Share

Chapter 3

Chapter 3

Sa Villa Las Heras kami dumeritso nang makarating kami sa El Allegres. Dito kami mananatili hanggang sa matapos ang kasal.

Pinili ng mapapangasawa ng pinsan ko ay beach wedding kaya perfect place ang El Allegres para sa kasal na gusto nito.

"You're looking so stunning, Couz. I can't help it but feel jealous." Nakangusong pinagmasdan ako ni Lowie.

I was putting on an off the shoulder sequined black gown, with slits at the sides of the gown. A pair of black heels, a clutch and a show stopping piece of jewelry.

Napairap ako. "Stop flattering me."

Binaling ko ang tingin sa desinyo ng wedding venue. Hindi ko maiwasang humanga sa dekorasyon, mahusay pumili si Canna, sa lugar, damit, maging ang mga bulaklak. Perfect! I love it. Lahat ng makikita mo ay mamahalin.

Matapos akong magsawa sa kakatingin sa mga dekorasyon. Hinanap ko ang dalawa, si Lowie at Ireem. Nasa entrance ako nang makasalubong ko si Tita Alondra, ang bunsong kapatid ng Mom ko.

"Nandito ka lang pala. Akala ko hindi ka na dadalo." Napangiwi ako sa higpit ng pagkakayakap nito.

"Hindi pwede wala ako sa special na araw ng pinsan ko, Tita. Ayaw kong magtampo si Rozen," nakangiting sabi ko.

Bumaba ang tingin ko sa suot nito. "You look great, Tita. Mas bumata ka sa suot mo," puri ko.

Natawa naman ito at pabiro akong hinampas. "Binola mo pa ako. Siya nga pala, totoo ba 'tong nabalitaan kong may relasyon ka sa anak ng mga Halverson? Baka ikaw na ang susunod na ikasal, hija."

"Tita, naman. Wala pa 'yan sa isip ko."

Ayaw kung itanggi o aminin ang tungkol sa amin ni Grance hangga't hindi ko ito nakakausap. Gusto kong malinawan kung ano ba talaga ang plano nito. Wala sa usapan naming ipaalam sa publiko ang relasyon namin, sa pamilya lamang nito.

Inayos ko ang suot kong long gown na kulay royal blue. Ako ang kinuhang maid of honor ni Canna kaya kinakabahan ako dahil noong rehearsal hindi ako nakasali.

The wedding is about to start, hinanap ko ang magiging pwesto ko. Ngunit napatigil ako nang tawagin ako ni Lowie.

I make my way to where she and Errol were sitting. They are sitting at the middle of a row. Lumakad ako papalapit dito.

"Excuse me," sabi ko sa lalaking nakaharang sa dadaanan ko.

Tahimik namang tumabi ito. I make my way trying hard not to sway my bum. Kahit hindi ko titignan, nararamdaman kong nakatitig sa aking likuran ang lalaki.

Suddenly I hit my leg on someone. Napatili ako at napahawak sa lalaking nasa aking tabi.

"Careful," Errol who was beside the guy I fell on hold my hand and help me up.

"You're lucky I'm in a good mood today, I wouldn't have taken it easy on you for falling on me," sabi ng pamilyar na boses.

I look at Eleur who held a smirk on his face. Wala namang nag-iba sa kanya, I can still recognize his id-otic face.

I scoffed. "Kung hindi mo lang hinarang ang paa mo, hindi sana ako mapapatid!" sinamaan ko siya ng tingin.

He chuckles and shakes his head.

"Nice ass by the way," he said, staring at my bum.

Galit na sinipa ko ang binti niya. Kahit kailan ang bastos pa rin ng damuho na 'to!

"Your attitude still sucks," he groaned. "Pero hindi naman masakit." Kibit balikat niyang sabi bago hinawakan ang binti.

I smirked. "Want more?"

"Thara, you're causing a scene." Hinila ako ni Lowie papalayo kay Eleur.

"Nakakainis!"

"Sana hindi mo nalang pinatulan."

"He always make my blood boiled," naaasar kong sabi.

Lowie sighed, lumapit ito kay Errol. Isa rin siya sa bridesmaid.

"Thara!" sigaw ng pamilyar na boses.

Agad akong napalingon nang marinig ang pangalan ko. I recognize him immediately.

"Jaric!" nakangiting niyakap ko ito.

Kaklase ko ito when I was in college.

"It's good to see you," sabi nito nang bumitaw sa aming yakapan.

"Same here, how are you?" I asked.

"I'm doing good and I can see you're too," he smiled.

"Yes I–"

"Excuse me, Ms. Thara. Kailangan n'yo nang pumuwesto sa likod. Magsisimula na," sabi ng wedding coordinator.

Tumango ako at kumapit sa braso ni Jaric. Siya kasi ang Best Man ni Rozen.

"Let's go," aya ko.

Mabilis kaming pumuwesto sa harapan ni Canna. Kahit hindi ako ang ikakasal nakaramdam ako ng kaba. Lumunok ako at nagsimulang lumakad.

Sa sulok ng mga mata ko may napansin akong lalaking nakatingin sa akin. Biglang tumayo ang balahibo ko, sigurado akong hindi dahil sa takot.

Nag-angat ako ng tingin kung saan nakatayo ang lalaki. I was right, nakatitig nga ito sa akin. Kumunot ang noo ko. The man looked familiar. Saan ko ba 'to nakita?

Kahit distansya ang pagitan namin ay kita ko ang galit sa mukha nito habang nakatitig sa akin.

"Are you okay?" tanong ni Jaric.

"Y-yeah. Uh... Jaric, do you know him?" tinuro ko ang lalaki.

"Who?" sinundan ng mga mata niya kung saan ako nakatingin.

Ngunit hindi niya nakita ang mukha nito dahil natabunan ito ng dalawang lalaki na lumapit dito.

"Saan ba diyan ang tinutukoy mo?"

Umiling ako. "Forget it."

Nang makarating ako sa upuan na hinanda para sa amin, napahinga ako ng malalim.

Tumugtog ang music nang pumasok ang bride. Naging emotional si Rozen nang makita si Canna.

Alam kong maganda siya. But right now she's extraordinary beautiful!

"God! Just look at then in smiles, hindi na ako makapaghintay na ikasal," Lowie squeal as we watch the couple kiss after exchange of ring.

Naiiling na nakisali ako sa mga pumalakpak.

Pagkatapos ng kasal. Tinawag kami para sa pictures. Gusto kong kausapin si Canna pero hindi magawa dahil maraming kumakausap dito.

I sighed and sit down.

"I'm hungry, baby, let's go eat something," rinig kong sabi ni Lowie sa kanyang boyfriend.

Tumayo ang dalawa at iniwan akong mag-isa. Sinubukang hanapin ng mga mata ko si Ireem ngunit hindi ko makita. Saang lupalop na naman kaya nagpunta ang babaeng 'yon?

"May hinahanap ka ba?" Eleur asked, standing in front of me with his hand folded on his chest.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status