Sandaling tumigil sa pag-ikot ang mundo ni Mhia, kasabay ng pagbagsak ng lug wrench na kaniyang hawak. Ito na ang kinatatakutan niya, ang magkrus muli ang landas nila ni Skyler.Walang makapagsalita sa kanila. Ni ang paghinga nga yata ay hindi nila magawa. They just stared to each other for a long while. Tanging ang malalaking patak ng ulan lamang ang maririnig sa buong paligid. It was as if they were stuck in time, at that very moment. Wala ring gumagalaw kahit isa sa kanila.She quickly surveyed him. Wala pa ring pinagbago. Gaya ng dati, matikas pa rin ang dating nito. At napuna niyang bumalik na ang dati nitong itsura. May bigote, may balbas at may kahabaan na ulit ang buhok. Pero sakto lang ang lahat ng iyon at alam niya kung bakit.His added age never affects him that much. He was still the same man who could take her breath away and made her heart stop beating.Ito pa rin iyon. Si Skyler pa rin ang nananatiling nagmamay-ari ng kaniyang puso.Akala niya matagal pa bago mangyari a
Mariing nagdikit ang mga labi ni Mhia habang nakatingin kay Skyler. “Ano pa nga ba’ng aasahan ko sa iyo? You’ve never really change,” iiling-iling niyang wika. May halong pait ang kaniyang tinig.Kitang-kita niya ang paglabas ng mga ugat nito sa leeg sanhi ng pinipigil nitong galit. “And what do you mean by that?”“You know already what I mean. I don’t need to explain that to you.” Tumingin siya sa labas ng bintana. Mukhang wala na talagang pag-asa pa na tumila ang malakas na ulan. And she didn’t want to be trapped with Skyler. Ni ang lumanghap ng hangin na hinihinga nito ay ayaw niyang mangyari. But she didn’t have any choice.“Really, Mhia? I don’t know what you are talking about,” sarkastikong wika nito.“Yeah! Tell that to marines!” She grabbed the door handle, but Skyler quickly held her hand. Napatingin siya roon. “Let go of me!” Pumiksi siya nang malakas pero mahigpit itong nakahawak sa kaniya. Ang init na nagmumula sa palad nito ay nanulay sa kaniyang mga ugat hanggang sa kani
“Hmmm. . .” Nagising si Mhia nang makaramdam ng pangangalay sa leeg. Nakapikit niyang minasahe iyon nang mabilis ring napamulat.Umaga na!Mabilis niyang iginala ang mga mata sa kinaroroonan. Nakahiga pa rin siya sa driver seat ng sasakyan ni Skyler.She looked at herself. Suot na niya ang polo ni Skyler at nakatakip na sa kaniyang may hita ang leather jacket niya.Hinanap niya ang lalaki. Nang hindi ito matagpuan ay bumaba siya ng sasakyan. The morning breeze greeted her. Maganda ang sikat ng araw sa silangan. Para bang walang unos na dumating nang nagdaang gabi. Umapaw nga ang ilog at umabot iyon sa sementadong kalsada, pero hindi naman mataas.Umikot siya sa passenger at kinuha ang gamit doon. Hindi rin niya kinalimutang kunin ang mga damit na hinubad kagabi. Kahit basa pa ay isinuot niya ang pantalon.Bumalik siya sa kinaroroonan ng kaniyang sasakyan. Binuksan niya ang hood niyon at sinubukang muling paandarin. Marunong din naman siyang magbutingting kahit papaano ng makina ng kot
Halos hindi na humihinga si Mhia habang nakamasid sa dalawa. It was like she was looking on a twin, mas bata nga lang tingnan ang isa.“Surprised to see me here? Well, ako rin naman. I was shocked seeing you here with my wife,” ani Quinn at tumabi sa kaniya. Hindi na siya nakaiwas pa nang lumapat ang isang braso nito sa balikat niya.“I didn’t know you knew my brother, mi hermosa esposa.” (My beautiful wife) Lumingon pa sa kaniya si Quinn.Hindi niya alam ang gagawin sa mga sandaling iyon. Pakiramdam niya tumigil sa pagtibok ang kaniyang puso dahil sa endearment ni Quinn sa kaniya.Pagbaling niya kay Skyler, hindi na maipinta ang pagmumukha nito habang nakatingin sa kamay ni Quinn na nasa balikat niya. Kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa nalagutan ng hininga ang katabing lalaki.“Why are you here, Kuya?” asked Quinn.“Ikaw ang dapat na tinatanong ko niyan. Anong ginagawa mo rito?” puno ng intensidad na tanong nito.“Can’t you see? I’m here with my family. Hindi ko naman sila p
“Since the very beginning,” sagot ni Quinn.“Beginning? What beginning?” Bigla siyang nalito. Noong nagkita sila sa retaurant ng mga ito, alam na niyang hindi lang ito basta nagpaimbestiga sa kaniya. Mas malalim pa roon ang ginawa nito. Pero bakit parang hindi ganoon ang sinasabi nito ngayon.“I knew you since the very beginning, Mhia. You know, I was going back and forth here and Spain. Gossips was not a common thing. Isa pa, nakita na rin kitang kasama ni Kuya Skyler noon.”Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “Saan? At bakit hindi ka niya ipinakilala sa akin?”Tumaltak ito. “Because Kuya won’t do that. He has a lot of reasons not to. Aside from that, he’s a territorial person. Ayaw niyang may umaaligid na iba sa taong mahalaga sa kaniya. Kaya alam kong kahit lumapit ako noong nakita ko kayo sa annual thanksgiving party ng kompanya niya, hindi niya ako papansinin. It’s his own company. Siya lang ang boss— siya lang ang makapangyarihan doon. He’s the law.”Nanlaki ang mga mata niya. I
“Mhia. . . !”Nailayo ni Mhia sa tenga niya ang cell phone nang bumungad sa kaniya ang pairit na tinig na iyon ni Adreianne. She just received a call from her. Hindi niya alam kung paano nito nalaman na nakauwi na siya ng Pilipinas, at kinakabahan siya sa mga sandaling iyon. Alam kasi niya kung paano tumakbo ang isip nito.“Your voice. Babasagin mo ba ang eardrum ko?” pagtataray-tarayan niya.“Well, babasagin ko talaga iyan kapag hindi ka nagpakita sa akin,” paingos nitong sagot. Alam niyang naninikwas ang nguso nito sa kabilang linya.Napabuntonghinga siya.Sinasabi na nga ba. May binabalak ito kaya ito napatawag sa kaniya.“What is it?” deretsa niyang tanong. Hindi niya gustong magpaligoy-ligoy pa sila. Pero one thing is for sure, hindi na siya makikipagkita pa rito kung sa bahay lang din naman ng mga ito sila pupunta. She didn’t want to see Skyler again.“Ito naman. Nagkausap kami ni Tiffany, nag-aaya siyang lumabas. Mukhang bored na ang isang iyon sa pagiging nanay niya.” Sinabaya
Nakangiting umiling si Mhia pagkaraan ng ilang sandali. “Hindi siguro talaga para sa akin ang pagkakaroon ng relasyon,” sambit niya. Kahit ayaw niyang maging bitter, ganoon pa rin nag kinalabasan ng tono niya.“I’m sorry. . .” pabulong na wika ni Tiffany.Napatingin siya rito. Nababasa niya ang sinseridad sa mga mata nito. At silang dalawa lang ni Tiffany ang nakaaalam kung para saan ang paghingi nito ng tawad sa kaniya.Natawa siya Adreianne. “At bakit ka naman nag-s-sorry kay Mhia? May nagawa ka bang kasalanan sa kaniya?” tanong nito.Alanganing ngumiti si Tiffany sabay iling. “Wala naman.” Kumuha ito ng isang baso at nagsalin doon ng wine. Iniabot nito sa kanila ni Adreianne ang dalawang baso. “Can’t we just enjoy this evening? Minsan na lang ito mangyari kaya susulitin ko na,” dagdag pa nito.“Alright. . . Cheers!” Itinaas ni Adreianne ang kaniyang wine glass sa ere.“Cheers!” sabay nilang wika ni Tiffany.Habang lumalalim ang gabi, mas marami pa silang nagpag-uusapan. Kalimitan,
Pakanta-kanta si Kaia habang buhat-buhat ito ni Mhia. Naglalakad sila noon papasok sa isang ospital sa Manila. Monthly checkup nito at mas gusto niyang sa mas magandang pasilidad ito matingnan.“Mama, ’no nga ’lit ’yon? Limot ko po,” anito sa kaniya.“The people on the bus goes up and down, up and down, up and down. The people goes up and down, all day long. . .” dugtong niya sa kinakanta nito.“Next, please. . .”Napangiti siya. Siya na ang nagtuloy ng kinakanta nito habang tumatango-tango ito at nakikisabay kung minsan sa kaniya.“’Pos na! Galing!” Pumalakpak ito nang malakas bago siya matunog na hinalikan sa pisngi. “Ospital ’to, Mama?” curious na tanong nito pagkatapos.Tumango siya. “Mama already told you why we are here right?” aniya.Sunod-sunod naman itong tumango. “Pelo sakit needle. Pede ’wag na lang tulok?” Nakikiusap ang mga mata tiningnan siya nito.Natawa siya. Ganoon ito kapag babakunahan, kailangan muna ng mahabang paliwanagan bago ito mapapayag.“What did mama tell yo