Share

CHAPTER 40

“What are you doing?”

Natigil si Calynn sa ginagawang paglilinis sa napakagulong veranda na pinag-inuman nina Gab, Jomar at Jasper kagabi. Tinotoo kasi ng tatlo ang challenge na matira-matibay sa lambanog na ginawang content ni Gab sa vlog nito, na ang ending, tatlo silang talo dahil pare-parehas namang natumba sa kanilang inuman.

Laking pasalamat niya talaga na hindi nakisali si Reedz. Wala raw ganang uminom ang asawa kagabi kaya hindi napilit ni Gab. Isa pa’y hindi raw puwede na mahagip ito ng camera ni Gab na nakikipag-inuman dahil baka may makakilala sa kanya kapag mai-upload sa U-Tube. Baka gawan lang daw ng issue.

“Nilinis ko ang mga suka nina Kuya Jomar,” napapalatak niyang sagot sa asawa nang lingunin niya ito. Napangiwi at naikuskos rin niya ang hintuturo sa kanyang ilong.

Nakusot ang mukha ni Reedz na humalukipkip. “Why are you the one doing that? That's not your job. Hindi mo sinabi sa kanila na mag-inom sila ng hindi nila kaya. Sila ang dapat maglinis ng kalat nila.”

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Irene Guelos
thank you sa update Ms author,, laban lg calynn ,
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status