MAGKAUSAP sina Tere at Direk Matte nang bumalik sa event hall si Jamilla. Agad itong sinalubong ng dalawa."How's the ending?" usisa ng baklang direktor. "Is it satisfying?""Lack of emotion. Siguro pinipigilan niya lang ang sarili para 'di ma-disfigure ang mukha."Natawa si Direk Matte. "Ganyan ang problema ng mga retokada.""And I've seen no remorse from her. Kaya nagbago na ang isip ko. Contact all her previous contracts. Kapag nalaman nila ang totoo na nilinlang niya ang publiko, they will surely file a lawsuit against her.""I'll do that."Kinuha ni Jamilla sa bag ang inihanda na roong tseke at inabot kay Direk Matte. "It was a nice show. Treat your crew in some fancy restaurant.""Siguradong matutuwa sila. Salamat.""We'll go ahead. If you need anything, just give me a call. Okay?"Nakangiting tumango si Direk Matte. Inihatid niya ang dalawa hanggang sa pinagparadahan ng kanilang sasakyan."Bye. See you again," paalam ni Jamilla.Hinintay muna ni Direk Matte na mawala sa paningi
"MA'AM..."Napaangat ng mukha si Jamilla. Hindi pa halos umiinit ang puwetan niya sa upuan ng kanyang opisina. Dumiretso siya roon matapos ang paghaharap nila ni Corrie. It was an exhausting day. Gusto muna sana niya na magpahinga bago ang susunod niyang lakad. Her schedule for that day is full kaya hindi na siya nagpadagdag nang iba pang appointment."Hi."Naputol ang pagsasalita ng pumasok na sekretarya nang nakangiting bumungad at bumati mula sa likuran nito ang hindi inaasahan na bisita."My apology for coming unannounced."Sinenyasan ni Jamilla ang sekretarya na lumabas na ito at iwan na muna sila roon ng dumating na lalaki."I finally meet the youngest yet beautiful and mysterious VP of Magna.""I was really planning to invite you for dinner, Mr. Romeo.""Well, well, well. That would be a great honour, then." Inilahad nito ang palad, "Nice to meet you."Nakangiti namang tinanggap ni Jamilla ang pakikipagkamay ng lalaki. "Nice to meet you, too. Please have a seat.""Thank you."N
"DADDY, do you know why the mouse likes cheese?"Deretso lamang ang tingin ni Jerry mula sa pagkakapuwesto niya sa balkonahe ng kanyang silid. Mas maganda sa bahaging iyon dahil malinaw siyang natatanaw ng anak sa ibaba ng hardin."Because they like to be cheesy!"Narinig niya ang hagikhik ni Amberlyn na natutuwa sa sarili nitong biro. Pinili niya na ilihis dito ang mga mata at tumanaw sa malayo."Daddy, do you know why the cats like licking their paws?"Nakatingala lang si Amberlyn. Hindi ito umalis sa kinatatayuan kahit nananakit na ang batok nito."Because they are called paw-sa!"Napakagat ng labi si Jerry upang pigilan ang mapangiti sa biro na iyon ng anak."Yaya, I think Daddy is not in the mood today." Lumapit si Amberlyn kay Erin na nakaupo lamang sa unahan nito. "Wala na po akong joke. And I can't still make him laugh.""May ibang araw pa naman.""I will pick some flowers for him.""Okay."Bumalik uli si Amberlyn sa ilalim ng balkonahe ng ama. "What do you like, Daddy? A rose
INALIS ni Jamilla ang suot na sunglasses nang makababa siya sa sasakyan at saka inilibot ang tingin sa paligid.At first glance, masasabi na agad na mayayaman ang nakatira roon. Hindi lamang basta malalaki ang bahay; the exterior is sumptuous, and the landscape is quite exquisite."Is this the right place?" tanong ni Jamilla kay Tere."Yes, Ma'am.""They are too bold. Do you think they lived here happily and peacefully?"Hindi umimik si Tere na nakatanaw rin sa malaking bahay na kanilang tinapatan."Mukhang nawala na ang takot nila sa katawan. I will give them a bit of a scare. Baka sakaling tubuan sila ng konsensiya."Humakbang na patungo sa gate si Jamilla. Mukha ni Tere ang tumapat sa intercom doorbell kaya ito ang nakita sa video screen sa loob ng bahay."Sino ka?""Gusto kong makausap si Aurora Pulatis.""Bakit?""Ipinadala ako ng Villar.""Sandali lang."Narinig ng dalawa ang pagtawag ng sumagot sa intercom sa ina nito. Ilang sandali lang ay kusang nagbukas ang pinto.Nauna si
"HI."Ang magiliw na pagbati ni Jamilla ay taliwas sa naging salubong ng taong sinadya pa niya sa mismong opisina nito."Sorry." She stayed at the entrance teasingly, "Do I need an invitation to come in?""No sincerity at all. Hindi na rin ako makatanggi pa dahil nandito ka na.""Mr. Pelaez, please bear my rudeness for a while. You know, I'm a busy person. So, I really take everything in every day, just like tomorrow is my funeral."Napasuyod ng tingin ang lalaki sa itim na kasuotan ni Jamilla mula ulo hanggang paa. "It seems that you just attended a burial.""A cremation, to be precise. Mabuti na lang at minadali nila ang pagsunog. At least, I still have time to visit you." Naupo siya sa kaharap ng ginoo kahit wala pang imbitasyon. "Huwag mo na akong alukin ng kape. I had enough there. At hindi rin naman ako magtatagal basta maibibigay mo agad sa akin ang sadya ko rito. Well, I assume na natanggap mo ang ipinadala kong email.""I did.""Good. Does it move you?"Sumandal sa kinauupuan
TITIG na titig si Jamilala sa red envelope na nasa harapan. Bumalik siya sa opisina kaysa umuwi ng bahay. Mas malapit kasi rito ang RIM. She needs a space to think. Baka kapag nagtagal pa siya sa kotse ay bumigat nang bumigat ang kasalukuyan na bumabagabag sa kanyang puso at isip.Nag-iwan ng malaking palaisipan lalo na nang alalahanin sa kanya ang parehong naging tanong nina Gener at Antonino.There must be a possibility. Naniniwala siya sa himala. Puwede iyong mangyari. But she hates the idea na baka umaasa lamang siya sa isang imposible. It'll just hurt her deeper if it turns out a hopeless dream.Napukaw ang naglalakbay na diwa ni Jamilla nang tumunog ang cellphone. Agad niya iyong sinagot, "Gener.""May problema ba?""Huh?""Dinig ko sa boses mo.""Oh," maikli niyang tugon. Hindi siya magaling magtago ng nararamdaman. "It's nothing.""Nasa stakeout ako noong tumawag ka kaya hindi ko kaagad nasagot.""Any progress?""As of now, wala pa. Pero ginagawa namin ang lahat.""Anyway, I a
MULA sa kinatatayuan ni Miguel sa ikatlong palapag, tanaw niya sa ibaba ang halos kabuaan ng malawak na una't ikalawang palapag ng DBK. Ang parteng iyon ang pinakaabala sa lahat nang lugar dahil naroon ang planning and marketing at research and development. Naroon sa bahaging iyon ng gusali ang mga utak na bumubuo sa kanyang elite team.They handled all their projects well. Kaya walang pumapalpak isa man sa kanilang mga proyekto. He and himself made sure that the client would get the best result of satisfaction.When the DBK started in the industry, hindi pa ito gaanong kilala. But when they've got a deal from Regal Oasis ay nagsimula na roon ang pag-angat nito.They soared high like an eagle. Inakala ni Miguel noon na hindi na siya babagsak. It gives him confidence to even aim more."Sir..."Hindi natinag sa posisyon si Miguel na nanatili lang nakatingin sa ibaba. Kilala naman niya ang lumapit sa kanya kaya hindi na niya ito sinulyapan pa. Isa ito sa mga bumubuo ng kanyang legal team
TUMANAW sa labas ng kotse si Jamilla nang sabihin ng drayber na malapit na sila sa Memorial Park. Bahagya niyang ibinana ang bintana. At pumasok doon ang malamig na hangin. Napapikit siya. The wind plays like a sad music. Nang dumilat ang dalaga, a chill of mix emotion came to her; regrets, misery. It breaks her heart as the cemetery appear into view.Hindi niya inaalis sa puso ang sumisilip na munting pag-asa na posibleng buhay pa ang kanyang mga kapatid. Kahit iyon na lang sana sa lahat nang hiling niya ay ibigay ng langit."Ma'am," untag ni Tere na kanina pa abala sa hawak na IPad. Lumingon ito mula sa kinauupuan sa passenger's seat. "I found a company na huhukay po sa labi ng mga kapatid mo.""Good. Please, I want it as soon as possible.""Yes, ma'am. Kakausapin ko mamaya ang management ng Memorial Park para sa gagawin nating excavation.""And please, Tere. Find a reliable hospital to conduct a DNA.""Yes, ma'am."Muling tumanaw sa labas ng bintana si Jamilla. At napukaw siya sa
"ANONG ibig sabihin nito?"Bahagyang napapitlag si Gener nang pabagsak na ibinaba ng opisyal niya sa ibabaw ng mesa ang isang asul na folder."Kaya ka ba humingi ng leave para rito?"Nang buklatin ng lalaki ang folder, nakita niya roon ang ilang pahina ng mga papel at larawan ng kanyang grupo during their stakeout sa paghahanap kay Herman."You're trying to open a cold case? And you are doing it behind my back?"Muling napasulyap si Gener sa folder. Marahil ang mga papel na naroon ay tugon mula sa request nila ni Jamilla upang buksan uli ang kaso ng pamilya Angeles."What do you think you're thinking? Nasisiraan ka na ba ng ulo?""Sir -""Hindi mangyayari ang pinaplano mo!"Hinablot ni Gener ang nakasukbit na tsapa sa uniporme kasama ng ang ID saka inilapag ang mga iyon sa mesa. "Dapat noon ko pa ito ginawa.""Where did you get that guts, huh?" panlalaki nito ng mga mata sa binata habang nakalarawan sa namumulang mukha ang galit."This is not simply just guts, but courage. Alam mo ba
PATINGKAYAD ang mga hakbang ni Amberlyn maging ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kanyang silid.Dahan-dahan din ang pagbaba niya sa hagdan, palinga-linga sa paligid. Hindi niya pa naririnig ang boses ng kanyang lolo't lola. Wala ang Mommy niya.Tumungo si Amberlyn sa kusina. Naroon ang Yaya Erin niya. Abala ito sa pagkain habang nakikipagkuwentuhan sa isang bagong katulong.Nang masiguro niyang may oras pa siya bago bumalik ang Yaya niya ay saka niya tinahak ang patungo sa silid ng kanyang ama.Sandali munang huminto si Amberlyn nang tumapat sa pinto. Nang walang marinig na ingay sa loob ay marahan niyang pinihit ang seradura.Dere-deretso na siyang pumasok at tumungo sa higaan ng ama."Daddy, when will you wake up? Let's play.""Let's play and be happy!" pag-iingay ng manika nang pindutin ng bata ang tiyan nito."Daddy, Angel also wants to play with you. We miss you. Please, wake up."Biglang naalarma si Amberlyn nang makarinig siya ng mga yabag sa labas. Nasundan iyon ng tinig ng
"MAGALING magtago si Herman. Mukhang magaling din ang taong tumutulong sa kanya..."Pasimple namang napasulyap si Jamilla kay Jordan. Blangko ang reaksiyon nito. Marahil mali talaga siya ng hinala. Hindi nito magagawang maglihim sa kanya."Ang ipinagtataka ko, anong rason bakit siya itinatago?" patuloy na kumento ni Gener."It's either he will be used as a bomb na pasasabugin sa tamang oras o posibleng may kailangan silang protektahan," saad ni Jamilla na hindi naiwasan na sulyapan uli si Jordan."Kung mangyari man iyan o totoo iyan, then it is against the Villar. Kalaban ng mga ito ang tumutulong sa kanya," ani Jack. "Magandang senyales iyan, hindi ba?"Tumango-tango si Jordan. "If that's the case, should we stop looking for him?""Wala rin namang progress ang stakeout ng grupo dahil nga magaling magtago si Herman," wika ni Gener. "How about we focused on the three musketeers?"Natuon ang tingin ng lahat kay Jack."Sina Miguel, Amelita at Corrie Villar ang tinutukoy ko. Sa pagkakaal
"SO, they started the counterpart..."Napahinto sa paghakbang si Jamilla na may tangan na tray ng apat na tasa ng umuusok na tsaa. Sandali muna siyang nanatili roon at pinakinggan ang usapan sa veranda."May mga tao pa rin ang tumutulong sa kanila," wika ni Vhen."Hindi sila madaling bumitiw," tugon ni Jordan. Kasama nito ang tatlo sa mga malalapit na kaibigan. "Not because of loyalty but fear na kapag nakabangon ulit ang mga Villar ay babalikan sila ng mga ito.""Anyway, may nakakatawang balitang nakarating sa akin."Natuon ang tingin ng lahat kay Jack-- the nosy one who loves interfering to other's people lives."Ano 'yon?" tanong ni Jordan."Hindi ko alam kung matatawa ba rito o magagalit ang Daddy mo.""Why?""He was linked to Jamilla.""I heard about it to my daughter," wika ni Dick na sinundan ng pagtawa. "At lalong ginagatungan ni Fred ang kumakalat na tsismis.""Ano ba kasi iyon?" pag-aapura ni Jordan."The Villar called Ella as your Dad's mistress," tugon ni Jack."WHAT?"Nag
"WHO are you?"Napatingin ang babaing nagkakabit ng dextrose sa pagpasok ni Corrie sa silid."Hello, Ma'am.""Tinatanong ko kung sino ka?" Napansin nito ang pagtaas ng isang kilay ng babae. "Aba! Parang gusto mo ng giyera!""Ako po si Monette. I was hired as a private nurse.""Private nurse?" Pinasadahan ng tingin nito ang kabuuan ng kaharap. "And why are you not wearing your uniform?"Napasuyod naman muna si Monette sa suot na white shirt, apricot skirt at itim na rubber shoes. "Uhm, hindi pa lang po ako nakakapagbihis. Inuna kong palitan kasi ang dextrose.""And you're planning to change your clothes in my husband's room?"Napasulyap si Monette sa walang malay na pasyente. At napangisi siya na lalong ikinainis ni Corrie. "Kung magigising man ang asawa niyo kapag naghubad ako rito, siguradong matutuwa si Madam Amelita.""You -""But I always respect my patients and my self kaya imposible ang iniisip ninyo. Sige po, Ma'am." Kinuha niya ang ipinatong na bag sa ibabaw ng isang silya. "M
"ANONG ginagawa mo rito?""Yaya.""Halika ngang bata ka!" Hinatak ni Erin si Amberlyn na inabutan niya sa kuwarto ni Corrie na nagkakalkal doon. "Ang tigas ng ulo mo!""Yaya, sandali lang po!""Hindi!""Please, Yaya?""Naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan!"Wala nang nagawa si Amberlyn habang hatak-hatak ni Erin hanggang makabalik sa silid nito."Ayaw mo ba talagang makinig sa akin, ha?" asik niya nang maiupo ang bata sa kama nito. "Alam mong laging mainit sa 'yo ang ulo ng mga tao rito, bakit panay ang gawa mo ng mga bagay na ikaw rin lang ang masasaktan?"Nakayuko ito at nangingiid ang luha. "Sorry po, Yaya.""Sorry ka nang sorry, pero inuulit mo nang inuulit! Anong ginagawa mo sa kuwarta ng nanay mo?""I was looking for my phone."Sandaling napipilan si Erin. Noong isang araw kasi ay kinumpiska ng amo niyang babae ang cellphone ni Amberlyn dahil lang mainit ang ulo nito nang umuwi ng bahay. At nabalingan na naman nito ang bata."Puwede mo namang gamitin ang phone ko.""But Tita
"ALAM mo bang may nakilala akong bata na kapareho nang panlasa ko pagdating dito sa spaghetti."Napasulyap muna si Jordan sa pagkain na ibinibida ni Jamilla. "Really?""She's adorable and cute.""Who's adorable and cute? Me or that child?""What?""Ngayon lang kita narinig na nagbanggit ka nang tungkol sa bata. That's the topic you usually hate and avoid.""Iba si Amberlyn." Ngumiti si Jamilla habang nakatanaw sa kawalan. "Para kasing nakikita ko sa kanya ang anak ko."Hindi umimik si Jordan."Wait here."Tumayo si Jamilla at tumungo sa silid niya. Kinuha niya roon ang cellphone at agad ipinakita kay Jordan ang larawan nilang dalawa ni Amberlyn."Look. I gave her a hard copy. Gusto niya na i-display iyon sa sarili niyang silid.""I'm jealous," saad nito na sinabayan pa ng mahinang pag-iling. "Walong taon na rin tayong magkasama, pero hindi mo pa ginawang wallpaper ang mukha ko."Natawa si Jamilla. "She's just a kid, okay? Huwag mo siyang pagselosan.""Tsk!" Patuloy ito sa pag-iling,
NAMIMIGAT pa ang talukap ng kanyang mga mata. Ang gusto niya ay manatiling tulog upang wala siyang maalala at wala siyang iisipin. Pero ang haplod ng mainit na palad sa pisngi niya ay nag-iimbita sa kanyang kamalayan na gumising. She is longing for that touch since she felt it for the first time. Tila ang dantay niyon ay pumapawi sa mga problema't alalahanin niya sa buhay.Nang dumilat si Jamilla, ngumiti siya sa taong nagbibigay lagi ng kaligtasan at kasiyahan sa kanya. Without this man, she can't be on her own. Ito ang lakas niya, noon at ngayon."How are you?""Jordan.""You sleep like a princess.""Are you my Prince Charming who wakes me up from my deep sleep?"Nakangiting tumango si Jordan. "There's no witch around, so I easily found my way here.""Mabuti naman at hindi ka nahirapan. But for sure, pinagsawaan mo muna akong titigan."Ngumiti ulit ito. "May masakit ba sa 'yo? Do you feel better now?"Bumaba ang tingin ni Jamilla sa kumot na nakatabing sa kanyang katawan. At napamu
"TAHAN na, tahan na.""I want to see my Daddy!""Hindi pa nga puwede kasi nasa ospital pa siya," patuloy na pag-aalo ni Erin sa umiiyak na alaga."But children can go also to the hospital!""Oo, pero hindi papayag ang pamilya mo na pumunta tayo roon.""Bakit po?""Uhm..." Nag-isip siya ng idadahilan, "Baka kasi magkasakit ka rin.""No, Yaya. I'm strong. Please? I want to see my Daddy.""Amber -""Ano bang ingay rito, ha?"Parehong napapitlag sina Amberlyn at Erin nang dumating si Miguel. Halatang lasing ito.Nasa sala ang dalawa at hindi nila inaasahang darating ng maaga ang ginoo.Madalas hatinggabi o madaling-araw na ang buong pamilya umuuwi dahil kaliwa't kanan ang mga party na dinadaluhan ng mga ito. Pero iyon ay noong may DBK at Fab & Style pa.Baka lagi nang umuwi ng maaga ang mag-asawa. At delikado na ang alaga niya ang pagbuntunan ng galit ng mga ito."Lolo..." Lumapit ito sa matanda, "Where's Daddy?""Ikaw!" Hinablot nito sa damit ang apo, "Ikaw ang nagdala ng kamalasan sa bu