"MA'AM..."Napaangat ng mukha si Jamilla. Hindi pa halos umiinit ang puwetan niya sa upuan ng kanyang opisina. Dumiretso siya roon matapos ang paghaharap nila ni Corrie. It was an exhausting day. Gusto muna sana niya na magpahinga bago ang susunod niyang lakad. Her schedule for that day is full kaya hindi na siya nagpadagdag nang iba pang appointment."Hi."Naputol ang pagsasalita ng pumasok na sekretarya nang nakangiting bumungad at bumati mula sa likuran nito ang hindi inaasahan na bisita."My apology for coming unannounced."Sinenyasan ni Jamilla ang sekretarya na lumabas na ito at iwan na muna sila roon ng dumating na lalaki."I finally meet the youngest yet beautiful and mysterious VP of Magna.""I was really planning to invite you for dinner, Mr. Romeo.""Well, well, well. That would be a great honour, then." Inilahad nito ang palad, "Nice to meet you."Nakangiti namang tinanggap ni Jamilla ang pakikipagkamay ng lalaki. "Nice to meet you, too. Please have a seat.""Thank you."N
"DADDY, do you know why the mouse likes cheese?"Deretso lamang ang tingin ni Jerry mula sa pagkakapuwesto niya sa balkonahe ng kanyang silid. Mas maganda sa bahaging iyon dahil malinaw siyang natatanaw ng anak sa ibaba ng hardin."Because they like to be cheesy!"Narinig niya ang hagikhik ni Amberlyn na natutuwa sa sarili nitong biro. Pinili niya na ilihis dito ang mga mata at tumanaw sa malayo."Daddy, do you know why the cats like licking their paws?"Nakatingala lang si Amberlyn. Hindi ito umalis sa kinatatayuan kahit nananakit na ang batok nito."Because they are called paw-sa!"Napakagat ng labi si Jerry upang pigilan ang mapangiti sa biro na iyon ng anak."Yaya, I think Daddy is not in the mood today." Lumapit si Amberlyn kay Erin na nakaupo lamang sa unahan nito. "Wala na po akong joke. And I can't still make him laugh.""May ibang araw pa naman.""I will pick some flowers for him.""Okay."Bumalik uli si Amberlyn sa ilalim ng balkonahe ng ama. "What do you like, Daddy? A rose
INALIS ni Jamilla ang suot na sunglasses nang makababa siya sa sasakyan at saka inilibot ang tingin sa paligid.At first glance, masasabi na agad na mayayaman ang nakatira roon. Hindi lamang basta malalaki ang bahay; the exterior is sumptuous, and the landscape is quite exquisite."Is this the right place?" tanong ni Jamilla kay Tere."Yes, Ma'am.""They are too bold. Do you think they lived here happily and peacefully?"Hindi umimik si Tere na nakatanaw rin sa malaking bahay na kanilang tinapatan."Mukhang nawala na ang takot nila sa katawan. I will give them a bit of a scare. Baka sakaling tubuan sila ng konsensiya."Humakbang na patungo sa gate si Jamilla. Mukha ni Tere ang tumapat sa intercom doorbell kaya ito ang nakita sa video screen sa loob ng bahay."Sino ka?""Gusto kong makausap si Aurora Pulatis.""Bakit?""Ipinadala ako ng Villar.""Sandali lang."Narinig ng dalawa ang pagtawag ng sumagot sa intercom sa ina nito. Ilang sandali lang ay kusang nagbukas ang pinto.Nauna si
"HI."Ang magiliw na pagbati ni Jamilla ay taliwas sa naging salubong ng taong sinadya pa niya sa mismong opisina nito."Sorry." She stayed at the entrance teasingly, "Do I need an invitation to come in?""No sincerity at all. Hindi na rin ako makatanggi pa dahil nandito ka na.""Mr. Pelaez, please bear my rudeness for a while. You know, I'm a busy person. So, I really take everything in every day, just like tomorrow is my funeral."Napasuyod ng tingin ang lalaki sa itim na kasuotan ni Jamilla mula ulo hanggang paa. "It seems that you just attended a burial.""A cremation, to be precise. Mabuti na lang at minadali nila ang pagsunog. At least, I still have time to visit you." Naupo siya sa kaharap ng ginoo kahit wala pang imbitasyon. "Huwag mo na akong alukin ng kape. I had enough there. At hindi rin naman ako magtatagal basta maibibigay mo agad sa akin ang sadya ko rito. Well, I assume na natanggap mo ang ipinadala kong email.""I did.""Good. Does it move you?"Sumandal sa kinauupuan
TITIG na titig si Jamilala sa red envelope na nasa harapan. Bumalik siya sa opisina kaysa umuwi ng bahay. Mas malapit kasi rito ang RIM. She needs a space to think. Baka kapag nagtagal pa siya sa kotse ay bumigat nang bumigat ang kasalukuyan na bumabagabag sa kanyang puso at isip.Nag-iwan ng malaking palaisipan lalo na nang alalahanin sa kanya ang parehong naging tanong nina Gener at Antonino.There must be a possibility. Naniniwala siya sa himala. Puwede iyong mangyari. But she hates the idea na baka umaasa lamang siya sa isang imposible. It'll just hurt her deeper if it turns out a hopeless dream.Napukaw ang naglalakbay na diwa ni Jamilla nang tumunog ang cellphone. Agad niya iyong sinagot, "Gener.""May problema ba?""Huh?""Dinig ko sa boses mo.""Oh," maikli niyang tugon. Hindi siya magaling magtago ng nararamdaman. "It's nothing.""Nasa stakeout ako noong tumawag ka kaya hindi ko kaagad nasagot.""Any progress?""As of now, wala pa. Pero ginagawa namin ang lahat.""Anyway, I a
MULA sa kinatatayuan ni Miguel sa ikatlong palapag, tanaw niya sa ibaba ang halos kabuaan ng malawak na una't ikalawang palapag ng DBK. Ang parteng iyon ang pinakaabala sa lahat nang lugar dahil naroon ang planning and marketing at research and development. Naroon sa bahaging iyon ng gusali ang mga utak na bumubuo sa kanyang elite team.They handled all their projects well. Kaya walang pumapalpak isa man sa kanilang mga proyekto. He and himself made sure that the client would get the best result of satisfaction.When the DBK started in the industry, hindi pa ito gaanong kilala. But when they've got a deal from Regal Oasis ay nagsimula na roon ang pag-angat nito.They soared high like an eagle. Inakala ni Miguel noon na hindi na siya babagsak. It gives him confidence to even aim more."Sir..."Hindi natinag sa posisyon si Miguel na nanatili lang nakatingin sa ibaba. Kilala naman niya ang lumapit sa kanya kaya hindi na niya ito sinulyapan pa. Isa ito sa mga bumubuo ng kanyang legal team
TUMANAW sa labas ng kotse si Jamilla nang sabihin ng drayber na malapit na sila sa Memorial Park. Bahagya niyang ibinana ang bintana. At pumasok doon ang malamig na hangin. Napapikit siya. The wind plays like a sad music. Nang dumilat ang dalaga, a chill of mix emotion came to her; regrets, misery. It breaks her heart as the cemetery appear into view.Hindi niya inaalis sa puso ang sumisilip na munting pag-asa na posibleng buhay pa ang kanyang mga kapatid. Kahit iyon na lang sana sa lahat nang hiling niya ay ibigay ng langit."Ma'am," untag ni Tere na kanina pa abala sa hawak na IPad. Lumingon ito mula sa kinauupuan sa passenger's seat. "I found a company na huhukay po sa labi ng mga kapatid mo.""Good. Please, I want it as soon as possible.""Yes, ma'am. Kakausapin ko mamaya ang management ng Memorial Park para sa gagawin nating excavation.""And please, Tere. Find a reliable hospital to conduct a DNA.""Yes, ma'am."Muling tumanaw sa labas ng bintana si Jamilla. At napukaw siya sa
"TAMA ba ang narinig ko?""Ma, bakit gulat na gulat ka?" puna ni Jordan sa reaksyon ng ina."Sino ba namang hindi magugulat?" singit ni Cervo na nasa binabasa na tabloid ang tingin. Pero kanina rin ay napasulyap ito sa anak. "Matagal ka na naming sinabihan tungkol sa bagay na iyan. Mabuti't naisipan mo na ngayon.""What change your mind?"Napangiti lang si Jordan sa tanong ng ina. At napansin niya ang mapanukso nitong tingin. "It's my own decision.""Tumigil ka. Siguradong malaki riyan ang kinalaman ni Jamilla."Nahihiya namang napakamot sa batok si Jordan. "Well, yes. Ayokong maglakad sa simbahan na paika-ika. I want to give her the best and most memorable wedding.""So, may plano na kayo?" Ibinaba ni Cervo ang binabasang tabloid. Bigla itong nagkainteres sa usapan. "Why didn't you tell us about it?""Advance lang po siguro akong mag-isip. Ang totoo, wala pang alam si Jamilla na may ganoon akong plano."Lumukot ang mukha ni Andromeda. "Akala ko pa naman sigurado ka na.""Kaya nga po
HALOS madaling-araw nang nakatulog si Gener dahil pinag-aaralan niyang mabuti ang mga dokumento para sa pagbubukas ng Angeles case. He has been doing it for the whole week.Ang gusto sana niya ay magbabad pa sa higaan. Pero may mga matang nakadilat sa harapan niya. Ramdam niya iyon kahit nakapikit siya dahil sa mainit na hininga na dumadampi sa kanyang mukha.Dahan-dahang nagmulat si Gener. At tila humiwalay sa katawan niya ang kaluluwa niya nang una niyang mabungaran ang teddy bear ni Amberlyn. "Ano ba? Gusto mo ba akong atakehin sa puso?""Wala ka po bang trabaho ngayong araw?"Tumagilid siya ng higa sa sofa na may kasama pang pagsampay ng isang paa sa sandalan niyon. Doon na siya natulog dahil pinagamit niya ang kanyang silid sa kinupkop na bata na ngayon ay gusto na niyang pagsisihan dahil sinisira nito ang kanyang umaga."Huwag mo nga akong istorbohin!""It's nearly noon time, pero madilim pa rin sa buong bahay.""Hayaan mo lang na nakatabing ang mga kurtina para hindi pumasok an
MABABAKAS ang matinding lungkot sa mukha ni Jamilla nang lumabas siya sa maoseleum ng pamilya. Sinalubong siya ni Tere na may dalang payong.Sandali siyang huminto sa paghakbang at tumingala sa kalangitan. Makulimlim iyon at manaka-naka na ang pagpatak ng ulan. Tila nakikidalamhati rin ito sa kanyang nararamdaman.Eight years ago, she was left alone and broken. Hiniling niya noon sa Diyos na kunin na lang siya para makasama ang anak at pamilya. Gusto niyang mamatay na. Pero ngayon ay may dahilan na siya para mabuhay."Let's go," wika ni Jamilla kay Tere.Nang makapasok na ang dalawa sa kotse at umandar na iyon, hinayaan muna nila na mamayani ang katahimikan. Kahit si Rex ay nakikiramdam lang."May gusto ba kayong sabihin?" untag ni Jamilla.Nagkatinginan naman muna sina Rex at Tere. Sumenyas ang una sa huli na ito na ang magsabi."Fire away," utos ni Jamilla."Sigurado po kayo sa desisyon niyo, ma'am? Mabilis na paraan sana ang excavation at DNA test."Nagpakawala muna si Jamilla ng m
IBINABA ni Gener sa sopa ang kargang bata na hindi nakatulog sa biyahe kahit na panay ang hikab nito. Mayroon itong kinatatakutan na tila ba ang pagpikit ay katumbas ng bangungot.Nahuhuli rin niya na palinga-linga ito sa paligid; mula sa halos beinte minutos na biyahe nila hanggang sa makaayat sila ng kanyang inuupahang apartment."Pulis ka po ba?""Hindi. At ika-sampu mo nang tanong 'yan.""Twelve na po. Marunong po akong magbilang.""Marunong ka rin sanang tumahimik." Hinubad niya ang sapatos at itinabi sa gilid ng pinto. lsinuot niya ang tsinelas. "Ang daldal mo. Parang hindi napapagod ang bibig mo sa pagsasalita."Binalewala ni Amberlyn ang sinabi ni Gener. "Inaantok na po ako.""Uy, teka!" Pinigil niya ang bata sa aktong paghiga nito sa sofa. "Hindi ka matutulog nang marumi ang katawan at hitsura mo. Magkakalat ka pa rito. Kailangan mo ring sagutin ang mga itatanong ko.""Pulis ka po ba?""Bakit paulit-ulit ka na lang? Para kang sirang-plaka!""Pulis lang po ang maraming tanong.
MULA sa pagkakasampa ni Amberlyn sa ibabaw ng isa sa mga bintana ng silid ay pilit niyang inaabot ang mahabang water pipe na nakadikit sa dingding sa labas.Hindi siya puwedeng dumaan sa ibaba dahil naririnig niya ang pag-iingay roon ang kanyang ina. Kailangang makaalis siya ng bahay bago dumating ang mga pulis.Kagat-kagat ni Amberlyn sa tainga ang manika nang dumausdos siyq sa water pipe. Tinanggal na niya lahat nang kaba at takot sa katawan dahil kapag nahuli siya ay hindi niya alam ang gagawin sa kanya ng pamilya lalo na't wala na ang Yaya Erin niya sa tabi.Mababa lang naman ang pagitang una at ikalawang palapag kaya hindi naman siya nahirapan. Ang problema lang ay mataas ang nag-iisang puno sa likuran ng bahay na balak niyang akyatin para makalabas ng bakuran. Pero susubukan niya.Tulad nang ibinilin ni Erin, nagtago muna at naghintay ang bata ng pagkakataon. "AMBER?"Napatigil siya sa pag-akyat sa puno saka napalingon. Bigla siyang nakaramdam ng takot sa pagkakataong iyon. "Ku
"LET'S play and be happy!""Daddy, Angel wants to play with me.""Let's play and be happy!" pag-iingay uli ng manika nang pindutin ang tiyan nito ni Amberlyn."But I can not play with her. Gusto ko po kasi kasama ka. Daddy, gising ka na po. Please? I really miss you. Angel, too.""Let's play and be happy!""Sorry, Angel. Let's play when Daddy wakes up, okay?" Pinatango niya ang manika. "Good girl."Inihiga ni Amberlyn ang ulo sa tabi ng ama habang nakatingala at nakayakap dito."Daddy, when you wake up, let's go and travel. Hindi na po kasi ako pinapalabas nina Lola at Mommy ng bahay."Naging komportable sa pagkakahiga si Amberlyn habang kausap at yakap ang ama. Kaya hindi na niya namalayan na unti-unti na siyang hinihila ng antok.Nagising na lamang ang bata dahil may marahas na humali sa kanya patayo. At nanlaki ang mga mata niya, "Mommy?!""Anong ginagawa mo rito?""Mommy, I just want to see Daddy.""Sinong nagbigay permiso sa 'yo na pumunta at pumasok dito, ha?""Sorry po, Mommy."
ITINULOS sa posisyon si Monette kahit nabugahan ng tubig ng taong matagal din niyang pinangarap na muling makita. Hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ito. If she could just stare him that way, pipiliin niyang pigilin ang pag-ikot ng mundo. And she will hold the time to remain right just in front of him.He never changed. He is still the most handsome man in her eyes. Pero hindi siya dapat magpahalatang masaya siya sa pagtatagpo nila na iyon. She has to control her emotions."I assume na magkakilala na kayo," wika ni Jamilla na palihim na pinandilatan si Gener nang tumingin ito sa kanya. Tila bata itong nagpapasaklolo. "Tama ba?""He's an old colleague," malamig na saad ni Monette. "Anyway, I came here to meet you. Hindi ko alam na may bisita ka pala.""No, no. Hindi siya bisita rito."Gusto sanang itaas ni Monette ang isang kilay, pero pinigil niya iyon. Baka maging rude siya sa paningin ng dalawa. "Sorry. Asawa mo?""What do you think?" Naupo si Jamilla sa tabi ni Gener at kum
"ANONG ibig sabihin nito?"Bahagyang napapitlag si Gener nang pabagsak na ibinaba ng opisyal niya sa ibabaw ng mesa ang isang asul na folder."Kaya ka ba humingi ng leave para rito?"Nang buklatin ng lalaki ang folder, nakita niya roon ang ilang pahina ng mga papel at larawan ng kanyang grupo during their stakeout sa paghahanap kay Herman."You're trying to open a cold case? And you are doing it behind my back?"Muling napasulyap si Gener sa folder. Marahil ang mga papel na naroon ay tugon mula sa request nila ni Jamilla upang buksan uli ang kaso ng pamilya Angeles."What do you think you're thinking? Nasisiraan ka na ba ng ulo?""Sir -""Hindi mangyayari ang pinaplano mo!"Hinablot ni Gener ang nakasukbit na tsapa sa uniporme kasama ng ang ID saka inilapag ang mga iyon sa mesa. "Dapat noon ko pa ito ginawa.""Where did you get that guts, huh?" panlalaki nito ng mga mata sa binata habang nakalarawan sa namumulang mukha ang galit."This is not simply just guts, but courage. Alam mo ba
PATINGKAYAD ang mga hakbang ni Amberlyn maging ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kanyang silid.Dahan-dahan din ang pagbaba niya sa hagdan, palinga-linga sa paligid. Hindi niya pa naririnig ang boses ng kanyang lolo't lola. Wala ang Mommy niya.Tumungo si Amberlyn sa kusina. Naroon ang Yaya Erin niya. Abala ito sa pagkain habang nakikipagkuwentuhan sa isang bagong katulong.Nang masiguro niyang may oras pa siya bago bumalik ang Yaya niya ay saka niya tinahak ang patungo sa silid ng kanyang ama.Sandali munang huminto si Amberlyn nang tumapat sa pinto. Nang walang marinig na ingay sa loob ay marahan niyang pinihit ang seradura.Dere-deretso na siyang pumasok at tumungo sa higaan ng ama."Daddy, when will you wake up? Let's play.""Let's play and be happy!" pag-iingay ng manika nang pindutin ng bata ang tiyan nito."Daddy, Angel also wants to play with you. We miss you. Please, wake up."Biglang naalarma si Amberlyn nang makarinig siya ng mga yabag sa labas. Nasundan iyon ng tinig ng
"MAGALING magtago si Herman. Mukhang magaling din ang taong tumutulong sa kanya..."Pasimple namang napasulyap si Jamilla kay Jordan. Blangko ang reaksiyon nito. Marahil mali talaga siya ng hinala. Hindi nito magagawang maglihim sa kanya."Ang ipinagtataka ko, anong rason bakit siya itinatago?" patuloy na kumento ni Gener."It's either he will be used as a bomb na pasasabugin sa tamang oras o posibleng may kailangan silang protektahan," saad ni Jamilla na hindi naiwasan na sulyapan uli si Jordan."Kung mangyari man iyan o totoo iyan, then it is against the Villar. Kalaban ng mga ito ang tumutulong sa kanya," ani Jack. "Magandang senyales iyan, hindi ba?"Tumango-tango si Jordan. "If that's the case, should we stop looking for him?""Wala rin namang progress ang stakeout ng grupo dahil nga magaling magtago si Herman," wika ni Gener. "How about we focused on the three musketeers?"Natuon ang tingin ng lahat kay Jack."Sina Miguel, Amelita at Corrie Villar ang tinutukoy ko. Sa pagkakaal