Share

CHAPTER 6

Panay ang buntong hininga ko habang nag-iimpake. Panay rin ang likot ng mata ko, nililibot ang tingin ng kwarto, sinisigurong maisasaulo ko ang bawat sulok nito.

Naihilamos ko ang palad sa mukha saka itinukod ang siko sa tuhod. I will miss this place though I can still visit here but. . .aishh stop Claudia. Yeah stop Claudia Altaranz.

Agad dumapo ang mata ko ng biglang bumukas ang pinto, andun si sister Jane, napaiwas ako ng tingin dahil namumula ang mata nito.

Nakagat ko ang dila ng bigla ako nitong dinamba ng yakap. Humihikbi siya. Please don't, I don't want to cry, I'm tired of crying.

"You. . . you still visit, right?" Tango lang ang naisagot ko. Of course I will.

"Please take care of yourself sister."

"I will. I wil. . . thank you," gaya ng inaasahan hindi na nagtanong si sister Jane, she understand and respect what decision I made.

Kanina kinausap ko ang superior namin and like sister Jane she respect my decision, but she insisted me to go for a retreat, tumango lang ako.

Papalabas na ako ng may maliit na boses ang tumawag sa akin. Hindi pa ako lumilingon ay nag-unahan na ang aking mga luha. It's my little Amy. Bago humarap ay pinahid ko muna ang tumulong luha and give her a warmest smile.

Nakangiti ako habang iniintay siyang makarating sa pwesto ko. May isang nurse na nagtutulak sa wheelchair niya. She's much better now unlike before.

Kaagad ko itong binigyan ng isang yakap. Oh. . . my little Amy is crying under my embrace. I caress her hair and squelch her to stop from crying, baka makasama sa kanya.

"I'll visit Amy. Please don't cry, makakasama sayo."

"I will miss you. . ." Nakagat ko ang labi. Me too baby. . . pinatahan ko muna ito ng tawagin na ako ni tay Kanor. I smiled at her before finally turning back to her.

Pinigilan ko na si tay Kanor ng balak pa ako nitong pagbuksan ng pinto. I can handle. Pagpasok ay kaagad kong ipahinga ang likod sa sandalan ng upuan.

"How's dad tay?" Tanong ko habang nakapikit, napamulat lang ng hindi ito sumagot.

"Tay?" muling tawag ko.

"Hija anak, alam kong naging mabait ang pamilya mo sa akin ngunit may binubuhay rin ako nak," agad nangunot ang noo ko. What does he mean?

"Ano pong ibig sabihin niyo tay? Aalis ka?" Naguguluhan ako. Literal.

"Nak. . . pinapauwi ka ni sir isang linggo bago siya tumawag pero dalawang buwan na ang lumilipas, Hija sa dalawang buwan na iyon tuloy tuloy ang pagkalugi ng negosyo niyo. Nalubog na rin si sir sa utang, at hindi na niya kami kayang paswelduhin, ito na rin ang huling sundo ko sayo dahil nakabent---

"Tay dalian niyo po," putol ko dito, nagsimula na ring bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa naririnig. Hindi ako mapakali sa upuan at gusto kong magsisigaw. Dad. . . I didn't know. . . I'm sorry.

Pagkasara ng makina ng sasakyan ay wala na akong inaksayang oras pa at agad lumabas, napaawang ang labi ko ng makita ang malaking truck sa harapan ng bahay na may hinahakot silang gamit! No. . .no. . . no.

"Dad!" This can't be! Hindi maaaring maibagsak ang lahat ng negosyo ni dad sa loob ng dalawang buwan lang!

Pinalibot ko ang tingin sa sala at silang tatlo nasa sala, lahat hindi maipinta ang mukha habang pinagmamasdan ang mga lalaking hinahakot ang gamit namin.

Kung dati si tita at Paula todo ang ayos sa sarili, puno ng kolerete ngayon ay ibang-iba na. Mariin kong naipagdikit ang mga labi ng madako ang tingin sa daddy, bakas sa mukha nito ang lungkot, walang kabuhay buhay ang mga mata at kitang kita ang disappointment rito.

"Dad. . ." Sa wakas ay naibaling nito ang atensiyon sa akin, tumulo ang luha ko ng para akong ibang tao ng pasadahan niya ng tingin bago ako inilingan. Tumayo ito saka naglakad paakyat sa hagdan. Susundan ko sana ito ng mahigpit akong nahawakan ni tita sa braso habang masama ang tingin sa akin.

"This is your fault."

Hindi ko na nagawa pang maghapunan dahil sa rami ng nasa utak ko. Nakakawala ng gana. Nakaupo ako sa kama habang yakap yakap ang litrato ni mommy.

If I were able to go back here that day dad phoned me, will things don't get this worse? Is this really my fault? Sa two months na iyon kaya ko nga bang maibangon ang naglalangitngit naming negosyo?

At the age of 23 mas maliit pa sa kakarampot ang alam ko sa pagpapalakad ng negosyo. Panong naging kasalanan ko itong lahat? Am I really the one to blame? I don---arghhh mom what should we do?

I don't know what to do, lalo na ngayon I know dad is fuming mad at me. Pati raw ang pinamana saking pera ni mom ay nagastos daw.

Sa mga kalapit na kaibigan ng mga magulang ko ay lubog na rin sa utang si daddy. Wala na akong alam na pwedeng mahingian ng tulong. Agad nanlaki ang mata ko! When an idea pop! Shoot!

Kaagad akong tumalon sa kama at nagmamadaling lumabas, puno ng pag-asa habang tinutungo ang opisina ni dad, ng buksan ko ito ay nakasubsub ang mukha nito sa mesa.

"Dad. . . " Tawag ko rito kaya nag-angat ito ng tingin, agad ko siyang dinaluhan because. . . my father is crying. Oh God.

"I'm so sorry honey. . .I'm sorry this is not supposed to happened. I'm sorry, daddy loves you so much." Napaiyak na rin ako dahil humahagulhol ang tatay ko sa kakaiyak. Last time ko siyang makitang ganito ay nung mawala ang mommy.

"Shh. . . don't cry dad. Everything will be alright. It's okay, it's okay."

"I'm sorry for not telling the truth Clau. After your mother funeral, napabayaan ko ang mga negosyo natin, at pinagkatiwala ko ito sa sekretarya ko but.... but that punk,that fucking asshole stole half of our wealth. Ang natira ay hindi na kaya pang recover and that time nagkalabuan kami ng tita mo, I can't even buy her single branded bag. One day naghinala ako, akala ko may lalaki siya na nagbibigay sa kanya ng mga bagay na hindi ko na maibigay but I'm wrong. . . sana. " Nanatiling tikom ang bibig ko habang nakikinig sa sinasabi ni dad.

Pinahid ko ang aking luha saka hinawakan sa mukha si daddy. Pinahid ko rin ang luha nito.

" Dad. . . we still have the ranch. That would be our last ace---

"No Clau, hindi ko hahayaang pati iyon mawala, bigay iyon ng mommy mo. Hayaan mo lang iyon, I will find other solution."

"But dad, kapag naibenta ang rangko unti unti tayong makakabawi kahit pa unti-unti lan--

" Please Clau, go back to your sleep. Ako na ang bahala," pagpupumilit niya, sandali akong natahimik at magbabalak pa sanang ipilit iyon ng ilingan lang ako nito. Napabuntong hininga ako saka tumango.

"Good night dad, take some rest baka mapano ka pa."

"Yes thank you, good night honey, daddy loves you."

Napangiti ako.

"I love you too dad," ani ko saka tuluyan ng tumalikod. Bago isara ang pinto ay nilingon ko ulit ito, he's smiling now. Everything will be alright, that's for sure.

Months passed but nothing change, miske ang pagbayad sa kuryente at tubig pahirapan. Si sister Jane lang ang masasabi kong tunay kong kaibigan ngunit nahihiya akong humingi ng tulong sa kanya. Ayokong dumagdag sa isipin niya.

Wala na rin miski isang kasambahay rito, tanging ang walang kalaman laman na bahay lang ang meron kami. Good thing hindi naiisipan ni dad na ibenta ito, this house is very special to us, marami kaming ala-ala rito with mom, good and bad.

Ngayon ay nasa likod ako ng bahay naglalaba, wala namang kaso sa akin ang paglalaba ang akin lang ay sobrang rami.

Isang araw na bihis pa lang ito ngunit dalawang palanggana na ang puno. Hindi ko ba alam kong mabilis mamaho itong si Paula at sige ang bihis. Wala na pa naman kaming washing machine.

Nakakalungkot lang dahil natigil pa sa pag-aaral si Paula, it's her decision and go for modeling instead. Bihira lang kami mag-usap simula ng mangyari ito sa amin.

Wala namang bago kasi pulos irap ang natatanggap ko, ngunit nasasanay na ako baka yun ang greet language ng batang iyon. Si dad at tita naman palagi kong naririnig na nagtatalo. Thrid party, palaging iyon ang naririnig ko.

One night, kinatok ako ni tita and ask me to work, and I quickly agreed at hindi nalang pinagtuunan ang iba nitong sinabi gaya nalang ng 'hindi pwedeng anak ko lang ang kakayud' but sadly may nakauna na raw sa akin.

May experienced daw, ng tanungin ko si tita kong anong trabaho, katulong daw. Nagtaka pa nga ako eh kayang kaya ko naman ang mga gawain na ganun.

Sisiw lang iyon kong tutuusin. Baka nga kahit nasa closet pa ng amo ko ang mga damit nila labhan ko ulit. Ganun ako ka qualified, kung binigyan nila ako ng chance.

Napangiwi ako. Talaga ba Clau? So kahit ginagamit pa nila yung plato kukunin mo na para mahugasan? At doon mo sila sa mismong mesa pa pakainin? Aba magaling, sa kulungan ng aso ang iyong hiling.

Nabalik lang ako sa diwa ng marinig ang sigawan sa loob, agad agad akong nagpahid ng kamay saka tumakbo patungo roon.

"May ebedinsiya na, you and that asshole are kissing! Ano pang--damn huling huli na nagd-deny ka pa!"

"Okay fine! You can't blame me! He's the president one of the successful company, he can give all I want, unlike you!"

"Tita!" Agad lumakas ang boses ko. What?! So it's true she has other guy, dahil hindi na mapunan ni dad ang mga bagay na gusto niya?! How. . . that reason is too--shit her reason ang rason niya ay napakababaw, she's totally immature!

Kaagad kong dinaluhan si dad dahil napahawak ito sa pader and he's panting for air. Itinuro nito si tita habang nakahawak sa dibdib.

"You. . . leave!"

"Dad! / Honey!" Nagsimulang magkarirahan ang tibok ng puso ko dahil pagkatapos na pagkatapos magsalita ni dad ay bumagsak ito.

Sinubukan ko pang tapiktapikin ang pisngi nito ngunit wala akong nakuhang sagot. No. . .no.

"Dad? Please dad, wake up."

"Honey. . . honey---

" Humingi ka ng tulong! "

Tinapik ko ng paulit-ulit at medyo may kalasan ang pisngi ni dad, pinahid ko ang luha at nagmamakaawang tiningnan siyang hirap na hirap kakahawak sa dibdib niya.

"Dad. . . please huwag mo akong iwan, natatakot ako. Dad hindi ko pa kaya please daddy," parang batang pagmamakaawa ko. Kahit nahihirapan ay nakita ko ang sakit na dumaan sa mga mata niya habang pinapakinggan ako.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niyang inabot ang pisngi ko.

"M-mahal ko. . . ayaw ko pa ngunit katawan ko mismo ang umaayaw. A-anak alam kung mahirap at hindi mo magugustuhan ngunit mas makabubuting. . . " Mas inayos ko ang kanyang pagkakahiga sa aking hita dahil nahihirapan ito.

"Dad please don't talk, dadalhin kita sa hospital."

". . . doon ka nalang muna sa poder ng lolo mo, doon alam kong may isang taong hindi ka pababayaan," dugtong niya na mabilis kong inilingan.

" No dad, sa'yo lang ako, sa tabi mo lang ko gustong manatili . Darating na yung tulong---dad? Dad!" Nataranta ako ng tuluyang nagsara ang talukop ng mata niya. Mas lalo akong naiyak ng bumigat siya.

Bumuhos ng sunod sunod ang aking luha ng may huling luhang kumawala sa nakapikit ng mata ni daddy.

Nanghihina kong niyakap ng mahigpit ang kanyang katawan at pinakawalan ang sigaw ng takot na ngayon palang bumabalot sa akin.

Hindi ko pa kaya Dad.

Sunod ko na lamang narinig ang sunod sunod na yapak sa aking likuran at ang sigaw ni tita.

***

Gusto kong sumigaw, gusto kong manakit. . . gusto. . . gusto kong magwala. . . gusto kong sana sa bawat hikbi ko marinig ako ni daddy. That he will hug me and tell me everything will be alright.

Gustong gusto kong magmakaawa sa doktor na pumasok ulit sa kwarto upang tingnan si daddy, baka may mali lang sa ginawa nila. Baka may pag-asa pa.

Pero wala, hindi na hinding hindi na iyon mangyayari. My father, my one and only daddy is gone. Bago pa ito madala sa hospital ay binawian na ito ng buhay. Heart attack. That heart attack kill my dad.

I don't know what to do, I don't know we're I supposed to go, at kung makakapagsimula pa ba ako.

Wala na sakin lahat. Si mom si dad, they leave me. Oh God, what happened? What will happen to me? Above all, please take care of me. I know I have you. Please guide me.

Tatlong araw bago mamatay ang daddy, halos ako lang din ang nag-asikaso sa lamay niya, ni hindi ko alam kung paano ko nagawang imanage ng hindi man lang nilalagyan ang aking sikmura .Three days and I didn't even pour myself a glass of water. Wala akong gana.

Ni hindi ko nga maasikaso ang kakarampot na bisita ni dad, halos lahat ay ang mga naging kasosiyo niya sa negosy. May inaantay akong taong dumating ngunit wala ata siyang balak na ipakita ang anino niya. Mas nadudurog lang ako lalo sa kakaisip na magpapakita siya, hindi ko ito kaya mag-isa.

Nakaupo ako sa single chair sa tapat ni dad habang niyuyuko ang litrato niya ng maagaw iyon ng malakas na hagulhol. Kunot ang noong tiningnan ko ang deriksyon ni at sa taong sinalubong niya.

Mas lalo lang nangunot iyon ng makita ang lalaking niyayakap na ngayon ng kapatid ko, paanong andito si Viglianco? Makikiramay o pagtatawanan ako? Muli akong umayos ng upo at niyakap ang litrato ni daddy, kahit may tao ay takot ako sa presinsiya. Sa kabilang banda ay hindi ko maiwasang mapikon sa klase ng iyak ngayon ni Paula.Ang pagkakaalala ko ay mukhang ako lang naman ang may pakialam dito. Naiinsulto ako sa klase ng iyak niya.

" Thank you for coming Vonze, alam kong maikling panahon lang ang ibinigay sa amin para maging isang tunay na mag-ama kaya nagugulat pa rin ako sa sinapit ni daddy. "

Gusto ko siyang sabunutan sa mga oras na ito. Hindi niya tinuring na tatay ang ama ko.

"Really? Why saying that on me? I'm not the one who's dead, mourn to your father, not in front of me. "

Isang mariin na pikit ang nagawa ko sa pag-uusap nila. Alam kong walang modo ang lalaking ito ngunit bakit ganito siya magsalita! Kung magpakawala siya ng mga sasabihin ay parang biro biro lang ang pagkamatay ng tatay ko.

Hindi ako nag-angat ng tingin ng may bultong tumigil sa tapat ko. Rinig ko ang ngisi nito bago pumwesto sa tabi ko. Masama ang tinging tinanggal ko ang kamay niyang kaswal na namahinga sa ibabaw ng tuhod ko. Umakto pa itong nagulat sa ginawa.

Iniwas ko ang ulo ng magbalak siyang hawakan ang mukha ko. Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang kakapalan ng mukha niya. Nanatili pa rin ang ngisi sa labi niya.

" What a beautiful mess, " aniya. Ilang sigundo ang lumipas ng salubungin ko ang tingin niya, napagdikit ko ang labi at mabilis na umiwas ng tingin saka muling yumuko. Nanunubig na naman ang mata ko.

Kung kinaawaan niya ba ako o pinagtatawanan ay hindi ko na alam.

" Aren't you going to give some food? I am here to mourn with you---"

" Umalis ka na. " Putol ko sa kanya kahit nabasag na ang boses.

Ilang sandaling naging seryoso ang mukha niya at nagsalita.

" Your eyes are swollen and your lips are dry. . . " he purposely cut his sentence.

" Do you want me to make it wet?" He continue and even laughed.

I didn't budge and he seems know it.

"Leave."

" What. . .? Bed? " He act like he heard it wrong.

"Fucking Leave! "

" What the hell. . . do you want me to fuck you in bed? My fucking pleasure. " I was about to rebutt when his phone rang, hindi niya sinagot ang tawag pero tumayo na.

" Fate is really something, this is not the last. . . sister. " Hindi ko na pinag-aksayahan ang sariling intindihin ang sinabi niya bagkus ay nagpasalamat ng sa wakas ay umalis siya.

NAGING tahimik ang araw ko sa mga sumunod na araw hanggang sa araw ng burol na ni dad. Kulang nalang ay isama ko ang sarili sa loob dahil alam kung kapag matapos ang oras na ito ay totoong mag-isa nalang ako.

"Hija, mauuna na kami, " sabog ang mukhang tumango ako sa hindi ko kilalang babae, may simpatyang gumuhit sa mata niya habang pinagmamasdan akong nakaupo sa tapad ng puntod ni daddy. Sunod sunod na nagsialis ang mga tao hanggang ako nalang ang natira. Yakap ang tuhod kong tinitigan ang pangalan ng daddy.

Kaunay napatingala ako ng may maliit na butil ng tubig ang nagsimulang bumagsak sa balat ko. Umaambon, ang ganda naman ng timing, parang pelikula lang, iyong pelikulang hindi naman talaga totoong namamatay yung namamatay. Sana ganun din yun sa sitwasyon ko ngayon, mas mabuti pang magkalabuan kami huwag lang ang iwanan ako.

Kahit walang choice ay kailangan ko paring umuwi, ang uwi kong iyon ay inabot ng tatlong araw na buong magdamag na nakahilata sa kwarto, hindi ako lumabas at tanging tatlong piraso lang ng mansanas ang naging pagkain sa loob ng mga araw na iyon. Walang suklay at ligo ang nangyari sa katawan ko.

Muntik pa akong matumba sa biglaan kong pagtayo dahil sa sobrang hilong nararamdaman, napakurap pa ako ng makita ang repleksiyon sa salamin, nangingitim ang ilalim ng mata, magulong buhok, at nagbabalat na labi. Napakislot lang ako ng may marinig na sunod sunod na ingay ng sasakyan mula sa labas.

Hindi ko na inabalang sumilip sa bintana. Mga kaibigan siguro ni Paula. Or sa agency niya. Hindi naman sa nanghihingi ako ng awa pero hindi ko maiwasang magalit, ako lang ata ang nagdadalamhati dito!

Si Paula. . . my dad treat her like his real daughter pero ni hindi man lang naisipang pumunta sa hospital and tita... si tita beninta ang pwedeng mabenta sa mga gamit ni dad.

Hindi ko na talaga kaya, uhaw na uhaw na ako. I need to go down stairs pero tinatamad ako. Pero mamatay ako sa uhaw, I need to drink one gallon.

Nanlalaki ang matang napahawak ako sa side table ko. Literal na umikot ang paningin ko, muntik pa akong matumba kong hindi lang ako nakabalanse. Dahil ito sa gutom. At sigurado ako doon.

Nangingiwi akong parang lasing na pahawak hawak sa gilid. Nahihilo pa rin. Magpapasalamat talaga ako kapag nakaya kong makababa sa hagdan.

"Mom! What the hell is happening?! You know I like him, but what is this?!" Agad naagaw ang pansin ko ng marinig ang galit na sigaw ni Paula. Para naman akong nabigyan ng lakas dahil sa sigaw nito. Sa isang hagdanan ako dumaan, diretso papuntang kusina.

Nagmamadali muna akong kumuha ng tubig dahil nagbabara ang lalamunan ko,pagkatapos ay nagtago ako sa gilid. May mga nakaitim kasing mga lalaki ang nasa loob, nasa sampu ata silang lahat.

At. . . anong?! Bakit andito si Mr. Viglianco?! Nakatayo ito habang naka cross arm at parang inis na inis na kaharap ang mag-ina.

" He has a great offer, irerecover niya ang mga negosyo ni Marco at sa atin iyon ipapangalan. Lahat Paula. At isang tumataginting na isang bilyon, iba lang sa unang offer. . . pero kapalit ni Claudia. That woman would be a burden to us, wala siyang pakinabang, mas mabuti pang mapakinabangan. " Wait what?! Anong?! Lahat ng pinaghirapan ni dad mapupunta sa kanila? Mas masahol pa siya---!

Timping timpi na ako pero gustong gusto ko ng murahin ang mag-inang ito. Masisikmura ko pang angkinin nila ang lahat ng negosyo sige! Pero hinding hindi ako papayag na ipangbayad sa lalaking iyan!

Alilain na nila ako, wag lang mapasakamay sa taong yan!

Napasinghap ako ng dinuro ni Paula si Viglianco. She's crying!

" Ano bang mayroon sa babaeng banal na iyan na pinagkainterestan mo! I'm more better than her! She is nothing! Ni pagdadasal lang ang alam niyan, ni hindi nga ata nags-shave yan! Hindi ka niya kayang paligayahin sa kahit na anong para---

" Do you want me to kill you?" Nanlaki ang mata ko dahil sa pagputol nito kay Paula, sa isang iglap nakatutuk na ang baril nito sa babae.

No. . . I need to run. I need to run for my life. Dahil kapag hindi ko ginawa tuluyang masisira ang sira kong buhay.

Sa likod ako dadaan, siguradong makakatakas ako ng tahimik. Ngayon ko lang pinagsisihan na hindi ako kumain, nanghihina ako miski ang isang hakbang ay pahirapan sa akin.

Dahan, dahan. If they catch you Clau your dead---

"Don't try to scape, " walang lingon lingon akong tumakbo ng marinig ang boses na iyon pero daig ko pa ang pinagsakluban ng langit at lupa ng mahuli ang dalawa kong braso ng mga tauhan niya. Padarag nila akong dinala sa sala at marahas na binitawan. Lumuluhang gumapang ako papalapit kay tita.

"Tita. . . tita I'm begging. Please don't. I. . . I have a ranch tita. Ibibinta ko, please tita sayo na ang pera. Just. . . Just please 'wag mo akong ibigay. Maawa ka, " pagod na ako, pagod na pagod. Just please don't give me to him. Marahas akong pinatayo ng Viglianco.

"The money," nanlulumo at nagmamakaawa akong tumingin kay tita na huwag iyong tanggapin. Parang awa--tila nawalan ako ng lakas ng unti unti siyang maglakad papunta sa pera.

Gusto kong tumawa sa mga oras na ito. Tawang mararamdaman nila ang galit ko. So Am I only worth for one billion?! My life is only one billion.

Bago pa makuha ni tita ang pera ay humugot ako ng lakas upang maitulak si Viglianco at walang lingon na tumakbo.

But who Am I to dream that I can scape when he's already tightly gripping on my waist. I'm dead now.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status