TUMANAW sa labas ng kotse si Jamilla nang sabihin ng drayber na malapit na sila sa Memorial Park. Bahagya niyang ibinana ang bintana. At pumasok doon ang malamig na hangin. Napapikit siya. The wind plays like a sad music. Nang dumilat ang dalaga, a chill of mix emotion came to her; regrets, misery. It breaks her heart as the cemetery appear into view.Hindi niya inaalis sa puso ang sumisilip na munting pag-asa na posibleng buhay pa ang kanyang mga kapatid. Kahit iyon na lang sana sa lahat nang hiling niya ay ibigay ng langit."Ma'am," untag ni Tere na kanina pa abala sa hawak na IPad. Lumingon ito mula sa kinauupuan sa passenger's seat. "I found a company na huhukay po sa labi ng mga kapatid mo.""Good. Please, I want it as soon as possible.""Yes, ma'am. Kakausapin ko mamaya ang management ng Memorial Park para sa gagawin nating excavation.""And please, Tere. Find a reliable hospital to conduct a DNA.""Yes, ma'am."Muling tumanaw sa labas ng bintana si Jamilla. At napukaw siya sa
"TAMA ba ang narinig ko?""Ma, bakit gulat na gulat ka?" puna ni Jordan sa reaksyon ng ina."Sino ba namang hindi magugulat?" singit ni Cervo na nasa binabasa na tabloid ang tingin. Pero kanina rin ay napasulyap ito sa anak. "Matagal ka na naming sinabihan tungkol sa bagay na iyan. Mabuti't naisipan mo na ngayon.""What change your mind?"Napangiti lang si Jordan sa tanong ng ina. At napansin niya ang mapanukso nitong tingin. "It's my own decision.""Tumigil ka. Siguradong malaki riyan ang kinalaman ni Jamilla."Nahihiya namang napakamot sa batok si Jordan. "Well, yes. Ayokong maglakad sa simbahan na paika-ika. I want to give her the best and most memorable wedding.""So, may plano na kayo?" Ibinaba ni Cervo ang binabasang tabloid. Bigla itong nagkainteres sa usapan. "Why didn't you tell us about it?""Advance lang po siguro akong mag-isip. Ang totoo, wala pang alam si Jamilla na may ganoon akong plano."Lumukot ang mukha ni Andromeda. "Akala ko pa naman sigurado ka na.""Kaya nga po
"MA'AM, nagkausap na kami ng management nitong memorial..."Tumango lang si Jamilla na nakaluhod sa harapan ng puntod ng anak."They allow the excavation. Binayaran ko na rin sila para mapabilis ang proseso.""Let's go home, Tere.""Sige po." Napatingin ito sa iniunat na kamay ng amo. At inabot naman nito iyon. Nasagot ang pagtataka nito nang maramdaman ang pangangatal niyon. "Ma'am?""I'm fine."Napansin din ni Tere ang panghihina ni Jamilla. "Maupo muna kayo.""No. Gusto ko nang umuwi."Inalalayan ni Tere si Jamilla hanggang sa sasakyan. At kahit sa pagsakay ay halos matumba ang dalaga."Ma'am, okay ka lang po ba talaga?""Pagod lang ako. Sige na, Tatay Rex. Umalis na tayo."Napatingin na lang ang matandang driver kay Tere na tumango lang dito. Walang imikan ang tatlo sa sasakyan habang nasa biyahe.Nang makarating sila sa City Rolaye ay hindi na rin nagpahatid sa penthouse si Jamilla kahit nagpumilit pa ang dalawa. Hinintay pa niyang makalabas ang mga ito sa lobby bago pumasok ng e
"MUM! Dad!"Umaalingawngaw sa buong kabahayan ang sigaw ni Corrie at paulit-ulit nitong pagtawag sa mga biyenan."Mum! Dad!"Pumunta sa sala si Corrie. Gayundin sa kusina. Pero walang mga tao roon."Where are those d*mned maids!"Saka lang naalala ni Corrie na nagbawas pala sa bahay ng katulong sa utos na rin ng biyenan nitong lalaki.Since the DBK meet its doomed, they cut house expenses. Nagbenta rin si Miguel ng mga properties sa pag-aakala nitong maisasalba niyon ang kompanya nito."Hey! You!"Napatigil sa paghakbang ang katulong na may dalang balde at mop. "M-Ma'am?""Nasaan sila?" tanong ni Corrie."H-Ho? Sino po?" "Are you an idiot? Tinatanong kita tapos tatanungin mo rin ako?"Hindi agad nakaintindi ang katulong dahil titig na titig ito sa kakaibang hitsura ng amo."Nasaan sila?" pasigaw ulit nitong tanong na nagpapitlag sa babae."N-Nasa library po si Madam Amelita, ma'am."Halos liparin naman ni Corrie ang patungo sa hagdanan paakyat sa ikalawang palapag."Mum! Mum!"Nagula
"THERE is no way na mangyayari ito sa Han Group.""Dad, this is all because of Jamilla.""Why are you bringing up her name? Kanina mo pa iyan binabanggit.""She's back, Dad. Bumalik siya para paghigantihan tayong lahat."Natawa si Miguel. "What? Are you talking about that woman who had a relation to my son in the past?""Exactly. At makapangyarihan na siya.""Walong taon pa lang ang lumilipas. Do you think she can get the power more than what we earned for decades?""Dad, ibang-iba na nga si Jamilla!"Mula sa labas ng silid ay biglang napatigil sa pagpapagulong ng wheelchair si Jerry nang marinig ang pagbanggit ni Corrie sa pangalan ng dati niyang kasintahan.Bahagya siyang lumapit sa gilid ng nakabukas na pinto at palihim na nakinig sa usapan sa loob."She's like a lion. I can see it in her eyes. Punong-puno iyon ng galit."May kumurot na sakit sa puso ni Jerry sa pagkakarinig sa sinabi ni Corrie. He knew that he had caused those pain. Hindi niya masisisi si Jamilla kung maghiganti m
"YOU'RE still here? I told you to wash up yourself. Sumasakit ang mga mata ko sa 'yong tumingin.""I really can't be at peace. Pumapasok sa isip ko ang babaing iyon," wika ni Corrie na nagngingitngit pa rin sa galit. "If you were there, you would understand what I'm feeling now."Naiiling na bumalik sa upuan si Amelita habang abala naman si Miguel sa hawak nitong cellphone na hinahanap sa news ang nangyari sa Han Group. "Maybe that woman found someone na sumusuporta sa kanyang kabaliwan. Pero wala siyang mapapala. She's just good at acting but has no power at all. Hindi ka niya dapat maapektuhan. Or else, you will lose to someone as low as her."Saka lang nakaisip si Corrie na kumuha ng tissue na nakapatong sa centre table at pinahid ang nagkalat na makeup nito sa mukha partikular sa paligid ng mga mata. "I let her slide this time. Pero sa susunod na magkita kami, she'll regret messing up with me.""Now I wonder..." Sumandal si Amelita sa kinauupuan, "What happened to her for the past
"UGGHH!"Sandaling itinigil ni Jerry ang paglalagay ng ointment sa sugat ni Amberlyn sa noo nang muli itong dumaing. Hinihipan niya iyon. "Mahapdi lang sa una. Tiisin mo.""Daddy, masakit po talaga.""Kaya sa susunod, kapag sinabi ng Yaya Erin mo na huwag kang lalabas ng silid, huwag kang lalabas.""Gusto ka po kasing makita ni Angel. She likes you. Hindi ba, Angel? Yes! I like you, Daddy!" sabay pinatango nito ang ulo ng manika sa maliit nitong boses. "Can she call you Daddy, too?" tanong nito sa ama."Ano pa bang magagawa ko? 'Yon na ang itinawag niya sa akin."Napahagikhik si Amberlyn na sinundan din agad ng pagngiwi at pagdaing nang idantay uli ng ama sa noo nito ang bulak na may gamot. "Daddy?""Uhm?""Do you want to meet Angel's Mommy? I think you will like her, too.""And who is she?""She's the best Mommy in the whole wide world." Hininaan nito ang boses. "But let's just keep it a secret. Okay?""Why?""Because my Mommy will get mad at me if she knows that I like another Mommy
"HINDI kita maintindihan. Anong sinasabi mo?""Ang DBK -"Sandaling inilayo ni Miguel ang hawak na cellphone sa tapat ng tainga. May ingay kasi siyang naririnig sa kabilang linya na naging dahilan kaya hindi niya malinaw na maunawaan ang sinasabi ng kausap niya."Sir, kailangan niyong pumunta rito.""I'm on my way. Malapit na ako. Pero ano bang nangyayari riyan?"May naririnig siyang mga makina at samu't saring hiyawan ng mga tao.Ang pagtataka ni Miguel ay nasagot nang matanaw niya sa unahan ang kompanya niya. Pero makikita sa magkabilang direksiyon ng kalsada ang iba't ibang dambuhalang construction machines and equipments.Umagaw sa atensiyon ni Miguel ang ilang naglalakihang excavators. At ipinagdasal niya na sana mali ang kanyang iniisip.Hindi siya makapasok dahil sa umpukan ng mga tao sa gitna ng kalsada. Mabilis na siyang bumaba ng kotse at tumakbo na patungo sa grupo."Wala kayong dapat na ipag-alala. Magna will hire all of you."Nagpalakpakan ang mga empleyado na nagtipon-ti
HALOS madaling-araw nang nakatulog si Gener dahil pinag-aaralan niyang mabuti ang mga dokumento para sa pagbubukas ng Angeles case. He has been doing it for the whole week.Ang gusto sana niya ay magbabad pa sa higaan. Pero may mga matang nakadilat sa harapan niya. Ramdam niya iyon kahit nakapikit siya dahil sa mainit na hininga na dumadampi sa kanyang mukha.Dahan-dahang nagmulat si Gener. At tila humiwalay sa katawan niya ang kaluluwa niya nang una niyang mabungaran ang teddy bear ni Amberlyn. "Ano ba? Gusto mo ba akong atakehin sa puso?""Wala ka po bang trabaho ngayong araw?"Tumagilid siya ng higa sa sofa na may kasama pang pagsampay ng isang paa sa sandalan niyon. Doon na siya natulog dahil pinagamit niya ang kanyang silid sa kinupkop na bata na ngayon ay gusto na niyang pagsisihan dahil sinisira nito ang kanyang umaga."Huwag mo nga akong istorbohin!""It's nearly noon time, pero madilim pa rin sa buong bahay.""Hayaan mo lang na nakatabing ang mga kurtina para hindi pumasok an
MABABAKAS ang matinding lungkot sa mukha ni Jamilla nang lumabas siya sa maoseleum ng pamilya. Sinalubong siya ni Tere na may dalang payong.Sandali siyang huminto sa paghakbang at tumingala sa kalangitan. Makulimlim iyon at manaka-naka na ang pagpatak ng ulan. Tila nakikidalamhati rin ito sa kanyang nararamdaman.Eight years ago, she was left alone and broken. Hiniling niya noon sa Diyos na kunin na lang siya para makasama ang anak at pamilya. Gusto niyang mamatay na. Pero ngayon ay may dahilan na siya para mabuhay."Let's go," wika ni Jamilla kay Tere.Nang makapasok na ang dalawa sa kotse at umandar na iyon, hinayaan muna nila na mamayani ang katahimikan. Kahit si Rex ay nakikiramdam lang."May gusto ba kayong sabihin?" untag ni Jamilla.Nagkatinginan naman muna sina Rex at Tere. Sumenyas ang una sa huli na ito na ang magsabi."Fire away," utos ni Jamilla."Sigurado po kayo sa desisyon niyo, ma'am? Mabilis na paraan sana ang excavation at DNA test."Nagpakawala muna si Jamilla ng m
IBINABA ni Gener sa sopa ang kargang bata na hindi nakatulog sa biyahe kahit na panay ang hikab nito. Mayroon itong kinatatakutan na tila ba ang pagpikit ay katumbas ng bangungot.Nahuhuli rin niya na palinga-linga ito sa paligid; mula sa halos beinte minutos na biyahe nila hanggang sa makaayat sila ng kanyang inuupahang apartment."Pulis ka po ba?""Hindi. At ika-sampu mo nang tanong 'yan.""Twelve na po. Marunong po akong magbilang.""Marunong ka rin sanang tumahimik." Hinubad niya ang sapatos at itinabi sa gilid ng pinto. lsinuot niya ang tsinelas. "Ang daldal mo. Parang hindi napapagod ang bibig mo sa pagsasalita."Binalewala ni Amberlyn ang sinabi ni Gener. "Inaantok na po ako.""Uy, teka!" Pinigil niya ang bata sa aktong paghiga nito sa sofa. "Hindi ka matutulog nang marumi ang katawan at hitsura mo. Magkakalat ka pa rito. Kailangan mo ring sagutin ang mga itatanong ko.""Pulis ka po ba?""Bakit paulit-ulit ka na lang? Para kang sirang-plaka!""Pulis lang po ang maraming tanong.
MULA sa pagkakasampa ni Amberlyn sa ibabaw ng isa sa mga bintana ng silid ay pilit niyang inaabot ang mahabang water pipe na nakadikit sa dingding sa labas.Hindi siya puwedeng dumaan sa ibaba dahil naririnig niya ang pag-iingay roon ang kanyang ina. Kailangang makaalis siya ng bahay bago dumating ang mga pulis.Kagat-kagat ni Amberlyn sa tainga ang manika nang dumausdos siyq sa water pipe. Tinanggal na niya lahat nang kaba at takot sa katawan dahil kapag nahuli siya ay hindi niya alam ang gagawin sa kanya ng pamilya lalo na't wala na ang Yaya Erin niya sa tabi.Mababa lang naman ang pagitang una at ikalawang palapag kaya hindi naman siya nahirapan. Ang problema lang ay mataas ang nag-iisang puno sa likuran ng bahay na balak niyang akyatin para makalabas ng bakuran. Pero susubukan niya.Tulad nang ibinilin ni Erin, nagtago muna at naghintay ang bata ng pagkakataon. "AMBER?"Napatigil siya sa pag-akyat sa puno saka napalingon. Bigla siyang nakaramdam ng takot sa pagkakataong iyon. "Ku
"LET'S play and be happy!""Daddy, Angel wants to play with me.""Let's play and be happy!" pag-iingay uli ng manika nang pindutin ang tiyan nito ni Amberlyn."But I can not play with her. Gusto ko po kasi kasama ka. Daddy, gising ka na po. Please? I really miss you. Angel, too.""Let's play and be happy!""Sorry, Angel. Let's play when Daddy wakes up, okay?" Pinatango niya ang manika. "Good girl."Inihiga ni Amberlyn ang ulo sa tabi ng ama habang nakatingala at nakayakap dito."Daddy, when you wake up, let's go and travel. Hindi na po kasi ako pinapalabas nina Lola at Mommy ng bahay."Naging komportable sa pagkakahiga si Amberlyn habang kausap at yakap ang ama. Kaya hindi na niya namalayan na unti-unti na siyang hinihila ng antok.Nagising na lamang ang bata dahil may marahas na humali sa kanya patayo. At nanlaki ang mga mata niya, "Mommy?!""Anong ginagawa mo rito?""Mommy, I just want to see Daddy.""Sinong nagbigay permiso sa 'yo na pumunta at pumasok dito, ha?""Sorry po, Mommy."
ITINULOS sa posisyon si Monette kahit nabugahan ng tubig ng taong matagal din niyang pinangarap na muling makita. Hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ito. If she could just stare him that way, pipiliin niyang pigilin ang pag-ikot ng mundo. And she will hold the time to remain right just in front of him.He never changed. He is still the most handsome man in her eyes. Pero hindi siya dapat magpahalatang masaya siya sa pagtatagpo nila na iyon. She has to control her emotions."I assume na magkakilala na kayo," wika ni Jamilla na palihim na pinandilatan si Gener nang tumingin ito sa kanya. Tila bata itong nagpapasaklolo. "Tama ba?""He's an old colleague," malamig na saad ni Monette. "Anyway, I came here to meet you. Hindi ko alam na may bisita ka pala.""No, no. Hindi siya bisita rito."Gusto sanang itaas ni Monette ang isang kilay, pero pinigil niya iyon. Baka maging rude siya sa paningin ng dalawa. "Sorry. Asawa mo?""What do you think?" Naupo si Jamilla sa tabi ni Gener at kum
"ANONG ibig sabihin nito?"Bahagyang napapitlag si Gener nang pabagsak na ibinaba ng opisyal niya sa ibabaw ng mesa ang isang asul na folder."Kaya ka ba humingi ng leave para rito?"Nang buklatin ng lalaki ang folder, nakita niya roon ang ilang pahina ng mga papel at larawan ng kanyang grupo during their stakeout sa paghahanap kay Herman."You're trying to open a cold case? And you are doing it behind my back?"Muling napasulyap si Gener sa folder. Marahil ang mga papel na naroon ay tugon mula sa request nila ni Jamilla upang buksan uli ang kaso ng pamilya Angeles."What do you think you're thinking? Nasisiraan ka na ba ng ulo?""Sir -""Hindi mangyayari ang pinaplano mo!"Hinablot ni Gener ang nakasukbit na tsapa sa uniporme kasama ng ang ID saka inilapag ang mga iyon sa mesa. "Dapat noon ko pa ito ginawa.""Where did you get that guts, huh?" panlalaki nito ng mga mata sa binata habang nakalarawan sa namumulang mukha ang galit."This is not simply just guts, but courage. Alam mo ba
PATINGKAYAD ang mga hakbang ni Amberlyn maging ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kanyang silid.Dahan-dahan din ang pagbaba niya sa hagdan, palinga-linga sa paligid. Hindi niya pa naririnig ang boses ng kanyang lolo't lola. Wala ang Mommy niya.Tumungo si Amberlyn sa kusina. Naroon ang Yaya Erin niya. Abala ito sa pagkain habang nakikipagkuwentuhan sa isang bagong katulong.Nang masiguro niyang may oras pa siya bago bumalik ang Yaya niya ay saka niya tinahak ang patungo sa silid ng kanyang ama.Sandali munang huminto si Amberlyn nang tumapat sa pinto. Nang walang marinig na ingay sa loob ay marahan niyang pinihit ang seradura.Dere-deretso na siyang pumasok at tumungo sa higaan ng ama."Daddy, when will you wake up? Let's play.""Let's play and be happy!" pag-iingay ng manika nang pindutin ng bata ang tiyan nito."Daddy, Angel also wants to play with you. We miss you. Please, wake up."Biglang naalarma si Amberlyn nang makarinig siya ng mga yabag sa labas. Nasundan iyon ng tinig ng
"MAGALING magtago si Herman. Mukhang magaling din ang taong tumutulong sa kanya..."Pasimple namang napasulyap si Jamilla kay Jordan. Blangko ang reaksiyon nito. Marahil mali talaga siya ng hinala. Hindi nito magagawang maglihim sa kanya."Ang ipinagtataka ko, anong rason bakit siya itinatago?" patuloy na kumento ni Gener."It's either he will be used as a bomb na pasasabugin sa tamang oras o posibleng may kailangan silang protektahan," saad ni Jamilla na hindi naiwasan na sulyapan uli si Jordan."Kung mangyari man iyan o totoo iyan, then it is against the Villar. Kalaban ng mga ito ang tumutulong sa kanya," ani Jack. "Magandang senyales iyan, hindi ba?"Tumango-tango si Jordan. "If that's the case, should we stop looking for him?""Wala rin namang progress ang stakeout ng grupo dahil nga magaling magtago si Herman," wika ni Gener. "How about we focused on the three musketeers?"Natuon ang tingin ng lahat kay Jack."Sina Miguel, Amelita at Corrie Villar ang tinutukoy ko. Sa pagkakaal