“Yes, Jace. I want you to dig more. Pakiramdam ko may hindi pa sinasabi sa akin si Adreianne,” ani Skyler sa kausap sa telepono habang nagmamaneho.“What do you mean, pare? Hindi ba malinaw naman na tama lahat ng sinabi niya sa iyo? She lived like a rat before. Sila ng anak mo. And I couldn’t even imagine how hard that for her knowing she had to took care of your son,” anito.“I know. Pero iba ang pakiramdam ko ngayon.” Sinabayan niya iyin ng paghinga nang malalim.Natahimik ito sa kabila linya.“I just wanted to make sure that she’s not hiding anything from me,” he added.“Hindi sa ganoon, pare. Baka naman isa lang ito sa excuse mo? You know, your marriage is in a verged of falling out. Hindi kaya ginagawa mo lang itong dahilan?”“No!” Mariin siyang umiling. “Alam kong hindi mo ako maiintindihan. But I know what I am doing.”Napabuntonghininga si Jace. “Hindi sa hindi kita naiintindihan. Ang sa akin lang, bakit yata sa halip na ayusin mo ang relasyon ninyo, ganito pa ang ginagawa mo.
Sandaling tumigil sa pag-ikot ang mundo ni Mhia, kasabay ng pagbagsak ng lug wrench na kaniyang hawak. Ito na ang kinatatakutan niya, ang magkrus muli ang landas nila ni Skyler.Walang makapagsalita sa kanila. Ni ang paghinga nga yata ay hindi nila magawa. They just stared to each other for a long while. Tanging ang malalaking patak ng ulan lamang ang maririnig sa buong paligid. It was as if they were stuck in time, at that very moment. Wala ring gumagalaw kahit isa sa kanila.She quickly surveyed him. Wala pa ring pinagbago. Gaya ng dati, matikas pa rin ang dating nito. At napuna niyang bumalik na ang dati nitong itsura. May bigote, may balbas at may kahabaan na ulit ang buhok. Pero sakto lang ang lahat ng iyon at alam niya kung bakit.His added age never affects him that much. He was still the same man who could take her breath away and made her heart stop beating.Ito pa rin iyon. Si Skyler pa rin ang nananatiling nagmamay-ari ng kaniyang puso.Akala niya matagal pa bago mangyari a
Mariing nagdikit ang mga labi ni Mhia habang nakatingin kay Skyler. “Ano pa nga ba’ng aasahan ko sa iyo? You’ve never really change,” iiling-iling niyang wika. May halong pait ang kaniyang tinig.Kitang-kita niya ang paglabas ng mga ugat nito sa leeg sanhi ng pinipigil nitong galit. “And what do you mean by that?”“You know already what I mean. I don’t need to explain that to you.” Tumingin siya sa labas ng bintana. Mukhang wala na talagang pag-asa pa na tumila ang malakas na ulan. And she didn’t want to be trapped with Skyler. Ni ang lumanghap ng hangin na hinihinga nito ay ayaw niyang mangyari. But she didn’t have any choice.“Really, Mhia? I don’t know what you are talking about,” sarkastikong wika nito.“Yeah! Tell that to marines!” She grabbed the door handle, but Skyler quickly held her hand. Napatingin siya roon. “Let go of me!” Pumiksi siya nang malakas pero mahigpit itong nakahawak sa kaniya. Ang init na nagmumula sa palad nito ay nanulay sa kaniyang mga ugat hanggang sa kani
“Hmmm. . .” Nagising si Mhia nang makaramdam ng pangangalay sa leeg. Nakapikit niyang minasahe iyon nang mabilis ring napamulat.Umaga na!Mabilis niyang iginala ang mga mata sa kinaroroonan. Nakahiga pa rin siya sa driver seat ng sasakyan ni Skyler.She looked at herself. Suot na niya ang polo ni Skyler at nakatakip na sa kaniyang may hita ang leather jacket niya.Hinanap niya ang lalaki. Nang hindi ito matagpuan ay bumaba siya ng sasakyan. The morning breeze greeted her. Maganda ang sikat ng araw sa silangan. Para bang walang unos na dumating nang nagdaang gabi. Umapaw nga ang ilog at umabot iyon sa sementadong kalsada, pero hindi naman mataas.Umikot siya sa passenger at kinuha ang gamit doon. Hindi rin niya kinalimutang kunin ang mga damit na hinubad kagabi. Kahit basa pa ay isinuot niya ang pantalon.Bumalik siya sa kinaroroonan ng kaniyang sasakyan. Binuksan niya ang hood niyon at sinubukang muling paandarin. Marunong din naman siyang magbutingting kahit papaano ng makina ng kot
Halos hindi na humihinga si Mhia habang nakamasid sa dalawa. It was like she was looking on a twin, mas bata nga lang tingnan ang isa.“Surprised to see me here? Well, ako rin naman. I was shocked seeing you here with my wife,” ani Quinn at tumabi sa kaniya. Hindi na siya nakaiwas pa nang lumapat ang isang braso nito sa balikat niya.“I didn’t know you knew my brother, mi hermosa esposa.” (My beautiful wife) Lumingon pa sa kaniya si Quinn.Hindi niya alam ang gagawin sa mga sandaling iyon. Pakiramdam niya tumigil sa pagtibok ang kaniyang puso dahil sa endearment ni Quinn sa kaniya.Pagbaling niya kay Skyler, hindi na maipinta ang pagmumukha nito habang nakatingin sa kamay ni Quinn na nasa balikat niya. Kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa nalagutan ng hininga ang katabing lalaki.“Why are you here, Kuya?” asked Quinn.“Ikaw ang dapat na tinatanong ko niyan. Anong ginagawa mo rito?” puno ng intensidad na tanong nito.“Can’t you see? I’m here with my family. Hindi ko naman sila p
“Since the very beginning,” sagot ni Quinn.“Beginning? What beginning?” Bigla siyang nalito. Noong nagkita sila sa retaurant ng mga ito, alam na niyang hindi lang ito basta nagpaimbestiga sa kaniya. Mas malalim pa roon ang ginawa nito. Pero bakit parang hindi ganoon ang sinasabi nito ngayon.“I knew you since the very beginning, Mhia. You know, I was going back and forth here and Spain. Gossips was not a common thing. Isa pa, nakita na rin kitang kasama ni Kuya Skyler noon.”Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. “Saan? At bakit hindi ka niya ipinakilala sa akin?”Tumaltak ito. “Because Kuya won’t do that. He has a lot of reasons not to. Aside from that, he’s a territorial person. Ayaw niyang may umaaligid na iba sa taong mahalaga sa kaniya. Kaya alam kong kahit lumapit ako noong nakita ko kayo sa annual thanksgiving party ng kompanya niya, hindi niya ako papansinin. It’s his own company. Siya lang ang boss— siya lang ang makapangyarihan doon. He’s the law.”Nanlaki ang mga mata niya. I
“Mhia. . . !”Nailayo ni Mhia sa tenga niya ang cell phone nang bumungad sa kaniya ang pairit na tinig na iyon ni Adreianne. She just received a call from her. Hindi niya alam kung paano nito nalaman na nakauwi na siya ng Pilipinas, at kinakabahan siya sa mga sandaling iyon. Alam kasi niya kung paano tumakbo ang isip nito.“Your voice. Babasagin mo ba ang eardrum ko?” pagtataray-tarayan niya.“Well, babasagin ko talaga iyan kapag hindi ka nagpakita sa akin,” paingos nitong sagot. Alam niyang naninikwas ang nguso nito sa kabilang linya.Napabuntonghinga siya.Sinasabi na nga ba. May binabalak ito kaya ito napatawag sa kaniya.“What is it?” deretsa niyang tanong. Hindi niya gustong magpaligoy-ligoy pa sila. Pero one thing is for sure, hindi na siya makikipagkita pa rito kung sa bahay lang din naman ng mga ito sila pupunta. She didn’t want to see Skyler again.“Ito naman. Nagkausap kami ni Tiffany, nag-aaya siyang lumabas. Mukhang bored na ang isang iyon sa pagiging nanay niya.” Sinabaya
Nakangiting umiling si Mhia pagkaraan ng ilang sandali. “Hindi siguro talaga para sa akin ang pagkakaroon ng relasyon,” sambit niya. Kahit ayaw niyang maging bitter, ganoon pa rin nag kinalabasan ng tono niya.“I’m sorry. . .” pabulong na wika ni Tiffany.Napatingin siya rito. Nababasa niya ang sinseridad sa mga mata nito. At silang dalawa lang ni Tiffany ang nakaaalam kung para saan ang paghingi nito ng tawad sa kaniya.Natawa siya Adreianne. “At bakit ka naman nag-s-sorry kay Mhia? May nagawa ka bang kasalanan sa kaniya?” tanong nito.Alanganing ngumiti si Tiffany sabay iling. “Wala naman.” Kumuha ito ng isang baso at nagsalin doon ng wine. Iniabot nito sa kanila ni Adreianne ang dalawang baso. “Can’t we just enjoy this evening? Minsan na lang ito mangyari kaya susulitin ko na,” dagdag pa nito.“Alright. . . Cheers!” Itinaas ni Adreianne ang kaniyang wine glass sa ere.“Cheers!” sabay nilang wika ni Tiffany.Habang lumalalim ang gabi, mas marami pa silang nagpag-uusapan. Kalimitan,
“Rexie, nai-ready na ba ang mga orders today para sa event ng Herrera-Antonio wedding?” tanong ni Mhia sa kaniyang manager-assistant.Nasa flower shop siya sa araw na iyon. Sa isang buwan, dalawang beses siyang pumupunta roon para mag-check.“Opo, Ma’am. Tapos na po namin iyon kanina pa.”“How about iyong para sa isang resto? Okay na rin ba?”Tumango ito. “Tapos na rin po,” mabilis nitong tugon.“Ganoon ba? Wala na bang ibang gagawin ngayon?”“Wala na po. Nagawa na po namin. Maghihintay na lang tayo ng delivery ng mga wala na nating bulaklak, pero mamaya pa iyong gabi.” Ngumiti ito sa kaniya.“Good.” Bumalik siya loob ng kaniyang opisina. Tiningnan niya ang oras, tamang-tama lang mamaya kasi ihahatid doon si Kaia ng ama nito. Sabay na silang uuwi ng San Marcelino.Sa paglipas ng mga araw, napapansin niya ang mabilis na pagbabago ni Kaia. Hindi na ito masyadong bulol at matatas na rin itong magsalita. May pagkamausisa ito na kung minsan ay siya na mismo ang sumusuko sa dami nitong tano
Napabalikwas ng bangon si Mhia nang makarinig ng kaluskos mula sa may bintana. Hindi siya makatulog dahil naririnig niyang umiiyak na si Noah sa kabilang silid. Hinahanap na nito si Skyler. Panay naman ang pagpapakalma ni Samuel dito. Alam niyang, alam ng bata ang mangyayari sa kapatid kapag hindi ito tumahan.Hindi niya alam kung nasaan si Adreianne. Mukhang wala roon ang babae, base na rin sa naririnig niyang usapan ng magkapatid.Tumayo siya at naglakad patungo sa bintana. May nakita siyang puting papel na nakaipit doon. Pilit niya iyong inabot. Nang makuha ay madali niya iyong binasa.ESCAPE.Iyon lang ang nakalagay doon.Lumipad ang mga mata niya sa natutulog na anak. Mabilis siyang lumapit dito at binuhat. Pinakinggan niya ang dalawang bata sa kabilang silid. Tahimik doon.She thinks. Pagkuwa’y mas idinikit ang ulo roon. “Samuel! Noah!” paanas niyang tawag sa dalawa.Walang tugon kaya inulit niya ang pagtawag. Narinig niyang may gumalaw. May maliliit na yabag na lumapit sa kinat
“Er-Er, may balita na ba?” namamaos ang tinig na iyon ni Lola Gloria habang kausap niya ito sa telepono.Isang buong araw ng nawawala sina Mhia at Kaia. At hindi pa rin nila alam kung sino ang dumukot sa mga ito.Sinabi niya agad ang bagay na iyon kina Lola Gloria dahil alam niyang mag-aalala ito nang husto. Isa pa, inalam niya rin kung may napansin itong umaali-aligid sa flower farm o di kaya ay kung may nakaaway si Mhia. Pero alam nilang lahat na imposible iyong mangyari dahil mabuting tao si Mhia.Huminga siya nang malalim. Kahit siya ay sobrang nasasaktan sa mga nangyayaring iyon.“I’m sorry, Lola, pero wala pa rin ho. But I will do my best to find them. I’ll make sure I’ll do. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanila.”“Please do that. At tawagan mo ako kaagad kapag nakita mo na sila. Baka hindi ko kayanin kapag may nangyaring masama sa mga apo,” nakikiusap na wika nito.“Ako rin, Lola. Ako rin. . .”Pagkatapos niyang magpaalam dito ay tinawa
“Sir, may naghihintay po sa inyo sa loob,” ani Thelma pagdating niya sa opisina.Napakunot ang noo niya. Tiningnan niya ang suot na wristwatch. “At this hour?” Alas-diyes na kasi ng gabi.Kagagaling niya lang sa conference room. May meeting siya kanina sa board at nahuli lang siya nang kaunti kay Thelma. May ipinaasikaso pa siya rito, samantalang naipit naman siyang makipagkwentuhan kay Uncle Tom niya. Kinukumusta nito ang twins. Dadalaw raw ito sa isang araw sa kaniyang bahay.“Yes, Sir. . .” Halatang aligaga ito base sa itsura nito.“What is it? At saka, bakit hindi ka pa umuuwi? Hindi ba sabi ko sa iyo umuwi ka na pagkatapos mong gawin ang ipinagagawa ko?”Napakamot ito sa noo. “Eh, kasi, Si—”“God, hijo! Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin tinatawagan hindi mo naman sinasagot ang cell phone mo.”Mas lalong dumami ang gatla sa noo niya nang bumukas ang kaniyang opisina at iluwa noon ang hindi niya inaasahang bisita. Napatingin siya kay Thelma.Mabilis itong nagyuko ng ulo. “S-
“Mama, danda dito,” ani Kaia habang nakaupo sa swivel chair niya sa loob ng kaniyang opisina sa flower shop. Pakuya-kuyakoy ang mga paa nito habang tila ito ang boss na may hawak pang papel at ballpen na kunwari ay binabasa nito.Isinama niya si Kaia sa opisina dahil may checkup si Auntie Pillar niya kasama ang kaniyang Lola Gloria. Hindi naman niya ito pwedeng iwanan sa kaniyang Auntie Fe dahil maraming gagawin sa flower farm.Napangiti siya sa sinabi ng anak. “Soon, this will be yours,” aniya.“Lelly, Mama?!” Namilog ang mga mata nito na nakatingin sa kaniya. Nakaupo siya sa upuang nasa harap ng kaniyang lamesa.Sunod-sunod siyang tumango. “Yes. Kaya dapat mag-aaral kang mabuti.”“I will, Mama. Pelo, di pa po alal ako. Tagal pa. Inip ako,” reklamo nito sabay nguso.Tuluyan na siyang natawa. “Huwag dapat mainip si Kaia. Kasi kapag pumasok ka na, hindi mo na ako laging makakasama. Ma-m-miss kita palagi.” Naglungkot-lungkutan pa siya.“Don’t wolly, Mama, miss din po kita. Pelo, Kaia wi
Habang tumatagal, napapalagay na rin ang loob ni Noah kay Skyler. Madalang na rin nitong hanapin si Ismhael, samantalang mas lalo pang lumalalim ang samahan nito at ni Samuel.Nang bigyan ito ng mga doctor ng clearance pauwi, hindi na siya nagdalawang-isip pa na sa kanila dalhin si Noah. Doon naman talaga ito nararapat tumira.“Wow, Samuel! Your house is really big. Totoo ang sinabi mo!” bulalas nito kasabay ng panlalaki ng mga mata habang iginagala ang mga iyon sa kabuuan ng kanilang bahay.“I told you; this will be your home from now on,” aniya habang nakaalalay sa tabi nito.“Daddy is right. You will now be living with us,” segunda ni Samuel na hindi binibitawan ang kamay ni Noah.“Really, Mommy?” Nilingon nito si Adreianne na nasa isang tabi.“Yes, honey. Magkakasama na tayong titira dito.” At pagkasabi niyon ay lumingon ito sa kaniya.Hindi siya sumagot. Sa ngayon, wala pa siyang magagawa sa sitwasyon nila. Dinidinig na ang annulment nila, at kapag natapos iyon, tapos na rin ang
Ilang araw ng hindi na halos umuuwi sa kanilang bahay si Skyler. Sinigurado niyang naroon siya lagi sa tabi ni Noah kapag kailangan siya nito.Kinausap siya ni Adreianne. Hindi pa raw nito masabi sa anak nila na siya ang ama nito dahil ayaw raw nitong mabigla si Noah at baka mas lalo lang daw lumala ang sakit nito. At kahit labag sa loob niya ay pumayag naman siya sa kagustuhan ng babae. Subalit binigyan niya lang ito ng isang buwan para itama ang lahat.May asthma kasi si Noah at kapag na-e-excite o nabibigla ito ay na-tr-trigger iyon hanggang sa hindi na ito halos makahinga. Walang lunas ang sakit na iyon ayon sa mga doktor inirekomenda sa kaniya ni Brayden pero maaari naman daw makontrol. Kakailanganin nga lang daw talaga ng pag-inom ng gamot araw-araw at dapat laging may handang inhaler just in case na bigla itong atakihin. Ibinilin din ng mga doktor na hindi pwedeng sumali sa kahit na anong pangmalakasang sports si Noah. At marami pang iba na hindi naman niya kinalimutan.Nang ar
Skyler drove like a madman. Hindi niya alintana ang malalakas na busina ng mga commuter na nilalagpasan niya sa bilis ng kaniyang pagmamaneho. Iisa lang ang gusto niyang mangyari, ang mabilis na makarating sa ospital na kinaroroonan ng isa pa niyang anak.Akala niya away babae lang ang magaganap kanina nang sundan niya si Adreianne sa flower shop ni Mhia. Hindi niya alam na marami pala siyang matutuklasan. Para tuloy sasabog ang dibdib niya sa halo-halong emosyong nakapaloob doon. All this time, isang malaking lihim pala ang pilit na itinatago ni Adreianne sa kaniya. Hindi na niya kailangan pang alamin kung bakit madalas itong lumabas nitong mga nakaraang buwan. Dahil kung nasa ospital nga ang isa niyang anak, malamang ay roon nagpupunta ang babae.Ang hindi niya makayang tanggapin sa lahat ng ginawa nito ay ang hindi nito nakuhang pagkatiwalaan siya. Na mas ninais nitong ipaubaya ang kapakanan ng kaniyang sariling anak sa ibang lalaki. Ipinamukha nito sa kaniya na isa siyang walang k
Sabay silang napalingon ni Adreianne sa pinanggalingan ng tinig. At hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang pagkawala ng kulay sa mukha ng babaeng katabi.“S-Skyler. . .” Halos pabulong lang ang pagkakabigkas na iyon ni Adreianne sa pangalan ng asawa.Naniningkit ang mga mata ng lalaking lumapit sa kanila. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. You know me, Adreianne. Kaya kung ayaw mong mawala nang tuluyan sa buhay ng anak natin, magsabi ka ng totoo— ngayon din!” galit na bulyaw nito sa asawang hindi na malaman ang gagawin sa mga sandaling iyon.Kagat-labing nagyuko si Adreianne ng ulo. Pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ito nagsasalita.“Adreianne!” Pareho silang napapitlag nito sa lakas ng tinig na iyon ni Skyler. Kahit siya ay natatakot sa inilalabas na galit ng mga mata nito.“Skyler, calm down. . .” awat niya rito. Binalingan siya nito. “Tell me exactly what you saw. Sino ang sinasabi mong may sakit?” Bukod sa galit, mababanaag sa mga mata nito ang kalituhan.Nag