Share

HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE
HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE
Author: Jade Tattoo

HATE TO LOVE YOU

Author: Jade Tattoo
last update Huling Na-update: 2025-02-03 12:53:18

HELGA POV:

“HAPPY heart’s day, Love. Para sa yo,” sa tono ng boses ni Craig, gaano man kalambing ang mga salitang yon alam kong hindi nakakatuwa ang laman ng regalo niya.

Valentine’s day at dahil araw ng mga puso, hindi siya nawawalan ng regalo para sa akin. Lahat ng okasyon ng buhay ko, meron at palaging may party sa kanyang Den.

Den ang tawag niya sa lovenest daw namin. Ipinaglaban pa niya ang kapirasong lupa na yon na matatagpuan sa hangganan ng dalawang magkaaway na angkan ng lahi nila at ng mga ranchero ng De Guia.

Para sa kanya, yon daw ang katibayan ng pagmamahal niya sa akin dahil itinayo ang bahay na yon gamit ang sarili niyang pera na kinita niya habang nag aaral pa lang siya sa kolehiyo.

Ang source: car racing.

Ayon kasi sa bilyonaryong ito bagaman hindi pa niya legal na minamana ang yaman ng mama niya, isa raw siyang mabangis na Leon ng San Luis at ipinanganak daw siya para bantayan at mahalin ako—habang buhay kasama ang isang dosena naming mga anak.

Baka naman kasi siya ang magbubuntis?

Sa totoo lang mahaba ang panahon na pinagsamahan namin ni Craig. Sabi ng mga tao, masuwerte pa raw ako sa nakatagpo ng perpektong prince charming. At totoo naman yon, palagi kasi siyang nasa tabi ko.

Pero sa sobrang kulit niya, wala na akong ibang nararamdaman kundi inis.

Tingnan nga natin, ano na naman kayang kalokohan ang meron sa loob ng regalo?

“Salamat,” tinanggap ko ang regalo hindi dahil gusto ko o kailangan ko. Naubusan na ako ng emosyon sa tinamaan ng lintek na lalaking ito. Qouta na ako. Kung siya, eh, hindi pa, tutulungan ko na siya para dalawa na kaming makaraos at makausad sa buhay.

Sinasayang ng lalaking ito ang future niya sa panggugulo sa oras ko sa bawat pagsikat at paglubog ng araw na ginawa nang maawaing Dios.

Sa dami ng responsibilidad ko, bakit sa kapalaran ko pa naligaw ang hudas na ito?

Binuksan ko ang regalo. Mabilis kong nahubaran ng gift wrap, nakabalot sa mamahaling kahon na lalagyan ng mga bulaklak, may sash na ribbon. Pero nang buksan ko—itak na binikol ang laman. Hindi bago, may bahid ng putik na baka inawitan lang o hiningi sa kung kanino sa palayan.

Na-impress ako. In fairness. Kaya napatango ako, nasisiyahan.

Dahil mas marami pa dito ang malala.

“Champagne and a dozen of red long stem roses talaga ang iniisip ko pero hindi ka naman babae. Kaya itak na binikol ang naisip ko. Mapapakinabangan mo yan kasi amasona ka at apo ni Gabriela Silang.”

Wala akong reaksyon.

Wala na akong maibibigay na paki sa lalaking ito. Dahil kapag napuno na naman ako, tatamaan na naman siya sa pagmumukha.

Naglapat ang ngipin ko. Naglangitngitan. Isang buwan na lang matatapos na ang paghihirap ko. Lalayas na ako sa bayan na ito at hindi na niya ako makikita. Ang totoo, ilang taon ko na yong plano. Pero hindi ko maiwan ang lola Maria ko. Nag aalala ako kung sino ang mag aalaga kapag bumitiw ako sa buhay na meron ako dito.

Matitiis ko naman. Tinitiis at kinakaya pang tiisin kahit halos mababaliw na ako. Pero may nangyaring masama at wala na akong choice kung hindi umalis o mamamatay sa sama ng loob ang lola ko, mapapahiya ako at maiiwan si Craig sa malaking eskandalo.

Kailangan kong mawala sa San Luis sa ayaw ko at sa gusto at kasalanan niya yon!

May mga taong gagawin ang lahat matupad lang yon sa nakalipas na halos dalawang dekada.

Kaya pala ang daming offer na dumating sa akin na hindi kapani-paniwala.

Huli na bago ko pa nahalata na ako pala talaga ang target ‘nila’.

“Hindi mo nagustuhan?” Naupo si Craig sa makitid na pasimanong tabla. Lumangitngit yon, nagbabanta nang magiba pero wala siyang pakialam.

Tiningala ko siya. At sinalubong na naman ako ng napakaguwapo niyang mukha. Palagi kong itinatago ang palihim kong pagsinghap kapag natitigan ko siya. Masyado siyang guwapo at malakas ang dating kaya krimen na pinapansin ko pa.

Matalino talaga si Satanas.

Ang ipadadala para sirain ang ulo mo, yong diablo na mahirap isumpa dahil may perpektong mukha.

Hindi lang guwapo, matalino, matapang, pinag aagawan ng mga babae at sobrang yaman—yon si Craig.

Bawat pulgada niya, lalaking-lalaki. Umaapaw ang bango kahit nagtatrabaho sa bukid at madikitan lang ng mga biyas niya na parang isang milya ang haba—langit na para sa mga babae dito.

Pwera ako dahil alam ko kung sino ang pinakamahalagang babae sa buhay niya—nasa wallet niya ang picture. Baka nga kinder pa lang kami pinapantasya na niya ang babaing yon na halatang mayaman rin.

Pinagsabay kaming niligawan.

Ang themesong ko nga: Pinaikot-ikot at dinurog-durog ni Mitoy.

Hangal ang babaing mahuhulog sa palalo niyang ngiti at pakitang-tao na panliligaw.

Pinaglalaruan niya ang lahat dahil bawal yatang mahalin ang babaing gusto niya at sa malas ako ang perpektong panakip-butas.

Sa anong dahilan?

Siempre, ang krimen na minamana sa mga magulang—pagiging hampaslupa.

“Wala naman akong hindi nagustuhan sa bigay mo. Wala rin akong itinapon. Lahat iningatan ko at itinabi ko. Kaya thank you. Napapasaya mo ako kapag birthday ko at kahit buong taon na hindi ko birthday.” Siempre, sarkastiko ako.

Ang totoo ang dapat kong sabihin ay hudas ka, ayokong makita ang pagmumukha mo! Hindi ba puedeng mangyari yon sa mga huli kong araw dito sa San Luis?

Peste!

“Okay,” umigkas siya, kaswal na tumayo pero hindi palayo sa akin. Dumukwang sa likuran ko kaya tumama ang mainit niyang hininga sa batok ko dahil tuloy ako sa pagsusulat sa notebook ko. “Pero alam mong may party mamaya para sa yo. At alam mo rin ang penalty kapag hindi ka nakapunta, hindi ba?”

Penalty, ipapakita niya sa lola ko na umiinom ako ng alak sa wine bar ni Cassie at tumitikim ng sigarilyo.

Sanay na ako sa kurot sa singit. Vitamins ko na yon dahil walanghiya siya!

Kaugnay na kabanata

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    EVERYDAY RUMBLE

    HELGA'S POV: Tumaas ang sulok ng bibig ko bilang pagngiti. Bakit hindi, kung alam kong magkakapera ako? Sisingilin ko uli siya sa huling halik na ninakaw niya! “Alam ko. Darating ako. Huwag mo nang ipasara ang kalsada.”Biruan yon dito sa San Luis. Kapag malalaking handaan kasi, ang two-way lane na kalsada, nagbabara hanggang sa wala ng makadaang motorista at nilalagyan na ng signage na sa ibang ruta na lang. Darating ako sa party, walang mintis gaya ng dati. Wala naman siyang magagawa sa aking malala. Hindi niya rin ako puwedeng saktan dahil ang lagi niyang isisigaw, iisang linya lang naman taon-taon at walang pagbabago: Cheers, tumanda na naman ng isang taon ang girlfriend ko! Guys, kumbinsihin ninyo siya na this year, pakasalan na ako! Please!”Mababaliw sa tuwa at tawanan ang mga kanayon ko at baha na naman ang alak, pulutan at pagkain.At oo, walang ibang babae roon maliban sa akin, mga kaibigan namin, kamag anak at mga taong sumusuporta sa kanyang kabaliwan.29 na si Craig. 2

    Huling Na-update : 2025-02-03
  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    MORSE CODE OF HEARTS

    HELGA POV: “Matagal na." Dugtong ko nang matulala siya. "Grade six pa tayo. Party sa bahay ninyo. Nagtago ako sa basement ng mansyon ninyo at nakita ko ang wallet na yon sa jacket na ginamit mo nang sunduin mo ako sa bahay. Kaya pala palagi kang makulit at masaya, ako ang…laruan mo dahil hindi ka makapagtapat sa kanya.” “Shit.” Nagbago ang lahat. Alam ko. Natapos ang laro na tiniis ko nang matagal na panahon. Yong nagpapanggap akong hindi ko na lang nakita dahil kapag sinusungitan ko siya sa akin pa nagagalit si Lola Maria. Kailangan daw naming magkasundo. At sa pagdaan ng panahon, wala siyang ideya kung gaano kasakit sa akin kapag hinahalikan niya ako pero iba ang nakalagay sa wallet niya. Kung hindi yon pananamantala---ano yon? Umangat siya sa akin at nanlalaki ang mga mata na tinitigan ako. “Sabihin mo—natandaan mo man lang ang mukha ng babaing yon?” Grabe, ang kapal. Yong tono niya umaasa na dapat ganon pa ang ginawa ko! Sinibat ko siya nang tingin. “Gago ka ba

    Huling Na-update : 2025-02-03
  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    SWEET BUT SAVAGE

    HELGA POV: Nagbayad pa nga ako sa dati nilang kasambahay kung ano ang mga ayaw ni Craig sa lahat ng bagay. Pagkain, kulay, damit, panahon at higit sa lahat, ano ang turn-off para sa kanya pagdating sa isang babae? Ginawa ko ang mahabang listahan at halos nangangalahati na ako pero mas lalo siyang naadik sa pang aasar sa akin. Kung halik lang, maraming gagawa niyon sa kanya. Libre pa. Taas ang kamay at paa at maraming tatalon ss bangin mabiyayaan lang niya. Si Craig ang hndi purong Pinoy ang genes. May lahing Italyano ang dad niya. At matangkad na mestiza at may lahing kastila ang mama niya, si Celeste. Si Celeste na galit na galit sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko naman hinaharot ang anak nito. Si Craig ang bumubuntot sa akin. Ewan ko sa mundo. Alikabok lang daw tayo pero yong bigat ng mga pagsubok at problema, mahihiya si Atlas na pasan ang buong mundo. 6:00 PM sa phone ko, tumawag ako kay Craig habang nagpapatay ng oras sa Twin-Combs. Sikat na parlor para sa m

    Huling Na-update : 2025-02-03
  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    LOVE AND LIES

    HELGA POV: Gusto ko pa namang patunayan na hindi ako bansot ngayon sa 5’5 na height suot ang mga yon, tapos purnada pa. Bakit ba ang hirap maghiganti? “Craig, ano ba?!” Isinalya ako halos papasok ng Land Rover niya at bumarurot palayo sa bayan. Hindi niya ako pinapansin sa tabi niya kahit hinahampas ko siya sa braso niya at sa balikat. Nahulaan ko agad na hindi sa Den ang tinatahak naming daang lupa nang marating namin ang crossing at lumiko siya sa kaliwa. Papunta yon sa cottage ng kapatid niyang si Jace na malapit sa busai at mas malayo sa bahay namin. Malubak ang daang kalsada na bitak-bitak. At kahit sakop ng lupain nila, ayaw pagkagastusan ng matatanda sa pamilya nila. Sabi ng iba, dahil tumatapak ako doon. Lahat daw ng nararating ko, minamarkahan ng mommy ni Craig na malas na lugar. Personalan talaga. Nasayang lang ang sigaw at pagmamaktol ko sa loob ng sasakyan. “Mag usap tayo. Walang halong biro, seryoso.” Aniya, kinabig ang manibela sa pribadong lupa papasok pa sa

    Huling Na-update : 2025-02-03
  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    SIMARON

    HELGA POV: 45 days pa mula ngayon, birthday na rin ng bff ko, si Summer. Isa pa yon sa ipinagpuputok ng butse ko. Pero sa malas, dahil sa ugali niyang ito, wala na sa akin ang kontrol, pagpapasya at pagkakataon na madaluhan ko yon. May bahagi ko na natutuksong ipaliwanag sa kanya kung bakit mahalaga sa akin ang manatili pa sana dito sa San Luis, pero nagbuntong-hininga na lang ako. Gusto lang ba niya ang mahalaga? Kung ano ang nararamdaman niya? Nakakasawa na ang ugali niya. Para siyang bata. At kapag pala napagod ka na sa isang tao, gaano man siya kahalaga sa buhay mo, sa nakaraan mo, wala na siyang lugar sa hinaharap mo. Sinira ni Craig ang lahat. Kaya tama na. “Gusto ko nang umuwi. Ihatid mo ako sa bahay.” “Alam mong kalokohan yan,” hinagod niya ako nang tingin. “Baka atakehin sa puso si Lola Maria kapag nakita kang ganyan ang damit. Taga-cabaret lang ang nagsusuot ng ganyan dito. Hubad sa likuran. Sino ba ang nagsabi sa yo na bagay sa yo yan? Saang planeta ka ba pupun

    Huling Na-update : 2025-02-03
  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    LOLA MARIA'S BLESSING

    CRAIG POV: Nagkatinginan kami ni Helga, nagsisihan. Aminado ako na kasalanan ko lagi pero meron din naman siya.Napakamanhid ng babaing ito. Ano ang malabo sa meron sa amin?Nasa kinder pa lang siya, isinigaw ko na mahal ko siya. And for the record, matanda ako sa kanya ng apat na taon, pero nagpapabihis ako sa yaya ko ng pareho ng luma kong uniform sa kinder para matanggap niya ako at sumama siya sa akin pauwi.Pero kahit noon, maldita talaga siya. Mas gusto pang maglakad ng mahigit tatlong kilometro kaysa sumabay sa service car namin. Kaya yong paa niya, hugis luya!At kahit anong pa-cute ko, hanggang ngayon, sinasaktan pa rin niya ako.Yong napakaguapo ko, pero punching bag lang?Saklap.“Lola, siya po talaga ang may kasalanan.” Si Helga, itinuturo ako. Nakakuyom ang mga kamay niya sa kandungan. Ganyan yan kapag gusto pa ng round 2 at gusto akong atakehin!At dahil ako ang lalaki, ang lagay ba, ganon-ganon na lang?Hindi ko siya gagantihan?Bawat hinga niya konektado sa lola n

    Huling Na-update : 2025-02-07
  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    LOVE LANGUAGE

    CRAIG POV: Kaya mahal na mahal ko si Lola Maria.Siya ang aking ALAS.Sabay uli kaming tumungo sa harap ng matanda.“Magpapahinga na ako.” Ginamit nito ang baston para makatayo mula sa tumba-tumba. Mabagal, pero walang masakit na iniinda sa katawan palibhasa masipag maghalaman at maraming pinagkakaabalahan kahit may edad na. “Helga, ihatid mo si Craig sa labas at huwag na kayong mag aaway, hane?” Nakikiusap ang tinig nito. Parang pagod na pagod.Sabagay, isang beses isang linggo nasa harap kami ng tribunal ni Lola. Kainaman. Ang tigas ng puso ni Helga!Parang gusto ko na nga ring sumigaw.Nagkatinginan kami ni Helga na nanlilisik ang mata, palagi naman. Mahal ko naman talaga siya pero para ko na ring hinangad ang kamatayan ng ilan sa partido ko na ayaw na ayaw sa kanya.Ano ba ang gagawin ko?Halos hindi ko namalayang naglalakad na ako palabas ng bahay at katabi ko si Helga, suot ang t-shirt na puti ng utol kong si Jace. Maluwang sa kanya kaya kung hindi niya pinilipit sa parteng p

    Huling Na-update : 2025-02-07
  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    SIDES OF A COIN

    CRAIG POV:Tensyonadong nagbuga ng hangin si Jace. Posibleng alam niya ang totoo dahil kilalang-kilala niya ako pero wala naman siyang magagawa. “Anong plano mo kay Brandon?” Si Brandon ay isa tatlong bruskong anak ng bagong asawa ng mom ko. Pasaway, adik, takaw-gulo at parang nababaitan sa akin dahil hindi ko pinapatulan. Pero ang totoo, gusto ko na talagang bawasan ng ilang bagang at front teeth sampu ng wisdom tooth ng lintek na yon na hindi gumagana. Gusto kong baldahin ng ilang buwan o ma-coma man lang siya kahit isang linggo.Kung hindi lang ako nangako kay Helga na hindi na ako makikipag away kapalit ng hilig ko sa karera.Si Brandon din ang dahilan kaya maaga ako sa parlor kanina. Ipinahabol ako sa mga barkada niya dahil ibinangga ko ang paboritong kotse niya.Ito naman ang nanguna. Nilait si Helga at pinagbantaan na ireregalo sa mga tropa niya.Below the belt na yon. Kaya sa galit ko, nabugbog ko na agad ang mga kaibigan niya kanina. Anim laban sa isa. Gusto kong ipakita ku

    Huling Na-update : 2025-02-07

Pinakabagong kabanata

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    LOVE ME NOT

    HELGA POV: Hindi na nga dapat umabot sa sakitan, pakiramdaman na lang, dapat na siyang dumistansya. Lalo na’t hindi na kami mga bata.Pero talagang makulit siya.“Kaya umuwi ka na at nang hindi masayang ang araw mo.” Itinulak ko siya sa dibdib.Halik ang isinagot niya sa akin, na tumama sa pisngi ko pero natigilan ako. Kaya dumulas papunta sa labi ko at hindi na ako pumalag.Inangkin niya ako na parang kinakain ang labi ko sa tindi ng kanyang pagtitimpi at kapusukan na napaungol ako, nahahati kung ititigil ko agad o sisigehan ko pa. Nanalo ang amoy ng mint sa hininga niya kaya natukso akong gumanti ng halik sa halip na tumigil. Nagbagal. Nagtantiyahan naging patikim-tikim at nauwi uli sa mapusok at mapaghanap na uri ng halik.Napakatamis ng labi niya. Napabango niya. Malulusaw ako sa kapusukan niya kung magtatagal kaming ganito.Tinangka kong ipaling paiwas ang mukha ko para huminto na siya pero umuungol siya, nagmamaktol. “Napuyat ako kagabi, sobrang tigas ni Junior. Napakasakit.

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    HER DAILY LIFE 2

    HELGA POV:Bawal dito sa bayan namin ang negosyong ganito na bukas magdamag.Isa pang dahilan: gusto kong maturn-off sa akin si Craig Alastair at tantanan na rin ako ng mama niya.Pero heto kami, nagpapatintero pa rin.“Umuwi ka na lang sa inyo kung comfort ang hanap mo.” Nakairap na agad ako sa kanya. “Walang ganon dito.”“Ah, eh, tubig kanal na lang, puede na yon.” Pahabol niya nang basta ko na lang talikuran.Tumawa sina Nancy at Aileen na nagliligpit ng pinagkainan sa batalan o maliit na hugasan ng pinggan. Pero sanay na sila sa akin. Siguradong naawa kay Craig.Nakapark ang kotse ng bilyonaryong binata, makintab at bagong-bagong modelo ng Land Rover 20 meters ang layo sa tabing kalsada mula dito sa kubo namin. Pero heto at nagpapa alila sa babaing nakatira sa bahay na malapit nang magiba.Sa sumunod na mga oras, hindi naman parusa kay Craig na pinanood akong magsaboy ng niyog na pakain sa may 30 pirasong manok na kinakatay lang kapag may okasyon at nagpakain ako ng 3 malalaki

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    HER DAILY LIFE 1

    HELGA POV:Sa anim na nakikitira sa bahay ni Lola Maria, isa pa si Aileen sa espesyal sa akin. Magandang bata, matangkad at maputi pero hindi nakapasa ang ilong sa tangos na inaasahan ng ama kaya laging pinalalayas at pinagsasalitaan nang hindi maganda.Graduating na ito sa high school at may nanliligaw na rin.Tatlong taon nang dito umuuwi sa amin. Kapag Sabado at Linggo, umuuwi sa kanila sa bundok. Sa ngayon, anim na lang ang nakikitira sa amin. Pero may pagkakataong umabot sa 20 katao ang kasama namin dito noon. Kahit ang kamalig, may panauhin na rin at may panahong kahit rebelde o mga kaaway ng gobyerno, kinukukupkop ng lola ko.May pagkakataong natatakot ako para sa mga kasama ko, pero sabi nga ng lola ko: huwag mong sabihing takot kang mamatay?Nasa kapalaran daw ng tao na mag-krus ang landas ng isa’t-isa dahil nasa ilalim tayo ng iisang araw. At paano mo iisiping mabuti ka kung humahatol ka sa iba?Sa awa ng Dios, nagiging kaibigan ng lola ko ang lahat ng klase ng tao.Pero na

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    THE COURTSHIP

    HELGA POV:Tinig yon ni Nancy na papunta sa kamalig, tumatakbo.Nanigas ako at para akong binuhusan ng malamig na tubig.Si Blackie ay marunong maglambing gamit ang nguso niya. Tamad tumahol pero bubungguin ka sa tuhod o sa lulod kapag nagpapansin ito.Habol iyon sa akin at natutulog sa ilalim ng papag kapag may ginagawa ako dito sa kamalig.Tinapik ko sa balikat si Craig sa kabila nang paghahabol ko nang hininga. Sarap na sarap pa naman ako sa aming ginagawa.Langit na sana kahit kiskisan lang sa kamalig, eh.“Itigil na natin ito. Tama na.”Sandali siyang hindi nakakilos. Nakadiin ang matigas na tipak ng maskuladong dibdib sa perpekto at matutulis kong nipples. Pumipintig ng mabilis ang mga ugat sa pagkalalaki niya na nakalapat sa tumitibok kong clit—ilang segundo na lang sana at nakaraos kami pareho.Baka hindi pa talaga panahon para magkatikiman ang dragon niya at ang mini-flower ko?May panghihinayang sa reaksyon ng mukha ni Craig. Dumaan sa mga mata ko ang titig, sa tangos ng aki

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    LOVERS IN THE DARK 2

    HELGA POV:“Jesus,” lango na sa pagnanasa ang daing niya. Duling na ang magagandang mata at mabibigat ang talukap niyon . Hinuli ang pink nipple ko at pinagulong sa loob ng dila niya. Inikutan, pinakawalan saka maingat na hinigit pataas. Binalikan ng maraming beses at kinagat-kagat sa pagitan ng ngipin. Tumatagal ay nagiging mahusay siya sa pagsipsip.Nasa tiempo ang hagod sa hubog ng dibdib ko at kung kelan niya hihigitin pataas ang nipple ko.“Ang…sarap…” ungol ko.Umarko ako sa ilalim niya. Sobra ang init na nararamdaman ko. Parang mga gapos na hindi nakikita.Umangat siya sa akin at tinitigan ang mapupungay kong mata. Pinakawalan ang kamay ko. Maingat na humaplos ang malalaking palad sa puno ng hita ko, paakyat sa zipper ng pants ko—nagpapaalam.“Can I?”“Gusto kita,” yon ang lumabas sa bibig ko. “Pero hindi pa ako handa sa ganyan. Kaya ko siguro pero dry humping.”Magagamit ko ito sa pagsusulat. Pero duda ako kung kaya kong i-publish ang tungkol sa kanya.Si Craig para sa akin ay

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    LOVERS IN THE DARK

    HELGA POV:Dapat i-pruning ang mga puno ng sili para mas mataas ang survival. Bawasan ng tangkay, dahon at mga bunga. Pero kapag ginawa ko yon, mahahalata ni Lola kahit malabo ang mata.“Sasamahan nga kita.”“Hindi na,” seryoso na naman ako. “Iwasan mo na lang ako, Craig. Yon ang tulong na magagawa mo. Para matahimik na tayong lahat.” Matagal siyang walang kibo. Naiinis na siguro kung bakit on and off ako pagdating sa kanya.Daig ko pa ang sinauna at dispalinghadong switch ng ilaw.Sala sa init, sala sa lamig, sabi nga ni Lola Maria.Inihagis ko ang asarol sa lupa matapos ang apat na puno pa na natira.24 pala ang tanim ni Lola.Dalawang dosena. 12 puno kada hanay. Ang hayop na Mike na yon, magbabayad talaga sa akin.Hinagod ko ng likod ng palad ang pawisan kong noo.“Do you really mean that?” Sa lalim ng iniisip ko, nalapitan na pala ako ng lalaking ito at naipihit na agad ako paharap sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko. “Handa akong mawala ang lahat sa akin maging asawa lang ki

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    THORNS

    HELGA POV: “Ako rin ba ang una?” Inunahan ko siyang magtanong. Mas mabilis, mas astig. Mas mahihirapan din siyang magsinungaling. “Bakit marunong kang humalik?”Subconsciously, alam ko ang sagot. Ang mga lalaki kapag nagkakatuwaan para ring mga babae. Kriminal siguro ako pero gawain kong gumamit ng mga gadgets para mag spy. Alam kong krimen yon pero bahagi yon ng aking pag aaral.Madalas, ballpen recorder at nabiktima ko na rin si Craig, ilang beses na.Good thing, hindi siya kissed and tell at kahit sinasabi kong babaero siya dahil ang totoo, alam kong maselan talaga siya sa babae. At nakakainis na ganon siya. Bakit ang daya? Napakaguwapo niya lalo na kapag ganitong malapitan. Nag uumapaw ang sex appeal at perpekto kahit saan mo tingnan. Ang ganda ng maangas na kilay, matangos na ilong at mapula pa yata kesa sa akin ang mapintog na mga labi.Makinis ang mukha na parang walang tumubo at nagtagumpay na pimples na binagayan ng makapal na buhok na hunahalik hanggang sa balikat.Isa

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    FIRST TOUCH, FIRST TIME 2

    HELGA POV:Brutal ang koneksyon, makasalan, karnal. Na madali kong nagawa sa panonood ko ng porns kasama sina Cassie at ang iba pa naming kaibigan kapag nagkakatuwaan.Dahil nagsusulat ako, mahirap talagang i-visualize sa loob ng isip mo ang isang eksena kung hindi muna nakita o naranasan ang mga ito ng personal.Naging gamot ko na rin sa depression ang pakikipagniig ko sa ballpen at papel.Kailan ba nagsimula ang pagiging green minded ko?Ah, sa Fifty Shades of Grey.Nasa mga botones na agad ng dress shirt ni Craig ang mga kamay ko. Habang hindi malaman ng mga kamay niya kung paano ako hahaplusin sa buong katawan. Hinahagod niya ako sa ibabaw ng buhok ko, sa likod, sa balikat, sa mga brasong nagkakalas ng damit niya at wala na ring direksyon ang halik niya.Baliw. Haling. Nagmamadali.Gumiling ako sa dragon niya na galit na galit at tumakas sa bibig niya ang ungol na parang nagdedeliryo sa sarap.Masyadong mainit sa loob ng sasakyan kahit malakas ang aircon. Para kaming sinusunog ng

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    FIRST TOUCH, FIRST TIME 1

    HELGA POV:Sumakay ako sa SUV ni Craig sa labas ng bar at napansin kong may driver siya. Pinababa niya yon at sinabing sumakay sa Sedan ni Jace.Hindi pa ako tumabi sa kotse ni Craig sa unahan pero yon ngayon ang ginawa ko.Para akong sasabog sa galit. Hati ako sa kagustuhan kong tiitisin ang nararamdaman ko o isisigaw ko gaya ng lagi kong ginagawa.“Okay ka lang ba?” Umuusad na ang sasakyan nang magtanong siya. Nag aalala sa akin. Sa akin din nakatingin sa halip na sa daan.Kinagat ko ang loob ng lower lip ko, nagtitimpi.“Patayin mo ang lintik na ilaw ng kotse mo at pakilaksan ang aircon, please lang.” Parang apoy ang hininga ko. Ang tindi ng galit ko. Para akong takure na sumisipol na sa init kaya kailangan ilayo sa kalan.“Helga…”“At huwag mo muna akong kausapin, pakiusap.” Nasa isip ko ang pagmumukha ng nanay niya. Anong klaseng tao ang gagawa nito sa gaya ni Lola Maria?Hayop sila!“Okay.”Pumikit ako habang nasa kandungan ko ang nag aagaw buhay na sili. Parang kelan lang nagbu

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status