Share

CHAPTER 3

" Hindi ako makapaniwala Paula, are you sure na pumunta talaga dito si Mr. Viglianco? I mean pihikan ang binatang iyon, pero sino ba naman kasi ang makakatanggi sa ganda mo," simula ng umupo kami sa hapag kainan, tanging ang pagkamangha lang ni tita sa pagpunta kuno ng Viglianco dito. Two days pass after Paula's birthday and that incident.

Napatingin ako kay dad dahil kanina pa ito nagpapakawala ng malalalim na buntong hininga.

"Wala ka na bang ibang nagugustuhan Paula? I'm sure marami pang mas matino kasysa sa binatang iyon," tila problemadong pakikipagusap ng daddy kay Paula.

"What's wrong with the idea na posible natin siyang maging manugang honey, he's a wealthy man, tsaka matutulungan niyang mapalago ang business natin," kontra naman ni tita.

Naihilamos ni daddy ang palad sa mukha. "Maricel, you do know how dangerous Mr. Viglianco is. Marami siyang illegal business, pumapatay ang taong iyon. At ngayon nakatanggap ako ng tawag mula sa school ni Paula na isa rin pala ito sa share holders, may plano ang taong iyon na pwedeng ikasira ng paaralan. He's a ruthless businessman," ako naman ay napalunok dahil sa impormasyong sinabi ni daddy, sa aming apat mukhang ako lang ang walang alam sa taong iyon. Ni hindi man lang nagulat si tita at Paula.

Bigla akong pinagpawisan. Ano. . . pumapatay siya, pumapatay ang taong hinikaban ko lang nitong isang araw? Kinuha ko ang basong may lamang tubig at isang lagukan lang ito. 

Hindi naman ata nito ipapabagsak ang negosyo ni dad, right? Tsaka masyado naman ata niyang dadamdamin kung bibilhin niya ng triple ang share namin ni dad sa school ni Paula diba? Hindi yan. Nahagip ng mata ko si Paula na mahinang tumatawa. 

"Planning to apologize?" Nasa boses nito ang panunuya. Kita tuloy ang taka sa mukha ng mag-asawa, naglikot ang mata ko at hindi mapalagay.

"Is there a problem Claudia?" Nanigas ako sa kinauupuan dahil sa tanong ni dad. 

" Isang bagsakan niya pong sinabihan si Vonze ng 'leave' without even blinking, sinagot sagot pa ng hihikab hikab. Worse binitin niya ang making out session ng lalaki."

" Wait ano? Binitin? Teka nga Paula, I thought you like that guy?" Hindi makapaniwalang kontra ko dito, siya ang iniisip ko ng gabing yun tapos sa kanya ay parang sanay siya sa ganoong ugali ng lalaking gusto niya. 

Nakangiti itong tumango.

" Yes indeed but it's he's nature," napatanga ako sa sinagot nito. What a lame reason! Dahil sa nature lang ng lalaking iyon kaya niya hinahayaan. Eh ano pala ang aktong susugurin niya ng gabing iyon yung Apple. Acting? Aba, magaling. 

Lumunok muna ako bago balingan si dad. Kahit kabado ay pinanatili kong kalmado ang sarili. 

"Wala po akong ginawang mali, kung ang mahuli siyang gumagawa ng kalat sa rooftop ng school ay matatanggap ko pa pero ang mahuli siya ulit na ginagawa iyon sa bahay ko. Hindi iyon pwede sa akin. Respect mine and he'll get his." Seryoso kong paliwanag habang si daddy ay umawang lang ang labi. Kalaunay dismayadong umiling, teka dismayado na siya sa lagay na yan? 

Iba kasi ang sinasabi ng umaangat niyang labi saka ang pagkuyumos niya ng mahigpit sa kamao. 

Kapag ganyan siya ay tanda na gusto niyang matawa. 

"May meeting mamaya at kailangan lahat ng share holders ay andun, I'm sure his there, apologies to him," sa halip ay tugon nito na ikinataas ng isang kilay ko. Lumalabas talaga ang pagiging masama ng ugali ko kapag mga ganitong scenario.

Ang pahingiin ako ng tawad sa hindi ko naman alam kong saan ang mali ko. And because it's my father order I'm in need to obey. 

"I will be late, but I'm coming," tanging naisagot ko na lamang. Ang kaalamang hihingi ako mamaya ng tawad sa taong 'yon ay kusang binubuo ng aking isipan ang nakangisi nitong labi. 

Ewan pero parang wala akong gana ngayon. Kanina pa ako singhot ng singhot, panay rin ang tulo ng luha ko. Sana inagahan ko pa ang punta dito sa kumbento para naabutan ko sana si Lala. 

Pagdating ko ay agad akong sinugod ni sister Jane ng yakap, tapos ipinaalam sa aking may umampon na daw sa bata. Ganun nalang siguro ang pagpatak ng luha ko ng malaman ang balita, napamahal na rin kasi sa akin si Lala. 

Balak raw sana akong hintayin ng bata upang maayos na makapagpaalam ngunit nakiusap ang mga bago nitong magulang na kung maaari raw ay umalis na sila, mahuhuli daw sa flight. Foreigner ang lalaki habang pure filipina naman ang bagong magulang nito, sa states daw balak tumira. 

Aware naman na ako tungkol dito, matagal na. Ipinaalam na sa amin, hindi ko lang inaasahan na ngayon iyon. Hindi ko lang maiwasang malungkot dahil mamimiss ko talaga ang mga tawa at sweetness ng batang iyon. Naway maging mabuti ang kalagayan niya. 

Kung hindi pa ako kinakatok ni sister Jane ay hindi ko maaalalang may meeting nga pala. Kaya hito ako ngayon, suray suray na naglakad palabas ng kumbento.

Mga ganitong oras kapag aalis ako nakabantay si Lala sa pinto at panaka nakang gugulatin ako saka mag g-good bye. Ngayon hanggang makarating ako sa kotse mukha lang ni tay Kanor ang tangi kong nasilayan. 

"Tay, anong oras na po?" 

"Alas dose kwarenta y singko hija, " napasimangot ako, fifteen minutes ang byahe bago makapunta sa school nila Paula, and I will be ten minutes late to be exact. 

Kinuha ko ang cell phone sa shoulder bag na dala at pagbukas na pagbukas pangalan agad ni daddy ang rumehistro. Pinaaalahanan ako nitong pumunta na. Yes dad, on the way na ako. 

Kaya dalawa kami ni dad na aatend dahil bago mamatay ang mommy ipinangalan niya sa akin ang shares niya bale sila talagang dalawa ni daddy ang mga kasali sa share holders. 

Umusog ako ng kaunti palapit sa bintana saka inihilig ang ulo doon. Eksakto namang may nadaanan kaming parke, asual most of them are couples, may sweet at may mukhang nagtatampuhan pa, meron din namang magpapamilya. Cute. 

"Hija, andito na tayo," nabalik ako sa diwa dahil sa boses ni tay Kanor, pagtingin ko sa labas ay andito na nga kami. Gate na ng school. Ngumiti ako saka tumango bago lumabas. Nasa HR daw gaganapin at nasa 5th floor pa iyon kaya no choice, I need to use lift. 

May nakasabay pa akong couples na nags-sweet nakuu nakuu nakuu kung hindi pa ako tumitikhim ay itutuloy pa ng mga ito ang halikan. Napasimangot ako ang prone ko sa ganitong scene.

"Good morning sister, " sabay nilang bati sa akin, maliit akong ngumiti saka tumango, ng tingnan ko ang mga ito ay parehas namumula. Kurutin ko sa singit eh.

Nang tumunog ang elevator ay pinauna na nila akong pinalabas.  Ilang rooms lang ang dinaanan ko bago marating ang HR. 

Kumatok muna ako ng tatlong beses saka ito binuksan. Ngiwi ang nagawa ko sa naabutan. Bakit andito ang mga anak na babae ng iba naming ka meeting?!

Allowed ba itong ganito? 

Nilibot ko ang tingin at mas lalong napangiwi ng mahagip rin si Paula at tita nasa tabi sila ni dad. Nang tingnan ko ang mga babaeng dalagita iisa lang ang tinatalunton ng mga mata nito, walang iba kundi kay Mr. Viglianco.

Mabuti nalang talaga medyo malawang ang space dito tsaka may aircon kasi kapag nagkataong may mautot, kawawa kaming lahat. 

"Ms. Altaranz please take your sit," imporma sa akin ng isang may katandaang lalaki, siya ang nasa harap. Tumango ako at nilibot ang paningin, saan ako uupo? Lahat ukupado bukod sa tabi ni Mr. Viglianco. 

Tsaka bakit walang umuupo diyan? Ano yan naka reserve? Mukhang hindi naman. Bumuntong hininga ako saka naglakad papunta roon, mukhang pinagsisihan ko na ngayon palang ang hakbang na ginawa ko, ang raming pares ng mata ang nakasunod sa akin. 

Hinila ko ang upuan ng. . . "Daddy!" Impit na tili ko ng makita ang baril na nakalagay doon. Ikinakuha iyon ng atensiyon nilang lahat ngunit hindi ko man lang iyon mabigyan ng pansin. Mistulang napako ang paningin ko roon at nanuyo ang lalamunan.

A-ayoko ng baril.

"What's wrong Clau?" Rinig kong tanong ni dad na ikinalingon ko. Nakatayo na ito sa kinauupuan at balak ng pumunta sa pwesto ko ng magsalita ang taong nasa tabi ko.

"Continue, " ani nito saka mabilis na kinuha ang baril na nasa upuan. Nakagat ko ng labi--hindi alam kung mauupo ba ako ngunit ng makita ang masamang tingin ni tita ay tila nagkusang kumilos ang paa ko upang umupo. 

Matunog akong lumunok, pwede ba ang baril sa loob ng paaralan? Umayos ako ng upo at nahimas ang batok, pinagpapawisan ako ng malamig at nanginginig ang kamay ko.

Wala sa sariling napatingin ako sa katabi ko na literal na ikinatigil ng paghinga ko. Nakatingin ito sa akin, titig na titig. Gumalaw ang mata niya pataas sa noo ko pababa sa kamay kong nasa kandungan ko lang, nakuyom ko iyon dahil mas lalo iyong nanginig. 

Hindi ko alam ngunit sa pagporma ng ngisi sa labi niya ay nawala lahat ng pagkabalisa ko. Napalitan iyon ng inis tila bumalik ang tapang sa katawan. 

Imbes na pansinin ang presensiya niya ay naagaw ng paningin ko ang maraming cleavage na naka present ngayon! Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon, our body is sacred and should be valued well, kung ang isang dyamante, ginto, perlas o kahit ang pera ay pinaka iniingat ingatan, people.... we are more than precious among them.

If you'll gonna hit me with 'my body my rules' no honey it is not yours. Hiniram lang natin lahat ang katawang meron tayo, and because it is borrowed you should take care of it. 

"Any clarifications? Mga gustong idagdag?" Rinig kong ani ng lalaking nasa harap.

"I don't tolerate late," pinigilan kong malingon ang taong nasa tabi ko dahil sa sinabi niya. I'm sure he's not pertaining on me. Yes and I'm not sarcastic. Ang lalaki namang nasa harap ay tumango lang.

"Meeting adjourned." Anunsiyo nito kaya nagsitayuan na kami. Naningkit ang mata ko ng magsilapitan nga ang mga dalaga sa pwesto ng nasa tabi ko. Kanya kanya offer ng lunch. Hello ala una na. Pero bago pa ako matraffic sa rami nila ay nakalapit na ako kina daddy.

Nagulat pa ito ng yakapin ko, hindi pa rin ako maka get over sa baril. Naramdaman ko ang buntong hininga ni dad ngunit sinuklian rin ang yakap ko, hindi ko maiwasang mapangiti. I'm okay now. 

Humiwalay na ako sa yakap ngunit nanatiling nasa bewang niya ang mga kamay ko habang tinitingala siya.

"Dad. . . inampon na si Lala," kahit sikapin kong hindi palungkutin ang boses ay visible iyon sa mukha ko. Tumango ito. 

Napangiti ako, dad already know what I'm into. I want him to get some background of Lala's new parents. Gusto ko lang naman masiguro na nasa mabuti siyang kalagayan.

"Now, talk to Mr. Viglianco. Apologies to him," aniya. . . oo nga pala hihingi pa ako ng tawad, tumango ako, sinabi rin nitong kalalabas lang ng tao, hindi ko man lang naramdaman.

Lalabas na sana ako ng hawakan ako ni Paula sa braso.

"Watch your words," paalala niya na medyo banta? Nangunot ang noo ko ng hawakan rin ako ni tita sa isang braso. Okay?

" Isabay mo na ring alukin ng dinner sa bahay para naman medyo tunog sincere yung paghingi mo ng tawad," ngumiwi ako. Gusto ata talagang makilala ni tita ang taong iyon. Tumango nalang ako saka lumabas na nga.

Naabutan  ko itong mag-isang naglalakad, ano yun tinanggihan niya lahat ng mga nang-aalok sa kanya? Binilisan ko ang lakad upang pantayan ang hakbang niya, tumikhim ako upang kuhanin ang atensiyon niya ngunit walang effect, patuloy lang ito sa paglalakad. 

"Mr. Viglianco I want a conversation with you," doon lang siya huminto saka nilingon ako. Huminto na rin ako at medyo umatras, masyado siyang malapit.

"So you know my name," ang lamig naman ng boses niya, siguro mahilig siya sa ice. 

Tumikhim ako at umisang lunok, ano bang klaseng titig meron ang taong ito, mukhang nanghahalungkat. Nilakasan ko ang loob na salubungin ang tingin nito.

Naglahad ako ng kamay at maliit  itong nginitian. 

"I'm sister Claudia Altaranz, sister would be fi---

" Your not my sibling," putol nito sa akin. Tumamad ang mukha ko, alam kong alam niya ang ibig kong sabihin, pwera nalang kung hindi niya pa halata sa suot ko. 

" But. .." he added but trailed off. Vonze Cannon Viglianco pala ang buong pangalan nito. Nabasa ko kanina. 

Nagawa ko parin itong ngitian. Hindi na inantay ang sunod na sasabihin, mukhang wala naman siyang balak dugtungan. " I'm here because I want to apologize, hindi ko alam kong saang parte but still I'm sorry Cannon," marahan kong tugon ikinangunot ng noo nito.

"Can you please repeat my name, " nasa boses nito na para siyang naguguluhan, kahit naguguluhan rin ay tumango ako.

"I'm sorry Mr. Vig---

" No. . .just my second name."

Okay?

" Cannon. "

" Again. "

" Cannon. "

" Again. "

" Cannon. "

" F*ck, I'm already turn on, " agad nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Umawang pa ang aking labi sa pagkagulat.

" Binabawi ko na!" Tumaas ang boses ko saka sinamaan siya ng tingin, nakangisi ito sa akin at dahan dahang bumaba ang tingin sa dibdib ko. Muling nanlaki ang mata ko dahil doon at wala sa sariling pinagkrus ang braso.

Bastos! 

Tatalikod na sana ako ng maagap nitong pinalibot ang braso sa bewang ko. Nanlaki ang mata ko.

"Ano ba!" Malakas ko itong tinulak. Humalakhak pa ito. Napakawalang respeto!

" Hindi ka karapat dapat sa sorry ko! Napakawala mong modo!"

Mas lalong lumakas ang tawa nito.

"I should apologize too, I'm sorry your damn hot and beautiful. Your tempting me."

Walang kaming matinong mapaguusapan kaya wala akong paalam na tumalikod. Mas lumakas pa ang tawa nito. Walang hiya! Nagpaka polite pa ako, tapos iyon lang ang makukuha ko?! Neknek niya!

" Claudia baby. . ."

Bago niya pa matapos ang sasabihin ay muli ko itong hinarap at binigayan ng masamang masamang tingin. Mabuti nalang at wala ng tao rito. Pero imbis na madala siya sa nakakamatay na tingin ay kagat labi pa itong kumindat! 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status