Dexter Buenavista: POV
Saan ka nanaman pupunta? Iiwan mo nanaman ba si Karra? Susunduin mo nanaman yang asawa mong walang kwenta! Ang bulyaw ng aking ina. "Mama ,,, Stop! Bakit ba lagi kayong galit sa asawa ko?Matagal na kaming nagsasama,sana naman tanggapin niyo na rin siya! Mahalin niyo naman siya kagaya ng pagmamahal ko sa kanya! Ang bulyaw ko ring sagot sa aking ina. Yan! Yan" ang natututunan mo sa iyong asawang sumbungera! Paano- paano namin siya ituturing na asawa mo,Napakabubu niya ,para siyang walang alam sa mundo! Palagi nalang siyang Oo,opo,sige po! Anong aasahan ko sa kanya! Isa pa bakit mo siya kaylangang sunduin sa Trabaho! Matutu siyang magcumute ng pampasahirong bus! Ang bulyaw na sigaw muli sa akin ng aking ina. Wala naman akong ibang magawa,kahit pa sabihin ko sa asawa ko na wag siyang magpa-api sa aking ina at kapatid. Siya pa rin itong magalang at laging sinusunod ang mga i-utos sa kanya maski na mga pinsan ko pa ay sinusunod din ng aking asawa kahit anong iyutos nila sa kanya kapag wala ako sa tabi niya. Likas na mabait at mapagbigay si Tricia ,Kahit pa inaargabyado na siya ng aking mga magulang at mga kapatid. Hindi siya lumalaban dahil iniisip niyang wala siyang laban sa mga ito, Dahil na rin sa pamilyang kanyang pinagmulan kaya siguro siya minamaliit ng mga Buenavista. Pero pilit kung sinasabi sa mga magulang ko na may kaya ang pamilya ni tricia para lang mahalin siya ng pamilya ko. Pero parang kulang pa iyon parang hindi sila naniniwala sa sinasabi kung kasinungalingan. Dahil sa totoo lang' "Mahirap lang talaga si Tricia ,pero kahit na ganun ay minahal siya ni Dexter. Lagi siyang pinagtatanggol ni Dexter sa kanyang mga magulang at kapatid maging sa mga pinsanan nito ay pinagtatanggol niya ito sa kanilang lahat. Pati ang magsinungaling sa pamilya niya ay nagagawa narin nito alang alang sa pamilya nito. Ayaw naman niyang bumukod sa pamilya nito dahil sa pangakong binitawan nito sa kanyang ama. Nangako siya sa kanyang ama na hinding hindi siya lalayo o magbubukod ng sarili niyang bahay. Kaya pinagtatangol nalang ni Dexter ang kanyang asawa sa tuwing naaabutan niya itong pinagmamalupitan ng lahat. "Umiling nalang si Dexter ,Sa kanyang ina,dahil ayaw na niyang makipagtalo pa."Akmang aakyat na ito sa kanilang silid nang biglang tumunog ang telepono na nasa kanilang sofa. "Go! Umakyat kana sa kwarto niyo at baka naghihintay na ang apo ko!Ako na ang sasagot sa tawag. Ang utos na sabi ng aking ina sa akin. Ngunit hindi ako umakyat ng mga oras na iyon,pakiramdam ko kasi si tricia ang tumatawag at magpapasundo na sa akin. "Hello.... Buenavista Mansion po ba ito? Tanong ng isang babae sa phone. "Yes...! Who is in the phone? Tanong naman Ni Felly ang ina ni Dexter. Nasa O.R Po ngayon Si Mrs.Tricia Buenavista ,Kaylangan po niya ng guardian para masimulan na po ang operasyon. WHAT....!" Anong nangyari sa babaeng yan! Ang bulyaw ni Felly na narinig naman ni Dexter na agad nagtungo sa kinaruruonan ng ina at mabilis na inagaw ni Dexter ang tawag. Masama ang kutob ko! Ako na ang makikipag-usap mama. Ang saad ko sa aking ina. Anong nangyayari?"Ang kinakabahan kung tanong sa nasa kabilang linya,kahit hindi ko pa alam ang dahilan. "Kayo po ba ang asawa ni Mrs.Tricia Buenavista? Ang dinig kung tanong ng babae. Oo ako nga! Bakit anong nangyari sa kanya? Tanong ko muli. "Ang Asawa niyo po ay kasalukuyang nag-aagaw buhay ngayon at kaylangan niya kayo sa mga oras na ito. Ang nagmamadaling sabi ng babae sa kabilang linya. Tila ba pinagsakluban ako nang langit at lupa nang marinig ko ang sinabi ng nasa kabilang linya. A-anong ' Si-sinasabi mo? Hi-hindi ba kayo nagbibiro,paanong nag-aagaw buhay ang asawa ko,na-nasa trabaho siya ngayon. Ang nanginginig kung tanong,na halos manginig na ang dalawa kung tuhod sa labis na pagkabigla sa narinig ko. Dexter akin na ang phone! Ang sigaw ni felly kay Dexter. Mabilis namang nakuha iyon nang kanyang ina. Dahil ang mga kamay ni Dexter ay nanginginig na sa takot.Hindi na niya namamalayang nakasakay na pala ito sa kanyang kotse at kasalukuyan na itong patungo sa Jo's Hospital isang sikat na Hospital sa Syudad. Habang umaandar ang kanyang sasakyan,hindi niya maiwasang umiyak." labis labis ang pagmamahal ni Dexter kay Tricia,kahit ayaw na ayaw ng mga magulang niya kay Tricia ay ipinaglalaban pa rin niya ito sa kanila. Kahit noong wala pang anak sina Tricia at Dexter,Naging mistulang katulong si Tricia sa Mansion ng mga Buenavista. Lingid iyon sa kaalaman ni Dexter. Dahil kahit papaano ay may takot parin ang ina nito at kapatid sa kanya.Kaya sa tuwing malapit nang umuwi galing sa kompanya nila si dexter. Ay labis labis na ang pag-aarugang ipinapakita ng kanyang ina at kapatid kay Tricia. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon nung nagbuntis si tricia. Dahil iniisip ng lahat na may ibang lalaki si tricia at hindi siya ang ama ng batang ipinagbubuntis nito. Ilang oras lang ang lumipas narating na ni Dexter ang JOS Hospital. Patakbo siyang pumasok ng hosital marating lang agad ang operating room na kinaroroonan ni Tricia. Nang makasalubong niya ang isang nurse na kalalabas lang sa O.R". Anong BA-BALITA, sa asawa ko ?" Ang tanong ko kaagad sa nurse. "Sir ,kayo po ba ang asawa ni Mrs.Tricia? A-ako nga! Ang sagot ko. Sumama po kayo sa amin,Hindi na namin kayo nahintay kaya inoperahan nanamin ang asawa niyo. "Okay na ba ang asawa ko? Ano bang nangyari sa kanya? Mga sunod sunod kung tanong. Sorry po sir, Pero ginawa na po namin ang aming makakaya . Sumama po kayo sa akin,dadalhin ko po kayo sa inyong asawa,Ang saad sa akin ng nurse. "Sana nagkamali lang sila,,Sana hindi ang asawa ko ang tinutukoy nila... Dyos kooo wag naman sana ang asawa --. Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang bigla nalang kaming pumasok sa isang VIP ROOM. At na compirma kung si Tricia nga ang nasa higaan. Nakakaawang tignan ang itsura ng aking asawa,puro galos ang natamo niya,sugat sa pisngi at kung ano pa. Umiyak ako ng umiyak habang hawak hawak ko ang mga kamay niya. Tila ba wala nang buhay ang aking asawa sa mga sandaling iyon. Paano ko sasabihin ito sa ating anak tricia?" Huhuhuhu Pa-paano? Tiyak kung magiging malungkot ang anak natin kapag hindi ka niya makita sa mga susunod pang mga araw. "Anong gagawin ko ngayon! Huhuhuhuhu ,,, Ang humihikbi ko paring sabi. Nang bigla nalang gumalaw ang mga daliri ni Tricia! Na labis kung ikinatuwa at ikinakaba,Agad akong tumawag ng Doctor para ipaalam ang nangyayari sa aking asawa."IBANG KATAUHAN" Bilisan niyo! May isang babae pa ang nag-aagaw buhay ngayon ,kasabay ni Mrs.Buenavista. Nasaan na ang nga magulang niya ngayon? Natawagan niyo naba ang mga kamag-anak niya ?Mga tanong ng isang doctor na nag opera kay Mrs.Buenavista. "Sorry sir. Pero walang kamag anak na naka save sa phone ng pasyente,tanging Boss Dave at Elisa lang ang naka save sa phone niya.Saad ng nurse. Subukan niyong tawagan ang isa sa kanila ,baka alam nila kung sino o tagasaan ang mga kamag-anak ng pasyente.Utos ni Doc.Erwin". "SIR.ERWIN .. !Kaylangan niyo na pong pumasok sa O.R!" Dilikado na ang lagay nung babae! Ang humahangos na sigaw nang nurse na kagagaling lang sa O.R"Kung saan naroon si Sofia. "Nagmadaling nagtungo si Doc.erwin sa O.R at mabilis na inasikaso ang pasyente. Ang isang nurse naman ay agad tinawagan ang isa sa mga naka save sa phone ng dalaga. "Kring..... kring..... kring ...... ! Ang tunog nang phone na pumukaw sa pagkaka-idlip ni Dave. "YES' sofia, Napatawag
"Mansion ng Mga Buenavista" "Bweeeesit.... Bakit kaylangan pa niyang mag-aksaya ng pera ng dahil sa babaeng iyon na wala namang kwenta! Nagsasayang lang siya ng pera! Ang anas inis na saad ni Donya Felly. Habang si karra at Josephine ay kakarating lang galing sa galaan. Nagsinungaling lang ang Donya para pauwiin si Dexter,ngunit hindi naman siya nagtagumpay at parang lumala pa ito dahil kasama na niyang uuwi si Tricia kahit na kumatos pa ito. Lola' Nasaan po si papa at mama?Hindi paba sila dumarating? Ang maamong tanong ni karra sa kanyang lola. Sumabat naman si Josephine at sinabi. Haynaku,pamangkin' Kumain nanaman siguro sila sa labas at iniwan ka nanaman nila dito sa bahay,kawawa naman ang pamangkin ko. Ang malambing na nang-uuyam niyang saad kay karra. "Tama siya karra! Kaya umakyat kana sa kwarto mo at maypag-uusapan kami ng tita mo.Ang utos naman ng Donya. Tumalima naman agad si karra,Dahil mas nakikinig si karra sa kanila kisa sa kanyang ina,dahil panay ang kasin
"Ang pag-gising " Maraming salamat Doc.Erwin at pinagbigyan niyo ako sa nais ko, Ang saad ni Dexter. Basta tawagan mo lang ako kaagad kapag may kaylangan ka,tatakbo ako kaagad ang Sagot naman ni Doc.Erwin". Si Doc.Erwin ay isang matalik nitong kaibigan mula elementary hanggang highschool,naghiwalay lang sila nung mag-umpisa na ang college life nila. Pinili ni Doc. Erwin na maging isang Doctor at nagtupad naman niya iyon. Habang si Dexter ay nakapag-asawa na matapos niyang mag-aral about company. Nakilala niya si Tricia sa kanyang pag-aaral ,parihas sila ng kurso,Naging malapit sila sa isat isa,hanggang sa magtapat na si Dexter sa kanya ng pag-ibig. Ngunit tutul na tutul ang mga magulang ni Dexter kay tricia ,bukod sa mahirap na ang kanyang pinagmulan ,wala pang magandang trabaho ! Paano ba naman ay kakagraduate lang nila ng kolehiyo ay ikinasal na sila kaagad ng walang kaalam alam ang mga magulang ni Dexter.. Maraming salamat sayo Doc. Aalis na kami ng asawa ko,Tiyak kong m
"Sofia ,sa kata-uhan ni Tricia Buenavista" "Ilang buwan na rin ang lumipas ,Asawa ko!" Pero nanjan kapa rin sa kama at walang malay,nakahilata ka parin jan asawa ko,bumangon kana please....."Hindi mo ba kami na mimiss ni karra?" Kasi kami,lalong lalo na ako asawa ko... Miss na miss na kita ng sobra.!' Ang lumuluhang sabi ni Dexter kay Tricia,kahit alam niyang walang malay ang kanyang asawa. "Si-sino ang lalaking umiiyak,parang malapit lang sa akin?' Malambot na mga palad ang aking nararamdaman sa aking mga kamay. Mga daeng ni Sofia sa katauhan ni Tricia. Akmang imumulat na niya ang kanyang mga mata nang bigla nalang may labing dumambi sa kanyang pisngi,dahilan para pigilin niya ang kanyang mga mata sa kanyang pag-mulat. Nag-init naman ang kanyang katawan sa di malamang dahilan nang maramdaman niyang dumapo na ang labi ng lalaki sa labi nito habang sinasabi ang katagang:" Please..... Asawa ko' Wake up.. Na mimiss na kita. Huhuhuhuhuhu ang Dinig na dinig ni Sofia na sinasabi ng lal
Josephine..... !' Ang tawag ni Evelyn sa kalalabas lang na galing sa silid ni Tricia."Ta-talaga bang gising na s-si Tricia?" Ang nangangatal na tanong ni evelyn habang ang donya ay dahan dahang lumalabas ng Mansion ,marinig lang ang sagot mula kay Josephine. Yes' Tita,Gising na ang mama ko! Pero hi-hindi niya kami ma-alala,kasalukuyan siyang kausap ngayon ng Doctor at ni papa ko. Ang seryusong sabi ni Karra sa kanyang mga tita. Nakahinga naman ng maluwag si Donya Felly at Evelyn nang marinig nila ang balita kay karra. Mama' Aalis na ako,balitaan niyo ako kaagad kapag nakausap niyo na si Tricia,siguraduhin niyong wala talaga siyang maalala. Dahil kapag may naalala siya siguradong patay tayo kay Kuya Dexter!" Ang kabadong sabi ni Evelyn na narinig naman ni Josephine habang si karra ay kanina pa nakalabas ng mansion at hinihintay nalang niyang lumabas ang tita Josephine nito. 'Ano kaya ibig sabihin ni ate evelyn? May nagawa ba silang mali para ganun nalang ang pag-aalala nila sa m
Ibig sabihin nawalan ako nang ala-ala sa nakaraan ko?" Iyon ba ang nais mong ipahiwatig doc.Erwin?" Tanong ni sofia'. "Oo tama ka ,tricia' sana maintindihan mo at alalahanin mo ang iyong nakaraan? Aksedente ba ang nangyari sayo o may sadyang gumawa sayo nito. Ang dagdag pang sabi ni Doc.Erwin ''. "Anong ibig mong sabihin sa sinasabi mo Doc?" Tanong ni Dexter. Ganito kasi iyon''Bago kasi naaksedente ang bus''Nakita nang mga doctor na hindi sa bus nagmula ang sugat sa ulo ng asawa mo. Bago naganap ang aksedente basag na ang ulo mo!'" ANO!" Ang gulat na sabi ni Tricia(Aka sofia) Pero 'Pakiusap lang hanggat wala pang matibay na ibidinsya wag na wag niyo itong ipapaalam sa iba o kahit na sino man. Pagkasabi nun tulalang iniwan ni Doc.Erwin ang si sofia sa kanilang silid habang ang dalawa ay lumabas muna para don mag-usap. "Maraming salamat Doc.Erwin sa mabilisang pagpunta mo rito,Salamat sa pagpapakalma at pagpapaliwanag na ginawa mo sa asawa ko para maintindihan niya ang nangyayar
"Nakakalungkot man isipan mama,Pero totoong walang maalala ang aking asawa,maski na ako at ang aming anak ay wala siyang maalala. Sabi nang kanyang Doctor ,magtiwala lang tayo sa panginoon ,magdasal na sana ay bumalik pa ang ala-ala niya mama.Kaya sana naman mama,ipakita niyo ring maymalasakit kayo sa asawa ko."Ang malungkot na sabi ni Dexter sa kanyang ina. 'Hindi naman ba nagpapanggap lang ang asawa mo?takang tanong ng Donya. "MAMA! Hanggang ngayon ba naman ,ganyan parin ang sinasabi niyo sa kanya? Ano ba ang nagawang kasalanan ng aking asawa sainyo at galit na galit kayo sa kanya?!" Ang Medjo may tuno nang sabi ni Dexter sa kanyang ina. "Tignan mo yang ugali mo dexter! Masama bang sabihin ko iyon,kasalanan ko ba na ganun ang sabihin ko sa asawa mo? Palibhasa wala kang tiwala sa amin ng mga kapatid mo!" Kahit nga sabihin ko pa sayo na pangit ang ugali ng asawa mo,at nagkukunwari lang na mabait kapag nakaharap siya sayo, Hindi kanaman maniniwala ehh!"Ang pagtatampong sabi ng Don
"Makalipas ang Dalawang araw" "Maagang gumising si sofia(sa katawang tao ni Tricia) Tulad nang kanyang nakagawian sa kanyang pang-araw araw na buhay,Alas kwatro palang ay gising na ito at nasa kusina na at nagluluto nang kanilang almusal. Kaylangang ko munang libangin ang sarili ko sa malaking bahay na ito. Hindi ako pwedeng magkulong nalang sa silid na iyon,kaylangan ko ring malaman kung nasaang lugar ako para malaman ko kung paano ako makaaalis sa Malaking bahay na ito. "Pero infernis...! Ang laki ng bahay na ito,at talaga namang mag aala Reyna ka sa bahay na ito. Ang napapangiting sabi ni Sofia habang naghahanda ng kanyang mga lulutuin. Binuksan niya ang ref at nakita niya ang sandamakmak na laman nito. "Grabeeeee.... Ang daming laman!'' Ano kayang masarap na lutuin para sa almusal ngayon. Grabeeee ang dami talaga,ngayon lang ako nakakita ng ref na ganito karami ang laman. Nagtratrabaho na ako sa Restuarant ,pero hindi ganito karami ang laman ng Refrigerator namin