Share

SWEET BUT SAVAGE

Author: Jade Tattoo
last update Huling Na-update: 2025-02-03 13:21:28

HELGA POV:

Nagbayad pa nga ako sa dati nilang kasambahay kung ano ang mga ayaw ni Craig sa lahat ng bagay. Pagkain, kulay, damit, panahon at higit sa lahat, ano ang turn-off para sa kanya pagdating sa isang babae?

Ginawa ko ang mahabang listahan at halos nangangalahati na ako pero mas lalo siyang naadik sa pang aasar sa akin.

Kung halik lang, maraming gagawa niyon sa kanya. Libre pa. Taas ang kamay at paa at maraming tatalon ss bangin mabiyayaan lang niya.

Si Craig ang hndi purong Pinoy ang genes. May lahing Italyano ang dad niya. At matangkad na mestiza at may lahing kastila ang mama niya, si Celeste.

Si Celeste na galit na galit sa akin sa hindi ko malamang dahilan.

Hindi ko naman hinaharot ang anak nito. Si Craig ang bumubuntot sa akin.

Ewan ko sa mundo. Alikabok lang daw tayo pero yong bigat ng mga pagsubok at problema, mahihiya si Atlas na pasan ang buong mundo.

6:00 PM sa phone ko, tumawag ako kay Craig habang nagpapatay ng oras sa Twin-Combs. Sikat na parlor para sa mga dukha dito sa San Luis. May pribadong silid para sa make up room. “7:00 PM, dito sa Twin-Combs.” Ini-off ko agad ang phone kahit na lumabas akong bastos.

Tatapusin ko na talaga ngayong gabi, itotodo ko na. Nilalaro ko rin sa isip ang turn-off sa isang lalaki at pinaka deal-breaker para sa isang Craig Alastair. Siya ang biktima ngayong gabi.

Hindi ako.

Um-order ako ng smoothie at nagtaas ng paa sa ottoman. Hinubad ko ang sapatos ko at nagpa-antok ako dahil may 55 minutes pa ako bago sumabak sa giyera.

Kadalasan at kaugalian na dito sa amin na kapag alas singko ng hapon–tagayan na. Kaya posibleng alas sais marami na ang lasing sa bakuran ni Craig. Alas siete ng gabi, marami nang nakauwi. Busog na sa alak ang mga lalaking bigay todo magtagay ng tuba, lambanog at mga mamahaling alak.

Maiiwan yong alam ang halaga ng kapasidad ng atay nila. Paunti-unti uminom, alalay, in moderation at kwentuhan lang ang habol sa mga kausap.

Tiyak na magpapaiwan rin ang mga kababaihang namamahala sa okasyon. At hindi mawawalan ng mga babaing nagpapanggap na kaibigan ni Craig para tirahin ako ng patalikod.

Lalo na ang mga mata at human CCTV na bayaran ng nanay niya.

Ano ang masaya sa party?

Lintek.

Itinaas ko sa sofa ang dalawang paa ko. Nalilis ang malambot na satin dress at naipon sa puno ng hita ko, masisilip ang panty ko. Black lace panty na pinag ipunan ko pa sa bihirang okasyon na gaya nito.

Isinubo ko uli ang straw at pumikit ako, nakatingala sa headrest. Kampante dahil kung parating na si Craig, titili ang bakla at sapat na yon na alarm.

Nagpaalam na agad si Cassie dahil palagi siyang hinahanap sa bar matapos akong samahan sa friends niya.

“Hey,” narinig ko ang baritono at pamilyar na tinig na yon na parang kay Craig pero hindi ako tuminag. “Mag usap tayo, please.”

Muntik na akong mapasigaw sa pagkagulat. Bukas ba ang pinto?

Totoong narito siya at nakaluhod na sa harapan ko ang isang tuhod. Hinihingal pa nga at parang galit. May dugo sa sulok ng labi at mukhang nakipag away.

Na naman!

Ordinaryong t-shirt lang din ang suot niya at hindi colar-shirt na kadalasang outfit niya kapag may okasyon.

Awtomatikong umayos ako nang upo. Ibinaba ko sa flooring ang mga paa ko at hinila ko ang tela ng damit ko at inipit ko sa pagitan ng mga tuhod. “A-Anong ginagawa mo dito?” Nagpalinga-linga ako. Bakit wala yatang baklitang tumili at nagta-tumbling sa labas dahil narito na siya. “Nasaan ang mga kasama ko? Bakit ang aga mo?”

Dumiin ang kamay niya sa batok, kaswal na dumapo ang kamay sa armrest ng upuan ko. “Tinawagan ko si Kate,” Carmensito ang tunay na pangalan, isa sa kambal na bading na may ari ng parlor, “ang sabi ko susunduin kita kaya paalisin muna ang mga bantay dahil nagkaproblema sa bahay at ayokong may makakita sa atin baka madamay sila.”

Umigkas ako sa upuan. Wala akong pakialam sa kahit anong dahilan!

Alas siete ang usapan!

“Labas,” itinuro ko ang pinto. Kailangan ko ng katahimikan at me time bago makipaglaro sa kanya tapos sisirain niya ang schedule! Alam ba niya kung gaano katagal ang charging time na kailangan ko para may energy ako na harapin ang lahat ng mga bagay na ikinatutuwa niya? “Lumabas ka at alas siete en punto ka pumasok!”

Umunat siya at pumantay sa akin sa pagkakaupo. At nakita kong napalunok siya nang mapatitig sa mukha ko. Naka-make up ako at makapal. Gusto kong masuka siya sa akin ngayon. Pinahaba din ang eyelashes ko gaya ng mga Drag Queens at medyo bongga ang hair do ko, maistilo sa isang modern bun style para agaw pansin tutal gusto niya ng atensyon. At sinadya ko ang damit na ito para akitin ang mga barkada niya. Gusto kong maging babaing pangkama ngayong gabi at mukhang epektibo naman base sa reaksyon ni Craig.

Namula siya. Kumalat sa tenga at parang hirap na hirap huminga.

Posibleng yong tabas ng damit ko. Satin, matayog ang bra na medyo pointed sa tapat ng nipples. Ngayon lang siguro siya nakakita ng dibdib na halos masusukat na ng mata ang saktong size. Alam ko rin na gusto niya ng dalagang Pilipina na maipagmamalaki ng angkan niya.

Kagalang-galang.

Respetado.

At ako yon ngayon sa kabaliktaran—yong nakakasukang version ng babae sa party na ginagastusan niya taon-taon. Matingkad na pula pa naman ang dress ko dahil sinadya ko. Panlaban ng mga prostitute sa dance floor sa paningin ng mga tao dito.

Yong hindi puwedeng iharap sa madla dahil malayo sa tradisyonal na babaing taga Quezon na simpleng t-shirt at pantalon lang, puede na sa party.

Kapag nagsuot ka ng gown dito, wedding events na yon o political gatherings.

Hinila niya ako sa kamay sa halip na sumagot. Kinarga ako sa balikat na parang kalahating sako ng bigas. Walang pakialam kung nagsisisigaw ako at bitbit ko sa kamay ang 2 inches heels na sapatos.

Kaugnay na kabanata

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    LOVE AND LIES

    HELGA POV: Gusto ko pa namang patunayan na hindi ako bansot ngayon sa 5’5 na height suot ang mga yon, tapos purnada pa. Bakit ba ang hirap maghiganti? “Craig, ano ba?!” Isinalya ako halos papasok ng Land Rover niya at bumarurot palayo sa bayan. Hindi niya ako pinapansin sa tabi niya kahit hinahampas ko siya sa braso niya at sa balikat. Nahulaan ko agad na hindi sa Den ang tinatahak naming daang lupa nang marating namin ang crossing at lumiko siya sa kaliwa. Papunta yon sa cottage ng kapatid niyang si Jace na malapit sa busai at mas malayo sa bahay namin. Malubak ang daang kalsada na bitak-bitak. At kahit sakop ng lupain nila, ayaw pagkagastusan ng matatanda sa pamilya nila. Sabi ng iba, dahil tumatapak ako doon. Lahat daw ng nararating ko, minamarkahan ng mommy ni Craig na malas na lugar. Personalan talaga. Nasayang lang ang sigaw at pagmamaktol ko sa loob ng sasakyan. “Mag usap tayo. Walang halong biro, seryoso.” Aniya, kinabig ang manibela sa pribadong lupa papasok pa sa

    Huling Na-update : 2025-02-03
  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    SIMARON

    HELGA POV: 45 days pa mula ngayon, birthday na rin ng bff ko, si Summer. Isa pa yon sa ipinagpuputok ng butse ko. Pero sa malas, dahil sa ugali niyang ito, wala na sa akin ang kontrol, pagpapasya at pagkakataon na madaluhan ko yon. May bahagi ko na natutuksong ipaliwanag sa kanya kung bakit mahalaga sa akin ang manatili pa sana dito sa San Luis, pero nagbuntong-hininga na lang ako. Gusto lang ba niya ang mahalaga? Kung ano ang nararamdaman niya? Nakakasawa na ang ugali niya. Para siyang bata. At kapag pala napagod ka na sa isang tao, gaano man siya kahalaga sa buhay mo, sa nakaraan mo, wala na siyang lugar sa hinaharap mo. Sinira ni Craig ang lahat. Kaya tama na. “Gusto ko nang umuwi. Ihatid mo ako sa bahay.” “Alam mong kalokohan yan,” hinagod niya ako nang tingin. “Baka atakehin sa puso si Lola Maria kapag nakita kang ganyan ang damit. Taga-cabaret lang ang nagsusuot ng ganyan dito. Hubad sa likuran. Sino ba ang nagsabi sa yo na bagay sa yo yan? Saang planeta ka ba pupun

    Huling Na-update : 2025-02-03
  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    LOLA MARIA'S BLESSING

    CRAIG POV: Nagkatinginan kami ni Helga, nagsisihan. Aminado ako na kasalanan ko lagi pero meron din naman siya.Napakamanhid ng babaing ito. Ano ang malabo sa meron sa amin?Nasa kinder pa lang siya, isinigaw ko na mahal ko siya. And for the record, matanda ako sa kanya ng apat na taon, pero nagpapabihis ako sa yaya ko ng pareho ng luma kong uniform sa kinder para matanggap niya ako at sumama siya sa akin pauwi.Pero kahit noon, maldita talaga siya. Mas gusto pang maglakad ng mahigit tatlong kilometro kaysa sumabay sa service car namin. Kaya yong paa niya, hugis luya!At kahit anong pa-cute ko, hanggang ngayon, sinasaktan pa rin niya ako.Yong napakaguapo ko, pero punching bag lang?Saklap.“Lola, siya po talaga ang may kasalanan.” Si Helga, itinuturo ako. Nakakuyom ang mga kamay niya sa kandungan. Ganyan yan kapag gusto pa ng round 2 at gusto akong atakehin!At dahil ako ang lalaki, ang lagay ba, ganon-ganon na lang?Hindi ko siya gagantihan?Bawat hinga niya konektado sa lola n

    Huling Na-update : 2025-02-07
  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    LOVE LANGUAGE

    CRAIG POV: Kaya mahal na mahal ko si Lola Maria.Siya ang aking ALAS.Sabay uli kaming tumungo sa harap ng matanda.“Magpapahinga na ako.” Ginamit nito ang baston para makatayo mula sa tumba-tumba. Mabagal, pero walang masakit na iniinda sa katawan palibhasa masipag maghalaman at maraming pinagkakaabalahan kahit may edad na. “Helga, ihatid mo si Craig sa labas at huwag na kayong mag aaway, hane?” Nakikiusap ang tinig nito. Parang pagod na pagod.Sabagay, isang beses isang linggo nasa harap kami ng tribunal ni Lola. Kainaman. Ang tigas ng puso ni Helga!Parang gusto ko na nga ring sumigaw.Nagkatinginan kami ni Helga na nanlilisik ang mata, palagi naman. Mahal ko naman talaga siya pero para ko na ring hinangad ang kamatayan ng ilan sa partido ko na ayaw na ayaw sa kanya.Ano ba ang gagawin ko?Halos hindi ko namalayang naglalakad na ako palabas ng bahay at katabi ko si Helga, suot ang t-shirt na puti ng utol kong si Jace. Maluwang sa kanya kaya kung hindi niya pinilipit sa parteng p

    Huling Na-update : 2025-02-07
  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    SIDES OF A COIN

    CRAIG POV:Tensyonadong nagbuga ng hangin si Jace. Posibleng alam niya ang totoo dahil kilalang-kilala niya ako pero wala naman siyang magagawa. “Anong plano mo kay Brandon?” Si Brandon ay isa tatlong bruskong anak ng bagong asawa ng mom ko. Pasaway, adik, takaw-gulo at parang nababaitan sa akin dahil hindi ko pinapatulan. Pero ang totoo, gusto ko na talagang bawasan ng ilang bagang at front teeth sampu ng wisdom tooth ng lintek na yon na hindi gumagana. Gusto kong baldahin ng ilang buwan o ma-coma man lang siya kahit isang linggo.Kung hindi lang ako nangako kay Helga na hindi na ako makikipag away kapalit ng hilig ko sa karera.Si Brandon din ang dahilan kaya maaga ako sa parlor kanina. Ipinahabol ako sa mga barkada niya dahil ibinangga ko ang paboritong kotse niya.Ito naman ang nanguna. Nilait si Helga at pinagbantaan na ireregalo sa mga tropa niya.Below the belt na yon. Kaya sa galit ko, nabugbog ko na agad ang mga kaibigan niya kanina. Anim laban sa isa. Gusto kong ipakita ku

    Huling Na-update : 2025-02-07
  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    LOLA MARIA

    HELGA POV:Alam ko na ang tama at mali. Pero maliban sa picture na nakita ko noon sa wallet ni Craig, may ilan pang dahilan kung bakit ayoko sa kanya.Marami.“Grabe ka naman,” tumatawa kahit ang mata niya. “Good catch si Craig. Sobrang loyal sa yo at walang ibang babaing kinababaliwan kundi ikaw. Oo, may ilang tutol sa pamilya niya pero 90% ng mga tao dito, botong-boto sa tandem ninyong dalawa. Alam mo rin naman yon, diba? Kampante ka lang talaga kahit ang dami-daming nagkakandarapa sa kanya.”Diyos ko. Ibahin ko na lang ang topic. Wala akong nararamdaman kahit katiting na takot kung ibang babae ang mapapangasawa ng lalaking yon.Wag talaga ako!Maraming beses ko nang isinigaw: hinding-hindi ako mag aasawa at magpapakasal!Sa kulturang ito ng Pinas na parang ewan, tapos walang divorce?No way!Hindi ko itatali ang sarili ko sa isang tao habangbuhay dahil lang sa romance, pera, koneksyon o ano pa mang dahilan.Tamaan na lang sana ako ng cancer at maagang mamatay!Ang parents ko nga,

    Huling Na-update : 2025-02-07
  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    SUMMER HERERRA

    HELGA POV:Pasukan sa grade six, nang isama uli ako ni Craig sa bahay nila. Wala ang mama niya, nasa bakasyon sa Paris. At nakita kong sinunog ang ilan sa mga ipinadalang ‘regalo’ ng lola ko kay Celeste. Mga handicrafts na ang ilan ay tinulungan ko pa ang lola ko na gawin yon. Pinaghirapan naming dalawa at minsan ay inaabot kami ng magdamag. Bakit ba galit na galit yon sa lola ko?Ang mga bagay na yon sinabi ko sa lola ko at umiiyak akong nagsumbong. Nagulat ako na ako pa ang parang mali ang ginawa.“Mangako ka,” kinakalog niya ako sa magkabilang balikat. “Wala kang pagsasabihang kahit sino ng mga nakita mo sa bahay ni Celeste. Kakalimutan mo agad yon. Gaya ng isang panaginip.” Kinagat ko ang labi ko. Ayoko. Hindi ko lang masabi. Gusto kong malaman ng iba na salbahe ang babaing yon! “Sige,” huminga siya, nag aalala, nararamdaman yata ang pagrerebelde ko, “tatanungin kita: sasabihin mo ba yan sa mga kaibigan mo gaya ni Summer?”“Hindi po.”“Tama,” hinaplos niya ang buhok ko dahil sin

    Huling Na-update : 2025-02-07
  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    CASSIE

    HELGA POV: Nalungkot ako nang maisip ko na hindi ko na siya masasamahan sa bundok. Kapag birthday niya kasi, naglalaan siya ng oras para magkatay ng ilang manok at umahon sa lugar ng mga katutubo.Doon kami kumakain sa casa. Isang maliit na bahay nayon kung saan nagsasama-sama ang mga Ita at Kabihug sa mga maliit na pagtitipon.Bahay nayon na nagiba dahil sa malakas na bagyo kaya pinerahan ko si Craig para maitayo uli at nadagdagan ng dalawang silid aralan.Sa kabila ng perang dumaan sa bank account ko, ang isang milyon na yon ay deretso rin sa account ni Kapitan Billy.Wala akong kinuha ni kusing para mabago ang buhay namin.Kahit isang pirasong panty.Wala akong maisip na paggagamitan ng pera kundi sa bagay na yon. At kung mauulit pa dahil ninakawan na naman ako ng halik ng lintek na lalaking yon at apat na beses na, balak ko ring gamitin sa mga kakailanganin ng mga estudyante sa bundok.200k, puede na yon. At hindi naman umaangal si Craig. Bigay lang ng bigay.Lahat nga gusto nang

    Huling Na-update : 2025-02-07

Pinakabagong kabanata

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    LOVE ME NOT

    HELGA POV: Hindi na nga dapat umabot sa sakitan, pakiramdaman na lang, dapat na siyang dumistansya. Lalo na’t hindi na kami mga bata.Pero talagang makulit siya.“Kaya umuwi ka na at nang hindi masayang ang araw mo.” Itinulak ko siya sa dibdib.Halik ang isinagot niya sa akin, na tumama sa pisngi ko pero natigilan ako. Kaya dumulas papunta sa labi ko at hindi na ako pumalag.Inangkin niya ako na parang kinakain ang labi ko sa tindi ng kanyang pagtitimpi at kapusukan na napaungol ako, nahahati kung ititigil ko agad o sisigehan ko pa. Nanalo ang amoy ng mint sa hininga niya kaya natukso akong gumanti ng halik sa halip na tumigil. Nagbagal. Nagtantiyahan naging patikim-tikim at nauwi uli sa mapusok at mapaghanap na uri ng halik.Napakatamis ng labi niya. Napabango niya. Malulusaw ako sa kapusukan niya kung magtatagal kaming ganito.Tinangka kong ipaling paiwas ang mukha ko para huminto na siya pero umuungol siya, nagmamaktol. “Napuyat ako kagabi, sobrang tigas ni Junior. Napakasakit.

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    HER DAILY LIFE 2

    HELGA POV:Bawal dito sa bayan namin ang negosyong ganito na bukas magdamag.Isa pang dahilan: gusto kong maturn-off sa akin si Craig Alastair at tantanan na rin ako ng mama niya.Pero heto kami, nagpapatintero pa rin.“Umuwi ka na lang sa inyo kung comfort ang hanap mo.” Nakairap na agad ako sa kanya. “Walang ganon dito.”“Ah, eh, tubig kanal na lang, puede na yon.” Pahabol niya nang basta ko na lang talikuran.Tumawa sina Nancy at Aileen na nagliligpit ng pinagkainan sa batalan o maliit na hugasan ng pinggan. Pero sanay na sila sa akin. Siguradong naawa kay Craig.Nakapark ang kotse ng bilyonaryong binata, makintab at bagong-bagong modelo ng Land Rover 20 meters ang layo sa tabing kalsada mula dito sa kubo namin. Pero heto at nagpapa alila sa babaing nakatira sa bahay na malapit nang magiba.Sa sumunod na mga oras, hindi naman parusa kay Craig na pinanood akong magsaboy ng niyog na pakain sa may 30 pirasong manok na kinakatay lang kapag may okasyon at nagpakain ako ng 3 malalaki

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    HER DAILY LIFE 1

    HELGA POV:Sa anim na nakikitira sa bahay ni Lola Maria, isa pa si Aileen sa espesyal sa akin. Magandang bata, matangkad at maputi pero hindi nakapasa ang ilong sa tangos na inaasahan ng ama kaya laging pinalalayas at pinagsasalitaan nang hindi maganda.Graduating na ito sa high school at may nanliligaw na rin.Tatlong taon nang dito umuuwi sa amin. Kapag Sabado at Linggo, umuuwi sa kanila sa bundok. Sa ngayon, anim na lang ang nakikitira sa amin. Pero may pagkakataong umabot sa 20 katao ang kasama namin dito noon. Kahit ang kamalig, may panauhin na rin at may panahong kahit rebelde o mga kaaway ng gobyerno, kinukukupkop ng lola ko.May pagkakataong natatakot ako para sa mga kasama ko, pero sabi nga ng lola ko: huwag mong sabihing takot kang mamatay?Nasa kapalaran daw ng tao na mag-krus ang landas ng isa’t-isa dahil nasa ilalim tayo ng iisang araw. At paano mo iisiping mabuti ka kung humahatol ka sa iba?Sa awa ng Dios, nagiging kaibigan ng lola ko ang lahat ng klase ng tao.Pero na

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    THE COURTSHIP

    HELGA POV:Tinig yon ni Nancy na papunta sa kamalig, tumatakbo.Nanigas ako at para akong binuhusan ng malamig na tubig.Si Blackie ay marunong maglambing gamit ang nguso niya. Tamad tumahol pero bubungguin ka sa tuhod o sa lulod kapag nagpapansin ito.Habol iyon sa akin at natutulog sa ilalim ng papag kapag may ginagawa ako dito sa kamalig.Tinapik ko sa balikat si Craig sa kabila nang paghahabol ko nang hininga. Sarap na sarap pa naman ako sa aming ginagawa.Langit na sana kahit kiskisan lang sa kamalig, eh.“Itigil na natin ito. Tama na.”Sandali siyang hindi nakakilos. Nakadiin ang matigas na tipak ng maskuladong dibdib sa perpekto at matutulis kong nipples. Pumipintig ng mabilis ang mga ugat sa pagkalalaki niya na nakalapat sa tumitibok kong clit—ilang segundo na lang sana at nakaraos kami pareho.Baka hindi pa talaga panahon para magkatikiman ang dragon niya at ang mini-flower ko?May panghihinayang sa reaksyon ng mukha ni Craig. Dumaan sa mga mata ko ang titig, sa tangos ng aki

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    LOVERS IN THE DARK 2

    HELGA POV:“Jesus,” lango na sa pagnanasa ang daing niya. Duling na ang magagandang mata at mabibigat ang talukap niyon . Hinuli ang pink nipple ko at pinagulong sa loob ng dila niya. Inikutan, pinakawalan saka maingat na hinigit pataas. Binalikan ng maraming beses at kinagat-kagat sa pagitan ng ngipin. Tumatagal ay nagiging mahusay siya sa pagsipsip.Nasa tiempo ang hagod sa hubog ng dibdib ko at kung kelan niya hihigitin pataas ang nipple ko.“Ang…sarap…” ungol ko.Umarko ako sa ilalim niya. Sobra ang init na nararamdaman ko. Parang mga gapos na hindi nakikita.Umangat siya sa akin at tinitigan ang mapupungay kong mata. Pinakawalan ang kamay ko. Maingat na humaplos ang malalaking palad sa puno ng hita ko, paakyat sa zipper ng pants ko—nagpapaalam.“Can I?”“Gusto kita,” yon ang lumabas sa bibig ko. “Pero hindi pa ako handa sa ganyan. Kaya ko siguro pero dry humping.”Magagamit ko ito sa pagsusulat. Pero duda ako kung kaya kong i-publish ang tungkol sa kanya.Si Craig para sa akin ay

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    LOVERS IN THE DARK

    HELGA POV:Dapat i-pruning ang mga puno ng sili para mas mataas ang survival. Bawasan ng tangkay, dahon at mga bunga. Pero kapag ginawa ko yon, mahahalata ni Lola kahit malabo ang mata.“Sasamahan nga kita.”“Hindi na,” seryoso na naman ako. “Iwasan mo na lang ako, Craig. Yon ang tulong na magagawa mo. Para matahimik na tayong lahat.” Matagal siyang walang kibo. Naiinis na siguro kung bakit on and off ako pagdating sa kanya.Daig ko pa ang sinauna at dispalinghadong switch ng ilaw.Sala sa init, sala sa lamig, sabi nga ni Lola Maria.Inihagis ko ang asarol sa lupa matapos ang apat na puno pa na natira.24 pala ang tanim ni Lola.Dalawang dosena. 12 puno kada hanay. Ang hayop na Mike na yon, magbabayad talaga sa akin.Hinagod ko ng likod ng palad ang pawisan kong noo.“Do you really mean that?” Sa lalim ng iniisip ko, nalapitan na pala ako ng lalaking ito at naipihit na agad ako paharap sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko. “Handa akong mawala ang lahat sa akin maging asawa lang ki

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    THORNS

    HELGA POV: “Ako rin ba ang una?” Inunahan ko siyang magtanong. Mas mabilis, mas astig. Mas mahihirapan din siyang magsinungaling. “Bakit marunong kang humalik?”Subconsciously, alam ko ang sagot. Ang mga lalaki kapag nagkakatuwaan para ring mga babae. Kriminal siguro ako pero gawain kong gumamit ng mga gadgets para mag spy. Alam kong krimen yon pero bahagi yon ng aking pag aaral.Madalas, ballpen recorder at nabiktima ko na rin si Craig, ilang beses na.Good thing, hindi siya kissed and tell at kahit sinasabi kong babaero siya dahil ang totoo, alam kong maselan talaga siya sa babae. At nakakainis na ganon siya. Bakit ang daya? Napakaguwapo niya lalo na kapag ganitong malapitan. Nag uumapaw ang sex appeal at perpekto kahit saan mo tingnan. Ang ganda ng maangas na kilay, matangos na ilong at mapula pa yata kesa sa akin ang mapintog na mga labi.Makinis ang mukha na parang walang tumubo at nagtagumpay na pimples na binagayan ng makapal na buhok na hunahalik hanggang sa balikat.Isa

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    FIRST TOUCH, FIRST TIME 2

    HELGA POV:Brutal ang koneksyon, makasalan, karnal. Na madali kong nagawa sa panonood ko ng porns kasama sina Cassie at ang iba pa naming kaibigan kapag nagkakatuwaan.Dahil nagsusulat ako, mahirap talagang i-visualize sa loob ng isip mo ang isang eksena kung hindi muna nakita o naranasan ang mga ito ng personal.Naging gamot ko na rin sa depression ang pakikipagniig ko sa ballpen at papel.Kailan ba nagsimula ang pagiging green minded ko?Ah, sa Fifty Shades of Grey.Nasa mga botones na agad ng dress shirt ni Craig ang mga kamay ko. Habang hindi malaman ng mga kamay niya kung paano ako hahaplusin sa buong katawan. Hinahagod niya ako sa ibabaw ng buhok ko, sa likod, sa balikat, sa mga brasong nagkakalas ng damit niya at wala na ring direksyon ang halik niya.Baliw. Haling. Nagmamadali.Gumiling ako sa dragon niya na galit na galit at tumakas sa bibig niya ang ungol na parang nagdedeliryo sa sarap.Masyadong mainit sa loob ng sasakyan kahit malakas ang aircon. Para kaming sinusunog ng

  • HELGA: THE BILLIONAIRE'S SASSY WIFE    FIRST TOUCH, FIRST TIME 1

    HELGA POV:Sumakay ako sa SUV ni Craig sa labas ng bar at napansin kong may driver siya. Pinababa niya yon at sinabing sumakay sa Sedan ni Jace.Hindi pa ako tumabi sa kotse ni Craig sa unahan pero yon ngayon ang ginawa ko.Para akong sasabog sa galit. Hati ako sa kagustuhan kong tiitisin ang nararamdaman ko o isisigaw ko gaya ng lagi kong ginagawa.“Okay ka lang ba?” Umuusad na ang sasakyan nang magtanong siya. Nag aalala sa akin. Sa akin din nakatingin sa halip na sa daan.Kinagat ko ang loob ng lower lip ko, nagtitimpi.“Patayin mo ang lintik na ilaw ng kotse mo at pakilaksan ang aircon, please lang.” Parang apoy ang hininga ko. Ang tindi ng galit ko. Para akong takure na sumisipol na sa init kaya kailangan ilayo sa kalan.“Helga…”“At huwag mo muna akong kausapin, pakiusap.” Nasa isip ko ang pagmumukha ng nanay niya. Anong klaseng tao ang gagawa nito sa gaya ni Lola Maria?Hayop sila!“Okay.”Pumikit ako habang nasa kandungan ko ang nag aagaw buhay na sili. Parang kelan lang nagbu

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status