"UGGHH!"Sandaling itinigil ni Jerry ang paglalagay ng ointment sa sugat ni Amberlyn sa noo nang muli itong dumaing. Hinihipan niya iyon. "Mahapdi lang sa una. Tiisin mo.""Daddy, masakit po talaga.""Kaya sa susunod, kapag sinabi ng Yaya Erin mo na huwag kang lalabas ng silid, huwag kang lalabas.""Gusto ka po kasing makita ni Angel. She likes you. Hindi ba, Angel? Yes! I like you, Daddy!" sabay pinatango nito ang ulo ng manika sa maliit nitong boses. "Can she call you Daddy, too?" tanong nito sa ama."Ano pa bang magagawa ko? 'Yon na ang itinawag niya sa akin."Napahagikhik si Amberlyn na sinundan din agad ng pagngiwi at pagdaing nang idantay uli ng ama sa noo nito ang bulak na may gamot. "Daddy?""Uhm?""Do you want to meet Angel's Mommy? I think you will like her, too.""And who is she?""She's the best Mommy in the whole wide world." Hininaan nito ang boses. "But let's just keep it a secret. Okay?""Why?""Because my Mommy will get mad at me if she knows that I like another Mommy
"HINDI kita maintindihan. Anong sinasabi mo?""Ang DBK -"Sandaling inilayo ni Miguel ang hawak na cellphone sa tapat ng tainga. May ingay kasi siyang naririnig sa kabilang linya na naging dahilan kaya hindi niya malinaw na maunawaan ang sinasabi ng kausap niya."Sir, kailangan niyong pumunta rito.""I'm on my way. Malapit na ako. Pero ano bang nangyayari riyan?"May naririnig siyang mga makina at samu't saring hiyawan ng mga tao.Ang pagtataka ni Miguel ay nasagot nang matanaw niya sa unahan ang kompanya niya. Pero makikita sa magkabilang direksiyon ng kalsada ang iba't ibang dambuhalang construction machines and equipments.Umagaw sa atensiyon ni Miguel ang ilang naglalakihang excavators. At ipinagdasal niya na sana mali ang kanyang iniisip.Hindi siya makapasok dahil sa umpukan ng mga tao sa gitna ng kalsada. Mabilis na siyang bumaba ng kotse at tumakbo na patungo sa grupo."Wala kayong dapat na ipag-alala. Magna will hire all of you."Nagpalakpakan ang mga empleyado na nagtipon-ti
"HOW did it happen, Ma?""Hindi rin namin alam. Biglaan ang mga pangyayari. We just found out one day that we're about to lose the Han Group.""Imposibleng wala kayong alam! Ano 'yon? Magic?"Nasa likurang bahagi ng hardin si Jerry upang magpahangin at makapag-isip. Pero narinig niya ang boses ng asawa. Kausap nito sa cellphone ang ina. Hindi nito napansin ang kanyang presensiya roon dahil nasa tagiliran siya ng wooden bench na bahagyang nakakubli sa isang mayabong na halaman."Dad is at rage dahil ang akala niya ay tinalikuran niyo siya. Do you know what happened to his company, right? This is not just a coincidence na pareho pang sabay na bumagsak ang DBK at Han.""May naiisip ka bang puwedeng gumawa nito?""I don't know. Hindi ko pa ma-confirm. But that person has no such power to overthrow two mighty businesses like DBK and Han. Imposible. Pero siya lang ang pumapasok sa isip.""Who was it?""Si Jamilla."Napaupo ng tuwid si Jerry sa muling pagkakarinig sa pangalan ng kanyang dati
"I WAS really planning to launch a new design. And this is going to be a big hit.""Should we celebrate it in advance?"Natawa si Amelita habang nakatingin sa hawak na isang pahina ng Oslo paper na may nakaguhit na design ng footwear. "I will let you know.""By the way, have you heard?""About what?""That Magna will overtake all of the businesses of the Villar clan.""What?""Well, it's just rumours."Inilipat ni Amelita sa kaliwang tainga ang hawak na cellphone nang makaramdam na ng pag-iinit niyon sa kanan na parte. "It is indeed. Magna even invested in my company.""Really?""Kaya huwag kang maniniwala sa mga naririnig mo lang," babala ni Amelita sa kausap na kaibigan na ngayon ay nasa isang business trip sa Amerika."How about Miguel's DBK? It was all over the news that -""Hey!" singhal ni Amelita sa kaibigan. "Tumawag ka lang ba para sumagap ng taismis?""Of course not!""Then, don't ruin my mood!""Relax. I was just confirming the news. Nag-aalala ako. We're friends, after all
NANGINGINIG at hindi halos makatayo si Amelita. Kahit nakakapit na siya sa mesa ay tila wala na siyang lakas para buhatin pa ang katawan."Ma'am...""Get out!" singhal niya sa pumasok na sekretarya na akto sanang tutulong sa kanya. "And don't let anyone come in!""Including me, amiga?"Nakatalikod man si Amelita, pero kilala niya ang nagmamay-ari ng tinig. Mabilis niyang pinahid ang basang pisngi dahil sa luha saka lumingon. "What do you -" Hindi na niya natapos ang pagtatanong nang makita ang mga pulis na kasama ni Lida. "Anong ibig sabihin nito?""I lost something precious. At may nakapagsabi sa akin na narito iyon.""What?" pagtataka niya. "Bakit dito mo hahanapin ang bagay na nawawala sa 'yo?"Lumapit ang isa sa tatlong pulis at saka iniangat ang isang pahinang papel. "May search warrant po kami.""Don't you touch any of my things!""Bakit?" Humakbang palapit si Lida. "You will call all your connections to save you? Huwag mo nang tangkain pa. They won't help you. Like what they di
NAG-UUMPUKAN ang mga katulong sa may hagdan habang nakatingin sa itaas. Dinig na dinig nila sa ibaba ang malalakas na ingay nang pagwawala at pagbabasag ng mga gamit ni Miguel sa silid nito mula nang dumating ito ilang minuto pa lang ang lumilipas."Ano na naman kayang nangyayari sa kanya?""May masamang espiritu na namang sumapi sa katawan niya.""Araw-araw na lang. Nagiging paborito na siyang tambayan ng mga ligaw na kaluluwa."Nagpigil ng tawa ang tatlo."Ang dami na naman nating ililigpit na kalat.""Mag-iingat ka," paalala ni Tere kay Mae. "Hindi pa gumagaling ang sugat mo mula sa pagkakabubog mo noong isang linggo dahil din sa isa pa nating amo na malaki ang sayad sa ulo.""Sshhh," saway ni Edna na pinagala ang tingin sa paligid. "Baka marinig kayo ng bruhang sinto-sinto rin," tukoy nito kay Amelita.Nagkubli ang tatlo sa isang sulok nang lumikha ng ingay ang pagpipigil nilang tumawa. Pero bumalik din sila sa dating puwesto nang magsisisigaw naman ang amo nilang lalaki."Mukhang
MAHAHALAGANG gamit lang ang inilagay ni Jerry sa kanyang maleta. Kasama roon ang ilang bugkos-bugkos na pera. Inipon niya iyon nang paunti-unti tuwing may pagkakataon na mautusan niya si Lodi, isa sa mga pinagkakatiwalaan niya sa mansyon.Matapos maiayos ang mga dadalhin ay tinungo niya ang bintana. Natanaw niya sa gate ang dalawang guwardiya roon na kasundo naman niya. At naabusuhan na niya ang mga ito sa kanilang plano. Ang problema lang nila ay may mga tauhan ang kanyang mga magulang na paroo't parito sa pagroronda ng paligid.Napatingin si Jerry sa may pinto nang makarinig siya ng mahihinang katok sa labas. Kasabay niyon ang pagpasok ni Erin na hawak-kamay si Amberlyn. "Dad -""Sshhh," saway agad nina Erin at Jerry sa bata. "Pinaalalahanan na kita kanina, 'di ba? Hinaan mo lang ang boses mo.""Sorry po, Yaya.""Amber, maglaro muna kayo ni Angel. Huwag lang kayong maingay.""Sige po, Daddy."Sinundan ng tingin nina Erin at Jerry ang pagsampa ni Amberlyn sa kama."Sir, sigurado na
NAPAUPO ng tuwid si Erin habang ang mga palad ay nakatakip sa magkabilang tainga ni Amberlyn. Dinig na dinig kasi sa pinagtataguan nila ang sagutan ng mga amo."Yaya...""Ssshhh!"Alam niyang lumabas ng silid ang mag-asawa. Pero naalarma siya sa malakas na sigaw ng among babae na sinundan ng kalabog. At kinabahan siya sa senaryong pumasok sa kanyang isip. "Dito ka lang.""Huwag niyo po akong iiwan, Yaya.""Sandali lang ako.""I want to see my daddy, too.""Oo, mamaya. Kapag hindi ka nag-ingay rito, dadalhin kita sa kanya.""But he's just outside.""Amber, huwag matigas ang ulo. Sinabi ko na sa 'yo na palagi kang makikinig sa akin.""Opo, Yaya."Inayos ni Erin ang pagkakaupo ng bata sa loob ng bathtub. "Huwag kang lalabas, ha?""Opo. Hindi rin ako mag-iingay.""Good.""Bilisan mo lang po, Yaya. I'm scared."Tumango lang si Erin at patingkayad na humakbang patungo sa pinto. Maingat muna niyang pinihit ang seradura bago siya sumilip sa labas. Wala na ngang tao roon. Pero nakakalat ang m
HALOS madaling-araw nang nakatulog si Gener dahil pinag-aaralan niyang mabuti ang mga dokumento para sa pagbubukas ng Angeles case. He has been doing it for the whole week.Ang gusto sana niya ay magbabad pa sa higaan. Pero may mga matang nakadilat sa harapan niya. Ramdam niya iyon kahit nakapikit siya dahil sa mainit na hininga na dumadampi sa kanyang mukha.Dahan-dahang nagmulat si Gener. At tila humiwalay sa katawan niya ang kaluluwa niya nang una niyang mabungaran ang teddy bear ni Amberlyn. "Ano ba? Gusto mo ba akong atakehin sa puso?""Wala ka po bang trabaho ngayong araw?"Tumagilid siya ng higa sa sofa na may kasama pang pagsampay ng isang paa sa sandalan niyon. Doon na siya natulog dahil pinagamit niya ang kanyang silid sa kinupkop na bata na ngayon ay gusto na niyang pagsisihan dahil sinisira nito ang kanyang umaga."Huwag mo nga akong istorbohin!""It's nearly noon time, pero madilim pa rin sa buong bahay.""Hayaan mo lang na nakatabing ang mga kurtina para hindi pumasok an
MABABAKAS ang matinding lungkot sa mukha ni Jamilla nang lumabas siya sa maoseleum ng pamilya. Sinalubong siya ni Tere na may dalang payong.Sandali siyang huminto sa paghakbang at tumingala sa kalangitan. Makulimlim iyon at manaka-naka na ang pagpatak ng ulan. Tila nakikidalamhati rin ito sa kanyang nararamdaman.Eight years ago, she was left alone and broken. Hiniling niya noon sa Diyos na kunin na lang siya para makasama ang anak at pamilya. Gusto niyang mamatay na. Pero ngayon ay may dahilan na siya para mabuhay."Let's go," wika ni Jamilla kay Tere.Nang makapasok na ang dalawa sa kotse at umandar na iyon, hinayaan muna nila na mamayani ang katahimikan. Kahit si Rex ay nakikiramdam lang."May gusto ba kayong sabihin?" untag ni Jamilla.Nagkatinginan naman muna sina Rex at Tere. Sumenyas ang una sa huli na ito na ang magsabi."Fire away," utos ni Jamilla."Sigurado po kayo sa desisyon niyo, ma'am? Mabilis na paraan sana ang excavation at DNA test."Nagpakawala muna si Jamilla ng m
IBINABA ni Gener sa sopa ang kargang bata na hindi nakatulog sa biyahe kahit na panay ang hikab nito. Mayroon itong kinatatakutan na tila ba ang pagpikit ay katumbas ng bangungot.Nahuhuli rin niya na palinga-linga ito sa paligid; mula sa halos beinte minutos na biyahe nila hanggang sa makaayat sila ng kanyang inuupahang apartment."Pulis ka po ba?""Hindi. At ika-sampu mo nang tanong 'yan.""Twelve na po. Marunong po akong magbilang.""Marunong ka rin sanang tumahimik." Hinubad niya ang sapatos at itinabi sa gilid ng pinto. lsinuot niya ang tsinelas. "Ang daldal mo. Parang hindi napapagod ang bibig mo sa pagsasalita."Binalewala ni Amberlyn ang sinabi ni Gener. "Inaantok na po ako.""Uy, teka!" Pinigil niya ang bata sa aktong paghiga nito sa sofa. "Hindi ka matutulog nang marumi ang katawan at hitsura mo. Magkakalat ka pa rito. Kailangan mo ring sagutin ang mga itatanong ko.""Pulis ka po ba?""Bakit paulit-ulit ka na lang? Para kang sirang-plaka!""Pulis lang po ang maraming tanong.
MULA sa pagkakasampa ni Amberlyn sa ibabaw ng isa sa mga bintana ng silid ay pilit niyang inaabot ang mahabang water pipe na nakadikit sa dingding sa labas.Hindi siya puwedeng dumaan sa ibaba dahil naririnig niya ang pag-iingay roon ang kanyang ina. Kailangang makaalis siya ng bahay bago dumating ang mga pulis.Kagat-kagat ni Amberlyn sa tainga ang manika nang dumausdos siyq sa water pipe. Tinanggal na niya lahat nang kaba at takot sa katawan dahil kapag nahuli siya ay hindi niya alam ang gagawin sa kanya ng pamilya lalo na't wala na ang Yaya Erin niya sa tabi.Mababa lang naman ang pagitang una at ikalawang palapag kaya hindi naman siya nahirapan. Ang problema lang ay mataas ang nag-iisang puno sa likuran ng bahay na balak niyang akyatin para makalabas ng bakuran. Pero susubukan niya.Tulad nang ibinilin ni Erin, nagtago muna at naghintay ang bata ng pagkakataon. "AMBER?"Napatigil siya sa pag-akyat sa puno saka napalingon. Bigla siyang nakaramdam ng takot sa pagkakataong iyon. "Ku
"LET'S play and be happy!""Daddy, Angel wants to play with me.""Let's play and be happy!" pag-iingay uli ng manika nang pindutin ang tiyan nito ni Amberlyn."But I can not play with her. Gusto ko po kasi kasama ka. Daddy, gising ka na po. Please? I really miss you. Angel, too.""Let's play and be happy!""Sorry, Angel. Let's play when Daddy wakes up, okay?" Pinatango niya ang manika. "Good girl."Inihiga ni Amberlyn ang ulo sa tabi ng ama habang nakatingala at nakayakap dito."Daddy, when you wake up, let's go and travel. Hindi na po kasi ako pinapalabas nina Lola at Mommy ng bahay."Naging komportable sa pagkakahiga si Amberlyn habang kausap at yakap ang ama. Kaya hindi na niya namalayan na unti-unti na siyang hinihila ng antok.Nagising na lamang ang bata dahil may marahas na humali sa kanya patayo. At nanlaki ang mga mata niya, "Mommy?!""Anong ginagawa mo rito?""Mommy, I just want to see Daddy.""Sinong nagbigay permiso sa 'yo na pumunta at pumasok dito, ha?""Sorry po, Mommy."
ITINULOS sa posisyon si Monette kahit nabugahan ng tubig ng taong matagal din niyang pinangarap na muling makita. Hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ito. If she could just stare him that way, pipiliin niyang pigilin ang pag-ikot ng mundo. And she will hold the time to remain right just in front of him.He never changed. He is still the most handsome man in her eyes. Pero hindi siya dapat magpahalatang masaya siya sa pagtatagpo nila na iyon. She has to control her emotions."I assume na magkakilala na kayo," wika ni Jamilla na palihim na pinandilatan si Gener nang tumingin ito sa kanya. Tila bata itong nagpapasaklolo. "Tama ba?""He's an old colleague," malamig na saad ni Monette. "Anyway, I came here to meet you. Hindi ko alam na may bisita ka pala.""No, no. Hindi siya bisita rito."Gusto sanang itaas ni Monette ang isang kilay, pero pinigil niya iyon. Baka maging rude siya sa paningin ng dalawa. "Sorry. Asawa mo?""What do you think?" Naupo si Jamilla sa tabi ni Gener at kum
"ANONG ibig sabihin nito?"Bahagyang napapitlag si Gener nang pabagsak na ibinaba ng opisyal niya sa ibabaw ng mesa ang isang asul na folder."Kaya ka ba humingi ng leave para rito?"Nang buklatin ng lalaki ang folder, nakita niya roon ang ilang pahina ng mga papel at larawan ng kanyang grupo during their stakeout sa paghahanap kay Herman."You're trying to open a cold case? And you are doing it behind my back?"Muling napasulyap si Gener sa folder. Marahil ang mga papel na naroon ay tugon mula sa request nila ni Jamilla upang buksan uli ang kaso ng pamilya Angeles."What do you think you're thinking? Nasisiraan ka na ba ng ulo?""Sir -""Hindi mangyayari ang pinaplano mo!"Hinablot ni Gener ang nakasukbit na tsapa sa uniporme kasama ng ang ID saka inilapag ang mga iyon sa mesa. "Dapat noon ko pa ito ginawa.""Where did you get that guts, huh?" panlalaki nito ng mga mata sa binata habang nakalarawan sa namumulang mukha ang galit."This is not simply just guts, but courage. Alam mo ba
PATINGKAYAD ang mga hakbang ni Amberlyn maging ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kanyang silid.Dahan-dahan din ang pagbaba niya sa hagdan, palinga-linga sa paligid. Hindi niya pa naririnig ang boses ng kanyang lolo't lola. Wala ang Mommy niya.Tumungo si Amberlyn sa kusina. Naroon ang Yaya Erin niya. Abala ito sa pagkain habang nakikipagkuwentuhan sa isang bagong katulong.Nang masiguro niyang may oras pa siya bago bumalik ang Yaya niya ay saka niya tinahak ang patungo sa silid ng kanyang ama.Sandali munang huminto si Amberlyn nang tumapat sa pinto. Nang walang marinig na ingay sa loob ay marahan niyang pinihit ang seradura.Dere-deretso na siyang pumasok at tumungo sa higaan ng ama."Daddy, when will you wake up? Let's play.""Let's play and be happy!" pag-iingay ng manika nang pindutin ng bata ang tiyan nito."Daddy, Angel also wants to play with you. We miss you. Please, wake up."Biglang naalarma si Amberlyn nang makarinig siya ng mga yabag sa labas. Nasundan iyon ng tinig ng
"MAGALING magtago si Herman. Mukhang magaling din ang taong tumutulong sa kanya..."Pasimple namang napasulyap si Jamilla kay Jordan. Blangko ang reaksiyon nito. Marahil mali talaga siya ng hinala. Hindi nito magagawang maglihim sa kanya."Ang ipinagtataka ko, anong rason bakit siya itinatago?" patuloy na kumento ni Gener."It's either he will be used as a bomb na pasasabugin sa tamang oras o posibleng may kailangan silang protektahan," saad ni Jamilla na hindi naiwasan na sulyapan uli si Jordan."Kung mangyari man iyan o totoo iyan, then it is against the Villar. Kalaban ng mga ito ang tumutulong sa kanya," ani Jack. "Magandang senyales iyan, hindi ba?"Tumango-tango si Jordan. "If that's the case, should we stop looking for him?""Wala rin namang progress ang stakeout ng grupo dahil nga magaling magtago si Herman," wika ni Gener. "How about we focused on the three musketeers?"Natuon ang tingin ng lahat kay Jack."Sina Miguel, Amelita at Corrie Villar ang tinutukoy ko. Sa pagkakaal