"Makalipas ang Dalawang araw" "Maagang gumising si sofia(sa katawang tao ni Tricia) Tulad nang kanyang nakagawian sa kanyang pang-araw araw na buhay,Alas kwatro palang ay gising na ito at nasa kusina na at nagluluto nang kanilang almusal. Kaylangang ko munang libangin ang sarili ko sa malaking bahay na ito. Hindi ako pwedeng magkulong nalang sa silid na iyon,kaylangan ko ring malaman kung nasaang lugar ako para malaman ko kung paano ako makaaalis sa Malaking bahay na ito. "Pero infernis...! Ang laki ng bahay na ito,at talaga namang mag aala Reyna ka sa bahay na ito. Ang napapangiting sabi ni Sofia habang naghahanda ng kanyang mga lulutuin. Binuksan niya ang ref at nakita niya ang sandamakmak na laman nito. "Grabeeeee.... Ang daming laman!'' Ano kayang masarap na lutuin para sa almusal ngayon. Grabeeee ang dami talaga,ngayon lang ako nakakita ng ref na ganito karami ang laman. Nagtratrabaho na ako sa Restuarant ,pero hindi ganito karami ang laman ng Refrigerator namin
"Okay lang ako 'Dexter ,wag mo akong alalahanin. "Sanay naman akong kumain sa kusina saka, kasabay ko naman si manang Betty.Ang sagot agad ni Sofia sa sinabing iyon ni Dexter. SANAY?'' Ahhhh oo nga naman Dexter,mukang bumalik ang ala-ala niya sa nakaraan. Tanda mo nung una mo siyang nakilala ,isa siyang waitress sa isang bar ! Tandang tanda ko pa nun. Mama!" Stop... Kung ayaw niyo nang pagkain,sa labas nalang kayo kumain! Ang galit nang saad ni Dexter. Ayaw na kasing ma-alala ni Dexter ang nakaraan patungol sa bar na una nilang pagtatagpo,gusto niyang ibaon iyon sa limot kaya agad niyang sinaway ang kanyang ina. Habang si Evelyn,josephine at karra ay nakikinig habang nakatingin sa kanila. "Naku ,Wag na ako na ang aalis,Sabay na kinuha ni sofia ang sangag na kanin sa hapag kainan at kumuha na rin siya ng hotdog at becon na kanyang uulamin. Wala siyang paki-alam sa sasabihin nang iba ang mahalaga ngayon makakain siya ng sapat para may lakas siyang sumabak sa hamon nang b
Ano ba Tricia'Umayos ka nga!Bakit kaba nagiging ganya.. Ayukong magalit sayo dahil alam kung may sakit ka,Pero please naman tricia wag naman ganito. Ang pilit na kalma niyang sabi sa kanyang asawa Mabilis namang tumayo si Donya Felly sa hapagkainan para puntahan at tignan ang narinig niyang pagsigaw ni Aling Betty.. Anong nangyayari dito? Ang tanong na bungad ng donya habang nadatnan niyang pinupunasan ni Sofia ang mukha ni Dexter ng maraming Tissue. "Wala ito mama,bumalik na kayo don ako na ang bahala sa asawa ko. Sabay hila nito sa kamay ni Sofia,hinila niya ito palabas nang mansion na kitang kita nang lahat lalong lalo na ang kanilang anak na si karra. "Naku... Pamangkin ,mukang nagdrama nanaman ang mama mo at handa ka nanaman nilang iwan mag-isa rito ." Kawawa naman ang pamangkin ko. Ang nang-aasar pang sabi ni josephine.. Uhmmm... Tita may pasok ba ako ngayon? Pwede bang wag na muna akong pumasok ngayon,masama kasi ang pakiramdam ko. "Ano? Masama ba ang pakiramdam mo k
Hindi niyo ba alam na masama ang pakiramdam ng anak niyo,tapos nandito kayo at naglalampungan!" Ang inis na sabi ng donya. Ngunit hindi iyon pinansin ni Dexter bagkus ay sinabi: "Anak... Anong masakit sayo? Gusto mo bang mamasyal sa luneta kasama ang mama mo? Ang malambing na tanong ni Dexter sa kanyang anak habang nakatungkod ang kanyang mga tuhod sa sahig. "G-gusto po ba ni mama?" Ang malambing na tanong ni karra. "Ah- Oo naman anak,Gusto ko,gu-gusto kitang kasamang mamasya. Ang masayang sabat ni sofia. Lumingon si dexter sa kanya at ngumiti ng nakakalukang ngiti. Ha-halika na, Ang sabay abot ng kamay ni sofia kay karra. Hindi naman nag-atubiling abutin ni karra ang kamay nang kanyang ina. Dahilan para higpitan ng Donya ang pagkakahawak nito sa isang kamay ni Karra. Nang mapansin ni Karra na galit na ang anyo nang kanyang lola ay mabilis niyang binitawan ang kamay ni sofia,tila ba takot ito sa donya , dahilan para magulat si sofia sa inasal ni karra. "A-anong pr
Elisa,ikaw na muna ang bahala jan sa restaurant,hindi kasi ako makakapasok ngayon. Ngayon kasi ang araw nang pagbisita nang mga kapatid ni Sofia . Ang saad ni Dave sa kabilang linya. "Pa-paano niyo nahanap ang mga kapatid ni Sofia Sir.Dave?' Takang tanong ni Elisa sa kabilang linya. Kinalat ko sa social media ang larawan ni Sofia,at may sinabi lang ako salita na hindi naman mamasama-in nang mga makakakita. Sinabi ko lang na "Kaylangan ngayon ni sofia nang isang kapatid na mag-aalaga at titingin sa kanya sa mga oras na wala ako. Paliwanag ni Dave. Pa-paano? Ang hindi maintindihang tanong parin ni Elisa. Uhmmm,,Sinabi kung asawa ko si sofia at kaylangan ko ang mga kapatid niya para bantayan siya habang wala ako. Ang sagot agad ni Dave. "What?!" Hindi ba magagalit si sofia sa ginawa mo sir?" Ano naman kung magalit siya , ang mahalaga nahanap ko na ang kapatid niya, kaya magiging masaya pa siya kapag nagising siya ng nasa tabi niya ang mga kapatid niya diba? "Hindi ko si
"Nakakaluka sila! Ako pa gagawin nilang sinungaling sa harapan nang asawa ko, Iste asawa pala ni tricia. Pero kahit na ,dahil ako ang nasa lugar niya ngayon ako muna ang masusunod!" Ang wika ni sofia sa kanyang sarili,habang nakatingin sa kanya si Dexter. "A-asawa ko?" So-sorry ahh, Na-una kasi sila kaya pinatulan ko ang mama at kapatid mo. ang nakayuko niyang sabi. 'Imbis na sumagot si Dexter ay linapitan niya ang kanyang asawa at niyakap nang mahigpit tila ba wala nang bukas ang pagyakap niyang iyon sa kanya. (Ohhhh,,, Dexter,,Wag ganito,baka ma inlove ako sayo at hindi ko na gugustuhin pang umalis. Ang saad ni Sofia sa kanyang isip. Tama lang ang ginawa mo ,asawako,Sana nuon mo pa pinagtanggol ang sarili mo sa kanila para hindi ka nila inaapi api. Bukas pala ang kaarawan ni Mama, kahit papaano mama ko pa rin siya. Bukas darating ang lahat nang mga kamag-anak at mga pinsanan namin. Gusto mo bang makihalubilo sa kanila?" Tanong ni Dexter sa kanya. Nung nakaraang taon Kasi
Nagdradrama naman ang bwesit na babaeng ito! "Ang inis na sabi ni josephine ,habang pinagmamasdang namunula na ang mukha ni sofia sa mga oras na iyon. Ngunit walang aksyon mula kay josephine,pinapanuod lang niya ito kahit ramdam niyang nahihirapan na si ito. "Anong ginawa mo sa asawa ko josephine?!" Ang bulyaw na sabi ni Dexter. Agad na hinawakan ni sofia ang kamay ni dexter para awatin itong magalit. Naku kuya, wala akong ginagawang masama sa kanya 'kararating ko lang tapos bigla nalang siyang nagkaganyan. Paliwanag ni Sephine sa kanyang kuya. Okay na ako Dexter,Gusto ko muna sanang magpahinga . Pwede mo ba akong samahan sa aking silid?" No' Don kana matutulog sa kwarto natin. Hindi kana babalik sa Music room,dahil inutusan ko na si manang Betty na linisin na ang silid na iyon. Miss na miss na kita Tricia,I need you! Ang malambing na sabi ni dexter,kahit pa naroon pa ang kanyang kapatid at nakikinig sa kanila. Si-si karra? tanong ni Sofia. "Nasa kwarto niya at nagb
"Mas okay narin siguro ang maiwan nalang ako rito sa bahay at tumulong nalang sa kay manang betty,kisa naman sumama pa ako sa mag-ama. Maaga rin naman sigurong matatapos ang gawain dito,kaylangan kung makalabas dito sa lalong madaling panahon. Kaylangan kung bumalik sa restaurant kung saan ako nagtratrabaho kaylangan kung magpatulong kay elisa para mahanap ko ang katawan ko. Pero paano kung patay na pala ako?" Ano na ang mangyayari sa akin? Dito nalang ba ako habang buhay?" Naputol ang pag-iisip ni Sofia nang marinig niyang tinawag siya ni manang Betty. Tricia' Kumilos kana! Tulad nang dati ang process dito. Alam ko namang hindi nawala ang ala-ala mo,at nagpapanggap ka lang!" Ang seryusong sabi ni manang betty. 'Pati ba naman kay aling Betty,pakitang tao lang din pag narito ang asawa ni tricia? Ayyyy ! Nakakagigil ang mga tao rito sa Malaking bahay na ito. Ang saad ni Sofia sa mahinang boses. 'Opo manang,susunod na ako. Pero,hindi ko po talaga alam ang mga ginagawa ko rito,
Makalipas ang ilang taon,Umuwi na ng pilipinas sina sofia at Dave. Magaling narin si Dave sa kanyang karamdaman. "Honey' Maraming salamat sa pagtitiis at pag-aalaga mo sa akin habang nakaratay ako sa hospital. Wala iyon honey! Sobrang saya ko rin dahil sa wakas magiging happy narin tayo everyday... Ang pilyang sabi ni sofia. Habang nakaupo sila sa isang vvip Set sa isang mamahaling eroplano. Honey'! Ano ang unang gagawin natin pagdating natin sa pinas? Ang nakangising tanong ni sofia sa kanyang asawa. Will' Alam na this ,honey! Magyuyugyugan na tayo magdamag ,everyday ,hahahaha! Ang masayang wika ni Dave,habang si sofia ay tawa parin ng tawa. Dala narin ng kasiyahan sa piling nilang dalawa. Makalipas pa ang ilang Oras,nakalapag narin sa wakas ang eroplano. Gulat na napasaya ang dalawa ng makita nilang naroon lahat ng mga kilala nila at naghihintay sila sa kanilang pagbabalik. "Grabeeee ahh! Ang saya saya ko! Talaga bang may pa welcome kapa sa akin ate tricia?!' Ng
Wow naman' mukang ang sasaya niyo?! Parang nanalo kayo sa luto!"" Ang malakas na salita ni Evelyn sa tatlong papasok palang ng mansion,na ikinagulat nilang tatlo. "EVELYN?!"... Ang bigkas ni Dexter ganun din ang dalawa. Yes' Ako nga,nagulat ko ba kayo dahil narito parin ako! Hinihintay ko talaga ang pagbabalik niyo,upang mapagbayaran niyo ang ginawa niyo sa asawa ko!'' Sige lakad! Pagmasdan niyo ang ginawa niyo sa asawa ko! Duguan siya at wala ng buhay! Pinatay niyo ang asawa ko!'' Ang galit na galit nang sigaw ni evelyn sa kanila habang nakatutuk sa kanila ang baril na hawak nito. "Ano ba! Evelyn,Tumigil kana sa kabaliwan mo sa lalaking iyon,Hindi ka niya mahal,sarili lang niya ang kanyang iniisip! Ano ba! Ang galit na bulyaw ni Dexter sa kanyang kapatid na si evelyn. TAMA NA!' Kuya,,, Ikaw ang pumatay sa asawa ko! Tignan niyo- !' Ano?! Nasaan na ang katawan ng asawa ko! Ang gulat na napaawang nang sabi ni evelyn nang makitang wala na si erick sa sahig. Bahid nalang
Hahahaha! Dahil lang sa mga papel na yan nagpapat*yan kayo! Whahaha buti sana kung yang papel na yan ee' Nagkakahalaga ng trilliones na halaga,kaya lang parang useless lang naman ang mga papeles na hawak niyo ngayon." Ang nakangiting sabat ni sofia,kahit alam niyang dihado siya sa kanyang kalagayan. Pagkasabi iyon ni sofia ay agad na binuklat ni Charles isa- isa ang mga papeles at gulat na gulat muli ito sa kanyang mga nakita. 'Bwis*t ka talagang babae ka!' Saan mo dinala ang mga mahahalagang papeles na pag-aari ng aming ama!'' Ang sigaw ni charles ,dahilan para sapilitang hinila ni charles si sofia at sinamp*l niya ito ng pa-ulit ulit... Kahit anong gawin mo! Hinding hindi ko ibibigay sayo ang mga iyon!, "Gahaman ka!' ,makasarili ka! Wala kang kwentang ama! Ang galit na galit na sigaw ni sofia kay charles. Na labis na nagpa-init sa dugo ni charles! "Sapak sa kanan,sapak sa kaliwa ang halos ginawa na ni Charles sa pisngi ni sofia,Halos mahimatay na sa sobrang sakit na
Bilisan niyo!' 'Baka maabutan pa tayo ni evelyn,at pagbabarilin niya tayo!' Ano ba kasing nangyayari kay evelyn,bakit siya naging ganun kagahaman!'' Hindi ko na siya kilala! Ibang iba na siya ,hindi na siya tulad ng dati. Ang Sambit ni Dexter,sabay tanong nito kay sofia' ang salitang.' Nasaan na ang mga papeles ,sofia? Nakuha mo naba?'' Oo,Nakuha ko na ,nasa akin na ngayon ang mga papeles,maliban sa isang bagay na hindi ko nakuha na kasama ng Mga papeles na ito.'' Anong ibig mong sabihin? Kulang kulang yang mga papeles na nakuha mo?! Tanong ni Dexter. "Ang ibig kung sabihin,Naiwan ko yung parang gold bar na may tatak na dollor sign. Biglang nanlaki ang mga mata ni Dexter sa sinabing iyon ni sofia.Dahil hindi niya lubos akalain na may kasama pa palang gold plated dollor ang mga papeles na iyon. "Bakit bigla kang natahimik Dexter?" Ang takang tanong ni Sofia at tricia na kasalukuyan ng patungo sa Mansion ng Matandang 'Don. Kasama ang mga pulis na tinawagan ni Dexte
"Saan kayo pupunta? Akala ko ba kaylangan lang ni erick ng pahinga?!"Bakit kaylangan niyo pang magtungo ng hospital!?''Ang tanong ni tricia,Baka sakaling mapigilan niya ito sa pag-alis ng Mansion upang hindi matuloy ang balak ng dalawa. Ngunit hindi iyon umubra sa mag-asawang erick at evelyn. Nagpasya parin silang umalis ,pero bago iyon nag-iwan muna ng salita si evelyn kay tricia bago sila umalis. Sino kaba sa akala mo! Bakit kaba nakiki-alam sa usapang pamilya?!' Wala kanang paki-alam dito! Ang mahalaga sa akin ngayon ay maging maayos ang kalagayan ng aking asawa para naman hindi nakakahiyang humarap siya sa aming anaka!''Ang masungit na wika ni evelyn habang inaalalayan nito ang kanyang asawa na talaga namang nanghihina ang anyo nito. Wala namang nagawa si tricia kundi ang pagmasdan ang dalawang papaalis na ng Mansion. Bakit ba hindi sinasagot ni Dexter ang mga tawag ko! Sadya bang busy na talaga sila sa paghahanap ng case na iyon! Ang naiinis na saad nito. Dahil sa hindi
"Anong gagawin ko ngayon? Ibibigay ko ba sa kanya ang case na ito kapalit ni Dave?! Tama kaya ang desesyon kung ito?!" Ang nag-aalangang wika nito. Nang biglang magsalita si Ethan na ikinagulat ni sofia. "Lumabas kana jan! Alam kung narito ka sa loob ng aking bakura ! Nakita kitang pumasok kanina! Pero hindi ko lang iyon ipinahalata. Ang kalmadong sabi ni ethan. Kaya dahan dahang lumabas si sofia sa kanyang pinagtataguan. B-akit mo ako iniligtas? 'Hindi kita iniligtas! Kagustuhan kong hindi ka niya makita,dahil sa oras na makita ka niya tiyak na papatay*n ka niya!'' Akin na ang case,At umalis kana rito kasama ang kakambal ko! Ang utos nito kay sofia. Kakambal mo?!'' Ang gulat na sambit ni sofia. "Oo! Kakambal ko siya. Pero Tanggap ko nang wala na akong kakambal ngayon! Kaya umalis na kayo habang hindi pa bumabalik si charles! Baka pagnalaman niyang narito ang kakambal ko ay madamay pa siya sa galit niya sa akin! Ako na ang bahala sa case na ito. Pero! Umalis na kayo! Wala
"Bakit kaylangan pa nating umalis dun ,kung alam mo na kung nasaan ang case ,Sofia!'' Ang galit na saad ni Dexter. May mga nakatingin sa atin! Hindi mo ba iyon napansin o sadyang ayaw mo lang sila pansinin?'' Paano kung bigla nalang nilang kinuha yung case ,Tapos pagbabarilin nila tayo? Paano na ang pamangkin ko at ang pinakamamahal kung si Dave na hanggang ngayon ay hawak parin ng baliw na iyon! Ang malumanay na sabi ni sofia. Uhmmmm! Paano natin ngayon makukuha ang case kung nakamasid sila sa atin?' Iyon nga ang kanina ko pa iniisip. Paano natin makukuha ang case na iyon ng hindi nila nalalaman. Ang sagot ni sofia. "Ganito nalang,Ang saad ni Dextet sabay may ibinulong si Dexter kay sofia at tumango tango naman si sofia sa nais ni Dexter. At nagsimula na silang gawin ang kanilang plano. Mukang bigo ata silang mahanap ang case?' Mukang aalis na sila Boss' Anong gagawin natin? Susundan parin ba natin sila o maghahanap din tayo sa room ng bata? Tanong ng isa sa mga sumusunod sa da
Ang lakas ng loob mong bumalik dito sa aming pamamahay! ' Matapos mong iwan ang kapatid ko at ang ipinagbubuntis niya!'' Ang galit na bungad ni Dexter kay erick. Kuya' Ano ba! Hindi mo ba nakikitang naghirap siya?! Hindi mo ba tatanungin kung bakit siya nagkaganyan huh kuya! Ang mabilis na sumbat ni Evelyn sa kanyang kuya. Na-iintindihan ko ang galit ng kuya mo evelyn. Tama lang na magalit siya sa akin. Ang Malumanay na saad ni erick. Halika na,Erick! Pumasok ka,Asawa ko siya kuya kaya may karapatan siyang pumasok sa pamamahay na ito! Anong kaguluhan ito?!' Ang bungad naman na sabi ng Donya. Napalingon ang lahat sa Donya.At mabilis na lumuhod sa harapan ng donya si erick. Na ikinagulat ni Dexter at evelyn. "Anong nangyayari sayo?! Ang gulat namang sabi ng donya. Patawarin niyo ako Mama,Kung iniwan ko ang anak niyo sa mismong araw ng kasal namin. Ang totoo ay hindi ko talaga siya iniwan,Kinuha ako ng mga kawatan at ikinulung ako sa isang madilim at mabahong lugar! Hindi ko
"Goodafternoon ' maam, Susunduin ko sana ang pamangkin kong si sarah.'' Ano? Hindi ko na alam kung nasaan ngayon si sarah , Dahil may mga lalaking humahabol sa kanya! Kaya nga maraming mga pulis ngayon dito dahil sa pangyayaring hindi namin inaasahan!'' Ang nag-aalalang sagot ng Guro kay Sofia. Saan sila nagtungo?!" Ang mabilis na tanong ni sofia.Habang sinasabi ang salitang: Sh*t! Naluko na! Nasaan na kaya ngayon ang pamangkin ko?!'' Baka kung napaano na siya!'' Nagtungo sila banda ron,Kaya pati mga pulis ay naroon na din! Pagkasabi iyon ng guro ay agad siyang nagtungo sa itinuro ng guro sa kanila. Ngunit makalipas ang ilang minutong pagtakbo,nakalayo narin sila sa school ni sarah ngunit wala na silang makitang bakas na magsasabi kung saan na nagtungo si Sarah. Ate' tricia!' Anong gagawin ko ngayon? Saan ko ngayon hahanapin si sarah?!'' Ang humahagulgul nang iyak na si sofia. Pati si Dave ,Hindi ko na rin alam kung saan ko siya hahanapin!'' Nasaan naba kasi ang case na iyon!