Share

EVERYDAY RUMBLE

Author: Jade Tattoo
last update Last Updated: 2025-02-03 12:59:09

HELGA'S POV:

Tumaas ang sulok ng bibig ko bilang pagngiti. Bakit hindi, kung alam kong magkakapera ako? Sisingilin ko uli siya sa huling halik na ninakaw niya! “Alam ko. Darating ako. Huwag mo nang ipasara ang kalsada.”

Biruan yon dito sa San Luis. Kapag malalaking handaan kasi, ang two-way lane na kalsada, nagbabara hanggang sa wala ng makadaang motorista at nilalagyan na ng signage na sa ibang ruta na lang. 

Darating ako sa party, walang mintis gaya ng dati. Wala naman siyang magagawa sa aking malala. Hindi niya rin ako puwedeng saktan dahil ang lagi niyang isisigaw, iisang linya lang naman taon-taon at walang pagbabago: Cheers, tumanda na naman ng isang taon ang girlfriend ko! Guys, kumbinsihin ninyo siya na this year, pakasalan na ako! Please!”

Mababaliw sa tuwa at tawanan ang mga kanayon ko at baha na naman ang alak, pulutan at pagkain.

At oo, walang ibang babae roon maliban sa akin, mga  kaibigan namin, kamag anak at mga taong sumusuporta sa kanyang kabaliwan.

29 na si Craig. 25 ako, at sa malas, para pa rin kaming mga isip-bata.

Pero iba ang balak ko ngayong gabi. Babaguhin ko ang tradisyon ni Craig Alastair.

Tatapusin ko na ang patintero namin.

Nang makaalis siya, tinawagan ko si Cassie. Isa sa mga kaibigan ko sa bayan. Ito ang may ari at nagpapatakbo ng wine-bar at socialite kung ituring kumpara sa akin. Close ang ilan sa kamag anak niya sa mga barkada ni Craig. “Ang haba ng listahan na ginawa mo na ang sabi ng cousin mo ay turn off para kay Craig. Baka naman may isang epektibo dahil sayang ang bayad ko sa kanya, ‘no?”

Kinulayan ko pa ng pula ang buhok ko noong nakaraang linggo. Pero aatakehin sa puso si Lola Maria kapag nagigisnan ako sa umaga.

Pumasok rin ako sa bar ni Cassie ng naka-p****k short at halos magkagulo. Hindi sa ganda ko kundi nagwala ang lasing na nabaliw dahil akala niyon ako ang asawa niyon na sumamang magtanan sa ibang lalaki.

Kamukha ko raw kapag nakapekpek short. At si Craig din ang to the rescue kaya hindi ako nagkapira-piraro sa loob ng bar.

Lintik.

“Sure na yon,” salo ni Cassie. “Balita ko nga, nagkukuwento si Craig sa tropa nila na nagbago ka nga raw. Marunong ka na raw magmura, at green jokes na ang lumalabas sa bibig mo.  Kaya lang, tanggap pa rin ng lokong yon dahil kayo naman daw ang magsasama, hindi ang ibang tao kaya lampake sa judgement ng iba.”

“Good.” Nasiyahan ako sa narinig ko. Titiyakin ko na hindi na niya ipagsisigawan sa mundo na nakapila ako sa mga babaing pinaglalaruan niya.

Nang matapos ang tawag nagpunta ako sa CR sa likod bahay. Naupo ako sa bowl. Tahimik akong umihi. Pero may naramdaman akong tao sa labas ng sawali. 

Lintek, may bosero na naman!

Tiyak na kanayon na  lagi dito sa amin dahil hindi tumahol ang alaga naming aso. Walo. At walang mga silbi kung minsan.

Pagbukas ko ng pinto, sumingit sa siwang ang mukha ni Craig at nagulat ako.

Nasuntok ko na siya sa ilong bago pa ako nakasigaw.

“Impakto!”

“Jesus,” umatras siya, hawak ang ilong. Sumusuray paatras. “Bakit ba kapag ginugulat kita, palagi lang nananakit!’

“Siraulo ka ba?” Itinulak ko siya sa dibdib, sunod-sunod kaya napapa-atras siya. “Umiihi ako, bakit sisilip ka! Bastos kaaaa!” Sinabunutan ko talaga siya kahit matangkad sa akin. Sinakyan ko sa katawan nang matumba sa lupa. Wala akong pakialam kung sa umbok ng pagkalalaki niya.

Mabuti nga at nang siya na ang huling lahi na magmamana ng dugo niya.

Manyakis!

“Aw! Aw!” Isiningit niya ang kamay sa ibabaw ng pagkalalaki niya. Ginawang shield kaya yong perlas ko ng Silangan ang tumatama ss buko ng mga kamay niya.  “Gusto kong subukan natin ang posisyong ito. Yong ganitong ikaw ang nasa ibabaw, pero huwag mo namang pisain ang junior ko! Hindi pa ako nakakapagpa preserve ng lahi ko sa Sperm Bank! Meron na sa Manila pero gusto ko talaga, sa yo na lang para matesting kung mataas ang survival ng lahi ko!”

Ah, ganon?

Batista Style, wrestling ultimate move,  umangat ako sa ere sa pinakamataas na magagawa ko para saktan talaga ang junior niya. Inasinta ko na dapat doon ako babagsak!

Hayop!

Bwisit!

Pesteee!

Pero sinalo niya ang katawan ko at parang lang akong manika na pinigilan. “Tama naa!” Nagawa niya akong ipailalim sa isang kilos lang. Bihag ang dalawa kong pulso na naka-pin agad sa aking uluhan. Pareho kaming umaalon ang dibdib at hinihingal. Naglalabas ng apoy ang mga mata namin laban sa isa’t-isa. “Alam mo bang napakabayolente mong babae kahit para ka lang kutong-lupa at nuno sa punso?” Sumingasing siya sa galit sa akin.

Nautal naman ako sa adjective na ginamit niya. “Ak-Ako? Kutong-lupa? Nuno sa punso?” Papatayin ko talaga siya! Nagwala ako pero ni hindi ko na iangat kahit kaunti ang kamay ko sa lupa. Ginamit ko ang tuhod ko pero hindi ko maiangat dahil doon siya nakapatong. “Walanghiya ka talaga!” Sinubukan ko siyang i-headbat pero hindi rin tumatama dahil napakaliit ko at napakahaba ng mga biyas niya.  “Ginagamit mo na nga akong panakip-butas dahil hindi mo maligawan yong babae sa picture na nasa wallet mo, tatawagin mo pa akong ganyan! Hayop ka! Kahit triplehin mo pa at iIsaksak mo sa baga mo ang perang ibinayad mo sa mga halik na ninakaw mo sa akin hindi pa rin yon sapat! Pinaglaruan mo ako sa haba ng panahon! Hindi kita mapapatawad!” Wala na akong pakialam kung marinig kami ni Lola.

“N-Nakita mo ang picture ni….sa wallet ko?” Bigla siyang namutla. “Kailan pa?”

Kumalma din ako. Nadala ako ng galit ko. Wala sa isip ko na nasabi ko yon. Kinagat ko ang labi ko, naiiyak, para akong inapi at pinagsamantalahan porke mahirap ako at ordinaryong babae lang. Iniiwas ko ang mukha ko palayo sa kanya. Bumaling ako sa hindi ko siya makikita. Ayoko sanang aminin para mas masakit din sa kanya. Pero gusto kong umalis sa lugar na ito na nakakahinga kahit paano.

Related chapters

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    MORSE CODE OF HEARTS

    HELGA POV: “Matagal na." Dugtong ko nang matulala siya. "Grade six pa tayo. Party sa bahay ninyo. Nagtago ako sa basement ng mansyon ninyo at nakita ko ang wallet na yon sa jacket na ginamit mo nang sunduin mo ako sa bahay. Kaya pala palagi kang makulit at masaya, ako ang…laruan mo dahil hindi ka makapagtapat sa kanya.” “Shit.” Nagbago ang lahat. Alam ko. Natapos ang laro na tiniis ko nang matagal na panahon. Yong nagpapanggap akong hindi ko na lang nakita dahil kapag sinusungitan ko siya sa akin pa nagagalit si Lola Maria. Kailangan daw naming magkasundo. At sa pagdaan ng panahon, wala siyang ideya kung gaano kasakit sa akin kapag hinahalikan niya ako pero iba ang nakalagay sa wallet niya. Kung hindi yon pananamantala---ano yon? Umangat siya sa akin at nanlalaki ang mga mata na tinitigan ako. “Sabihin mo—natandaan mo man lang ang mukha ng babaing yon?” Grabe, ang kapal. Yong tono niya umaasa na dapat ganon pa ang ginawa ko! Sinibat ko siya nang tingin. “Gago ka ba

    Last Updated : 2025-02-03
  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    SWEET BUT SAVAGE

    HELGA POV: Nagbayad pa nga ako sa dati nilang kasambahay kung ano ang mga ayaw ni Craig sa lahat ng bagay. Pagkain, kulay, damit, panahon at higit sa lahat, ano ang turn-off para sa kanya pagdating sa isang babae? Ginawa ko ang mahabang listahan at halos nangangalahati na ako pero mas lalo siyang naadik sa pang aasar sa akin. Kung halik lang, maraming gagawa niyon sa kanya. Libre pa. Taas ang kamay at paa at maraming tatalon ss bangin mabiyayaan lang niya. Si Craig ang hndi purong Pinoy ang genes. May lahing Italyano ang dad niya. At matangkad na mestiza at may lahing kastila ang mama niya, si Celeste. Si Celeste na galit na galit sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko naman hinaharot ang anak nito. Si Craig ang bumubuntot sa akin. Ewan ko sa mundo. Alikabok lang daw tayo pero yong bigat ng mga pagsubok at problema, mahihiya si Atlas na pasan ang buong mundo. 6:00 PM sa phone ko, tumawag ako kay Craig habang nagpapatay ng oras sa Twin-Combs. Sikat na parlor para sa m

    Last Updated : 2025-02-03
  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    LOVE AND LIES

    HELGA POV: Gusto ko pa namang patunayan na hindi ako bansot ngayon sa 5’5 na height suot ang mga yon, tapos purnada pa. Bakit ba ang hirap maghiganti? “Craig, ano ba?!” Isinalya ako halos papasok ng Land Rover niya at bumarurot palayo sa bayan. Hindi niya ako pinapansin sa tabi niya kahit hinahampas ko siya sa braso niya at sa balikat. Nahulaan ko agad na hindi sa Den ang tinatahak naming daang lupa nang marating namin ang crossing at lumiko siya sa kaliwa. Papunta yon sa cottage ng kapatid niyang si Jace na malapit sa busai at mas malayo sa bahay namin. Malubak ang daang kalsada na bitak-bitak. At kahit sakop ng lupain nila, ayaw pagkagastusan ng matatanda sa pamilya nila. Sabi ng iba, dahil tumatapak ako doon. Lahat daw ng nararating ko, minamarkahan ng mommy ni Craig na malas na lugar. Personalan talaga. Nasayang lang ang sigaw at pagmamaktol ko sa loob ng sasakyan. “Mag usap tayo. Walang halong biro, seryoso.” Aniya, kinabig ang manibela sa pribadong lupa papasok pa sa

    Last Updated : 2025-02-03
  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    SIMARON

    HELGA POV: 45 days pa mula ngayon, birthday na rin ng bff ko, si Summer. Isa pa yon sa ipinagpuputok ng butse ko. Pero sa malas, dahil sa ugali niyang ito, wala na sa akin ang kontrol, pagpapasya at pagkakataon na madaluhan ko yon. May bahagi ko na natutuksong ipaliwanag sa kanya kung bakit mahalaga sa akin ang manatili pa sana dito sa San Luis, pero nagbuntong-hininga na lang ako. Gusto lang ba niya ang mahalaga? Kung ano ang nararamdaman niya? Nakakasawa na ang ugali niya. Para siyang bata. At kapag pala napagod ka na sa isang tao, gaano man siya kahalaga sa buhay mo, sa nakaraan mo, wala na siyang lugar sa hinaharap mo. Sinira ni Craig ang lahat. Kaya tama na. “Gusto ko nang umuwi. Ihatid mo ako sa bahay.” “Alam mong kalokohan yan,” hinagod niya ako nang tingin. “Baka atakehin sa puso si Lola Maria kapag nakita kang ganyan ang damit. Taga-cabaret lang ang nagsusuot ng ganyan dito. Hubad sa likuran. Sino ba ang nagsabi sa yo na bagay sa yo yan? Saang planeta ka ba pupun

    Last Updated : 2025-02-03
  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    LOLA MARIA'S BLESSING

    CRAIG POV: Nagkatinginan kami ni Helga, nagsisihan. Aminado ako na kasalanan ko lagi pero meron din naman siya.Napakamanhid ng babaing ito. Ano ang malabo sa meron sa amin?Nasa kinder pa lang siya, isinigaw ko na mahal ko siya. And for the record, matanda ako sa kanya ng apat na taon, pero nagpapabihis ako sa yaya ko ng pareho ng luma kong uniform sa kinder para matanggap niya ako at sumama siya sa akin pauwi.Pero kahit noon, maldita talaga siya. Mas gusto pang maglakad ng mahigit tatlong kilometro kaysa sumabay sa service car namin. Kaya yong paa niya, hugis luya!At kahit anong pa-cute ko, hanggang ngayon, sinasaktan pa rin niya ako.Yong napakaguapo ko, pero punching bag lang?Saklap.“Lola, siya po talaga ang may kasalanan.” Si Helga, itinuturo ako. Nakakuyom ang mga kamay niya sa kandungan. Ganyan yan kapag gusto pa ng round 2 at gusto akong atakehin!At dahil ako ang lalaki, ang lagay ba, ganon-ganon na lang?Hindi ko siya gagantihan?Bawat hinga niya konektado sa lola n

    Last Updated : 2025-02-07
  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    LOVE LANGUAGE

    CRAIG POV: Kaya mahal na mahal ko si Lola Maria.Siya ang aking ALAS.Sabay uli kaming tumungo sa harap ng matanda.“Magpapahinga na ako.” Ginamit nito ang baston para makatayo mula sa tumba-tumba. Mabagal, pero walang masakit na iniinda sa katawan palibhasa masipag maghalaman at maraming pinagkakaabalahan kahit may edad na. “Helga, ihatid mo si Craig sa labas at huwag na kayong mag aaway, hane?” Nakikiusap ang tinig nito. Parang pagod na pagod.Sabagay, isang beses isang linggo nasa harap kami ng tribunal ni Lola. Kainaman. Ang tigas ng puso ni Helga!Parang gusto ko na nga ring sumigaw.Nagkatinginan kami ni Helga na nanlilisik ang mata, palagi naman. Mahal ko naman talaga siya pero para ko na ring hinangad ang kamatayan ng ilan sa partido ko na ayaw na ayaw sa kanya.Ano ba ang gagawin ko?Halos hindi ko namalayang naglalakad na ako palabas ng bahay at katabi ko si Helga, suot ang t-shirt na puti ng utol kong si Jace. Maluwang sa kanya kaya kung hindi niya pinilipit sa parteng p

    Last Updated : 2025-02-07
  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    SIDES OF A COIN

    CRAIG POV:Tensyonadong nagbuga ng hangin si Jace. Posibleng alam niya ang totoo dahil kilalang-kilala niya ako pero wala naman siyang magagawa. “Anong plano mo kay Brandon?” Si Brandon ay isa tatlong bruskong anak ng bagong asawa ng mom ko. Pasaway, adik, takaw-gulo at parang nababaitan sa akin dahil hindi ko pinapatulan. Pero ang totoo, gusto ko na talagang bawasan ng ilang bagang at front teeth sampu ng wisdom tooth ng lintek na yon na hindi gumagana. Gusto kong baldahin ng ilang buwan o ma-coma man lang siya kahit isang linggo.Kung hindi lang ako nangako kay Helga na hindi na ako makikipag away kapalit ng hilig ko sa karera.Si Brandon din ang dahilan kaya maaga ako sa parlor kanina. Ipinahabol ako sa mga barkada niya dahil ibinangga ko ang paboritong kotse niya.Ito naman ang nanguna. Nilait si Helga at pinagbantaan na ireregalo sa mga tropa niya.Below the belt na yon. Kaya sa galit ko, nabugbog ko na agad ang mga kaibigan niya kanina. Anim laban sa isa. Gusto kong ipakita ku

    Last Updated : 2025-02-07
  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    LOLA MARIA

    HELGA POV:Alam ko na ang tama at mali. Pero maliban sa picture na nakita ko noon sa wallet ni Craig, may ilan pang dahilan kung bakit ayoko sa kanya.Marami.“Grabe ka naman,” tumatawa kahit ang mata niya. “Good catch si Craig. Sobrang loyal sa yo at walang ibang babaing kinababaliwan kundi ikaw. Oo, may ilang tutol sa pamilya niya pero 90% ng mga tao dito, botong-boto sa tandem ninyong dalawa. Alam mo rin naman yon, diba? Kampante ka lang talaga kahit ang dami-daming nagkakandarapa sa kanya.”Diyos ko. Ibahin ko na lang ang topic. Wala akong nararamdaman kahit katiting na takot kung ibang babae ang mapapangasawa ng lalaking yon.Wag talaga ako!Maraming beses ko nang isinigaw: hinding-hindi ako mag aasawa at magpapakasal!Sa kulturang ito ng Pinas na parang ewan, tapos walang divorce?No way!Hindi ko itatali ang sarili ko sa isang tao habangbuhay dahil lang sa romance, pera, koneksyon o ano pa mang dahilan.Tamaan na lang sana ako ng cancer at maagang mamatay!Ang parents ko nga,

    Last Updated : 2025-02-07

Latest chapter

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    LOVE ME NOT

    HELGA POV: Hindi na nga dapat umabot sa sakitan, pakiramdaman na lang, dapat na siyang dumistansya. Lalo na’t hindi na kami mga bata.Pero talagang makulit siya.“Kaya umuwi ka na at nang hindi masayang ang araw mo.” Itinulak ko siya sa dibdib.Halik ang isinagot niya sa akin, na tumama sa pisngi ko pero natigilan ako. Kaya dumulas papunta sa labi ko at hindi na ako pumalag.Inangkin niya ako na parang kinakain ang labi ko sa tindi ng kanyang pagtitimpi at kapusukan na napaungol ako, nahahati kung ititigil ko agad o sisigehan ko pa. Nanalo ang amoy ng mint sa hininga niya kaya natukso akong gumanti ng halik sa halip na tumigil. Nagbagal. Nagtantiyahan naging patikim-tikim at nauwi uli sa mapusok at mapaghanap na uri ng halik.Napakatamis ng labi niya. Napabango niya. Malulusaw ako sa kapusukan niya kung magtatagal kaming ganito.Tinangka kong ipaling paiwas ang mukha ko para huminto na siya pero umuungol siya, nagmamaktol. “Napuyat ako kagabi, sobrang tigas ni Junior. Napakasakit.

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    HER DAILY LIFE 2

    HELGA POV:Bawal dito sa bayan namin ang negosyong ganito na bukas magdamag.Isa pang dahilan: gusto kong maturn-off sa akin si Craig Alastair at tantanan na rin ako ng mama niya.Pero heto kami, nagpapatintero pa rin.“Umuwi ka na lang sa inyo kung comfort ang hanap mo.” Nakairap na agad ako sa kanya. “Walang ganon dito.”“Ah, eh, tubig kanal na lang, puede na yon.” Pahabol niya nang basta ko na lang talikuran.Tumawa sina Nancy at Aileen na nagliligpit ng pinagkainan sa batalan o maliit na hugasan ng pinggan. Pero sanay na sila sa akin. Siguradong naawa kay Craig.Nakapark ang kotse ng bilyonaryong binata, makintab at bagong-bagong modelo ng Land Rover 20 meters ang layo sa tabing kalsada mula dito sa kubo namin. Pero heto at nagpapa alila sa babaing nakatira sa bahay na malapit nang magiba.Sa sumunod na mga oras, hindi naman parusa kay Craig na pinanood akong magsaboy ng niyog na pakain sa may 30 pirasong manok na kinakatay lang kapag may okasyon at nagpakain ako ng 3 malalaki

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    HER DAILY LIFE 1

    HELGA POV:Sa anim na nakikitira sa bahay ni Lola Maria, isa pa si Aileen sa espesyal sa akin. Magandang bata, matangkad at maputi pero hindi nakapasa ang ilong sa tangos na inaasahan ng ama kaya laging pinalalayas at pinagsasalitaan nang hindi maganda.Graduating na ito sa high school at may nanliligaw na rin.Tatlong taon nang dito umuuwi sa amin. Kapag Sabado at Linggo, umuuwi sa kanila sa bundok. Sa ngayon, anim na lang ang nakikitira sa amin. Pero may pagkakataong umabot sa 20 katao ang kasama namin dito noon. Kahit ang kamalig, may panauhin na rin at may panahong kahit rebelde o mga kaaway ng gobyerno, kinukukupkop ng lola ko.May pagkakataong natatakot ako para sa mga kasama ko, pero sabi nga ng lola ko: huwag mong sabihing takot kang mamatay?Nasa kapalaran daw ng tao na mag-krus ang landas ng isa’t-isa dahil nasa ilalim tayo ng iisang araw. At paano mo iisiping mabuti ka kung humahatol ka sa iba?Sa awa ng Dios, nagiging kaibigan ng lola ko ang lahat ng klase ng tao.Pero na

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    THE COURTSHIP

    HELGA POV:Tinig yon ni Nancy na papunta sa kamalig, tumatakbo.Nanigas ako at para akong binuhusan ng malamig na tubig.Si Blackie ay marunong maglambing gamit ang nguso niya. Tamad tumahol pero bubungguin ka sa tuhod o sa lulod kapag nagpapansin ito.Habol iyon sa akin at natutulog sa ilalim ng papag kapag may ginagawa ako dito sa kamalig.Tinapik ko sa balikat si Craig sa kabila nang paghahabol ko nang hininga. Sarap na sarap pa naman ako sa aming ginagawa.Langit na sana kahit kiskisan lang sa kamalig, eh.“Itigil na natin ito. Tama na.”Sandali siyang hindi nakakilos. Nakadiin ang matigas na tipak ng maskuladong dibdib sa perpekto at matutulis kong nipples. Pumipintig ng mabilis ang mga ugat sa pagkalalaki niya na nakalapat sa tumitibok kong clit—ilang segundo na lang sana at nakaraos kami pareho.Baka hindi pa talaga panahon para magkatikiman ang dragon niya at ang mini-flower ko?May panghihinayang sa reaksyon ng mukha ni Craig. Dumaan sa mga mata ko ang titig, sa tangos ng aki

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    LOVERS IN THE DARK 2

    HELGA POV:“Jesus,” lango na sa pagnanasa ang daing niya. Duling na ang magagandang mata at mabibigat ang talukap niyon . Hinuli ang pink nipple ko at pinagulong sa loob ng dila niya. Inikutan, pinakawalan saka maingat na hinigit pataas. Binalikan ng maraming beses at kinagat-kagat sa pagitan ng ngipin. Tumatagal ay nagiging mahusay siya sa pagsipsip.Nasa tiempo ang hagod sa hubog ng dibdib ko at kung kelan niya hihigitin pataas ang nipple ko.“Ang…sarap…” ungol ko.Umarko ako sa ilalim niya. Sobra ang init na nararamdaman ko. Parang mga gapos na hindi nakikita.Umangat siya sa akin at tinitigan ang mapupungay kong mata. Pinakawalan ang kamay ko. Maingat na humaplos ang malalaking palad sa puno ng hita ko, paakyat sa zipper ng pants ko—nagpapaalam.“Can I?”“Gusto kita,” yon ang lumabas sa bibig ko. “Pero hindi pa ako handa sa ganyan. Kaya ko siguro pero dry humping.”Magagamit ko ito sa pagsusulat. Pero duda ako kung kaya kong i-publish ang tungkol sa kanya.Si Craig para sa akin ay

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    LOVERS IN THE DARK

    HELGA POV:Dapat i-pruning ang mga puno ng sili para mas mataas ang survival. Bawasan ng tangkay, dahon at mga bunga. Pero kapag ginawa ko yon, mahahalata ni Lola kahit malabo ang mata.“Sasamahan nga kita.”“Hindi na,” seryoso na naman ako. “Iwasan mo na lang ako, Craig. Yon ang tulong na magagawa mo. Para matahimik na tayong lahat.” Matagal siyang walang kibo. Naiinis na siguro kung bakit on and off ako pagdating sa kanya.Daig ko pa ang sinauna at dispalinghadong switch ng ilaw.Sala sa init, sala sa lamig, sabi nga ni Lola Maria.Inihagis ko ang asarol sa lupa matapos ang apat na puno pa na natira.24 pala ang tanim ni Lola.Dalawang dosena. 12 puno kada hanay. Ang hayop na Mike na yon, magbabayad talaga sa akin.Hinagod ko ng likod ng palad ang pawisan kong noo.“Do you really mean that?” Sa lalim ng iniisip ko, nalapitan na pala ako ng lalaking ito at naipihit na agad ako paharap sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko. “Handa akong mawala ang lahat sa akin maging asawa lang ki

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    THORNS

    HELGA POV: “Ako rin ba ang una?” Inunahan ko siyang magtanong. Mas mabilis, mas astig. Mas mahihirapan din siyang magsinungaling. “Bakit marunong kang humalik?”Subconsciously, alam ko ang sagot. Ang mga lalaki kapag nagkakatuwaan para ring mga babae. Kriminal siguro ako pero gawain kong gumamit ng mga gadgets para mag spy. Alam kong krimen yon pero bahagi yon ng aking pag aaral.Madalas, ballpen recorder at nabiktima ko na rin si Craig, ilang beses na.Good thing, hindi siya kissed and tell at kahit sinasabi kong babaero siya dahil ang totoo, alam kong maselan talaga siya sa babae. At nakakainis na ganon siya. Bakit ang daya? Napakaguwapo niya lalo na kapag ganitong malapitan. Nag uumapaw ang sex appeal at perpekto kahit saan mo tingnan. Ang ganda ng maangas na kilay, matangos na ilong at mapula pa yata kesa sa akin ang mapintog na mga labi.Makinis ang mukha na parang walang tumubo at nagtagumpay na pimples na binagayan ng makapal na buhok na hunahalik hanggang sa balikat.Isa

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    FIRST TOUCH, FIRST TIME 2

    HELGA POV:Brutal ang koneksyon, makasalan, karnal. Na madali kong nagawa sa panonood ko ng porns kasama sina Cassie at ang iba pa naming kaibigan kapag nagkakatuwaan.Dahil nagsusulat ako, mahirap talagang i-visualize sa loob ng isip mo ang isang eksena kung hindi muna nakita o naranasan ang mga ito ng personal.Naging gamot ko na rin sa depression ang pakikipagniig ko sa ballpen at papel.Kailan ba nagsimula ang pagiging green minded ko?Ah, sa Fifty Shades of Grey.Nasa mga botones na agad ng dress shirt ni Craig ang mga kamay ko. Habang hindi malaman ng mga kamay niya kung paano ako hahaplusin sa buong katawan. Hinahagod niya ako sa ibabaw ng buhok ko, sa likod, sa balikat, sa mga brasong nagkakalas ng damit niya at wala na ring direksyon ang halik niya.Baliw. Haling. Nagmamadali.Gumiling ako sa dragon niya na galit na galit at tumakas sa bibig niya ang ungol na parang nagdedeliryo sa sarap.Masyadong mainit sa loob ng sasakyan kahit malakas ang aircon. Para kaming sinusunog ng

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    FIRST TOUCH, FIRST TIME 1

    HELGA POV:Sumakay ako sa SUV ni Craig sa labas ng bar at napansin kong may driver siya. Pinababa niya yon at sinabing sumakay sa Sedan ni Jace.Hindi pa ako tumabi sa kotse ni Craig sa unahan pero yon ngayon ang ginawa ko.Para akong sasabog sa galit. Hati ako sa kagustuhan kong tiitisin ang nararamdaman ko o isisigaw ko gaya ng lagi kong ginagawa.“Okay ka lang ba?” Umuusad na ang sasakyan nang magtanong siya. Nag aalala sa akin. Sa akin din nakatingin sa halip na sa daan.Kinagat ko ang loob ng lower lip ko, nagtitimpi.“Patayin mo ang lintik na ilaw ng kotse mo at pakilaksan ang aircon, please lang.” Parang apoy ang hininga ko. Ang tindi ng galit ko. Para akong takure na sumisipol na sa init kaya kailangan ilayo sa kalan.“Helga…”“At huwag mo muna akong kausapin, pakiusap.” Nasa isip ko ang pagmumukha ng nanay niya. Anong klaseng tao ang gagawa nito sa gaya ni Lola Maria?Hayop sila!“Okay.”Pumikit ako habang nasa kandungan ko ang nag aagaw buhay na sili. Parang kelan lang nagbu

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status