ako kay Mae at inilipat ang tingin kay Ziyu. 

  Chantrians have a unique features, kaya madalas kaming makilala. Chantrians usually have a pale skin, long brown hair and heavy eye lashes. Matipid din kaming magsalita at ilag sa tao. 

  “We thought you’re a Serian. Pero—bakit hindi mo sa amin kanina sinabi ang tungkol do’n?” sisa ni Mae. 

I bit my lower lip. Nag-isip ako ng kapani-paniwalang kasagutan sa tanong niyang ‘yon.

“B-baka kasi mapahamak ang kaibigan ko. Kapag nalaman ng mga kawal ng Avonlea ang tunay kong pinagmulan, sigurado akong hahanapin nila ako para malaman nila kung nasaan ang chantress. Bihag niya ang kaibigan ko at pwedi nila siyang patayin. Walang maaaring makaalam ng bagay na iyon,” I said. 

   Nagmula ang Chantress sa ika-apat na kaharian. Iyon ay ang kaharian ng Enchantre. Ipinanganak ako sa bayang iyon at dinala lamang sa Seria dahil sa nangyaring digmaan. Ang lahat ng Chantrian na nasa labas ng Enchantre ay nanganganib dahil lahat sila ay pinaghihinalaang may alam sa lokasyon ng Chantress. Ang Chantress ang pinakamalakas na nilalang sa Quatria at gusto ng lahat na makuha siya para kontrolin ang buong Quatria. 

“So kilala mo talaga ang Chantress? Are you friends with her?”

Nakikita ko ang antisipasyon sa mukha ni Mae. Matagal na siguro nila siyang hinahanap kaya ganito nalang sila kasabik sa mga nalalaman ko. 

“Yes, we are friends. Sabay kaming lumisan ng Enchantre at parehong namuhay sa Seria.” 

 Nagkatinginan silang tatlo. Hindi sila makapaniwala sa mga sinasabi ko. 

“Mga ilang taon kayo noong nilisan niyo ang Enchantre?” tanong ni Ziyu. 

“Mga 8 years old ako noon,” sagot ko. 

“So nasan na siya ngayon?” seryosong tanong ni Ziyu. 

“Sa Sentro ko nalang sasabihin.” 

Hindi ko pinahalata na kabado ako sa sunod-sunod kong isinasagot. I need to play with them or else they gonna 

dump me.

. . . . 

ZIYU's POV 

  Naupo ako sa malambot kong kama at agad na tinanggal ang mga sapin ko sa paa. I’m so tired. 

It’s been a month noong magsimula kaming hanapin ang nawawalang Chantress. It was our very first mission na nabigo naming tapusin agad. I’m so desperate to finish this mission. 

I rested my body on the soft cushion. Gusto kong irelax ang sarili ko at this moment. Kahit na 50-50 pa ang kasiguraduhang makakakuha kami ng impormasyon sa babaeng ’yun, I still hold the remaining 50%. 

We used all the possible strategy para lang mahanap ang Chantress but until now wala pa rin kaming magandang balitang nakukuha. 

I grab the opportunity even it’s very risky, dahil gusto ko ng matuldukan ang paghahanap sa taong iyon. Wala namang mawawala sa amin kung susubukan namin siyang tanungin. That girl is very witty. I’m sure na matutulungan niya kami sa misyon namin. 

   Kahapon lang kami dumating dito sa Seria. It was out of the plan. Tinawagan lang kami ng palasyo na may natanggap silang balita sa mga Royal Knights na rumesponde sa Seria. 

 The officials told us about the possible motive of Avonleon knights. They are also searching for the chantress. Tatlo lang kaming lumuwas patungo sa Seria para personal na imbestigahan ang mga nangayari.  

   Kasama ko si Kyre na maglibot sa buong Seria. There is nothing strange bukod sa nangyayaring sigalot sa lugar.   

 Kumuha ako ng libro sa shelf at tinanggal ang book mark sa pahinang huli kong nabasa. 

  I hope na makatulong ang babaeng ’yun sa misyon. She’s my responsibility. If she failed to help then another disappointment na naman ang matatanggap ko. 

Napalingon ako bigla noong bumukas ang pinto. Kuno’t noong tinapunan ko ng tingin si Mae. 

  “Can I talk to you?” tanong nito. I sighed. Akala ko makakapagpahinga pa ako nang mas matagal. 

  “Sure,” matipid kong sagot. 

  Hinila niya ang bakanteng bangko at prenteng umupo dito. 

 ’“Sa’n mo nakuha ang babaeng ’yon?”

Nagulat ako sa tinanong niya. I didn’t expect na pakikialaman niya ang mga desisyon ko. She’s always been loyal to my leadership. 

  “I just saw her on the port na malapit dito. I talk to her and she told me she knew the Chantress.” 

 Napaawang ang labi niya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. 

 “At naniwala ka? There is so many people who claim na may alam sila sa Chantress. Oh come on Ziyu, alam mo naman that they are just after the money.” 

Ibinaba ko ang librong hawak ko at tumingin kay Mae. 

 “Alam ko naman ’yon eh. Pero may nararamdaman akong kakaiba sa kaniya. She’s giving me so much hint na may alam talaga siya. I want to try this one, Mae. Just trust me. Please.” 

 She didn’t answer. 

 “Nasabi mo na ba ‘to kay HM?”

I nodded. Lagi kong binabalitaan ang adviser namin about the progress of our mission. 

 “Pumayag siya na magsama ka ng tao pabalik ng Mid-Quatria?”

Tumango ako. “Yes, she did.” 

Napailing siya sa sinabi ko. Umalis siya sa pagkakaupo. 

 “Magluluto lang ako ng dinner natin. Hope that that girl will bring you good luck.” Kunot noo ko siyang pinanood habang palabas siya ng pinto. 

  She seems unconvinced with my decision. 

Shayes’ POV

Matapos kumain ay niyaya ko na si Janelle na pumuntang kwarto. 

I told her to clean herself dahil anumang oras ay dadaong na kami sa sentro. Iniwan ko muna siya at nagpunta sa kusina para tulungan si Mae sa mga hugasin. 

“No, you’re a guest!“Umiling-iling siya.”Ako na ang gagawa nito, “she insisted. 

“Okay.” Ayaw ko na siyang pilitan pa. Madalas ako ang gumagawa ng mga gawaing bahay noon sa amin kaya’t sanay ako sa mga ganitong gawain. 

Sumandal ako sa pader at pinanood ang kaniyang ginagawa. 

Naalala ko ang mga naiwan sa Seria. 

Kaunting bilang lang ng tao ang nagkakaroon ng tiyansa na makaluwas. Kung makaluwas man sila ay maliit pa rin ang posibilidad na makausap nila ang hari. At ngayon na nandito ako kasama ang mga chosen, maari ko na silang mailigtas. Kung sana maaari ko silang isama lahat. Ang kaso hindi ko rin akalain na mabibigyan ako ng ganito kalaking oportunidad. 

“I am going to my room if you need help you can call me, “I said to her. Sinuklian niya lang ako nang matipid na ngiti. 

 Dumiretso ako sa kwarto. Napakunot ang noo ko noong mapansing wala si Janelle sa loob. 

 

Ziyu’s POV

 “Baka hinahanap ka ng Ate mo,” I said to this kid na kanina pa nilalaro ang mga gamit ko. I think her age is around 5 or 6 years old. 

 Bigla nalang siyang pumasok sa kwarto. She seems innocent and mischievous. 

  “Babalik rin naman ako ro’n. Alis kasi nang alis si Ate. Wala tuloy akong kalaro,” she said while pouting. 

Umupo ako nang maayos sa kama at iniabot sa kaniya ang relo na pilit niyang inaabot sa ibabaw ng cabinet. 

  “Your name is Janelle, right?”

Tumango siya bilang sagot sa tanong ko. 

 “May alam ka rin ba tungkol sa hinahanap namin?” I know I look stupid, asking serious question on a liitle girl. Mukha kasi siyang matalino and everytime we are discussing about complicated things lagi siyang tahimik na nakikinig sa isang tabi. 

“Yes, Kuya. Alam ko lahat, but I won’t tell you. Ate will tell you, “she said smiling. 

Muli siyang naglaro at hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya. 

Shayes’ POV

I wonder where she is. Pasaway na bata. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa labas. Kyre was sitting on a couch while playing his gadget. 

“Nakita mo ba si Janelle?”tanong ko sa kaniya. 

Tumingin siya sa akin at sandaling binitawan ang gadget na hawak-hawak niya. 

“Hindi ko siya napansin,” he said. 

“Ahh gano’n ba, sige salamat.”  

Bumuntonghininga dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko ang pinto ng bawat kwarto, umaasang bubukas ‘yon at lalabas si Janelle. 

Tumayo si Kyre at nilibot ang paningin sa paligid. 

“I’ll check the other rooms,” he said. I nodded as a reply.

Ilang minuto lang ay bumalik na si Kyre kasunod si Janelle. 

“Sa’n ka nanggaling?”tanong ko nang may pag-aalala. 

“Nakipaglaro ako kay kuya,” inosenteng sabi nito. Kumunot ang noo ko. 

“Sinong kuya?”nagtataka kong tanong. 

“Kay Kuya Ziyu.” I sighed. 

“I am sorry hindi ko talaga al-” Naputol ang sasabihin ko dahil inunahan na ako ni Kyre. 

“It’s okay. Ziyu is not mad.”

I felt relieved. Makulit talaga si Janelle. Dapat pala hindi ko nalang siya iniwan kanina. 

 “Sorry talaga,” pag-uulit ko. 

Tanging ngiti lang ang isinagot niya. 

Bumalik ako ng kwarto at doon pinagsabihan si Janelle na huwag na niyang uulitin ‘yon. 

Naligo muna ako at nagbihis ng mas malinis na damit. 

Ilang oras pa ang lumipas at nakadaong na kami sa Mid-Quatria. Inayos ko na ang aking mga gamit at inakay si Janelle palabas ng kwarto. Naghihintay na sila sala. 

Sabay-sabay kaming lumabas ng cruise. 

Bumaba kami sa patag na daungan. Marami akong natatanaw na yacht at cruise sa palibot ng dalampasigan. 

I saw some people wandering along the river bank. 

The birds are chirping in a nearby branch and I can see some navy ships being park at the coast. 

Sinalubong kami ng dalawang itim na kotse. Nakikita ko ang mga navy guard na nakabantay sa daungan. May isang lalaking nakasuot ng itim na suit ang lumapit sa amin at pinagbuksan ang pinto ng kotse. 

Sumakay kami sa pangalawang kotse, samantalang sila ay sumakay sa pang-unang kotse.  

Pinilit kong maging kumportable sa buong biyahe. Pinagmasdan ko ang mga nadadaanan namin. It was a wide green field na hinahati ng kalsada na nadaraanan namin. The road is empty. 

Maganda na nga talaga sa Quatria. Sariwa ang hangin at tahimik. 

Maya-maya pa ay nakita ko na ang sign board. 

’Mid-Quatria (RC)’

 Isang diretsong kalsada ang aming dinaanan.  Mayamaya pa ay natanaw ko na ang mga nagtataasang gusali at naririnig ko na ang maingay na busina ng mga sasakyan. 

Napakaganda at napakalawak ng buong lugar na ito. Sobrang daming store ang madadaanan mo at marami rin ang mga tao na naglalakad-lakad. Buhay na buhay ang kalsada sa mga taong nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Mataas na rin ang sikat ng araw. 

Napangiti ako nang makita ang mga street performer at street vendor. Kahit Royal City ito ang, downtown pa rin ang pinakamasayang puntahang lugar. 

Puno ang pumapalibot sa bawat kalsada. Panay ang tingin ko sa labas, may be because of curiosity and amazement. Maraming nabago at patuloy na magbabago rito sa sentro. 

  Natanaw ko mula sa malayo ang isang malaking gate. We are driving on a road with an elegant pattern. There’s a fountain on both side. The grass was well trimmed and clean. 

Ilang minuto pa ang lumipas at huminto na ang kotse. Lumabas kami at agad na napukaw ang atensyon ko ng napakalaking imprastaktura na ito. 

The narrow roof of this castle like school attain it’s might. I can see the silver plaque containing the words 

’Quatria Magical Academy ’

I just see this academy in an old newspaper and cheap magazines. Parang nakatingin lang ako sa isang panaginip. 

The gate claim the whole view.  Bumukas ang malaki at mataas na gate and it reveal the whole view of the Academy. It was a huge and modernly designed school.  It was coated with silver motif and a touch of  cream paint. It was clean and well painted. Nakakamanghang pagmasdan ang historical Academy na ito. May dalawang guwardiya na nagbabantay sa harap. 

Tumungo ako bilang paggalang. 

Dire-diretso na silang naglakad papasok kaya sumunod nalang ako sa kanila. We walked through the entrance. 

“Nakapunta ka na ba dito?” tanong ni Mae habang naglalakad kami. Nabaling sa kaniya ang atensyon ko. 

“Hindi pa—ngayon ko palang ‘to nakita nang personal sa buong buhay ko.”

 Napangiti siya dahil sa sinabi ko. Nagpatuloy na kami sa paglalakad. 

  We ride the elevator and I was amaze to discover the narrow pathways connecting the four big buildings of the Academy. We walk again on an empty hallway. The light escaped from the glass window. It was big and expensive. 

  Tumigil kami sa harap ng isang kwarto. It was a big wooden door. 

  Bumukas ito at bumungad sa akin ang limang tao na nakasuot ng cloak. They were sitting and laughing when we came. Mukhang inaasahan na nila ang pagdating namin. 

Napatingin ako sa sarili kong damit ng makita ko ang mga suot nila. Naitapak ko pa sa malinis na carpet ang madumi kong bota. My dress was old and dirty. Naikumpara ko agad ang buhay rito sa buhay namin doon. They had those branded shoes and clothes while we have this cheap sandals and old garments. Nahihiya akong umupo sa sofa pero mas nakakahiyang tumayo lamang sa harap nila. Umupo kami ni Janelle sa bakanteng bangko noong ituro ni Mae ang upuan. 

Nang makaupo na ang lahat, they suddenly become silent. 

Mukhang may iniintay pa kami.

Napatingin ako sa pinto noong bigla itong bumukas. Pumasok mula roon ang isa pang babae. I think she’s at her mid-30s.

Naka-bun ang buhok nito. It was blonde and a little bit messy. Hindi halata ang katandaan sa mukha niya. Umupo siya sa kaniyang upuan. I read the plaque on the top of her desk. 

’Headmistress Caroline Huckerseal ’

She pointed her eyes on me, estimating my clarity and features.

Binalik niya ang atensyon sa lahat. Napansin ko na mukhang hindi siya approachable. 

“First of all you must introduce yourself to them,” saad niya sa akin. Hindi man lamang niya ako tiningnan ng sabihin niya ito ngunit alam kong ako ang tinutukoy niya. I don’t know why I shoud be the first to introduce. Pinagmasdan ko ang babae. 

She has this feirce gaze na parang tinutunaw ako sa tuwing titigan niya ako. I can see through it her personality: cold, full of authority and foolish. 

 Tumayo ako at sinunod ang sinabi niya. 

“I am Shayes Yka Dominguez. This little girl beside me is my friend’s younger sister who was abducted by the Avonleon knights,” I said with great formality. 

“Yeah, we already heared,” saad ni Ms. Headmistress. 

Tumingin siya sa iba pang tao sa loob ng office at sinenyasan silang magpakilala sa akin. 

“Ako nga pala si Hara Tisdale Craft.”

Ngumiti sa akin ang isang babae na may maamong mukha. She have a thick eye lashes and ocean blue eyes. I smiled to her. 

“I am Drey Talius.” Nilahad ng isang lalaki ang kaniyang kamay at walang pag-aalinlangan ko itong tinanggap.  

He was handsome and tall, very similar to the two strangers who took me out of Seria.  

“I am Seal Silen,” pakilala ng isa pa. 

He had a jolly voice and attractive face. Lumalabas na ang gilagid niya sa sobrang pagngiti. 

“Art here..Art Remisen,” pakilala naman ng isa pa. He had a deep calm voice. Malaki rin ang kaniyang pangangatawan. He looks so matured. 

“Zayra Dub,” masungit na pakilala ng isa pang babae. She was indeed beautiful but she seems cold. 

Nang matapos silang magpakilala ay ibinalik ko ang atensiyon sa Headmistress. 

“I am Headmistress Caroline. Ginawa ko ang meeting na ‘to para ma-inform lahat kayong chosen sa mga nangyayari. Ziyu called me yesterday with this news that he able to discover this girl who according to her, knows the chanter. I’m sure you are not fooling us, right? Magkaliwanagan tayo ngayon Ms. Dominguez, you should only state the fact and only the fact. Kapag hindi mo sinabi ang katotohan sisiguraduhin ko agad na may parusang iaatang sayo,” pagbabanta niya sa akin. 

 I nodded with confidence. Ramdam ko pa rin ang matalim niyang pagtitig. She don’t trust me and I can feel it. 

“Where’s the chantress location?” tanong ni Zayra. Napalingon ako sa kaniya dahil sa biglaan niyang pagtatanong. She’s not interested base on her tone dahil nahalata ko sa tingin niya na mas interesado siya sa akin kaysa sa makukuha niyang kasagutan. 

“In Meua, Enchantre. Iyon lang ang nasabi niya sa akin,” sagot ko. The atmosphere became cold as ice. 

Sinipat ni Zayra sa tingin si Ziyu at Kyre. 

Like asking, “Where did you find this girl?”

Hindi ko rin alam kung bakit nila ako pinagkatiwalaan agad but they need to trust me if they wanted to find the chantress. 

“Pupunta kami do’n bukas kapag mali ang impormasyong sinabi mo sa amin alam mo na.”

And I heard again the warning. Hindi ko inaasahan ang pagiging desperada nilang mahanap ang chantress. 

Nagsitayo na silang lahat. I didn’t expect this meeting would last in just a few minutes.  

  Nagulat ako nang bigla akong pusasan ni Ziyu. Kunot noo ko siyang nilingon habang iniipit niya ang bakal ng posas sa braso ko. 

Did I do something wrong?

“What do you think your doing?” tanong ko sa kaniya nang may pagkairita at pagtataka. 

“Mahirap ng pagkatiwalaan ang isang estranghero,” malamig niyang sagot. Hinila na niya ako nang pwersahan. 

“Sandali lang...” sigaw ko. Hindi ko inakala na gagawin nila sa akin ito. All I did is to give them the information they wanted. 

Hinigit ko ang mga kamay ko na nakaposas.

“Hindi niyo ‘to p‘weding gawin sa akin! Labag ‘to sa batas!” sigaw ko. Tumingin ako kay Headmistress, umaasang papakawalan niya ako. Afterall she’s the adult here. She know what’s right and wrong. 

“Sorry, Miss Dominguez. Sinisiguro lang namin na hindi ka tatakas if ever na wala silang mapala sa mga impormasyong binigay mo,” seryosong saad nito. 

“No! You can’t do this,” pagmamatigas ko. 

You can’t assault a person nang basta-basta lang. 

“We can, Ms. Dominguez,” seryosong saad nito. 

  Huminga ako nang malalim at kinalma ko ang sarili. Wala akong magagawa kung magpipilit ako. 

“Ate...” 

 Natigilan ako nang marinig ang maliit na tinig ni Janelle. I suddenly realize na walang mag-aalaga kay Janelle kung sakaling ikukulong nila ako. 

“Sa Quatria muna ang custody ng bata. Dadalhin ka sa Avilla pansamantala,” saad ng Head mistress sa akin. 

“Siguraduhin niyo lang na aalagaan niyo siya at maililigtas niyo ang kapatid niya,” I said to the headmistress. I can stand to stay on jail basta ba sisiguraduhin nilang aalagaan nila ang bata at ibabalik siya sa kapatid nito. 

Tumingin ako kay Janelle. 

Nagdadalawang isip ako kung iiwanan ko ba siya o magmamakaawa akong isama siya. 

Lumuhod ako para makapantay siya.

“Dito ka muna. Ligtas ka dito, trust me,” saad ko kay Janelle. Mas makakabuti kung may maayos siyang matutulugan. 

Marahas na hinila ako ni Ziyu patayo. He loves doing that. Hindi ko na nalingon pa si Janelle dahil hinigit na ako ni Ziyu palabas ng Academy. Maraming estudyante ang nakatingin sa amin at I can’t help but to feel ashame. Bakit ba gustong-gusto akong ipahiya ng lalaking ‘to. 

Hinila ko ang braso ko na hawak niya at inunahan siyang maglakad palabas ng gate. 

May nakaabang na na kotse sa tapat ng gate. Huminto ako sa tapat nito at hinintay si Ziyu.

  “Don’t be offended sa ginawa ko. Nagsisiguro lang naman ako,” he said bago buksan ang pinto ng kotse. 

Inirapan ko siya at sumakay nalang ng kotse. The driver of the car started the engine. 

Tahimik lang ako sa buong biyahe. Hindi maalis ang inis ko sa mga nangyayari. 

Ilang minuto pa ang lumipas bago huminto ang kotse. Amoy palang ng lugar ay may ideya na ako kung nasaan kami. 

Binuksan ni Ziyu ang pinto sa tapat ko at inalalayan akong bumaba. 

May mga ward na nag-assist sa amin pero dirediretso lang kami. 

Ayaw ko nang ilibot pa ang mga mata ko sa lugar na ito. Hindi ko inasahang makakapasok pa ulit ako sa nakakasukang lugar na ito. 

Nadadaanan ko ang mga selda. Matitigas na bakal na pinto ang nadaraanan namin. 

Nakarating kami sa tapat ng selda na gawa sa matibay na bakal. Iba ito sa mga seldang nakita ko kanina. 

In-unlock niya ang posas at itinulak ako papasok sa loob. May ibinulong siya sa nagbabantay bago i-lock ako sa loob ng selda. 

“Diyan ka muna,” saad niya. Sinamaan ko lamang siya ng tingin. 

Kumapit ako sa rehas na bakal at tiningan siya nang matalim. “Hindi ako magtatagal dito!” saad ko sa kaniya. 

“Tingnan natin,” he said. Pinaikot-ikot niya sa kamay ang susi at walang paalam na umalis. 

I sighed. 

The cold bricks and dusty floor is my only companion . 

Ano ba tong pinasok ko?

That’s the only question that lingers in my head. 

Napabuntong hininga ako bago umupo sa sahig at pinagmasdan ang nanginginig kong kamay. 

Hindi ako papayag na magtagal dito. This is unfair. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status