Josephine..... !' Ang tawag ni Evelyn sa kalalabas lang na galing sa silid ni Tricia."Ta-talaga bang gising na s-si Tricia?" Ang nangangatal na tanong ni evelyn habang ang donya ay dahan dahang lumalabas ng Mansion ,marinig lang ang sagot mula kay Josephine.
Yes' Tita,Gising na ang mama ko! Pero hi-hindi niya kami ma-alala,kasalukuyan siyang kausap ngayon ng Doctor at ni papa ko. Ang seryusong sabi ni Karra sa kanyang mga tita. Nakahinga naman ng maluwag si Donya Felly at Evelyn nang marinig nila ang balita kay karra. Mama' Aalis na ako,balitaan niyo ako kaagad kapag nakausap niyo na si Tricia,siguraduhin niyong wala talaga siyang maalala. Dahil kapag may naalala siya siguradong patay tayo kay Kuya Dexter!" Ang kabadong sabi ni Evelyn na narinig naman ni Josephine habang si karra ay kanina pa nakalabas ng mansion at hinihintay nalang niyang lumabas ang tita Josephine nito. 'Ano kaya ibig sabihin ni ate evelyn? May nagawa ba silang mali para ganun nalang ang pag-aalala nila sa muling pag-gising ni tricia?" Habang si Doc.Erwin at Dexter ay kasalukuyang pinapakalma si sofia. "So-sofia, "Asawa ko....." Please ,Makinig ka sa sasabihin ng Doctor. Ang malumanay na sabi ni Dexter sa kanyang asawa. A-asawa? 'aasawa mo ako?" Pa-paano?'Ang nalilito niyang sabi,hanggang sa naisip nalang ni Sofia na pakinggan ang sasabihin ng Doctor na sinasabi ng lalaki na nagsasabing asawa siya nito.. O-okay.... Fine!" Makikinig ako,gusto ko ng kasagutan sa mga tanong ko,gusto kung sagutin niyo ang mga itatanong ko?" Ang Kalmado nang sabi ni Sofia sa dalawa. "Paano nangyaring a-asawa mo ako?" Ang tanong ni sofia.(Sa katawang tao ni Tricia)" 'Nagpakasal tayo ,kaya asawa kita mahal na mahal kita ,mahal mo rin kami ng anak natin ,asawa ko,Masaya ako na nagising kana. Ang malambing na sagot ni Dexter. Pe-pero' Hi-hindi ak-... (Hindi na naituloy ni Sofia ang kanyang sasabihin nang ma-alala niya ang sulat na naiwan ng matandang lalaki sa loob ng jeep na kanyang sinasakyan,bago siya na aksedente ay nabasa pa niya ang liham na iyon. "Pero bakit hindi ko maalala ang nakasulat sa papel na iyon?" Mga katanungan ni Sofia sa kanyang sarili. Wa-wala akong maalala sa mga nangyayari?" Ang malungkot na saad ni sofia,dahilan para magsalita na si Doc.Erwin'. Dahil siguro ito sa matinding pagkaka-untog mo sa loob nang bus,Wala kabang maalala kahit kaunti sa nangyaring aksedente?" Tanong ni Doc.Erwin". "Wa-wala.....! Hindi ako magtatanong nang ganito kung may naaalala ako? At sino ka,anong pangalan mo?" Ang baling ni sofia kay Dexter. Na labis na ipinag-alala ni Dexter sa kanyang asawa. "Ako ito.... Tricia ang asawa mo,Dexter ang pangalan ko at karra naman ang pangalan ng anak natin."Alalahanin mong mabuti pakiusap!".Ang naluluhang sagot ni Dexter. Ramdam naman ni Sofia ang labis na pagmamahal na ipinaparamdam sa kanya ni Dexter. 'Pero litong lito siya sa mga nangyayari sa kanya. "Paano ko mararamdaman ang pagmamahal na iyon,gayong hindi naman talaga ako ang asawa niya! Paano ba nangyari ito! Ang saad ni Sofia sa kanyang isip. "Babalik din ang mga ala-ala mo,basta magpagaling kang mabuti at wag mong pwersahin ang sarili mong mag-isip. Ang sabat nang doctor sa naguguluhang si sofia(Aka tricia). Samantala Kaganapan sa Hospital kung saan naroon si Dave Monteleon,Ang Boss ni Sofia,habang kausap ang Doctor na nakabantay sa kumatos na katawan ni Sofia. Doc.' Ano na ang mangyayari sa kanya? Bakit hanggang ngayon wala pa ring pagbabago sa kanya?" May posebeledad pabang magising si Sofia?Ilang buwan na rin siyang nakaratay dito,ginagawa niyo ba ang best niyo,para pagalingin siya?" Ang mga tanong ni Dave kay Doctor. Lebanon ". "Ahm..... Sorry sa sasabihin ko 'sir. Pero kung nawawalan na kayo ng pag-asa sa kanya,Pwede niyo naman na siyang bigyan ng katahimikan. Nasabi niyo nga na ilang buwan na siya sa hospital at hanggang ngayon wala paring emprobment sa kanya. Marami na ring pera ang nagagastos niyo sa kanya. Wala pa rin ba kayong mahanap na lead kung nasaan ang mga magulang at kapatid niya?" Mga katanungan naman ni Doc.Lebanon". Ahmmmm.. "Ahh basta Doc. 'Wag na wag niyo siyang bibitawan! Hindi ako susuko sa kanya. Kaylangan niyang magising para makabayad siya sa akin ng kanyang pagkaka-utang. Ang saad naman ni Dave sa Doctor. Pagkatapos nilang mag-usap,Mabilis na umalis na ang doctor at naiwang mag-isa si Dave sa silid habang pinagmamasdan ang kawawa niyang empleyado na kanyang nagugustuhan. "Sofia..... Kaylan ka gigising? Gumising kana,,, ! Alam kung kaya mo yan,Palaban ka,matapang at hindi sumusuko sa hamon ng buhay,kaya uma-aasa ako na balang araw magigising ka rin. Kaya please Sofia ,gumising kana! Nandito pa ako at naghihintay ng matamis mong oo ,sa paggising mo. Ang Malungkot na saad ni Dave kay Sofia. Nang biglang gumalaw ang isang kamay ni Sofia,Ngunit panandalian lamang iyon. Dahilan para tawagin niya muli si Doc.Lebanon para matignan ang kalagayan ni Sofia. Samantala nakarating na si Evelyn Sa Buenavista Company,Kung saan si Dexter ang namamahala dito. Ngunit ,Dahil maypangyayaring naganap sa asawa ni Dexter,nagpasya munang Si Evelyn na muna ang mamahala sa Kompanya nila,Ngunit nakapangalan parin ito kay Dexter at hindi kay Evelyn. Bweeeeessit......! Bakit hindi pa siya natuluyan! Bakit kaylangan pa niyang magising ulit! Hindi pwedeng bumalik ang ala-ala niya! Baka magsumbong siya kay Kuya Dexter!'' Ang kinakabahang sabi ni Evelyn sa kanyang sarili habang nakaupo sa Digulong na upuan sa kanyang office. Habang iniisip ang mga susunod na mangyayari. "Bakit kaya hanggang ngayon hindi pa tumatawag sa akin si mama!" Ano na kaya ang balita sa Mansion,Ang naiiritang sabi nito,sabay kuha nang kanyang phone para tawagan ang Kanyang ina para makasagap nang balita.Ibig sabihin nawalan ako nang ala-ala sa nakaraan ko?" Iyon ba ang nais mong ipahiwatig doc.Erwin?" Tanong ni sofia'. "Oo tama ka ,tricia' sana maintindihan mo at alalahanin mo ang iyong nakaraan? Aksedente ba ang nangyari sayo o may sadyang gumawa sayo nito. Ang dagdag pang sabi ni Doc.Erwin ''. "Anong ibig mong sabihin sa sinasabi mo Doc?" Tanong ni Dexter. Ganito kasi iyon''Bago kasi naaksedente ang bus''Nakita nang mga doctor na hindi sa bus nagmula ang sugat sa ulo ng asawa mo. Bago naganap ang aksedente basag na ang ulo mo!'" ANO!" Ang gulat na sabi ni Tricia(Aka sofia) Pero 'Pakiusap lang hanggat wala pang matibay na ibidinsya wag na wag niyo itong ipapaalam sa iba o kahit na sino man. Pagkasabi nun tulalang iniwan ni Doc.Erwin ang si sofia sa kanilang silid habang ang dalawa ay lumabas muna para don mag-usap. "Maraming salamat Doc.Erwin sa mabilisang pagpunta mo rito,Salamat sa pagpapakalma at pagpapaliwanag na ginawa mo sa asawa ko para maintindihan niya ang nangyayar
"Nakakalungkot man isipan mama,Pero totoong walang maalala ang aking asawa,maski na ako at ang aming anak ay wala siyang maalala. Sabi nang kanyang Doctor ,magtiwala lang tayo sa panginoon ,magdasal na sana ay bumalik pa ang ala-ala niya mama.Kaya sana naman mama,ipakita niyo ring maymalasakit kayo sa asawa ko."Ang malungkot na sabi ni Dexter sa kanyang ina. 'Hindi naman ba nagpapanggap lang ang asawa mo?takang tanong ng Donya. "MAMA! Hanggang ngayon ba naman ,ganyan parin ang sinasabi niyo sa kanya? Ano ba ang nagawang kasalanan ng aking asawa sainyo at galit na galit kayo sa kanya?!" Ang Medjo may tuno nang sabi ni Dexter sa kanyang ina. "Tignan mo yang ugali mo dexter! Masama bang sabihin ko iyon,kasalanan ko ba na ganun ang sabihin ko sa asawa mo? Palibhasa wala kang tiwala sa amin ng mga kapatid mo!" Kahit nga sabihin ko pa sayo na pangit ang ugali ng asawa mo,at nagkukunwari lang na mabait kapag nakaharap siya sayo, Hindi kanaman maniniwala ehh!"Ang pagtatampong sabi ng Don
"Makalipas ang Dalawang araw" "Maagang gumising si sofia(sa katawang tao ni Tricia) Tulad nang kanyang nakagawian sa kanyang pang-araw araw na buhay,Alas kwatro palang ay gising na ito at nasa kusina na at nagluluto nang kanilang almusal. Kaylangang ko munang libangin ang sarili ko sa malaking bahay na ito. Hindi ako pwedeng magkulong nalang sa silid na iyon,kaylangan ko ring malaman kung nasaang lugar ako para malaman ko kung paano ako makaaalis sa Malaking bahay na ito. "Pero infernis...! Ang laki ng bahay na ito,at talaga namang mag aala Reyna ka sa bahay na ito. Ang napapangiting sabi ni Sofia habang naghahanda ng kanyang mga lulutuin. Binuksan niya ang ref at nakita niya ang sandamakmak na laman nito. "Grabeeeee.... Ang daming laman!'' Ano kayang masarap na lutuin para sa almusal ngayon. Grabeeee ang dami talaga,ngayon lang ako nakakita ng ref na ganito karami ang laman. Nagtratrabaho na ako sa Restuarant ,pero hindi ganito karami ang laman ng Refrigerator namin
"Okay lang ako 'Dexter ,wag mo akong alalahanin. "Sanay naman akong kumain sa kusina saka, kasabay ko naman si manang Betty.Ang sagot agad ni Sofia sa sinabing iyon ni Dexter. SANAY?'' Ahhhh oo nga naman Dexter,mukang bumalik ang ala-ala niya sa nakaraan. Tanda mo nung una mo siyang nakilala ,isa siyang waitress sa isang bar ! Tandang tanda ko pa nun. Mama!" Stop... Kung ayaw niyo nang pagkain,sa labas nalang kayo kumain! Ang galit nang saad ni Dexter. Ayaw na kasing ma-alala ni Dexter ang nakaraan patungol sa bar na una nilang pagtatagpo,gusto niyang ibaon iyon sa limot kaya agad niyang sinaway ang kanyang ina. Habang si Evelyn,josephine at karra ay nakikinig habang nakatingin sa kanila. "Naku ,Wag na ako na ang aalis,Sabay na kinuha ni sofia ang sangag na kanin sa hapag kainan at kumuha na rin siya ng hotdog at becon na kanyang uulamin. Wala siyang paki-alam sa sasabihin nang iba ang mahalaga ngayon makakain siya ng sapat para may lakas siyang sumabak sa hamon nang b
Ano ba Tricia'Umayos ka nga!Bakit kaba nagiging ganya.. Ayukong magalit sayo dahil alam kung may sakit ka,Pero please naman tricia wag naman ganito. Ang pilit na kalma niyang sabi sa kanyang asawa Mabilis namang tumayo si Donya Felly sa hapagkainan para puntahan at tignan ang narinig niyang pagsigaw ni Aling Betty.. Anong nangyayari dito? Ang tanong na bungad ng donya habang nadatnan niyang pinupunasan ni Sofia ang mukha ni Dexter ng maraming Tissue. "Wala ito mama,bumalik na kayo don ako na ang bahala sa asawa ko. Sabay hila nito sa kamay ni Sofia,hinila niya ito palabas nang mansion na kitang kita nang lahat lalong lalo na ang kanilang anak na si karra. "Naku... Pamangkin ,mukang nagdrama nanaman ang mama mo at handa ka nanaman nilang iwan mag-isa rito ." Kawawa naman ang pamangkin ko. Ang nang-aasar pang sabi ni josephine.. Uhmmm... Tita may pasok ba ako ngayon? Pwede bang wag na muna akong pumasok ngayon,masama kasi ang pakiramdam ko. "Ano? Masama ba ang pakiramdam mo k
Hindi niyo ba alam na masama ang pakiramdam ng anak niyo,tapos nandito kayo at naglalampungan!" Ang inis na sabi ng donya. Ngunit hindi iyon pinansin ni Dexter bagkus ay sinabi: "Anak... Anong masakit sayo? Gusto mo bang mamasyal sa luneta kasama ang mama mo? Ang malambing na tanong ni Dexter sa kanyang anak habang nakatungkod ang kanyang mga tuhod sa sahig. "G-gusto po ba ni mama?" Ang malambing na tanong ni karra. "Ah- Oo naman anak,Gusto ko,gu-gusto kitang kasamang mamasya. Ang masayang sabat ni sofia. Lumingon si dexter sa kanya at ngumiti ng nakakalukang ngiti. Ha-halika na, Ang sabay abot ng kamay ni sofia kay karra. Hindi naman nag-atubiling abutin ni karra ang kamay nang kanyang ina. Dahilan para higpitan ng Donya ang pagkakahawak nito sa isang kamay ni Karra. Nang mapansin ni Karra na galit na ang anyo nang kanyang lola ay mabilis niyang binitawan ang kamay ni sofia,tila ba takot ito sa donya , dahilan para magulat si sofia sa inasal ni karra. "A-anong pr
Elisa,ikaw na muna ang bahala jan sa restaurant,hindi kasi ako makakapasok ngayon. Ngayon kasi ang araw nang pagbisita nang mga kapatid ni Sofia . Ang saad ni Dave sa kabilang linya. "Pa-paano niyo nahanap ang mga kapatid ni Sofia Sir.Dave?' Takang tanong ni Elisa sa kabilang linya. Kinalat ko sa social media ang larawan ni Sofia,at may sinabi lang ako salita na hindi naman mamasama-in nang mga makakakita. Sinabi ko lang na "Kaylangan ngayon ni sofia nang isang kapatid na mag-aalaga at titingin sa kanya sa mga oras na wala ako. Paliwanag ni Dave. Pa-paano? Ang hindi maintindihang tanong parin ni Elisa. Uhmmm,,Sinabi kung asawa ko si sofia at kaylangan ko ang mga kapatid niya para bantayan siya habang wala ako. Ang sagot agad ni Dave. "What?!" Hindi ba magagalit si sofia sa ginawa mo sir?" Ano naman kung magalit siya , ang mahalaga nahanap ko na ang kapatid niya, kaya magiging masaya pa siya kapag nagising siya ng nasa tabi niya ang mga kapatid niya diba? "Hindi ko si
"Nakakaluka sila! Ako pa gagawin nilang sinungaling sa harapan nang asawa ko, Iste asawa pala ni tricia. Pero kahit na ,dahil ako ang nasa lugar niya ngayon ako muna ang masusunod!" Ang wika ni sofia sa kanyang sarili,habang nakatingin sa kanya si Dexter. "A-asawa ko?" So-sorry ahh, Na-una kasi sila kaya pinatulan ko ang mama at kapatid mo. ang nakayuko niyang sabi. 'Imbis na sumagot si Dexter ay linapitan niya ang kanyang asawa at niyakap nang mahigpit tila ba wala nang bukas ang pagyakap niyang iyon sa kanya. (Ohhhh,,, Dexter,,Wag ganito,baka ma inlove ako sayo at hindi ko na gugustuhin pang umalis. Ang saad ni Sofia sa kanyang isip. Tama lang ang ginawa mo ,asawako,Sana nuon mo pa pinagtanggol ang sarili mo sa kanila para hindi ka nila inaapi api. Bukas pala ang kaarawan ni Mama, kahit papaano mama ko pa rin siya. Bukas darating ang lahat nang mga kamag-anak at mga pinsanan namin. Gusto mo bang makihalubilo sa kanila?" Tanong ni Dexter sa kanya. Nung nakaraang taon Kasi