HELGA POV:
Gusto ko pa namang patunayan na hindi ako bansot ngayon sa 5’5 na height suot ang mga yon, tapos purnada pa. Bakit ba ang hirap maghiganti? “Craig, ano ba?!” Isinalya ako halos papasok ng Land Rover niya at bumarurot palayo sa bayan. Hindi niya ako pinapansin sa tabi niya kahit hinahampas ko siya sa braso niya at sa balikat. Nahulaan ko agad na hindi sa Den ang tinatahak naming daang lupa nang marating namin ang crossing at lumiko siya sa kaliwa. Papunta yon sa cottage ng kapatid niyang si Jace na malapit sa busai at mas malayo sa bahay namin. Malubak ang daang kalsada na bitak-bitak. At kahit sakop ng lupain nila, ayaw pagkagastusan ng matatanda sa pamilya nila. Sabi ng iba, dahil tumatapak ako doon. Lahat daw ng nararating ko, minamarkahan ng mommy ni Craig na malas na lugar. Personalan talaga. Nasayang lang ang sigaw at pagmamaktol ko sa loob ng sasakyan. “Mag usap tayo. Walang halong biro, seryoso.” Aniya, kinabig ang manibela sa pribadong lupa papasok pa sa teritoryo nila. May 100 metro mula sa cottage ni Jace. Tumawa ako. Seryoso daw? Kailan nangyari na mayroong seryoso kaming pag uusapan? Pinag-krus ko ang braso ko sa tapat ng dibdib ko. “Come on, deretsahin mo na lang ako. Ang get up ko ang problema. Ayaw mo nito. Nakakahiya ito. May nagsabi na naman siguro sa yo ng balak ko. At hindi ang tipo kong babae talaga ang gusto mo. At lilinawin ko lang na yon mismo ang punto ko. Na dapat magising ka na sa mga kalokohan mo para matahimik na rin ang buhay natin pareho." Humagod sa buhok niya ang buong kamay niya. Binayo ang manibela. “Unahin natin ang lintek na akala mong yan! Yang linya mo na hindi kita gusto!” Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses niya. Na hindi pa niya ginawa kahit minsan. “So, ano ang dapat nating pag usapan? Na sa dinami-dami ng beses mo akong ninakawan ng halik, totoo yon?” “Bakit, sa lawak ng San Luis at dami ng bayan, siyudad at mga bansa na narating ko, may ibang babae ba akong hinalikan? May nakita ka kahit isa?” Napalunok ako. Oo nga. Wala. Pero dose-dosena ang umaaligid sa kanya. “Pero diskarte mo talaga yon para magmukha kang seryoso sa akin, hindi ba?” Ang dami rin niyang fling sa business pages sa Manila! Nakaakbay pa siya sa iba! Ibinalandra niya sa daan ang sasakyan kung kelan natatanaw na ang cottage ni Jace. “Fuck, Helga,” hinarap niya ako mula sa manibela. “Mali lahat ang iniisip mo. Una, totoong gusto kita. At ikalawa, hindi ibang babae ang gusto ko noon pa. Yong babae sa picture, totoong napakahalaga niya sa akin pero relative ko siya. Alam nga ni Lola Maria kung sino siya.” “Tama na,” itinaas ko ang mga kamay ko. Parang sasabog na ako sa kumplikasyon ng buhay niya. Ang dami nilang kalintikan! Umugong ang dugo sa tenga ko, may tumining na parang sipol bago ako maging bomba. “Ano man yan ayoko nang pag usapan. Totoo man yan, labas na ako diyan. Dahil wala akong gusto kundi katahimikan! Ayoko nang makita ka pa! Walang totoo sa yo! Sinungaling ka!” Tinangka kong bumaba ng sasakyan, pero hinila niya ako at natagpuan ko na naman ang sarili ko sa sitwasyong hindi ko matanggap: hinahalikan niya ako sa labi at hindi ko siya naitulak gaya ng dati. Ang mga impormasyong sinabi niya ngayon lang, gusto kong paniwalaan. Oo, sa kabila ng galit ko, may bahagi ako na gustong maniwala. Masokista lang? At mali ito. Mali na tumiklop ako laban sa mga kamay niyang nasa magkabilang braso ko. At pinasusuko ako ng init na dumaloy mula sa loob ng palad niya hanggang sa katinuan ko. Mali na gusto ko na nakadiin ang dibdib ko sa torso niya na parang mga tipak ng bato. Mali na naliliyo ako sa bango niya at mas nalalango ako kapag ganito siya kalapit. At mali na gusto kong kumawala para mahawakan ko siya sa batok at kuyumusin ang mala-satin na hibla ng kanyang buhok. Mali na tinanggap ko lang ang mainit na halik na ginagawa niya sa inosente kong labi na lagi niyang pinagsasamantalahan kahit sinasabi kong huwag. At mali na bumigay ang bigat ko sa nakakalat niyang daliri sa hubad kong balat sa likod na ipinahamak ng tabas ng aking damit. “Amp,” umungol ako at itinulak ko siya, naghahabol ng hininga. “Ano bang ginagawa mo, gago ka!” “Mahal kita, maniwala ka naman,” niyakap niya ako nang mahigpit para muling pakawalan para matitigan ako sa mga mata. Nagmamakaawa ang titig niya sa akin na lalo lang akong nasaktan. Matatanda na kami para sa ganitong laro. Hindi ba niya nahahalatang sinira na niya ang lahat dahil sa ugali niyang ito? “Hindi biro ang lahat ng namagitan sa atin. Seryoso ako sa lahat ng pagkakataong ginawa ko yon kahit nakaw. Walang ibang babae para sa akin kundi ikaw.” Itinulak ko siya para sampalin pero sinalo niya yon at hinalikan ang loob ng palad ko, parang baliw na idiniin sa mukha niya. At ikinulong ng buong kamay niya habang nakalapat doon. Ang puso ko parang pinipilipit. Dahil hindi mahalaga kahit aminin ko na gusto ko rin siya at pareho kami ng nararamdaman. Sa gitna ng mga biro at kantiyawan, may malaking gulo na dala ang kaugnayan ko sa kanya. At maraming masasaktan. Higit sa lahat, mahal ko ang sarili ko. Masyadong malupit para sa akin ang mahabang panahon na parang pinaglalaruan niya lang ako. Ang lahat ng ito ay kalokohan. Simpleng tao lang ako. At ang gusto ko lang sana ay manatili sa tabi ng lola ko. At dahil sa kanya, pati yon, bawal na para sa akin. Mawawala sa akin ang lahat. “Nasisiraan ka na kung inaakala mong maniniwala ako sa yo.” “May dahilan kung bakit lagi kitang sinusundan at inaasar pero hindi kita pormal na maligawan. Pero kaya kong itama ang lahat, Helga. Kailangan mo lang akong bigyan ng pagkakataon.” Ang sarap lang pakinggan pero dahil alam ko ang totoong sagot, mas lalong masakit.HELGA POV: 45 days pa mula ngayon, birthday na rin ng bff ko, si Summer. Isa pa yon sa ipinagpuputok ng butse ko. Pero sa malas, dahil sa ugali niyang ito, wala na sa akin ang kontrol, pagpapasya at pagkakataon na madaluhan ko yon. May bahagi ko na natutuksong ipaliwanag sa kanya kung bakit mahalaga sa akin ang manatili pa sana dito sa San Luis, pero nagbuntong-hininga na lang ako. Gusto lang ba niya ang mahalaga? Kung ano ang nararamdaman niya? Nakakasawa na ang ugali niya. Para siyang bata. At kapag pala napagod ka na sa isang tao, gaano man siya kahalaga sa buhay mo, sa nakaraan mo, wala na siyang lugar sa hinaharap mo. Sinira ni Craig ang lahat. Kaya tama na. “Gusto ko nang umuwi. Ihatid mo ako sa bahay.” “Alam mong kalokohan yan,” hinagod niya ako nang tingin. “Baka atakehin sa puso si Lola Maria kapag nakita kang ganyan ang damit. Taga-cabaret lang ang nagsusuot ng ganyan dito. Hubad sa likuran. Sino ba ang nagsabi sa yo na bagay sa yo yan? Saang planeta ka ba pupun
CRAIG POV: Nagkatinginan kami ni Helga, nagsisihan. Aminado ako na kasalanan ko lagi pero meron din naman siya.Napakamanhid ng babaing ito. Ano ang malabo sa meron sa amin?Nasa kinder pa lang siya, isinigaw ko na mahal ko siya. And for the record, matanda ako sa kanya ng apat na taon, pero nagpapabihis ako sa yaya ko ng pareho ng luma kong uniform sa kinder para matanggap niya ako at sumama siya sa akin pauwi.Pero kahit noon, maldita talaga siya. Mas gusto pang maglakad ng mahigit tatlong kilometro kaysa sumabay sa service car namin. Kaya yong paa niya, hugis luya!At kahit anong pa-cute ko, hanggang ngayon, sinasaktan pa rin niya ako.Yong napakaguapo ko, pero punching bag lang?Saklap.“Lola, siya po talaga ang may kasalanan.” Si Helga, itinuturo ako. Nakakuyom ang mga kamay niya sa kandungan. Ganyan yan kapag gusto pa ng round 2 at gusto akong atakehin!At dahil ako ang lalaki, ang lagay ba, ganon-ganon na lang?Hindi ko siya gagantihan?Bawat hinga niya konektado sa lola n
CRAIG POV: Kaya mahal na mahal ko si Lola Maria.Siya ang aking ALAS.Sabay uli kaming tumungo sa harap ng matanda.“Magpapahinga na ako.” Ginamit nito ang baston para makatayo mula sa tumba-tumba. Mabagal, pero walang masakit na iniinda sa katawan palibhasa masipag maghalaman at maraming pinagkakaabalahan kahit may edad na. “Helga, ihatid mo si Craig sa labas at huwag na kayong mag aaway, hane?” Nakikiusap ang tinig nito. Parang pagod na pagod.Sabagay, isang beses isang linggo nasa harap kami ng tribunal ni Lola. Kainaman. Ang tigas ng puso ni Helga!Parang gusto ko na nga ring sumigaw.Nagkatinginan kami ni Helga na nanlilisik ang mata, palagi naman. Mahal ko naman talaga siya pero para ko na ring hinangad ang kamatayan ng ilan sa partido ko na ayaw na ayaw sa kanya.Ano ba ang gagawin ko?Halos hindi ko namalayang naglalakad na ako palabas ng bahay at katabi ko si Helga, suot ang t-shirt na puti ng utol kong si Jace. Maluwang sa kanya kaya kung hindi niya pinilipit sa parteng p
CRAIG POV:Tensyonadong nagbuga ng hangin si Jace. Posibleng alam niya ang totoo dahil kilalang-kilala niya ako pero wala naman siyang magagawa. “Anong plano mo kay Brandon?” Si Brandon ay isa tatlong bruskong anak ng bagong asawa ng mom ko. Pasaway, adik, takaw-gulo at parang nababaitan sa akin dahil hindi ko pinapatulan. Pero ang totoo, gusto ko na talagang bawasan ng ilang bagang at front teeth sampu ng wisdom tooth ng lintek na yon na hindi gumagana. Gusto kong baldahin ng ilang buwan o ma-coma man lang siya kahit isang linggo.Kung hindi lang ako nangako kay Helga na hindi na ako makikipag away kapalit ng hilig ko sa karera.Si Brandon din ang dahilan kaya maaga ako sa parlor kanina. Ipinahabol ako sa mga barkada niya dahil ibinangga ko ang paboritong kotse niya.Ito naman ang nanguna. Nilait si Helga at pinagbantaan na ireregalo sa mga tropa niya.Below the belt na yon. Kaya sa galit ko, nabugbog ko na agad ang mga kaibigan niya kanina. Anim laban sa isa. Gusto kong ipakita ku
HELGA POV:Alam ko na ang tama at mali. Pero maliban sa picture na nakita ko noon sa wallet ni Craig, may ilan pang dahilan kung bakit ayoko sa kanya.Marami.“Grabe ka naman,” tumatawa kahit ang mata niya. “Good catch si Craig. Sobrang loyal sa yo at walang ibang babaing kinababaliwan kundi ikaw. Oo, may ilang tutol sa pamilya niya pero 90% ng mga tao dito, botong-boto sa tandem ninyong dalawa. Alam mo rin naman yon, diba? Kampante ka lang talaga kahit ang dami-daming nagkakandarapa sa kanya.”Diyos ko. Ibahin ko na lang ang topic. Wala akong nararamdaman kahit katiting na takot kung ibang babae ang mapapangasawa ng lalaking yon.Wag talaga ako!Maraming beses ko nang isinigaw: hinding-hindi ako mag aasawa at magpapakasal!Sa kulturang ito ng Pinas na parang ewan, tapos walang divorce?No way!Hindi ko itatali ang sarili ko sa isang tao habangbuhay dahil lang sa romance, pera, koneksyon o ano pa mang dahilan.Tamaan na lang sana ako ng cancer at maagang mamatay!Ang parents ko nga,
HELGA POV:Pasukan sa grade six, nang isama uli ako ni Craig sa bahay nila. Wala ang mama niya, nasa bakasyon sa Paris. At nakita kong sinunog ang ilan sa mga ipinadalang ‘regalo’ ng lola ko kay Celeste. Mga handicrafts na ang ilan ay tinulungan ko pa ang lola ko na gawin yon. Pinaghirapan naming dalawa at minsan ay inaabot kami ng magdamag. Bakit ba galit na galit yon sa lola ko?Ang mga bagay na yon sinabi ko sa lola ko at umiiyak akong nagsumbong. Nagulat ako na ako pa ang parang mali ang ginawa.“Mangako ka,” kinakalog niya ako sa magkabilang balikat. “Wala kang pagsasabihang kahit sino ng mga nakita mo sa bahay ni Celeste. Kakalimutan mo agad yon. Gaya ng isang panaginip.” Kinagat ko ang labi ko. Ayoko. Hindi ko lang masabi. Gusto kong malaman ng iba na salbahe ang babaing yon! “Sige,” huminga siya, nag aalala, nararamdaman yata ang pagrerebelde ko, “tatanungin kita: sasabihin mo ba yan sa mga kaibigan mo gaya ni Summer?”“Hindi po.”“Tama,” hinaplos niya ang buhok ko dahil sin
HELGA POV: Nalungkot ako nang maisip ko na hindi ko na siya masasamahan sa bundok. Kapag birthday niya kasi, naglalaan siya ng oras para magkatay ng ilang manok at umahon sa lugar ng mga katutubo.Doon kami kumakain sa casa. Isang maliit na bahay nayon kung saan nagsasama-sama ang mga Ita at Kabihug sa mga maliit na pagtitipon.Bahay nayon na nagiba dahil sa malakas na bagyo kaya pinerahan ko si Craig para maitayo uli at nadagdagan ng dalawang silid aralan.Sa kabila ng perang dumaan sa bank account ko, ang isang milyon na yon ay deretso rin sa account ni Kapitan Billy.Wala akong kinuha ni kusing para mabago ang buhay namin.Kahit isang pirasong panty.Wala akong maisip na paggagamitan ng pera kundi sa bagay na yon. At kung mauulit pa dahil ninakawan na naman ako ng halik ng lintek na lalaking yon at apat na beses na, balak ko ring gamitin sa mga kakailanganin ng mga estudyante sa bundok.200k, puede na yon. At hindi naman umaangal si Craig. Bigay lang ng bigay.Lahat nga gusto nang
HELGA POV: Napaunlad niya ang Cassie’s Corner sa loob lang ng dalawang taon at ngayon ay may ilang private suite na ito na kayang mag serve ng mamahaling alak dito sa bar.May parking area na rin na nabili mula sa sari-sari store na nalugi, nagsara at bumalik sa pagbubukid ang may ari.At dahil binili niya yon kahit gipit na at walang extrang pera, date muna ang pambayad niya sa mga lalaking may gusto sa kanya na pumayag maging bouncers at bantay sa negosyo niya.May ilan din na tinatanggap niya bilang investors at yon ang kahanga-hanga.Paano niya yon nagagawa matapos bastedin ang mga pobreng lalaki?Kung totoo si Medusa, yon si Cassie. Magigising ang lalaki na bato na sa sakit ang puso nito at blue balls lang ang napala.Pero ang panghatak talaga ng customers ay ganda ni Cassie. Nag aral ng bartending online at ngayon ay pinipilahan ng manliligaw.Kung mayaman ako, aalisin ko siya sa lugar na ito, pero sabi nga ng lola ko, bago ka mag alaga ng iba, alagaan mo muna ang sarili mo.Wa
HELGA POV: Hindi na nga dapat umabot sa sakitan, pakiramdaman na lang, dapat na siyang dumistansya. Lalo na’t hindi na kami mga bata.Pero talagang makulit siya.“Kaya umuwi ka na at nang hindi masayang ang araw mo.” Itinulak ko siya sa dibdib.Halik ang isinagot niya sa akin, na tumama sa pisngi ko pero natigilan ako. Kaya dumulas papunta sa labi ko at hindi na ako pumalag.Inangkin niya ako na parang kinakain ang labi ko sa tindi ng kanyang pagtitimpi at kapusukan na napaungol ako, nahahati kung ititigil ko agad o sisigehan ko pa. Nanalo ang amoy ng mint sa hininga niya kaya natukso akong gumanti ng halik sa halip na tumigil. Nagbagal. Nagtantiyahan naging patikim-tikim at nauwi uli sa mapusok at mapaghanap na uri ng halik.Napakatamis ng labi niya. Napabango niya. Malulusaw ako sa kapusukan niya kung magtatagal kaming ganito.Tinangka kong ipaling paiwas ang mukha ko para huminto na siya pero umuungol siya, nagmamaktol. “Napuyat ako kagabi, sobrang tigas ni Junior. Napakasakit.
HELGA POV:Bawal dito sa bayan namin ang negosyong ganito na bukas magdamag.Isa pang dahilan: gusto kong maturn-off sa akin si Craig Alastair at tantanan na rin ako ng mama niya.Pero heto kami, nagpapatintero pa rin.“Umuwi ka na lang sa inyo kung comfort ang hanap mo.” Nakairap na agad ako sa kanya. “Walang ganon dito.”“Ah, eh, tubig kanal na lang, puede na yon.” Pahabol niya nang basta ko na lang talikuran.Tumawa sina Nancy at Aileen na nagliligpit ng pinagkainan sa batalan o maliit na hugasan ng pinggan. Pero sanay na sila sa akin. Siguradong naawa kay Craig.Nakapark ang kotse ng bilyonaryong binata, makintab at bagong-bagong modelo ng Land Rover 20 meters ang layo sa tabing kalsada mula dito sa kubo namin. Pero heto at nagpapa alila sa babaing nakatira sa bahay na malapit nang magiba.Sa sumunod na mga oras, hindi naman parusa kay Craig na pinanood akong magsaboy ng niyog na pakain sa may 30 pirasong manok na kinakatay lang kapag may okasyon at nagpakain ako ng 3 malalaki
HELGA POV:Sa anim na nakikitira sa bahay ni Lola Maria, isa pa si Aileen sa espesyal sa akin. Magandang bata, matangkad at maputi pero hindi nakapasa ang ilong sa tangos na inaasahan ng ama kaya laging pinalalayas at pinagsasalitaan nang hindi maganda.Graduating na ito sa high school at may nanliligaw na rin.Tatlong taon nang dito umuuwi sa amin. Kapag Sabado at Linggo, umuuwi sa kanila sa bundok. Sa ngayon, anim na lang ang nakikitira sa amin. Pero may pagkakataong umabot sa 20 katao ang kasama namin dito noon. Kahit ang kamalig, may panauhin na rin at may panahong kahit rebelde o mga kaaway ng gobyerno, kinukukupkop ng lola ko.May pagkakataong natatakot ako para sa mga kasama ko, pero sabi nga ng lola ko: huwag mong sabihing takot kang mamatay?Nasa kapalaran daw ng tao na mag-krus ang landas ng isa’t-isa dahil nasa ilalim tayo ng iisang araw. At paano mo iisiping mabuti ka kung humahatol ka sa iba?Sa awa ng Dios, nagiging kaibigan ng lola ko ang lahat ng klase ng tao.Pero na
HELGA POV:Tinig yon ni Nancy na papunta sa kamalig, tumatakbo.Nanigas ako at para akong binuhusan ng malamig na tubig.Si Blackie ay marunong maglambing gamit ang nguso niya. Tamad tumahol pero bubungguin ka sa tuhod o sa lulod kapag nagpapansin ito.Habol iyon sa akin at natutulog sa ilalim ng papag kapag may ginagawa ako dito sa kamalig.Tinapik ko sa balikat si Craig sa kabila nang paghahabol ko nang hininga. Sarap na sarap pa naman ako sa aming ginagawa.Langit na sana kahit kiskisan lang sa kamalig, eh.“Itigil na natin ito. Tama na.”Sandali siyang hindi nakakilos. Nakadiin ang matigas na tipak ng maskuladong dibdib sa perpekto at matutulis kong nipples. Pumipintig ng mabilis ang mga ugat sa pagkalalaki niya na nakalapat sa tumitibok kong clit—ilang segundo na lang sana at nakaraos kami pareho.Baka hindi pa talaga panahon para magkatikiman ang dragon niya at ang mini-flower ko?May panghihinayang sa reaksyon ng mukha ni Craig. Dumaan sa mga mata ko ang titig, sa tangos ng aki
HELGA POV:“Jesus,” lango na sa pagnanasa ang daing niya. Duling na ang magagandang mata at mabibigat ang talukap niyon . Hinuli ang pink nipple ko at pinagulong sa loob ng dila niya. Inikutan, pinakawalan saka maingat na hinigit pataas. Binalikan ng maraming beses at kinagat-kagat sa pagitan ng ngipin. Tumatagal ay nagiging mahusay siya sa pagsipsip.Nasa tiempo ang hagod sa hubog ng dibdib ko at kung kelan niya hihigitin pataas ang nipple ko.“Ang…sarap…” ungol ko.Umarko ako sa ilalim niya. Sobra ang init na nararamdaman ko. Parang mga gapos na hindi nakikita.Umangat siya sa akin at tinitigan ang mapupungay kong mata. Pinakawalan ang kamay ko. Maingat na humaplos ang malalaking palad sa puno ng hita ko, paakyat sa zipper ng pants ko—nagpapaalam.“Can I?”“Gusto kita,” yon ang lumabas sa bibig ko. “Pero hindi pa ako handa sa ganyan. Kaya ko siguro pero dry humping.”Magagamit ko ito sa pagsusulat. Pero duda ako kung kaya kong i-publish ang tungkol sa kanya.Si Craig para sa akin ay
HELGA POV:Dapat i-pruning ang mga puno ng sili para mas mataas ang survival. Bawasan ng tangkay, dahon at mga bunga. Pero kapag ginawa ko yon, mahahalata ni Lola kahit malabo ang mata.“Sasamahan nga kita.”“Hindi na,” seryoso na naman ako. “Iwasan mo na lang ako, Craig. Yon ang tulong na magagawa mo. Para matahimik na tayong lahat.” Matagal siyang walang kibo. Naiinis na siguro kung bakit on and off ako pagdating sa kanya.Daig ko pa ang sinauna at dispalinghadong switch ng ilaw.Sala sa init, sala sa lamig, sabi nga ni Lola Maria.Inihagis ko ang asarol sa lupa matapos ang apat na puno pa na natira.24 pala ang tanim ni Lola.Dalawang dosena. 12 puno kada hanay. Ang hayop na Mike na yon, magbabayad talaga sa akin.Hinagod ko ng likod ng palad ang pawisan kong noo.“Do you really mean that?” Sa lalim ng iniisip ko, nalapitan na pala ako ng lalaking ito at naipihit na agad ako paharap sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko. “Handa akong mawala ang lahat sa akin maging asawa lang ki
HELGA POV: “Ako rin ba ang una?” Inunahan ko siyang magtanong. Mas mabilis, mas astig. Mas mahihirapan din siyang magsinungaling. “Bakit marunong kang humalik?”Subconsciously, alam ko ang sagot. Ang mga lalaki kapag nagkakatuwaan para ring mga babae. Kriminal siguro ako pero gawain kong gumamit ng mga gadgets para mag spy. Alam kong krimen yon pero bahagi yon ng aking pag aaral.Madalas, ballpen recorder at nabiktima ko na rin si Craig, ilang beses na.Good thing, hindi siya kissed and tell at kahit sinasabi kong babaero siya dahil ang totoo, alam kong maselan talaga siya sa babae. At nakakainis na ganon siya. Bakit ang daya? Napakaguwapo niya lalo na kapag ganitong malapitan. Nag uumapaw ang sex appeal at perpekto kahit saan mo tingnan. Ang ganda ng maangas na kilay, matangos na ilong at mapula pa yata kesa sa akin ang mapintog na mga labi.Makinis ang mukha na parang walang tumubo at nagtagumpay na pimples na binagayan ng makapal na buhok na hunahalik hanggang sa balikat.Isa
HELGA POV:Brutal ang koneksyon, makasalan, karnal. Na madali kong nagawa sa panonood ko ng porns kasama sina Cassie at ang iba pa naming kaibigan kapag nagkakatuwaan.Dahil nagsusulat ako, mahirap talagang i-visualize sa loob ng isip mo ang isang eksena kung hindi muna nakita o naranasan ang mga ito ng personal.Naging gamot ko na rin sa depression ang pakikipagniig ko sa ballpen at papel.Kailan ba nagsimula ang pagiging green minded ko?Ah, sa Fifty Shades of Grey.Nasa mga botones na agad ng dress shirt ni Craig ang mga kamay ko. Habang hindi malaman ng mga kamay niya kung paano ako hahaplusin sa buong katawan. Hinahagod niya ako sa ibabaw ng buhok ko, sa likod, sa balikat, sa mga brasong nagkakalas ng damit niya at wala na ring direksyon ang halik niya.Baliw. Haling. Nagmamadali.Gumiling ako sa dragon niya na galit na galit at tumakas sa bibig niya ang ungol na parang nagdedeliryo sa sarap.Masyadong mainit sa loob ng sasakyan kahit malakas ang aircon. Para kaming sinusunog ng
HELGA POV:Sumakay ako sa SUV ni Craig sa labas ng bar at napansin kong may driver siya. Pinababa niya yon at sinabing sumakay sa Sedan ni Jace.Hindi pa ako tumabi sa kotse ni Craig sa unahan pero yon ngayon ang ginawa ko.Para akong sasabog sa galit. Hati ako sa kagustuhan kong tiitisin ang nararamdaman ko o isisigaw ko gaya ng lagi kong ginagawa.“Okay ka lang ba?” Umuusad na ang sasakyan nang magtanong siya. Nag aalala sa akin. Sa akin din nakatingin sa halip na sa daan.Kinagat ko ang loob ng lower lip ko, nagtitimpi.“Patayin mo ang lintik na ilaw ng kotse mo at pakilaksan ang aircon, please lang.” Parang apoy ang hininga ko. Ang tindi ng galit ko. Para akong takure na sumisipol na sa init kaya kailangan ilayo sa kalan.“Helga…”“At huwag mo muna akong kausapin, pakiusap.” Nasa isip ko ang pagmumukha ng nanay niya. Anong klaseng tao ang gagawa nito sa gaya ni Lola Maria?Hayop sila!“Okay.”Pumikit ako habang nasa kandungan ko ang nag aagaw buhay na sili. Parang kelan lang nagbu