Share

CHAPTER 4

It's a sunday morning at naatasan  kaming dumalo sa paunang mesa, limang hanay ng mahahabang upuan ang naukupahan namin, marami rami na ang tao sa loob siguro maya maya magsisimula na ang mesa. 

Karamihan ng nasa loob ay magpapamilya, magkasintahan, meron din namang mga bata. May nakita pa ako kanina pagpasok namin, dalawang teenager couple, the little boy is patiently waiting for his little princess, napangiti ako ng kuminang ang mata nito pagkakita sa hinihintay. Mukhang church date nila.

  "Sister can I sit here?" Napatingin ako sa babaeng nagsalita sa tabi ko. The fine lady is wearing a dress that  suits with her sweet smile. I smiled at her and nod. 

"Of course." Umupo ito sa tabi ko pagkatapos ay kinuha ang cell phone saka ni-off, sandaling umawang ang labi ko dahil hindi sinasadyang nahagip ng paningin ko ang wall paper niya. 

A guy who's wearing  eye glasses at seryosong nakatingin sa mga papeles, mukhang stallen iyon. And it's him. The Viglianco. 

Na naman. Bakit palaging ang lalaking iyon nalang?

Sandali kong tinitigan ang babae, she's like so fragile, had an angelic face and I know she's kind. Bumuntong hininga ako, kung sakaling kasinthan niya ang taong iyon, iniisip ko pa lang napapailing na ako. I wonder kung ilang girlfriends meron ang taong iyon sa isang araw. 

  

Umayos ako ng tayo ng marinig na ang paunang tugtug. Nasa harap na pala si Pader Shin. Ewan kung tama itong naririnig rinig ko pero may iba daw na inaabangan ang mesa ni Pader ng mga kadalagahan.

Pader Shin holds good looks after all, no doubt. I give him that. May mga secret admirer din ito, kapag nakakatanggap ng regalo galing sa kanila ay iling lang ang nagagawa nito habang nakangiti.  

Marami pang dumaan na kanta hanggang sa umabot na sa pangangaral ni Pader. Tungkol iyon sa pagaasawa. Pagsisimula ng relasyon. 

Aniya karaniwan sa magkarelasyon ang dumaan sa kilig, hiyaan hanggang sa walang hiyaang pati pagtae ay iuupdate na ikinatawa ng tagapakinig. Lahat raw ay hindi perpekto at kasama ang love doon. 

Hindi sa lahat ng oras daraan ang isang relasyon na palaging makararamdam ang puso ng tuwa, hindi na common ang makaharap ng isang pagsubok na magsusukat sa katatagan ng isang relasyon. 

Ang hindi common ay ang mga nakatatagal at patuloy na binubuo ng katatagan sa kabila ng pagsubok. 

Kaya marapat lang na ang nag-iisa nating puso ay mailaan sa taong karapat-dapat rin sa pagmamahal na iyong ipagkakaloob.   

Naalala ko tuloy ang librong nabasa ko noon it's entitled 'Kiss Dating Good Bye' saktong sakto para dito.   

Pasado alas otso natapos ang mesa, kami muna ang naunang lumabas habang nakasunod kay Pader Shin. Humiwalay muna ako saka pinuntahan ang batang babaeng nasa eight years old, nagbebenta ito ng sampaguita habang karga karga ang kapatid.    

"Ciang. . ." Tawag ko dito, yes I know her palagi siya dito, sa murang edad ay pasan pasan na niya ang responsibilidad sa tatlong taon niyang kapatid. 

Nanlalaki ang mata nitong sinalubong ako, hirap na hirap sa sampaguitang dala at karga kargang bata. 

" Sister!" Lumapit ako saka inayos ang buhok nitong sabog na. Ganun rin sa maliit nitong kapatid, he even muttered sistew. Cute. 

"Kumain na kayo?" 

"Opo! Medyo marami po akong naibenta kahapon kaya naibili ko ng tig sampung gatas itong si utoy at naglugaw nalang po ako para dalawa kaming makakain," maliit akong ngumiti, buti naman. Kahit papano ay nasisidlan ang sikmura nila.  

Sinundan ko ng tingin ang kinukulit ni utoy sa ate niya. He's pointing the ice cream. Marami na ang tao sa labas karamihan kumukuha ng litrato. 

" Ice kwem Ciang."

" Utoy bente palang 'tong pera natin saka na ha. Relax mo muna yang dragon mong tiy---po? San po tayo pupunta sister?" Naguguluhang tanong sa akin ng bata, ginaya ko kasi itong maglakad. Nang huminto kami sa tapat ni manong na nagtitinda ng ice cream ay nanlalaki na naman ang matang tiningala ako ni Ciang. Isang beses itong umatras. 

" Naku hindi na po sister, ano po. . . ay sige na nga lang utoy may naiwan pa naman akong pera sa bahay, bibili---

" Bigyan niyo po sila ng apat manong," putol ko kay Ciang, tatanggi pa eh. Mukhang lulusot na naman. Natawa ako dahil nagkamot ito ng tenga saka pasimpleng kinurot si utoy. 

Sa pag-iintay ay hindi ko maiwasang ilibot ang paningin sa paligid, kaya siguro dinadayo ang lugar na ito ay bukod sa may gwapong pare ay ang ganda ng tanawin, nakakarelax. 

Maraming puno, eksakto para sa mga couple. At ngayon ay inuukupahan nga iyon ng mga magkasintahan, may mga kinakantahan ang babae, meron din namang kumakain lang. .  . and wait? 

Yung isang puno na medyo tago ay may nakatayong dalawang tao ang naroon. Isang bulto ng babae at lalaki. Kaagad kong tinakpan ang direksiyon na iyon sa gawi nila Ciang ng mapagtanto ang ginagawa nila. 

They are making out! Sa tapat ng simbahan! Ano ba naman ito. Tirador ba talaga ako sa ganitong scene?  

Kaagad kong inabot ang bayad ng maibagay na sa mga bata ang ice cream saka pinakaigihang matakpan ang spot na iyon sa paningin nila, ng marating ang silong ay lumuhod ako sa harap ni Ciang. 

"Ciang pwede bang sa ibang lugar nalang kayo magtinda? Ibig kong sabihin ay painit na dito eh, saka kunti nalang ang tao," dahilan ko, grabe na talaga ang mga tao, kahit nasa open place mapunan lang ang tawag ng laman, walang pakundangan. 

Alanganing tumango si Ciang at hinanda ang sarili upang umalis, balak pa sana nitong dumaan sa direksiyon na iyon buti nalang ay kaagad ko itong napigilan. Short cut nalang sila.  

Umayos ako ng tayo habang sinusundan ng tingin ang dalawang bata, pinagpagan ko ang suot at muling binalikan ng tingin ang punong iyon. 

At literal na napanganga ako. The two who's making out under the three and across the church no other one but Mr. Viglianco and the woman who sit beside me earlier! 

Wala sa sariling napatingin ako sa itaas habang magkalapat ang mga palad. 

***

Pagbukas ko sa pinto ng kwarto namin nila sister Jane kapwa nakahiga na ang mga ito---habang nag-uusap usap. Apat kaming narito. 

May dalawang pares ng double deck ang narito sa loob, ang isa ay inuukupahan namin ni sister Jane habang ang isa naman ay ang dalawang sisters. Nasa baba ako nakapwesto habang nasa taas naman si sister Jane na naupo pa dahil may kinukwento. 

Dumiretso ako sa aking higaan at sinimulan itong pagpagan.

"Oo nga raw, bumalik daw ito dito sa Pilipinas and he's staying for good. Narinig ko pa sa pinsan ko na may namumuong hindi magandang relasyon ang mag tatay." Sister Jane.

" Alam niyo minsan ko ng naincounter ang tatay niya, sa special gathering ata iyon. Hindi pa ako pumapasok dito sa kumbento at naku napaka intimidating ng aura nito. Nakakatakot, pero walang wala ang aura ng lalaki kapag katabi na ang anak. Ang lamig lamig kasi nitong tumingin na animo'y hinahalungkat ang buo mong pagpakatao, parang iyon ang paraan niya para kilalanin ang isang tao," dugtong naman ni sister Marie. Sino ba ang pinag-uusapan ng mga ito. Kwento palang yan ha pero bakas sa mga boses nito ang takot. Daig pa nilang i-describe ang criminal.

" At pumapatay sila," kaming tatlo ay sabay sabay na ibinaling ang ulo kay sister Jackie, siya ang pinakatahimik sa aming lahat. Bihira rin ito magsalita kaya nakakapanibago na nakikisali ito ngayon.

Tumikhim ako.

"Sino ba 'yang pinag-uusapan niyo?" kuryuso kong sabat. At mukhang tama nga ako, ngayon lang nila napansing nakapasok na ako, ganoon nalang ata ang interes nila sa taong iyon at naukupahan masyado ang mga isip nila. 

" Ah. . . ano sister Claudia, napag - usapan lang namin si Mr. Viglianco dahil may nakakita raw sa kanya kan---

" Pardon? Pakiulit sino? "

" Mr. Vonze Cannon Viglianco sister, 'wag mo nalang masyadong alalahanin mas mabuting hindi mo siya kilala," hindi ko namalayang nakaawang na pala ang labi ko. Pati ba naman dito ay sikat ang taong iyon! Hindi ako makapaniwala.

Sa huli ay tumango nalang ako saka umupo sa higaan.

" Kaya nga takot ang marami sa kanila, lalong lalo na sa binata dahil kahit sing liit lang ng kuto ang nagawa mong pagkakamali, isang bala ka lang," pagpapatuloy ni sister Marie, lalo tuloy akong kinilabutan, sinagot sagot ko pa naman siya at pinaaalis sa bahay namin. Worse palagi kong nabibitin ang making out session niya. Malay ko bang timing ako.

"Sa edad nitong bente siyete, hindi na bago ang napakaraming babae ang dumaan sa kanya. Sabi ng pinsan ko pampatanggal niya daw ito ng strees at para makatulog, hirap daw kasi itong makatulog." Napangiwi ako sa sinabi ni sister Jane. Kakaibang  sleeping pill pala ang meron siya.  Kaya pala sabi ni Paula 'it's he's nature'. Tss. nature my foot.

" Ang raming bagay na nakakaturn off sa lalaking iyon mukhang ang magandang mukha at tindigan lang nito ang nakakahanga pero sa ugali ay walang wala ito, kaya ganun nalang ang taka ko sa pinsan kong baliw na baliw sa kanya," habol ni sister Jane.

Nagtuloy tuloy lang sila sa pag-uusap ako naman ay nagpaalam na iinom muna. Nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa mga narinig. Totoo bang pumapatay ito? Sa ganoong isipin ay literal na nananayo ang balahibo ko. 

Nagsalin ako ng isang basong tubig, dalawa, tatlo. Balot na balot ako ngunit ramdam ko ang panlalamig.

"Oh sister Clau. . ." Hindi naituloy ni Sister Maureen ang sasabihin dahil napapiksi ako sa hawak nito sa aking braso. Lumapit ito sa akin saka hinawakan ako sa magkabilang braso.

"Ayos ka lang ba?" Malumanay nitong tanong, doon lang ako nakabawi saka marahang tamango saka binigyan ito ng isang ngiti. Bumababa ang tingin ko sa dala dala nitong trash bag.

"Magtatapon po kayo?" Tumango ito kaya maagap ko itong inagaw.

"Ako na po sister, malamig na po sa labas, bumalik nalang po kayo sa kwarto niyo," dugtong ko, may katandaan na kasi si sister Maureen kaya baka magkasipon pa ito kapag lumabas pa.

Tumanggi pa ito dahil aniya mukha raw akong hindi okay at dahil mapilit rin ako sinabi kong ayos na ayos lang ako. Sa huli ay ako pa rin ang magtatapon.

Kaagad yumakap ang malamig na hangin pagtapak na pagtapak ko sa labas, kung nasa horror movie lang ako ay nagtatakbo na ako sa takot. Napakatahimik kasi dito sa labas, napakadilim rin, sa mga hindi sanay ay pipiliin nalang na manatili sa loob.

Kaagad akong pumunta sa pusting may mga drum, doon ko ito itatapon. Paminsan minsan akong nag h-hum ng heaven knows habang naglalakad pabalik. Natigil lang ako at natuptup sa kinatatayuan ng may taong humarang sa harapan ko.

Nakangisi ito habang naka cross ang mga braso habang ako ay lumalalim ang paghinga. Pagkakaalala ko kanina kanina lang ay pinag-uusapan palang siya doon sa kwarto panong. . .panong andito siya sa harapan ko?  

Naglakad ito papalapit sa akin kaya dali dali akong umatras, magtatangka sana akong tumakbo ng kaagad nitong nahuli ang bewang ko saka kinorner sa puno, paanong nandito na ako at nakadikit ang likod sa puno?! Ang bilis ng galaw niya!

"B-bitaw. . ." Pati ang boses ko ay nanghina habang inaalis ang braso nito sa bewang ko ngunit hindi ito nagpatinag. Mas lalo lumakas ang tibok ng puso ko. Natatakot ako. Gusto kong sumigaw at tawagin si daddy kahit wala naman itong ginagawa.

"You know that I'm here? Hmm?" Kahit malumanay lang ang boses nito'y hindi ko magawang kumalma, lalo na't humahaplos ang hintuturo nito sa pisngi ko.

"Damn, gorgeous, " dugtong nito habang namumungay ang mga mata. Sunod sunod akong lumunok saka malakas itong itinulak at agad dinamba ang dibdib. 

Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong sinuklay niya ang buhok gamit ang mga daliri saka dinilaan ang labi bago ito kagatin. 

"Anong ginagawa mo dito?" Kinakabahang tanong ko habang nakatingin sa baril na bakat na bakat sa bewang niya, sumunod ang mga mata niya sa tinitingnan ko, nagpakawala ito ng buntong hininga saka walang alinlangan itong hinugot. 

Ako naman ay mas lalong bumigat ang paghinga. Ayoko sa baril. Ayoko. 

Nanghihinang pinakatitigan ko itong itapon ang baril sa damuhan. Gulat na gulat kong sinalubong ang mata niyang animo'y naaliw. Hindi niya ako pa patayin?

"Your expression. . . I like every expression you make," aniya. Nasasayahan siyang makita akong takot na takot? Umayos ako ng tayo at pinirme ang maayos na paghinga. Kinakapos ako sa hangin.  

"Umalis ka dito," lakas loob kong tugon na tinawanan lang niya. Tumawa ito saka ibinalik agad ang wala nitong emosyong mukha.

" Baby kani---

" Don't call me that name! " Asik ko, tumawa ulit ito animo'y tuwang tuwa. Sa isang iglap namalayan ko nalang ang sariling nagpupumiglas dahil nakakulong na naman ako sa braso nitong nakapulupot sa bewang ko.

" Stop." Dahan dahan akong tumigil dahil sa nagbabanta nitong tono.     

" Before you step inside the church , my eyes already wandering your presence. Kaninang umaga pa iyon, you see it's already dark,  I bet your a witty gorgeous lady to not----

"Ano ang kailangan mo," putol ko sa kanya, bukod sa kinakabahan ako ay literal na ayoko sa presensiya niya. 

Habang siya ay ibinalik lang ang ngisi. 

"Your really that brave to cut me off huh." Tumango tango pa ito bago ibalik ang tingin sa mga mata ko. 

"You sure you want to know?" Nilabanan ko lang ang tingin nito. Hinihintay ang sasabihin. 

"Well... baby, " dugtong niya at mas lalong idinikit ang sarili sa akin. Nanlaki ang mata ko ng may maramdamang matigas na bagay sa bandang hita ko. 

Pinaghahampas ko ito sa dibdib dahil hindi ako makaalis. Wala akong pakiaalam kahit masakit sa kamay, matigas ang dibdib nito kaya ako lang ang nasasaktan. 

"Shh. . . may paparating," agad kong naitikom ang bibig, may kotseng paparating. Kotse iyon nila Pader Shin, magbabalak sana akong sumigaw upang makahingi ng tulong ngunit naunahan ako sa nagbabanta nitong tingin.   

Nahigit ko ang hininga ng dahan dahan nitong inilapit ang mukha sa akin. . . saka idinausdos papunta sa leeg ko. Doon tumama ang mainit niyang hininga. Malaki itong tao kaya halos natatakpan na niya ako, sa isang tingin ay iisipin talagang naghahalikan kami. 

Matutunog na lunok ang nagagawa ko dahil papalapit na ang kotse nila Pader, mariin pa akong napapikit ng magdahan dahan ang takbo nito ng daanan ang pwesto namin. Nakahinga lang ako ng maluwang ng makalagpas na sila. 

"Bitiw. . . alis, wala na sila." 

"Hmm. . ." Kunot noo kong sinilip ang mukha nito, mahigpit pa rin ang hawak nito sa akin ngunit nararamdaman ko na ang bigat nito. 

Nasa akin na lahat ng bigat nito, ng balikan ko siya ng tingin ay umawang ang labi ko, mapayapa ang paghinga nito habang nakapikit. Ngunit bakas ang pagkakakunot ng noo nito animo'y may pinapasang problema.     

Nanlaki ang mata ko ng may mapagtanto. He's already asleep! Dahil sa pagkabigla ay naitulak ko ito. Buti nalang ay maagap itong nakabalanse kaya naiwasan niyang matumba. Ngunit kaagad naman akong nakatanggap ng masamang tingin galing sa kanya.    

Nawala na ako sa matinong pag-iisip basta alam ko nagtatakbo ako ng hindi pinapansin ang tawag nito sa akin. He's shouting 'baby' again and again na ikinakilabot ko. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status