HELGA POV:
45 days pa mula ngayon, birthday na rin ng bff ko, si Summer. Isa pa yon sa ipinagpuputok ng butse ko. Pero sa malas, dahil sa ugali niyang ito, wala na sa akin ang kontrol, pagpapasya at pagkakataon na madaluhan ko yon. May bahagi ko na natutuksong ipaliwanag sa kanya kung bakit mahalaga sa akin ang manatili pa sana dito sa San Luis, pero nagbuntong-hininga na lang ako. Gusto lang ba niya ang mahalaga? Kung ano ang nararamdaman niya? Nakakasawa na ang ugali niya. Para siyang bata. At kapag pala napagod ka na sa isang tao, gaano man siya kahalaga sa buhay mo, sa nakaraan mo, wala na siyang lugar sa hinaharap mo. Sinira ni Craig ang lahat. Kaya tama na. “Gusto ko nang umuwi. Ihatid mo ako sa bahay.” “Alam mong kalokohan yan,” hinagod niya ako nang tingin. “Baka atakehin sa puso si Lola Maria kapag nakita kang ganyan ang damit. Taga-cabaret lang ang nagsusuot ng ganyan dito. Hubad sa likuran. Sino ba ang nagsabi sa yo na bagay sa yo yan? Saang planeta ka ba pupunta?” Kinagat ko ang loob ng bibig ko. Ayokong makipagtalo pa. “Kung kailangan kong magpalit ng damit, ibalik mo ako sa parlor.” Dinampot niya ang sapatos na hawak ko pa rin. Pulang pula din yon. Nagmumura. Galit. Gusto ng away. Parang ako. Tinangka niyang isuot sa akin pero pagdampi pa lang ng daliri niya sa ankle ko, umigkas na ako palayo. “Tigilan mo na ang pagkuha ng impormasyon kung kani-kanino para lang iwasan kita at hindi kita magustuhan. Huli na ang lahat. Wala ka pang regla, gusto na talaga kita. Ikaw talaga ang gusto kong pakasalan.” Inis ang buntong-hininga niya. "Ayaw mo lang kasi maniwala. Porke ba mapagbiro ako, lahat ng bagay kalokohan na?" Hindi ko na naiproseso ang sinabi niya. “Puede bang tumigil ka na!” Nakakarindi ang mga sinasabi niya. Para akong mababaliw. “Tatakbo ako sa parang pauwi kesa makinig sa yo! Ayokong marinig ang mga kasinungalingan mo!” “Jesus,” napapailing siya. Dinampot uli ang isang sapatos at sapilitang isinuot sa akin. “Wala sa lugar ang galit mo. Nagkakamali ka!” Ano sa ayaw kong magpahawak ang hindi niya maintindihan? Bakit paulit-ulit kami? Bakit lagi na lang? Tagalog naman ang sinasabi ko! Huli na naman para maawat ko ang sarili ko, naihampas ko sa ulo niya ang takong ng sapatos na naiwan sa kamay ko. Sa lakas ng lagatok, nag aalala ako na nabutas ko ang bao ng ulo niya. Malapit pa naman sa bumbunan. “Oh, my God!” Natumba siya sa backrest ng upuan, hawak ng dalawang kamay ang ulo niya, nahilo yata at may umagos na dugo. Mula sa sentido pababa sa leeg niya. Dinaluhong ko siya agad para maagapan kung malala ang sugat. “Kasi naman ang kulit mo!” Ungol lang ang nagawa niya. Nakayakap na sa bewang ko patagilid. Nakasubsob sa umbok ng aking dibdib. Doon siya humihinga. Nakadiin ang labi sa pagitan ng dalawang bundok ko. “Dalhin mo ako sa hospital, mako-coma yata ako.” Maniniwala sana ako, pero naramdamdam kong dumiin ang mga daliri niya sa laman ko sa balakang, dumulas papunta sa gulugod ko at ganoon din ang nakahawak sa likod ko ng balikat ko. Balat sa balat. Humahagod ang init. At doon siya napapaungol. Nagdedeliryo na yata sa kung anong kahalayan ang iniisip. Sinampal ko nga ng isa. Yong parang sama ng loob na pinakawalan pagkatapos itago ng isang dekada. Mahihiya ang mga kontrabida sa Philippine Cinema sa lakas ng ‘plak’ sa loob ng sasakyan. Umigkas siya palayo sa akin. Pisngi naman ang hawak niya. “Hayop ka! Maniac ka talaga!” Pinagsasampal ko siya at sinugod ko. Nagtatago sa dalawa niyang kamay. Para namang wala akong alam sa shadow boxing. Tatamaan ko siya kahit gaano siya kagaling! “Oo, na!” Pag amin niya, hinuli na naman ang mga braso ko. “Sinadya ko na! Hindi kasi kita mahawakan at mahalikan kung paano ko gusto!” Huminto ako sa paghinga, nauulol sa galit. “Bwisit ka!” Hiningal ako dahil sa pag amin niya. “Krimen pa rin yan. Sexual harassment pa rin yan! Act of lasciviousness yan! Ibig mong sabihin, kapag ayaw ng babae na magpahalik, dadahasin ninyo na lang?” “Sinong ninyo?” Umayos siya nang upo paharap uli sa akin. Dumukwang palapit. “Kung hindi mo napapansin, tinatanggap ko lahat ng kasungitan mo. Kahit bayolente ka pagdating sa akin, tinitiis ko na lang dahil doon ko lang nakikitang natutuwa ka at kumikislap ang mga mata mo sa tuwing nakakasakit ka. Ako ang biktima dito. Domestic violence ito, Mrs. Helga Alastair. At kahit saan tayo makarating, ikaw ang talo. Sa kahit anong dahilan, masama ang manakit ng tao.” Pinakawalan na niya ako. “Mrs. Alastair? Tao?” Itinulak ko siya sa noo. “Neknek mo. Walang matinong lumalabas sa bibig mo. Ako pa ba ang i-gaslight? Try again.” Hinila ko uli ang pabukas ng pinto pero naka-lock. Hinarap na niya ang manibela. “Magsapatos ka o bubuhatin kita? Maraming damit sa loob ng cottage.” “Ayoko!” “Oh, di dito na tayo matulog. You can ride me, kapag namanhid ka na kauupo.” Kumikindat ang loko, nakatitig sa akin tapos lilipat sa umbok ng pagkalalaki niya. Hindi na ako nakatiis. Sinakyan ko nga siya sa pagkalalaki niya kahit tumatakbo ang sasakyan. Paki ko kung mabangga. Sinabunutan ko siya, dalawang kamay at kinagat ko sa tenga. “Helgaaaa!” Sumabog sa hangin ang sigaw niya. Nagliparan palayo ang mga ibon kahit sarado ang mga bintana ng sasakyan niya. At ako, saka lang ako kumalma. Naupo ako na parang walang nangyari. Nagiging graceful ako kumilos kapag nakaganti na ako sa kanya. Hindi ko alam pero sakit ko na ito. Kumakalma ako kapag nasasaktan siya. Patawarin ako ng Diyos. **** CRAIG POV: “ANO bang meron sa inyong dalawa? Sa tuwing uuwi kayo dito sa bahay parang galing kayo sa giyera sa Iraq?” Galit na naman si Lola Maria. Nasa balkonahe kami ng bahay na malapit ng magiba. At ako, may benda sa ulo, may band aid sa kilay at dumudugo pa ang tenga. May kalmot din ako sa leeg.CRAIG POV: Nagkatinginan kami ni Helga, nagsisihan. Aminado ako na kasalanan ko lagi pero meron din naman siya.Napakamanhid ng babaing ito. Ano ang malabo sa meron sa amin?Nasa kinder pa lang siya, isinigaw ko na mahal ko siya. And for the record, matanda ako sa kanya ng apat na taon, pero nagpapabihis ako sa yaya ko ng pareho ng luma kong uniform sa kinder para matanggap niya ako at sumama siya sa akin pauwi.Pero kahit noon, maldita talaga siya. Mas gusto pang maglakad ng mahigit tatlong kilometro kaysa sumabay sa service car namin. Kaya yong paa niya, hugis luya!At kahit anong pa-cute ko, hanggang ngayon, sinasaktan pa rin niya ako.Yong napakaguapo ko, pero punching bag lang?Saklap.“Lola, siya po talaga ang may kasalanan.” Si Helga, itinuturo ako. Nakakuyom ang mga kamay niya sa kandungan. Ganyan yan kapag gusto pa ng round 2 at gusto akong atakehin!At dahil ako ang lalaki, ang lagay ba, ganon-ganon na lang?Hindi ko siya gagantihan?Bawat hinga niya konektado sa lola n
CRAIG POV: Kaya mahal na mahal ko si Lola Maria.Siya ang aking ALAS.Sabay uli kaming tumungo sa harap ng matanda.“Magpapahinga na ako.” Ginamit nito ang baston para makatayo mula sa tumba-tumba. Mabagal, pero walang masakit na iniinda sa katawan palibhasa masipag maghalaman at maraming pinagkakaabalahan kahit may edad na. “Helga, ihatid mo si Craig sa labas at huwag na kayong mag aaway, hane?” Nakikiusap ang tinig nito. Parang pagod na pagod.Sabagay, isang beses isang linggo nasa harap kami ng tribunal ni Lola. Kainaman. Ang tigas ng puso ni Helga!Parang gusto ko na nga ring sumigaw.Nagkatinginan kami ni Helga na nanlilisik ang mata, palagi naman. Mahal ko naman talaga siya pero para ko na ring hinangad ang kamatayan ng ilan sa partido ko na ayaw na ayaw sa kanya.Ano ba ang gagawin ko?Halos hindi ko namalayang naglalakad na ako palabas ng bahay at katabi ko si Helga, suot ang t-shirt na puti ng utol kong si Jace. Maluwang sa kanya kaya kung hindi niya pinilipit sa parteng p
CRAIG POV:Tensyonadong nagbuga ng hangin si Jace. Posibleng alam niya ang totoo dahil kilalang-kilala niya ako pero wala naman siyang magagawa. “Anong plano mo kay Brandon?” Si Brandon ay isa tatlong bruskong anak ng bagong asawa ng mom ko. Pasaway, adik, takaw-gulo at parang nababaitan sa akin dahil hindi ko pinapatulan. Pero ang totoo, gusto ko na talagang bawasan ng ilang bagang at front teeth sampu ng wisdom tooth ng lintek na yon na hindi gumagana. Gusto kong baldahin ng ilang buwan o ma-coma man lang siya kahit isang linggo.Kung hindi lang ako nangako kay Helga na hindi na ako makikipag away kapalit ng hilig ko sa karera.Si Brandon din ang dahilan kaya maaga ako sa parlor kanina. Ipinahabol ako sa mga barkada niya dahil ibinangga ko ang paboritong kotse niya.Ito naman ang nanguna. Nilait si Helga at pinagbantaan na ireregalo sa mga tropa niya.Below the belt na yon. Kaya sa galit ko, nabugbog ko na agad ang mga kaibigan niya kanina. Anim laban sa isa. Gusto kong ipakita ku
HELGA POV:Alam ko na ang tama at mali. Pero maliban sa picture na nakita ko noon sa wallet ni Craig, may ilan pang dahilan kung bakit ayoko sa kanya.Marami.“Grabe ka naman,” tumatawa kahit ang mata niya. “Good catch si Craig. Sobrang loyal sa yo at walang ibang babaing kinababaliwan kundi ikaw. Oo, may ilang tutol sa pamilya niya pero 90% ng mga tao dito, botong-boto sa tandem ninyong dalawa. Alam mo rin naman yon, diba? Kampante ka lang talaga kahit ang dami-daming nagkakandarapa sa kanya.”Diyos ko. Ibahin ko na lang ang topic. Wala akong nararamdaman kahit katiting na takot kung ibang babae ang mapapangasawa ng lalaking yon.Wag talaga ako!Maraming beses ko nang isinigaw: hinding-hindi ako mag aasawa at magpapakasal!Sa kulturang ito ng Pinas na parang ewan, tapos walang divorce?No way!Hindi ko itatali ang sarili ko sa isang tao habangbuhay dahil lang sa romance, pera, koneksyon o ano pa mang dahilan.Tamaan na lang sana ako ng cancer at maagang mamatay!Ang parents ko nga,
HELGA POV:Pasukan sa grade six, nang isama uli ako ni Craig sa bahay nila. Wala ang mama niya, nasa bakasyon sa Paris. At nakita kong sinunog ang ilan sa mga ipinadalang ‘regalo’ ng lola ko kay Celeste. Mga handicrafts na ang ilan ay tinulungan ko pa ang lola ko na gawin yon. Pinaghirapan naming dalawa at minsan ay inaabot kami ng magdamag. Bakit ba galit na galit yon sa lola ko?Ang mga bagay na yon sinabi ko sa lola ko at umiiyak akong nagsumbong. Nagulat ako na ako pa ang parang mali ang ginawa.“Mangako ka,” kinakalog niya ako sa magkabilang balikat. “Wala kang pagsasabihang kahit sino ng mga nakita mo sa bahay ni Celeste. Kakalimutan mo agad yon. Gaya ng isang panaginip.” Kinagat ko ang labi ko. Ayoko. Hindi ko lang masabi. Gusto kong malaman ng iba na salbahe ang babaing yon! “Sige,” huminga siya, nag aalala, nararamdaman yata ang pagrerebelde ko, “tatanungin kita: sasabihin mo ba yan sa mga kaibigan mo gaya ni Summer?”“Hindi po.”“Tama,” hinaplos niya ang buhok ko dahil sin
HELGA POV: Nalungkot ako nang maisip ko na hindi ko na siya masasamahan sa bundok. Kapag birthday niya kasi, naglalaan siya ng oras para magkatay ng ilang manok at umahon sa lugar ng mga katutubo.Doon kami kumakain sa casa. Isang maliit na bahay nayon kung saan nagsasama-sama ang mga Ita at Kabihug sa mga maliit na pagtitipon.Bahay nayon na nagiba dahil sa malakas na bagyo kaya pinerahan ko si Craig para maitayo uli at nadagdagan ng dalawang silid aralan.Sa kabila ng perang dumaan sa bank account ko, ang isang milyon na yon ay deretso rin sa account ni Kapitan Billy.Wala akong kinuha ni kusing para mabago ang buhay namin.Kahit isang pirasong panty.Wala akong maisip na paggagamitan ng pera kundi sa bagay na yon. At kung mauulit pa dahil ninakawan na naman ako ng halik ng lintek na lalaking yon at apat na beses na, balak ko ring gamitin sa mga kakailanganin ng mga estudyante sa bundok.200k, puede na yon. At hindi naman umaangal si Craig. Bigay lang ng bigay.Lahat nga gusto nang
HELGA POV: Napaunlad niya ang Cassie’s Corner sa loob lang ng dalawang taon at ngayon ay may ilang private suite na ito na kayang mag serve ng mamahaling alak dito sa bar.May parking area na rin na nabili mula sa sari-sari store na nalugi, nagsara at bumalik sa pagbubukid ang may ari.At dahil binili niya yon kahit gipit na at walang extrang pera, date muna ang pambayad niya sa mga lalaking may gusto sa kanya na pumayag maging bouncers at bantay sa negosyo niya.May ilan din na tinatanggap niya bilang investors at yon ang kahanga-hanga.Paano niya yon nagagawa matapos bastedin ang mga pobreng lalaki?Kung totoo si Medusa, yon si Cassie. Magigising ang lalaki na bato na sa sakit ang puso nito at blue balls lang ang napala.Pero ang panghatak talaga ng customers ay ganda ni Cassie. Nag aral ng bartending online at ngayon ay pinipilahan ng manliligaw.Kung mayaman ako, aalisin ko siya sa lugar na ito, pero sabi nga ng lola ko, bago ka mag alaga ng iba, alagaan mo muna ang sarili mo.Wa
HELGA POV: “Helga, bumalik na tayo, dumadami na ang tao!” Hinihila ako ni Cassie sa isang braso palabas. “Tayo na, please.” Takot na takot ang kaibigan ko.Pero hindi.Lagi na lang ba akong magtitimpi?At pagkatapos, palagi din itong mauulit sa lola ko?Binuhat ko sa ere ang isang metal na stool bar at inihagis ko sa loob ng counter kung saan maraming babasaging alak. Na sa halip na saluhin ng dalawang higanteng bouncers sa labas ng counter, inilagan kaya tumama sa rack ng mga bote at nabasag ang mga yon.Parang domino effect, nayanig ang rack at tuloy-tuloy na bumabagsak paisa isa ang bawat hanay niyon dahil babasagin ang layers. Lumikha ng eskandalosong ingay na sumisigaw na kaguluhan.Nasa 50 bote ng makukulay na mamahaling alak at nadadagdagan pa.Nagsigawan ang mga tao sa loob.“Destruction of private property yan!” Dinuro ako ni Mike. Sumugod palapit sa layong tatlong dipa.“Tumahimik kang hayop ka!” Dinuro ko rin siya at tinabig ko ang kamay niya na nasa mukha ko na. “Assault
HELGA POV: Hindi na nga dapat umabot sa sakitan, pakiramdaman na lang, dapat na siyang dumistansya. Lalo na’t hindi na kami mga bata.Pero talagang makulit siya.“Kaya umuwi ka na at nang hindi masayang ang araw mo.” Itinulak ko siya sa dibdib.Halik ang isinagot niya sa akin, na tumama sa pisngi ko pero natigilan ako. Kaya dumulas papunta sa labi ko at hindi na ako pumalag.Inangkin niya ako na parang kinakain ang labi ko sa tindi ng kanyang pagtitimpi at kapusukan na napaungol ako, nahahati kung ititigil ko agad o sisigehan ko pa. Nanalo ang amoy ng mint sa hininga niya kaya natukso akong gumanti ng halik sa halip na tumigil. Nagbagal. Nagtantiyahan naging patikim-tikim at nauwi uli sa mapusok at mapaghanap na uri ng halik.Napakatamis ng labi niya. Napabango niya. Malulusaw ako sa kapusukan niya kung magtatagal kaming ganito.Tinangka kong ipaling paiwas ang mukha ko para huminto na siya pero umuungol siya, nagmamaktol. “Napuyat ako kagabi, sobrang tigas ni Junior. Napakasakit.
HELGA POV:Bawal dito sa bayan namin ang negosyong ganito na bukas magdamag.Isa pang dahilan: gusto kong maturn-off sa akin si Craig Alastair at tantanan na rin ako ng mama niya.Pero heto kami, nagpapatintero pa rin.“Umuwi ka na lang sa inyo kung comfort ang hanap mo.” Nakairap na agad ako sa kanya. “Walang ganon dito.”“Ah, eh, tubig kanal na lang, puede na yon.” Pahabol niya nang basta ko na lang talikuran.Tumawa sina Nancy at Aileen na nagliligpit ng pinagkainan sa batalan o maliit na hugasan ng pinggan. Pero sanay na sila sa akin. Siguradong naawa kay Craig.Nakapark ang kotse ng bilyonaryong binata, makintab at bagong-bagong modelo ng Land Rover 20 meters ang layo sa tabing kalsada mula dito sa kubo namin. Pero heto at nagpapa alila sa babaing nakatira sa bahay na malapit nang magiba.Sa sumunod na mga oras, hindi naman parusa kay Craig na pinanood akong magsaboy ng niyog na pakain sa may 30 pirasong manok na kinakatay lang kapag may okasyon at nagpakain ako ng 3 malalaki
HELGA POV:Sa anim na nakikitira sa bahay ni Lola Maria, isa pa si Aileen sa espesyal sa akin. Magandang bata, matangkad at maputi pero hindi nakapasa ang ilong sa tangos na inaasahan ng ama kaya laging pinalalayas at pinagsasalitaan nang hindi maganda.Graduating na ito sa high school at may nanliligaw na rin.Tatlong taon nang dito umuuwi sa amin. Kapag Sabado at Linggo, umuuwi sa kanila sa bundok. Sa ngayon, anim na lang ang nakikitira sa amin. Pero may pagkakataong umabot sa 20 katao ang kasama namin dito noon. Kahit ang kamalig, may panauhin na rin at may panahong kahit rebelde o mga kaaway ng gobyerno, kinukukupkop ng lola ko.May pagkakataong natatakot ako para sa mga kasama ko, pero sabi nga ng lola ko: huwag mong sabihing takot kang mamatay?Nasa kapalaran daw ng tao na mag-krus ang landas ng isa’t-isa dahil nasa ilalim tayo ng iisang araw. At paano mo iisiping mabuti ka kung humahatol ka sa iba?Sa awa ng Dios, nagiging kaibigan ng lola ko ang lahat ng klase ng tao.Pero na
HELGA POV:Tinig yon ni Nancy na papunta sa kamalig, tumatakbo.Nanigas ako at para akong binuhusan ng malamig na tubig.Si Blackie ay marunong maglambing gamit ang nguso niya. Tamad tumahol pero bubungguin ka sa tuhod o sa lulod kapag nagpapansin ito.Habol iyon sa akin at natutulog sa ilalim ng papag kapag may ginagawa ako dito sa kamalig.Tinapik ko sa balikat si Craig sa kabila nang paghahabol ko nang hininga. Sarap na sarap pa naman ako sa aming ginagawa.Langit na sana kahit kiskisan lang sa kamalig, eh.“Itigil na natin ito. Tama na.”Sandali siyang hindi nakakilos. Nakadiin ang matigas na tipak ng maskuladong dibdib sa perpekto at matutulis kong nipples. Pumipintig ng mabilis ang mga ugat sa pagkalalaki niya na nakalapat sa tumitibok kong clit—ilang segundo na lang sana at nakaraos kami pareho.Baka hindi pa talaga panahon para magkatikiman ang dragon niya at ang mini-flower ko?May panghihinayang sa reaksyon ng mukha ni Craig. Dumaan sa mga mata ko ang titig, sa tangos ng aki
HELGA POV:“Jesus,” lango na sa pagnanasa ang daing niya. Duling na ang magagandang mata at mabibigat ang talukap niyon . Hinuli ang pink nipple ko at pinagulong sa loob ng dila niya. Inikutan, pinakawalan saka maingat na hinigit pataas. Binalikan ng maraming beses at kinagat-kagat sa pagitan ng ngipin. Tumatagal ay nagiging mahusay siya sa pagsipsip.Nasa tiempo ang hagod sa hubog ng dibdib ko at kung kelan niya hihigitin pataas ang nipple ko.“Ang…sarap…” ungol ko.Umarko ako sa ilalim niya. Sobra ang init na nararamdaman ko. Parang mga gapos na hindi nakikita.Umangat siya sa akin at tinitigan ang mapupungay kong mata. Pinakawalan ang kamay ko. Maingat na humaplos ang malalaking palad sa puno ng hita ko, paakyat sa zipper ng pants ko—nagpapaalam.“Can I?”“Gusto kita,” yon ang lumabas sa bibig ko. “Pero hindi pa ako handa sa ganyan. Kaya ko siguro pero dry humping.”Magagamit ko ito sa pagsusulat. Pero duda ako kung kaya kong i-publish ang tungkol sa kanya.Si Craig para sa akin ay
HELGA POV:Dapat i-pruning ang mga puno ng sili para mas mataas ang survival. Bawasan ng tangkay, dahon at mga bunga. Pero kapag ginawa ko yon, mahahalata ni Lola kahit malabo ang mata.“Sasamahan nga kita.”“Hindi na,” seryoso na naman ako. “Iwasan mo na lang ako, Craig. Yon ang tulong na magagawa mo. Para matahimik na tayong lahat.” Matagal siyang walang kibo. Naiinis na siguro kung bakit on and off ako pagdating sa kanya.Daig ko pa ang sinauna at dispalinghadong switch ng ilaw.Sala sa init, sala sa lamig, sabi nga ni Lola Maria.Inihagis ko ang asarol sa lupa matapos ang apat na puno pa na natira.24 pala ang tanim ni Lola.Dalawang dosena. 12 puno kada hanay. Ang hayop na Mike na yon, magbabayad talaga sa akin.Hinagod ko ng likod ng palad ang pawisan kong noo.“Do you really mean that?” Sa lalim ng iniisip ko, nalapitan na pala ako ng lalaking ito at naipihit na agad ako paharap sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko. “Handa akong mawala ang lahat sa akin maging asawa lang ki
HELGA POV: “Ako rin ba ang una?” Inunahan ko siyang magtanong. Mas mabilis, mas astig. Mas mahihirapan din siyang magsinungaling. “Bakit marunong kang humalik?”Subconsciously, alam ko ang sagot. Ang mga lalaki kapag nagkakatuwaan para ring mga babae. Kriminal siguro ako pero gawain kong gumamit ng mga gadgets para mag spy. Alam kong krimen yon pero bahagi yon ng aking pag aaral.Madalas, ballpen recorder at nabiktima ko na rin si Craig, ilang beses na.Good thing, hindi siya kissed and tell at kahit sinasabi kong babaero siya dahil ang totoo, alam kong maselan talaga siya sa babae. At nakakainis na ganon siya. Bakit ang daya? Napakaguwapo niya lalo na kapag ganitong malapitan. Nag uumapaw ang sex appeal at perpekto kahit saan mo tingnan. Ang ganda ng maangas na kilay, matangos na ilong at mapula pa yata kesa sa akin ang mapintog na mga labi.Makinis ang mukha na parang walang tumubo at nagtagumpay na pimples na binagayan ng makapal na buhok na hunahalik hanggang sa balikat.Isa
HELGA POV:Brutal ang koneksyon, makasalan, karnal. Na madali kong nagawa sa panonood ko ng porns kasama sina Cassie at ang iba pa naming kaibigan kapag nagkakatuwaan.Dahil nagsusulat ako, mahirap talagang i-visualize sa loob ng isip mo ang isang eksena kung hindi muna nakita o naranasan ang mga ito ng personal.Naging gamot ko na rin sa depression ang pakikipagniig ko sa ballpen at papel.Kailan ba nagsimula ang pagiging green minded ko?Ah, sa Fifty Shades of Grey.Nasa mga botones na agad ng dress shirt ni Craig ang mga kamay ko. Habang hindi malaman ng mga kamay niya kung paano ako hahaplusin sa buong katawan. Hinahagod niya ako sa ibabaw ng buhok ko, sa likod, sa balikat, sa mga brasong nagkakalas ng damit niya at wala na ring direksyon ang halik niya.Baliw. Haling. Nagmamadali.Gumiling ako sa dragon niya na galit na galit at tumakas sa bibig niya ang ungol na parang nagdedeliryo sa sarap.Masyadong mainit sa loob ng sasakyan kahit malakas ang aircon. Para kaming sinusunog ng
HELGA POV:Sumakay ako sa SUV ni Craig sa labas ng bar at napansin kong may driver siya. Pinababa niya yon at sinabing sumakay sa Sedan ni Jace.Hindi pa ako tumabi sa kotse ni Craig sa unahan pero yon ngayon ang ginawa ko.Para akong sasabog sa galit. Hati ako sa kagustuhan kong tiitisin ang nararamdaman ko o isisigaw ko gaya ng lagi kong ginagawa.“Okay ka lang ba?” Umuusad na ang sasakyan nang magtanong siya. Nag aalala sa akin. Sa akin din nakatingin sa halip na sa daan.Kinagat ko ang loob ng lower lip ko, nagtitimpi.“Patayin mo ang lintik na ilaw ng kotse mo at pakilaksan ang aircon, please lang.” Parang apoy ang hininga ko. Ang tindi ng galit ko. Para akong takure na sumisipol na sa init kaya kailangan ilayo sa kalan.“Helga…”“At huwag mo muna akong kausapin, pakiusap.” Nasa isip ko ang pagmumukha ng nanay niya. Anong klaseng tao ang gagawa nito sa gaya ni Lola Maria?Hayop sila!“Okay.”Pumikit ako habang nasa kandungan ko ang nag aagaw buhay na sili. Parang kelan lang nagbu