Share

CHAPTER 2

"Sister Claudia, yuko ka po unti,"  yumuko ako ng kunti gaya ng sinabi ni Amy, isa siya sa mga orphan kids. 

Sa kanilang lahat siya ang pinaka mahilig gumawa ng DIY bracelet and necklace, ang pinagka-iba lang ngayon ay bulaklak ng santan ang pinagdugtong dugtong niya. And she put it above my veil.

"Tada! Mukha na po kayong real queen sister," cute na cute nitong sabi. Sinabayan ko ang tawa niya habang yakap yakap niya ako sa bewang. 

I forgot to mention, she's suffering leukemia at kasalukuyan siya ngayong naka upo sa wheelchair, when I'm looking her afar I always felt bang in my chest, she used to smile and laugh and make others happy despite of her illness.

I really admire and proud of this little princess.

"Amy baby, do you want to meet your parents?" Pambabasag ko sa katahimikan at pagputol na rin sa paningin ng bata na nakadikit sa mga batang naglalaro. Nakangiti itong umiling na ikinataka ko. 

"Hindi po sister Claudia, kapag malaman po nilang may leukemia ako malulungkot sila at ayaw ko po nun, saka ayaw ko pong maging pabigat," ani nito, lalong sumakit ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. 

Halos dalawang taon  na siyang pinapahiran ng sakit niya but the good thing na lubos kong ikinatutuwa ay I always caught her praying pero ang lubos na ikinamamangha ko ay, I know sa kabila ng pinagdadaanan niya ngayon ay marapat na unahin niyang ipanghingi ng tulong sa Diyos ang kalagayan niya ngunit iba ang naririnig ko sa batang ito. Ang kaligtasan ng pamilya at mga taong nakapaligid sa kanya ang tanging namumutawi sa bibig nito. 

I know God has a better plan for her. That's for sure. Certain and beautiful.  

"Pasok na tayo?" Alok ko, tumango ito kaya pumwesto na ako sa likuran niya upang itulak ang wheelchair, alas singko palang ng hapon ngunit medyo madilim na ang langit.

Siguro mga alas sais na ako uuwi, panigurado ay wala pa naman siguro ang mga bisita ni Paula. 

Tumawag pala kanina si dad and he told me out of town daw sila ni tita, kung hindi nalang kaya muna ako umuwi?

For sure maingay sa bahay mamaya though sound proof naman ang kwarto ko. Dito nalang ako matutulog! Tapos tatabihan ko lang muna si Amy hanggang makatulog. Tama. 

Nakangiti kong hininto ang wheelchair, tama ako lumingon sa akin ang bata ngunit bakas sa mukha nito ang pagtataka, dahil siguro'y nakangiti ako. 

"Gusto mo ba......" I trailed off. . . wrong timing nga naman hinihingi na pala ni sister Jane yung mga papeles na pinatago niya sa akin. At andun 'yonn sa bahay, kung kukuhanin ko lang kasi yun tapos balik ulit dito, masyado na akong gagabihin. 

Next time nalang siguro. 

Tumikhim ako saka binalingan si Amy na nagtataka pa rin. 

"Gusto mo bang ako ang magluto ng breakfast mo bukas?" Agap ko sa naunang sinabi, alanganin itong tumango na ikinatawa ko saka nagpatulo'y sa pagtutulak. 

"Alam mo sister Claudia, pangarap kong makasakay ng kabayo, " napangiti ako mukhang magkukwento siya, bihira lang 'to magsalita eh---pero wait what?! 

Kabayo? Anak ng kabayong pula, ewan ngunit bigla bigla nalang lumilipat sa 'kahapong' scenario kapag naririnig ko ang kabayo. Napailing nalang ako, mga kabataan nga naman. 

Sa school talaga naisipan gawin ang mga ganong gawain. This would be a strong word pero walang mga mudo! 

Lalo na yung lalaki, talagang hinugot yung 'ano' niya sa harapan ko pero pinatayo niya muna ang babae bago ko pa makita, panakip ganun. 

At talaga naman! Naman! Umungol pa ang babae pagkahugot na pagkahugot! How disrespectful they are! 

Kahapon ng makabawi sa gulat, nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga saka iniwas sa kanila ang tingin, naglakad ako sa bandang gilid upang mapulot ang kapirasong papel na natangay  ng hangin. 

Pagkatapos ay hinarap ko sila, kung ang babae ay namumula ang mukha dahil siguro sa kahihiyan, actually I know her, she's one of the top students and while the guy beside her mukhang hindi ito estudyante.

At wala man lang kahiya hiyang nakapaskil sa kaibuturan nito, nakatingin lang ito na parang wala akong naabutan. 

"Hindi ko alam kong kailangan ko pa ba itong sabihin ngunit, you both  know na eskwelahan ito at ang ginagawa niyo ay labag sa rules, " mahinahon kong paalala sa kanila, yung babae ay tiningnan ako ng parang maling mali na magsalita ako. 

"Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip niyo para gawin--

" I'm one of the share holders of this school, is that fine reason to do what I want  sister? " Putol sa akin ng lalaki, tumamad ang tingin ko sa kanya, nakita kong gumalaw ang lalagukan nito na ipinagsawalang bahala ko nalang. 

"And so Am I kid," sagot ko na tinawanan lang niya saka bumalik ang wala nitong kabuhay buhay na tingin. Totoo naman, isa rin ako sa share holders nitong paaralan pero hindi naman ata tamang gamitin ko  itong dahilan para mag hari-harian dito, diba? 

"Kid huh," namutawi ang asar sa boses nito, alam ko namang di hamak na mas matanda nga ito sa akin pero itong kilos niya at dahilan ay pambata. 

Naiiling kong sinuyod ang tingin ng babae na gusot gusot ang damit, nakayuko ito at hindi makatingin sa akin. 

"Fixed your self woman," iyon lang ang sinabi ko saka tumalikod, ngunit bago iyon ay hindi ko maiwasang bigyan ng dismayadong tingin ang lalaki na nakaawang ang bibig. 

Nabalik ang aking diwa ng marining ang masayang kwento ni Amy, ano ba 'yan minsan na nga lang mag share itong bata mukhang makakaligtaan ko pa. Kasalanan 'to ng kabayo. Really, Claudia? 

"Tapos alam mo po sister kapag nakasakay ka kasi sa kabayo parang malayang malaya ka, para mo  pong sinasalubong ang yakap ng hangin habang tumatakbo ang kabayo. Pwede ka pong sumabay sa kanta ng mga ibon at damhin ang kagandahan ng kalikasan," winawasiwas pa nito ang kamay sa hangin animoy nag-eexplain nga, hayaan mo nakabuo ako ng ideya. 

This would be a deal kapag gumaling si Amy! Promise ko ibibigay ko sa kanya ang isa kong kabayo. Nasa ranch pa iyon eh, mas mabuting gumaling muna siya para maalagaan ito ng maayos.   

****

Gaya ng sinabi ni Paula sa likod ako dumaan, marami rami narin pala ang tao buti nalang walang nakapansin sa akin, hindi naman sa tinatamad pero ganun na nga, hindi naman siguro masamang magpahatid nalang kay manang ng hapunan. 

Pagkabukas ng kwarto ay sandali akong umupo sa kama, parang ilang taon rin akong hindi nakaupo, napangiwi ako sa naisip, ganito ba ka OA ang katawan ko? Mukhang kurot ang aabutin ko kay mommy kapag ni-rant ko yung ganito. 

Si mommy, I miss my mom. Sa tuwing naiisip ko si mommy ay palagi akong hinahabol ng konsensiya ko. Si mommy naman kasi kay rami raming pwedeng ihabilin ay bigyan ko raw ng apo ang daddy.  

Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may pagtutol ito sa gusto ko ngunit mas pinipili niya nalang akong suportahan. 

Only child lang ako at nakasalalay nga sa akin ang apong iintayin nila. At napag-usapan na namin iyon, pumayag siya at nirespeto ang gusto ko, nito lang talaga bago siya mamatay ay yun ang hinabilin niya. 

At humihingi ako ng paumanhin sa mommy, hindi ko siya kayang pagbigyan.  

Hindi ko na mabilang kung pang-ilan ko na itong buntong-hininga ngayong araw kaya hayaan niyo ulit akong magpakawala ng isa pa. 

Bumuntong hininga ako saka nagpasya ng magbihis, half bath lang siguro ako ngayon. Sinisigurado kong half bath lang, nadala na ako. 

Minsan kasi ay half bath lang rin ang sinabi ko pero bigla bigla nalang akong naglalagay ng shampoo. Kaya ayon sa tuwing katatapos ko maligo sa umaga, binubukod ko agad ang shampoo sa toiletries ko. 

Bukas aagahan kong magising, mamalengke ako ng pwedeng ibreakfast ng mga bata, ako muna ang sponsor nila bukas.  

Agad dumapo ang paningin ko sa pinto ng cr dahil may kumakatok. Baka si manang na iyan, tama nga ako narinig ko kasing ipinapaalam nito na iiwan nalang daw niya sa mini table ko.    

"Opo, salamat!" Tanging sagot ko at nagmadali na upang makalabas, gutom na rin kasi ako.   

Ano kaya kung kumain na rin si daddy? Tumatanda na iyon eh, minsan ko rin itong naabutan sa opisina niya des oras na ng gabi, mukha rin itong palaging problemado, kinakalma lang ang sarili sa tuwing nasa paligid kami.  

Kapag nag-aabala naman akong magtanong isang buntong hininga lang ang sinasagot nito habang sinusuri ang kabuuan ko saka napapailing.        

Alam kong mahal ako ni daddy, may isang beses na pumasok siya dito, kala niya siguro natutulog na ako kaya pinanindigan ko na. Uupo ito sa tabi ko saka hihimasin ang ulo ko, gaya ng ginagawa niya dati. 

Naririnig ko ring humihingi ito ng tawad, buti nalang at nakatalikod ako sa kanya kaya hindi niya kita ang luhang kumakawala sa mga mata ko. 

I love you dad, take care of yourself.

Masaya kong nilantakan ang pagkain na dala ni manang, simula ng mawala ang mommy siya ang tumayo kong ina-inahan alagang alaga ako nito na minsan hindi ko nadama kay tita. 

Pero okay lang, ang hindi okay. . . nakalimutan ata ni manang maglagay ng tubig. Ba't hindi ko yun napansin kaagad? Pano pala kung nabilaukan ako? 

Inisang lunukan ko muna ang natitirang pagkain saka inayos ito, isasabay ko nalang sa pagbaba. Hindi naman siguro magpapang-abot ang bisita ni Paula sa kusina. 

Pagpihit sa door knob. . . grabe ang ingay! Kapag kami maipareklamo talaga bukas, iwan ko nalang dito kay Paula. 

Sa isang hagdan na ako dumaan, makikita kasi ako kaagad kapag doon sa usual na ginagamit ko araw-araw. Sinadya ko talaga itong ipagawang isang hagdan para pagbaba kusina agad. 

Ang raming bisiti ni Paula. Mukhang may mga sinabi rin sa buhay, grabe gabing gabi mga kapirasong tela lang ang suot ng mga tao dito! Halos lahat ata ng babae naka bikini habang topples naman ang mga lalaki. 

Napailing ako, nawa'y makontrol nila ang mga sarili, may alak pa naman silang tinutungga dahil kapag nagkataon na may mangyari, may mabuo, bata ang kawawa. Balik tayo, nauuhaw na ako. 

  

"Anak ng--!" Can I mutter a cuss? Mariin ang titig na binigay ko sa dalawang taong nasa kusina. . .nasa kusina ko! Papunta palang sa kababalaghan! Nakapikit ang babaeng napapaliyad pa dahil sa halik na binibigay ng lalaki sa leeg niya. 

Idagdag mo pa ang kamay nitong naglilikot sa katawan ng babae. At ang exciting part! Yung exciting part! 

Yung lalaki kahapon ang isa sa kanila!

At iba ang babaeng kapares niya ngayon. Ano 'to kung kailan makakuha ng opportunidad ay susunggaban? Aba't kala ko pa naman ay nobya niya ang babae kahapon.

Yung babae ngayon? She's one of Paula's friend. Ano 'to hating kaibigan? Aba't makapal ang mukha ng lalaking ito.   

Nagawi ang ulo ng babae sa puwesto ko, kumurap kurap pa ito upang siguraduhing may tao nga, ng makumpirma ay nanlalaki ang mata nitong tinulak ang lalaki. 

"Sister!"

"As you can see,"  sinadya kong patamarin ang boses ko, boses na tila pagod na akong makakita ng ganitong scenario.

Naglakad ako sa puwesto nila na ikinaurong ng dalawa, at mukhang hindi ata makapaniwala ang lalaki na umurong siya. 

Wala pa akong sinasabi pero ang sama na ng tingin nito.  Iinom muna ako, ano sila mga sinuswerte. Sa bahay ko talaga?

"Are you following me," the guy huskily utter, agad tumaas ang isang kilay ko.  

Imbes na sagutin siya ay sa babae ako bumaling na nagsisimula ng mamutla.

Magsasalita na sana ako ng may humigit sa braso ko. Nangiwi ako dahil may kalakasan iyon, it's Paula gaya ng lalaki masama rin ang tingin nito sa akin. Mukhang pagsasabihan niya ako sa pagbaba ngunit hindi iyon natuloy ng dumapo ang paningin nito sa dalawa pang taong nasa kusina.     

Magkasalubong ang kilay nito kalaunay bumangis ang anyo ng mapagtanto ang buong pangyayari. Sino ba naman ang hindi, nakababa na ang strap ng bikini ng babae, may hickey pa sa leeg habang ang lalaki naman ay magulo na ang buhok.  

Binitawan ako ni Paula saka hinarap ang dalawa.

"What is the meaning of this Apple!" Dumagundong ang matinis na boses ng kapatid ko. Nanlaki ang mata ko kalaunay tumikhim, nakakatakot si Paula. 

Yung Apple naman ay napaatras habang yung Viglianco guy ay hindi man lang natinag--sa halip ay nasa akin ang mga mata. Matunog akong lumunok, sinisisi niya ba ako na nahuli sila? 

Nagsimula ng umiyak yung Apple at patuloy na humihingi ng tawad. 

"I'm sorry, I'm sorry hindi ko sinasadya. Nadala lang ako......I mean ang galing kasi niya," napangiwi ako sa sinabi ng babae, hindi ko ba alam kung sincere or nakikipaglukohan lang, nakagat kasi nito ang labi habang sinasabi ang huling paliwanag. 

Nang balingan ko yung pinag-aawayan ng dalawa--nakangisi ito sa akin, tumaas ang dalawang kilay ko saka hinikaban lang siya. Babaero.   

Susugurin sana ni Paula ang babae ngunit kaagad ko itong pinigilan. Mas sumama ang tingin nito.

"Let go of me, 'wag kang makialam!"

"Tatanungin kita...." I trailed off, "Ano mo 'yang lalaking makalat na iyan?" Mahinahon kong tugon, nakitaan ko ng sakit na dumaan sa mata nito. Habang sinamaan ko naman ng tingin ang lalaking paulit ulit na nagmura, narinig ko pa itong bumulong ng 'what the fuck?!'

" But she's fucking oriented that I like Vonze! " Napabuntong hininga ako, walang magandang maidudulot ang lalaking ito sa kapatid ko. Ginagawa lang na damit ang babae, papalit palit, edi mas mabuting hindi na siya maligo para isang damit lang ang isusuot niya.

Binigyan ko ng atensiyon ang lalaki at pinakatinitigan ito. Dahil ba sa gwapo ito kaya may balak magpakabaliw ang dalawa? Yes I give him that, he's beyond handsome pero hindi ba magawang ma-turn off ni Paula sa pagiging babaero nito.

"Leave," isang bagsakang tugon ko, nakarinig ako ng singhapan, ng ilibot ko ang paningin ay may nakikiusyuso na pala. Gulat na gulat pa ang mga mukha ng mga ito na takot? Para bang isang malaking pagkakamali ang pagsalitaan ko ng ganito ang lalaki.        

Naiiling na ngumisi ang lalaki.

" Do you even know me?"

"I guess ?" Isang beses pa akong humikab ng hindi pinapansin ang pag-awat ni Paula.     

He let out a dark chuckles na ikinataas ng balahibo ko, aaminin kong kabado na ako pero hindi ito ang tamang panahon para ipahalata, bahay ko ito kaya siya dapat ang mahiya.

" I guess?"  He mock me, " You're not sure? Sabagay kung kilala mo ako you won't ever dare to yawn while making conversation with me and look in my eyes na para bang makikikain lang ako. You we're probably kneeling now, " hindi ko alam pero natatawa ako ngunit bago ko pa iyon magawa ay kinagat ko na ang labi na sinundan ng mata niya, tumikhim ako at tinanguan siya.  Makikikain daw.

Malakas talaga ang pakiramdam ko na kasalanan ito ng tubig eh. Nawalan na tuloy ako ng sasabihin, unang una kasi walang parehong karapatan ang kahit na sinong babae sa kanya. Pipiliin niya ang kung sinong gusto niyang makatalik . 

Hindi siya nakatali sa ano mang relasyon o ano pa man, ni hindi nga ata nito gustong mag commit kaya panay ang pambabae. 

Pero pamilya ko pa rin si Paula,ni hindi nga ata nito alam na may katalik na iba rin ang lalaki kahapon well to mention, nabibitin ko ata palagi. 

Mariin akong napapikit habang hawak hawak ang brige ng aking ilong, mariin rin ang pagkaka kagat ko sa labi, dahil sa totoo lang gusto kong tumawa. Makikikain daw?   

Gusto ko lang naman uminom.             

  

  

            

Nanatiling tahimik ang buong kusina ng basagin ito ng isang babae--na humahangos, nagmamadali ata. Ah! Siya yung kahapon, yung kapartner nitong lalaki. 

" Mali ka ng iniisip Paula, wag mong saktan ang kaibigan ko, samin talaga may nangyari, I mean Vonze and I make out, don't hurt Appl---" 

"WHAT?!" Gulat na gulat na putol ni Paula, actually pati ang ibang narito. 

Ako naman ay napatampal nalang ng noo. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status