Share

HIDING THE MONTEFIORE'S HEIR
HIDING THE MONTEFIORE'S HEIR
Author: FrezscheuzstStrre_18

Prologue

Prologue

"KEIRAN!" I called.

His serious face melt into a dazzling smiles. Lumapit ako nang makitang may kausap siyang lalaki.

"Mommy!" Patakbong sinalubong ako ng bata.

He turn around sticking his tongue at the man. Kumunot ang noo ko sa inasta na anak ko.

"May problema po ba?" magalang na tanong ko nang makalapit ako sa lalaking kausap ng anak ko kanina.

"Wala po, Ma'am. Nilapitan ko lang ang anak ninyo nang makitang tinignan niya ang mga laruan at nagtanong ng maayos," paliwanag ng shop attendant.

"Liar, liar! Mommy, he's telling lies!" My five years old son protested and this attracted other customers attention.

"Naku, ma'am, hindi po ako nagsisinungaling," depensa naman ng lalaki.

Napabuga ako ng hangin at tinignan ang bata.

"Sweetie, stop. You have to behave," I cautioned him.

"But he's a liar, Mommy. You said, bad kapag nag-lie and he's lying," laban pa ng anak ko.

Napahilot ako sa aking noo. Nalilito ako dahil hindi ko alam ang totoong nangyari. Hindi naman sa ipinagtatanggol ko ang anak ko. Pero hindi si Keiran nagsisinungaling dahil kapag ginawa niya 'yon walang siyang baon na matatanggap sa akin hangga't hindi siya nagsasabi ng totoo.

"Mommy, you know how much I like car toys, right?" he asked me, putting his cutest and charming smile.

Lumambot naman ang puso ko habang pinagmasdan siya. Hindi ko maiwasang maisip ang ama ng anak ko, kahit malayo na kami sa lalaki, pakiramdam ko araw-araw ko pa rin itong nakakasama kapag nakikita ko si Keiran. Kuhang-kuha niya ang mukha ng kanyang ama.

"I was just admiring the car. Tapos, bad uncle came and scolded me," paliwanag ng anak ko.

Tumango ako at tinignan ang lalaki.

"Nakita niyo bang kinuha ng anak ko ang laruan?" seryusong tanong ko sa lalaki.

"H-hindi, pero..." I cut him.

"What made you feel he was looking at it mischievously?" malamig na tanong ko ulit dito.

If there's one thing I hates is someone picking on my son.

Alam kong pilyo ang anak ko pero hindi niya magagawang kumuha ng mga bagay na hindi naman sa kanya.

"Sorry, ma'am," he apologized bowing his head.

I sighed. "H'wag kang humingi ng tawad sa akin, apologize to my son." I pulled my son from behind me to my front.

The man looked at my son in disdain.

"Ma'am, brusko manalita ang anak ninyo," reklamo ng lalaki.

Tinignan ko ang anak ko, he looks so sweet and innocent, Keiran can never be rude to anyone. Nagiging masungit lang siya kapag hindi ka niya gusto, o 'di kaya may ginawa kang hindi maganda. He's the sweetest child.

"Pasensya ka na, Mister. Pero hindi bastos ang anak ko lalo na sa matatanda," I said proudly.

"Mommy, let's go," yaya na anak ko.

I sighed at the man and smiled at my son.

"Sweetie, gusto mo ba 'yong car?" malambing na tanong ko.

Umiling siya. "I don't want it anymore, mommy."

"You sure? Bibilhin ko 'yong toy car for you."

"Hindi na po, Mommy. Keiran has lots of toy cars at home, he doesn't need this one," he said, taking his hands as we walked to the counter and paid for the stuffs we bought.

Nakangiting pinagmasdan ko ang anak na seryusong naglalakad palabas ng grocery. Kahit sa murang edad matured na mag-isip si Keiran kaya madaling pagsabihan at turuan.

Nang malaman kong pinagbubuntis ko si Keiran. Napagdesisyona kong magpakalayo-layo. Kaya umuwi ako ng Cagayan, sa lugar na kinalakihan ng ina ko. Malayo ito sa Manila kaya kampante akong malabong magtagpo ang landas namin dito.

"Mommy! Mommy!" I turned back to my son, he was walking slowly and looked so pale.

Bigla akong kinabahan. Nagmamadaling nilapitan ko ang bata.

"What's the matter, sweetie?" nag-alalang tanong ko.

The doctor had warned me about Keiran’s health. Hindi malakas ang pangangatawan ng anak ko, he shouldn't be put in stressful conditions.

"I'm tired, mommy," he feigned. "I want mommy to carry me," a sly smiled formed on his lips.

Napabuntong-hininga ako bago yumuko para mapantayan siya.

"Okay, hop in." Lumapad ang ngiti niya at nagmamadaling sumampa sa likod ko.

Since he was so lightweight, carrying him isn't a big deal for me.

Una ko siyamg ipinasok sa kotse bago binalikan ang pinamili namin.

"Thara?"

Kumunot ang noo ko nang marinig ang pangalan ko. Dahil gusto kong masigurado kung ako nga ang tinawag nito, lumingon ako dito.

Pero isang pagkakamali ang ginawa ko. Gulat akong napasinghap nang makilala kung sino ito.

"J-jai..." bahagyang nanginig ang boses ko nang sambit ko ang pangalan nito. Biglang kumabog ang dibdib ko sa kaba.

"Sabi ko na nga ba, ikaw 'yan." Nagulat ako nang yakapin ako ng lalaki.

Ginala ko ang tingin sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala itong ibang tao maliban sa amin.

Breaking the surprisingly awkward hug, I looked up at him with a smile that was nothing close to a real smile.

"What are you doing here? I mean, I'm shocked to see you here."

"Uh… I l-live here," sabi ko.

Pasimple akong sumulyap sa kotse ko. Kinakabahan ako baka biglang bumaba ang anak kapag nainip sa loob ng sasakyan.

Napatango-tango ito. "Kaya pala ang hirap mong hanapin. Medyo matago ang lugar na 'to," sabi nito habang tinitignan ang paligid.

Napatikhim ako at hindi agad nakasagot.

"H-how are you?" I asked.

Tahimik akong nagdadasal na h'wag sanang maisipan ni Keiran na lumabas.

"I'm doing good and I can see you're too," nakangiting sabi nito.

Ngumiti rin ako pabalik dito. "Y-yes, I am."

"Mommy, let's go na po! I'm hungry!" rinig kong reklamo ng anak ko sa loob.

Bigla akong manigas sa kinatatayuan ko.

"Uh, Jai..." hindi ko alam kung anong uunahin, pupuntahan si Keiran, o paaalisin si Jai.

Kumunot ang noo ang ng lalaki. "Who's that?"

Bigla akong nataranta. "I-i'm sorry, I n-need to go..."

"Thara, wait!" nahawakan kaagad nito ang braso kaya napahinto ako sa paglalakad.

Nilingon ko ito. "B-bakit?"

"Sabihin mo nga sa akin, Thara. May tinatago ka ba kaya ka umalis?"

Naalarma ako sa tanong ni Jai. Swallowing the lump in my throat, my mouth suddenly went dry. Pakiramdam ko lalong lumakas pa ang kabog sa aking dibdib.

"Kung ano man ang tinatago mo. Siguraduhin mo lang na walang makakaalam, dahil sa oras na malaman niya, ikakagulo ng lahat 'yon, Thara." Matapos nitong sabihin 'yon iniwan ako nitong saglit na natulala.

Nang makabawi ako. Napapikit ako ng mariin at nanghihinang napasandal sa sasakyan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status