Share

BEST OF FRIENDS

“Mhia. . . !”

Nailayo ni Mhia sa tenga niya ang cell phone nang bumungad sa kaniya ang pairit na tinig na iyon ni Adreianne. She just received a call from her. Hindi niya alam kung paano nito nalaman na nakauwi na siya ng Pilipinas, at kinakabahan siya sa mga sandaling iyon. Alam kasi niya kung paano tumakbo ang isip nito.

“Your voice. Babasagin mo ba ang eardrum ko?” pagtataray-tarayan niya.

“Well, babasagin ko talaga iyan kapag hindi ka nagpakita sa akin,” paingos nitong sagot. Alam niyang naninikwas ang nguso nito sa kabilang linya.

Napabuntonghinga siya.

Sinasabi na nga ba. May binabalak ito kaya ito napatawag sa kaniya.

“What is it?” deretsa niyang tanong. Hindi niya gustong magpaligoy-ligoy pa sila. Pero one thing is for sure, hindi na siya makikipagkita pa rito kung sa bahay lang din naman ng mga ito sila pupunta. She didn’t want to see Skyler again.

“Ito naman. Nagkausap kami ni Tiffany, nag-aaya siyang lumabas. Mukhang bored na ang isang iyon sa pagiging nanay niya.” Sinabaya
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status