HELGA POV:
“Matagal na." Dugtong ko nang matulala siya. "Grade six pa tayo. Party sa bahay ninyo. Nagtago ako sa basement ng mansyon ninyo at nakita ko ang wallet na yon sa jacket na ginamit mo nang sunduin mo ako sa bahay. Kaya pala palagi kang makulit at masaya, ako ang…laruan mo dahil hindi ka makapagtapat sa kanya.” “Shit.” Nagbago ang lahat. Alam ko. Natapos ang laro na tiniis ko nang matagal na panahon. Yong nagpapanggap akong hindi ko na lang nakita dahil kapag sinusungitan ko siya sa akin pa nagagalit si Lola Maria. Kailangan daw naming magkasundo. At sa pagdaan ng panahon, wala siyang ideya kung gaano kasakit sa akin kapag hinahalikan niya ako pero iba ang nakalagay sa wallet niya. Kung hindi yon pananamantala---ano yon? Umangat siya sa akin at nanlalaki ang mga mata na tinitigan ako. “Sabihin mo—natandaan mo man lang ang mukha ng babaing yon?” Grabe, ang kapal. Yong tono niya umaasa na dapat ganon pa ang ginawa ko! Sinibat ko siya nang tingin. “Gago ka ba?” Inis akong tumayo. “Ilang beses ko ba sa yong sasabihin na may selective memory ako dahil sobrang dami kong iniisip palagi! At wala akong pakialam kung sino ang gusto mo kaya hindi ko maalala ang mukha niya. Yong pink dress, oo. Mukhang signature, eh. At Original Gucci ang bag. Ang sapatos, imported. At bagay kayo, yon ang mas mahalaga.” “Helga,” tinangka niya akong hawakan sa balikat pero umatras ako. “Pero mali ka ng iniisip.” Lintek, ngumiti ba siya? Parang nakita kong ngumiti siya! Dios ko, bakit bawal pumatay ng tao? “Wala naman akong pakialam!” Dinuro ko siya. “Ganyan naman kayong mayayaman. Ang tingin ninyo sa gaya ko, walang pakiramdam. Kaya okay lang. Yong 1 miliion pesos na siningil ko sa yo sa dami ng beses na ninakawan mo ako ng halik, worth it na rin. I will put the money into good use. Kakalimutan ko na ring totoo ang mga halik na yon at iisipin kong hindi kita nakilala ever.” At hindi na rin tayo magkikita kahit kailan. Yan ang huling beses na tatawagin mo akong nuno sa punso at kung ano-ano pa! Tinalikuran ko na siya. “Pumunta ka sa party mamaya.” Humalo yon sa hangin. Parang balsamo na nagpamanhid sa galit ko. Napahinto ako sa paglalakad. Titigil lang ba siya kapag nasa mental hospital na ako? Hinarap ko uli siya sa layong dalawang dipa. Mata sa mata. “Sa ating dalawa, ikaw ang dapat matakot at mahiya. Ikaw ang walang delikadeza. Kaya huwag mo akong takutin. Alam ko ang kahinaan ng mga gaya ninyo—reputasyon. At alam na alam mong marami akong hawak na katibayan na madalas, dinadahas mo na ako kapag ninanakawan mo ako ng halik. Bastos ka.” Salbahe! “Susunduin kita o kakausapin ko ang lola mo?” Hayop talagaa! Tumaas ang dibdib ko sa biglang pagsikip ng aking hininga. Alam na alam niya ang kahinaan ko, ayokong ma-stress si Lola. Palagi na lang. Tumingala ako sa langit. Hindi ako makapag isip. “Oo na!” Pumadyak na lang ako sa lupa. Tamaan ka sana ng kidlat, hudas! Barabas! Hestas! Naghiwalay na kami ng landas. Alas kuwatro pa lang ng hapon, nagpaalam na ako kay Lola Maria. Hindi ako puwedeng sa bahay magbihis at magpaganda. Makakahalata ito na may gagawin akong abnormal ngayong gabi. Balewala kasi sa lola ko ang pagsama ko kay Craig kahit anong oras. O kahit buhatin ako ng lokong yon palabas ng bahay habang tulog, papayag pa rin ang lola ko. Botong-boto si Lola Maria sa lalaking yon kaya natutuwa pa na nadadagit ako ni Craig. Pero iba ito ngayon. “Napakasexy mo naman pala kapag naayusan!” Napasipol si Carrie nang matapos sa akin ang dalawang bading na kaibigan niya. “Baka matuluyan mabaliw sa yo si Craig niyan at hindi ka na makalabas ng kanilang bahay.” Sa kanya ang damit, hiniram ko lang dahil wala naman akong pambili ng signature clothes. Sa kanya rin ang sapatos. Hinaplos niya ang makinis kong balikat na labas sa tabas ng damit. Halter. Ang cut out sa likod, buong buo, halos umabot sa waistline. Hapit sa katawan at kitang kita ang maliit kong bewang. Kung matambok ang perlas ng silangan ko, hapit din sa puson at sa lugar na yon kaya makikita at mapapansin talaga. Salamat at sakto lang kaya wala akong kailangang ipag alala kung may ibang makakakita. “Sa den niya ang party. Gaya ng dati. At isa pa, walang matutukso sa babaing nuno sa punso!” Alam kong exaggerated yon, marami ang nanliligaw sa akin. At hindi ko maintindihan ang takbo ng utak ng mga lalaking yon dahil balitang-balita na binabraso at tinatakot ni Craig. Ang lalakas ng loob. At sabagay na yon, thankful ako kay Craig na winawalis nito ang mga major irritation ko. Gaya niya. May isa nga na binili ng lokong yon ang lahat ng ari-arian dito para lumayas. Nag-pout ako sa salamin. Wala naman akong hindi gusto sa hitsura ko. Grasya na ito ng Dios. Kahit ang heigt ko na 5’3 lang kaya sagana ako sa panunukso kapag kasama ko si Craig. 6 feet tall naman ang hudas na yon. Pero para sa iba, okay naman ang taas ko. O baka matangkad ang gusto niya sa babae? Mowdel? Pero kung tutuusin, kung ibabase sa kasaysayan ng Pilipinas, bongga na ang height ko para sa isang Pilipina. Sobra pa nga dahil sa pangkalahatan daw ay 5 feet 1.57 inches lang. Ang mga lalaki daw ay nasa 5 feet 4.25 inches lang. At ang average height talaga sa babae ay 4 feet 10.89 inches lang. Kaya kung tutuusin, nalahian na ang mga ninuno ko ng mga taong nanakop at naligaw sa bayan ni Juan Dela Cruz. Noong 19th century, ang tawag nga daw ng mga Europeans sa mga Pilipino ay short-statured, kapareho ng mga bansa sa Southeast Asia. Pero bakit bothered ako kapag sa bibig ng lalaking yon lumalabas ang panunukso? Hindi ko naman gustong maging perpekto sa paningin niya kahit kailan.HELGA POV: Nagbayad pa nga ako sa dati nilang kasambahay kung ano ang mga ayaw ni Craig sa lahat ng bagay. Pagkain, kulay, damit, panahon at higit sa lahat, ano ang turn-off para sa kanya pagdating sa isang babae? Ginawa ko ang mahabang listahan at halos nangangalahati na ako pero mas lalo siyang naadik sa pang aasar sa akin. Kung halik lang, maraming gagawa niyon sa kanya. Libre pa. Taas ang kamay at paa at maraming tatalon ss bangin mabiyayaan lang niya. Si Craig ang hndi purong Pinoy ang genes. May lahing Italyano ang dad niya. At matangkad na mestiza at may lahing kastila ang mama niya, si Celeste. Si Celeste na galit na galit sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko naman hinaharot ang anak nito. Si Craig ang bumubuntot sa akin. Ewan ko sa mundo. Alikabok lang daw tayo pero yong bigat ng mga pagsubok at problema, mahihiya si Atlas na pasan ang buong mundo. 6:00 PM sa phone ko, tumawag ako kay Craig habang nagpapatay ng oras sa Twin-Combs. Sikat na parlor para sa m
HELGA POV: Gusto ko pa namang patunayan na hindi ako bansot ngayon sa 5’5 na height suot ang mga yon, tapos purnada pa. Bakit ba ang hirap maghiganti? “Craig, ano ba?!” Isinalya ako halos papasok ng Land Rover niya at bumarurot palayo sa bayan. Hindi niya ako pinapansin sa tabi niya kahit hinahampas ko siya sa braso niya at sa balikat. Nahulaan ko agad na hindi sa Den ang tinatahak naming daang lupa nang marating namin ang crossing at lumiko siya sa kaliwa. Papunta yon sa cottage ng kapatid niyang si Jace na malapit sa busai at mas malayo sa bahay namin. Malubak ang daang kalsada na bitak-bitak. At kahit sakop ng lupain nila, ayaw pagkagastusan ng matatanda sa pamilya nila. Sabi ng iba, dahil tumatapak ako doon. Lahat daw ng nararating ko, minamarkahan ng mommy ni Craig na malas na lugar. Personalan talaga. Nasayang lang ang sigaw at pagmamaktol ko sa loob ng sasakyan. “Mag usap tayo. Walang halong biro, seryoso.” Aniya, kinabig ang manibela sa pribadong lupa papasok pa sa
HELGA POV: 45 days pa mula ngayon, birthday na rin ng bff ko, si Summer. Isa pa yon sa ipinagpuputok ng butse ko. Pero sa malas, dahil sa ugali niyang ito, wala na sa akin ang kontrol, pagpapasya at pagkakataon na madaluhan ko yon. May bahagi ko na natutuksong ipaliwanag sa kanya kung bakit mahalaga sa akin ang manatili pa sana dito sa San Luis, pero nagbuntong-hininga na lang ako. Gusto lang ba niya ang mahalaga? Kung ano ang nararamdaman niya? Nakakasawa na ang ugali niya. Para siyang bata. At kapag pala napagod ka na sa isang tao, gaano man siya kahalaga sa buhay mo, sa nakaraan mo, wala na siyang lugar sa hinaharap mo. Sinira ni Craig ang lahat. Kaya tama na. “Gusto ko nang umuwi. Ihatid mo ako sa bahay.” “Alam mong kalokohan yan,” hinagod niya ako nang tingin. “Baka atakehin sa puso si Lola Maria kapag nakita kang ganyan ang damit. Taga-cabaret lang ang nagsusuot ng ganyan dito. Hubad sa likuran. Sino ba ang nagsabi sa yo na bagay sa yo yan? Saang planeta ka ba pupun
CRAIG POV: Nagkatinginan kami ni Helga, nagsisihan. Aminado ako na kasalanan ko lagi pero meron din naman siya.Napakamanhid ng babaing ito. Ano ang malabo sa meron sa amin?Nasa kinder pa lang siya, isinigaw ko na mahal ko siya. And for the record, matanda ako sa kanya ng apat na taon, pero nagpapabihis ako sa yaya ko ng pareho ng luma kong uniform sa kinder para matanggap niya ako at sumama siya sa akin pauwi.Pero kahit noon, maldita talaga siya. Mas gusto pang maglakad ng mahigit tatlong kilometro kaysa sumabay sa service car namin. Kaya yong paa niya, hugis luya!At kahit anong pa-cute ko, hanggang ngayon, sinasaktan pa rin niya ako.Yong napakaguapo ko, pero punching bag lang?Saklap.“Lola, siya po talaga ang may kasalanan.” Si Helga, itinuturo ako. Nakakuyom ang mga kamay niya sa kandungan. Ganyan yan kapag gusto pa ng round 2 at gusto akong atakehin!At dahil ako ang lalaki, ang lagay ba, ganon-ganon na lang?Hindi ko siya gagantihan?Bawat hinga niya konektado sa lola n
CRAIG POV: Kaya mahal na mahal ko si Lola Maria.Siya ang aking ALAS.Sabay uli kaming tumungo sa harap ng matanda.“Magpapahinga na ako.” Ginamit nito ang baston para makatayo mula sa tumba-tumba. Mabagal, pero walang masakit na iniinda sa katawan palibhasa masipag maghalaman at maraming pinagkakaabalahan kahit may edad na. “Helga, ihatid mo si Craig sa labas at huwag na kayong mag aaway, hane?” Nakikiusap ang tinig nito. Parang pagod na pagod.Sabagay, isang beses isang linggo nasa harap kami ng tribunal ni Lola. Kainaman. Ang tigas ng puso ni Helga!Parang gusto ko na nga ring sumigaw.Nagkatinginan kami ni Helga na nanlilisik ang mata, palagi naman. Mahal ko naman talaga siya pero para ko na ring hinangad ang kamatayan ng ilan sa partido ko na ayaw na ayaw sa kanya.Ano ba ang gagawin ko?Halos hindi ko namalayang naglalakad na ako palabas ng bahay at katabi ko si Helga, suot ang t-shirt na puti ng utol kong si Jace. Maluwang sa kanya kaya kung hindi niya pinilipit sa parteng p
CRAIG POV:Tensyonadong nagbuga ng hangin si Jace. Posibleng alam niya ang totoo dahil kilalang-kilala niya ako pero wala naman siyang magagawa. “Anong plano mo kay Brandon?” Si Brandon ay isa tatlong bruskong anak ng bagong asawa ng mom ko. Pasaway, adik, takaw-gulo at parang nababaitan sa akin dahil hindi ko pinapatulan. Pero ang totoo, gusto ko na talagang bawasan ng ilang bagang at front teeth sampu ng wisdom tooth ng lintek na yon na hindi gumagana. Gusto kong baldahin ng ilang buwan o ma-coma man lang siya kahit isang linggo.Kung hindi lang ako nangako kay Helga na hindi na ako makikipag away kapalit ng hilig ko sa karera.Si Brandon din ang dahilan kaya maaga ako sa parlor kanina. Ipinahabol ako sa mga barkada niya dahil ibinangga ko ang paboritong kotse niya.Ito naman ang nanguna. Nilait si Helga at pinagbantaan na ireregalo sa mga tropa niya.Below the belt na yon. Kaya sa galit ko, nabugbog ko na agad ang mga kaibigan niya kanina. Anim laban sa isa. Gusto kong ipakita ku
HELGA POV:Alam ko na ang tama at mali. Pero maliban sa picture na nakita ko noon sa wallet ni Craig, may ilan pang dahilan kung bakit ayoko sa kanya.Marami.“Grabe ka naman,” tumatawa kahit ang mata niya. “Good catch si Craig. Sobrang loyal sa yo at walang ibang babaing kinababaliwan kundi ikaw. Oo, may ilang tutol sa pamilya niya pero 90% ng mga tao dito, botong-boto sa tandem ninyong dalawa. Alam mo rin naman yon, diba? Kampante ka lang talaga kahit ang dami-daming nagkakandarapa sa kanya.”Diyos ko. Ibahin ko na lang ang topic. Wala akong nararamdaman kahit katiting na takot kung ibang babae ang mapapangasawa ng lalaking yon.Wag talaga ako!Maraming beses ko nang isinigaw: hinding-hindi ako mag aasawa at magpapakasal!Sa kulturang ito ng Pinas na parang ewan, tapos walang divorce?No way!Hindi ko itatali ang sarili ko sa isang tao habangbuhay dahil lang sa romance, pera, koneksyon o ano pa mang dahilan.Tamaan na lang sana ako ng cancer at maagang mamatay!Ang parents ko nga,
HELGA POV:Pasukan sa grade six, nang isama uli ako ni Craig sa bahay nila. Wala ang mama niya, nasa bakasyon sa Paris. At nakita kong sinunog ang ilan sa mga ipinadalang ‘regalo’ ng lola ko kay Celeste. Mga handicrafts na ang ilan ay tinulungan ko pa ang lola ko na gawin yon. Pinaghirapan naming dalawa at minsan ay inaabot kami ng magdamag. Bakit ba galit na galit yon sa lola ko?Ang mga bagay na yon sinabi ko sa lola ko at umiiyak akong nagsumbong. Nagulat ako na ako pa ang parang mali ang ginawa.“Mangako ka,” kinakalog niya ako sa magkabilang balikat. “Wala kang pagsasabihang kahit sino ng mga nakita mo sa bahay ni Celeste. Kakalimutan mo agad yon. Gaya ng isang panaginip.” Kinagat ko ang labi ko. Ayoko. Hindi ko lang masabi. Gusto kong malaman ng iba na salbahe ang babaing yon! “Sige,” huminga siya, nag aalala, nararamdaman yata ang pagrerebelde ko, “tatanungin kita: sasabihin mo ba yan sa mga kaibigan mo gaya ni Summer?”“Hindi po.”“Tama,” hinaplos niya ang buhok ko dahil sin
Kuripot ito, eh. Di kaya siya na ang nakatira dito hindi na si Jace? Kilala ko ang brother niya, may OCD. Perfectionist din at germaphobic.Kahit laman ng ref dapat perpekto sa grocery list nito. At ang pantry parang pang World War 3. Samantalang si Craig, tipikal na promdi kahit bilyonaryo na.Medyo makalat ng konti sa bahay at walang arte sa pagkain.Lalaking lalaki. Cowboy.Nagkamot siya sa ulo. “Alas otcho pa lang, babae. Bilisan mo diyan at ihahatid na kita pagkatapos.”Ganon?Walang awa yarn?Ipinasok ko sa bibig ko ang hotdog. Labas-masok. Sabay kurot uli ng kanin.Napikon siya. “Noong high school ka at nagsisimula kang magsulat ng novela, ganyan ka na ba talaga mag isip?”“Correction, noong nagsimula akong magsulat sa notebooks ng buong romance novel, dalisay at wagas pa ang puso ko. Kasing linaw ng batis sa bundok ng Sierra Madre. Pero may nakilala akong babae na nakakainis ang ugali kaya nagbago ang writing style ko at crime and thriller na ang isinusulat ko.”Nanay mo yon
HELGA POV:“Di nga?”“Oo nga. Tawagan mo pa kung gusto mo.”Namula ako, kumalat sa pisngi ko hanggang sa pisngi ng kiffy ko. “Nakupo, lagot na talaga ang Bataan. Ibagsak na natin agad!”“Helga,” seryoso na naman siya. “Kinakabahan talaga ako kapag may hindi normal na nangyayari dahil ganyan na ganyan ang Mom ko. Iba ito sa inaasahan ko kung ang titingnan ko ay ang totoong ugali mo. Baka naman may kakaiba kang inililihim sa akin?”Kinagat ko ang labi ko. “Bitiwan mo nga ako,” utos ko. “Gusto kitang mahawakan,” ginawa naman niya kaya hinaplos ko ang buo niyang mukha. Ang mata, ang talukap, ang mahabang pilik, tumulay sa tangos ng kanyang ilong. Na hinuli agad ng bibig niya at sinipsip. Hiningal ako. Nabuhay ang kakaibang pangangailangan. “Nagsawa na ako sa kurot ni Lola. Sabi niya kanina, karapat-dapat ka raw sa akin kaya parang natauhan ako.”Half truth naman yon kaya konti lang ang guilt ko.“At anong dahilan kanina bakit ka umiiyak na parang inahing baka na nawalan ng guya?”Yan an
Binasa ko ng dila ang labi ko, bitin ako sa isa pang dibdib niya. “Gaya ng sinabi ko sa yo sa loob ng SUV mo nang una tayong magkatikiman–kung ayaw mo, puede si—”ako naman ang pinatahimik niya ng mapusok na halik.Hinuli ng malalaking kamay niya ang mga pulso ko at inipon sa iisang kamay sa uluhan ko. Pinisil ang isang dibdib ko at isinubo ang nanunulis kong nipple. Kinagat-kagat saka hinila sa pagitan ng mga ngipin.Namilipit ako at umingaw na parang pusa. Nagmakakaawa sa mas matindi pa niyang halik.“Puede kang sumigaw dito, pero hindi na kita pakakawalan ngayon, Helga Rovelo.”Nasa pagitan na agad ng mga hita ko ang malapad niyang balakang. Dumidiin sa pagkababae ko. Gumagawa ng dry humping para iparamdam na yon ang initial na laki na dapat kong paghandaan. Oh, God. Gusto ko yon kahit na masakit!“Fuck me, Craig,” haling kong bulong. “Sa yo lang ako.”Na-engkanto yata sa narinig. Pinuntirya niya kaagad ang nasa pagitan ng hita ko. Pababa ang halik mula sa aking dibdib, sumisipsip
HELGA POV:“Shit!” Binuksan ko ang bagong lata at sumirit yon dahil sadya kong kinalog habang nagsasalita siya. “Lintik, natapon!” Umigkas ako palayo sa kanya dahil nabasa ako pero inaasahan ko na yon—-sinadya ko rin.Parang fountain na sumirit sa aking leeg, t-shirt at pants ang laman ng beer sa lata.Hinubad ko ang t-shirt kong nabasa at hinarap ko siya. “Pahiram ng extra shirt. Pakibilis lang.”Umigkas siya patayo para kumuha ng damit sa kuwarto, natataranta dahil yata sa paghuhubad ko pero sinundan ko siya.Sa likuran niya, hinubad ko na rin ang pants ko.“A-Ano bang..?”“Bra at bikini, meron kayo dito?” Naihagis ko na agad ang bra ko sa ibabaw ng kama.At ewan kung bakit pakiramdam ko nang makalaya ang dibdib ko mula sa matinding galit ko kanina sa puntong hindi ako makahinga, parang naging doble yon sa size, bumigat at lumaki. Pumipintig ang nipples ko.“H-Helga…tinutukso mo ba ako?”Para siyang poste sa tabi ko, hindi alam ang gagawin. “Depende sa yo. Papayagan mo ba akong
HELGA POV: Hindi ako tatanggihan ni Craig.Hinahangad niya ito.Kaya simulan na natin ang laro, Celeste.Matira ang matibay.Inakbayan ako ni Craig palayo sa tabing ilog, inaalalayan ako. Dahan-dahan din kaming maglakad na para bang bagong panganak ako o galing sa chemo. Hawak niya ang basket na wala pang laman dahil natapon sa kasukalan.Okay lang.Laban lang, Helga. Wala ka mang nakuhang halamang gamot, makakahawak ka naman ng ibang ‘ugat’.Itayo mo ang bandera ng mga yagit! —--------SUMIRIT ang bubbles nang buksan ni Craig ang lata ng beer in can bago iabot sa akin.Nasa loob kami ng makabagong cottage ni Jace kung saan malapit sa busai o maliit na waterfalls ilang kilometro ang layo sa bahay namin.3 yata o 4 na kilometro. Hindi ko nga namalayang narating na namin dahil tulala ako habang nagmamaneho si Craig kanina papunta dito.Pero ngayong, nakasiksik na ako sa tabi ng salaming bintana, sandali akong naaliw nang makita ko ang mga bagong tanim na niyog na mababa pero namumung
HELGA POV: Binaybay ko ang ilog kung saan kami muntik magkatikiman ni Craig dahil malapit lang yon sa bahay. Natukso akong libutin ang kabilang panig ng ilog na sakop na ng lupain ng mga Alastair dahil open naman ito sa lahat ng gustong pumunta. Marami dito ang dumadayong maligo kapag tag-init. At nangunguha ng hipong bundok, isda, pagong at iba pa. Galing ako sa mataas at malagong kasukalan nang matanaw ko si Madam Celeste, sakay ng puting Stallion nito at kasabay na namamasyal ang kanang kamay nito, si Imelda. Para akong sinipa ng kabayo sa lakas ng kaba ko. Naku, aatakehin din ito sa puso kapag nakita ako! Nagtago ako sa talahiban dahil madadaanan nila ako. Mabuti na lang at camouflage ang kulay ng pang itaas ko at gray ang pants ko. Dumausdos ako pahiga sa damuhan. Yakap ko ang basket ng lola ko, pasandal sa malaking puno. “Nakakarating din daw sa ilog na ito sina Craig at ang babaing yon,” si Celeste ang nagsasalita sa layong halos tatlong dipa. “The nerve of that
HELGA POV: “Dahil ikaw mismo ang dahilan,” dinuro ko siya sa tapat ng puso niya, “ang nararamdaman mo sa akin na yan, ang pagmamahal na yan na sinasabi mo. Dahil diyan mismo kaya nahirapan akong maging masaya sa bayan na ito. At yong mga pangit na nararanasan ko na hindi ko sukat akalaing dadanasin ko–ikaw rin ang rason, Craig. Kaya paano? Sabihin mo sa akin: paano maging tayo kung ikaw mismo ang ugat ng mga paghihirap ko noon pa at mga titiisin ko pa sa mga darating na panahon?” Natulala siya. Bumagsak ang mga kamay niya na nakahawak sa mga braso ko. Iniwan ko siya kaagad. Ni hindi ko siya nilingon pa. Kinabukasan, nalaman ko na binangga niya ng Ducati ang kotse ni Brandon. Yong pasaway niyang step brother. Wasak daw ang dalawang unahan ng magkaibang mga sasakyan. Samantalang naalala ko pa na halos kulambuan ni Craig ang motor na yon. Ayaw padapuan kahit sa alikabok. Malala raw at na-hospital. Nabalian, pero hindi ako nagpa-apekto. Nagpanic si lola at umiyak pero hindi
HELGA POV:Kung hindi ka sa akin nagkagusto hindi ako palalayasin at pag iinitan ng angkan mo!Bakit ako lang?Bakit hindi ko puedeng isama si Lola?At bakit ayaw umalis ni lola sa lugar na ito?Bakit ang hirap maging ako?“Narito ako.” Hinagkan niya ako sa buhok. “Marami akong kayang gawin para sa inyo. Kailangan mo lang akong hayaang nasa tabi mo, Helga.” Hindi na ako tumanggi nang yakapin niya ako nang mas mahigpit. Yong yakap na parang pag aari niya ako. “Payag na akong maghintay gaya nang sinabi ko. Sorry kung mapilit ako.”Pinahid ko ang luha ko. Tinalikuran ko siya dahil baka makita kami ni Nancy.Dumeretso ako sa taniman ng sili at nakita kong maayos naman ang mga yon na parang hindi binunot. Pero hindi pa sigurado, malalaman ko lang kung mabubuhay o mamamatay ang mga yon makalipas pa ang ilang araw dahil February pa lang. Kapag tumaas ang temperatura ng lupa, mas magiging mabilis ang pagkabulok at pagkamatay ng mga halaman.Kinatatakutan ko ang mga palatandaan: isa-isang m
Nahawakan ako sa puno ng braso at dumiin ang mga daliri sa laman ko. Nang tingalain ko siya, nahirapan akong huminga. Nasasaktan siya. Nagdurugo. Wasak na wasak na naman ang puso ng paboritong anak ni Celeste dahil sa akin.Pero ano ba ang magagawa ko para sa kanya?Titig ko na ang nagsabing tama na, masasaktan lang tayong dalawa.Nang pakawalan niya ako mabigat din ang loob ko. Wala sa sarili akong naglakad pauwi.Nagtahulan ang aso nang malapit na ako sa bahay. At paglingon ko, nasa kinatatayuan pa rin si Craig kung saan ko siya iniwan.Tulala.Parang piniga ang puso ko.Ano ba talaga si Craig Alastair sa buhay ko?Bakit ganito ang nararamdaman ko?Naiwan ang tanong na yon sa isip ko at nakatulugan ko na lang. At umasa akong makakalimutan ko rin bukas ng umaga.Gaya ng lagi kong ginagawa. —-------NAKAPAMAYWANG ako sa harap ng kamalig. Na medyo tabingi na kaya tabingi na rin ang ulo ko.23 days to go. At tumatakbo ang oras. Hindi ko dinibdib ang ilang araw na hindi nagpapakita si C